This is the Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) self-learning module for Quarter 3, Module 34: “Halimbawa ng Pagpapakita ng Pasasalamat o Kawalan Nito” (examples of showing gratitude or the lack of it). It was made for learners studying at home through the Alternative Delivery Mode, with help from a parent or another home facilitator. By the end, learners should be able to tell whether a situation shows gratitude or ingratitude, and explain why.
What learners will learn
The module has one learning competency:
- Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito (analyzes examples or situations that show gratitude or the lack of it). Code: EsP8PB-IIIa-9.2
Lessons in this module
The module has one lesson, Aralin 1: “Halimbawa ng Pagpapasalamat at Kawalan Nito” (examples of gratitude and its absence). It follows the usual self-learning module parts:
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Subukin (pretest) | 15 multiple-choice questions |
| Balikan (review) | Gawain 1: list ways of giving thanks for daily blessings in a graphic organizer |
| Tuklasin (explore) | Gawain 2: rate 10 gratitude statements from 4 (often) to 1 (never), then answer guide questions |
| Suriin (discuss) | Read the explanation and a table of signs of gratitude and ingratitude |
| Pagyamanin (practice) | Sort statements, judge three short situations, and analyze two stories |
| Isaisip (remember) | Gawain 5: decode a number code to reveal a saying that sums up the lesson |
| Isagawa (apply) | Gawain 6: record your own actions for the day and judge each one |
| Tayahin (post-test) | 15 multiple-choice questions |
| Karagdagang Gawain (extra) | Gawain 7: make a poster about gratitude on long bond paper |
What gratitude means
The module defines pasasalamat (gratitude) as recognizing and showing a warm attitude toward people who were kind to us, especially in times of great need. Giving thanks also shows utang na loob, a sense of debt of gratitude, to the person who helped solve a problem or helped us succeed. It is also described as valuing the blessings we receive, material or not, and the people behind them.
The module says people express thanks in different ways, such as saying “Thank you,” giving a gift, or helping others in turn. Not everyone finds it easy to say how they feel, so we need to understand gratitude well, both as the giver and as the receiver of thanks.
Signs of gratitude and ingratitude
The Suriin part compares the two side by side. Some of the ways of showing gratitude it lists:
- Sharing a specific thing a person did that changed your life
- Doing a simple thing that shows you care, like cleaning up after a dinner
- Praising someone’s work, character, skills, or talent
- Giving a hug or a pat on the shoulder when needed
- Writing a thank-you note
- Being kind to yourself even when you did not succeed
- Doing good to others without waiting for anything in return
Signs of kawalan ng pasasalamat (ingratitude) include:
- An “entitlement mentality,” the belief that whatever you want is your right and must be given at once
- Never feeling satisfied with what you have
- Envy that goes beyond looking for inspiration, always comparing yourself with others
- Always asking for help without saying thank you
- Selfishness and no concern for other people’s needs
- Seeing yourself as a victim and refusing advice or sympathy
- Negativity, pulling others down, and no wish to grow
Stories used in the module
The tests and activities use short stories to practice these ideas:
- Jessy does the housework because her parents come home tired from work, which shows gratitude and thoughtfulness.
- Berta sulks because her best friend Berto could not help her explain to their teacher, even though Berto had his own errand. Her demand that he always be there for her shows ingratitude.
- Pastel’s children comfort their mother when she is falsely accused of theft at work, and tell her they believe in her.
- Jessa befriends the new classmate Sara out of envy and secretly speaks badly of her, even though Sara treats her as a best friend.
- Diego works his way up from construction worker, pays for his father’s treatment, and thanks God by helping people in need.
The lesson ends with the saying “Magiging sapat ang anumang bagay kung marunong magpasalamat” (anything will be enough if you know how to be thankful).
How to use this module
The module asks learners not to write on it. Write all answers on a separate answer sheet so the copy can be used by others.
- Take the pretest (Subukin) first to see what you already know.
- Do the review activity. The teacher’s note says to move on only if the learner did it well; if not, go back to the previous module.
- Work through Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, and Isagawa in order.
- Take the post-test (Tayahin), then check your answers with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end.
- Do the poster activity if your teacher asks for it.
For learners: The module asks you to be honest when using the answer key, and to contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
For parents: You can guide your child through each part in order. The Tuklasin and Isagawa activities are about your child’s own daily habits, so talking through the answers at home can help.
For teachers: Most written activities come with a rubric. Gawain 1, the Pagyamanin tasks, and Gawain 6 are each scored out of 10 points, and the poster is scored out of 15 points for creativity, fit to the topic, and organization.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3, Module 34. It was published by DepEd Caraga Region as a first edition in 2020.
What competency does the module cover?
It covers EsP8PB-IIIa-9.2: analyzing examples or situations that show gratitude or the lack of it.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest (Subukin) and the post-test (Tayahin), and the saying for the decoding activity.
What is an entitlement mentality?
The module describes it as the belief that anything a person wants is their right and must be given attention right away. It lists it as a sign of ingratitude.
What is the poster activity?
In Gawain 7, learners make a poster that shows gratitude on long bond paper. It is scored out of 15 points for creativity, fit to the topic, and organization.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 34: Halimbawa ng Pagpapakita ng Pasasalamat o Kawalan Nito
[illustration: students reading and studying outdoors and indoors with a teacher, a globe, and a lamp]
CO_Q3_EsP 8_ Module 34
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 34: Halimbawa ng Pagpapakita ng Pasasalamat o Kawalan Nito
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jeasel H. Pedros, Risa Mae B. Lospe, Rashiel Joy F. Lipaopao Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth Ysulan, Corazon F. Adrales, Eva P. Noynay, Judith E. Ecoben, Jezzine F. Salar, Megie M. Lillo, Jhon Rey C. Clarion Tagaguhit: Alim V. Eviota, Jubell C. Cababat, Gilbert H. Japay, Adonis P. Umipig, Jay S. Mateo, Merlinda W. Malimit Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib, Eljun A. Calimpusan Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina
Inilimbag sa:
Department of Education – Caraga Region
Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – 34: Halimbawa ng Pagpapakita ng Pasasalamat o Kawalan Nito
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
i
Alamin
[illustration: hand pressing a button inside a circle]
Ang pasasalamat ay nangangahulugan ng pagkilala, pagkakaroon o pagpapakita ng magiliw na saloobin sa mga taong nagbigay ng kabutihang loob lalong-lalo na sa mga oras ng matinding pangangailangan.
Sa pagpapasalamat rin naipapakita ng tao ang kanyang likas na pagtanaw ng utang na loob sa taong tumulong na masolusyunan ang suliraning kinaharap o hindi naman kaya’y pagiging instrumento nito sa isang tagumpay. May iba’t ibang paraan ang tao sa pagpapakita ng pasasalamat. Maari itong sa pamamagitan nang pagsasabi ng “Thank you,” pagbibigay ng regalo o maging sa pagbabalik ng tulong sa ibang taong nangangailangan. Ngunit hindi rin lingid sa ating kaalaman na may mga taong hindi marunong kumilala sa mga kabutihang ginagawa ng kapwa na humahantong sa kawalan ng pasasalamat.
Paano ba malalaman na ang isang sitwasyon ay nagpapakita ng pasasalamat o kaya naman ay kawalan ng pasasalamat?
Inaasahang sa modyul na ito ay malinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito. (EsP8PB-IIIa-9.2)
1
CO_Q3_EsP 8_ Module 34
Subukin
[illustration: hand holding a pencil inside a circle]
Maraming Pagpipilian:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Paano masasabing nagpasasalamat ang taong nakatanggap ng tulong sa kanyang kapwa?
a. pagpapakita ng inggit
b. pagpapalagay sa sarili bilang biktima
c. pagpapakita ng Entitlement Mentality
d. pagsabi na nariyan ka palagi na handang makinig kung sakaling sila ay may pinagdadaananAlin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat ng isang tao?
a. pagtulong sa mga gawaing bahay
b. pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa
c. pagpapasalamat ng hindi bukal sa puso
d. paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyoAbala ang mga magulang ni Jessy sa kanilang trabaho. Palagi silang pagod kapag umuuwi ng bahay. Siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay para mabawasan ang mga isipin ng mga ito at maaga itong makapagpahinga dahil alam niyang hindi madali ang maghanapbuhay. Paano naiparamdam ni Jessy ang pasasalamat nito sa kanyang mga magulang?
a. pagtulog ng maaga
b. pag-iwas sa mga gawaing bahay
c. pagtulong sa mga gawaing bahay
d. pagbababad nito sa panonood ng ibat ibang pelikulaAnong ugali mayroon si Jessy?
a. maaalalahanin
b. masigasig
c. masinop
d. matapang
2
CO_Q3_EsP 8_ Module 34
3
CO_Q3_EsP 8_ Module 34
Matalik na magkaibigan sina Berto at Berta. Isang araw, habang naglalakad ng mag-isa si Berta hindi sinasadyang masagi nito ang inaalagaang pananim ng kanilang guro. Pinagalitan nito si Berta. Nagtampo si Berta dahil hindi siya natulungan ng kanyang matalik na kaibigan na magpaliwanag sa kanilang guro dahil may iba rin itong lakad. Sa isip niya, maraming pagkakataon na natulungan niya ang kanyang kaibigan. Subalit sa panahong siya na ang nangangailangan wala ito sa kanyang tabi. Kakikitaan ba ng pagpapasalamat sa kanyang kapwa si Berta?
a. Hindi, dahil matalik silang magkaibigan.
b. Oo, dahil alam niyang may trabaho pa ito.
c. Oo dahil nauunawaan niyang importante rin ang lakad ni Berto kaya hindi siya natulungan.
d. Hindi, dahil sa kagustuhan nitong dapat ay tulungan rin siya ng kanyang kaibigan at nararapat lamang na nasa tabi niya ito palagi.Anong katangian ang nagpapakita ng kawalan ng pagpapasalamat ni Berta sa kanyang kaibigan?
a. maunawain
b. mabait sa kanyang kaibigan
c. pagpapakita ng inggit sa kapwa
d. hindi paglimot sa kanyang nagawang tulongAnong klase ng ugali ang ipinapakita ni Berta?
a. maaalalahanin
b. maawain
c. mapagbigay
d. makasariliMabait at mapag-arugang ina si Pastel sa kanyang mga anak. Lumaki ang mga ito na mapagkalinga sa mga taong nakapaligid sa kanila. Isang araw, napagbintangan itong nagnakaw sa kanyang pinagtatrabahuan kahit hindi naman ito totoo. Isinaloob na lamang ito ng ginang dahil ayaw niyang makagambala sa kanyang mga anak. Lingid sa kanyang kaalaman, nalaman ng mga anak ang mga bagay na bumabagabag sa kalooban ng kanilang ina. Habang umiiyak ito sa kanilang silid pinuntahan siya ng kanyang mga anak. Inaliw siya at dinamayan ng mga ito at sinabing naniniwala silang hindi nito magagawa ang mga ibinibintang na kasalanan dito. Anong paraan ang ginawa ng mga anak upang mapasalamatan ang kanilang ina?
a. Binigyan ng papuri ng mga anak ang kanilang ina.
b. Inaway ng mga ito ang kanilang ina sa ginawang kasalanan nito.
c. Pagpapabaya ng mga ito sa problemang kinakaharap ng kanilang ina.
d. Pagsabi na nariyan ka palagi na handang makinig kung sakaling sila ay may pinagdadaanan.
4
CO_Q3_EsP 8_ Module 34
Angkop ba ang kilos na ipinakita ng mga anak sa kanilang ina kung pagbabatayan ang pananaw o perspektibo ng katarungan?
a. Hindi, dahil panlalamang ito sa kapwa.
b. Hindi, dahil masama ang pinaggagawa nito.
c. Oo, dahil wala naman itong ginawang kasalanan at napagbintangan lamang ito.
d. Oo dahil ito ang nagpalaki sa kanila dapat ay kinukunsinte na lamang nila ang mga ginagawa nito.Simula’t sapul ay walang nakalalamang sa angking kakayahan ni Jessa. Nabago lamang ito nang dumating ang kanilang bagong kaklase na si Sara. Mabait, matalino at palakibigan ito, kabaliktaran sa mga kaugaliang ipinapakita ni Jessa kaya madali nitong nakapalagayang loob ang buong klase. Malaki ang inggit dito ni Jessa. Nasanay kasi itong nasa kanya palagi ang atensyon ng kanyang mga kaklase. Sa kagustuhang malamangan niya ito nakipagkaibigan siya rito. Tinuring ni Sara si Jessa na isang matalik na kaibigan. Anuman ang pangangailangan nito ay tinutugunan niya sa abot ng kanyang makakaya. Hindi alam ni Sara na nagbabalat-kayo lamang ito. Sinisiraan na pala siya nito sa kanilang mga kaklase. Napag-alaman lamang niya ito nang minsang pagsabihan siya ng mga kaklase. Kalaunan, binalewala niya na lamang ito dahil ayaw niyang magkaroon ng hidwaan sa pagitan nilang dalawa. Naipakita ba ni Jessa ang pasasalamat sa lahat ng nagawa ni Sara para sa kanya?
a. Oo, dahil kinaibigan niya ito.
b. Hindi, dahil wala siyang pakialam dito.
c. Hindi, dahil nanaig ang inggit sa kanyang kalooban.
d. Oo, dahil may utang na loob siya rito at dapat na tulungan niya rin ito.Anong katangian ni Jessa ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat kay Sara?
a. mabait
b. matapang
c. mayabang
d. makasariliBatay sa sitwasyon, tama ba ang ipinakitang pakikitungo ni Jessa sa kanyang kaibigan?
a. Hindi, dahil isang mabait na bata si Jessa.
b. Oo, dahil isang hamak na transferee lamang si Sara.
c. Oo, dahil nararapat lang na walang makalamang sa kanya.
d. Hindi, dahil mabuti ang intensyon ng pakikipagkaibigan ni Sara kay Jessa.Lumaki sa mahirap na pamilya si Diego. Sa murang edad, nangarap siya na sa kanyang paglaki ay tutulungan niya ang kanyang pamilya upang maiahon ito sa hirap ng buhay na pinagdaraanan nila. Isang pangyayari ang nagtulak kay Diego na makipagsapalaran at maghanap ng trabaho sa Maynila nang minsang magkasakit ang kanyang ama. Pinalad siyang makapasok bilang isang construction worker. Dahil sa matibay na paniniwala nito sa Poong Maykapal, hindi siya sumuko sa mga pagsubok na kanyang nararanasan. Nagsikap ito sa kanyang trabaho hanggang sa kalaunan ay umangat ang posisyon nito. Kinuha itong kanang kamay ng kanilang boss. Napagamot niya ang kanyang ama at umasenso ang kanilang buhay. Upang makapagpasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyayang natanggap niya tinulungan din niya ang mga taong kanyang nakasasalamuha na nangangailangan ng tulong. Paano naipakikita ni Diego ang kanyang pasasalamat sa Panginoon?
- A. paglilingkod sa kapwa
- B. naaawa sa kanyang ama
- C. pagiging tapat sa kanyang trabaho
- D. natutong tumulong sa kanyang sarili
- Anong katangian ang ipinakita ni Diego para pagpalain siya ng Panginoon sa kabila ng napakaraming pagsubok na kanyang nararanasan?
- A. matalino
- B. matatag
- C. matulungin
- D. masipag
- Angkop ba ang paraan ng pagpapasalamat ni Diego sa Panginoon?
- A. Oo, dahil naibahagi niya ang kanyang mga natanggap na biyaya sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.
- B. Oo, dahil matalino siyang tao.
- C. Hindi, dahil hindi niya natulungan ang mga kasamahan niya sa trabaho.
- D. Hindi, dahil naimpluwensyahan lamang siya ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.
Aralin 1: Halimbawa ng Pagpapasalamat at Kawalan Nito
Ngayon, may inihanda akong gawain na mag-uugnay sa iyo sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito! Ngayon pa lang ay binabati na kita!
Balikan
Gawain 1: Pagkilala ng Pasasalamat
Panuto: Gamit ang graphic organizer, isulat sa sagutang papel ang iba’t ibang pamamaraan sa pasasalamat mula sa mga biyayang natatanggap mo araw – araw.
[chart: graphic organizer; Gawain 1] Mga Pamamaraan sa Pagpapasalamat (top box, with five empty boxes below it)
Batayan sa Pagmamarka
| Pamantayan | Puntos: 5 | Puntos: 4 | Puntos: 3 |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Lubos na naipapakita ang iba’t ibang pamamaraan sa pasasalamat | Hindi gaanong naipakita ang paraan ng pasasalamat | Simple at hindi naipakita ang paraan ng pasasalamat |
| Paggamit ng salita | Angkop ang pagkabaybay ng salita at wasto ang pagkakagamit sa pangungusap. | Hindi gaanong angkop ang pagkabaybay ng salita at wasto ang pagkakagamit sa pangungusap | Hindi angkop ang pagkabaybay ng salita at wasto ang pagkakagamit sa pangungusap |
| Kalinisan at Kaayusan | Organisado at malinis ang pagkakasulat | Hindi gaanong organisado at malinis ang pagkakasulat | Hindi organisado at malinis ang pagkakasulat |
| Kabuoan = 10 puntos |
Mga Tala para sa Guro
Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
Tuklasin
Gawain 2: Sulit-Pasasalamat!
Ang pasasalamat ay ang pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga biyayang natanggap (materyal man o hindi materyal na bagay) at sa mga taong nasa likod nito.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa talahanayan. Ipahiwatig kung gaano kadalas ka nakararanas at sumasang-ayon sa bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel kung 4 (Madalas), 3 Hindi Gaanong Madalas), 2 (Paminsan-minsan) at 1 (Hindi Kailanman). Pagnilayan ang mga gabay na tanong.
| Mga Pahayag | 4 Madalas | 3 Hindi gaanong madalas | 2 Paminsan -minsan | 1 Hindi Kailanman |
|---|---|---|---|---|
| 1. Nagpasasalamat ako sa angking pangangangatawan at pisikal na kalusugan. | ||||
| 2. Binibilang ko ang aking mga biyaya sa kung ano ang mayroon ako sa mundong ito. | ||||
| 3. Nagninilay-nilay ako sa mga panahong madilim sa aking buhay upang mapagtanto ko ang biyaya na ipinagkaloob sa akin | ||||
| 4. Iniisip ko ang mga taong hindi gaanong pinalad kaysa sa akin upang matanggap ko ang kasalukuyang kalagayan. |
| Mga Pahayag | 4 Madalas | 3 Hindi gaanong madalas | 2 Paminsan -minsan | 1 Hindi Kailanman |
|---|---|---|---|---|
| 5. Ipinapaalala ko sa aking sarili kung gaano ako kapalad na magkaroon ng mga pribilehiyo at pagkakataong umunlad. | ||||
| 6. Binigbigyan ko ng halaga ang lahat ng magagandang bagay na nangyari sa aking buhay | ||||
| 7. Iniisip ko kung gaano ako kapalad na magkaroon ng mga pangunahing bagay sa buhay tulad ng pagkain, damit at tirahan. | ||||
| 8. Ipinagpasalamat ko ang mga panahon na nakaligtas ako sa anumang kapahamakan. | ||||
| 9. Kontento ako sa kung anong mayroon ako. | ||||
| 10. Kapag nakasaksi ako ng isang aksidente ipinapaalala ko sa sarili na magpasalamat na ako ay ligtas. |
Gabay na tanong:
- Naging madali ba ang pagsagot sa mga pahayag na nakapaloob sa talahanayan? Bakit?
- Alin sa mga pahayag sa talahanayan ang mas madalas mong ginagawa na nagpapakita ng pasasalamat?
- Alin naman sa pahayag sa talahanayan ang hindi mo nagagawa o hindi mo gaanong nagagawa na nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat?
- Bakit mahalaga ang maging mapagpasalamat sa mga biyayang natatanggap?
- Mapagpasalamat ka ba o hindi? Sa bilang na 1 hanggang 8, kung saan 8 ang pinakamataas, anong marka kaya ang ibibigay mo sa iyong sarili sa pagiging mapagpasalamat. Bakit?
Suriin
Nasuri mo ba nang mabuti ang mga halimbawa sa bahaging Tuklasin na nagpapakita ng pasasalamat? Nauunawaan mo ba na ang hindi paggawa nito ay nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat? Kung oo ang iyong sagot ay binabati kita dahil ang lahat ng pahayag na iyon ay halimbawa nang pagpapakita ng pasasalamat at ang hindi naman paggawa ay nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat.
Ang pagsasabi ng “salamat” o pagpapakita ng pasasalamat ay malaki ang maitutulong sa pagpapabuti ng relasyon sa kapwa. Ang bawat araw ng ating buhay ay pagkakataon para magpasalamat bagama’t hindi lahat ay madaling makapagpahayag ng kanilang tunay na nararamdaman sa paraang pasalita, kung kaya minsan ay nahuhusgahan ang kanilang pagkatao. Samakatwid, ang bawat isa ay may kanya-kanyang paraan sa pagpapahayag ng pasasalamat. Bilang tagapagpasalamat o tagatanggap ng pasasalamat, kinakailangang may malalim tayong pag-unawa sa pagkilala ng pagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito.
Tunghayan at suriing mabuti ang sumusunod na halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito.
| Paraan ng Pagpapasalamat | Kawalan Nito |
|---|---|
| 1. Pagbahagi ng isang tiyak na halimbawa ng isang bagay na kanilang nagawa para sa iyo na lubos na nakapagpababago sa iyong buhay. 2. Paggawa ng simpleng bagay para sa kanila na nagpapakita ng iyong pag-aalala. Halimbawa: Paglilinis pagkatapos ng Thanksgiving Dinner. 3. Paghikayat sa kanila na subukan ang isang bagay na alam mong nais nilang subukan pero hindi nila nagawa dahil natatakot sila. 4. Pagpuri sa gawa, ugali, kakayahan o talentong mayroon sila na lubos mong hinahangaan. 5. Pagbibigay ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan. 6. Hindi pagkagalit kahit magkaiba kayo ng pinaniniwalaan bagkus pagpapasalamat dahil ipinakilala sa | 1. Pagpapakita ng “Entitlement Mentality” o ang paniniwala na anumang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin. 2. Hindi nasisiyahan sa kung ano mang mayroon sila. Kailan man ay hindi nakaramdam ng kasapatan sa anumang bagay na kanilang nakamit. 3. Hindi naglalaan ng oras o minuto man lamang upang maging masaya sa lahat ng nakamit sa buhay, malaki o maliit man na bagay. 4. Pagpapakita ng inggit. Pagtingin nila sa nakamit ng iba ngunit lumalampas na ito sa paghahanap ng inspirasyon. Inihahambing nila ang sarili sa tagumpay ng iba na kumonsumo sa kanila upang hindi masiyahan sa mayroon sila. |
[transcriber’s note: table continues on the next page; item 6 in the left column is split across the page break]
| Paraan ng Pagpapasalamat | Kawalan Nito |
|---|---|
| iyo ang bagong paraan sa pagtingin sa isang bagay. 7. Paghahandog ng iyong tagumpay sa mga taong dating humahamon sa iyo at pagpakikilala sa kanila sa tao o sitwasyon na maaaring makatutulong para lumago sila tulad ng nagawa nila sa iyo. 8. Pagsulat ng isang Thank You Note na nagpahahayag sa iyong pagkilala at pagpapahalaga sa kanya at sa kaniyang gawain. 9. Pagiging mabuti sa sarili anumang kondisyon mayroon kahit batid mong hindi ka nagtagumpay sa iyong ginawa. 10. Paggawa ng kabutihang loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit. | 5. Palagiang paghingi ng tulong sa iba na hindi man lang nagpasalamat sapagkat minsan na silang nakagawa ng magandang bagay sa iyo at umaasang maraming kapalit. 6. Hindi paglimot at pagtulong sa mga taong hindi ka nabigyan ng tulong sa oras ng pangangailangan anuman ang kanilang dahilan. 7. Walang pagmamalasakit sa iba at nangingibabaw ang pagkamakasarili. Pag-iisip na natural lamang na ang iba ay dapat gumawa ng mga bagay para sa kanila kung kaya wala silang malasakit sa pagdurusa o pangangailangan ng iba. 8. Pagpapalagay sa sarili bilang biktima at hindi pagtanggap ng anumang simpatya o payo mula sa iba. 9. Hindi masaya at pagiging negatibo tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay at karaniwang naninira at nanghihila ng iba pababa. 10.Walang pagnanais na magbago o umunlad ang sarili. |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
Pagyamanin
Gawain 3: Suri Pahayag
Panuto: Suriin ang mga pahayag na nasa kahon. Gamit ang graphic organizer sa iyong sagutang papel, isulat ang mga katangian na magpatutunay ng pagpapasalamat o kawalan ng pasasalamat ng tao.
- A. Pagbabahagi ng iyong tagumpay sa mga taong dating humahamon sa iyo at pagpapakilala sa kanila sa tao o sitwasyon na maaaring makatutulong para lumago sila tulad ng nagawa nila sa iyo.
- B. Pagkilala sa mga bagay na maayos nilang nagawa habang naglilingkod sa iyo tulad ng maayos na trabaho o pagiging kalmado nila sa ilalim ng presyur.
- C. Pagiging mahinahon at may magaan na pakikitungo sa anumang panahon.
- D. Palaging naniniwala na hindi sila magtatagumpay sa anumang bagay na kanilang gagawin o layunin.
- E. Palaging nagrereklamo tungkol sa kanilang trabaho at iba pang bagay sa kanilang buhay.
- F. Walang pagmamalasakit sa iba at nangingibabaw ang pagkamakasarili. Pag-iisip na natural lamang na ang iba ay dapat gumawa ng mga bagay para sa kanila kung kaya wala silang malasakit sa pagdurusa o pangangailangan ng iba.
[chart: graphic organizer; Gawain 3] Pasalamat → Pagpapakita ng Pasasalamat; Kawalan ng Pasasalamat (each with three empty boxes below)
Rubrik sa Pagmamarka
| Pamantayan | Puntos: 5 | Puntos: 4 | Puntos: 3 |
|---|---|---|---|
| Kaangkupan ng Nilalaman | Nasuri ang mga pahayag, nailahad ang mga katangian at napatunayan nang maigi ang mga ito. | Nasuri ang mga pahayag, nailahad ang mga katangian ngunit hindi gaanong napatunayan ang mga ito. | Nasuri ang mga pahayag, nailahad ang mga katangian ngunit hindi napatunayan ang mga ito. |
| Kaayusan ng Presentasyon | Organisado at malinis ang presentasyon | Hindi gaanong organisado at malinis ang presentasyon | Hindi organisado at malinis ang presentasyon |
| Kabuoan = 10 puntos |
Gawain 3: Patunayan mo!
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Suriin kung kakikitaan ba ito ng pagpapasalamat at kawalan nito. Magbigay ng mga patunay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Nakaugalian na ni Cayle na bumili ng bagong sapatos bilang gantimpala sa kanyang sarili dahil napagtagumpayan nitong matapos ang napakahirap na training sa basketbol. Mas pinag-iigihan pa nito ang kanyang pag-eensayo para mas mapauunlad ang kanyang kakayahan.
Patunay:
- Parehong nagtatrabaho sa opisina ang dalawang magkaibigan. Hindi sapat ang sinasahod ng mga ito para matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Kaya napagpasyahan ng mga ito na sabay silang mag-aaplay ng trabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng online. Pinalad lamang na makuha si Aira samantalang si Jenny naman ay na-promote sa pinagtatrabahuan nito. Imbes na matuwa si Jenny, labis ang nararamdamang lungkot nito dahil iniisip niya na mas matagumpay ang kanyang kaibigan kaysa sa kanya. Kailanman hindi ito nasiyahan sa kung ano ang mayroon siya.
Patunay:
- Magkapatid sina Jean at John. Pagdating sa mga gawaing bahay, binibigyan lamang ni John ng magagaan na mga gawain si Jean dahil hindi pa nito kaya ang ibang gawain dahil maliit pa lamang ito. Sa kabila nito, nagrereklamo pa rin si Jean. Pinagsabihan niya ang kanyang kuya na dapat daw ay hindi siya bigyan ng trabaho dahil siya ang bunso. Hindi nito ikinatuwa ang pagtulong sa kanyang kuya bagkus nagdadabog siya habang ginagawa ang kanyang gawain.
Patunay:
Rubrik sa Pagmamarka
| Pamantayan | Puntos: 5 | Puntos: 4 | Puntos: 3 |
|---|---|---|---|
| Kaangkupan ng Nilalaman | Nailahad nang maigi ang mga pangunahing konsepto ng bawat sitwasyon | Hindi gaanong nailahad ang mga pangunahing konsepto ng bawat sitwasyon | Hindi nailahad ang mga pangunahing konsepto ng bawat sitwasyon |
| Pagkakasunod – sunod ng mga kaisipang inilahad | Malinaw ang pagkakasunod – sunod ng punto at paliwanag na madaling maunawaan | Hindi gaanong malinaw ang pagkakasunod – sunod ng punto at paliwanag na madaling maunawaan | Hindi malinaw ang pagkakasunod – sunod ng punto at paliwanag na madaling maunawaan |
| Kabuoan = 10 puntos |
Gawain 4: Suri – Teksto
Panuto: Basahin at unawain ang teksto at sagutan ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A.
Matalik na magkaibigan sina Berto at Berta. Isang araw, habang naglalakad ng mag-isa si Berta hindi sinasadyang masagi nito ang inaalagaang pananim ng kanilang guro. Pinagalitan nito si Berta. Nagtampo si Berta dahil hindi siya natulungan ng kanyang matalik na kaibigan na magpaliwanag sa kanilang guro dahil may iba rin itong lakad. Sa isip niya, maraming pagkakataon na natulungan niya ang kanyang kaibigan. Subalit sa panahong siya na ang nangangailangan wala ito sa kanyang tabi.
- Batay sa teksto, paano naipakikita ang kawalan ng pasasalamat? Patunayan.
B.
Mabait at mapag-arugang ina si Pastel sa kanyang mga anak. Lumaki ang mga itong mapagkalinga sa mga taong nakapaligid sa kanila. Isang araw, napagbintangan itong nagnakaw sa kanyang pinagtatrabahuan kahit hindi naman ito totoo. Isinaloob na lamang ito ng ginang dahil ayaw niyang mag – alala ang kanyang mga anak. Lingid sa kanyang kaalaman, nalaman ng mga anak ang mga bagay na bumabagabag sa kalooban ng ina. Habang umiiyak ito sa kanilang silid pinuntahan siya ng kanyang mga anak na inalo at dinamayan ng mga ito at sinabing naniniwala silang hindi nito magagawa ang mga ibinibintang na kasalanan dito.
- Paano naipakita ng mga anak ang pagpapasalamat nila sa kanilang ina?
- Nararapat ba ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat nila sa kanilang ina?
Rubrik sa Pagmamarka
| Pamantayan | Puntos: 5 | Puntos: 4 | Puntos: 3 |
|---|---|---|---|
| Kaangkupan ng Nilalaman | Nailahad nang maigi ang mga pangunahing konsepto ng bawat sitwasyon | Hindi gaanong nailahad ang mga pangunahing konsepto ng bawat sitwasyon | Hindi nailahad ang mga pangunahing konsepto ng bawat sitwasyon |
| Organisasyon ng mga konsepto | Organisado, malinaw, simple at may tamang pagkakasunod – sunod ang presentasyon ng ideya sa talata. Malinaw ang daloy at organisado ang paglalahad ng kaisipan | Hindi gaanong organisado, malinaw, simple at may tamang pagkakasunod – sunod ang presentasyon ng ideya sa talata. Malinaw ang daloy at organisado ang paglalahad ng kaisipan | Hindi organisado, malinaw, simple at may tamang pagkakasunod – sunod ang presentasyon ng ideya sa talata. Malinaw ang daloy at organisado ang paglalahad ng kaisipan |
| Kabuoan = 10 puntos |
Isaisip
Gawain 5: Ibuod mo!
Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na code upang malaman ang kasabihang magbubuod ng aralin. Isulat ang katumbas na letra ng bilang sa puwang na nasa ibabaw nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Letra | Bilang |
|---|---|
| A | 1 |
| B | 2 |
| C | 3 |
| D | 4 |
| E | 5 |
| F | 6 |
| G | 7 |
| H | 8 |
| I | 9 |
| J | 10 |
| K | 11 |
| L | 12 |
| M | 13 |
| N | 14 |
| Ñ | 15 |
| ÑG | 16 |
| O | 17 |
| P | 18 |
| Q | 19 |
| R | 20 |
| S | 21 |
| T | 22 |
| U | 23 |
| V | 24 |
| W | 25 |
| X | 26 |
| Y | 27 |
| Z | 28 |
Magsimula rito:
13 1 7 9 7 9 14 7 21 1 18 1 22 1 14 7
1 14 23 13 1 14 7 2 1 7 1 27 11 23 14 7
13 1 20 23 14 17 14 7 13 1 7 18 1 21 1 12 1 13 1 22
Isagawa
Gawain 6: Pagtatala at Pagkilala ng Nagawa
Panuto:
- Itala ang ginagawa mo sa araw na ito.
- Batay sa iba’t-ibang sitwasyon na iyong naitala, tukuyin kung ito ba ay kakikitaan ng pasasalamat o kawalan nito.
- Magbigay ng mga patunay.
| Sitwasyon | Nagpasasalamat | Kawalan ng Pasasalamat | Patunay |
|---|---|---|---|
Rubrik sa Pagmamarka
| Pamantayan | Puntos: 5 | Puntos: 4 | Puntos: 3 |
|---|---|---|---|
| Kaangkupan ng Nilalaman | Nailahad ang mga sitwasyon, natukoy at napatunayan nang maigi ang mga ito. | Nailahad ang mga sitwasyon, natukoy ngunit hindi gaanong napatunayan ang mga ito. | Nailahad ang mga sitwasyon, natukoy ngunit hindi napatunayan ang mga ito. |
| Organisasyon ng mga ideya | Lohikal at wasto ang pagkakasunod – sunod ng mga ideya at gumamit ng transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya | Hindi gaanong nasunod ang lohikal at wastong pagkakasunod – sunod ng mga ideya at gumamit ng transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya | Hindi lohikal at wasto ang pagkakasunod – sunod ng mga ideya at gumamit ng transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya |
| Kabuoan = 10 puntos |
Tayahin
Maraming Pagpipilian:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Matalik na magkaibigan sina Berto at Berta. Isang araw, habang naglalakad nang mag-isa si Berta hindi sinasadyang masagi nito ang inaalagaang pananim ng kanilang guro. Pinagalitan nito si Berta. Nagtampo si Berta dahil hindi siya natulungan ng kanyang matalik na kaibigan na magpaliwanag sa kanilang guro dahil may iba rin itong lakad. Sa isip niya, maraming pagkakataon na natulungan niya ang kanyang kaibigan. Subalit sa panahong siya na ang nangangailangan wala ito sa kanyang tabi. Kakikitaan ba ng pagpapasalamat sa kanyang kapwa si Berta?
- A. Hindi, dahil matalik silang magkaibigan.
- B. Oo, dahil alam niyang may trabaho pa ito.
- C. Oo dahil nauunawaan niyang importante rin ang lakad ni Berto kaya hindi siya natulungan.
- D. Hindi, dahil sa kagustuhang niyang dapat na tulungan rin siya ng kanyang kaibigan nararapat lamang na nasa tabi niya ito palagi.
Anong katangian ang nagpapakita ng kawalan ng pagpapasalamat ni Berta sa kanyang kaibigan?
- A. maunawain
- B. mabait sa kanyang kaibigan
- C. pagpapakita ng inggit sa kapwa
- D. hindi paglimot sa kanyang nagawang tulong
Anong klase ng ugali ang ipinapakita ni Berta?
- A. maaalalahanin
- B. maawain
- C. mapagbigay
- D. sakim
Mabait at mapag -arugang ina si Pastel sa kanyang mga anak. Lumaki ang mga itong mapagkalinga sa mga taong nakapaligid sa kanila. Isang araw, napagbintangan itong nagnakaw sa kanyang pinagtatrabahuan kahit hindi naman ito totoo. Isinaloob na lamang ito ng ginang dahil ayaw niyang makagambala sa kanyang mga anak. Lingid sa kanyang kaalaman, nalaman ng mga anak ang mga bagay na bumabagabag sa kalooban ng ina. Habang umiiyak ito sa kanilang silid pinuntahan siya ng kanyang mga anak inaliw siya at dinamayan ng mga ito at sinabing naniniwala silang hindi nito magagawa ang mga ibinibintang na kasalanan dito. Anong paraan ang ginawa ng mga anak upang mapasalamatan ang kanilang ina?
- A. Binigyan ng papuri ng mga anak ang kanilang ina.
- B. Inaway ng mga ito ang kanilang ina sa ginawang kasalanan nito.
- C. Pagpapabaya ng mga ito sa problemang kinakaharap ng kanilang ina.
- D. Pagsabi na nariyan ka palagi na handang makinig kung sakaling sila ay may pinagdadaanan.
Angkop ba ang kilos na ipinakita ng mga anak sa kanilang ina kung pagbabatayan ang pananaw o perspektibo ng katarungan?
- A. Hindi, dahil panlalamang ito sa kapwa.
- B. Hindi, dahil masama ang pinaggagawa nito.
- C. Oo, dahil wala naman itong ginawang kasalanan at napagbintangan lamang ito.
- D. Oo dahil ito ang nagpalaki sa kanila dapat ay kinukunsinte na lamang nila ang mga ginagawa nito.
Simula’t sapul walang nakalalamang sa angking kakayahan ni Jessa. Nabago lamang ito nang dumating ang kanilang bagong kaklase na si Sara. Mabait, matalino at palakibigan ito. Taliwas sa mga kaugaliang ipinapakita ni Jessa. Kaya madali nitong nakapalagayang loob ang buong klase. Malaki ang inggit dito ni Jessa. Nasanay kasi itong nasa kanya palagi ang atensyon ng kanyang mga kaklase. Sa kagustuhang malamangan niya ito nakipagkaibigan siya rito. Tinuring ni Sara si Jessa na isang matalik na kaibigan. Anuman ang pangangailangan nito ay tinutugunan niya sa abot ng kanyang makakaya. Hindi alam ni Sara na nagbabalat-kayo lamang ito. Sinisiraan na pala siya nito sa kanilang mga kaklase. Napag-alaman lamang niya ito nang minsang pagsabihan siya ng mga kaklase. Kalaunan, binalewala niya na lamang ito dahil ayaw niyang magkaroon ng hidwaan sa pagitan nilang dalawa. Naipakita ba ni Jessa ang pasasalamat sa lahat ng nagawa ni Sara para sa kanya?
- A. Oo, dahil kinaibigan niya ito.
- B. Hindi, dahil wala siyang pakialam dito.
- C. Hindi, dahil nanaig ang inggit sa kanyang kalooban.
- D. Oo, dahil may utang na loob siya rito at dapat na tulungan niya rin ito.
Anong katangian ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat ni Jessa?
- A. mabait
- B. matapang
- C. mayabang
- D. sakim
Batay sa situwasyon, tama ba ang ipinakitang pakikitungo ni Jessa sa kanyang kaibigan?
- A. Hindi, dahil isang mabait na bata si Jessa.
- B. Oo, dahil isang hamak na transferee lamang si Sara.
- C. Oo, dahil nararapat lang na walang makalamang sa kanya.
- D. Hindi, dahil mabuti ang intensyon ng pakikipagkaibigan ni Sara kay Jessa.
Paano masasabing nagpasasalamat ang taong nakatanggap ng tulong sa kanyang kapwa?
- A. pagpapakita ng inggit
- B. pagpapalagay sa sarili bilang biktima
- C. pagpapakita ng Entitlement Mentality
- D. pagsabi na nariyan ka palagi na handang makinig kung sakaling sila ay may pinagdadaanan
Alin sa mga sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat ng isang tao?
- A. pagtulong sa mga gawain sa bahay
- B. pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa
- C. pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
- D. paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
Abala ang mga magulang ni Jessy sa kanilang trabaho. Palagi na lang itong pagod kapag umuuwi ng bahay. Siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay para mabawasan ang mga isipin ng mga ito at maaga itong makapagpahinga dahil alam niyang hindi madali ang maghanapbuhay. Paano naiparamdam ni Jessy ang pasasalamat nito sa kanyang magulang?
- A. pagtulog nang maaga
- B. pagtulong sa mga gawaing bahay
- C. pag-iwas sa mga gawaing bahay
- D. pagbababad nito sa panonood ng iba’t ibang pelikula
Anong ugali mayroon si Jessy?
- A. maalalahanin
- B. matapat
- C. masipag
- D. matapang
Lumaki sa mahirap na pamilya si Diego. Sa murang edad, nangarap siya na sa kanyang paglaki ay tutulungan niya ang kanyang pamilya upang maiahon ito sa hirap ng buhay na pinagdaraanan nila. Isang pangyayari ang nagtulak kay Diego na makipagsapalaran at maghanap ng trabaho sa Maynila nang minsang magkasakit ang kanyang ama. Pinalad siyang makapasok bilang isang construction worker. Dahil sa matibay na paniniwala nito sa Poong Maykapal, hindi siya sumuko sa mga pagsubok na kanyang nararanasan. Nagsikap ito sa kanyang trabaho hanggang sa kalaunan ay umangat ang posisyon nito. Kinuha itong kanang kamay ng kanilang boss. Napagamot niya ang kanyang ama at umasenso ang kanilang buhay. Upang makapagpasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyayang natanggap niya tinulungan din niya ang mga taong kanyang nakasasalamuha na nangangailangan ng tulong. Paano naipakikita ni Diego ang kanyang pasasalamat sa Panginoon?
- A. paglilingkod sa kapwa
- B. pagkaawa sa kanyang ama
- C. pagiging tapat sa kanyang trabaho
- D. pagkatutong tumulong sa kanyang sarili
14.Anong katangian ang ipinakita ni Diego para pagpalain siya ng Panginoon sa kabila ng napakaraming pagsubok na kanyang nararanasan?
- A. masipag
- B. matalino
- C. matatag
- D. matulungin
- Tama ba ang paraan ng pagpasasalamat ni Diego sa Panginoon?
- A. Oo, dahil nakapagbahagi siya ng tulong sa kanyang kapwa.
- B. Oo, dahil matalino siyang tao.
- C. Hindi, dahil hindi niya natulungan ang mga kasamahan niya sa trabaho.
- D. Hindi, dahil naimpluwensiyahan lamang siya ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.
Karagdagang Gawain
[illustration: gears and a hand, section icon]
Gawain 7: Paggawa ng Poster
Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pasasalamat. Gumamit ng long bond paper.
Rubrik sa Pagmamarka
| Pamantayan | 5 | 3 | 1 |
|---|---|---|---|
| Pagkamalikhain | Lubos na nagpamalas ng pagkamalikhain sa paghahanda | Hindi gaanong naging malikhain sa paghahanda | Walang ipinamalas na pagkamalikhain sa paghahanda |
| Kaangkupan ng paksa | Angkop na angkop ang mga larawan sa paksa. | Hindi gaanong angkop ang mga larawan sa paksa. | Hindi angkop ang mga larawan sa paksa. |
| Organisasyon | Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye at napakalinaw. | Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye at hindi gaanong malinaw ang intensyon. | Hindi ganap ang pagkakabuo, kulang ang detalye at di malinaw ang intensyon. |
| Kabuoang iskor = 15 puntos |
Susi sa Pagwawasto
[illustration: key, section icon]
[transcriber’s note: the answer key columns on this page are printed upside down (rotated 180 degrees); the content is transcribed in reading order below]
Subukin
- D
- C
- C
- A
- D
- D
- D
- D
- C
- C
- D
- D
- A
- C
- A
Tayahin
- D
- D
- D
- D
- C
- C
- D
- D
- D
- C
- B
- A
- A
- C
- A
Isagawa
Gawain 7
Magiging sapat ang anumang bagay kung marunong magpasalamat
Sanggunian
Aklat
Bognot, Regina, et.al. (2014). Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. Pasig City, Philippines.
Hanguang Elektroniko
Gratitude. https://gretergood.berkeley.edu/quizzes/take_quiz/gratitude
Deschene, Lori. 50 ways to show gratitude for the people in your life. https://tinybuddha.com/blog/50-ways-to-show-gratitude-for-the-people-in-your-life/
Giving thanks can make you happier. https://www.health.harvard.edu/healthbeat/giving-thanks-can-make-you-happier
9 Signs of Ungrateful People (How to deal with them), http://www.aconciousrethink.com/11570/ungrateful-people/
Vahanian, Ara. (2020, March 27). The Differences Between a Grateful Person and an Ungrateful Person. https://hubpages.com/health/The-Differences-Between-A-Grateful-Person-And-An-Ungrateful-Person
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply