EsP 8 Quarter 1 Module 11: Komunikasyon sa Katatagan at Kaunlaran ng Pamilya

EsP 8 Quarter 1 Module 11 explains open family communication, verbal, nonverbal and virtual communication, and the seven levels of communication.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 8 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 11: “Komunikasyon sa Katatagan at Kaunlaran ng Pamilya” (communication for a strong and progressing family). It is written in Filipino for Grade 8 learners studying at home, with help from a parent or guardian. After it, learners should understand why open communication at home matters, how verbal, nonverbal, and virtual communication work, and how the levels of communication guide the way we relate to others.

The module was prepared by DepEd Caraga Region (first edition, 2020) under the Alternative Delivery Mode. Its writer is Jezzine F. Salar.

On this page 8 sections

What learners will learn

The module states one learning competency (ESP8PB-If-3.3). Learners infer (nahihinuha) that:

  • open communication between parents and children opens the way to a good relationship between the family and other people;
  • understanding and being sensitive to spoken (pasalita), nonverbal (di-pasalita), and virtual communication improves how we relate to others (pakikipagkapuwa); and
  • understanding the levels of communication helps us deal with others properly and respectfully.

The module also asks learners to think about three guide questions: How important is open communication? How does it help the family build good relationships in society? What should we keep in mind when communicating so that we relate better with others?

Lesson in this module

The module has one lesson, Aralin 1: “Komunikasyon sa Katatagan at Kaunlaran ng Pamilya.” It opens with the quote “Kaakibat ng magandang relasyon ay maayos na komunikasyon” (a good relationship goes hand in hand with good communication) and builds on the previous module’s four family communication patterns: consensual, pluralistic, laissez-faire, and protective.

Open communication starts at home

The module defines communication as the process of sending or receiving any information in a spoken, nonverbal, or virtual way. Through it, people express what they want and show that they care. Communication can build good relationships, but it can also lead to misunderstanding and division if we are not open and honest.

According to the module, open communication should be developed at home, among family members. When it is, each member learns to:

  • share thoughts and feelings even when unsure;
  • understand and sense what others feel, whether or not they agree with what they heard;
  • listen rather than argue; and
  • be honest, say things in a proper way, and be open to criticism.

A child who learns these skills at home, the module says, will find it easier to build good relationships with other people.

Verbal, nonverbal, and virtual communication

  • Berbal o pasalita (verbal or spoken): using words or language to express ideas, feelings, or opinions.
  • Di-berbal (nonverbal): expressing feelings or wants through symbols, facial expressions, signs, touch, the eyes, movement, clothing, sounds, and more.
  • Virtual: any message that passes through technology, such as email, the web, SMS, MMS, and video chat.

The module stresses that we should not focus on only one type. Some people find it hard to speak their minds, while others express themselves better through nonverbal or virtual means. Being understanding and sensitive to all three helps relationships grow.

The levels of communication (antas ng komunikasyon)

The module lists seven levels, citing Lopez (2013):

LevelWhat it meansModule’s example
IntrapersonalTalking to oneself; the lowest levelReflective thinking, praying, meditating
InterpersonalTalking with one or more people in a small groupTalking with a friend or family member
Pampubliko (public)One speaker, many listenersValedictory address
Pangmasa (mass)Communication through mass media such as newspapers, internet, TV, and radioTV advertisements, the President’s SONA
Pangkultura (cultural)Communication that expresses and gives recognition to a country or place and its cultureA study trip to a museum
Pangkaunlaran (developmental)Communication aimed at developing the countrySymposiums, trainings, seminars
Organisasyonal (organizational)Communication among people with different positions and duties, focused on a group’s goalA school meeting, groups of teachers or doctors

How to use this module

The module follows the usual self-learning module parts:

  1. Alamin: read the competency and guide questions.
  2. Subukin: answer the 15-item multiple-choice pretest.
  3. Balikan (Gawain 1): write ways to improve each of the four family communication patterns from the previous module.
  4. Tuklasin (Gawain 2): read the poem “Susi sa Pakikipagkapwa” (the key to relating with others) and answer the guide questions.
  5. Suriin: read the discussion on open communication, types, and levels of communication.
  6. Pagyamanin (Gawain 3 to 5): match concepts with levels of communication, list the results of open and honest communication in a graphic organizer, and propose solutions to situations such as a sibling depressed by cyberbullying and hurtful words in a group chat.
  7. Isaisip (Gawain 6) and Isagawa (Gawain 7): explain what you learned and give your reasoning on statements about communication.
  8. Tayahin: take the 15-item post-test.
  9. Karagdagang Gawain (Gawain 8): list ten ways to improve communication in the family and society.

For learners: Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it. Use the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher if a part is hard to understand.

For parents and guardians: Guide your child through the activities. The module notes that if the child completes the Balikan activity well, they may move on; if not, have them go back to the previous module.

For teachers: Several written activities come with rubrics (10, 8, and 5 or 4 points), and the answer key covers the pretest, post-test, Gawain 3, Gawain 4, and Gawain 8.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 11. Its competency code is ESP8PB-If-3.3.

What are the levels of communication in this module?

The module lists seven levels: intrapersonal, interpersonal, pampubliko (public), pangmasa (mass), pangkultura (cultural), pangkaunlaran (developmental), and organisasyonal (organizational).

What is virtual communication?

The module calls any message that passes through technology virtual communication. Examples are email, the web, SMS, MMS, and video chat.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, the post-test, Gawain 3, and sample answers for Gawain 4 and Gawain 8.

Why does the module say open communication should start at home?

It says that when family members learn to share feelings, listen instead of arguing, and be honest and open to criticism at home, a child will find it easier to build good relationships with other people.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 11: Komunikasyon sa Katatagan at Kaunlaran ng Pamilya

8

[illustration: a family and students reading, studying, and working together around a tree, a desk, and a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 11: Komunikasyon sa Katatagan at Kaunlaran ng Pamilya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jezzine F. Salar Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Saturnino C. Mutia, Concorde Alber J. Deniega, Jean C. Caluyong, Marieta U. Bautista, Mina M. Montilla, Rashiel Joy F. Lepaopao, Judith E. Ecoben, Megie M. Lillo, John Rey C. Clarion Tagaguhit: Mark Lorenz C. Luib Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseňares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina

Inilimbag sa:

Department of Education – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph

8

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 11: Komunikasyon sa Katatagan at Kaunlaran ng Pamilya

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito nga iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o stratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan nya ng ibayong tulong mula a tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahaan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamamit lang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong n gating mga tagapagdaloy. Umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: a hand pressing a button, inside a circle]

Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapadala o pagtanggap ng anumang impormasyon sa pasalita, hindi-pasalita at maging sa virtual na paraan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang ninanais at pagmamalasakit. Datapwa’t sa pakikipagkomunikasyon at pakikipagkapuwa ay kinakailangan ay mas malawak na pag-unawa sa mga antas ng komunikasyon at kahalagahan ng pagiging bukas at tapat sa lahat ng oras.

Sa paglalakbay mo sa modyul na ito ay pagsikapang mabigyang tugon ang mga tanong na:

a. Gaano ba kahalaga ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon? b. Paano ba ito nakatutulong sa pagkakaroon ng mabuting ugnayan ng pamilya sa lipunan? c. Ano ang dapat isaalang-alang sa pakikipagkomunikasyon upang mapaunlad ang pakikipagkapuwa?

Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:

Nahihinuha na

a. ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapuwa; b. ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapuwa; at c. ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa. (ESP8PB-If-3.3)

Subukin

[illustration: a hand holding a pencil, inside a circle]

Maraming Pagpipilian

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Ano ang pinakamababang antas ng komunikasyon na tumutukoy sa pakikipag-usap ng indibidwal sa sarili sa kanyang replektibong pag-iisip, pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay o kaya ay kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili?

    • A. interpersonal
    • B. intrapersonal
    • C. komunikasyong berbal
    • D. replekatibo
  2. Anong antas ng komunikasyon na nangyayari sa pagitan ng dalawa o higit pang tao?

    • A. interpersonal
    • B. intrapersonal
    • C. pangkultura
    • D. pangmasa
  3. Anong uri ng komunikasyon na ang halimbawa ay Valedictory Address?

    • A. pampubliko
    • B. pangkaunlaran
    • C. pangkultura
    • D. pangmasa
  4. Anong antas ng komunikasyong ang naglalayong mapaunlad ang bansa sa industriya, ekonomiya o anumang pangkabuhayan?

    • A. pampubliko
    • B. pangkaunlaran
    • C. pangkultura
    • D. pangmasa
  5. Ano ang antas ng komunikasyon para sa pagkakakilanlan ng isang bansa sa pamamagitan ng mga pagtatanghal ng mga natatanging pagkain, sayaw, tradisyon at paniniwala?

    • A. pampubliko
    • B. pangkaunlaran
    • C. pangkultura
    • D. pangmasa
  6. Anong antas ng komunikasyon ang gumagamit ng mass media, radyo, telebisyon at pahayagan?

    • A. pampubliko
    • B. pangkaunlaran
    • C. pangkultura
    • D. pangmasa
  7. Bakit mahalagang malinang ng isang pamilya ang bukas na komunikasyon sa tahanan bago makipag-ugnayan sa kapuwa?

    • A. upang malinang nang maayos ang kakayahan sa pakikipag-usap
    • B. upang magkaroon ng malalim na pag-unawa sa bawat miyembro ng pamilya
    • C. upang maipakita ang totoong nararamdaman at iniisip para maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan
    • D. upang matutunan ng pamilya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan
  8. Ano-ano ang dapat pagtuunan ng pansin sa pakikipagkomunikasyon?

    • A. pasalitang komunikasyon na ginamit ng ating kausap
    • B. di-pasalitang uri ng komunikasyong ginamit ng ating kausap
    • C. ekspresyon ng mukha at pasalitang uri ng komunikasyong ginamit ng kausap
    • D. pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyong maaaring ginamit ng ating kausap
  9. Anong antas ng komunikasyon ang tungkol sa gawaing meditasyon at pagrerepleksyon?

    • A. interpersonal
    • B. intrapersonal
    • C. kultural
    • D. organisasyonal
  10. Kapag nahaharap sa problema ang pamilyang Manlangit, nagsusumikap ang bawat isa na malutas ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanya-kanyang ideya o opinyon. Ano ang iyon mahihinuha sa relasyon ng pamilya sa isa’t isa?

    • A. Ang pamilya ay may hidwaan sa isa’t isa.
    • B. Ang pamilya ay may kaligayahan sa tuwing nagkakasama sa kabila ng mga problema.
    • C. Ang pamilya ay may maganda at mabuting ugnayan sa isa’t isa na dahilan ng pagkakaisa tungo sa paglutas ng problema.
    • D. Ang pamilya ay mayroong hindi pagkakaunawaan at negatibong damdamin para sa isa’t isa na maaaring makapagpalala ng problema.
  11. Tumawag si Joel sa kanyang kaibigan upang kumustahin ang kalagayan ng katrabaho nito matapos sumailalim sa isang operasyon dahil sa pagkahulog nito sa sinasakyang motorsiklo. Anong antas ng komunikasyon ang nangyayari sa sitwasyong ito?

    • A. interpersonal
    • B. intrapersonal
    • C. pangkaunlaran
    • D. organisasyonal
  12. Habang nakaupo sa sala ng kanilang bahay ang mag-inang Susan at Carlo, napansin ng anak ang lungkot sa mukha ng kanyang ina. Maya-maya ay hindi niya napigilang tanungin kung may problema ba ito. “Okay lang ako anak huwag kang mag-alala,” mahina at basag na sagot ng ina. Ano ang mahihinuha sa pag-uusap na ito?

    • A. Walang problema at dinaramdam ang ina hindi lang ito palangiti.
    • B. May inaalala lang ang ina ngunit hindi ito malungkot gaya ng nakita ng anak.
    • C. May seryosong bagay na iniisip ang ina kaya mukhang pangit siya sa paningin ng anak.
    • D. Sinabi lang ng ina na okay siya para maitago sa anak ang tunay na dahilan kung bakit siya malungkot sa pagkakataong iyon.
  13. Alin sa sumusunod na halimbawa ng komunikasyon ang nasa antas na pangmasa?

    • A. Talumpati ng isang kandidatong tumakbo sa pagkapangulo ng bansa.
    • B. pakikinig sa radyo ng mga anunsiyo tungkol sa mga patakaran at programa ng lungsod.
    • C. Nagbigay ng mensahe ang pangulo sa telebisyon sa mga nasalanta ng lindol sa Davao.
    • D. Pagkakaroon ng teleconferencing ang iba’t ibang bansa ng Timog Asya tungkol sa COVID-19 pandemic.
  14. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak?

    • A. Humingi ng payo ang anak kung anong mabuting gawin sa sitwasyon nila ng kaniyang nobya ngunit hindi pinakinggan ng magulang.
    • B. Nagalit ang magulang sa sinabi ng anak na mayroon na siyang nobya kahit hindi pa narinig ang kabuoang kuwento ng kaniyang anak.
    • C. Pinakinggan ang buong kuwento ng anak saka pinagalitan dahil sa desisyong ginawa nito sa kabila ng mga payo ng magulang sa anak.
    • D. Nakinig ang magulang sa sinabi ng anak tungkol sa kanyang nobya at pinayuhan niya ang anak sa mabuting desisyon. Sinunod naman ng anak ang payo ng kanyang magulang.
  15. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng maaaring bunga ng pagkakaroon ng pag-unawa at pagiging sensitibo sa di-berbal at berbal na pagpapahayag ng iyong kausap?
    a. magkasamaan ng loob
    b. magandang pagsasama
    c. mapapaunlad ang ugnayan
    d. masaya at produktibong pag-uusap


Aralin 1 Komunikasyon sa Katatagan at Kaunlaran ng Pamilya

“Kaakibat ng magandang relasyon ay maayos na komunikasyon.”

-Anonymous

Ngayon, subukin sa Balikan ang natutuhan mo sa nakaraang modyul upang hindi ka mahirapan sa pag-unawa sa konseptong tatalakayin sa panibagong aralin.

Balikan
Gawain 1. Paraan Ko! Kaunlaran Namin!

Isulat ang mga paraan upang mapaunlad ang komunikasyong umiiral sa pamilya at magkaroon ng maayos na pakikipag-ugnayan sa lipunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  • Consensual na Komunikasyong Pampamilya
  • Pluralistic na Komunikasyong Pampamilya
  • Laissez-Faire na Komunikasyong Pampamilya
  • Protective na Komunikasyong Pampamilya
PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
Malinaw na naipahayag ang kaisipanMalinaw ang pagkalalahad ng kaisipan at nabibigyan ng plano ang apat na uri ng komunikasyonMalinaw ang pagkalalahad ng kaisipan at nabibigyan ng plano ang tatlong uri ng komunikasyonMalinaw ang pagkalalahad ng kaisipan at nabibigyan ng plano ang dalawang uri ng komunikasyon
Kabuoang Puntos
Mga Tala para sa Guro

[illustration: hand holding a stack of papers]

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

Tuklasin
Gawain 2. Tula Ko! Pagnilayan Mo!

Basahin at unawain ang tula at pagnilayan ang mga gabay na tanong.

Susi sa Pakikipagkapwa

Nina: M. Lillo, R. Lepaopao, J. Salar, J. Clarion at J. Ecoben

Sa relasyong pampamilya at panlipunan,
bukas na komunikasyon ay kinakailangan!
Pakikipag-usap sa pamilya, kapwa ay dapat pahalagahan
para sa masaya at matatag na samahan.

Maging mapili sa salita, huwag matabil ang dila.
Tayo’y magkakaiba pairalin ang malalim na pag-unawa,
maging sensitibo sa komunikasyong virtual at di-pasalita
upang kaunlaran at pagkakaisa ang matatamasa.

Gabay na Tanong:

  1. Ano ang paksa ng tula?
  2. Bakit mahalaga ang bukas na komunikasyon? Paano ito mapapaunlad?
  3. Paano maisasabuhay ang angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa?
Suriin
Komunikasyon Tungo sa Pakikipagkapuwa

Ang komunikasyon ay isang epektibong paraan sa ating pakikipag-ugnayan sa lipunang ginagalawan. Ito ang daan upang magkaroon tayo ng magandang relasyon sa ating kapwa bagkus, maaari rin itong magbunga ng hindi pagkakaunawaan at pagkakawatak-watak ng isang pamayanan kung hindi tayo magiging bukas at tapat sa ating pakikipagkomunikasyon.

Ang bukas na komunikasyon ay dapat malinang at nagsisimula sa tahanan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya. Ang bawat miyembro ng pamilya ay magkakaroon ng kakayahang maglahad ng naiisip at nararamdaman sa kabila ng pag-aalinlangan. Magkakaroon din ng kakayahang umunawa at makiramdam sang-ayon o hindi man sang-ayon sa napakinggan. Malinang ang kakayahang makinig kaysa makipagtalo. Maging tapat sa lahat ng sasabihin sa paraang maayos na pagkakalahad at pagiging bukas sa mga kritisismo. Kung ang mga kakayahang ito ay nalinang na ng isang bata sa kanilang tahanan ay siguradong hindi mahihirapan sa pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa.

Ang komunikasyon ay hindi lamang pasalita sapagkat kalakip din dito ang di-berbal na paraan. Ang berbal o pasalitang komunikasyon ay ang paggamit ng salita o wika upang ipahayag ang kaisipan, damdamin o saloobin samantalang ang di-berbal naman ay ang pagpapahayag ng damdamin o gusto sa pamamagitan ng simbolo, ekspresyon ng mukha, senyas, pandama, mata, galaw o kilos, pananamit, tunog at marami pang iba.

Anumang mensahe o pakikipagkomunikasyon na dumadaan sa midyum na teknolohiya ay matatawag na virtual na uri ng komunikasyon. Halimbawa nalang ay email, web, sms, mms, video chat at marami pang iba. Ibig sabihin sa pakikipagkomunikasyon ay hindi lang dapat nakatuon sa isa. Kinakailangang isaalang-alang ang uri ng komunikasyon sapagkat hindi lahat ng tao ay madaling makapagpapahayag sa paraang pasalita habang ang iba naman ay naipahahayag sa paraang di-berbal o kaya ay virtual.

Ang pagkakaroon ng pag-unawa at pagiging sensitibo sa ganitong paraan ng pakikipagkomunikasyon ay malaki ang maitutulong sa pagpapaunlad ng pakikipagkapuwa.

Ang komunikasyon ay nahahati sa iba’t ibang antas. Ito ay ang: Interpersonal, Intrapersonal, Pangmasa, Pampubliko, Pangkultura, Pang-organisasyonal at Pangkaunlaran (Lopez, 2013).

Intrapersonal o komunikasyong pansarili ay ang pinakamababang antas ng komunikasyon na nagaganap sa isang tao lamang o ginagawa nang nag-iisa at ipinapalagay na sarili ang kausap. Halimbawa, pakikipag-usap sa sarili sa replekatibong pag-iisip, pagdarasal, pakikinig sa sarili o pagbubulay-bulay.

Interpersonal naman ang tawag sa pakikipag-usap sa ibang tao o pakikipagtalastasan sa iba’t ibang indibidwal. Maaaring sa isang tao o pagitan ng dalawa o mahigit pang tao sa maliit na pangkat. Halimbawa, pakikipag-usap sa kaibigan, o miyembro ng pamilya.

Pampubliko naman ang tawag sa pakikipag-usap sa maraming tao o nagaganap sa isang tagapagsalita at maraming tagapakinig. Halimbawa ay ang Valedictory Address.

Pangmasa naman ang tawag sa pakikipag-usap na nagaganap sa pangkalahatan o malawakang media tulad ng pahayagan, internet, TV, radio at iba pa. Halimbawa ay ang mga patalastas sa telebisyon at State of the Nation Address o SONA ng pangulo.

Pangkultura ang tawag sa pakikipag-usap para maipahayag at mabigyan ng pagkilala ang isang bansa o lugar. Karaniwang pinag-uusapan sa antas na ito ay mga bagay na may kaugnayan sa kultura ng mga kalahok. Halimbawa, komunikasyong nagaganap kapag may lakbay-aral sa museo.

Pangkaunlaran naman ang pakikipag-usap na naglalayong gamitin sa pagpapaunlad ng bansa. Halimbawa, komunikasyong nagaganap kapag may mga symposium at pagsasanay o seminar.

Organisasyonal naman ang tawag sa panghuling antas ng komunikasyon. Ito ay nangyayari sa pagitan ng mga taong may iba’t ibang posisyon, obligasyon at responsibilidad sa lipunan. Ang komunikasyon sa antas na ito ay nakatutok sa isang layunin o adhikain ng pangkat. Halimbawa ang mga komunikasyong nagaganap sa pangkat ng mga guro, doktor, o sa paaralan, simbahan at isang kompanya. Halimbawa, pagpupulong sa paaralan.

Pagyamanin
Gawain 3: Kilalanin Ko!

Suriin ang mga konsepto sa Hanay A at iugnay ito sa mga antas ng komunikasyon sa Hanay B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hanay AHanay B
1. pakikinig sa sariliA. Organisasyonal
2. pagpupulong ng mga guroB. Interpersonal
3. pakikipag-usap sa katabing kaklaseC. Pampubliko
4. pagtatalumpati ng punong-barangay sa pista ng kanilang nayon.D. Intrapersonal
5. paghahatid ng balita sa panahonE. Pangmasa
F. Pangkaunlaran
Gawain 4: Bunga ng Komunikasyon!

Magbigay ng mga bunga ng pagkakaroon ng bukas, tapat at sensitibong komunikasyon sa pagitan ng miyembro ng pamilya at ng lipunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel gamit ang graphic organizer.

[chart: graphic organizer (tree diagram); Gawain 4: Bunga ng Komunikasyon!]

  • Trunk label: bukas, tapat at sensitibong komunikasyon
  • Caption: Komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya at lipunan
Gawain 5: Solusiyunan Mo!

Basahin ang mga sitwasyon at sagutan ang kasunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Ang iyong kapatid ay dumaranas ng matinding depresyon dahil sa cyberbullying. Bilang nakatatandang kapatid, sa paanong paraan mo siya kakausapin upang matulungan siya sa kanyang problema?

[transcriber’s note: blank answer space]

  1. Napansin mo sa inyong group chat sa maraming gumagamit ng mga salitang nakakasakit ng damdamin. Paano mo hihikayatin ang iyong mga kasamahan na maging sensitibo sa pakikipagkomunikasyon?

[transcriber’s note: blank answer space]

Rubriks sa Pagmamarka

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
Malinaw na naipaliliwanag sitwasyonMalinaw na naipaliwanag at nakapagbigay ng sapat na solusyon sa sitwasyonHindi masiyadong malinaw na naipaliwanag at nabigyan ng solusyon ang isa sa mga sitwasyonHindi malinaw na naipaliwanag at hindi nakapagbigay ng solusyon sa sitwasyon
Kabuoang Puntos

Isaisip

Gawain 6: Ang Natutunan Ko!

Magbigay ng ideya sa sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Kahalagahan ng Bukas na Komunikasyon
  2. Pag-unawa at pagiging sensitibo sa berbal, di-berbal at virtual na komunikasyon
  3. Antas ng Komunikasyon

Pamantayan sa Pagmamarka:

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
KalinawanMalinaw na naipaliwanag ang tatlong katanungan hinggil sa katuturan, kahalagahan at antas ng komunikasyonMalinaw na naipaliwanag ang dalawa sa katanungan hinggil sa komunikasyonHindi malinaw na naipaliwanag ang katanungan hinggil sa katuturan, kahalagahan at antas ng komunikasyon
Kabuoang Puntos

Isagawa

Gawain 7. Pangatwiranan Mo!

Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang pagpapaliwanag sa sagutang papel.

Ang pinakamahalagang bagay sa komunikasyon ay ang pakinggan at unawain ang kung ano ang hindi maisatinig.

Ang mabisang pakikipagkomunikasyon ay nagsisimula sa oras na mapagtanto ng tao na lahat tayo ay magkakaiba ng pagtingin sa mga bagay sa mundo.

Anumang problema sa pamilya malaki man o maliit ay nagsisimula sa hindi maayos na komunikasyon.

Rubriks sa Pagmamarka ng Pagpapaliwanag

PamantayanHigit na Inaasahan (10 puntos)Nakamit ang Inaasahan (8 puntos)Hindi Nakamit ang Inaasahan (4 puntos)
Pagpapaliwanag sa KonseptoMakabuluhan at mahusay ang pagpapaliwanag at pagtatalakay sa pahayag.May sapat na detalye ang pagpapaliwanag.Hindi naipapaliwanag ang pahayag.
Organisasyon ng mga ideyaLohikal at mahusay ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.Naipakita ang ideya ng pahayag bagaman hindi makinis ang pagkakalahad.Hindi organisado ang pagpapaliwanag.
Kabuuan puntos

Tayahin

Maraming Pagpipilian

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Tumawag si Joel sa kanyang kaibigan upang kumustahin ang kalagayan ng katrabaho nito matapos sumailalim sa isang operasyon dahil sa pagkahulog nito sa sinasakyang motorsiklo. Anong antas ng komunikasyon ang nangyayari sa sitwasyong ito?

    • A. interpersonal
    • B. intrapersonal
    • C. pangkaunlaran
    • D. organisasyonal
  2. Habang nakaupo sa sala ng kanilang bahay ang mag-inang Susan at Carlo, napansin ng anak ang lungkot sa mukha ng kanyang ina. Maya-maya ay hindi niya napigilang tanungin kung may problema ba ito. “Okay lang ako anak huwag kang mag-alala”, mahina at basag na sagot ng ina. Ano ang mahihinuha sa pag-uusap na ito?

    • A. Walang problema at dinaramdam ang ina hindi lang ito palangiti.
    • B. May inaalala lang ang ina ngunit hindi ito malungkot gaya ng nakita ng anak.
    • C. May seryosong bagay na iniisip ang ina kaya mukhang pangit siya sa paningin ng anak.
    • D. Sinabi lang ng ina na okay siya para maitago sa anak ang tunay na dahilan kung bakit siya malungkot sa pagkakataong iyon.
  3. Alin sa sumusunod na halimbawa ng komunikasyon ang nasa antas na pangmasa?

    • A. Talumpati ng isang kandidatong tumakbo sa pagkapangulo ng bansa.
    • B. Pakikinig sa radyo ng mga anunsiyo tungkol sa mga patakaran at programa ng lungsod.
    • C. Nagbigay ng mensahe ang pangulo sa telebisyon sa mga nasalanta ng lindol sa Davao.
    • D. Pagkakaroon ng teleconferencing ang iba’t ibang bansa ng Timog Asya tungkol sa COVID-19 pandemic.
  4. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng magulang at anak?

    • A. Humingi ng payo ang anak kung anong mabuting gawin sa sitwasyon nila ng kaniyang nobya ngunit hindi pinakinggan ng magulang.
    • B. Nagalit ang magulang sa sinabi ng anak na mayroon na siyang nobya kahit hindi pa narinig ang kabuoang kuwento ng kaniyang anak.
    • C. Pinakinggan ang buong kuwento ng anak saka pinagalitan dahil sa desisyong ginawa nito sa kabila ng mga payo ng magulang sa anak.
    • D. Nakinig ang magulang sa sinabi ng anak tungkol sa kanyang nobya at pinayuhan niya ang anak sa mabuting desisyon. Sinunod naman ng anak ang payo ng kanyang magulang.
  5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng maaaring bunga ng pagkakaroon ng pag-unawa at pagiging sensitibo sa di-berbal at berbal na pagpapahayag ng iyong kausap?

    • A. magkasamaan ng loob
    • B. magandang pagsasama
    • C. mapapaunlad ang ugnayan
    • D. masaya at produktibong pag-uusap
  6. Ano ang pinakamababang antas ng komunikasyon na tumutukoy sa pakikipag-usap ng indibidwal sa sarili sa kanyang replektibong pag-iisip, pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay o kaya ay kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili?

    • A. interpersonal
    • B. intrapersonal
    • C. komunikasyong berbal
    • D. replekatibo
  7. Anong antas ng komunikasyon na nangyayari sa pagitan ng dalawa o higit pang tao?

    • A. interpersonal
    • B. intrapersonal
    • C. pangkultura
    • D. pangmasa
  8. Anong uri ng komunikasyon na ang halimbawa ay Valedictory Address?

    • A. pampubliko
    • B. pangkaunlaran
    • C. pangkultura
    • D. pangmasa
  9. Anong antas ng komunikasyong ang naglalayong mapaunlad ang bansa sa industriya, ekonomiya o anumang pangkabuhayan?

    • A. pampubliko
    • B. pangkaunlaran
    • C. pangkultura
    • D. pangmasa
  10. Ano ang antas ng komunikasyon para sa pagkakakilanlan ng isang bansa sa pamamagitan ng mga pagtatanghal ng mga natatanging pagkain, sayaw, tradisyon, paniniwala at iba pa?

    • A. pampubliko
    • B. pangkaunlaran
    • C. pangkultura
    • D. pangmasa
  11. Anong antas ng komunikasyon ang gumagamit ng mass media, radyo, telebisyon at pahayagan?

    • A. pampubliko
    • B. pangkaunlaran
    • C. pangkultura
    • D. pangmasa
  12. Bakit mahalagang malinang ng isang pamilya ang bukas na komunikasyon sa tahanan bago makipag-ugnayan sa kapuwa?

    • A. upang malinang nang maayos ang kakayahan sa pakikipag-usap
    • B. upang magkaroon ng malalim na pag-unawa sa bawat miyembro ng pamilya
    • C. upang maipakita ang totoong nararamdaman at iniisip para maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan
    • D. upang matutunan ng pamilya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan
  13. Ano-ano ang dapat pagtuunan ng pansin sa pakikipagkomunikasyon?

    • A. pasalitang komunikasyon na ginamit ng ating kausap
    • B. di-pasalitang uri ng komunikasyong ginamit ng ating kausap
    • C. ekspresyon ng mukha at pasalitang uri ng komunikasyong ginamit ng kausap
    • D. pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyong maaaring ginamit ng ating kausap
  14. Anong antas ng komunikasyon ang tungkol sa gawaing meditasyon at pagrerepleksyon?

    • A. interpersonal
    • B. intrapersonal
    • C. kultural
    • D. organisasyonal
  15. Kapag nahaharap sa problema ang pamilyang Manlangit nagsusumikap ang bawat isa na malutas ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanya-kanyang ideya o opinyon? Ano ang iyong mahihinuha sa relasyon ng pamilya sa isa’t isa?

    • A. Ang pamilya ay may hidwaan sa isa’t isa.
    • B. Ang pamilya ay may kaligayahan sa tuwing nagkakasama sa kabila ng mga problema.
    • C. Ang pamilya ay may maganda at mabuting ugnayan sa isa’t isa na dahilan ng pagkakaisa tungo sa paglutas ng problema.
    • D. Ang pamilya ay mayroong hindi pagkakaunawaan at negatibong damdamin para sa isa’t isa na maaaring makapagpalala ng problema.

Karagdagang Gawain

Gawain 8. Tala-Kaparaanan!

Magbigay ng sampung (10) paraan kung paano mapauunlad ang komunikasyon sa pamilya at lipunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.











Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer-key boxes and columns on this page are printed upside down; they are transcribed here in reading order]

Subukin
  1. B
  2. A
  3. A
  4. B
  5. C
  6. D
  7. D
  8. D
  9. B
  10. C
  11. A
  12. B
  13. D
  14. D
  15. D
Pagyamanin Gawain 3
  1. D
  2. A
  3. B
  4. C
  5. E
Tayahin
  1. A
  2. B
  3. D
  4. D
  5. D
  6. B
  7. A
  8. A
  9. B
  10. C
  11. D
  12. D
  13. D
  14. B
  15. C
Pagyamanin Gawain 4
  1. Napatatatag ang ugnayan ng tao sa kapwa.
  2. Napagkatitiwalaan sa anumang pribado o personal na usapin.
  3. Hindi nakasasakit ng damdamin ng kapwa.
  4. Nakabubuo ng solusyon sa problemang kinahaharap ng bawat isa o kasapi ng pamilya.
  5. Hindi napapariwa ang mga anak dahil sa mga payo ng magulang.
  6. Napatatatag ang pagmamahalan sa loob at labas ng tahanan.
Karagdagang Gawain
Gawain 8
  1. Maging sensitibo sa bawat bibitawang pahayag o salita upang hindi makapanakit ng damdamin.
  2. Magbahagi ng saloobin o damdamin hinggil sa usapin upang malapatan ng maayos at epektibong solusyon.
  3. Pakinggan ang mungkahi ng bawat miyembro ng pamilya.
  4. Iresprto ang paniniwala at prensipyo ng ibang tao.
  5. Magbigay ng payo (kung kinakailangan) sa kaibigan o kasapi ng pamilya na nakararanas ng depresyon.
  6. Maging tapat sa bawat sasabihin.
  7. Maging bukas sa pamilya.
  8. Pakikipag-usap sa kapwa ng may kahinahunan.
  9. Maglahad ng naiisip kahit nag-aalinlangan upang mabigyan ng kasagutan.
  10. Pahalagahan ang bawat impormasyon ibinabahagi ng kapwa.

Sanggunian

Aklat:

Bognot, Regina Mignon C. ,et.al. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa mga Mag-aaral. Vibal Publishing House Inc. Pasig City, NCR

R. M. et.al, (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City, NCR: Vibal Publishing House Inc.

Hanguang Elektroniko:

Cuncic, A., 2019. oureverydaylife. oureverydaylife.com. Accesed May 11, 2020 https://oureverydaylife.com/types-communication-patterns-families-7948054.html

Banduch, Kaitlin, (2014). “Using the Theory of Motivated Information Management (TMIM) and Family Communication Patterns (FCP) to Understand Individual Decisions to Undergo Genetic Testing for Huntington’s Disease (HD).” Electronic Thesis or Dissertation. Kent State University. Accessed May 11, 2020 from https://etd.ohiolink.edu/

Paz, Y. L. (prezi.com) prezi.com. Accesed May 11, 2020, https://prezi.com/pi3vi8sxewyb/antas-ngkomunikasyon/.

prezi. (n.d.). prezi.com Accesed May 11, 2020, https://prezi.com/f5gvd18n9gm/family-communication-patterns-model/.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district