This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 8 self-learning module for Quarter 1, Module 9: “Pagkakaroon o Kawalan ng Bukas na Komunikasyon” (having or lacking open communication). Prepared by DepEd Caraga Region under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020), it helps Grade 8 learners recognize signs of open communication, or its absence, in their own families and in families they have lived with, observed, or watched.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module opens by calling open communication the starting point and key to love, understanding, and unity. It lets each person share their thoughts and opinions and becomes a bridge to an orderly, peaceful life. It asks two questions: how does a family build open communication, and how can it avoid losing it?
The learning competency is:
- Identify activities or experiences in one’s own family, or in a family one has lived with, observed, or watched, that show the presence or absence of open communication (EsP8PB-Ie-3.1).
What open communication looks like
The module has one lesson, Aralin 1. Its main discussion (the Suriin part) compares two drawings of families.
- Picture A shows grandparents, parents, and children happily talking about their lives and eager to listen to one another. This family has open communication.
- Picture B shows a family together in one room but distant from each other. The children are busy on their phones and do not hear their mother. The father watches television and does not tell the children to listen. This family lacks open communication.
The module also gives the example of Aling Paseng’s home. Before bedtime the family talks about the children’s experiences. Members share good and bad news from work, school, and the community, and the parents often check on their children. Because of this, the parents can guide their children easily.
Key points the module makes:
- Open communication is the foundation of relationships between spouses, between parents and children, and between siblings.
- When siblings quarrel, the issue should be talked through right away so it does not get worse. Parents should listen to both sides before deciding.
- Children have the right to their parents’ care, and parents have the duty to guide them toward good decisions.
- Families that value good relationships set aside time together: telling stories, eating together, going out, praying, talking about problems, watching TV, playing, reading, doing chores, and joining community activities such as tree planting and clean-up drives.
What happens without open communication
The module explains that a lack of open communication can lead to misunderstanding, conflict, resentment, and emotional distance. If this is not addressed, the family may break apart. Its example is a busy working couple who leave early, come home late, and leave the children to a household helper or let them do as they please. The module warns that children in such homes may turn to smoking, drinking, computer game addiction, gangs and fraternities, hurting others to get attention, early pregnancy, or facing problems alone. These can lead to depression and even suicide.
The answer key for Gawain 3 sums up the results:
| With open communication | Without open communication |
|---|---|
| getting along | quarreling |
| unity | no unity |
| helping one another | poor relationships among members |
| happiness | children’s future is ruined |
| a harmonious life together | hurt feelings |
The module concludes that even when people communicate in different ways, each should consider the feelings and thoughts of others with understanding. This gives every family member a chance to share what they think and feel.
Activities in the module
- Subukin (pretest): 15 multiple-choice questions.
- Balikan (review), Gawain 1 “Tukuyin Mo!”: check family practices of faith from the previous module.
- Tuklasin, Gawain 2: compare Pictures A and B using guide questions.
- Pagyamanin, Gawain 3 to 5: list the results of having or lacking open communication, list real situations in a table, and mark six pictures with a smiling or frowning face.
- Isaisip, Gawain 6 and 7: complete a key sentence and describe two kinds of families, scored with a rubric.
- Isagawa, Gawain 8: describe open or closed communication with a friend, a neighbor, and family, scored with a rubric.
- Tayahin (posttest): 15 multiple-choice questions.
- Karagdagang Gawain, Gawain 9: list ten activities that can improve your family’s communication.
How to use this module
For learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it. Check your answers with the answer key honestly, and contact your teacher if anything is unclear.
For parents: The module asks learners to think about their own family. Making time to talk with your child about these activities supports the lesson directly.
For teachers: The teacher’s note says that if a learner does well in the Balikan activity, they can move on; if not, have them go back to the previous module. The rubrics for Gawain 7 and 8 award 10, 8, or 5 points per criterion. Check the printed answer keys before using them, since a few items differ between the pretest and posttest keys.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 9. It was published by DepEd Caraga Region as a first edition in 2020.
What is the learning competency of this module?
Learners identify activities or experiences in their own family, or in families they have lived with, observed, or watched, that show the presence or absence of open communication. The printed code is EsP8PB-Ie-3.1.
What does bukas na komunikasyon mean?
It means open communication. The module describes it as the key to love, understanding, and unity in a family and the foundation of relationships between spouses, parents and children, and siblings.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto has answers for the pretest, posttest, and several activities. A few items differ between the pretest and posttest keys, so teachers should review them.
What happens when a family lacks open communication?
According to the module, it can lead to misunderstanding, quarrels, resentment, and distance between members, and may eventually break the family apart. Children may also turn to harmful behaviors.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 9: Pagkakaroon o Kawalan ng Bukas na Komunikasyon
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 9: Pagkakaroon o Kawalan ng Bukas na Komunikasyon
[illustration: group of students and a teacher studying, with a globe, a lamp, and a tree]
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 9: Pagkakaroon o Kawalan ng Bukas na Komunikasyon Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rashiel Joy F. Lepaopao, Ronelyn E. Dador Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Saturnino C. Mutia Concorde Alber J. Deniega, Jean C. Caluyong, Julius P. Tesiorna Joris T. Sulima, Jezzine F. Salar, Judith E. Ecoben, Megie M. Lillo John Rey C. Clarion Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat, Gilbert H. Japay Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas Isidro M. Biol, Jr. Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñares Lope C. Papeleras Michael C. Paso Juan Jr. L. Espina
Inilimbag sa:
Department of Education – Caraga Region
Office Address: Teacher Development Center J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 9: Pagkakaroon o Kawalan ng Bukas na Komunikasyon
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito nga iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o stratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan nya ng ibayong tulong mula a tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahaan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamamit lang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong n gating mga tagapagdaloy. Umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang bukas na komunikasyon ay lunsaran at susi sa pagmamahalan, pag-uunawaan at pagkakaisa. Ito ay nagbibigay daan upang maipadama ang nasa isipan o opinyon ng bawat isa kung saan ito ay nagiging tulay sa maayos at matiwasay na pamumuhay.
Ang pagiging bukas at tapat ay nagpapatatag ng isang pamilya. Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ay magdudulot ng kabutihan ngunit kapag ito ay nawala magbubunga ng kalituhan at kaguluhan. Paano ba magkakaroon ng bukas na komunikasyon? Paano maiiwasan ang pagkawala ng maayos na komunikasyon?
Inaasahang sa modyul na ito ay masasagutan ang mga katanungan at magkakaroon ng kalinawan sa magiging resulta ng pagkakaroon at pagkawala ng bukas na komunikasyon.
Sa modyul na ito ay malilinang mo ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama, naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon. (EsP8PB-Ie-3.1)
Subukin
Maraming Pagpipilian
Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pamilya?
A. pagsasarili ng problemang kinakaharap
B. pagkakaroon ng sapat na oras sa pamilya
C. magkakasama ngunit abala sa social media
D. pagpapaubaya sa kasambahay sa pag-aalaga ng mga anakAling sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng komunikasyon sa pamilya?
A. mag-anak na nag-video chatting
B. paglalaan ng isang araw sa pamamasyal
C. sabay-sabay na kumain ang buong pamilya
D. may kaniya-kaniyang ginagawa sa social mediaPaano mo masasabing may bukas na komunikasyon ang pamilya?
A. pagbibigay-diin sa sariling damdamin
B. pagbibitaw ng mga salitang hindi nakasasakit
C. pakikinig sa sinasabi ng bawat kasapi ng pamilya
D. pagsasabi ng suliranin sa ibang tao sa halip na sa sariling pamilyaSino-sino sa mga kasapi sa pamilya ang epektibong tagapaglinang ng bukas na komunikasyon?
A. ina at ama
B. ina at anak
C. ama at anak
D. mga anak o anakSuriin ang mga pahayag. Alin sa sumusunod ang may katotohanan?
I. tapat sa isa’t isa
II. pagkakaroon ng madalas na pag-uusap
III. pag-unawa sa mensahe mula sa sariling pananaw at pananaw ng iba
IV. paniniwala sa sariling paninindigan lamang
A. Ang I at II ay mahalagang salik sa bukas na komunikasyon.
B. Ang I at IV ay kailangan sa pagpapanatili ng bukas na komunikasyon.
C. Ang II at III ay mahalaga sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon.
D. Ang III at IV ay parehong susi sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon.Bakit mahalagang magkaroon ng bukas na komunikasyon?
A. dahil madaling makakamit ang anumang hangarin ng buong pamilya
B. dahil paraan ng pasalita at di-pasalitang pagpapahayag sa palitan ng impormasyon sa pamilya
C. dahil napakahalagang pundasyon sa relasyon ng mag-asawa, magulang sa anak, at kapatid sa kapatid
D. dahil hinihikayat ang bawat miyembro ng pamilya na makapagpahayag ng pagkakaisa, pagmamahal at pagpapahalaga sa bawat isaSino sa mga kasapi sa pamilya ang higit na nangangailangan ng paggabay tungo sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon?
A. ate
B. bunso
C. kuya
D. magulangAlin sa sumusunod ang laging nagpapatupad ng tuntunin sa loob ng pamilya?
A. mga magulang
B. bunsong anak
C. ang magkapatid
D. panganay na anakAlin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng bukas na komunikasyon?
A. nagbibigkis sa lahat ng miyembro ng pamilya
B. palitan ng impormasyon sa pagitan ng nagsasalita at kausap
C. isang paraan upang hindi magkaroon ng problema ang pamilya
D. paraan upang hindi magkaroon ng depresyon ang miyembro ng pamilyaMadalas na nakararanas ng pambubulas si Noel sa loob ng klase kaya ayaw na niyang pumasok sa eskuwela. Kanino siya dapat unang sumangguni sa suliraning kaniyang kinakaharap?
A. mga kaibigan
B. punong-guro
C. mga magulang
D. gurong tagapayoAno ang maidudulot ng pamilyang hindi bukas ang komunikasyon?
A. Mapaganda ang buhay.
B. Mapariwara ang buhay.
C. Makamtan ang tagumpay.
D. Maging matalino ang bawat isa.Paano mapanatili ang bukas na komunikasyon sa pamilya?
A. sa hindi pakikinig sa bawat isa
B. sa paghusga ng bawat sinasabi ng kausap
C. manatiling walang-kibo kapag kinakausap
D. pagiging positibo at sensitibo ng damdamin ng bawat miyembroAlin sa sumusunod ang may bukas na komunikasyon sa kapuwa?
A. tumatalikod kapag kinakausap
B. pabalang na pagsagot sa kausap
C. walang imik at hindi sumasagot kapag tinatanong
D. tahimik na nakikinig at maayos na nagbibigay ng komentoAlin sa sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng bukas na komunikasyon sa kapuwa?
A. aktibong nakikipag-usap
B. pagsantabi sa sinabi ng kausap
C. bukas na isipan at tapat sa kinakausap
D. nakikinig nang maayos sa mga hinaing ng kapuwaAno ang bunga ng kawalan ng komunikasyon?
A. walang pagpapalagayang-loob
B. walang bangayan na nagaganap
C. walang problemang hindi nalulutas
D. walang mahinang ugnayan ng miyembro ng pamilya
Aralin 1
Pagkakaroon o Kawalan ng Bukas na Komunikasyon
“Ang magandang tahanan ay hindi nakikita sa magandang gusali at mga palamuti. Nakikita ito sa kagandahan ng pagsasama ng pamilyang nasa loob nito.”
-Anonymous
Ngayon, subukin sa Balikan ang natutunan mo sa nakaraang modyul upang hindi ka mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin.
Balikan
Gawain 1. Tukuyin Mo!
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga pangyayari na naobserbahan sa loob ng tahanan sa pagsasabuhay ng pananampalataya at sagutin ang kasunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Pagkakaroon ng panatang pansambahayan
- Sabay-sabay na manalangin ang bawat kasapi ng pamilya
- Bible sharing at pagbabahagian ng mga karanasan
- Sama- samang pagsisimba ng buong pamilya
- Pagpapalaganap ng salita ng Diyos
- Nanalangin bago at pagkatapos kumain
- Pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap ng pamilya
- Paggabay sa mga nakababatang kapatid sa paglinang ng kanilang pananampalataya
- Pagpapatatag ng pananampalataya
- Pagtuturo sa mga anak na manalangin bago matulog
Sa tingin mo, ang lahat bang nabanggit na mga pangyayari ay nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon?
Mga Tala para sa Guro
Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
Tuklasin
Gawain 2. Pansinin mo! Isipin Mo!
Unawaing mabuti ang ipinahihiwatig ng larawan at pagnilayan ang mga gabay na tanong.
Natutunan mo sa nakaraang paksa ang mga angkop na kilos sa pagpapaunlad ng gawi sa pag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya. Bagama’t mas matutulungan tayo sa pagsasagawa ng mga kilos na ito kung ang tao ay may kakayahang kumilala sa pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon sa sariling pamilya o naobserbahan.
Ang bukas na komunikasyon ay mahalaga sa pagkakaroon ng matatag at matibay na relasyon sa pamilya at sa kapuwa. Ngayon, subukang suriin at unawain ang sumusunod na larawan ng dalawang pamilya na may magkaibang paraan ng pakikitungo.
[illustration: family seated in a living room, with grandparents, parents, and children talking together] Iginuhit ni: Alim V. Eviota Larawan A.
[illustration: family in a living room, with some members using cellphones and others watching television, not facing one another] Iginuhit ni: Alim V. Eviota Larawan B.
Gabay na tanong:
Ano ang ipinapahiwatig sa dalawang larawan? Ilarawan.
Larawan A:
Larawan B:
Alin sa dalawang larawan ang nagpapakita na mayroong bukas na komunikasyon sa pamilya?
Alin naman sa larawan ang nagpapahiwatig ng kawalan ng komunikasyon sa pamilya?
Suriin
Ang kawalan ng bukas na komunikasyon ay malaking hamon sa isang pamilya sa pagtuturo ng mga pagpapahalaga at pagsasakatuparan ng kani-kanilang natatanging misyon. Gayunpaman, mahalagang matukoy ang mga gawain o karanasan ng isang pamilya na magpapatunay sa pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon upang maayos na magagabayan ang bawat kasapi tungo sa kaunlaran. Halimbawa sa tahanan ni Aling Paseng, nakasanayan nilang pag-usapan ang mga naging karanasan ng mga anak bago matulog. Nakaugalian na rin ng miyembro ng pamilya na ibahagi ang mabuti at hindi magandang mga pangyayari sa kanilang trabaho, paaralan, at lipunan. Ang madalas na pangungumusta ng magulang sa anak ay nagpapakita ng bukas na kumunikasyon na dapat taglayin ng iba. Dahil dito, madaling nagagabayan ng magulang ang mga anak dahil mayroon itong pagpapahalaga sa bukas na komunikasyon ng bawat isa.
Sa bahaging Tuklasin ay nasubukan mo ang sarili sa pagtukoy sa gawain o mga karanasang palatandaaan ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon o kawalan nito. Kung ang naging sagot mo sa pangalawang tanong ng larawan A at larawan B naman sa pangatlong tanong ay binabati kita sapagkat tama ang iyong pagkilala.
Kung susuriing muli ang larawan ay malinaw na naipapakita sa larawan A ang isang pamilyang masayang nag-uusap tungkol sa kanilang mga buhay. Sabik na sabik silang makinig sa kuwento ng bawat isa. Nagpapahiwatag lamang ito na ang pamilyang ito ay mayroong bukas na komunikasyon.
Paano nga ba natin matutukoy ang pamilyang mayroong bukas na komunikasyon? Ang bukas na komunikasyon ay nagsisilbing pundasyon sa relasyon sa pagitan ng kasapi ng pamilya, mag-asawa, magulang sa anak at kapatid sa kapatid.
Halimbawa, Kung may bagay na pinag-aawayan ang magkapatid ay dapat na masinsinang pag-usapan agad upang masolusyunan at maiwasan ang paglala ng alitan. Bilang magulang ay kailangang parehong pakinggan ang bawat panig bago gumawa ng pasiya para mabigyan ng pagkakataon ang mga anak na makapagbahagi ng kanilang iniisip at nadarama.
Karapatan ng anak na maranasan ang kalinga ng magulang sa lahat ng pagkakataon. Gayundin, tungkulin ng magulang na mapabuti at magabayan ang anak sa maayos na pagpapasiya. Sa mabuting pag-uusap nagsisimula ang kalutasan ng problema at sa bukas na komunikasyon makikita ang pagpapahalaga.
Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya ay napakahalagang bagay na dapat malinang sapagkat ito ang magsisilbing pundasyon sa isang masaya, maganda at matatag na pagsasama. Ang pamilyang pinapahalagahan ang pagkakaroon ng magandang ugnayan ay maglalaan ng oras para lamang sa pamilya; makapagkuwentuhan, sama-samang kakain,
mamasyal, manalangin at pag-usapan ang problema ng miyembro ng pamilya, sabay-sabay na manood ng palabas sa telebisyon, maglaro, magbasa ng kuwento, sama-samang paggawa ng gawaing bahay o di kaya’y sama-samang makikiisa sa gawaing pampamayanan gaya ng tree planting at clean-up drive.
Sa larawan B naman ay makikitang magkakasama sila bagama’t malayo ang kanilang loob sa isa’t isa. Mapapansin na ang mga anak ay abala lamang sa kani-kanilang mga selpon na parang walang naririnig sa kanilang ina. Ang ama naman ay nakatuon lang sa panonood ng palabas sa telebisyon na hindi man lang pinagsabihan ang anak na hindi nakikinig sa kanilang ina. Ito ay nagpapakita lamang na sila ay walang bukas na komunikasyon.
Ang kawalan ng bukas na komunikasyon ay maaaring magdudulot ng hindi pagkakaunawaan, pagkakaroon ng alitan o sama ng loob at malayo ang loob sa isa’t na kung hindi maagapan ay maaaring humantong sa pagkawatak-watak ng pamilya. Isang halimbawa rito ay ang mag-asawang abala sa kanilang trabaho. Umaalis nang maaga sa bahay at umuuwi nang gabi na at madadatnang tulog pa ang mga anak na ipinagkatitiwala sa kasambahay o hinahayaan na lang ang anak sa kanilang gusto dahil sa kawalan nila ng oras sa paggabay. Dahil dito maraming mga bata na itinutuon na lamang ang oras sa ibang bagay gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak, adiksyon sa paglalaro sa kompyuter, pagsali sa mga gang at fraternity, pananakit sa iba para mapansin, maagang pagbubuntis at pagsasarili sa problema na humahantong sa pagkakaroon ng depresyon na mauuwi sa pagpapakamatay.
Ang kawalan ng bukas na komunikasyon ay kawalan rin ng mabuting koneksyon sa kapuwa.
Para sa iyo, ano ang mas mainam ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon o ang kawalan nito sa pamilya? Ang pagkakaroon di ba?
Samakatuwid, mahalaga sa bawat pamilya ang magkaroon ng bukas na komunikasyon. Magkaiba man ang ating paraan sa pakikipag-ugnayan ay nararapat na isaalang-alang ang damdamin at iniisip ng iba na may pag-unawa. Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pagkakataon ang bawat miyembro ng pamilya na makapaglahad ng kanilang iniisip at nararamdaman sa kabila ng kanilang pagkakaiba.
Pagyamanin
Gawain 3. Alam Ko Ito!
Isulat sa bilohaba ang resulta ng pagkakaroon at kawalan ng komunikasyon sa pamilya at kapuwa tao. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[chart: graphic organizer with two groups of five numbered bars; labels as printed]
Pagkakaroon ng Bukas na Komunikasyon.
Kawalan ng Bukas na Komunikasyon.
Gawain 4: Tala-talahanayan!
Magtala ng mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama, naobserbahan na nagpapakita ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Sitwasyong nagpapakita ng Bukas na Komunikasyon | Sitwasyong nagpapakita ng Kawalan ng Bukas na Komunikasyon |
|---|---|
| 1. | 1. |
| 2. | 2. |
| 3. | 3. |
| 4. | 4. |
| 5. | 5. |
Gawain 5: Larawan Ko, Suriin Mo!
Unawaing mabuti ang larawan at lagyan ng ☹ kung ang larawan ay nagpapakita ng bunga ng kawalan ng bukas na komunikasyon at ☺ kung nagpapakita ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: four people seated at an outdoor table under a tree, with bottles, food, and phones on the table]
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
1
[illustration: a child seated at a table beside an adult who is reading a paper]
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
2
[illustration: a man carrying a suitcase toward a gate where another person is waiting]
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
3
[illustration: a woman handing a plate to a young person while a child stands nearby in a yard]
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
4
[illustration: a family walking together holding hands in a park, with children and balloons]
Iginuhit ni: Gilber H. Japay
5
[illustration: a child sitting hunched over with head down against a wall]
Iginuhit ni: Gilber H. Japay
6
Isaisip
Gawain 6. Dugtungan Tayo!
Dugtungan ang sumusunod na parirala upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. matatag B. pundasyon C. masaya
D. malinang E. bukas na komunikasyon
Ang pagkakaroon ng (1) _____ sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya ay napakahalagang bagay na (2) _____sapagkat ito ang magsisilbing (3) _____ sa isang (4) _____, maganda at (5) _____ na pagsasama.
Gawain 7. Ilarawan Mo!
Ilarawan ang gawain o karanasan ng isang pamilyang nagpapakita ng bukas na komunikasyon o kawalan nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Pamilyang may Bukas na Komunikasyon | Pamilyang Walang Bukas na Komunikasyon |
|---|---|
Rubrik sa Pagmamarka ng Sagot
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Malinaw na naipahayag ang mensahe at kaisipan | Napakalinaw ang pagkalalahad ng mensahe at kaisipan hinggil sa pagkakaroon at kawalan bukas ng komunikasyon | Malinaw ang pagkalahad ng mensahe at kaisipan hinggil sa pagkakaroon at kawalan bukas ng komunikasyon | Hindi malinaw ang pagkalahad ng mensahe at kaisipan hinggil sa pagkakaroon at kawalan bukas ng komunikasyon |
| Organisasyon ng Ideya | Napakaayos ang pagkakasunod-sunod ng ideya sa talata | Maayos ang pagkakasunod-sunod ng ideya sa talata | Hindi maayos ang pagkakasunod-sunod ng ideya sa talata |
| Kabuoang Puntos |
Isagawa
Gawain 8. Nakikita Ko! Kapuwa Ko!
Ilarawan ang sariling karanasan o obserbasyon sa nakasama na nagpapakita ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na komunikasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Sa Kaibigan
| Pagkakaroon ng Bukas na Komunikasyon | Kawalan ng Bukas na Komunikasyon |
|---|---|
Sa Kapitbahay
| Pagkakaroon ng Bukas na Komunikasyon | Kawalan ng Bukas na Komunikasyon |
|---|---|
Sa Pamilya
| Pagkakaroon ng Bukas na Komunikasyon | Kawalan ng Bukas na Komunikasyon |
|---|---|
Rubrik sa Pagmamarka ng Sagot
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Malinaw na naipahayag ang mensahe at kaisipan | Napakalinaw ng pagkalahad ng tatlong obserbasyong nagpapakita ng pagkakaroon at kawalan ng bukas na komunikasyon | Hindi gaanong malinaw ng pagkalahad ng tatlong obserbasyong nagpapakita ng pagkakaroon at kawalan ng bukas na komunikasyon | Hindi malinaw ng pagkalahad ng tatlong obserbasyong nagpapakita ng pagkakaroon at kawalan ng bukas na komunikasyon |
| Kabuoang Puntos |
Tayahin
Maraming Pagpipilian
Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Madalas na nakararanas ng pambubulas si Noel sa loob ng klase kaya ayaw na niyang pumasok sa eskuwela. Kanino siya dapat unang sumangguni sa suliraning kaniyang kinakaharap?
- A. mga kaibigan
- B. punong-guro
- C. mga magulang
- D. gurong tagapayo
Ano ang maidudulot ng pamilyang hindi bukas ang komunikasyon?
- A. Mapagaganda ang buhay.
- B. Mapapariwara ang buhay.
- C. Makakamtan ang tagumpay.
- D. Magiging matalino ang bawat isa.
Paano mapanatili ang bukas na komunikasyon sa pamilya?
- A. Sa hindi pakikinig sa bawat isa
- B. Sa paghusga ng bawat sinasabi ng kausap
- C. manatiling walang-kibo kapag kinakausap
- D. pagiging positibo at sensitibo ng damdamin ng bawat miyembro
Alin sa sumusunod ang may bukas na komunikasyon sa kapuwa?
- A. tumatalikod kapag kinakausap
- B. pabalang na pagsagot sa kausap
- C. walang imik at hindi sumasagot kapag tinatanong
- D. tahimik na nakikinig at maayos na nagbibigay ng komento
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng bukas na komunikasyon sa kapuwa?
- A. aktibong nakikipag-usap
- B. pagsantabi sa sinabi ng kausap
- C. bukas na isipan at tapat sa kinakausap
- D. nakikinig nang maayos sa mga hinaing ng kapuwa
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pamilya?
- A. pagsasarili ng problemang kinakaharap
- B. pagkakaroon ng sapat na oras sa pamilya
- C. magkakasama bagaman abala sa social media
- D. pagpapaubaya sa kasambahay sa pag-aalaga ng mga anak
Aling sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng komunikasyon sa pamilya?
- A. mag-anak na nag video chatting
- B. paglalaan ng isang araw sa pamamasyal
- C. sabay-sabay na kumain ang buong pamilya
- D. may kaniya-kaniyang ginagawa sa social media
Paano mo masasabing may bukas na komunikasyon ang pamilya?
- A. pagbibigay-diin sa sariling damdamin
- B. pagbibitaw ng mga salitang hindi nakasasakit
- C. pakikining sa sinasabi ng bawat kasapi ng pamilya
- D. pagsasabi ng suliranin sa ibang tao sa halip na sa sariling pamilya
Sinu-sino sa mga kasapi sa pamilya ang epektibong tagapaglinang ng bukas na komunikasyon?
- A. ina at ama
- B. ina at anak
- C. ama at anak
- D. mga anak o anak
Suriin ang mga pahayag. Alin sa sumusunod ang may katotohanan?
I. tapat sa isa’t isa
II. pagkakaroon ng madalas na pag-uusap
III. pag-unawa sa mensahe mula sa sariling pananaw at pananaw ng iba
IV. paniniwala sa sariling paninindigan lamang
A. Ang I at II ay mahalagang salik sa bukas na komunikasyon.
B. Ang I at IV ay kailangan sa pagpapanatili ng bukas na komunikasyon.
C. Ang II at III ay mahalaga sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon.
D. Ang III at IV ay parehong susi sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon
Bakit mahalagang magkaroon ng bukas na komunikasyon? Dahil:
- A. madaling makakamit ang anumang hangarin ng buong pamilya
- B. paraan ng pasalita at di-pasalitang pagpapahayag sa palitan ng impormasyon sa pamilya
- C. napakahalagang pundasyon sa relasyon ng mag-asawa, magulang sa anak, at kapatid sa kapatid
- D. hinihikayat ang bawat miyembro ng pamilya na makapagpahayag ng pagkakaisa, pagmamahal at pagpapahalaga sa bawat isa
Sino sa mga kasapi sa pamilya ang higit na nangangailangan ng paggabay tungo sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon?
- A. ate
- B. bunso
- C. kuya
- D. magulang
Alin sa sumusunod ang laging nagpapatupad ng tuntunin sa loob ng pamilya?
- A. mga magulang
- B. bunsong anak
- C. ang magkapatid
- D. panganay na anak
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng bukas na komunikasyon?
- A. nagbibigkis sa lahat ng miyembro ng pamilya
- B. palitan ng impormasyon sa pagitan ng nagsasalita at kausap
- C. isang paraan upang hindi magkaroon ng problema ang pamilya
- D. paraan upang hindi magkaroon ng depresyon ang miyembro ng pamilya
Ano ang bunga ng kawalan ng komunikasyon?
- A. walang pagpapalagayang-loob
- B. walang bangayan na nagaganap
- C. walang problemang hindi nalulutas
- D. walang mahinang ugnayan ng miyembro ng pamilya
Karagdagang Gawain
Gawain 9. Plano Ko! Ilista Ko!
Magtala ng mga gawaing magpapaunlad sa komunikasyong mayroon ang inyong pamilya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Susi sa Pagwawasto
Pagyamanin
Gawain 3
May Bukas na Komunikasyon
- nagkakasundo
- nagkakaisa
- nagtutulungan
- masaya
- maayos na pagsasama
Kawalan ng Bukas na Komunikasyon
- nagbabangayan
- walang pagkakaisa
- hindi maayos ang ugnayan ng bawat kasapi
- napapariwara ang kinabukasan ng mga anak
- nagkakasamaan ng loob
Gawain 5
- [illustration: frowning face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: frowning face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: smiling face]
- [illustration: frowning face]
Balikan
Gawain
1./ 2./ 3./ 4./ 5./ 6./ 7./ 8./ 9./ 10./
Tayahin
- B
- D
- D
- D
- A
- B
- D
- C
- A
- A
- C
- B
- A
- B
- A
Subukin
- B
- D
- C
- A
- A
- C
- B
- A
- B
- A
- B
- D
- D
- D
- A
Gawain 4
Pagkakaroon ng Bukas na Komunikasyon
- Ang pamilyang Santos ay nagkakaisa sa lahat ng gawaing bahay.
- Pinapakinggan ni Anna ang mga payo ng magulang tungkol sa kaniyang pag-aaral.
- Pinag-uusapan ng pamilyang Cruz ang problemang kinahaharap ng bawat isa.
- nagkakasundo ang magkapatid sa lahat ng mabubuting gawain.
- Masayang nagkukuwentuhan ang pamilyang San Pablo.
Kawalan ng Bukas na Komunikasyon
- Palaging nag-aaway ang magkapatid na Rick at Mike.
- Hindi pinakikinggan ni Aiza ang mga payo ng magulang.
- Sa tuwing aalis ng bahay si Agatha ay hindi ito nagpapaalam sa magulang at ginagabi na sa pag-uwi.
- Pinag-aawayan ng mag-asawang Pendrina ang bawat problemang kinahaharap, ito man ay malaki o maliit lamang.
- Hinahayaan ni Aleng Nena ang anak na si Jane sa lahat ng gusto nito kayat napariwara ang buhay.
Sanggunian
Aklat
Bognot Regina Mignon C. et. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao. Vival Publishing House Inc. —. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao. Vival Publishing House Inc.
Hanguang Elektroniko:
California Lutheran University.www.ffri.hr. Accessed 26 May, 2020. http://www.ffri.hr.
Rick Peterson. et. n.d. “Families First-Keys to Successful Family Functioning: Communication.” Publication and Educational Resources.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply