This is a Self-Learning Module (SLM) for Edukasyon sa Pagpakatao (EsP, values education) for Grade 8, Quarter 4, Module 50: “Mga Aspekto ng Pagmamahal: Pag-iwas sa Karahasan sa Paaralan” (aspects of love: preventing violence in school). It was prepared by DepEd Caraga Region for learners studying at home. After this module, learners can explain how love for God, parents, self, and others helps them avoid and respond to violence in school.
What learners will learn
The module develops one learning competency:
- Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan upang maiwasan at tugunan ang karahasan sa paaralan (analyzes the aspects of love for self and others needed to prevent and respond to violence in school). Code: EsP8IP-IVc-14.2
The module has one lesson, Aralin 1, which carries the same title as the module. It opens with the quote “Pagmamahal sa sarili at sa kapwa: Pagyamanin at ipadamang kusa” (love for self and others: nurture it and show it freely).
Why violence happens and why love matters
The module begins by comparing two pictures. One shows students fighting in a school hallway. The other shows students relaxing together, one playing a guitar. The fight shows no love for self or others. The friendly group shows respect for one another, and the module says this is the example to follow.
The module lists some root causes of violence among young people:
- not experiencing love and care at home
- not receiving praise
- being scolded often
- a troubled family
- a troubled neighborhood
Even so, the module stresses that young people who face these problems can still choose to avoid trouble and show the love they long for. There are more ways to prevent or end violence in school than to take part in it.
The four aspects of love
The heart of the module is four aspects of love that help learners stay away from violence.
| Aspect | What the module says |
|---|---|
| Pagmamahal sa Panginoon (love for God) | One of the strongest defenses against violence. It is usually learned from parents. If parents fall short, young people can still learn to love God and live out His teachings on loving self and others. |
| Pagmamahal sa magulang (love for parents) | A child raised with love passes that love on to others. Loving parents means living out their lessons: not fighting, treating classmates well, and choosing friends wisely. If parents fall short, learners should find a good role model. |
| Pagmamahal sa sarili (love for self) | You cannot give love to others without loving yourself. It means knowing and respecting yourself and caring for your physical, mental, social, spiritual, and moral well-being. It also means not joining bullying, gangs, fraternities, or other violence. |
| Pagmamahal sa kapwa (love for others) | People do not live alone, so loving yourself leads to loving others. The module quotes the Bible: “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng sa iyong sarili” (love your neighbor as yourself, Matthew 22:37-39). It shows up as respect, careful words, caring for others’ welfare, respecting their belongings, and accepting the whole person. |
In summary, when learners live out these aspects of love, violence in school can be prevented and addressed. Learners also gain focus in their studies and a calm, peaceful life.
Activities in the module
- Gawain 1: Hanap-Salita! (word search) Find five phrases about bullying and how to prevent it.
- Gawain 2: Larawang Ito, Suriin Mo! (analyze the pictures) Compare the two pictures and answer guide questions.
- Gawain 3: Pagsusuri sa Teksto! (text analysis) Read the story of Lina, a poor student teased for repeating her clothes on washday, which ends in a fight. Identify the aspect of love needed.
- Gawain 4: Buo-Simbolo! (decode the symbols) Change numbers into letters (A=1, B=2, and so on) to reveal a saying, then explain whether you agree with it.
- Gawain 5: Larawan ng Karahasan! (picture of violence) Complete a puzzle given by the teacher and answer questions about the violence it shows.
- Gawain 6: Pagpupuno sa Patlang! (fill in the blanks) Complete a graphic organizer on the module’s main idea.
- Gawain 7: Kilos Sarbey! (self-survey) Write your views on why the aspects of love matter in preventing school violence.
- Karagdagang Gawain: Suri-Sitwasyon! (situation analysis) Give your opinion on Supreme Student Government (SSG) officers who posted anti-violence rules on a tarpaulin in the hallway.
The written tasks come with scoring rubrics worth 10 or 20 points.
How to use this module
The module follows the usual SLM parts: Alamin (learn), Subukin (pretest), Balikan (review), Tuklasin (discover), Suriin (analyze), Pagyamanin (enrich), Isaisip (remember), Isagawa (apply), Tayahin (assessment), Karagdagang Gawain (extra activity), and Susi sa Pagwawasto (answer key).
- Learners: Take the 15-item pretest first, then work through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. Check your answers honestly with the answer key, and contact your teacher if something is unclear.
- Parents and guardians: The module comes with a guide for teachers and facilitators with tips for helping learners at home. Gawain 5 needs a puzzle from the teacher, so ask for it ahead of time.
- Teachers: A note in the module says learners who complete the Balikan activity can go on; those who cannot should return to the previous module. The answer key covers the pretest, the assessment, and Gawain 1, 4, and 6. Use the rubrics for the open-ended tasks.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 8 (Ikawalong Baitang), Quarter 4. It is Module 50 of Edukasyon sa Pagpakatao.
What are the four aspects of love in this module?
Love for God (Pagmamahal sa Panginoon), love for parents (Pagmamahal sa magulang), love for self (Pagmamahal sa sarili), and love for others (Pagmamahal sa kapwa). The module explains how each one helps learners avoid violence in school.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, the final assessment, and Gawain 1, 4, and 6. Open-ended tasks are scored with rubrics.
What is the hidden message in Gawain 4?
According to the answer key, it is “Ibigin mo ang iyong kapwa, gaya ng iyong sarili,” which means love your neighbor as yourself.
What competency does this module cover?
It covers EsP8IP-IVc-14.2: analyzing the aspects of love for self and others needed to prevent and respond to violence in school.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpakatao Ikaapat na Markahan–Modyul 50: Mga Aspekto ng Pagmamahal: Pag-iwas sa Karahasan sa Paaralan
CO_Q4_EsP 8_ Module 50
[illustration: Cover art of students reading and studying outdoors and at a desk, with a globe, a lamp, and a student writing; the ADM (Alternative Delivery Mode) logo is at the bottom.]
Edukasyon sa Pagpakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 50: Mga Aspekto ng Pagmamahal: Pag-iwas sa Karahasan sa Paaralan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Caraga Region Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Michael C. Paso Editor: Emelinda L. Raza, Michael C. Paso Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Julius P. Tesiorna, Alejandro M. Saclolo, Jr., Joris Sulima, Judith E. Ecoben, Jezzine F. Salar, Megie M. Lillo, Rashiel Joy F. Lepaopao, John Rey C. Clarion Tagaguhit: Mark Lorenz C. Luib, Alim V. Eviota, Merlinda Malimit Tagalapat: Mark Lorenz C. Luib, Blessy T. Soroysoroy Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina
Email Address: caraga@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa Pagpakatao
Ikaapat na Markahan–Modyul 50: Mga Aspekto ng Pagmamahal: Pag-iwas sa Karahasan sa Paaralan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang pagmamahal ay batayan sa pagkilala sa sarili at sa pakikipagugnayan sa kapwa. Kung taglay ng tao ang dalisay na pagmamahal, tiyak maiiwasan ang paggawa ng masama at madaling matutugunan ang anumang pangangailangan at pagsubok sa buhay. Ang tamang paggabay at pagmamahal ng magulang o ang mga tinuturing nating magulang ang isa sa mga pinakamahalagang susi upang makaiwas ang kabataan sa karahasang lumalaganap sa paaralan.
Ang pakikipag-ugnayan ng maayos sa kapwa ay magdadala ng katiwasayan hindi lamang sa sarili kung hindi maging sa iba. Ang tamang pagrespeto sa kapwa ay repleksyon kung paano nirerespeto ang sarili upang makabuo ng matatag at matayog na samahan. May mga mahahalagang aspeto ng pagmamahal ang kailangan mapaunlad ng sa gayon tuluyang maiwasan ang anumang uri ng karahasan sa paaralan at lipunang ginagalawan.
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan upang maiwasan at tugunan ang karahasan sa paaralan. EsP8IP-IVc-14.2
1 CO_Q4_EsP 10_ Module 50
Subukin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Kailangan mong mahalin ang iyong sarili upang matutunan mong mahalin ang iyong:
a. bansa
b. kalusugan
c. kapwa
d. paligidIginagalang ni Rosa ang opinyon ng kaklaseng si Edna kahit na sinabi niya kay Edna na iba ang kanyang paniniwala kaya nabuo ang pag-uunawan at pagmamahalan. Anong uri ng suliranin sa paaralan ang maaaring maiwasan ni Rosa?
a. kalungkutan
b. karahasan
c. kasamaan
d. kasiyahanAno ang pinakamabisang sandata na ipinatutupad sa loob ng paaralan upang maiwasan ang pagka sangkot ng kabataan sa anumang karahasan?
a. may takot sa pamilya
b. may pagmamahal sa sarili
c. may matinding paninindigan
d. may sinusunod na alituntuninAng mag-aaral ay maiiwasan at matutugunan ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng maayos na relasyon sa mga kamag aral bunga ng :
a. pag-aaral nang mabuti
b. pagmamahal sa sarili at kapwa
c. paggalang sa awtoridad ng paaralan
d. pagsunod sa payo ng mga magulangBakit mahalagang maiwasan ang anumang karahasan sa paaralan?
a. upang maging sikat sa paaralan
b. dahil ito ay magdudulot ng gulo sa iyong buhay
c. dahil ito ay magiging daan sa paggaan ng buhay
d. upang magkaroon ng matiwasay at tahimik na buhayKung ikaw ay isang batang nakaranas ng mga karahasan sa paaralan, paano mo ito malalabanan?
a. maging pokus sa iyong ginagawa
b. hayaan sila sa patuloy na panunukso sa iyo.
c. kakayanin na lamang hanggang sa magsawa sila
d. isasantabi ang panunukso sa halip gumawa ng bagay na makapagunlad ng sarili at sa kapwa
2 CO_Q4_EsP 10_ Module 50
Sa tuwing pinababasa si Arnel ng kanyang guro, parati niyang idinadahilan na malabo ang kanyang paningin kaya hindi maiwasan na pagtawanan siya ng kanyang mga kaklase. Ano ang dapat gawin ni Arnel para hindi siya pagtawanan ng kanyang kaklase?
a. huwag silang pansinin at patulan
b. dapat siyang sumali sa mga pangkatang gawain
c. pabayaan sila sa pambubuska hanggang magsawa
d. magpupursige na mapaunlad ang sarili sa pagbabasaBakit mahalagang matutuhan ng tao na igalang at mahalin ang kaniyang kapwa?
a. Ang pagmamahal sa kapwa ay tungkulin na may kapalit.
b. Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat na katarungan.
c. Ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng pag-unawa sa sarili.
d. Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang pagmamahal.Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa?
a. pagmamahal na panandalian lamang
b. pagmamahal sa kaniya na may kapalit
c. pagbibigay sa lahat ng nais niya sa buhay
d. pagtanggap sa anumang estado sa buhay ng kapwaLumaki si Dan sa tahanang puno ng pananampalataya sa Maykapal. Minsan ay nakaranas siya ng panlalait mula sa kanyang mga kaklase. Sinasabihan siya ng mga ito na ang kanyang suot na damit ay parang damit ng pulubi at pinaglumaan na. Sa halip na gumanti ay ipinagdasal na lang niya ito. Anong aspekto ng pagmamahal ang ipinamalas ni Dan?
a. pagmamahal sa sarili at kalikasan
b. pagmamahal sa kapwa at Panginoon
c. pagmamahal sa kaibigan at kapitbahay
d. pagmamahal sa magulang at nakatatandaAlin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal sa sarili?
a. Sumali si Fe sa fraternity para sumikat sa kampus.
b. Si Fe ay mula sa may kayang pamilya kaya ipinagmalaki niya ito.
c. Likas na maganda si Fe kaya tinutukso niya ang iilan sa mga kaklase.
d. Sinisikap ni Fe na hindi masangkot sa anumang karahasan sa paaralan.Biglang sinuntok si Mario ng kanyang kaklase. Muntik na niyang gantihan ito ngunit naalala niya ang payo ng kanyang magulang kaya hindi na niya ito itinuloy. Anong aspekto ng pagmamahal ang ipinamalas ni Mario?
a. pagmamahal sa sarili
b. pagmamahal sa kapwa
c. pagmamahal sa Panginoon
d. pagmamahal sa payo magulang
3 CO_Q4_EsP 10_ Module 50
4 CO_Q4_EsP 10_ Module 50
Madalas na sinasaktan si Petter sa loob ng klase dahil sa kanyang kapansanan . Sa halip na patulan, pinakita niya sa mga kaklase na uunawain na lang niya ang mga ito. Pinakita rin niya ang iba niyang talento sa klase. Anong aspekto ng pagmamahal ang ipinamalas ni Petter?
a. pagmamahal sa sarili
b. pagmamahal sa kapwa
c. pagmamahal sa magulang
d. pagmamahal sa PanginoonBakit kailangan ang pagrespeto, maingat sa pananalita at pangangalaga sa kapakanan ng kapwa?
a. dahil tungkulin ito ng guro
b. dahil tungkulin ito ng mag-aaral
c. dahil patunay ito ng mabuting pakikisama
d. dahil patunay ito ng tunay na pagmamahalPaano magkakaroon ng tahimik at matiwasay na buhay ang mag-aaral sa loob ng paaralan?
a. umiwas sa fraternity
b. umiwas sa mga kaklase
c. umiwas sa mga barkada
d. umiwas sa mga karahasan
Aralin 1 – Mga Aspekto ng Pagmamahal: Pag-iwas ng Karahasan sa Paaralan
“Pagmamahal sa sarili at sa kapwa: Pagyamanin at ipadamang kusa”
-Anonymous
Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang pagkatuto sa nakaraang modyul. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita.
Balikan
[illustration: hands joining puzzle pieces]
Gawain 1: Hanap-Salita!
Panuto: Magbigay ng limang parirala na may kinalaman sa pambubulas at paraan sa pag-iwas nito. Maaaring ang mga titik ng salita ay pahalang, patayo, pabalik o padayagonal.
| P | A | G | M | A | M | A | H | A | L | S | A | K | A | P | W | A | B |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| J | A | A | G | P | A | M | W | A | L | K | R | U | N | S | A | F | C |
| K | U | G | L | I | L | S | A | K | A | E | T | G | M | A | M | A | H |
| G | P | A | M | B | U | B | U | L | A | S | G | P | A | M | D | V | D |
| E | P | E | L | A | O | G | M | A | M | A | H | S | O | L | O | T | E |
| W | K | A | R | A | M | G | P | A | M | A | K | A | R | A | G | A | F |
| F | U | L | A | S | G | A | G | P | A | M | U | L | A | S | G | A | J |
| H | N | S | K | A | R | A | H | A | S | A | N | R | A | G | A | S | K |
| E | A | L | S | A | K | N | S | A | A | L | S | A | K | A | F | A | G |
| H | A | G | P | A | R | A | G | A | L | U | L | A | S | G | R | L | E |
| R | E | A | L | S | A | K | N | S | O | S | R | A | G | A | A | O | W |
| E | T | I | N | L | S | A | K | A | I | F | A | R | E | M | T | I | F |
| S | G | M | A | M | A | H | A | G | P | A | N | S | D | O | E | P | H |
| O | E | A | L | S | A | K | N | S | A | G | P | A | A | N | R | A | E |
| U | A | L | S | A | K | N | S | G | M | A | M | A | H | R | N | R | H |
| E | Q | R | Y | O | U | L | A | S | G | E | T | X | R | U | I | V | R |
| L | L | S | A | K | A | G | P | A | M | U | L | A | S | G | T | L | T |
| N | O | L | I | K | A | R | A | A | L | S | A | K | A | L | Y | U | I |
Tuklasin
[illustration: hand holding a sprouting plant]
Gawain 2: Larawang Ito, Suriin Mo!
Panuto: Suriin ang dalawang larawan at at pagnilayan ang mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: A – students fighting in a school hallway near lockers, with a bag and papers on the floor; B – students relaxing outdoors, one playing a guitar while others sit and chat]
Ginuhit ni: Alim Villacora Eviota
A B
Gabay na Tanong:
Ano ang ipinahiwatig sa dalawang larawan?
Kung ikaw ang papipiliin, alin sa dalawang larawan ang iyong isabuhay? Bakit?
Mga Tala para sa Guro
Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
Suriin
Sa bahaging Tuklasin, nasagot mo ba nang may kahusayan ang unang katanungan? Kung karahasan at walang karahasan ang iyong sagot ay tama ka! Kung larawan B naman ang iyong napili sa ikalawang katanungan ay binabati kita! Sapagkat ang napili mo ay kakikitaan ng pagmamahal sa sarili at kapwa na malinaw na makikitang masaya silang nagkukuwentuhan patunay na may paggalang ang bawat isa sa kanila. Taliwas naman sa larawan A na makikitang nakikipagsuntukan ang mga mag-aaral. Ang ganitong gawain ay hindi kakikitaan ng pagmamahal sa sarili at kapwa kaya hindi dapat pamarisan.
Bakit kaya nagawa ng mga ilang mag-aaral ang ganitong karahasan? Maraming dahilan ang ugat ng karahasan sa mga kabataan. Ang ilang dahilan ay ang ang hindi pagkaranas ng pagmamahal at pag aaruga sa loob ng tahanan, hindi nakatanggap ng papuri, madalas pinapagalitan, magulo ang pamilya, o magulo sa lugar ng tinitirhan. Kahit na naranansan ng ibang kabataan ang mga nasasaad na kaguluhan sa pamilya at lugar na tinitirhan ay maari pa rin silang umiwas sa gulo at imbis ay magpakita ng pagmamahal na kanilang inaasam. Sabi nga ng iba, ang magandang gawain ay bumabalik sa may gawa. Mas maraming paraan para maiwasan o matuldukan ang karahasan sa paaralan kaysa sa makilahok dito.
Bilang isang mag-aaral ay mahalaga na masusuri ang mga aspekto ng pagmamahal gaya ng sumusunod: <!– transcriber’s note: the word “masusuri” is printed with a strikethrough mark on part of it –>
1. Pagmamahal sa Panginoon
Ang pagmamahal sa Panignoon ay isa sa pinakamabisa na sandata sa pagiwas ng karahasan. Ito ay kadalasang natututunan sa mga magulang kasabay ng pagsasabuhay ng mga aral na napapaloob dito. Kung nagkulang naman ang mga magulang ay maaring pag-aralan ng kabataan kung paano mahalin ang Panginoon at isabuhay ang mga aral sa pagmamahal sa sarili at sa kapwa.
2. Pagmamahal sa magulang
Pag hinubog ang isang bata na puno ng pagmamahal at aral ng magulang sa loob ng tahanan ay maipararamdam din niya ang pagmamahal na naranasan sa iba o kapwa. Ang pagmamahal sa magulang ay pagsasabuhay ng aral galing sa kanila katulad ng hindi pakikipagbasag-ulo, pagtrato nang maayos sa mga kaklase, at pagpili sa mga kaklaseng kakaibiganin para hindi masangkot sa anumang karahasan. Kung may mga pagkukulang ang mga magulang ay responsiblidad ng mga mag-aaral na humanap ng isang taong huwaran at pag-aralan kung paano sila makakaiwas sa karahasan.
3. Pagmamahal sa sarili
Ang kakayahang magmahal ay biyayang natanggap mula sa Panginoon na nararapat na magsisimula sa pagmamahal sa sarili. Ika nga wala kang maibigay na pagmamahal sa iba kung wala kang pagmamahal sa sarili. Kaya ilan sa mga patunay na mahal ng tao ang sarili ay sa pamamagitan ng pagkilala at paggalang sa sarili, pag-aalaga sa pisikal, mental, sosyal, ispiritwal at moral na aspekto o buong pagkatao. Hindi rin gagawa ng anumang bagay na nakasasama sa sarili o maaring ikapahamak o ikasawi gaya ng hindi pagsali sa pambubulas, gang, fraternity at iba pang karahasan sa paaralan.
4. Pagmamahal sa kapwa
Kung mahal ang sarili ay dapat mahalin din ang kapwa dahil hindi nabubuhay ang tao na mag-isa kundi kailangan niya ang kapwa niya. Ika nga sa Bibliya, “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng sa iyong sarili” (Mateo 22: 37-39) kaya hindi lamang pansariling tungkulin kundi kautusan ng Panginoon na mahalin ang kapwa. Patunay dito ay pagrerespeto, maingat sa pananalita, pangangalaga sa kapakanan, pag-iingat sa pagmamay-ari, pagtanggap sa buong pagkatao at paggawa ng mga bagay na ikabubuti at ikatutuwa ng kapwa ay nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa kapwa.
Sa kabuoan, kung maisabuhay ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa ay maiiwasan at matugunan ang karahasan sa paaralan. Magkakaroon din ng pokus sa pag-aaral, tahimik at matiwasay na buhay ang bawat mag-aaral.
Pagyamanin
[illustration: hands stacking blocks]
Gawain 3: Pagsusuri sa Teksto!
Panuto: Basahing mabuti ang salaysay at suriin kung anong aspekto ng pagmamahal ang kailangan upang makaiwas at matugunan ang karahasan sa paaralan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Nagmula sa isang mahirap na pamilya si Lina subalit hindi ito naging hadlang upang abutin ang kanyang mga pangarap sa buhay. Kahit minsan ay hindi siya nawalan ng pag-asa na makapagtapos ng pag-aaral. Madalas na nagiging tampulan siya ng tukso ng mga kaklase sa tuwing pumapasok ng paaralan sapagkat pabalik-balik lamang ang damit na kanyang isinusuot pag-araw ng washday sa eskwelahan. Hanggang sa humantong ito sa pag-aaway at dinala sila sa Discipline Office para imbestigahan ang gulo.
Rubrik sa Pagmamarka
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (7 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (4 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Nailahad ang wastong kaisipan hinggil sa pagiwas sa karahasan sa paaralan. | Hindi gaanong nailahad ang wastong kaisipan iwas sa karahasan sa paaralan. | Hindi nailalahad ang wastong kaisipan iwas sa karahasan sa paaralan. |
| Kabuuang Puntos 10 |
Gawain 4: Buo-Simbolo!
Panuto: I-decode at lutasin ang mensahe na nakapaloob sa pahayag. Isulat sa patlang ang titik na may katumbas na bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
<!– transcriber’s note: the blanks are printed as separate lines of underscores above and below the number sequences; they are shown here in the order printed –>
_____ __ ___ _____ _ ______, 9 2 9 7 9 14 13 15 1 14 7 9 25 15 14 7 11 1 16 23 1 _____ __ _____ ___ ______. 7 1 25 1 14 7 9 25 15 14 7 19 1 18 9 12 9
| A= 1 | B=2 | C=3 | D=4 | E=5 | F=6 | G=7 | H=8 | I=9 | J=10 |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| K=11 | L=12 | M=13 | N=14 | O=15 | P=16 | Q=17 | R=18 | S=19 | T=20 |
| U=21 | V=22 | W=23 | X=24 | Y=25 | Z=26 |
- Sang-ayon ka ba sa mensahe na ipinahiwatig ng kawikaan? Bakit?
Rubrik sa Pagmamarka
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (7 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (4 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Nailahad ang wastong kaisipan hinggil sa kawikaan | Hindi gaanong nailahad ang wastong kaisipan hinggil sa kawikaan | Hindi nailalahad ang wastong kaisipan hinggil sa kawikaan |
| Kabuuang Puntos 10 |
Gawain 5: Larawan ng Karahasan!
Panuto: Buoin ang puzzle na ibinigay ng inyong guro upang mabuo ang larawan na nagpapakita ng karahasan at pagkatapos saguta ang mga sumunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: jigsaw puzzle pieces assembled over a hallway scene showing two figures, with the lower edge of a framed box partly visible and cut off]
Isaisip
Batay sa nabuong larawan, anong karahasan ang ipinakita?
Kung ikaw ang aktuwal na nakakita ng ganitong karahasan, ano ang nararapat mong gawin para matugunan ang naturang karahasan?
Rubrik sa Pagmamarka
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (7 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (4 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Nailahad ang wastong kaisipan ng larawan hinggil sa karahasan sa paaralan. | Hindi gaanong nailahad ang wastong kaisipan ng larawan hinggil sa karahasan sa paaralan. | Hindi nailalahad ang wastong kaisipan ng larawan hinggil sa karahasan sa paaralan |
| Kabuuang Puntos 10 |
Isaisip
[illustration: light bulb over a hand]
Gawain 6: Pagpupuno sa Patlang!
Panuto: Punan ng angkop na salita ang graphic organizer upang mabuo ang konsepto.
[chart: graphic organizer; Gawain 6: Pagpupuno sa Patlang!]
Kailangan ang ___________ at __________ ↓ sa
Isagawa
Gawain 7: Kilos Sarbey!
Panuto: Suriin ang sarili, isulat sa loob ng kahon ang iyong kuro-kuro sa kahalagahan ng mga aspekto ng pagmamahal para maiwasan at matugunan ang mga karahasan sa paaralan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: heart labeled “Pagmamahal sa kapwa” with an arrow pointing to an empty box for the answer]
Rubriks sa Pagmamarka
| Krayterya | Higit na inaasahan (10 puntos) | Hindi masyadong nakamit ang inaasahan (7 puntos) | Hindi nakamit ang inaasahan (3 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Komprehensibo ang paglalahad ng impormasyon hinggil sa pag-iwas at pagtugon sa karahasan sa paaralan. | Kompleto ang paglalahad ng impormasyon hinggil sap ag-iwas at pagtugon sa karahasan sa paaralan. | May ilang kakulangan ang paglalahad ng impormasyon hinggil sap ag-iwas at pagtugon sa karahasan sa paaralan. |
| Kabuoang Iskor = 20 |
Tayahin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Kung ikaw ay isang batang nakaranas ng mga karahasan sa paaralan, paano mo ito malalabanan?
- A. maging pokus sa iyong ginagawa
- B. hayaan sila sa patuloy na panunukso sa iyo.
- C. kakayanin na lamang hanggang sa magsawa sila
- D. isasantabi ang panunukso sa halip gumawa ng bagay na makapaguunlad ng sarili at sa kapwa
Sa tuwing pinababasa si Arnel ng kanyang guro, parati niyang idinadahilan na malabo ang kanyang paningin kaya hindi maiwasan na pagtawanan siya ng kanyang mga kaklase. Ano ang dapat gawin ni Arnel para hindi siya pagtawanan ng kanyang kaklase?
- A. huwag silang pansinin at patulan
- B. dapat siyang sumali sa mga pangkatang gawain
- C. pabayaan sila sa pambubuska hanggang magsawa
- D. magpupursige na mapaunlad ang sarili sa pagbabasa
Bakit mahalagang matutuhan ng tao na igalang at mahalin ang kaniyang kapwa?
- A. Ang pagmamahal sa kapwa ay tungkulin na may kapalit.
- B. Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat na katarungan.
- C. Ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng pag-unawa sa sarili.
- D. Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang pagmamahal.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa?
- A. pagmamahal na panandalian lamang
- B. pagmamahal sa kaniya na may kapalit
- C. pagbibigay sa lahat ng nais niya sa buhay
- D. pagtanggap sa anumang estado sa buhay ng kapwa
Lumaki si Dan sa tahanang puno ng pananampalataya sa Maykapal. Minsan ay nakaranas siya ng panlalait mula sa kanyang mga kaklase. Sinasabihan siya ng mga ito na ang kanyang suot na damit ay parang damit ng pulubi at pinaglumaan na. Sa halip na gumanti ay ipinagdasal na lang niya ito. Anong aspekto ng pagmamahal ang ipinamalas ni Dan?
- A. pagmamahal sa sarili at kalikasan
- B. pagmamahal sa kapwa at Panginoon
- C. pagmamahal sa kaibigan at kapitbahay
- D. pagmamahal sa magulang at nakatatanda
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal sa sarili?
- A. Sumali si Fe sa fraternity para sumikat sa kampus.
- B. Si Fe ay mula sa may kayang pamilya kaya ipinagmalaki niya ito.
- C. Likas na maganda si Fe kaya tinutukso niya ang iilan sa mga kaklase.
- D. Sinisikap ni Fe na hindi masangkot sa anumang karahasan sa paaralan.
Biglang sinuntok si Mario ng kanyang kaklase. Muntik na niyang gantihan ito ngunit naalala niya ang payo ng kanyang magulang kaya hindi na niya ito itinuloy. Anong aspekto ng pagmamahal ang ipinamalas ni Mario?
- A. pagmamahal sa sarili
- B. pagmamahal sa kapwa
- C. pagmamahal sa Panginoon
- D. pagmamahal sa payo magulang
Madalas na sinasaktan si Petter sa loob ng klase dahil sa kanyang kapansanan. Sa halip na patulan, pinakita niya sa mga kaklase na uunawain na lang niya ang mga ito. Pinakita rin niya ang iba niyang talento sa klase. Anong aspekto ng pagmamahal ang ipinamalas ni Petter?
- A. pagmamahal sa sarili
- B. pagmamahal sa kapwa
- C. pagmamahal sa magulang
- D. pagmamahal sa Panginoon
Bakit kailangan ang pagrespeto, maingat sa pananalita at pangangalaga sa kapakanan ng kapwa?
- A. dahil tungkulin ito ng guro
- B. dahil tungkulin ito ng mag-aaral
- C. dahil patunay ito ng mabuting pakikisama
- D. dahil patunay ito ng tunay na pagmamahal
Paano magkakaroon ng tahimik at matiwasay na buhay ang mag-aaral sa loob ng paaralan?
- A. umiwas sa fraternity
- B. umiwas sa mga kaklase
- C. umiwas sa mga barkada
- D. umiwas sa mga karahasan
Kailangan mong mahalin ang iyong sarili upang matutunan mong mahalin ang iyong:
- A. bansa
- B. kalusugan
- C. kapwa
- D. paligid
Iginagalang ni Rosa ang opinyon ng kaklaseng si Edna kahit na sinabi niya na iba ito sa kanyang paniniwala kaya nabuo ang pag-uunawan at pagmamahalan. Anong uri ng suliranin sa paaralan ang maaaring maiwasan ni Rosa?
- A. kalungkutan
- B. karahasan
- C. kasahasann
- D. kasiyahan
Ano ang pinakamabisang sandata na ipinatutupad sa loob ng paaralan upang maiwasan ang pagka sangkot ng kabataan sa anumang karahasan?
- A. may takot sa pamilya
- B. may pagmamahal sa sarili
- C. may matinding paninindigan
- D. may sinusunod na alituntunin
Ang mag-aaral ay maiiwasan at matutugunan ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng maayos na relasyon sa mga kamag aral bunga ng :
- A. pag-aaral nang mabuti
- B. pagmamahal sa sarili at kapwa
- C. paggalang sa awtoridad ng paaralan
- D. pagsunod sa payo ng mga magulang
Bakit mahalagang maiwasan ang anumang karahasan sa paaralan?
- A. upang maging sikat sa paaralan
- B. dahil ito ay magdudulot ng gulo sa iyong buhay
- C. dahil ito ay magiging daan sa paggaan ng buhay
- D. upang magkaroon ng matiwasay at tahimik na buhay
Karagdagang Gawain
Gawain: Suri-Sitwasyon!
Panuto: Suriin ang sitwasyon at magbigay ng opinyon tungkol sa pag-iwas at pagtugon sa mga karahasan sa paaralan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Sitwasyon | Sariling Opinyon |
|---|---|
| Adbokasiya ng mga opisyales ng SSG ang pag-iwas at pagtugon sa mga karahasan sa paaralan. Bumuo sila ng mga tuntunin na dapat gawin o sundin ng mga mag-aaral na nakaimprenta sa tarpaulin at idikit ito sa pasilyo upang mabasa ng lahat. |
Rubriks sa Pagmamarka
| Krayterya | Higit na inaasahan (10 puntos) | Hindi masyadong nakamit ang inaasahan (7 puntos) | Hindi nakamit ang inaasahan (3 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Komprehensibo ang paglalahad ng impormasyon hinggil sa pag-iwas at pagtugon sa karahasan sa paaralan. | Kompleto ang paglalahad ng impormasyon hinggil sap ag-iwas at pagtugon sa karahasan sa paaralan. | May ilang kakulangan ang paglalahad ng impormasyon hinggil sap ag-iwas at pagtugon sa karahasan sa paaralan. |
| Organisasyon ng mga kaisipan | Organisado at may malinaw na kaisahan ang daloy ng paglalahad ng kaisipan sa sitwasyon. | Malinaw at maayos ang paglalahad ng kaisipan sa sitwasyon. | Hindi maayos at malinaw ang paglalahad sa sitwasyon. |
| Kabuoan 20 Puntos |
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the boxes are transcribed in reading order as Subukin, Pagyamanin, Balikan, and Tayahin]
Subukin
- C
- B
- D
- B
- B
- D
- D
- D
- D
- B
- D
- D
- B
- D
- D
Pagyamanin
Gawain 4
- Ibigin mo ang iyong kapwa, gaya ng iyong sarili.
Isaisip
Gawain 6
- pagmamahal
- sarili
- kapwa
- maiwasan
- matutugunan
- karahasan
Balikan
- pagmamahal sa sarili
- Pagmamahal sa kapwa
- Karahasan
- Pambubulas
- fraternity
Tayahin
- D
- D
- D
- D
- B
- D
- D
- B
- D
- D
- C
- B
- D
- B
- B
Sanggunian
Aklat:
Bognot Regina Mignon C. et. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao.—. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao.
Hanguang Elektroniko:
Abello, J. (n.d.). inspiring.com. Retrieved June 6, 2020, from https://inspiringtips.com/ways-to-respect-your-parents/
bayviewhealthcare.org. (n.d.). Retrieved June 6, 2020, from https://www.bayviewhealthcare.org/9- ways-honor-respect-elders/
Gupta, P. (2017, February 15). parentcircle. Retrieved June 6, 2020, from https://www.parentcircle.com/article/5-ways-to-teach-children-to-respect-law-and- authority/
Mahoney, K. (2019, March 18). learnreligions.com. Retrieved June 6, 2020, from https://www.learnreligions.com/tips-for-obeying-your-parents-712224
Parker, W. (2018, February 15). liveabout.com. Retrieved June 6, 2020, from https://www.liveabout.com/teaching-children-to-respect-law-1271031
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply