Ang aralin na ito ay magiging daan para maunawaan ang pananagutan ng isang magulang at kung bakit ito ginagawa ng magulang para sa anak.
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Naipapaliwanag na bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na bigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak,
gabayan sa pagpapasya at hubugin sa pananampalataya.
b. Naipapaliwanag na ng karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod tangi at pinakamahalagang gampanin
ng mga magulang. (EsP8PB-Id-2.3)