This is a self-learning module for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8, Quarter 3, Module 37: “Sundin at Igalang: Magulang, Nakatatanda at Awtoridad” (obey and respect parents, elders, and those in authority). It is meant for Grade 8 learners studying at home. It helps them understand why obedience and respect are virtues worth practicing and what happens when they are missing.
The module is built around one guiding question: why should we practice respect and obedience toward parents, elders, and people in authority? It opens with an idea that runs through the whole lesson: respect comes from goodwill, justice, and love, and it starts in the family. Saying “po” and “opo” to elders is one example.
What learners will learn
The module develops this learning competency (EsP8PB-IIIc-10.1). Learners will be able to recognize:
- ways of showing respect that are guided by justice and love
- the consequences of not showing obedience and respect to parents, elders, and those in authority
Key ideas: respect and obedience
The module has one lesson, Aralin 1, which opens with a quote from Dr. Jose Rizal: “Ang tunay na karangalan ay nag-uumpisa sa paggalang sa magulang” (true honor begins with respect for one’s parents).
It defines paggalang (respect) as showing regard for people, things, and oneself by giving them value. Respect is first learned at home, then in the community, school, and church. Obedience is one of the main ways to show respect. Learners should follow advice and rules that do good and bring order.
The module also warns against blind obedience: following orders without enough reflection or thought. Young people can reflect and make good decisions, so they should weigh whether an order or advice is right before following it.
Showing respect to parents
- Talk with them regularly, which builds understanding and a good relationship.
- Thank them for their many sacrifices.
- Help with household chores and follow their instructions.
- Be careful with words. Do not answer back; speak calmly and humbly.
- Value their decisions. The module quotes the saying “papunta ka pa lang, pabalik na kami” (you are just on your way, and we are already coming back), meaning parents have more experience. If you disagree, talk it over politely.
- Be humble and ask forgiveness for mistakes.
- Do not lie. Telling the truth earns their trust.
- Give gifts. What matters is the intention to make them happy, not the size or price.
- Work toward a good and successful life to repay their sacrifices.
Showing respect to elders
- Do not join adult conversations you are not part of. Wait until you are asked.
- Speak politely and choose your words carefully.
- Help when needed, for example by patiently teaching an older person how to use a cellphone.
- Be caring and affectionate, such as kissing their forehead or hand (as a sign of respect).
Showing respect to authority
Those in authority include the barangay captain and officials, the police, and higher officials who enforce the law. The module explains the saying “Ignorance of the law excuses no one”: not knowing a law is no excuse to avoid responsibility for breaking it. Ways to show respect include:
- following community rules and laws, which protect everyone’s welfare
- being a good example to others and joining community activities
- knowing the laws so you can avoid breaking them
The module concludes that respect and obedience prevent misunderstandings at home and in the community, and that following laws helps bring order and justice to society.
Activities in the module
| Part | Activity | What learners do |
|---|---|---|
| Subukin | Pretest | 15 multiple-choice questions |
| Balikan | Gawain 1: Talaan ng Kilos Pasasalamat | List acts of gratitude for parents, teachers, and friends |
| Tuklasin | Gawain 2: Pag-alam sa Bunga | List orders from parents, elders, and authorities and the results of obeying or not |
| Pagyamanin | Gawain 3 and Gawain 4: Grapiko | Table of ways to show respect; graphic organizer of the effects of disrespect |
| Isaisip | Gawain 5: Panunumpa sa Paggalang | Write a pledge of respect |
| Isagawa | Gawain 6: Mga Batas, ating Suriin | Find laws or protocols in the news and interview family members about them |
| Tayahin | Post-test | 15 multiple-choice questions |
| Karagdagang Gawain | Gawain 8: Ako ang Simula | Write a letter encouraging other young people to show respect and obedience |
The written tasks in Balikan, Isaisip, Isagawa, and Karagdagang Gawain each come with a rubric.
How to use this module
- Learners: Take the pretest (Subukin) first, then work through the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
- Parents and guardians: The module says a teacher and facilitator guide comes with it, with tips for anyone helping a learner at home. Gawain 6 asks the learner to interview people at home, so be ready to share your views on the laws they choose.
- Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers both tests and gives sample answers for Tuklasin. Most activities have answers that vary per learner and are scored with the rubrics. Check the key against the questions before use. In the pretest, items 3 and 4 are keyed as C and D, but the content points to D and C, as the post-test key gives them. Item 9 in both tests is keyed C, but the content supports B (following community rules).
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 37. The competency code printed in the module is EsP8PB-IIIc-10.1.
What is blind obedience in this module?
Blind obedience is following orders without enough reflection or thought about whether they are good. The module teaches learners to weigh whether an order or advice is right before obeying.
What does Ignorance of the law excuses no one mean?
It means that not knowing a law is not an excuse to avoid responsibility for breaking it. The module uses it to explain why knowing the law is a way to respect authority.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto has keys for the pretest and post-test and sample answers for Tuklasin. Other activities vary per learner and are scored with rubrics.
What are some ways to show respect to parents according to the module?
Talking with them regularly, thanking them, helping with chores, speaking gently, valuing their decisions, being humble, not lying, giving gifts, and working toward a good life.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 37: Sundin at Igalang: Magulang, Nakatatanda at Awtoridad
8
CO_Q1_ESP 8_Module 37
[illustration: students studying at home under a tree, at a desk, and with a globe and a lamp]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Module Ikatlong Markahan – Modyul 37: Sundin at Igalang: Magulang, Nakakatanda, at Awtoridad Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Sara Josa Mae T. Dequina Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Marieta U. Bautista, Christine D. Bagaan, Janice I. Suarez, Jezzine F. Salar, Judith Ecoben, Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo, John Rey C. Clarion Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Paul Andrew A. Tremedal Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chone M. Obseñares, Lope C. Papeleras, Michale C. Paso, Juan Jr. L. Espina
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng Caraga
Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, 8600 Telefax: (085) 342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
[transcriber’s note: this page repeats the module cover: the grade “8”, the title “Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan – Modyul 37: Sundin at Igalang: Magulang, Nakatatanda at Awtoridad”, and the DepEd logo, as transcribed on page 1]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang paggalang ay isang positibong pag-uugali na dapat taglayin ng isang tao. Bunga ito ng kabutihang-loob, katarungan at pagmamahal. Ito ay ipinakikita sa mga magulang, kaibigan, kapitbahay o sa sinumang nakatatanda at maging sa mga batas na ipinaiiral. Maraming paraan ang pwedeng gawin upang maipakita ang paggalang sa kapwa. Isa na rito ay ang pagsasabi ng “po” at “opo” sa tuwing kinakausap ng mga nakatatanda. Ito ay magsisimula sa pamilya na siyang tagapagturo ng katarungan, at pagmamahal.
Sa kasalukuyang panahon, isang malaking hamon para sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad ang paghimok sa mga kabataan upang maisaalang-alang ang birtud ng paggalang at pagsunod upang mapanatili maayos na pakikipag-ugnayan at tamang pagdedesisyon dahilan na rin sa mga impluwensyang dala ng mga taong nakapaligid sa kanila tulad ng mga kaibigan at maging ang mga nakikita nila sa social media.
Sa araling ito, inaasahang ang mga birtud ng paggalang at pagsunod ay iyong mauunawaan sa lalong ikauunlad ng iyong pagkatao at iyong pakikipagkapwa. Sasagutin nito ang mahalagang tanong na: Bakit nararapat isabuhay ang mga paggalang at pagsunod sa magulang, nakatatanda at may awtoridad?
Sa modyul na ito malilinang ang kasanayang pampagkatuto na, Nakikilala ang:
a. mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal b. bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad (EsP8PB-IIIc-10.1)
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Niyaya si Ellen ng kanyang kaibigang si Martha na pumunta sa isang birthday party. Nang siya ay nagpaalam sa kanyang lola, hindi ito pinayagan dahil malapit na ang curfew. Ngunit tumakas ito at sumama sa kaibigan hanggang nahuli ito ng mga tanod at dinala sa barangay para pagpaliwanagin. Ang ipinamalas ni Ellen ay:
- A. kawalan ng halaga sa kapakanan ng iba
- B. kawalan ng kanyang respeto sa kaibigan
- C. kawalan ng pagpapahalaga sa sarili
- D. kawalan ng respeto sa nakatatanda at batas
Paano maipamamalas ang paggalang at pagsunod sa nakatatanda?
- A. iniisip ang kapakanan ng mga kaibigan
- B. pagsunod sa batas ng may awtoridad
- C. pagsunod sa gusto ng mga nakatatandang kaibigang nagyaya sa party
- D. pagsunod sa utos ng lola at ipakita ang respeto dito
Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na ito, “Ignorance of the law excuses no one”?
- A. mangmang ang taong walang alam sa batas
- B. makukulong ang taong walang alam sa batas
- C. payapa ang barangay kapag nasusunod ang mga ordinansa
- D. hindi dahilan ang kawalan ng kaalaman batas upang makaiwas sa pananagutan ukol rito
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang na may katarungan at pagmamahal sa magulang?
- A. Kinakausap ni Peter ng pabalang ang kanyang magulang.
- B. Hindi humihingi ng kapatawaran sa Ina si Jean tuwing nagkakamali.
- C. Tumutulong si Nena sa mga gawaing bahay bago pumasok sa paaralan.
- D. Sa tuwing nag-uusap ang magulang ni Jassy, nakikisabat ito kahit hindi kinakausap.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa nakatatanda?
- A. hindi pagtalima sa mga nais ng kaibigan
- B. paghingi ng payo sa mga magulang sa pagpapasya
- C. pakikipag-usap ng pabalang
- D. umaalis nang hindi nagpapaalam sa magulang
Habang naglalakad sa kalye si Luisa ito ay may nakitang sorbetero na nagtatapon ng kanyang mga basura sa daan. Kung ikaw si Luisa, ano ang ipamamalas mo?
- A. daanan at hayaan na lamang ang sorbetero
- B. dalhin ang lalaki sa estasyon ng pulis upang mabigyan ng kaso
- C. magalang na pagsabihan ang lalaki tungkol sa kanyang paglabag sa batas
- D. paaalisin ang lalaki sa kanyang pwesto at isumbong sa may awtoridad
Mahigpit na ipinapatupad sa Barangay Maharlika ang liquor ban lalo na sa mga menor de edad. Ngunit napagkasunduan ng magkakaibigang sina Mateo, Alexander at Philip na mga menor de edad na bumili ng alak at mag-inuman sa gilid ng daan. Ano ang maaaring hindi magandang bunga ng ginawa nina Mateo?
- A. masayang mag-iinuman kasama ang barkada
- B. madadakip ng pulis at mapagsasabihan ang mga ito
- C. matutuwa ang magulang dahil nagsaya ang kanilang anak
- D. masisiyahan ang kapitan sa barangay dahil nagbabantay sila sa daan
Si Maxine ay lumiban sa klase at sumama sa barkada na maligo sa swimming pool. Nang tinanong siya ng magulang kung bakit siya ginabi ay sinabi nitong nag-aaral sila ng kanyang mga kamag-aral. Paano hindi naisabuhay ng Maxine ang paggalang sa magulang?
- A. hindi niya sinama ang mga magulang sa pagligo
- B. nagsasabi siya ng totoo na nag-aaral lamang siya kasama ang mga kaklase
- C. nagsinungaling siya sa kung ano talaga ang kanilang ginawa
- D. ninakaw niya ang pera ng ina para sa gala
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan sa pagsunod at paggalang sa may awtoridad?
- A. walang kamalayan sa batas na ipinaiiral
- B. pagsunod sa mga patakaran sa pamayanan
- C. hindi pagbibigay-alam sa mga kapitbahay tungkol sa bagong batas
- D. hindi pagiging mabuting ehemplo sa kapwa at komunidad
Si John ay pinayuhan ng kanyang mga magulang na tumigil na sa paglalaro ng online games ngunit hindi ito nakinig at mas lalong naadik ito at lumabo ang kanyang mga mata. Ano ang ipinamalas ni John?
- A. hindi pagtugon sa payo ng doktor na tumingin sa mata niya
- B. pag-aalala sa sarili dahil naadik na siya sa laro at lumabo pa ang mata
- C. paglabag sa awtoridad sa paglabas ng bahay kahit ipinagbabawal
- D. hindi pagsunod sa payo ng magulang
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa desisyon ng magulang sa isang positibong paraan?
- A. Tumakas si Abby at dumaan sa bintana upang magawa ang kanilang proyekto.
- B. Pumunta si Abby sa bahay ng kaklase at hindi nagpapaalam sa magulang kaya napagalitan ito.
- C. Sinasagot-sagot ni Abby ang magulang sa hindi pagpayag nito na pumunta sa bahay ng kaklase para sa gagawing proyekto.
- D. Nais pumunta ni Abby sa bahay ng kaklase upang gumawa ng proyekto, ngunit hindi pumayag ang ina dahil may gulo sa daan. Sa halip na magmaktol, bukas ang loob na sinunod nito ang ina.
Bakit mahalaga ang pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
- A. dahil ito ay magandang asal na magdudulot ng kabutihan sa sarili at kapwa
- B. dahil ito ay utos ng may awtoridad
- C. upang makatapos ng pag-aaral
- D. upang magkaroon ng kapayapaan sa komunidad
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mabuting ehemplo sa kapwa at komunidad na isa sa pamamaraan ng pagsunod at paggalang sa may awtoridad?
- A. Si Albert ay nangunguna sa klase ngunit nagpapasimuno ng gulo sa paaralan.
- B. Si Jobert ay siga sa kanilang lugar kaya siya ay kinatatakutan ng kabataan.
- C. Si Elizabeth ay palaging sumusunod sa batas kaya tinutularan siya ng kapwa kabataan.
- D. Si Marie ay nagboluntaryong tumulong sa pag-iimbestiga sa mga mag-aaral na nagtatapon ng plastik sa kanal ng paaralan upang makaptanggap ng pabuya mula sa punong-guro.
Alin sa mga paraan ang nagpapakita ng pagsunod at paggalang sa nakatatanda?
- A. pagpapakita ng paggalang dahil sa ito’y napipilitan lamang
- B. paggamit ng “po” at “opo” at pagsunod sa mga utos ng magulang nang taos-puso
- C. huwag silang tulungan dahil sila ay matanda na at mas may kakayahan
- D. Sa pamagitan ng pakikipag-usap nang may kayabangan
Nagmamadaling umalis si Jacky papuntang paaralan at kumuha siya ng pera sa pitaka ng ina nang walang paalam. Nang matuklasan ng ina na kulang ang pera agad niyang kinausap ang anak at inamin nito ang nagawang kasalanan at humingi ng kapatawaran. Paano ipinakita ni Jacky ang paggalang?
- A. pagpapasalamat dahil sa perang nakuha
- B. pag-amin sa nagawang kasalanan at pagsisisi dito
- C. pagkakaroon ng paninindigan na siya ay nasa tama
- D. pagtanggap ng kamalian ngunit hindi ibig sabihing siya’y magbabago
Aralin 1: Sundin at Igalang: Magulang, Nakatatanda at Awtoridad
“Ang tunay na karangalan ay nag-uumpisa sa paggalang sa magulang.”
-Dr. Jose Rizal
Ngayon, subukin sa Balikan ang natutunan mo sa nakaraang modyul upang hindi ka mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin.
Balikan
Gawain 1: Talaan ng Kilos Pasasalamat!
Panuto: Punan ang talahanayan at magbigay ng isa o dalawang angkop na kilos ng pasasalamat na iyong ginawa sa mga mahal mo sa buhay. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Ang pagbibigay puntos o iskor ay nagagabay ng sumusunod na rubric.
| Mga Mahal sa Buhay | Angkop na Kilos ng Pasasalamat na Ginawa |
|---|---|
| Magulang | |
| Guro | |
| Kaibigan |
Rubrik sa Pagsagot
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (7 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) | Puntos |
|---|---|---|---|---|
| 1. Malinaw na naipahayag ang mensahe at kaisipan | Malinaw ang pagkalahad ng ideya at napunan ng tatlong angkop na kilos ng pasasalamat. | Di- gaanong malinaw ang pagkalahad ng ideya at napunan ng dalawang angkop na kilos ng pasasalamat. | Hindi malinaw ang pagkalahad ng ideya at napunan ng isang angkop na kilos ng pasasalamat | |
| 2. Kaangkupang sa paksa | Angkop ang mga naisulat na kilos ng pasasalamat sa mga taong nabanggit. | Hindi gaanong angkop ang mga naisulat na kilos ng pagpapasalamat. | Hindi naisulat ang angkop na kilos ng pasasalamat. | |
| Kabuuang Puntos |
Tuklasin
Gawain 2: Pag-alam sa Bunga!
Panuto: Magtala ng dalawang bagay na kadalasang ipinag-uutos sa iyo ng iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad at kung ano ang mga bunga kung ito ay susundin at kung hindi. Sagutin ang mga kasunod na gabay na tanong. Gawin ang lahat ng mga hinihingi sa sagutang papel.
| MGA UTOS | BUNGA KUNG SUSUNDIN | BUNGA KUNG HINDI SUSUNDIN |
|---|---|---|
| Sa magulang _____ | _____ | _____ |
| Sa nakatatanda _____ | _____ | _____ |
| Sa may awtoridad _____ | _____ | _____ |
[transcriber’s note: the blank lines are reproduced as _____; their exact number per cell follows the printed layout and is approximate.]
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
- Sa iyong mga naitala, alin sa mga utos ang bukal sa iyong loob na ginawa? Bakit?
- Ano ang pakiramdam sa tuwing nakasusunod ka sa mg autos ng iyong magulang, nakatatanda at may awtoridad? Ipaliwanag.
- Mahalaga ba ang pagsunod sa kanilang mga utos kung nasa katwiran? Ipaliwanag ang iyong sagot.
- Sa iyong palagay, ano pa ang ibang mga pamamaraan upang maipakita ang paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad?
Suriin
Simula sa pagkabata, isa sa mga pag-uugaling ipinamulat sa atin ng ating mga magulang ay ang paggalang. Ito ay maaari nating matutunan hindi lamang sa loob ng tahanan kundi sa komunidad, paaralan at simbahan. Ito ay ang pinakapangunahing pagpapahalaga na dapat nating matutunan dahil dito nagsisimula ang pagkakaroon ng maayos na pakikipag-ugnayan sa pamilya at ibang tao.
Ang paggalang ay ang pagpapakita ng respeto sa tao, bagay at sarili. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay. Ito ay unang itinuro sa ating pamamahay. Ang paggalang ay ipinapakita sa ating mga magulang upang maibalik natin ang kabutihan na kanilang ginagawa sa atin. Pangalawa ay ang mga nakatatanda o sina “lolo” at “lola” o maging sa sinumang mas matanda ang edad sa atin na ating nakakasalubong sa pamayanan araw-araw. Gayundin, kailangan nating ipakita ang paggalang sa mga may awtoridad sa ating lipunan. Sila ang mga nagpapatupad ng batas na ipinaiiral sa ating lipunan katulad ng kapitan ng barangay at mga opisyal nito, pulis at maging ang mga nasa mas mataas na posisyon.
Sa ating gawain sa bahaging Tuklasin, napagtanto natin na maraming paraan upang maipakita ang paggalang sa ating mga magulang, sa mga nakatatanda at maging sa mga may awtoridad sa pamamagitan ng pagtupad sa mga bagay na pinapayo o ipinaiiral nila na maaaring magdulot ng hindi mabuti kung hindi natin ito susundin. Ang isa sa mga kilos na nangpapakita ng paggalang ay ang pagsunod. Mahalaga rin na matutunan natin ang pagsunod sa kanilang pinapayo o ipinapatupad kung ito ay makakabuti at makapagdudulot ng kaayusan. Sa bawat pagsunod, matuto ring tukuyin at timbangin ang bawat sitwasyon kung ang utos, payo at kilos ng pagsunod ay naaayons sa tamang katwiran. Bilang isang kabataan, ikaw ay may kakayahan ng magnilay at bumuo ng pasya tungo sa kabutihan at iwasan ang blind obedience o ang pagsunod nang walang sapat na pagninilay at pag-iisip.
May mga bagay na dapat nating isaisip dahil ito ay nagsisilbing patunay sa ating paggalang. Narito ang mga sumusunod na paraan:
Sa magulang:
Palagiang na pakikipag-usap. Ang palagiang komunikasyon sa mga magulang ay nakakatulong upang mapatibay ang pagkakaunawaan at maayos na relasyon ng anak sa magulang. Kasiyahan ng bawat magulang na kinakausap sila ng kanilang mga anak tungkol sa bagay-bagay dahil para sa kanila, ito ay tanda ng pagmamahal at paggalang.
Pagpapasalamat. Bata palang tayo ay marami na ang nagawang sakripisyo ang ating mga magulang kaya marapat lamang na suklian natin ng pagpapasalamat ang mga ito. Ang pagpapasalamat ay nagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa kanila bilang ating mga magulang.
Tumulong sa mga gawaing bahay. Ang anak na gumagalang sa magulang ay marunong tumanaw ng utang na loob at ito ay naipapakita sa kahit na simpleng bagay kagaya na lamang ng pagtulong sa mga gawaing bagay at pagsunod sa kanilang mga utos.
Maging sensitibo sa pananalita. Bilang anak, wala tayong karapatang pagsalitaan ng masasakit ang ating mga magulang. Utang natin sa kanila an gating buhay at hindi nila ikinasasaya kapag sinasagot sila ng kanilang mga anak. Magsalita lamang ng mahinahon at magpakumbaba dahil ito ay tanda na sila ay ating ginagalang at minamahal.
Pagpapahalaga at pagsasaalang-alang sa kanilang mga pasya. May kasabihang, “papunta ka pa lang, pabalik na kami.” Wala magulang na gustong ipahamak ang kanilang mga anak. Iniisip lamang nila kung ano makakabuti na kahit mayroon na tayong sariling pag-iisip, ay kailangan pa rin nating ikonsidera ang kanilang mga pasya. Kung hindi sang-ayon sa pasya ng magulang, maaaring makipag-usap nang maayos upang magkaroon ng pagkakasundo sa magiging pasya.
Maging mapagkumbaba. Matutong humingi ng tawad kung may pagkakamaling nagawa.
Huwag magsisinungaling. Kailanman ay hindi naging mabuti ang pagsisinungaling. Ang pagsasabi ng totoo sa mga magulang ay nagpapakita ng ating paggalang sa kanila. Isa rin itong paraan upang maibigay ng mga magulang ang tiwala sa anak.
Magbigay ng regalo. Iparamdam sa magulang na sila ay espesyal sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo na hindi nababatay sa laki o presyo ng regalo kung hindi sa ating layunin na sila ay mapasaya at upang ipadama sa kanila ang ating pagpapahalaga sa kanilang mga mabuting nagawa para sa atin.
Maging maayos sa buhay. Walang ibang nais ang ating mga magulang kung hindi ang kabutihan. Kaya bilang tanda ng paggalang sa kanila, pagsikapang magkaroon ng maayos at matagumpay na buhay nang sa gayon ay masiyahan ang mga magulang at masuklian ang lahat ng kanilang mga sakripisyo para sa ating kapakanan.
Sa nakatatanda:
- Huwag makisali sa usapang pang matanda lalo na kung hindi ka kasangkot sa usapan. May mga paksang pinag-uusapan ng mga matatanda na hindi angkop para sa mga mas nakababata. Kaya huwag kaagad makisali sa kanilang usapan sa halip ay hintayin muna kung kinakailangan o tinatanong ba ng iyong saloobin hinggil sa paksa at makipag-usap din nang may paggalang at mahinahon.
- Pakikipag-usap nang maayos. Maingat sa paggamit ng mga salita lalo na kung nakatatanda ang kaharap o kausap. Panatilihin pa rin ang magagalang na salita sa tuwing nakikipag-usap.
- Pagtulong kung kinakailangan. Ang pagtulong ay isang mabuting paraan ng pagpapakita ng paggalang. Halimbawa, kung may matandang humihingi na payo o tulong kung paano gamitin ang cellphone dahil sa kasalukuyang henerasyon kahit matatanda ay may cellphone na rin. Bilang kabataan na may mas lamang na kaalaman tungkol sa teknolohiya, tumulong tayo nang kusa at may pasensya sa kanila.
- Paglingap at pagiging magiliw. Ang pagiging magiliw, gaya ng paghalik sa noo o kanilang mga kamay ay nagpapahiwatig ng pagmamahal at respeto.
Sa awtoridad:
Narinig mo na ba ang kasabihan sa Ingles na, “Ignorance of the law excuses no one?” Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nito? Ano kaya ang kinalaman nito sa paggalang at pagsunod sa awtoridad?
Mahalaga ang mga batas na ipinaiiral sa ating lipunan at sa ating bansa. Ito ay nagsisilbing gabay upang gumawa tungu sa mabuting kilos ng bawat tao sa lipunan. Tanda ng pagkakakilanlan ng bawat tao ang kanyang sariling bansa kaya marapat lamang na igalang niya ito ganoon na rin ang mga batas na ipinaiiral nito lalo pa’t ito naman ay naman ay para sa kabutihan. Sa pagsunod sa mga batas na ipapatupad ng mga awtoridad, kailangan din nating pairalin at gamitin nang tama ang ating mga karapatan at mapanuring pag-iisip nang sa gayon ay maiwasan ang blind obedience o pagtupad sa mga utos nang walang pagninilay kung ito ba ay makabubuti o hindi.
Narito ang mga paraan upang maipakita ang paggalang sa awtoridad:
Pagsunod sa mga patakaran sa pamayanan. Ang pagsunod sa mga batas at alituntunin ay tanda ng paggalang at ito ay ipinapatupad upang isaalang-alang ang kapakanan ng bawat mamamayan. Ang pagsunod sa mga ito nang ayons sa tamang katwiran ay pakikilahok sa pagsasaayos ng pamayanan at pakikiisa tungo sa kabutihang panlahat.
Pagiging mabuting ehemplo sa kapwa at komunidad. Bilang kabataan, tungkulin mo rin na sundin ang mga batas at makilahok sa mga gawaing pang komunidad. Sa pamamagitan nito, maaari kang maging isang mabuting ehemplo sa iba lalo na sa paggalang at pagsunod sa awtoridad.
Pagkakaroon ng kaalaman sa batas. Kakambal ng pagiging isang responsableng mamamayan ay ang pag-alam sa mga batas at patakaran na ipinapatupad dito. Kailangang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa batas nang sa gayon ay maiwasan ang paglabag dito at mapanatili ang disiplina.
Positibo ang magiging kalalabasan kung magagawa ang mga paraan sa pagpapakita ng paggalang at pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at awtoridad. Ito ay makakatulong upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa tahanan at maging sa pamayanan na kinabibilangan. Sa pamamagitan ng paggalang, naipapaakita natin ang pagmamahal natin at pagapapahalaga sa ating mga magulang at sa nakatatanda. Kapag sinusunod naman natin ang mga alituntunin at batas na ipinapatupad ng awtoridad, maaari tayong makatulong sa pagkakamit ng kaayusan at katarungan sa lipunan. Mahalaga rin pagiging mapanuri sa bawat sitwasyon at kilos upang maisabuhay nang tama paggalang at pagsunod.
Pagyamanin
Gawain 3. Paggalang at Pagsunod, Alam Ko Ito!
Panuto: Itala sa talahanayan ang mga paraan na nagpapakita ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Sino? | Paraan ng pagpapakita ng paggalang at pagsunod |
|---|---|
| 1. Magulang | |
| 2. Nakatatanda | |
| 3. May awtoridad |
Gawain 4: Grapiko!
Panuto: Gamit ang graphic organizer, tukuyin ang mga hindi magandang epekto ng kawalan ng paggalang at pagsunod sa magulang, nakatatanda at awtoridad. Gawin ito sa sagutang papel.
[chart: graphic organizer; Gawain 4: Grapiko!] Center: Bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang Six empty ovals surrounding the center. Values are not labeled on the chart.
Isaisip
Gawain 5: Panunumpa sa Paggalang!
Panuto: Sumulat ng pangako o pledge na tanda ng iyong paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad. Tukuyin sa iyong pangako ang mahahalagang kilos na iyong gagawin upang maipakita ang paggalang. Isulat ang mga hinihingi sa sagutang papel. Ang pagbibigay iskor sa nagawang pangako ay nagagabay sa sumusunod na pamantayan.
Pangako at Pagsunod
Ako si _____________________________________ na nangangakong isasabuhay ang mga kilos na may paggalang sa pamamagitan ng:
_____________________________________________________________________.
Lagda:
Petsa:
Sundin ang pamantayan para sa pagbuo ng pangako o pladge:
| Puntos | 10 | 8 | 5 | Iskor |
|---|---|---|---|---|
| Pamantayan | Gumamit ng mga salitang angkop para sa isang panunumpa at nakapaglahad ng tiyak na mga kilos na magpapakita ng paggalang. | Limitado ang mga salitang angkop para sa panunumpa ang ginamit at may ilang kilos lamang ukol sa paggalang ang nailahad. | Hindi gaanong malinaw ang mga pangungusap at salitang ginamit at hindi rin malinaw ang paglalahad ng mga tiyak na kilos na nagpapakita ng paggalang. |
Isagawa
Gawain 6: Mga Batas, ating Suriin!
Panuto: Manood ng balita sa telebisyon o makinig sa radyo at alamin ang mga batas o protocols na ipinapatupad. Suriin ang mga napiling batas at magsagawa ng panayam sa mga kasama mo sa tahanan kung ano ang kanilang opinyon ukol sa batas. Tukuyin kung ano ano ang mga maaaring bunga ng paggalang at pagsunod sa mga batas na ito.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
Ang pagbibigay ng puntos o iskor sa gawaing ito ay nagagabay ng sumusunod na batayan sa pagmamarka.
| Mga Batas na natukoy | Pagtingin ng mga taong nakapanayam ukol sa batas | Maaaring bunga ng paggalang at pagsunod sa batas |
|---|---|---|
BATAYAN SA PAGMAMARKA
| Pamantayan | Puntos: Higit na Inaasahan (3 puntos) | Puntos: Nakamit ang Inaasahan (2 puntos) | Puntos: Hindi Nakamit ang Inaasahan (1 puntos) | Iskor |
|---|---|---|---|---|
| 1. Pagtukoy sa mga batas | Nakapagtala ng 5 batas na ipinapatupad. | Nakapagtala ng 3 o 4 batas na ipinapatupad. | Nakapagtala ng 1o 2 batas na ipinapatupad. | |
| 2. Resulta ng Pakikipanayam | Mayroong sapat na impormasyon at reaksyon na nakuha mula sa mga nakausap. | Mayroong iilang na impormasyon at reaksyon na nakuha mula sa mga nakausap. | Walang malinaw na impormasyon at reaksyon na nakuha mula sa mga nakausap. | |
| Kabuuang Marka |
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Niyaya si Ellen ng kanyang kaibigang si Martha na pumunta sa isang birthday party. Nang siya ay nagpaalam sa kanyang lola, hindi ito pinayagan dahil malapit na ang curfew. Ngunit tumakas ito at sumama sa kaibigan hanggang nahuli ito ng mga tanod at dinala sa barangay para pagpaliwanagin. Ang ipinamalas ni Ellen ay:
- A. kawalan ng halaga sa kapakanan ng iba
- B. kawalan ng kanyang respeto sa kaibigan
- C. kawalan ng pagpapahalaga sa sarili
- D. kawalan ng respeto sa nakatatanda at batas
Paano maipamamalas ang paggalang at pagsunod sa nakatatanda?
- A. iniisip ang kapakanan ng mga kaibigan
- B. pagsunod sa batas ng may awtoridad
- C. pagsunod sa gusto ng mga nakatatandang kaibigang nagyaya sa party
- D. pagsunod sa utos ng lola at ipakita ang respeto dito
Ano ang ipinapahiwatig sa pahayag na ito, “Ignorance of the law excuses no one”?
- A. mangmang ang taong walang alam sa batas
- B. makukulong ang taong walang alam sa batas
- C. payapa ang barangay kapag nasusunod ang mga ordinansa
- D. hindi dahilan ang kawalan ng kaalaman batas upang makaiwas sa pananagutan ukol rito
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang na may katarungan at pagmamahal sa magulang?
- A. Kinakausap ni Peter ng pabalang ang kanyang magulang.
- B. Hindi humihingi ng kapatawaran sa Ina si Jean tuwing nagkakamali.
- C. Tumutulong si Nena sa mga gawaing bahay bago pumasok sa paaralan.
- D. Sa tuwing nag-uusap ang magulang ni Jassy, nakikisabat ito kahit hindi kinakausap.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggalang at pagsunod sa nakatatanda?
- A. hindi pagtalima sa mga nais ng kaibigan
- B. paghingi ng payo sa mga magulang sa pagpapasya
- C. pakikipag-usap ng pabalang
- D. umaalis nang hindi nagpapaalam sa magulang
Habang naglalakad sa kalye si Luisa ito ay may nakitang sorbetero na nagtatapon ng kanyang mga basura sa daan. Kung ikaw si Luisa, ano ang ipamamalas mo?
- A. daanan at hayaan na lamang ang sorbetero
- B. dalhin ang lalaki sa estasyon ng pulis upang mabigyan ng kaso
- C. magalang na pagsabihan ang lalaki tungkol sa kanyang paglabag sa batas
- D. paaalisin ang lalaki sa kanyang pwesto at isumbong sa may awtoridad
Mahigpit na ipinapatupad sa Barangay Maharlika ang liquor ban lalo na sa mga menor de edad. Ngunit napagkasunduan ng magkakaibigang sina Mateo, Alexander at Philip na mga menor de edad na bumili ng alak at mag-inuman sa gilid ng daan. Ano ang maaaring hindi magandang bunga ng ginawa nina Mateo?
- A. masayang mag-iinuman kasama ang barkada
- B. madadakip ng pulis at mapagsasabihan ang mga ito
- C. matutuwa ang magulang dahil nagsaya ang kanilang anak
- D. masisiyahan ang kapitan sa barangay dahil nagbabantay sila sa daan
Si Maxine ay lumiban sa klase at sumama sa barkada na maligo sa swimming pool. Nang tinanong siya ng magulang kung bakit siya ginabi ay sinabi nitong nag-aaral sila ng kanyang mga kamag-aral. Paano hindi naisabuhay ng Maxine ang paggalang sa magulang?
- A. hindi niya sinama ang mga magulang sa pagligo
- B. nagsasabi siya ng totoo na nag-aaral lamang siya kasama ang mga kaklase
- C. nagsinungaling siya sa kung ano talaga ang kanilang ginawa
- D. ninakaw niya ang pera ng ina para sa gala
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan sa pagsunod at paggalang sa may awtoridad?
- A. walang kamalayan sa batas na ipinaiiral
- B. pagsunod sa mga patakaran sa pamayanan
- C. hindi pagbibigay-alam sa mga kapitbahay tungkol sa bagong batas
- D. hindi pagiging mabuting ehemplo sa kapwa at komunidad
Si John ay pinayuhan ng kanyang mga magulang na tumigil na sa paglalaro ng online games, ngunit hindi ito nakinig at mas lalong naadik ito at lumabo ang kanyang mga mata. Ano ang ipinamalas ni John?
- A. hindi pagtugon sa payo ng doctor na tumingin sa mata niya
- B. pag-aalala sa sarili dahil naadik na siya sa laro at lumabo pa ang mata
- C. paglabag sa awtoridad sa paglabas ng bahay kahit ipinagbabawal
- D. hindi pagsunod sa payo ng magulang
- Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa desisyon ng magulang sa isang positibong paraan?
- A. Tumakas si Abby at dumaan sa bintana upang magawa ang kanilang proyekto.
- B. Pumunta si Abby sa bahay ng kaklase at hindi nagpapaalam sa magulang kaya napagalitan ito.
- C. Sinasagot-sagot ni Abby ang magulang sa hindi pagpayag nito na pumunta sa bahay ng kaklase para sa gagawing proyekto.
- D. Nais pumunta ni Abby sa bahay ng kaklase upang gumawa ng proyekto, ngunit hindi pumayag ang ina dahil may gulo sa daan. Sa halip na magmaktol, bukas ang loob na sinunod nito ang ina.
- Bakit mahalaga ang pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda, at may awtoridad?
- A. dahil ito ay magandang asal na magdudulot ng kabutihan sa sarili at kapwa
- B. dahil ito ay utos ng may awtoridad
- C. upang makatapos ng pag-aaral
- D. upang magkaroon ng kapayapaan sa komunidad
- Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging mabuting ehemplo sa kapwa at komunidad na isa sa pamamaraan ng pagsunod at paggalang sa may awtoridad?
- A. Si Albert ay nangunguna sa klase ngunit nagpapasimuno ng gulo sa paaralan.
- B. Si Jobert ay siga sa kanilang lugar kaya siya ay kinatatakutan ng kabataan.
- C. Si Elizabeth ay palaging sumusunod sa batas kaya tinutularan siya ng kapwa kabataan.
- D. Si Marie ay nagboluntaryong tumulong sa pag-iimbestiga sa mga mag-aaral na nagtatapon ng plastik sa kanal ng paaralan upang makaptanggap ng pabuya mula sa punong-guro.
- Nagmamadaling umalis si Jacky papuntang paaralan at kumuha siya ng pera sa pitaka ng ina nang walang paalam. Nang matuklasan ng ina na kulang ang pera agad niyang kinausap ang anak at inamin nito ang nagawang kasalanan at humingi ng kapatawaran. Paano ipinakita ni Jacky ang paggalang?
- A. pagpapasalamat dahil sa perang nakuha
- B. pag-amin sa nagawang kasalanan at pagsisisi dito
- C. pagkakaroon ng paninindigan na siya ay nasa tama
- D. pagtanggap ng kamalian ngunit hindi ibig sabihing siya’y magbabago
- Alin sa mga paraan ang nagpapakita ng pagsunod at paggalang sa nakatatanda?
- A. pagpapakita ng paggalang dahil sa ito’y napipilitan lamang
- B. paggamit ng “po” at “opo” at pagsunod sa mga utos ng magulang nang taos-puso
- C. huwag silang tulungan dahil sila ay matanda na at mas may kakayahan
- D. Sa pamagitan ng pakikipag-usap nang may kayabangan
Karagdagang Gawain
Gawain 8: Ako ang Simula!
Panuto: Sumulat ng isang liham para sa kapwa kabataan na nanghihikayat sa paggalang at pagsunod sa magulang, nakatatanda, o may awtoridad na may katarungan at pagmamahal.
Isulat ang ang liham sa sagutang papel.
Ang pagbibigay iskor o puntos sa nagawang liham ay nagagabay sa sumusunod na rubrik
Rubrik sa Paggawa ng Liham
| Krayterya | Puntos: Higit na inaasahan 10 puntos | Puntos: Nakamit ang inaasahan 8 puntos | Puntos: Bahagyang nakamit ang inaasahan 5 puntos | Puntos: Hindi nakamit ang inaasahan 4 puntos | Iskor |
|---|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Komprehensibo ang nilalaman ng liham. Wasto ang lahat ng impormasyon | Kumpleto ang nilalaman ng liham. Wasto ang lahat ng impormasyon | May ilang kakulangan sa nilalaman ng liham. May ilang maling impormasyon | Maraming kakulangan sa nilalaman ng liham. | |
| Organisasyon ng mga kaisipan/ Kaugnayan sa Paksa | Organisado at nailapat ng maayos ang natutunan sa paksang tinalakay | Malinaw at maayos ang paglalahad ng kaisipan sa liham. | Hindi masyadong maayos at hindi gaanong natumpok ang natutunan sa paksa | Walang kaayusan ang paglalahad ng kaisipan sa liham at hindi naiugnay sa paksa ang laman. | |
| Kabuoang puntos |
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer-key boxes on this page are printed upside down; each box is read here in its upright order, and the boxes are listed in their printed positions.]
Subukin
- D; 6. C; 11. D
- D; 7. B; 12. A
- C; 8. C; 13. C
- D; 9. C; 14. B
- B; 10. D; 15. B
Pagyamanin
Gawain 3 at 4
*Maaring magkakaiba ang sagot ng bawat mag-aaral.
Tayahin
- D; 6. C; 11. D
- D; 7. B; 12. A
- D; 8. C; 13. C
- C; 9. C; 14. B
- B; 10. D; 15. B
Karagdagang Gawain
*Maaring magkakaiba ang sagot ng bawat mag-aaral. Ang pagbibigay iskor sa nagawang liham ay nagagabay ng naibigay na pamantayan.
Balikan
*Maaring magkakaiba ang sagot ng bawat mag-aaral. Ang pagbibigay iskor o puntos sa nagawa ay nagagabay ng naibigay na rubric.
Isaisip
*Maaring magkakaiba ang sagot ng bawat mag-aaral. Ang pagbibigay iskor sa nagawang pangako at pagsunod ay nagagabay ng naibigay na pamantayan.
Isagawa
*Maaring magkakaiba ang sagot ng bawat mag-aaral. Ang pagbibigay iskor sa nagawang talahanayan ay nagagabay ng naibigay na pamantayan.
Tuklasin
1-2. Magulang:
- Ama/Ina/Tatay/Nanay/Ma/Pa/Tagapangalaga
- Pag-iisip ng positibo
- Konsistent na pakikipag-usap
- Pagpapasalamat
- Tumulong sa mga gawaing bahay
- Maging sensitibo sa pananalita
- Pagrespeto sa kanilang desisyon
- Maging mapagkumbaba
- Huwag magsisinungaling
- Magbigay ng regalo
- Maging maayos sa buhay
3-4. Nakatatanda
- Lolo, Lola, Kuya, Ate, Tita, Tito at iba pa.
- Pagpapakita ng kapitagan
- Pakikipag-usap nang maayos
- Pagtulong
- Paghingi ng payo
- Paglingap at pagiging magiliw
5-6. May Awtoridad
- Pagsunod sa mga patakaran sa pamayanan
- Pagiging mabuting ehemplo sa kapwa at komunidad
- Ipagbigay-alam ang bagong batas sa komunidad
- Pagkakaroon ng kaalaman sa batas.
Sanggunian
Aklat:
Bognot Regina Mignon C. et. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao. Vival Publishing House Inc.
—. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao. Vival Publishing House Inc.
Hanguang Elektroniko:
Abello, J. n.d. 40 Ways to Respect Your Parents. Accessed June 6, 2020. https://inspiringtips.com/ways-to-respect-your-parents/.
n.d. 9 Ways to Honor and Respect Our Elders. Accessed June 6, 2020. https://www.bayviewhealthcare.org/9-ways-honor-respect-elders/.
Gupta, P. 2017. 5 Ways To Teach Children To Obey the Rules of Law. February 15. Accessed June 6, 2020. https://www.parentcircle.com/article/5-ways-to-teach-children-to-respect-law-and-authority/.
Mahoney, K. 2019. Tips for Obeying Your Parents. March 18. Accessed June 6, 2020. https://www.learnreligions.com/tips-for-obeying-your-parents-712224.
Parker, W. 2018. Teaching Children to Respect Law. February 15. Accessed June 6, 2020. https://www.liveabout.com/teaching-children-to-respect-law-1271031.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply