This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 8 self-learning module for Quarter 1, Module 4: “Pagmamahalan at Pagtutulungan sa Pamilya: Palaganapin” (spreading love and cooperation in the family). It is written for Grade 8 learners studying at home, with their parents or guardians as facilitators. After working through it, learners should be able to show the right actions that make love and cooperation stronger in their own family.
The module was prepared under DepEd’s Alternative Delivery Mode by the Department of Education Caraga Region (First Edition, 2020). Its writer is John Rey C. Clarion.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module develops one learning competency:
- Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya (carries out the right actions that strengthen love and cooperation in one’s own family). EsP8PB-Ib-1.4
The module opens with the idea that a family’s strength shows in the habits and actions of each member. When a family has love and cooperation, there is room to work on each member’s weaknesses and to support their abilities.
Lesson in this module
The module has one lesson, Aralin 1: Pagmamahalan at Pagtutulungan sa Pamilya: Palaganapin. It starts with the saying “Ang pamilyang nagtutulungan ay pamilyang nagmamahalan” (a family that helps each other is a family that loves each other). It builds on Module 3, which taught that the family is the natural institution of love and cooperation where our values are formed.
Key ideas: love and cooperation in the family
The story of Andrea
The lesson centers on the story of Andrea, a girl who grew up in a happy family and was close to her father, Rumualdo. Her father died on her birthday, and she became withdrawn and sad, especially on Parent’s Day at school. She felt her family was no longer whole. Her teacher noticed and called her mother. When the mother talked with Andrea, she told her that her daughter was her only treasure and that her love and support would never be lost, even if the family was not complete. Andrea realized she had to go on with life, and she promised herself to study hard, finish school, and give her mother a comfortable life. The module’s point: even without a father, the family stayed strong because mother and daughter showed love for each other.
How love is shown (pagmamahalan)
The module explains that love is shown not only through material things but also through valuing one another. Love is seen in the home, in a deep relationship with God, and in how we deal with others. Right actions that show love include:
- Giving time to be with the family
- Being humble when you make a mistake and learning to ask for forgiveness
- Showing respect to parents and elders
- Appreciating the good things family members do, for example saying “ipinagmamalaki kita” (I am proud of you) or “mahusay ang iyong ginawa” (you did well)
How cooperation is shown (pagtutulungan)
Love goes with support: helping others without expecting anything in return. Right actions that strengthen cooperation include:
- Working together on household chores
- Helping a sibling understand a lesson
- Sacrificing personal wants for the good of the family
- Supporting children who are studying
- Reaching goals that help the family improve
- Following parents’ instructions and advice
- Assisting a family member with a disability
- Sharing blessings with the family
The module adds that love is the most important element that connects people, and cites St. Thomas Aquinas: love is shown not only in words but in deeds.
Activities in the module
| Part | Activity | What learners do |
|---|---|---|
| Subukin | Pretest | 15 multiple-choice questions on family situations |
| Balikan | Gawain 1: Halika’t Magpangkatan Tayo! | Sort phrases into a “Pagmamahalan” (love) column and a “Pagtutulungan” (cooperation) column |
| Tuklasin | Gawain 2: Kwento Ko, Pagnilayan Mo! | Read Andrea’s story and answer two reflection questions |
| Pagyamanin | Gawain 3: Modelong Pamilya | Fill a chart with actions for love and cooperation and the result |
| Pagyamanin | Gawain 4: Istorya Ko, Aral Mo | Answer questions about three scenes from Andrea’s story |
| Pagyamanin | Gawain 5: Suri, Solusyon | Give solutions to three hard family situations, scored with a rubric |
| Isaisip | Gawain 6: Kilos Mo, Isapuso Mo! | Fill four hearts with actions that strengthen your family |
| Isagawa | Gawain 7: Kilos Kard | Write what you will fix, remember, and protect (aayusin, pakatatandaan, iingatan) |
| Tayahin | Posttest | 15 multiple-choice questions |
| Karagdagang Gawain | Gawain 8: Kilos Ko, Tatag ng Pamilya Ko | List actions you will do as a child (anak) and as a sibling (kapatid) |
How to use this module
- Answer the Subukin pretest first. It shows what you already know and whether you need extra help from your teacher or facilitator.
- Do the Balikan review activity. The note for teachers says that if the learner cannot complete it, they should go back to the previous module.
- Work through the parts in order, from Tuklasin to Karagdagang Gawain.
- Take the Tayahin posttest at the end to measure what you learned.
- Check your answers with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the back, and use it honestly.
For learners: Do not write on the module. Use separate answer sheets so other learners can use it later. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
For parents: Your role is to guide and support your child at home. The open-ended activities, such as Gawain 7 and Gawain 8, ask about your child’s own family, so talking with them about it can help.
For teachers: Gawain 5, 6, and 7 come with scoring rubrics. Some entries in the printed answer key do not match the questions as printed, so check the key against the lesson before using it for grading.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4.
What competency does this module cover?
It covers EsP8PB-Ib-1.4: carrying out the right actions that strengthen love and cooperation in one’s own family.
What is the story in the module about?
It tells the story of Andrea, who lost her father and felt her family was no longer whole. Her mother’s love and support helped her realize she still had a family ready to help her, and she resolved to study hard for her mother.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the back has answers for the pretest, the review activity, Gawain 3 and 4, and the posttest. A few printed answers do not match the questions, so teachers should double-check them.
What are examples of actions that show love and cooperation in the family?
The module lists giving time to the family, asking for forgiveness, respecting elders, and praising good deeds for love. For cooperation, it lists doing chores together, helping siblings with lessons, following parents’ advice, and sharing blessings.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 4: Pagmamahalan at Pagtutulungan sa Pamilya: Palaganapin
8
[illustration: learners reading and studying under a tree, at home, and with a teacher at a desk, with a globe and a lamp]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_EsP8_Module4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagmamahalan at Pagtutulungan sa Pamilya: Palaganapin Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: John Rey C. Clarion Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Michael C. Paso, Mark Lorenz C. Luib Leonora G. Tabangcora, Febe M. Rivera Judith E. Ecoben, Megie M. Lillo Rashiel Joy F. Lepaopao, Jezzine Salar Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas Isidro M. Biol, Jr. Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñares Lope C. Papeleras Michael C. Paso Juan Jr. L. Espina
Inilimbag sa:
Department of Education – Caraga Region Office Address: Teacher Development Center J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4: Pagmamahalan at Pagtutulungan sa Pamilya: Palaganapin
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito nga iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o stratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan nya ng ibayong tulong mula a tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahaan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamamit lang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong n gating mga tagapagdaloy. Umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Masasalamin ang katatagan ng pamilya sa mga gawi at kilos na isinasagawa ng bawat miyembro nito. Ito ang paraan upang mapagtagumpayan ang mga dagok at pagsubok na kahaharapin sa araw-araw.
Kung may pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya ay magkakaroon ng puwang ang paglinang sa kahinaan at pagsuporta sa kakayahan ng kasapi. Malilinang lamang ang ganitong mga gawi kung maisagagawa ang angkop na kilos sa pagpapadama ng pagmamahal at pagpapakita ng pagtulong. Paano nga ba maisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagpapatatag ng pagtutulungan at pagmamahalan sa pamilya?
Sa modyul na ito malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. (EsP8PB-Ib-1.4)
CO_Q1_EsP8_Module4
Subukin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng angkop na kilos sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya?
- A. Si Bernardo ay pamilyadong tao. Bumili siya ng pagkain para sa kaniyang sarili lamang kaya lubos itong ikinagalit ng kaniyang asawa.
- B. Si Pablo ay naglaan ng sapat na oras at panahon upang maipasyal ang pamilya sa plaza nang mapag-usapan ang mga problemang nararanasan.
- C. Ang pamilyang Remorosa ay sama-samang kumakain sa hapag-kainan. Pagkatapos kumain ng lahat ay hinuhugasang mag-isa ni Jeasel ang pinagkainan.
- D. Ang pamilyang Pecundo ay walang pakialam sa isa’t isa. Parati na lamang nag-aaway ang mag-asawa. Ang mga anak naman nito ay nalulong na sa online games.
Alin sa mga kilos ang dapat isagawa upang mapatatag ang pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya?
- A. pagkakaisa sa mga gawain
- B. mag-isang naglilinis ng bakuran
- C. pinapairal ang pagiging maramot
- D. nagbibingi-bingihan sa utos ng magulang
Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mabuting nagawa ng isang miyembro ng pamilya?
- A. pag-aaksaya ng oras at panahon
- B. nagliliwaliw sa mga gustong lugar
- C. pagtangkilik ng mga mabubuting kilos
- D. pagsasantabi ng tagumpay ng miyembro ng pamilya
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapatatag sa pagtutulungan ng pamilya?
- A. Sinasarili ni Agatha ang problema sa pamilya kaya nakaranas ito ng depresiyon.
- B. Tila walang narinig si Romeo sa mga pangaral na ibinibigay ng ina kaya napariwara ang buhay nito.
- C. Nakasanayan na ni Erning ang magsinungaling sa kaniyang magulang at napagtanto niyang hindi ito mabuti.
- D. Sama-samang gumagawa ng mga gawaing bahay ang pamilyang Ligaya kaya’t napabibilis ang pagtapos dito.
CO_Q1_EsP8_Module4
“Bumabangon nang maaga si Aling Carlita upang maglako ng kaniyang mga paninda sa palengke. Masama man ang kaniyang pakiramdam ay patuloy pa rin itong nagtatrabaho para mabigyan ng masaganang buhay ang kaniyang pamilya. Hindi ito sumusuko sa lahat ng problemang dumarating dahil alam niyang pinapahalagahan ng mga anak ang kaniyang sakripisyo.” Kung ikaw ang anak ni Aling Carlita paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa ginagawang sakripisyo ng iyong ina?
- A. pumapasok sa paaralan at nagbubulakbol
- B. pumapasok sa paaralan ngunit mababa ang marka
- C. pumapasok sa paaralan at ikinahihiya ang trabaho ng ina
- D. pumapasok sa paaralan at nagsusumikap na makapagtapos
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pamilyang may matatag na pagmamahalan?
- A. Maririnig ang napakalakas na sigawan sa loob ng tahanan nina Carlos at Alexa.
- B. Palaging nagbabangayan ang magkapatid na Mary at Jane dahil lang sa maliit na bagay.
- C. Nagpapalitan ng masasakit na salita ang mag-asawang Ariel at Mae na nagbunga ng kanilang paghihiwalay.
- D. Tinatanggap ni Claresse ang kamalian ng kaniyang kapatid at pinatawad ito sa mga nagawang kamalian.
Pag-uwi ng panganay na anak galing sa trabaho nadatnan na nagkakalat ng laruan ang bunsong kapatid. Bilang panganay, ano ang iyong gagawin?
- A. Pagagalitan ang bunsong kapatid.
- B. Pababayaang nakakalat sa sahig ang mga laruan.
- C. Isusumbong sa magulang ang pagkakalat ng bunso
- D. Ililigpit ang kalat dahil hindi pa alam ng bunsong kapatid kung paano magligpit.
Bakit mahalagang maisagawa ang mga angkop na kilos sa isang pamilya?
- A. upang mapatibay ang relasyong pampamilya
- B. upang maipakita na ang bawat pamilya ay perpekto
- C. upang mapatibay ang relasyong pakikipagkapuwa tao
- D. upang ipagmalaki sa iba ang katatagan ng kanilang pamilya
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matatag na pamilyang may pagmamahalan at pagtutulungan?
- A. Madaling mapikon si Andrew sa tuwing binibiro ng kapatid.
- B. Sina Kat at Rina ay matalik na magkaibigan at hindi nag-aaway kahit minsan.
- C. Sa tuwing may problema ang isa sa miyembro ng pamilya ay nakahandang magbigay ng tulong at payo ang magulang.
- D. Hindi kumikibo si Angelo sa tuwing kinakausap siya ng kaniyang magulang dahil sa nahihiya siyang magbahagi ng kaniyang problema.
CO_Q1_EsP8_Module4
10.Pinag-aawayan ng dalawang anak na sina Pat at Rick ang bagong biling laruan. Bilang ina, ano ang maaari mong gawin upang pagbatiin at hindi maisip ng dalawa na may kinakampihan ka? – A. Kakampihan ng ina si Pat. – B. Sisigawan ng ina ang dalawang anak. – C. Hahayaan ng ina ang dalawa dahil away bata lang ito. – D. Ipaalala sa mga anak ang kahalagahan ng pagbibigayan.
11.Gumagawa ng takdang aralin ang iyong nakababatang kapatid at napansin mong nahihirapan ito. Bilang nakatatandang kapatid, paano mo maipapakita ang pagtulong sa kaniya? – A. magbulag-bulagan sa mga nakikita – B. hayaang gumawa ng mga aralin nang mag-isa – C. paglaan ng oras sa pagpaliwanag ng aralin sa kapatid – D. pagsasabihan ng masasakit na salita upang makaisip ng sagot
12.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pamilyang may matatag na pagmamahalan at pagtutulungan? – A. Ang pamilyang Catipun ay pinapairal ang pagiging maramot sa kapuwa. – B. Ang pamilyang San Diego ay tinatawanan lamang ang mga problemang kinakaharap. – C. Ang pamilyang Monteclaro ay nagbabangayan sa tuwing may mabigat na gawain. – D. Ang pamilyang Cruz ay binibigyan ng gamot at inaalagaan ang miyembro ng pamilya sa tuwing may nagkakasakit.
13.Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng matatag na pamilya na nabuo dahil sa pagtutulungan? – A. naglilinis nang mag-isa – B. nakikiisa sa ginagawa ng kapitbahay – C. pagtatapon ng basura sa bakod ng kapitbahay – D. pakikiisa ng bawat miyembro ng pamilya sa paglilinis ng tahanan
14.Nagkasakit ang ina ni Sandro at wala itong pambili ng gamot. Sa kawalan ng pera nagawa niyang magnakaw. Angkop ba ang kilos na ginawa ni Sandro? – A. Hindi, dahil ipinagbabawal ang magnakaw. – B. Oo, sapagkat inisip lamang niya ang kaligtasan ng ina. – C. Oo, dahil sa labis na takot at pangamba nagawa niyang magnakaw. – D. Hindi, sapagkat marami pa siyang puwedeng gawing paraan upang matulungan ang inang may sakit sa marangal na pamamaraan.
15.Nagmamadali si Ellen na umalis ng bahay dahil ipinatawag siya ng boss tungkol sa negosyo at nakita niyang umiiyak ang sanggol na kapatid at tila nagugutom. Sa halip na ipagtimpala ng gatas ay nagmamadali siyang umalis ng bahay. Angkop ba ang kilos na ipinakita ni Ellen? – A. Oo, sapagkat ipinatawag siya ng boss. – B. Hindi, dahil iniwan niya ang kapatid na gutom. – C. Oo, dahil mas importante ang trabaho kaysa pamilya. – D. Hindi, sapagkat dapat inuuna ang kapakanan ng pamilya bago ang trabaho dahil makapaghihintay naman ito.
CO_Q1_EsP8_Module4
Aralin 1 Pagmamahalan at Pagtutulungan sa Pamilya: Palaganapin
“Ang pamilyang nagtutulungan ay pamilyang nagmamahalan”
- Anonymous
Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita.
Balikan
[illustration: hands joining two puzzle pieces]
Gawain 1: Halika’t Magpangkatan tayo!
Panuto: Ihanay sa talahanayan ang pangkat ng mga pariralang nagpapakita ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa.
| pagbibigayan ng magkakapatid | pagsasakripisyo ng magulang | pagpapasalamat sa sakripisyo ng magulang | pag-aaruga sa magulang | Pagsuporta sa hilig ng kaibigan |
|---|---|---|---|---|
| paggalang sa nakatatanda | pagrespeto sa kapuwa | mapagpakumbaba | Pagkakaisa sa kapuwa | pagsunod sa batas |
| PAGMAMAHALAN | PAGTUTULUNGAN |
|---|---|
| • | • |
| • | • |
| • | • |
| • | • |
| • | • |
Mga Tala para sa Guro
[illustration: hand holding a stack of papers]
Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
Tuklasin
Gawain 2: Kwento ko, Pagnilayan mo!
Panuto: Basahin ang kwento ni Andrea at pagnilayan ang mga gabay na tanong.
Lumaki sa isang masayang pamilya si Andrea. Pinalaki siyang may pananagutan sa lahat ng mga kilos na kaniyang ginagawa. Malapit din siya sa mga magulang lalong-lalo na sa kaniyang amang si Rumualdo.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, ang masayang kaarawan ni Andrea ay humantong sa isang malagim na trahedya sa pagkamatay ng kaniyang ama. Labis na kalungkutan ang kaniyang naramdaman. Simula noon, nagbago na ang kaniyang pag-uugali at naging mailap na ang pakikitungo niya sa ibang tao.
Sa tuwing nagkakaroon ng Parent’s Day sa kanilang paaralan ay ganoon na lamang ang kalungkutang kaniyang nararamdaman. Iniisip niya na hindi na kompleto ang kaniyang buhay. “Wala na akong magulang” aniya. “Hindi na matatawag na pamilya, ang pamilya ko, hindi na ito buo” dagdag pa niya.
Napansin ng guro na nakatulala si Andrea, agad itong lumapit at nagtanong, “Andrea, may problema ka ba?” “Wala po ma’am” tugon nito at umalis na.
Labis ang pagtataka sa isip ng guro kaya’t tinawagan niya ang magulang nito at sinabi ang naobserbahan tungkol sa kaniyang anak.
Kinausap ng ina ang kaniyang anak. Sinabi ni Andrea ang lahat ng kaniyang problema at saloobin. Nahabag ang ina sa narinig, “Wala man tayong maraming pera, ginto, diyamante sa buhay ang tanging kayamanan na mayroon ako ay ikaw lamang anak, ang pamilya ko. Kahit hindi man tayo buo, hindi pa rin naman mawawala ang pagmamahal at suporta ko sa iyo.” wika ng ina na nagpahagulhol kay Andrea. Doon napagtanto ng anak na kahit wala na ang kaniyang ama, kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay. Kahit ito ay napakahirap may pamilyang handang umagapay at tumulong sa kaniya. Pamilyang handang magmahal, mag-alaga, ibibigay ang lahat ng iyong pangangailangan at handang magsakripisyo upang lumaki nang maayos at may takot sa Panginoon.
“Balang araw masusuklian din ang pagsasakripisyo ng aking ina. Magsisikap at magtatapos ako ng pag-aaral. Bibigyan ko siya ng maayos at komportableng buhay. Gagawin ko ang lahat upang maibalik ang dating masaya at matatag naming pamilya.”, saad ni Andrea sa sarili.
Payo ko sa mga kapuwa ko anak, kahit may mga suliraning darating ipagpatuloy lang ang buhay dahil mayroong bagong pag-asa na sisibol. Tandaan, matisod o madapa ka man, bumangon ka kasi sa bandang huli may mauuwian kang pamilya na handang tumulong at umagapay sa iyo.
Gabay na Tanong:
- Paano nito nabago ang pananaw mo sa pamilya?
- Kung ikaw ang kaibigan ni Andrea, paano mo maipakikita ang pagmamahal at pagtulong sa kaniya?
Suriin
Napatunayan natin sa Modyul 3 na ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong din sa pagpapaunlad ng sarili sa bawat kasapi dahil sa kanilang piling nahubog ang ating mga pagpahahalaga at ipinapamalas din sa kapuwa. Sa buhay, maraming salik ang nakaapekto upang masira ang pundasyong nagpatatag sa isang pamilya dahil dito mainam na maunawaan ang mga angkop na kilos kung paano mas mapatatag ang pagmamahalan at pagtutulungan na nagsisilbing pananggalang.
Sa bahaging Tuklasin napagnilayan mo ang buhay ni Andrea, wala siyang ama ngunit nanatiling buo at matatag ang pamilya dahil ipinadama ng mag-ina ang pagmamahal sa isa’t isa. Paano nga ba maipadarama ang pagmamahal at pagtutulungan sa pamilya?
Ang pagmamahal ay isang damdamin na hindi lamang naipakita sa pagbibigay ng mga materyal na bagay kung hindi maging sa pagpapahalaga. Mararamdaman at makikita ang pagmamahal sa loob ng tahanan, mataimtim na ugnayan sa Panginoon at pakikisalamuha sa ating kapuwa. Naipamamalas ang pagmamahalan kung naisasagawa ang mga angkop na kilos tulad ng sumusunod:
- Pagbibigayan sa pamamagitan ng paglalaan ng oras at panahong makapiling ang pamilya
- Pagpapakumbaba sa tuwing nakagagawa ng kamalian at matutong humingi ng kapatawaran
- Pagpapakita ng respeto sa mga magulang at nakatatanda
- Pagpapahalaga sa mabubuting nagawa ng pamilya tulad ng;
- ipinagmamalaki kita.
- mahusay ang iyong ginawa atbp.
Kaakibat ng pagmamahal ay pagpapakita ng suporta sa pamamagitan ng pagtulong sa kapuwa na hindi naghihintay ng anomang kapalit. Ito ang nagiging dahilan sa pagpapatatag ng pagtutulungan sa pamilya. Sa pagsasagawa ng angkop na kilos na:
- Pagkakaisa sa mga gawaing bahay
- pagtulong sa kapatid na maunawaan ang aralin
- Pagsasakripisyo ng pansariling kagustuhan para sa ikabubuti ng pamilya
- Pagpapakita ng suporta sa mga anak na nag-aaral
- Pagkamit sa mithiing magpapaunlad ng pamilya
- pagsunod sa mga utos at payo ng magulang
- Pag-alalay sa kasapi ng pamilya na may kapansanan
- Pagbabahagi ng mga biyaya sa pamilya
Ang pagmamahal ang pinakamahalagang elemento na nagdudugtong sa tao, ibig sabihin kung may pagmamahal ay mararamdaman natin ang katiwasayan at pagtutulungan sa bawat isa. Ayon nga kay St. Thomas Acquinas, ang pagmamahal ay naipadadama hindi lamang sa salita kung hindi sa gawa. Kung gayon, bilang tao ay napakahalagang pairalin ang pagmamahal para magkaroon ng makabuluhang pakikipagkapuwa.
Pagyamanin
[illustration: hand stacking blocks]
Gawain 3: Modelong Pamilya
Panuto: Punan ang grapiko ng mga angkop na kilos na magpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isang pamilya. Ibigay ang resulta kung ang mga ito ay naisagawa at naisakatuparan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[chart: flowchart; Gawain 3: Modelong Pamilya]
- PAMILYA (top box)
- PAGMAMAHALAN
- (empty box)
- (empty box)
- (empty box)
- PAGTUTULUNGAN
- (empty box)
- (empty box)
- (empty box)
- PAGMAMAHALAN
- Resulta: (empty box at bottom)
transcriber’s note: the child boxes under PAGMAMAHALAN and PAGTUTULUNGAN and the Resulta box are empty in the printed chart; no text is printed in them.
Gawain 4: Istorya ko, Aral Mo
Panuto: Suriin ang mga sitwasyong sinipi mula sa kuwento ni Andrea na nabasa sa bahaging Tuklasin. Isulat ang sagot sa mga katanungan sa sagutang papel.
Sitwasyon 1:
Napansin ng kaniyang guro na nakatulala si Andrea, agad itong lumapit at nagtanong, “Andrea, may problema ka ba?” “Wala po ma’am” tugon nito at umalis na.
Labis ang pagtataka sa isip ng guro kaya’t tinawagan niya ang magulang nito at sinabi ang naobserbahan tungkol sa kaniyang anak.
- Paano naipakita ng guro ang pagtulong kay Andrea?
Sitwasyon 2:
Kinausap ng ina ang kaniyang anak. Sinabi ni Andrea ang lahat ng kaniyang problema at saloobin. Nahabag ang ina sa narinig, “Wala man tayong maraming pera, ginto, dyamante sa buhay ang tanging kayamanan na mayroon ako ay ikaw lamang anak, ang pamilya ko. Kahit hindi man tayo buo, hindi pa rin naman mawawala ang pagmamahal at suporta ko sa iyo.” wika ng ina na nagpahagulhol kay Andrea.
- Paano ipinadama ng ina ang pagmamahal sa anak?
- Paano sinuklian ni Andrea ang pagmamahal ng ina?
Sitwasyon 3:
Napagtanto ng anak na kahit wala na ang kaniyang ama, kailangan niya pa ring ipagpatuloy ang buhay. Kahit ito ay napakahirap may pamilyang handang umagapay at tumulong sa kaniya. Pamilyang handang magmahal, mag-alaga, ibibigay ang lahat ng iyong pangangailangan at handang magsakripisyo upang lumaki nang maayos at may takot sa Panginoon.
“Balang araw masusuklian din ang pagsasakripisyo ng aking ina. Magsisikap at magtatapos ako ng pag-aaral. Bibigyan ko siya ng maayos at komportableng buhay. Gagawin ko ang lahat upang maibalik ang dating masaya at matatag naming pamilya.” saad ni Andrea sa sarili.
Gawain 5: Suri, Solusyon
Panuto: Suriin ang mga sitwasyon at ilahad ang angkop na kilos na nagpapatatag ng pagtutulungan at pagmamahalan sa pamilya. Isulat ang mga solusyon sa sagutang papel.
Sitwasyon: Ang iyong magulang ay labis na mapang-abuso at kinokontrol ang lahat ng iyong kilos. Pinapangunahan at sinasalungat ang lahat ng iyong desisyon.
Solusyon: _____
Sitwasyon: Pabigla-bigla at marahas ang pakikitungo sa iyo ng iyong nakatatandang kapatid. Umaabot na sa puntong nanlalait, nanggugulpi at nagbabasag ng iyong mga gamit.
Solusyon: _____
Sitwasyon: Ang pamilyang Liberal ay nakararanas ng hindi pagkakaunawaan hanggang humantong sa pag-aaway at unti-unting pagkawala ng respeto sa mga kasapi.
Solusyon: _____
Rubrik sa pagbibigay solusyon
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Angkop na kilos sa sitwasyon | Nakalahad ng angkop na kilos na magpatatag sa pagtutulungan at pagmamahalan batay sa tatlong sitwasyon. | Nakalahad ng angkop na kilos na magpatatag sa pagtutulungan at pagmamahalan batay sa dalawang sitwasyon. | Nakalahad ng angkop na kilos na magpatatag sa pagtutulungan at pagmamahalan batay sa isang sitwasyon. |
| Kabuoang puntos |
(13)
Isaisip
Gawain 6- Kilos mo, Isapuso mo!
Panuto: Batay sa aralin, punan ang grapikong puso ng mga kilos sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa iyong pamilya.
[chart: graphic organizer; Gawain 6 heart diagram. Four empty heart shapes surround a central rounded box labeled “PAMILYA”, with arrows pointing from the box toward each heart.]
Rubrik sa pagbibigay solusyon
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Kilos sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan | Nakalahad ng 4 na isasagawang kilos na magpapatatag sa pagmamahalan at pagtutulungan ng pamilya. | Nakalahad ng 3 na isasagawang kilos na magpapatatag sa pagmamahalan at pagtutulungan ng pamilya. | Nakalahad ng 2 na isasagawang kilos upang magpapatatag sa pagmamahalan at pagtutulungan ng pamilya. |
| Kabuoan |
PAMILYA
(14)
Isagawa
Gawain 7: Kilos Kard
Panuto: Pagnilayan ang mga maling kilos na dapat isaayos, pakatatandaan at pakaingatan ang mga aral na magpatatatag sa pagmamaghalan at pagtutulungan sa iyong pamilya.
Aayusin ko:
Pakatatandaan ko:
Iingatan ko:
Rubrik sa kilos kard
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (5 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (2 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nahinuha ang maling kilos/karanasan | Natukoy ang maling karanasan at nakalahad ng detalyadong kilos kung paano ito itatama | Natukoy ang maling karanasan ngunit hindi masyadong naaayon ang detalye kung paano ito itatama | Natukoy ang maling karanasan ngunit hindi angkop ang detalye kung paano ito itatama |
| Mga kailangang tandaan | Nakalahad ng 2 aral na dapat tandaan upang mapatatag ang pagmamahalan at pagtutulungan | Nakalahad ng 1 aral na dapat tandaan upang mapatatag ang pagmamahalan at pagtutulungan | Walang aral na nailahad na dapat tandaan upang mapatatag ang pagmamahalan at pagtutulungan |
| Kailangang ingatan | Nakalahad ng 2 kilos na dapat ingatan upang maging makabuluhan ang pakikipagkapuwa | Nakalahad ng 1 kilos na dapat ingatan upang maging makabuluhan ang pakikipagkapuwa | Walang nailahad na kilos na dapat ingatan upang maging makabuluhan ang pakikipagkapuwa |
| Kabuoan |
(15)
Tayahin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Nagmamadali si Ellen na umalis ng bahay dahil ipinatawag siya ng boss tungkol sa negosyo at nakita niyang umiiyak ang sanggol na kapatid at tila nagugutom. Sa halip na ipagtimpala ng gatas ay nagmamadali siyang umalis ng bahay. Angkop ba ang kilos na ipinakita ni Ellen?
- A. Oo, sapagkat ipinatawag siya ng boss.
- B. Hindi, dahil iniwan niya ang kapatid na gutom.
- C. Oo, dahil mas importante ang trabaho kaysa pamilya
- D. Hindi, sapagkat dapat inuuna ang kapakanan ng pamilya bago ang trabaho dahil makapaghihintay naman ito.
Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mabuting nagawa ng isang miyembro ng pamilya?
- A. pag-aaksaya ng oras at panahon
- B. magliliwaliw sa mga gustong lugar
- C. pagtangkilik ng mga mabubuting kilos
- D. pagsantabi ng tagumpay ng miyembro ng pamilya
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pamilyang may matatag na pagmamahalan at pagtutulungan?
- A. Ang pamilyang Catipun ay pinapairal ang pagiging maramot sa kapuwa.
- B. Ang pamilyang San Diego ay tinatawanan ang mga problemang kinakaharap.
- C. Ang pamilyang Monteclaro ay nagbabangayan sa tuwing may mabigat na gawain.
- D. Ang pamilyang Cruz ay binibigyan ng gamot at inaalagaan ang miyembro ng pamilya sa tuwing may nagkakasakit.
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapatatag sa pagtutulungan ng pamilya?
- A. Sinasarili ni Agatha ang problema sa pamilya kaya nakaranas ito ng depresyon.
- B. Tila walang narinig si Romeo sa mga pangaral na ibinibigay ng ina kaya napariwara ang buhay nito.
- C. Nakasanayan na ni Erning ang pagsinungaling sa kaniyang magulang at napagtanto niyang hindi ito mabuti.
- D. Sama-samang gumagawa ng mga gawaing bahay ang pamilyang Ligaya kayat napabibilis ang pagtapos dito.
(16)
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng angkop na kilos sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya?
- A. Si Bernardo ay pamilyadong tao. Bumili siya ng pagkain para sa kaniyang sarili lamang kaya lubos itong ikinagalit ng kaniyang asawa.
- B. Si Pablo ay naglaan ng sapat na oras at panahon upang maipasyal ang pamilya sa plaza nang mapag-usapan ang mga problemang nararanasan.
- C. Ang pamilyang Remorosa ay sama-samang kumakain sa hapagkainan. Pagkatapos kumain ng lahat ay hinuhugasang mag-isa ni Jeasel ang pinagkainan.
- D. Ang pamilyang Pecundo ay walang pakialam sa isa’t isa. Parati na lamang nag-aaway ang mag-asawa. Ang mga anak naman nito ay nalulong na sa online games.
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pamilyang may matatag na pagmamahalan?
- A. Maririnig ang napakalakas na sigawan sa loob ng tahanan nina Carlos at Alexa.
- B. Palaging nagbabangayan ang magkapatid na Mary at Jane dahil lang sa maliit na bagay.
- C. Nagpapalitan ng masasakit na salita ang mag-asawang Ariel at Mae na nagbunga ng kanilang paghihiwalay.
- D. Tinatanggap ni Claresse ang kamalian ng kaniyang kapatid at pinatawad ito sa mga nagawang kamalian.
Pinag-aawayan ng dalawang anak na sina Pat at Rick ang bagong biling laruan. Bilang ina, ano ang maaari mong gawin upang pagbatiin at hindi maisip ng dalawa na may kinakampihan ka?
- A. Kakampihan ng ina si Pat.
- B. Sisigawan ng ina ang dalawang anak.
- C. Hahayaan ng ina ang dalawa dahil away bata lang ito.
- D. Ipaalala sa mga anak ang kahalagahan ng pagbibigayan.
Bakit mahalagang maisagawa ang mga angkop na kilos sa isang pamilya?
- A. upang mapatibay ang relasyong pampamilya
- B. upang maipakita na ang bawat pamilya ay perpekto
- C. upang mapatibay ang relasyong pakikipagkapuwa tao
- D. upang ipagmalaki sa iba ang katatagan ng kanilang pamilya
(17)
Nagkasakit ang ina ni Sandro at wala itong pambili ng gamot. Sa kawalan ng pera nagawa niyang magnakaw. Angkop ba ang kilos na ginawa ni Sandro?
- A. Hindi, dahil ipinagbabawal ang magnakaw.
- B. Oo, sapagkat inisip lamang niya ang kaligtasan ng ina.
- C. Oo, dahil sa labis na takot at pangamba nagawa niyang magnakaw.
- D. Hindi, sapagkat marami pa siyang puwedeng gawing paraan upang matulungan ang inang may sakit sa marangal na pamamaraan.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matatag na pamilyang may pagmamahalan at pagtutulungan?
- A. Madaling mapikon si Andrew sa tuwing binibiro ng kapatid.
- B. Sina Kat at Rina ay matalik na magkaibigan at hindi nag-aaway kahit minsan
- C. Sa tuwing may problema ang isa sa miyembro ng pamilya ay nakahandang magbigay ng tulong at payo ang magulang.
- D. Hindi kumikibo si Angelo sa tuwing kinakausap siya ng kaniyang magulang dahil sa nahihiya siyang magbahagi ng kaniyang problema.
- Gumagawa ng takdang aralin ang iyong nakababatang kapatid at napansin mong nahihirapan ito. Bilang nakatatandang kapatid, paano mo maipakikita ang pagtulong sa kaniya?
- A. magbulag-bulagan sa mga nakikita
- B. hayaang gumawa ng mga aralin nang mag-isa
- C. paglaan ng oras sa pagpapaliwanag ng aralin sa kapatid
- D. pagsasabihan ng masasakit na salita upang makaisip ng sagot
- Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng matatag na pamilya na nabuo dahil sa pagtutulungan?
- A. naglilinis nang mag-isa
- B. nakikiisa sa ginagawa ng kapitbahay
- C. nagtatapon ng basura sa bakod ng kapitbahay
- D. pakikiisa ng bawat miyembro ng pamilya sa paglilinis ng tahanan
- Pag-uwi ng panganay na anak galing sa trabaho nadatnan na nagkakalat ng laruan ang bunsong kapatid. Bilang panganay, ano ang iyong gagawin?
- A. Pagagalitan ang bunsong kapatid.
- B. Pababayaang nakakalat sa sahig ang mga laruan.
- C. Isusumbong sa magulang ang pagkakalat ng bunso.
- D. Ililigpit ang kalat dahil hindi pa alam ng bunsong kapatid kung paano magligpit.
(18)
- “Bumabangon nang maaga si Aling Carlita upang maglako ng kaniyang mga paninda sa palengke. Masama man ang kaniyang pakiramdam ay patuloy pa rin itong nagtatrabaho para mabigyan ng masaganang buhay ang kaniyang pamilya. Hindi ito sumusuko sa lahat ng problemang dumarating dahil alam niyang pinapahalagahan ng mga anak ang kaniyang sakripisyo.” Kung ikaw ang anak ni Aling Carlita paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa ginagawang sakripisyo ng iyong ina?
- A. pumapasok sa paaralan at nagbubulakbol
- B. pumapasok sa paaralan ngunit mababa ang marka
- C. pumapasok sa paaralan at ikinahihiya ang trabaho ng ina
- D. pumapasok sa paaralan at nagsusumikap na makapagtapos
- Alin sa mga kilos ang dapat isagawa upang mapatatag ang pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya?
- A. pagkakaisa sa mga gawain
- B. mag-isang naglilinis ng bakuran
- C. pinapairal ang pagiging maramot
- D. nagbibingi-bingihan sa utos ng magulang
(19)
Karagdagang Gawain
Gawain 8: Kilos Ko, Tatag ng Pamilya Ko
Panuto: Maglahad ng mga angkop na kilos na magpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa iyong pamilya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ako, bilang Anak
Ako, bilang Kapatid
(20)
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; its four panels are transcribed below in upright reading order]
| Subukin | Balikan |
|---|---|
| 1. B 2. A 3. C 4. D 5. D 6. D 7. D 8. A 9. C 10. D 11. C 12. D 13. D 14. B 15. D | Pagmamahal 1. pagsasakripisyo 2. pasasalamat 3. pag-aaruga 4. pagpapakumbaba 5. pagrespeto Pagtutulungan 1. pagbibigayan 2. pagkakaisa 3. pagsunod 4. pakiiisa 5. pagsuporta |
| Pagyamanin | Tayahin |
| Gawain 3 Pagmamahal 1. paglalaan oras sa pamilya 2. paghingi ng kapatawaran 3. pagrespeto sa magulang Pagtutulungan 1. pakiiisa sa gawaing bahay 2. pagsunod s autos 3. pagbahai ng biyaya sa iba Gawain 4 1. pag-alam sa problem ani Andrea 2. pagpapaintindi sa anak sa kalahagahan nito sa kaniyang buhay 3. sa pagsisikap sa kaniyang pag-aaral | 1. D 2. C 3. D 4. C 5. B 6. D 7. B 8. A 9. D 10. C 11. C 12. D 13. D 14. D 15. A |
Sanggunian
Aklat
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Magaaral. 5th Floor Mabini Building, Meralco Avenue, Pasig City.
Hanguang Elektroniko
Beth, Le Poire. 2020. “Family Communication Nurturing And Control In A Changing World”. Ffri.Hr. Accessed June 5. http://www.ffri.hr/~ibrdar/komunikacija/seminari/Downey,%201996%20-%20Rejection%20Sensitivity%20for%20intimate%20relationsh.pdf.
Peterson, Rick and Stephen Green. 2019. “Family First-Keys To Successful Family Functioning Healthy Families Promote The Emotional, Physical And Social Welfare Of Individual Family Members.”. Pubs.Ext.Vt.Edu. https://www.pubs.ext.vt.edu/content/dam/pubs_ext_vt_edu/350/350-090/350-090_pdf.pdf.
Witmer, Denise. 2020. “10 Tips For Building Close Family Bonds”. Verywell Family. https://www.verywellfamily.com/how-to-strengthen-your-familys-bond-ten-tips-2609591.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply