EsP 8 Quarter 1 Module 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa

Grade 8 EsP Quarter 1 Module 3 explains why the family is a natural institution of love and cooperation that leads to meaningful relationships.

This is the self-learning module for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 8, Quarter 1, Module 3: “Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa” (the family, the key to meaningful relationships with others). It is an Alternative Delivery Mode module, First Edition 2020, written by Judith E. Ecoben and printed by DepEd Caraga Region for learners studying at home. After this module, learners should be able to explain why the family is a natural institution of love and cooperation, and how these help a person grow into someone who relates well with others.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module develops one learning competency:

  • Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa (proves why the family is a natural institution of love and cooperation that helps a person develop toward meaningful relationships with others). (EsP8PB-Ib-1.3)

It is built around one guiding question: how do love (pagmamahalan) and cooperation (pagtutulungan) help a person grow toward meaningful relationships with others?

Lesson in this module

The module has one lesson, Aralin 1: “Natural na Institusyon ng Pagmamahalan at Pagtutulungan” (the natural institution of love and cooperation). It opens with the quote “Mahalin ang iyong pamilya dahil ang pamilya ay kayamanan na nagmamahal at handang tumulong sa iyo” (love your family, because the family is a treasure that loves you and is ready to help you).

Key ideas: why the family is a natural institution

The module describes the family as the smallest unit of society and the most important part of each person’s life. It gives a sense of safety and peace, and it holds members together through any trial. Because true love and cooperation are felt there, the family is called a natural institution. In the pretest and final test, the answer to why the family is a natural institution is that it was formed through love.

From the family to the community

The lesson starts with a picture of bayanihan, where neighbors work together to carry a house. The module says this custom shows that Filipinos are naturally helpful, and that this trait is passed down through the family and the culture a person grows up in. Its main points are:

  • A person shows love to others because they first felt it in the family.
  • People care for others because they know that, like themselves, others are important.
  • When parents teach and show the value of helping, their children also become helpful. For example, a child may offer to carry an elder’s things as a sign of respect and help.
  • When a family fully forms love and cooperation in each member, these become the person’s key to meaningful relationships with others.

Signs of a meaningful relationship with others

The module lists signs that a young person has meaningful ties with others:

  • tasks run smoothly and without problems
  • a light, close feeling toward others that builds real connection
  • a happy, comfortable, and peaceful community
  • life gains purpose and meaning
  • people unite to reach goals and dreams
  • respect for the rights of others
  • readiness to help others develop their abilities
  • honesty, hope, good values, and eagerness in life

In summary, the family plays a big role in shaping each member. Its positive influence, love, cooperation, and strong faith help a person grow in values, and this shows in the way the person relates to others.

Activities in the module

PartActivityWhat learners do
SubukinPretestAnswer 15 multiple-choice items
BalikanGawain 1: Konsepto, Buoin Mo!Fill in blanks to complete a statement from the previous module
TuklasinGawain 2: Suri-LarawanStudy a bayanihan picture and answer guide questions
PagyamaninGawain 3: Tala PatunayList five proofs each of love and cooperation in the family
PagyamaninGawain 4: Patunayan mo!Fill in a graphic organizer on signs of meaningful relationships
PagyamaninGawain 5: Kahalagahan ko, Patunayan mo!Give a situation for each of five benefits of love and cooperation
IsaisipGawain 6: Aral ko, Isaisip ko!Complete a graphic organizer using a word bank
IsagawaGawain 7: Itula Mo!Write a two-stanza poem about the bayanihan picture
TayahinFinal testAnswer 15 multiple-choice items
Karagdagang GawainGawain 8: Hanap SalitaFind five lesson words in a word search

Gawain 3, 5, and 7 come with rubrics that give 10, 8, or 5 points per criterion.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper, since the module asks you not to write on it so others can use it. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and be honest when you use it. Contact your teacher right away if a part is hard to understand.
  • Parents and guardians: The pretest shows whether your child needs extra help. Gawain 3 asks for real examples of love and cooperation at home, so you can help your child recall family moments.
  • Teachers: The module includes a teacher’s note for Balikan: if the learner completes Gawain 1 well, let them continue; if not, have them go back to the previous module. The answer key covers both tests and Gawain 1, 4, 6, and 8; use the rubrics to score Gawain 3, 5, and 7.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 3.

What competency does the module cover?

It covers competency EsP8PB-Ib-1.3: proving why the family is a natural institution of love and cooperation that helps a person develop toward meaningful relationships with others.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the final test, and Gawain 1, 4, 6, and 8. Gawain 3, 5, and 7 are scored with rubrics.

Why is the family called a natural institution in this module?

The module says the family is where true love and cooperation are felt, and its tests give the answer that the family is a natural institution because it was formed through love.

What does pakikipagkapuwa mean?

It refers to relating with other people. The module teaches that love and cooperation learned in the family make these relationships meaningful.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa

8

[illustration: students reading and studying outdoors under a tree, a teacher at a desk, a student with a globe, and a child reading by a lamp]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Judith E. Ecoben Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth Ysulan, Michael C. Paso, Mark Lorenz C. Luib, Leonora G. Tabangcora, Febe M. Rivera, Israel B. Reveche Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina

Inilimbag sa:

Department of Education – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph

8

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 3: Pamilya: Susi sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito nga iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o stratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan nya ng ibayong tulong mula a tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahaan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamamit lang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong n gating mga tagapagdaloy. Umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang pamilya ay sinasabing isang maliit na antas ng lipunan. Ito ang pinakamahalaga sa buhay ng bawat isa at pinakamagandang regalo ng Panginoon. Ito ang pinagmumulan ng pakiramdam ng pagiging ligtas at payapa na nagbubuklod sa bawat isa na lumaban sa kahit anong pagsubok at hamon na dumating sa buhay ng pamilya. Mararamdaman dito ang tunay na pagmamahalan at pagtutulungan. Kung kaya’t itinuturing ang pamilya na isang natural na institusyon.

Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa ang pagmamahalan at pagtutulungan?

Sa modyul na ito, malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:

a. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa. (EsP8PB-Ib-1.3)

Subukin

Maraming Pagpipilian:

Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang pagtutulungan ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili?

A. Makadagdag ng alalahanin

B. Naging masalimuot ang buhay.

C. Mahirap makamit ang tagumpay.

D. Nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay.

  1. Aling sitwasyon ang nagpapatunay na nagpapaunlad ng sarili ang pagmamahalan?

A. nagbigay ng kalungkutan

B. pagpapasya para sa kaniya

C. paggiit sa iyong kagustuhan

D. pangugumusta sa kaniyang mga ginagawa

  1. Paano masasabing makabuluhan ang pakikipagkapuwa ng pamilya?

A. sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga rally

B. sa pamamagitan ng pagkitil ng karapatan

C. sa pamamagitan ng kaniya-kaniyang pagsisikap

D. sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan

  1. Paano maging makabuluhan ang pakikipagkapuwa sa pamilya?

A. magkaroon nang regular na pagtitipon

B. magparanas ng pagmamahal at pagtutulungan

C. mamasyal nang madalas kasama ang mga kaibigan

D. magbahagi ng mga naramdaman sa mga mahal sa buhay

  1. Pag may pagmamahalan, magiging inspirado na makamit ang tagumpay, alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng patunay?

A. Laging ipinagagawa ni Vicky ang kaniyang proyekto sa kasintahang si Neil.

B. Madalas tulala si Rica sa klase sa kaiisip kung saan sila mamamasyal ng kaniyang kasintahan.

C. Nakipaghiwalay si Arnold sa kaniyang kasintahan dahil nais niyang bigyang- tuon ang kaniyang pag-aaral.

D. Nagsumikap si Yvonne na makapagtapos ng pag-aaral upang mapasaya at masuklian ang lahat na sakripisyo at pag-aaruga ng kaniyang mga magulang.

  1. Paano naipakikita ang pakikiramay?

A. pamamasayal sa lugar na kinagigiliwan niya

B. pagpapasaya sa taong nakaranas ng kalungkutan

C. pag-alok ng mga bagay na makapagpasaya sa kaniya

D. pagdama ng pighati, kalungkutan, kasawian o suliranin ng kapuwa

  1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagtutulungan?

A. pagkaloob ng kalahati ng kanilang naaning palay

B. pagbayanihan ng magkakanayon sa pag- aani ng palay

C. pagbibigay ng malaking sahod sa mga nagsitanim ng palay

D. pagpapakain ng masasarap na pagkain sa panahon ng anihan

  1. Bakit natural na institusyon ang pamilya?

A. dahil nabuo ito sa pagmamahalan

B. dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kasal

C. dahil matiwasay na nagsama ang mag-asawa

D. dahil pinili ang makasama sa pagbuo ng pamilya

  1. Paano mapauunlad ang sarili?

A. pag-aaral nang mabuti

B. pagmamahalan at pagtutulungan

C. pagtutulungan sa anumang gawain

D. pagmamahal sa mga mahahalagang bagay

  1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagmamahalan at pagtutulungan?

A. Bagaman mayaman ang mga magulang ni Ester, lumaki siyang hindi masaya dahil bihira lang niyang makasama ang kaniyang mga magulang.

B. Kahit mahirap ang pamilyang Sagan ay nakatapos pa rin sa pag-aaral ang anim na magkakapatid dahil nagsasalit-salitan sila sa pag-aaral.

C. Maganda ang trabaho ng ate ni Peter at malaki rin ang sweldo nito bagaman natigil pa rin sa pag-aaral si Peter dahil may malubhang karamdaman ang kaniyang ama at hindi rin naman sila naalala ng kaniyang ate.

D. Naulila sa mga magulang sina Nena at Nene. Tumigil muna si Nene sa pag-aaral upang maghanap ng trabaho at mapag-aral si Nena. Nakatapos at nakapaghanap ng trabaho si Nena ngunit bigla itong naglaho at nakalimutan na si Nene.

  1. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay ng pagmamahal sa sarili?

A. Pagsisikap na baguhin ang sarili upang matugunan ang mataas na ekspektasyon ng lipunan.

B. Pagsisikap na makamit ang pangarap kahit na kapalit nito ay ang sariling kalusugan.

C. Pagsisikap na makinig sa hinaing ng ibang tao kahit na hindi ito naintindihan.

D. Pagsisikap na mapabuti, maging maayos ang sarili at may pagmamahal sa iba.

  1. Alin sa sumusnod na sitwasyon ang nagpapatunay ng may paggalang sa isa’t isa lalo na sa mga magulang?

A. Ipinagpatuloy ni Ivan ang pangarap na maging isang idolo sa kabila ng mga payo ng kaniyang mga magulang.

B. Laging tama si Mika sa tuwing nagkakaroon ng talakayan sa kabila ng mga hinaing at kasalungat na opinyon ng kaniyang mga kapangkat.

C. Nagsusumikap si Anton na makinig at umintindi sa lahat ng hinaing at aral ng mga nakatatanda upang maisapuso’t maisabuhay niya ito.

D. Sa tuwing may nais na makamit si Alicia, hindi siya nagdadalawang-isip na makiusap sa mga magulang hanggang sa ibigay nila ito sa kaniya.

  1. Pag may pagtutulungan, nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay, alin sa mga sitwasyon ang nagpapatunay nito?
    a. Nasasarili ni Marco ang lahat ng yaman niya sa loob ng kaniyang malaki ngunit mapanglaw na mansiyon.
    b. Paggagantsilyo na lamang ang libangan ni Aling Rosa dahil nag-iisa na lang siya sa buhay.
    c. Mag-isang pinanood ni Lester mula sa Veranda ang kaniyang kapitbahay na masayang nagtatanim ng magagandang bulaklak kasama ang kanilang mga anak
    d. Mas mapadali ang pagsugpo sa epidemya at pagbabalik normal ng buhay dahil sa kooperasyon ng mamamayan na nananatili sa loob ng kanilang tahanan at sa tulong na iniabot ng pamahalaan.


  2. Sino sa sumusunod na magulang ang nagpapakita ng pagtulong sa anak na mapaunlad ang sarili?
    a. Hinahayaan ni Ginoong Brandon ang kaniyang anak na magdamagang maglaro ng gadget sa halip na mag-aral.
    b. Ginagawa ni Nanay Kori ang lahat na takdang-aralin ng anak na si Kristofer upang mapanatiling mataas ang mga marka nito.
    c. Binibili ng mag-asawang Rosario ang kahit na anong magustuhan ng kanilang anak na sina Rosie at Romeo kahit na hindi naman nila ito kailangan.
    d. Pinagtutulungan ng mag-inang Lucy at Hana ang mga gawaing-bahay upang mapabilis ito at magawa ni Hana ang kaniyang takdang-aralin habang ginagabayan ng inang si Lucy.


  3. Matiwasay na pumanaw si Lola Elizabeth dahil napagtapos niya ang kaniyang apo at naramdaman niya ang pagmamahal at pag-aaruga ng kaniyang apo sa kaniya sa mga nalalabi niyang mga araw. Alin sa sumusunod ang angkop sa sitwasyon?
    a. handang umakay sa matuwid na landas
    b. nagkaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay
    c. handang tumulong na malinang ang mga kakayahan
    d. nag-udyok na maging dedikado at magiliw sa trabaho


Aralin 1 Natural na Institusyon ng Pagmamahalan at Pagtutulungan

“Mahalin ang iyong pamilya dahil ang pamilya ay kayamanan na nagmamahal at handang tumulong sa iyo.”

-Anonymous

Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita.

Balikan

Gawain 1- Konsepto, Buoin Mo!

Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang kaisipan hinggil sa mga katangiang umiiral sa isang pamilya. Piliin ang sagot sa loob ng larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[illustration: word cloud of family values words in the shape of a parent and child profile] Iginuhit ni: Rashiel Joy F. Lepaopao

Ang (1) _____ ng pamilya sa (2) _____ ay paraan upang (3) _____ ang mga (4) _____ at birtud na (5) _____ at natututuhan sa loob ng tahanan.

Mga Tala para sa Guro

Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.

Tuklasin

Gawain 2: Suri-Larawan

Suriin ang larawan at pagnilayan ang mga gabay na tanong sa ibaba.

[illustration: drawing of villagers carrying a bahay kubo along a path, bayanihan] Iginuhit ni: Alim V. Eviota

Gabay na tanong:

  1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
  2. Paano nila ipinakikita ang kanilang pagmamahal sa kapuwa?
  3. Makabuluhan kaya ang kanilang pakikipagkapuwa? Bakit?

Suriin

Sa bahaging Tuklasin, ipinakita sa larawan ang pagtutulungan ng isang pamayanan sa pamamagitan ng Bayanihan. Sa kaugaliang ito napatutunayan ang pagiging likas na matulungin ng Pilipino sa kaniyang kapuwa. Ito ay namana at likas na sa pamilya at kulturang kinamulatan.

Tama, sa ating sari-sariling pamilya itinuro, ipinamalas, ipinadama at pinairal ang pagmamahalan sa bawat kasapi ng pamilya upang gumawa nang mabuti at dahil na rin sa positibong impluwensya ng ating pamilya ay mas nalinang at nahubog ang sarili. Halimbawa, naipadadama ng tao ang pagmamahal sa iba dahil una niya itong naramdaman sa pamilya. Nagmamalasakit ang tao sa kapuwa dahil alam nitong katulad niya, sila ay mahalaga. Kung naituro at naipakita ng magulang ang kahalagahan ng pagtulong at pakikiisa sa iba, magiging matulungin rin ang kanilang mga anak. Halimbawa, ang isang bata ay maaring mag-alok na buhatin ang gamit ng mga nakatatanda bilang pagpapakita ng paggalang at pagtulong.

Nangangahulugan lamang na kung nahubog nang ganap ng isang pamilya ang pagmamahalan at pagtutulungan sa pagkatao ng bawat kasapi, magiging susi at sandata niya ito upang maipakita at maipadama ang makabuluhang pakikipagkapuwa.

Bilang kabataan, mailalarawang ikaw ay may makabuluhang ugnayan sa kapuwa kung naipamalas at naramdaman ang sumusunod:

  • maayos at walang problema ang takbo ng gawain
  • magaan at malapit ang loob sa kapuwa na nagdudulot ng makabuluhang koneksyon
  • mayroong masaya, maginhawa at mapayapang komunidad
  • nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay
  • nagkakaisa sa pag-abot ng mga layunin at pangarap
  • may paggalang sa karapatan ng kapuwa tao
  • handang tumulong na malinang ang mga kakayahan
  • May katapatan, puno ng pag-asa, may pagpapahalaga at masigasig sa buhay

Sa pangkalahatan, malaki ang tungkulin ng pamilya sa paghubog ng bawat kasapi sapagkat ang positibong impluwensiya nito, pagpapairal ng pagmamahalan, pagtutulungan at matibay na pananampalataya ay ilan lamang sa mga salik na nakatutulong upang mapaunlad ang mga pagpapahalaga at sarili ng isang tao na nasasalamin naman sa kung paano ito makipag-ugnayan sa kaniyang kapuwa tao.

Pagyamanin

Gawain 3: Tala Patunay

Magtala ng mga patunay ng pagkakaroon ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga Nagpapatunay ng PagmamahalanMga Nagpapatunay ng Pagtutulungan
1.1.
2.2.
3.3.
4.4.
5.5.

Rubrik sa pagtala ng mga patunay

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
Sitwasyon o karanasanNakatala ng tiglilimang sitwasyong nagpapatunay ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilyaNakatala ng tigaapat na sitwasyong nagpapatunay ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilyaNakatala ng tigtatatlong sitwasyong nagpapatunay ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya
Kabuoang puntos
Gawain 4: Patunayan mo!

Isulat sa graphic organizer ang nagpapatunay ng makabuluhang pakikipagkapuwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[chart: graphic organizer, a wheel diagram with a center circle and five empty segments; untitled] Makabuluhang Pakikipagkapuwa

Gawain 5: Kahalagahan ko, Patunayan mo!

Patunayan ang mga kahalagahan ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pagkakaroon ng makabuluhang pakikipagkapuwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kahalagahan ng Pagmamahalan at PagtutulunganSitwasyong Nagpapatunay
Nagbibigay ng kasiyahan
Madaling matapos ang gawain
May paggalang sa karapatan
Nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay
Madaling makamit ang tagumpay

Rubrik sa mga patunay ng makabuluhang pakikipagkapuwa

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos)
Sitwasyon o karanasang nagpapatunayNakalahad ng isang sitwasyong nagpapatunay sa 5 kahalagahan ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pakikipagkapuwaNakalahad ng isang sitwasyong nagpapatunay sa 3 kahalagahan ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pakikipagkapuwaNakalahad ng isang sitwasyong nagpapatunay sa 2 kahalagahan ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pakikipagkapuwa
Kabuoan

Isaisip

Gawain 6- Aral ko, Isaisip ko!

Sagutin ang tanong sa pamamagitan nang pagpupuno ng mga nawawalang salita sa loob ng graphic organizer. Piliin ang sagot sa loob ng bilohaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Paano mapauunlad ang sarili tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa?

[chart: graphic organizer; Gawain 6- Aral ko, Isaisip ko!]

Sa pamamagitan ng

at

(1) _____ (2) _____

ng (3) _____ na isang natural na (4) _____

(5) _____ → ang (6) _____ → tungo sa

makabuluhang (7) _____

Word bank (in an oval):

pagtutulungan napauunlad pamilya institusyon sarili pagmamahalan pakikipagkapuwa

Isagawa

Gawain 7: Itula Mo!

Balikan at muling suriin ang larawan sa bahaging Tuklasin. Bumuo ng dalawang saknong ng tula na nagpapatunay kung paano nagkaroon ng makabuluhang pakikipagkapuwa ang pamilyang Pilipino.

Rubriks sa pagsulat ng tula

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (8 puntos)Nangangailangan ng pag-unlad (5 puntos)
Nilalaman ng tulaNakalahad ng 6 na patunay na pagmamahalan at pagtutulungan ang susi sa makabuluhang pakikipagkapuwa .Nakalahad ng 4 na patunay na pagmamahalan at pagtutulungan ang susi sa makabuluhang pakikipagkapuwa .Nakalahad ng 2 na patunay na pagmamahalan at pagtutulungan ang susi sa makabuluhang pakikipagkapuwa.
Paglalahad ng suportang detalye sa inilahad na patunayNailarawan sa tula ang detalye sa 6 na patunay.Nailarawan sa tula ang detalye sa 4 na patunay.Nailarawan sa tula ang detalye sa 2 na patunay.
Kaanyuan ng tulaBinubuo ng 2 saknong na may 4 na taludtod ang tula na nakabanghay sa tradisyonal o malayang anyo.Binubuo ng 2 saknong na may 3 na taludtod ang tula na nakabanghay sa tradisyonal o malayang anyo.Binubuo ng 2 saknong na may 2 na taludtod ang tula na nakabanghay sa tradisyonal o malayang anyo.
Kabuoang Puntos

Tayahin

Maraming Pagpipilian

Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay ng pagmamahal sa sarili?
    A. Pagsisikap na mapabuti, maging maayos ang sarili at may pagmamahal sa iba.
    B. Pagsisikap na makamit ang pangarap kahit na kapalit nito ay ang sariling kalusugan
    C. Pagsisikap na makinig sa hinaing ng ibang tao kahit na hindi ito naintindihan.
    D. Pagsisikap na baguhin ang sarili upang matugunan ang mataas na ekspektasyon ng lipunan.


  2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng may paggalang sa isa’t isa lalo na sa mga magulang?
    A. Ipinagpatuloy ni Ivan ang pangarap na maging isang idolo sa kabila ng mga payo ng kaniyang mga magulang.
    B. Laging tama si Mika sa tuwing nagkakaroon ng talakayan sa kabila ng mga hinaing at kasalungat na opinyon ng kaniyang mga kapangkat
    C. Nagsusumikap si Anton na makinig at umintindi sa lahat ng hinaing at aral ng mga nakatatanda upang maisapuso’t maisabuhay niya ito.
    D. Sa tuwing may nais na makamit si Alicia, hindi siya nagdadalawang-isip na makiusap sa mga magulang hanggang sa ibigay nila ito sa kaniya.


  3. Kapag may pagtutulungan, nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay, alin sa mga sitwasyon ang nagpapatunay nito?
    A. Paggagantsilyo na lamang ang libangan ni Aling Rosa dahil nag-iisa na lang siya sa buhay.
    B. Nasasarili ni Marco ang lahat ng yaman niya sa loob ng kaniyang malaki ngunit mapanglaw na mansiyon.
    C. Mag-isang pinanood ni Lester mula sa Veranda ang kaniyang kapitbahay na masayang nagtatanim ng magagandang bulaklak kasama ang kanilang mga anak.
    D. Mas mapadali ang pagsugpo sa epidemya at pagbabalik normal ng buhay dahil sa kooperasyon ng mamamayan na nanatili sa loob ng kanilang tahanan at sa tulong na iniabot ng pamahalaan


  4. Sino sa sumusunod na magulang ang nagpapakita ng pagtulong sa anak na mapaunlad ang sarili?
    A. Hinahayaan ni Ginoong Brandon ang kaniyang anak na magdamagang maglaro ng gadget sa halip na mag-aral.
    B. Ginagawa ni Nanay Kori ang lahat na takdang-aralin ng anak na si Kristofer upang mapanatiling mataas ang mga marka nito.
    C. Binibili ng mag-asawang Rosario ang kahit na anong magustuhan ng kanilang anak na sina Rosie at Romeo kahit na hindi naman nila ito kailangan.
    D. Pinagtutulungan ng mag-inang Lucy at Hana ang mga gawaing-bahay upang mapabilis ito at magawa ni Hana ang kaniyang takdang-aralin habang ginagabayan ng inang si Lucy.


  5. Matiwasay na pumanaw si Lola Elizabeth dahil napagtapos niya ang kaniyang apo at naramdaman niya ang pagmamahal at pag-aaruga ng kaniyang apo sa kaniya sa mga nalalabi niyang mga araw. Alin sa sumusunod ang angkop sa sitwasyon?
    A. Handang umakay sa matuwid na landas
    B. Nagkaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay
    C. Handang tumulong na malinang ang mga kakayahan
    D. Nag-udyok na maging dedikado at magiliw sa trabaho


  6. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang pagtutulungan ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili?
    A. Makadagdag ng alalahanin
    B. Naging masalimuot ang buhay.
    C. Mahirap makamit ang tagumpay
    D. Nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay.


  7. Aling sitwasyon ang nagpapatunay na nagpapaunlad ng sarili ang pagmamahalan?
    A. nagbigay ng kalungkutan
    B. pagpapasya para sa kaniya
    C. paggiit sa iyong kagustuhan
    D. pangungumusta sa kaniyang mga ginagawa


  8. Paano masasabing makabuluhan ang pakikipagkapuwa ng pamilya?
    A. sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga rally
    B. sa pamamagitan ng pagkitil ng karapatan
    C. sa pamamagitan ng kaniya-kaniyang pagsisikap
    D. sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan


  9. Paano maging makabuluhan ang pakikipagkapuwa sa pamilya?
    A. magkaroon nang regular na pagtitipon
    B. magparanas ng pagmamahal at pagtutulungan
    C. mamasyal nang madalas kasama ang mga kaibigan
    D. magbahagi ng mga naramdaman sa mga mahal sa buhay


  10. Pag may pagmamahalan, magiging inspirado na makamit ang tagumpay, alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng patunay?
    A. Laging ipinagagawa ni Vicky ang kaniyang proyekto sa kasintahang si Neil.
    B. Madalas tulala si Rica sa klase sa kaiisip kung saan sila mamamasyal ng kaniyang kasintahan.
    C. Nakipaghiwalay si Arnold sa kaniyang kasintahan dahil nais niyang bigyang- tuon ang kaniyang pag-aaral.
    D. Nagsumikap si Yvonne na makapagtapos ng pag-aaral upang mapasaya at masuklian ang lahat na sakripisyo at pag-aaruga ng kaniyang mga magulang.


  11. Paano naipakikita ang pakikiramay?
    A. pamamasayal sa lugar na kinagigiliwan niya
    B. pagpapasaya sa taong nakaranas ng kalungkutan
    C. pag-alok ng mga bagay na nakapasasaya sa kaniya
    D. pagdama ng pighati, kalungkutan, kasawian o suliranin ng kapuwa


  12. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagtutulungan?
    A. pagkaloob ng kalahati ng kanilang naaning palay
    B. pagbayanihan ng magkakanayon sa pag- aani ng palay
    C. pagbibigay ng malaking sahod sa mga nagsitanim ng palay
    D. pagpapakain ng masasarap na pagkain sa panahon ng anihan


  13. Bakit natural na institusyon ang pamilya?
    A. dahil nabuo ito sa pagmamahalan
    B. dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kasal
    C. dahil matiwasay na nagsama ang mag-asawa
    D. dahil pinili ang makasama sa pagbuo ng pamilya


  14. Paano mapauunlad ang sarili?
    A. pag-aaral nang mabuti
    B. pagmamahalan at pagtutulungan
    C. pagtutulungan sa anumang gawain
    D. pagmamahal sa mga mahahalagang bagay


  15. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagmamahalan at pagtutulungan?
    A. Kahit mahirap ang pamilyang Sagan ay nakatapos pa rin sa pag-aaral ang anim na magkakapatid dahil nagsasalit-salitan sila sa pag-aaral.
    B. Bagaman mayaman ang mga magulang ni Ester, lumaki siyang hindi masaya dahil bihira lang niyang makasama ang kaniyang mga magulang
    C. Maganda ang trabaho ng ate ni Peter at malaki rin ang sweldo nito bagaman natigil pa rin sa pag-aaral si Peter dahil may malubhang karamdaman ang kaniyang ama at hindi rin naman sila naalala ng kaniyang ate.
    D. Naulila sa mga magulang sina Nena at Nene. Tumigil muna si Nene sa pag-aaral upang maghanap ng trabaho at mapag-aral si Nena. Nakatapos at nakapaghanap ng trabaho si Nena ngunit biglang naglaho si Nene.


Karagdagang Gawain

Gawain 8: Hanap Salita

Hanapin sa loob ng puzzle ang limang salita na may kaugnayan sa araling pinag-aralan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the puzzle grid has no printed header row; the empty header row below is only a Markdown requirement]

AYBWCIETBGIDM
KUBNATURALPRE
SBIDNRKIILODS
YINCBXMRWSHIZ
OPAKIPAGKAPWA
NATINSANYATOP
PAGTUTULUNGAN
ARINSTITUSYON
NUBQXMBYXMLUP
IMAKABULUHANO
NAGPAUNLADSIT
RINDUMPITAGOS
EPAGMAMAHALAN

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. D
  2. D
  3. D
  4. B
  5. D
  6. D
  7. B
  8. A
  9. B
  10. B
  11. D
  12. C
  13. D
  14. D
  15. B
Tayahin
  1. A
  2. C
  3. D
  4. D
  5. B
  6. D
  7. D
  8. D
  9. B
  10. D
  11. D
  12. B
  13. A
  14. B
  15. A
Balikan
Gawain 1
  1. pagtulong
  2. pamayanan
  3. maisabuhay
  4. pagpapahalaga
  5. itinuro
Pagyamanin
Gawain 4
  1. maayos na relasyon sa kapuwa
  2. masaya at mapayapang komunidad
  3. may paggalang sa Karapatan ng kapwa tao [?]
  4. nagkakaisa sa iisang layunin
  5. nagtutulungan sa isang gawain
Isaisip
Gawain 6
  1. pagmamahalan
  2. pagtutulungan
  3. pamilya
  4. institusyon
  5. napauunlad
  6. sarili
  7. pakikipagkapuwa
Karagdagang Gawain
Gawain 8
  1. Pagmamahal
  2. Pagtutulungan
  3. Institusyon
  4. Pakikipagkapuwa
  5. Natural

Sanggunian

Aklat

Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral. 5th Floor Mabini Building, Meralco Avenue, Pasig City.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district