EsP 8 Quarter 4 Module 52: Angkop na Kilos sa Pagsupil ng Karahasan sa Paaralan

This is a self-learning module (SLM) for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, values education), Quarter 4, Module 52: “Angkop na Kilos sa Pagsupil ng Karahasan sa Paaralan” (proper actions to stop violence in school). It was prepared by DepEd Region Caraga as an Alternative Delivery Module (first edition, 2020) for learners studying at home. After working through it, learners should be able to choose and carry out proper actions that prevent and stop violence and bullying in their own school.

What learners will learn

The module develops one learning competency:

  • Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga karahasan sa kanyang paaralan (carries out proper actions to prevent and stop violence in his or her school). Code: EsP8IPIVd-14.4

The module has one lesson, Aralin 1, which shares the module’s title. It opens with a quote from Dan Pearce: people who love themselves do not hurt others.

What violence in school means

In the Tuklasin part, learners solve a “four pictures, one word” puzzle. The word is karahasan (violence). The module explains that violence means actions that hurt another person, either physically or emotionally.

The module calls the school a learner’s second home. Even so, violent acts happen there. The examples it gives are:

  • one learner threatening or frightening another
  • spreading rumors and damaging someone’s name
  • insulting others through technology
  • hurtful words, actions, comments, or jokes
  • bullying, as described in Republic Act 10627, the Anti-Bullying Act of 2013
  • the worst case: a learner bringing a deadly object such as a knife to school

The module defines pambubulas (bullying) as a deliberate and often malicious attempt by a person or group to hurt the body or mind of one or more victims in school.

How family, society, and school help

The module says preventing violence starts with love and respect for oneself, for others, and for the life God has given. Family, society, and school all help learners act properly. Citing Raja (2019), it lists these contributions:

  • teaching good manners, such as not hurting or bullying others
  • praising children to build a positive outlook
  • teaching that hurting others is wrong
  • helping children trust themselves so they learn to trust others
  • helping children understand the effects of violence on themselves and others
  • holding and supporting awareness programs such as symposiums and seminars
  • enforcing laws that stop the spread of violence in school and society
  • giving children and learners proper guidance

Proper actions learners can take

The module stresses that no effort by parents, schools, or society will work unless it starts with the learner. Citing Yahnke (2019), it gives these personal guides:

  • Remember that joining in any violence brings nothing good.
  • Listen to the advice of parents, elders, teachers, and other authorities.
  • Love and respect yourself and others.
  • Join useful activities such as sports and reading.
  • Follow school rules and laws.
  • Handle every situation calmly.
  • Make friends with fellow learners.
  • Be sensitive to how others feel.
  • Show kindness to others.
  • Have faith in God.
  • Tell parents, teachers, or authorities when you witness violence.
  • Stay positive, honest, and open-minded.
  • Avoid making and spreading bad things about classmates.
  • Share your problems and worries with parents and teachers.

The test items show what these actions look like in real situations. For example, if a classmate grabs your notebook, the right response is to talk calmly and take it back, not to shout or hit. If you see classmates mocking someone, the right move is to tell your friend it is wrong or report it to the teacher or guidance counselor.

Activities in this module

PartActivityWhat learners do
SubukinPretest15 multiple-choice questions
BalikanGawain 1: Paraan o Karahasan?Mark statements as ways to avoid violence or not
BalikanGawain 2: Tungkulin ng Tao!List duties of a person in protecting life, using a graphic organizer
TuklasinGawain 3: Isang Salita sa Apat na Larawan!Find the word shown in four pictures
PagyamaninGawain 4: Kalasag laban sa Karahasan!Give 10 proper actions on a shield organizer
PagyamaninGawain 5: Masubok Nga!Give three contributions each of family, society, and school
PagyamaninGawain 6: Pulsuhan Mo!Explain what to do in three bullying situations
IsaisipGawain 7: Tanong Ko, Sagutan Mo!Answer three reflection questions
IsagawaGawain 8: Lobo ng Usapan!Complete speech balloons with calm, peaceful replies
TayahinPost-test15 multiple-choice questions
Karagdagang GawainGawain 9: Pagsulat ng Slogan!Write a slogan against school violence

Most written activities come with a scoring rubric (10, 7, or 3 points per criterion).

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest to see what you already know, then go through the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet, not on the module, so others can use it later. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher if anything is unclear.
  • Parents and guardians: The module was made for home learning with a facilitator. Help your child follow the order of the parts and talk through the situations in Gawain 6 and Gawain 8, which mirror real school conflicts.
  • Teachers: The teacher’s note says to let a learner move on if the Balikan activities are done well, and to send the learner back to the previous module if not. The answer key gives sample answers for the open-ended tasks; use the rubrics for scoring. Note that the Tayahin items are the pretest items in a different order, with their own answer key.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 52.

What competency does the module cover?

It covers EsP8IPIVd-14.4: carrying out proper actions to prevent and stop violence in one’s school.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest and post-test and sample answers for the activities, while the slogan task is scored with a rubric.

What law about bullying does the module mention?

It mentions Republic Act 10627, the Anti-Bullying Act of 2013, signed by former President Benigno Aquino III.

What does karahasan mean in this module?

Karahasan means violence: actions by a person that hurt others physically or emotionally, such as bullying, threats, insults, and bringing deadly objects to school.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

8 CO_Q3_ESP 8_Module 52

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikaapat na Markahan – Modyul 52 Angkop na Kilos sa Pagsupil ng Karahasan sa Paaralan

[illustration: students reading and working outdoors under a tree, a teacher at a desk with a student, two students with a globe, a boy reading by a lantern]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q3_ESP 8_Module 52

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang

Alternative Delivery Module

Ikaapat na Markahan – Modyul 52: Angkop na Kilos sa Pagsupil ng Karahasan sa Paaralan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng Caraga Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (085) 342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Megie M. Lillo

Patnugot: Emelinda L. Raza, Michael C. Paso

Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Julius P. Tesiorna, Alejandro M. Saclolo, Jr., Joris E. Ecoben, Jezzine F. Salar, Rashiel Joy F. Lepaopao, John Rey C. Clarion

Tagaguhit: Mark Lorenz C. Luib, Alim V. Eviota, Merlinda Malimit

Tagalapat: Mark Lorenz C. Luib, Nerissa Ga, Paul Andrew A. Tremedal

Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina

8 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikaapat na Markahan – Modyul 52 Angkop na Kilos sa Pagsupil ng Karahasan sa Paaralan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1 CO_Q3_ESP 8_Module 52

Aralin 1

Angkop na Kilos sa Pagsupil ng Karahasan sa Paaralan

“Ang mga taong nagmamahal sa kanilang sarili, hindi nakakasakit sa ibang tao. Kung mas kinamumuhian natin ang ating sarili, mas gusto nating magdusa ang iba”.

  • Dan Pearce
Alamin

[illustration: a finger pressing a button icon]

Sa modernong panahon, may mga magagawa ang tao upang maiwasan at masupil ang karahasan sa kani-kaniyang kinalalagyan. Ang mga taong nagnanais ng kapayapaan ay hindi lamang naghahangad ng kawalan ng kaguluhan, bagkus natututong makipagtulungan sa pagkakaroon ng alternatibong pagtugon sa karahasan.

Sinasabing sa sarili nagsisimula ang pagkakaroon ng isang ligtas na pamayanan. Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung nakakatulong ka sa pag-iwas at pagsugpo ng karahasan upang maging ligtas ang iyong pamayanan? Bilang kabataan, alam mo ba ang angkop na kilos kung paano maiiwasan at sugpuin ang karahasan sa paaralan?

Maaaring sa iyong edad ngayon ay may iilang ideya at paraan ka sa pag-iwas sa kaguluhan at karahasan. Ganoon pa man ay sikapin mong mapagtagumpayan ang modyul na ito upang magabayan ka pang lalo sa angkop na kilos na dapat maisagawa at maipakita upang makamit ang katiwasayan sa loob ng silid-aralan at sa paaralan, sa kabuoan.

Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:

a. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga karahasan sa kanyang paaralan. EsP8IPIVd-14.4

2 CO_Q3_ESP 8_Module 52

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

  1. Alin sa sumusunod ang angkop na kilos para makaiiwas at makasusupil ng karahasan sa paaralan?
    a. manlait ng kapwa
    b. mag-imbento ng kwento
    c. magpakita ng kabutihang loob
    d. manuntok upang ipagtanggol ang sarili


  2. Paano masusupil at maiiwasan ang mga karahasan sa paaralan?
    a. isipin lamang ang sarili
    b. pagsasarili sa problema
    c. pag-usapan ang kaklase
    d. pakikinig sa pangaral ng magulang


  3. Nakita mong kinukutya ng iyong kaibigan ang isang mag-aaral dahil ito ay sobrang payat, ano ang nararapat mong gawin?
    a. manahimik at huwag ng makialam
    b. susuportahan ang kaibigan sa ginawa
    c. suntukin ang nangungutya sa mag-aaral
    d. pagsabihan ang kaibigan na mali ang kaniyang ginawa


  4. Bilang Student Leader na tagapagsulong ng Anti-Bullying Act, ano ang pinakamainam na gawin para sa mag-aaral na nangungutya sa batang may kapansanan?
    a. pagbayarin ng multa sa pangungutyang ginawa
    b. turuan ng leksiyon ang kinukutya at ang nangungutya
    c. ipagbigay-alam sa Guidance Counselor upang mapangaralan
    d. sabihan siyang huwag na lang pumasok para hindi niya ma-bully ang mag-aaral na may kapansanan


  5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa na magiging daan upang makaiwas o masupil ang karahasan sa paaralan?
    a. bigyan ng pagkain ang kaklase
    b. aawayin ang mambubulas sa kaklase
    c. pagbibitaw ng masasakit na salita sa kaklase
    d. hindi sila pakialaman upang walang gulong mangyari


3 CO_Q3_ESP 8_Module 52

  1. Ano ang pinakamabisang magagawa ng mga awtoridad sa paaralan upang masupil ang pambu-bully?
    a. suspindihin ang nambu-bully sa paaralan
    b. papaglinisin sa school ground ang nambu-bully para magtanda
    c. hindi tatanggapin sa paaralan ang mga estudyanteng nambu-bully
    d. maglatag ng kaukulang programa para masupil ang pambu-bully sa paaralan


  2. Narinig ni Lyca na may balak ang matalik na kaibigang si Jane na hilahin ang buhok ng kaklase kaya sinaway niya ito at pinayuhan kaya hindi naituloy ang masamang balak nito. Alin sa mga pahayag ang patunay na naisagawa ni Lyca na masupil ang posibleng mangyaring karahasan sa paaralan?
    a. Pagsaway at pagpayo sa kaibigan.
    b. Pinapagalitan ang kaibigan sa masamang balak nito.
    c. Pagtulong sa kaibigan na hilahin ang buhok ng kaklase.
    d. Ipinagbigay-alam niya sa guro ang balak ng kanyang kaibigan.


  3. Si Athena ay biglang sinampal ng kanyang kaklaseng si Jen sa kadahilanan na hindi niya alam. Ano kaya ang dapat gawin ni Athena upang maiwasan ang karahasan?
    a. Pasasalamatan si Jen.
    b. Sasampalin din niya ito.
    c. Matuwa sa ginawa ng kapwa.
    d. Kakausapin si Jen ng masinsinan.


  4. Pumunta ang Nanay ni Jade sa paaralan upang ibigay ang naiwang baon nito at nasaksihan niyang inaaway ng grupo ng kalalakihan ang kanyang anak. Ano kaya ang maaaring hakbang na gawin ng Nanay ni Jade?
    a. dalhin sa police station at ireklamo
    b. makipag-ugnayan sa guidance counselor ng paaralan
    c. pagsabihan ang grupo ng masasakit na salita para magtanda
    d. paghahampasin ang mga estudyanteng nagpapaiyak sa kanyang anak


  5. Nakita mong nilagyan ng dahon ng saging ang bag ng isa mong kaklase. Ano ang pinakamainam na gawin sa ganitong sitwasyon upang matigil ang karahasan sa iyong kaklase?
    a. hayaan ang salarin sa kaniyang ginawa
    b. ipagbigay-alam sa guro ang tunay na nangyari
    c. tatahimik na lang at magpanggap na walang nakita
    d. tutulong sa paglagay ng dahon ng saging sa bag nito


4 CO_Q3_ESP 8_Module 52

  1. Nang ikaw ay palabas na ng silid-aralan, nakita mong kinandado ng iyong mga kaklase ang pintuan kahit may ibang kaklase pang nasa loob na naglilinis ng palikuran. Agad namang nagsitakbuhan ang mga ito palayo. Ano ang nararapat mong gawin upang matigil ang karahasan?
    a. batuhin ng tsinelas ang kaklase
    b. susuntukin ang nagsara ng pinto
    c. sigawan ang mga kaklaseng nagsitakbuhan
    d. buksan ang pinto ng palikuran at palabasin ang kaklase


  2. Likas na mabait si Naomi kahit na pinapahiya siya ni Jam sa loob ng silid-aralan. Hindi ito umiimik at umiiwas na lamang. Nakita ng guro ang ginawa ni Jam kay Naomi, ano ang nararapat na gawin ng guro upang hindi magpatuloy ang maling ginawa ni Jam?
    a. Papaluin si Jam sa harap ng klase.
    b. Pauuwiin nalang si Jam sa kanilang bahay.
    c. Ipaunawa kay Jam na mali ang kanyang ginawa.
    d. Ipapahuli agad sa pulis si Jam para ito ay magtanda.


  3. Habang ikaw ay nagsusulat ng iyong takdang aralin, biglang hinablot ang iyong kuwaderno. Ano ang iyong gagawin upang hindi na magkaroon ng gulo?
    a. sisigawan ang kaklase nang malakas
    b. susuntukin ang kaklase dahil sa inis
    c. ngingiti na lamang at ibigay na lang sa kanya ang kuwaderno
    d. mahinahon na kakausapin ang kaklase at kukunin ang kuwaderno


  4. Kasalukuyan kang nag-uulat sa harap ng klase, bigla kang nakarinig ng panlilibak mula sa iyong kaklase. Ano ang nararapat mong gawin upang makaiwas sa karahasan?
    a. gagantihan ang kaklase
    b. pagagalitan siya sa harap ng klase
    c. hahayaan mo na lang silang manlibak
    d. iiyak at hindi nalang itutuloy ang pag-uulat


  5. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng angkop na kilos bilang patunay sa pag-iwas ng karahasan sa paaralan?
    a. pananakit ng kapwa
    b. maayos na pakikitungo sa kapwa
    c. paggamit ng ipinagbabawal na gamot
    d. pagbibitaw ng masasakit na salita sa iba


Balikan

Ngayon, subukin sa Balikan ang natutunan mo sa nakaraang modyul upang hindi ka mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin. Alam kong kayang-kaya mo ito kaya’t ngayon pa lang binabati na kita.

[illustration: hand holding a puzzle piece, icon beside the heading Balikan]

Gawain 1: Paraan o Karahasan?

Panuto: Iguhit ang 😊 kung ang pahayag ay nagpapakita ng paraan sa pag-iwas ng anumang karahasan sa paaralan at ☹ naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Hihimukin ang mga kaklase na sumali sa fraternity.
  2. May disiplina sa sarili at umiiwas sa gulo.
  3. May malasakit at respeto sa kapwa.
  4. Marunong humingi ng tawad kapag nakagawa ng mali sa ibang tao.
  5. Mapagmataas at mapanlamang sa iba.
Gawain 2: Tungkulin ng Tao!

Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga tungkulin ng tao kaugnay sa pag-iingat sa buhay sa anumang pagkakasunod-sunod. Sa tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang susunod na rubrik ay gabay para sa pagmamarka ng ginawa.

[illustration: concentric-circle graphic organizer with a human figure at the center and four lightning bolts at the corners; the circles are numbered 1, 2, 3, 4, 5 from the outside inward]

Kung iyong isasaayos ang tungkulin ng tao mula sa pinakamahalaga, ano ang iyong uunahin? Ano naman ang iyong ihuhuli? Ipaliwanag ang iyong pinili.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG GINAWA

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Katamtaman (7 puntos)Kailangan pa ng kasanayan (3 puntos)Puntos
Pagkakompleto ng tugon sa gawainKompleto ang impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.May kulang na impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.Lubhang kulang ang impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.
Kawastohan ng sagotWasto ang mga impormasyong isinulat sa tugon sa diagram at follow up na katanungan.May tamang tugon at hindi wastong sagot ang naisulat sa alinmang bahagi ng gawain.Hindi wasto ang impormasyong isinulat bilang tugon sa alinmang bahagi ng gawain.
Kabuuan
Mga Tala para sa Guro

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang mga gawaing nasa Balikan, hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang naunang modyul.

[illustration: icon of a document with a hand, beside the heading Mga Tala para sa Guro]

Tuklasin

Gawain 3: Isang Salit sa Apat na Larawan!

Panuto: Tukuyin ang salitang ipinapakita sa apat na larawan at pagnilayan ang gabay na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[illustration: four black-and-white panels. Top left: students surrounding and pushing a younger student near a school building. Top right: a student raising a chair toward a classmate who is seated at a desk. Bottom left: a group of students pointing at and hemming in a boy in a school yard. Bottom right: students tying a rope around a classmate who is hanging over a pile of trash]

Pinagkukunan: Orihinal na guhit nina Mark Lorenz C. Luib, Alim V. Eviota at Merlinda W. Malimit

HRSAKANAA
Mga Gabay na Tanong

Sagutin mo.

  1. Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng salitang iyong nabuo?
  2. Bilang kabataan, paano mo ito maiiwasan?

Suriin

Karahasan ba ang salitang iyong nabuo sa ipinakitang larawan sa bahaging Tuklasin? Kung Oo, binabati kita at ikinagagalak kong tama ang iyong naging sagot. Makikita sa mga larawan na ang karahasan ay tumutukoy sa mga kilos ng isang tao na nakakasakit ng kanyang kapwa. Ito ay maaaring sa pisikal at emosyonal na aspeto ng tao (Raja, 2019). Ang ganitong pangyayari na nasa mga larawan ay karaniwang makikita sa paraalan.

Ang paaralan ay itinuturing ng guro at mag-aaral na ikalawang tahanan. Naniniwala silang ito ang tamang pundasyon upang malinang ang kaalaman, kakayahan at karanasan ng mga kabataan. Umaasa naman ang mga magulang na sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Inaasam din ng mga guro na magabayan nang maayos ang mga bata tungo sa pagkamit ng minimithing tagumpay bagama’t sa pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay ay hindi maiiwasang masangkot o mabiktima ng karahasan.

Hindi maipagkakaila na nangyayari ang iba’t ibang bayolenteng kilos maging sa loob ng paaralan. Ilan dito ang pananakot ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral, paninira, panlalait ng kapwa gamit ang teknolohiya na maaaring makaapekto sa pisikal at sikolohikal na kondisyon ng tao lalo pa’t nasa murang edad, paggamit ng masamang salita at kilos, komento o biro, mga gawain na itinuturing na pambubulas o bullying na nakasaad sa Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013 na nilagdaan ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Ang pinakamasama sa lahat ng marahas na kilos na maaaring maganap sa paaralan ay ang pagdadala ng mag-aaral ng mga bagay na nakamamatay tulad ng patalim. Kung kaya pinagsisikapan ng guro, magulang at iba pang miyembro ng lipunan na maiwasan, maagapan, at masolusyonan ang patuloy na paglaganap ng karahasan sa loob ng paaralan sapagkat malaki ang magiging epekto nito sa pagkatuto at pakikipag-ugnayan ng bata.

Suriin

Dagdag pa, ang karahasan ay maaaring maiwasan kung tayo ay may sapat na kaalaman at aktibong pakikilahok sa mga gawaing magpapaunlad ng angkop na kilos tungo sa pagsugpo sa anumang uri ng karahasan. Ang pag-iwas sa karahasan ay nasisimulan sa pagmamahal at pagpapahalaga ng sarili, kapwa, at sa buhay na ipinagkaloob ng Panginoon. Bukod dito, ang pamilya, lipunan, at paaralan ay may malaking kontribusyon sa pagkamit ng mga angkop na kilos upang mapagtagumpayang maiwasan at masupil ng mag-aaral ang karahasan sa paaralan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod (Raja, 2019):

a. Pagtuturo ng magandang asal gaya ng hindi pananakit o pambubulas sa kapwa.

Ang pambubulas o bullying ay isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan.

b. Pagbibigay puri sa mga anak upang mapagtibay ang positibong pananaw nito.

c. Pagtuturo na masama ang manakit ng kapwa.

d. Tulungan ang anak na magtiwala sa sarili nang sa gayon ay matutunan din niyang magtiwala sa iba.

e. Ipaunawa sa anak ang epekto ng karasahan sa sarili at sa kapwa.

f. Magsagawa at suportahan ang mga programang magpapaunlad sa kamalayan ng mga bata tungkol sa masamang epekto ng karahasan, gaya ng symposium at seminar.

g. Pagpapatupad ng mga panukalang batas na susugpo sa patuloy na paglaganap ng karahasan sa paaralan at maging sa lipunan.

h. Bigyan ng tamang paggabay ang mga anak at mag-aaral.

Anumang pagsisikap ng mga magulang, paaralan at lipunan sa pagsugpo ng karahasan ay walang pagbabagong magaganap kung hindi ito sisimulan sa sarili. Kung gayon ay nararapat na malaman mo ang mga angkop na kilos na isasagawa upang maiwasan at masupil ang mga karahasan sa paaralan.

Ayon kay Yahnke (2019), ang mga sumusunod ay angkop na kilos upang maiwasan ang karahasan sa paaralan. Ang mga ito ay gamitin bilang gabay sa sarili upang mapaunlad ng angkop na pagkilos at maiwasan ang karahasan sa paaralan.

✓ Isaisip mo na walang maidudulot na mabuti ang pakikisangkot sa anumang karahasan.

✓ Pakinggan mo ang payo ng iyong mga magulang, nakatatanda, guro at ibang awtoridad.

✓ Mahalin mo at igalang ang sarili at ang kapwa.

✓ Makilahok ka sa mga gawaing kapaki-pakinabang tulad ng isports, pagbabasa, at iba pa.

✓ Sumunod ka sa mga patakaran at batas pampaaralan.

✓ Pakitunguhan mo ang anumang sitwasyon nang mahinahon.

✓ Makipagkaibigan ka sa kapwa mag-aaral.

✓ Pairalin mo ang pagiging sensitibo sa nararamdaman ng ibang tao.

✓ Magpakita ka ng kabutihang-loob sa kapwa.

✓ Manampalataya ka sa Panginoon.

✓ Ipaalam mo sa magulang, guro, at kinauukulan kung may karahasang nasaksihan.

✓ Sikapin mong maging positibo, tapat, at bukas ang isipan sa lahat ng pagkakataon.

✓ Iwasan mo ang paggawa at pagpapakalat ng masamang bagay tungkol sa kapwa mag-aaral.

✓ Magbahagi ka ng problema o dinadamdam sa magulang at guro.

Tiyak na maiiwasan at masusupil ang karahasan sa paaralan kung magkakaisa at magtutulungan ang bawat sektor ng lipunan na tuwirang may awtoridad at responsibilidad para sa kapakanan ng mga mag-aaral. Tandaan na ikaw rin ay bahagi ng lipunan at ang paggawa ng angkop na kilos upang matigil ang karahasan ay nagsisimula sa sarili.

Pagyamanin

Gawain 4: Kalasag laban sa Karahasan!

Panuto: Magbigay ng sampung (10) angkop na kilos upang makaiwas at masupil ang karahasan sa paaralan. Sa tulong ng graphic organizer, isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang pagbibigay marka ng naigawang graphic organizer ay nagagabay ng sumusunod na rubrik.

[illustration: shield with a sword through it, the sword blade labeled KARAHASAN]

Pinagkukunan: Orihinal na guhit ni Alim V. Eviota

Kung ang karanasan mo ang ating pagbabatayan, alin sa mga sagot mo ang nagawa mo na para maiwasan at masupil ang karahasan sa paaralang iyong pinasukan? Bakit ito ang iyong ginawa?

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG GINAWA

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Katamtaman (7 puntos)Kailangan pa ng kasanayan (3 puntos)Puntos
Pagkakompleto ng tugon sa gawainKompleto ang impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.May kulang na impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.Lubhang kulang ang impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.
Kawastohan ng sagotWasto ang mga impormasyong isinulat sa tugon sa kalasag at follow up na katanungan.May tamang tugon at hindi wastong sagot ang naisulat sa alinmang bahagi ng gawain.Hindi wasto ang impormasyong isinulat bilang tugon sa alinmang bahagi ng gawain.
Kabuuan
Gawain 5: Masubok Nga!

Panuto: Magbigay ng tig-3 kontribusyon ng pamilya, lipunan at paaralan para maisagawa ng tao ang angkop na kilos upang maiwasan ang karahasan sa paaralan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang pagbibigay marka sa nagawa ay nagagabay ng sumusunod na rubrik.

[illustration: three empty rounded answer boxes stacked vertically, each with a label: PAMILYA (top), LIPUNAN (middle), PAARALAN (bottom)]

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG GINAWA

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Katamtaman (7 puntos)Kailangan pa ng kasanayan (3 puntos)Puntos
Pagkakompleto ng tugon sa gawainKompleto ang impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.May kulang na impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.Lubhang kulang ang impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.
Kawastohan ng sagotWasto ang mga impormasyong isinulat sa tugon sa kalasag at follow up na katanungan.May tamang tugon at hindi wastong sagot ang naisulat sa alinmang bahagi ng gawain.Hindi wasto ang impormasyong isinulat bilang tugon sa alinmang bahagi ng gawain.
Kabuuan
Gawain 6: Pulsuhan Mo!

Panuto: Unawain ang mga sitwasyon at ipaliwanag ang gagawin mong hakbang upang maiwasan o matigil ang ganitong pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang pagbibigay marka sa nagawa ay nagagabay ng sumusunod na rubrik.

  1. Palabiro si Ricky ngunit kadalasan ay nagagalit sa kanya ang mga nakakausap dahil hinahaluan niya ng malalaswang salita at kilos-katawan ang pagbibiro.


  2. Kinukutya ng mga kaklase niya si Nena dahil laging huli kung pumasok sa paaralan na nagdudulot ng pagkapahiya at tila nawalan ng ganang mag-aral.


  3. Bulol kung magsalita ang isa mong kaklase. Sa tuwing sumasagot siya, pinagtitinginan at pinagtatawanan siya ng iba mong kamag-aral.


RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Katamtaman (7 puntos)Kailangan pa ng kasanayan (3 puntos)Puntos
PokusPinapanatili ng sagot o pagpapaliwanag ang pagtuon sa pagtugon sa pangangailangan ng gawain.Malinaw ang sagot ngunit ang pagpapaliwanag ay pinapanatili ang pagtuon sa pagtugon sa pangangailangan ng gawain.Kulang ang kasagutan at hindi nito hinarap ang hinihingi ng gawain.
PangangatwiranMalinaw na nailalahad ang pangangatwiran at nakapagbibigay ng mga suportang detalye at halimbawa.Hindi masyadong malinaw na nailalahad ang pangangatwiran at nakapagbibigay ng iilang suportang detalye at halimbawa.Hindi malinaw na nailalahad ang pangangatwiran at hindi nakapagbibigay ng mga suportang detalye at halimbawa.
Organisasyon ng pagtugonAng tugon ay nagpapakita ng pag-unawa sa aralin kung saan magkakatugma ang inilahad na mga ideya.Sumubok magpakita ng pag-unawa sa aralin sa kaniyang pagtugon, ngunit ang ugnayan sa pagitan ng mga ideya ay hindi gaanong malinaw.Ang istraktura ng tugon ay hindi lubusang nagpapakita ng pag-unawa, na kung saan ang ugnayan ng mga ideya ay hindi ganap na binuo.
Kabuuan

[transcriber’s note: the “Kabuuan” label is printed across the first four columns of the last row, with the Puntos cell empty beside it]

Isaisip

Gawain 7: Tanong Ko, Sagutan Mo!

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. Ang pagbibigay ng marka sa mga nagawang sagot ay nagagabay ng sumusunod na rubrik.

  1. Ano ang maitutulong sa akin ng kaalaman patungkol sa angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang karahasan sa paaralan?


  2. Sa aking personal na karanasan, ano-ano sa mga gawaing magpapaunlad ng angkop na kilos tungo sa pagsugpo sa anumang uri ng karahasan ang aking nilahokan o sinalihan? Anong aral ang nakuha mula sa mga ito na maaari kong gamitin upang maiwasan at masupil ang karahasan sa paaralan?


  3. Bakit mahalagang makiisa sa layunin na masugpo ang karahasan sa loob ng paaralan at maging sa lipunang kinabibilangan?


RUBRIKS SA PAGWAWASTO NG SAGOT

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Katamtaman (7 puntos)Kailangan pa ng kasanayan (3 puntos)Puntos
Pagkakompleto ng tugon sa gawainKompleto ang impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.May kulang na impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.Lubhang kulang ang impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.
Kawastohan ng sagotWasto ang mga impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.May tamang tugon at hindi wastong sagot ang naisulat sa alinmang bahagi ng gawain.Hindi wasto ang impormasyong isinulat bilang tugon sa alinmang bahagi ng gawain.
Kabuuan

[transcriber’s note: the “Kabuuan” label is printed across the first four columns of the last row, with the Puntos cell empty beside it]

Isagawa

Gawain 8: Lobo ng Usapan!

Panuto: Basahin ang situwasiyon sa loob ng speech balloon. Ipagpalagay na sa inyo ang nangyayari ang situwasiyon. Buoin ang usapan sa pamamagitan ng pagsagot sa pahayag upang maipakita ang angkop na pagtuugon para maiwasan at masupil ang karahasan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang pagbibigay puntos sa nabuong usapan ay nagagabay sa sumusunod na rukrik.

Halimbawa:

[illustration: three figures, a boy at left, a figure in the middle, and a girl at right, each with a speech balloon]

  • [transcriber’s note: balloon text transcribed from the top balloon first, then the left and right balloons]
  • Top balloon (middle figure): “Ano ka ba naman, huwag mo ngang tratuhin ng ganyan ang kaklse natin, masama yun!”
  • Left balloon (boy): “Hoy! Humanda ka sa akin ngayon. Pag hindi mo ako bibigyan ng papel, susuntukin kita ngayon din! Ano?”
  • Right balloon (girl): “Kaibigan, bakit mo pa ako susuntukin, eh kung manghihingi ka lang naman ng papel. Huwag kang mag-alala bibigyan naman kita at hindi naman ako maramot.”
  1. Left balloon: “Pare, hilahin mo nga ang upuan ni Jeorge mamaya kapag akma na siyang uupo para makita nating tumihaya. Hahahahaha”
    Right balloon: [transcriber’s note: empty speech balloon for the learner’s response]


  2. Left balloon: “Alam mo kanina pa ako nagngingitngit sa taong yan! Ibinalita ba naman na nangongopya ako kanina, awayin ko kaya?”
    Right balloon: [transcriber’s note: empty speech balloon for the learner’s response]


  3. Left balloon: “Anong gagawin natin? Kabilin-bilinan pa naman ng guro natin na huwag makipag-away. Pero tingnan mo si Chisca at Lauren nagbabangayan na.”
    Right balloon: [transcriber’s note: empty speech balloon for the learner’s response]


  4. Left balloon: “Naku! Kawawa naman si Max sinutok ni Alex. Anong gagawin natin?”
    Right balloon: [transcriber’s note: empty speech balloon for the learner’s response]


  5. Left balloon: “Girl, pagtulungan nating kilitiin si Georgy hanggang sa mapikon at maghahamon ng away.”
    Right balloon: [transcriber’s note: empty speech balloon for the learner’s response]


Pinagkukunan: Orihinal na guhit nina Mark Lorenz C. Luib, Alim V. Eviota at Merlinda W. Malimit

RUBRIKS SA PAGBIBIGAY PUNTOS

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Katamtaman (7 puntos)Kailangan pa ng kasanayan (3 puntos)Puntos
Pagkakompleto ng tugon sa gawainKompleto ang impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.May kulang na impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.Lubhang kulang ang impormasyong isinulat sa tugon sa gawain.
Kawastohan ng sagotWasto ang mga impormasyong isinulat sa tugon sa speech balloon.May tamang tugon at hindi wastong sagot ang naisulat sa speech balloon.Hindi wasto ang impormasyong isinulat bilang tugon sa speech balloon.
Kabuuan

[transcriber’s note: the “Kabuuan” label is printed across the first four columns of the last row, with the Puntos cell empty beside it]

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa kuwaderno sa asignaturang ito.

  1. Nang ikaw ay palabas na ng silid-aralan, nakita mong kinandado ng iyong mga kaklase ang pintuan kahit may ibang kaklase pang nasa loob na naglilinis ng palikuran. Agad namang nagsitakbuhan ang mga ito palayo. Ano ang nararapat mong gawin upang matigil ang karahasan?

    • A. batuhin ng tsinelas ang kaklase
    • B. susuntukin ang nagsara ng pinto
    • C. sigawan ang mga kaklaseng nagsitakbuhan
    • D. buksan ang pinto ng palikuran at palabasin ang kaklase
  2. Likas na mabait si Naomi kahit na pinapahiya siya ni Jam sa loob ng silid-aralan. Hindi ito umiimik at umiiwas na lamang. Nakita ng guro ang ginawa ni Jam kay Naomi, ano ang nararapat na gawin ng guro upang hindi magpatuloy ang maling ginawa ni Jam?

    • A. Papaluin si Jam sa harap ng klase.
    • B. Pauuwiin nalang si Jam sa kanilang bahay.
    • C. Ipaunawa kay Jam na mali ang kanyang ginawa.
    • D. Ipapahuli agad sa pulis si Jam para ito ay magtanda.
  3. Habang ikaw ay nagsusulat ng iyong takdang aralin, biglang hinablot ang iyong kuwaderno. Ano ang iyong gagawin upang hindi na magkaroon ng gulo?

    • A. sisigawan ang kaklase nang malakas
    • B. susuntukin ang kaklase dahil sa inis
    • C. ngingiti na lamang at ibigay na lang sa kanya ang kuwaderno
    • D. mahinahon na kakausapin ang kaklase at kukunin ang kuwaderno
  4. Kasalukuyan kang nag-uulat sa harap ng klase, bigla kang nakarinig ng panlilibak mula sa iyong kaklase. Ano ang nararapat mong gawin upang makaiwas sa karahasan?

    • A. gagantihan ang kaklase
    • B. pagagalitan siya sa harap ng klase
    • C. hahayaan mo na lang silang manlibak
    • D. iiyak at hindi nalang itutuloy ang pag-uulat
  5. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng angkop na kilos bilang patunay sa pag-iwas ng karahasan sa paaralan?

    • A. pananakit ng kapwa
    • B. maayos na pakikitungo sa kapwa
    • C. paggamit ng ipinagbabawal na gamot
    • D. pagbibitaw ng masasakit na salita sa iba
  6. Ano ang pinakamabisang magagawa ng mga awtoridad sa paaralan upang masupil ang pambu-bully?

    • A. suspindihin ang nambu-bully sa paaralan
    • B. papaglinisin sa school ground ang nambu-bully para magtanda
    • C. hindi tatanggapin sa paaralan ang mga estudyanteng nambu-bully
    • D. maglatag ng kaukulang programa para masupil ang pambu-bully sa paaralan
  7. Narinig ni Lyca na may balak ang matalik na kaibigang si Jane na hilahin ang buhok ng kaklase kaya sinaway niya ito at pinayuhan kaya hindi naituloy ang masamang balak nito. Alin sa mga pahayag ang patunay na naisagawa ni Lyca na masupil ang posibleng mangyaring karahasan sa paaralan?

    • A. Pagsaway at pagpayo sa kaibigan.
    • B. Pinapagalitan ang kaibigan sa masamang balak nito.
    • C. Pagtulong sa kaibigan na hilahin ang buhok ng kaklase.
    • D. Ipinagbigay-alam niya sa guro ang balak ng kanyang kaibigan.
  8. Si Athena ay biglang sinampal ng kanyang kaklaseng si Jen sa kadahilanan na hindi niya alam. Ano kaya ang dapat gawin ni Athena upang maiwasan ang karahasan?

    • A. Pasasalamatan si Jen.
    • B. Sasampalin din niya ito.
    • C. Matuwa sa ginawa ng kapwa.
    • D. Kakausapin si Jen ng masinsinan.
  9. Pumunta ang Nanay ni Jade sa paaralan upang ibigay ang naiwang baon nito at nasaksihan niyang inaaway ng grupo ng kalalakihan ang kanyang anak. Ano kaya ang maaaring hakbang na gawin ng Nanay ni Jade?

    • A. dalhin sa police station at ireklamo
    • B. makipag-ugnayan sa guidance counselor ng paaralan
    • C. pagsabihan ang grupo ng masasakit na salita para magtanda
    • D. paghahampasin ang mga estudyanteng nagpapaiyak sa kanyang anak

10.Nakita mong nilagyan ng dahon ng saging ang bag ng isa mong kaklase. Ano ang pinakamainam na gawin sa ganitong sitwasyon upang matigil ang karahasan sa iyong kaklase?

  • A. hayaan ang salarin sa kaniyang ginawa
  • B. ipagbigay-alam sa guro ang tunay na nangyari
  • C. tatahimik na lang at magpanggap na walang nakita
  • D. tutulong sa paglagay ng dahon ng saging sa bag nito
  1. Alin sa sumusunod ang angkop na kilos para makaiiwas at makasusupil ng karahasan sa paaralan?
  • A. manlait ng kapwa
  • B. mag-imbento ng kwento
  • C. magpakita ng kabutihang loob
  • D. manuntok upang ipagtanggol ang sarili
  1. Paano masusupil at maiiwasan ang mga karahasan sa paaralan?
  • A. isipin lamang ang sarili
  • B. pagsasarili sa problema
  • C. pag-usapan ang kaklase
  • D. pakikinig sa pangaral ng magulang
  1. Nakita mong kinukutya ng iyong kaibigan ang isang mag-aaral dahil ito ay sobrang payat, ano ang nararapat mong gawin?
  • A. manahimik at huwag ng makialam
  • B. susuportahan ang kaibigan sa ginawa
  • C. suntukin ang nangungutya sa mag-aaral
  • D. pagsabihan ang kaibigan na mali ang kaniyang ginawa
  1. Bilang Student Leader na tagapagsulong ng Anti-Bullying Act, ano ang pinakamainam na gawin para sa mag-aaral na nangungutya sa batang may kapansanan?
  • A. pagbayarin ng multa sa pangungutyang ginawa
  • B. turuan ng leksiyon ang kinukutya at ang nangungutya
  • C. ipagbigay-alam sa Guidance Counselor upang mapangaralan
  • D. sabihan siyang huwag na lang pumasok para hindi niya ma-bully ang mag-aaral na may kapansanan
  1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa na magiging daan upang makaiwas o masupil ang karahasan sa paaralan?
  • A. bigyan ng pagkain ang kaklase
  • B. aawayin ang mambubulas sa kaklase
  • C. pagbibitaw ng masasakit na salita sa kaklase
  • D. hindi sila pakialaman upang walang gulong mangyari

Karagdagang Gawain

Gawain 9: Pagsulat ng Slogan!

Panuto: Gumawa ng isang slogan hinggil sa pagpapakita ng kilos upang makaiwas at masugpo ang karahasan sa paaralan. Isulat ang nagawang slogan sa sagutang papel. Ang pagbibigay puntos sa nagawang slogan ay nagagabay sa sumusunod na rubrik.

RUBRIK SA PAGBIBIGAY PUNTOS

KrayteryaHigit na inaasahan (10 puntos)Bahagyang nakamit ang inaasahan (7 puntos)Hindi nakamit ang inaasahan (3 puntos)Puntos
NilalamanAng mensahe ay mabisang naipakita.Hindi gaanong naipakita ang mensahe.Medyo magulo ang mensahe.
Kaugnayan sa PaksaMay malaking kaugnayan sa paksa ang islogan.Hindi gaanong may kaugnayan sa paksa ang islogan.Walang kaugnayan sa paksa ang islogan.
PagkamalikhainNapakaganda at napakalinaw ng pagkakasulat ng mga titik.Maganda ngunit di gaanong malinaw ang pagkakasulat ng mga titik.Hindi maganda at malabo ang pagkakasulat ng mga titik.
Kabuuan

[transcriber’s note: the label “Kabuuan” is printed right-aligned across the first four columns of the last row; it is placed in the fourth column here]

[transcriber’s note: the answer-key boxes on this page are printed upside down; they are transcribed below in natural reading order]

Susi sa Pagwawasto

Tuklasin
Gawain 3

K A R A H A S A N

  1. Ang karahasan ay anumang paglabag sa misyon at bisyon ng paaralan, sa paggalang sa kapwa, o kilos na humahadlang sa layunin ng paaralan na maging ligtas sa pagdarahas. Ilan sa halimbawa rito ang bullying, labanan, pagsasakitan sa loob o labas ng paaralan, pagnanakaw, pagdadala ng mga nakakasakit na bagay at marami pang iba.


  2. Bilang kabataan ay maiiwasan [illegible] ko ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa anumang gulo sa loob at labas ng paaralan.


[transcriber’s note: part of item 2 is printed too faintly to read]

Pagyamanin
Gawain 4 (Halimbawang sagot)
  1. Isaisip mo na walang maidudulot na mabuti ang pakikisangkot sa anumang karahasan.
  2. Pakinggan mo ang payo ng iyong mga magulang, nakatatanda, guro at ibang awtoridad.
  3. Mahalin mo at igalang ang sarili at ang kapwa.
  4. Makilahok ka sa mga gawaing kapaki-pakinabang tulad ng isports, pagbabasa, at iba pa.
  5. Sumunod ka sa mga patakaran at batas pampaaralan.
  6. Pakitunguhan mo ang anumang sitwasyon nang mahinahon.
  7. Makipagkaibigan ka sa kapwa mag-aaral.
  8. Pairalin mo ang pagiging sensitibo sa nararamdaman ng ibang tao.
  9. Magpakita ka ng kabutihang loob sa kapwa.
  10. Manampalataya ka sa Panginoon.
Gawain 5

Pamilya

  1. Itinuro ng magulang ang magandang asal sa anak.
  2. Binigyan ng tamang gabay ang anak para gumawa ng mabuti.
  3. Binibigyang puri ang anak para magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.

Lipunan

  1. Nagsagawa ng mga programang magpapaunlad sa kamalayan ng mga bata tungkol sa masamang epekto ng karahasan, gaya ng seminar at symposium.
  2. Nakiisa sa programa ng bawat paaralan para masugpo ang karahasan.
  3. Tumulong sa pagsugpo ng karahasan sa lipunan.

Paaralan

  1. Pagpapatupad ng mga panukalang batas na susugpo sa patuloy na paglaganap ng karahasan sa paaralan at maging sa lipunan.
  2. Nagtuturo ang mga guro ng mabubuting asal sa bawat kabataan at lagging nagpapaalala na masama ang manakit ng kapwa.
  3. Ipaunawa ang epekto ng karahasan sa sarili at kapwa.
Balikan
Gawain 1
  1. [illustration: frowning face]
  2. [illustration: smiling face]
  3. [illustration: smiling face]
  4. [illustration: smiling face]
  5. [illustration: frowning face]
Gawain 2
  1. Iwasan ang mga dako na pinag-iistambayan ng mga masasamang-loob.
  2. Umiba ka ng daanan hanggat maari.
  3. Iwasan ang hindi kinakailangang pagtungo sa mga kilalang dakong mapanganib.
  4. Manalangin palagi.
  5. Umiwas sa pakikipag-alitan.
Subukin
ItemAnswerItemAnswerItemAnswer
1C6D11D
2D7A12C
3D8D13D
4C9B14C
5A10B15B

[transcriber’s note: the answer key is printed without column headers; the header row is added here]

Tayahin
ItemAnswerItemAnswerItemAnswer
1D6D11C
2C7A12D
3D8D13D
4C9B14C
5B10B15A

[transcriber’s note: the answer key is printed without column headers; the header row is added here]

Isaisip
Gawain 7 (Halimbawang sagot)
  1. Ang mga bagong kaalaman na natutunan ko patungkol sa angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang karahasan sa paaralan ay magsisilbing gabay ko sa bawat pagpasok ko sa paaralan para hindi ako masangkot sa anumang karahasan.
  2. Ang mga gawaing magpapaunlad ng angkop na kilos tungo sa pagsugpo sa anumang uri ng karahasan ang aking nilahokan ay ang symposium kung saan natutunan ko na walang magandang maidulot ang pakikisangkot sa anumang karahasan sa buhay ko bilang estudyante. Sa halip [illegible] kabutihan ang ipakita sa kapwa.
  3. Mahalagang makiisa sa layunin na masugpo ang karahasan sa loob ng paaralan at maging sa lipunang kinabibilangan para mas payapa at ligtas ang paaralan sa lahat ng mga kabataan habang pumapasok sa paaralan.

[transcriber’s note: part of item 2 is printed too faintly to read]

Isagawa
Gawain 8 (Halimbawang sagot)
  1. Naku pare, kung ano na naman ang ipinag-uutos mo sa akin. Ayoko ko ngang gawin yun, hindi kaya ng konsensiya ko yun tsaka masama yun.
  2. Ano ka ba naman, huwag ka ngang magpaapekto sa ipinagkakalat ng taong ‘yan, isa pa hindi naman totoo kaya kumalma ka na diyan.
  3. Halika nga, awatin natin at kung hindi magpaawat, ipapaalam na natin sa guro natin.
  4. Naku, ipaalam na natin sa guro natin, baka mapano pa ang kaklase natin!
  5. Girl, tumigil ka nga diyan, masama yan! Mas mabuti pang mag-aral nalang tayo.
Karagdagang Gawain
Gawain 9

Maaring magkaiba ang bawat sagot ng mag-aaral. Gawing gabay ang naibigay na rubrik sa pag-iskor ng mga nagawa.

Sanggunian

Aklat:

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. Bognot, Regina et. al. (2014). 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.

Elektronikong Hanguan:

Raja, D. (2019, June 20). 5 Effective ways to stop school violence. MomJunction. https://www.momjunction.com/articles/ways-to-stop-school-violence_00348545/

Yahnke, K. (2019, February 21). Ending school violence: 8 steps to improved safety. i-Sight. https://i-sight.com/resources/ending-school-violence-8-steps-to-improved-safety/

Anti – bully Filipino version. (2014, March 22). Scribd. https://www.scribd.com/doc/213835798/Anti-Bully-Filipino-version

Mid-Michigan Boxer Rescue. (n.d.) 50 bullying quote upang mag-inspire ka upang maging ang pagbabago na nais mong makita. https://tl.midmichiganboxerrescue.org/bullying-quotes-1539

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *