EsP 7 Quarter 3 Module 6: Pagpapaunlad ng mga Personal na Salik para sa Minimithing Pangarap

This is the Self-Learning Module (SLM) for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 7, Quarter 3, Module 6: “Pagpapaunlad ng mga Personal na Salik para sa Minimithing Pangarap” (developing personal factors for the dream you hope to reach). It was prepared by DepEd MIMAROPA Region for Grade 7 learners studying at home. After working through it, learners can tell a dream apart from a fantasy and a night dream, and they can name the personal factors they need to develop as they plan a course, a business, or a job.

The module opens with a question learners have heard since Kindergarten: “Ano ang iyong gusto sa iyong paglaki?” (What do you want to be when you grow up?).

What learners will learn

The main learning goal is to recognize that dreams are the basis of our efforts toward a meaningful and happy life. It focuses on the personal factors to develop when planning an academic or technical-vocational course, a business, or a job. By the end of the module, learners should be able to:

  • Compare panaginip (a dream while sleeping), pantasiya (fantasy), and pangarap (a life dream or aspiration).
  • Understand the idea of pangarap and how it relates to a meaningful and happy life.
  • List and analyze the personal factors to develop when planning an academic or technical-vocational course, a business, or a job.

Lesson in this module

The module has one lesson, Aralin 6: “Pagpapaunlad ng Personal na Salik Kaugnay ng Pagpaplano ng Kursong Akademiko at Negosyo Tungo sa Pagtupad ng mga Pangarap” (developing personal factors in planning an academic course and business toward fulfilling one’s dreams). It explains that reaching a dream depends on good planning. Learners are asked to develop their abilities, interests or talents, habits, and behavior.

Dream, fantasy, and aspiration: what is the difference?

The reading “Mangarap Ka!” (Dream!) explains three ideas that are easy to mix up:

TermMeaning in the module
Panaginip (dream while sleeping)Happens only in your mind while you sleep, and ends when you wake up.
Pantasiya (fantasy)Made by a creative mind. You build situations the way you want them, so everything seems possible. Many people use it to escape their problems.
Pangarap (aspiration)The things you want in life that are still far from your present situation. It continues as long as you hope your life will change for the better.

The reading notes that everyone dreams in their sleep and everyone can fantasize, but not everyone has a pangarap, because some people have given up hope. Living in fantasy does not help. We need to face our problems. The module compares a dream to a small seed that needs careful care to grow and bear fruit.

It quotes Helen Keller, who was blind and deaf: “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.” (Worse than being blind is having sight but no vision of the future.) It also quotes the song “Mangarap Ka” by Wency Cornejo. The message is to start planning now, because time passes.

The six personal factors to develop

Activity 4 presents a graphic organizer of the personal factors to develop when planning a course, business, or job:

  1. Talino (intelligence). Based on multiple intelligences, Dr. Howard Gardner’s theory that a person can have more than one kind of intelligence. The module describes these types:
    • Visual/Spatial
    • Verbal/Linguistic
    • Mathematical/Logical
    • Bodily Kinesthetic
    • Musical/Rhythmic
    • Interpersonal
  2. Kasanayan (skills). The four skill areas are:
    • People skills
    • Data skills
    • Things skills
    • Idea skills
  3. Hilig (interest). The six interest types are:
    • Realistic (tools and outdoor activities)
    • Investigative (solving problems)
    • Artistic (art and new things)
    • Social (working with others)
    • Enterprising (explaining and persuading)
    • Conventional (data, numbers, and details)
  4. Pagpapahalaga (values). The standard for judging right and wrong, and actions that show respect for others and value for life, things, people, and animals.
  5. Mithiin (goals). What you hope to achieve in the future. This can be a career, your personal standing in life, or your family’s happiness.
  6. Katayuang Pinansiyal (economic status). Your family’s financial situation. It affects your ability to reach your goals, which must be prepared for and planned.

The Isaisip (remember) part adds that to reach our dreams, we must be ready to act, feel a strong desire for them, believe they will come true, and above all believe in God.

How to use this module

The module follows the usual SLM parts. Work through them in this order:

  1. Subukin: a 10-item multiple-choice pretest.
  2. Balikan: Activity 1, Balik-Tanaw, where learners draw what they wanted to be as a child.
  3. Tuklasin: Activity 2, Suri-Larawan, where learners sort pictures into dream, fantasy, or aspiration.
  4. Suriin: Activity 3, Basa-Suri, the reading with processing questions.
  5. Pagyamanin: Activity 4, the six personal factors.
  6. Isaisip: key points to remember.
  7. Isagawa: Activity 5, Ang Aking Plano, a table matching plans for an academic course, technical-vocational course, business, and job with the personal factors to develop.
  8. Tayahin: a 10-item post-test.
  9. Karagdagang Gawain: an additional activity, a “dream collage” made from magazine or Internet pictures and pasted on a 1/8 illustration board.

Learners: Write your answers in your notebook or on separate paper. Do not write on the module itself. Answer honestly before checking the Susi sa Pagwawasto (answer key).

Parents: Guide your child through the parts in order. Contact the teacher if your child has trouble understanding the lesson.

Teachers: Use the pretest to see who needs more help. The reflective activities (Activities 1, 4, and 5 and the dream collage) work well as outputs to review.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 7 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3, Module 6. It covers Aralin 6 on developing personal factors for planning a course, business, or job.

What is the difference between panaginip, pantasiya, and pangarap?

Panaginip happens only in your mind while you sleep and ends when you wake up. Pantasiya is a creation of the imagination where everything goes the way you want. Pangarap is what you truly want in life, which you keep working toward until you reach it.

What are the personal factors discussed in the module?

The module lists six: talino (intelligence), kasanayan (skills), hilig (interest), pagpapahalaga (values), mithiin (goals), and katayuang pinansiyal (economic status).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives the answers to both the Subukin pretest and the Tayahin post-test.

What is the additional activity?

Learners make a dream collage showing all their dreams, using pictures from magazines or the Internet pasted on a 1/8 illustration board.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 – Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagpapaunlad ng mga Personal na Salik para sa Minimithing Pangarap

7

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagpapaunlad ng mga Personal na Salik para sa Minimithing Pangarap

[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher with students at a table, a child writing by lamp light, and students with a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q3_ESP 7_Modyul 6

Edukasyon sa Pagapapkatao – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagpapaunlad ng mga Personal na Salik Para sa Minimithing Pangarap

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Pamela M. Luha Editor: Florenil M. Malabayabas Tagasuri: Annabelle M. Marmol, Mariam B. Rivamonte, Nestor T. Rualo Tagaguhit: Gerardo G. Lacdao, Amador M. Leaño Jr. Tagalapat: Pamela M. Luha, Magnolia M Mabulo-Delos Santos Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Freddie Rey R. Ramirez, Danilo C. Padilla, Annabelle M. Marmol, Lany M. Semilla, Mariam B. Rivamonte, Nestor T. Rualo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Ave., cor. St. Paul Road, Pasig, City Telefax: 02-8631-4070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

7

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagpapaunlad ng mga Personal na Salik para sa Minimithing Pangarap

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga magaaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong ulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

“Ano ang iyong gusto sa iyong paglaki?” Ito ang tanong na madalas mong naririnig mula pa nang ikaw ay mag-aral sa Kinder. Ano nga ba ang iyong gusto? Nasagot mo na ba ang katanungang ito? Mayroon ka na bang pangarap? Ano-ano ito?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

  1. Nakikilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at maligayang buhay sa aspektong: Personal na salik na kailangang paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal- bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
  • a. Napaghahambing ang panaginip, pantasiya, at pangarap.
  • b. Nauunawaan ang konsepto ng pangarap at kaugnayan nito sa pagkakaroon ng makabuluhan at maligayang buhay.
  • c. Naiisa- isa at nasusuri ang mga personal na salik na kailangang paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal- bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.

Subukin

Panuto: Bago tayo magpatuloy sa modyul na ito ay iyo munang sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin lamang ang titik ng iyong sagot at isulat sa iyong kuwaderno.

  1. Piliin sa sumusunod ang pinakatamang paglalarawan sa pangarap?
  • A. Ito ay tumutukoy sa mga minimithi ng isang tao sa kaniyang buhay na maaaring malayo sa kasalukuyang kalagayan.
  • B. Ito ay nangyayari lamang sa isipan ng tao habang natutulog.
  • C. Ito ay mga pangyayaring likha ng malikhaing isip at ayon sa iyong kagustuhan.
  • D. Ito ay mga pangyayaring nasa isipan lamang ng tao habang gising.
  1. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang pinakawasto patungkol sa pagkakaiba ng panaginip at pangarap?
  • A. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising habang ang pangarap ay nagpapatuloy.
  • B. Ang panaginip at pangarap ay nangyayari lamang sa isip habang natutulog.
  • C. Ang pangarap ay para lamang sa mayayaman, ang panaginip ay para sa lahat.
  • D. Ang panaginip ay para lamang sa mga nakamit na ang mga pangarap.
  1. “Mas malala pa sa pagiging bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?” Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag na ito ni Helen Keller?
  • A. Mahirap maging isang bulag.
  • B. Hindi mabuti ang walang pangarap.
  • C. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin.
  • D. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng panigin sa pagtatagumpay sa buhay.
  1. Ano ang kaibahan ng pagpapantasiya sa pangarap? Ang pagpapantasiya ay_____
  • A. likha ng malikhaing isip.
  • B. panaginip nang gising.
  • C. ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya.
  • D. Lahat ng nabanggit
  1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit na katangian ng isang taong may pangarap?
  • A. Handang kumilos upang maabot ang mga pangarap.
  • B. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.
  • C. Naniniwala na ang mga pangarap ay hindi nagkakatotoo
  • D. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito.
  1. Piliin mula sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto patungkol sa taglay mong talino at kakayahan at sa pagpaplano ng iyong hinaharap?
  • A. Ang iyong talino ay walang kaugnayan sa iyong mga kakayahan.
  • B. Ang iyong mga kakayahan ay walang kaugnayan sa iyong mga plano sa hinaharap.
  • C. Anoman ang iyong plano sa hinaharap ay hindi makaiimpluwensiya rito ang iyong talino, talento, at kakayahan.
  • D. Nararapat na isaalang-alang at paunlarin ang iyong talino, talento, at kakayahan dahil malaki ang kaugnayan ng mga ito sa iyong mga plano sa hinaharap.
  1. Sa mga sumusunod na mga pahayag, alin ang pinakawasto sa pagtatakda ng mga pangarap?
  • A. Ipagwalang- bahala muna ito habang ikaw ay bata pa.
  • B. Ito ay paglaanan ng oras kapag ikaw ay nasa hay-iskul na.
  • C. Ito ay itinatakda mula pa sa iyong pagkabata at pinagpupunyagian hanggang sa ito ay makamit.
  • D. Ang pangarap ay hanggang sa panaginip lamang itinatakda.
  1. Unawain ang sumusunod na bahagi ng liriko sa awiting “Mangarap Ka” pagkatapos ay sagutin ang tanong.

“Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi, at ito’y iyong damhin At itanim mo sa iyong puso at ito ay lalaki, ikaw rin ang aani”

Ano ang ipinahihiwatig ng binasang liriko?

  • A. Ang mga pangarap ay batayan ng ating pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at maligayang buhay.
  • B. Ang ating mga pangarap ay dapat na isinasapuso.
  • C. Ang pangarap na pinagpupunyagian ay nagtatagumpay.
  • D. Lahat ng nabanggit.
  1. Tumutukoy ito sa teorya ni Dr. Howard Gardner na nagsasabing ang bawat tao ay maaaring magtaglay ng higit sa isang talino o talento.
  • A. Single Intelligences Theory
  • B. Multiple Interests Theory
  • C. Multiple Intelligences Theory
  • D. Multiple Capabilities Theory
  1. Isa ito sa mga personal o pansariling salik na dapat paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong akademiko at hanapbuhay. Ito ay tumutukoy sa pamantayan sa paghusga ng tama at mali. Ito rin ay pagkilos na nagbibigay respeto sa iba o pagpapahalaga sa buhay, bagay, tao at hayop.
  • A. Mithiin
  • B. Kakayahan
  • C. Pagpapahalaga
  • D. Katayuang Pinansiyal

Aralin 6

Pagpapaunlad ng Personal na Salik Kaugnay ng Pagpaplano ng Kursong Akademiko at Negosyo Tungo sa Pagtupad ng mga Pangarap

Ano nga ba ang pangarap? Ito ay ang iyong mga minimithi o ninanais sa iyong buhay. May mga pagkakataon na makararanas tayo ng mga hadlang sa pagkakamit nito; subalit kung patuloy kang magpupunyagi, naghihintay sa iyo ang maligaya at makabuluhang buhay.

Ang pagsasakatuparan ng iyong pangarap ay nakabatay rin sa maayos na pagpaplano. Ngayon pa lang ay dapat mayroon ka nang ambisyon na pinapangarap marating. Ang ambisyong ito ang siya mong magiging batayan upang magpunyagi at magsumikap na maisakatuparan ito. Kinakailangan mo lang na paunlarin ang iyong pansariling kakayahan, hilig o talento, gawi at maging ang iyong pag-uugali.

Balikan
Gawain 1: BALIK – TANAW

Balikan mo ang iyong naging tugon sa tanong na “Ano ang iyong gusto sa iyong paglaki?” noong ikaw ay bata pa. Iguhit mo sa loob ng kahon ang iyong naging kasagutan dito at sagutin ang kasunod na mga tanong.

[transcriber’s note: empty box for the learner’s drawing]

Pamprosesong Tanong

  1. Ano ang iyong gusto sa iyong paglaki noong ikaw ay nag-aaral pa sa Kinder?




5.____________________

  1. Ito pa rin ba ang iyong gusto sa kasalukuyan? Kung hindi, ano na ang iyong gusto? Bakit?


Tuklasin

Gawain 2: SURI- LARAWAN

Panuto: Pag-aralan at suriin ang mga sumusunod na larawan. Tukuyin kung alin sa mga ito ang panaginip, pantasiya at pangarap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

[illustration: graduate in cap and gown holding a rolled diploma and giving a thumbs-up]

[illustration: person asleep in bed, thought bubble showing gift boxes and a toy train]

[illustration: fantasy landscape with a rainbow, small figures, and houses]

  1. _______________ 2. _________________ 3. _________________

[illustration: person sleeping under a night sky with a crescent moon and a “z” sleep mark]

[illustration: dark fantasy forest scene with twisted trees and small figures]

[illustration: person with glasses holding head, thought bubble with the words “Pumoyat”, “Sumi kat”[?], “BAHAY”, “Yumaman”[?], “KOTSE”]

  1. _____________________ 5. _____________________ 6. _____________________

Suriin

GAWAIN 3: BASA-SURI

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na teksto para mas maunawaan mo ang konsepto ng pangarap.

Mangarap Ka!

Maraming nagsasabi na libre lang ang mangarap. Kaya kung mangangarap ka, itodo mo na. Sabi nga ni Wency Cornejo sa kaniyang sikat na awit, “Mangarap ka, simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi, at ito’y iyong damhin; At itanim mo sa iyong puso at ito ay lalaki; ikaw rin ang aani.”

Lahat daw ng tao ay nananaginip. Lahat din ay may kakayahang magpantasiya. Pero hindi lahat ng tao ay nangangarap. Ang iba kasi ay parang sumuko na sa buhay o nawalan ng pag-asa.

Ang pangarap ay tumutukoy sa ating mga naisin sa buhay na malayo pa sa ating kasalukuyang kalagayan. Nagpapatuloy ito habang tayo ay may pag-asang magbabago ang ating pamumuhay mula sa ating kasalukuyang sitwasyon patungo sa mga mas makabuluhan at maligayang pamumuhay.

Tiyak na may mga pangarap ka sa buhay. Ang mga pangarap na ito ay sinisimulan mo nang tuparin. Hindi nga ba’t nag-aaral ka ngayon para maabot ang mga pangarap na ito. Pero ang lahat naman talaga ng tagumpay ay nagsisimula sa pangarap. Tila nga ito isang maliit na binhi na kinakailangan ng maingat na pag-aalaga upang lumago at magbunga.

Sabi nga ni Helen Keller, isang bulag at bingi na naging matagumpay sa buhay, “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.” Sa pangarap nagsisimula ang lahat.

Ang pangarap ay kakaiba sa panaginip. Ang panaginip ay nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay natutulog. Kapag nagising ka na, natatapos din ito. Hindi rin pagpapantasiya ang pangarap. Ang pantasiya ay likha ng malikhaing isip. Ito ay ang pagbuo ng mga sitwasyon o pangyayari ayon sa iyong kagustuhan. Masarap ang magpantasiya dahil lahat ng gusto mo ay posible. Ang pagpapantasiya ay ginagamit ng marami upang takasan ang kanilang mga problema. Kaya siguro sikat na sikat ang mga telepantasiya. Subalit hindi nakatutulong ang mabuhay sa pagpapantasiya. Kailangan nating harapin ang ating mga suliranin at ang lahat ng mga nakababagabag na katotohanan sa mundong ating ginagalawan.

Hindi nakabubuti ang pagtakas sa suliranin. Ang tama ay ang mangarap at mag-ambisyon dahil ang pagtatamo ng mga ito ay nasa mga kamay mo. Ikaw ang timon na nagdidikta ng iyong pupuntahan, ang kapitan ng iyong sariling buhay.

Lumilipas ang panahon kaya dapat kung mayroon kang pangarap ngayon, umpisahan mo nang magplano upang maisakatuparan ito.

(Halaw mula Edukasyon sa Pagpapakatao, Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi). No Name of the author indicated.)

Pamprosesong Tanong:

  1. Ano ang pangarap ayon sa binasa mong teksto?

_____________________________________________________________________________.

  1. Ano ang pagkakaiba ng pangarap sa panaginip at pantasiya?

______________________________________________________________________________.

  1. Bigyan ng maikling paliwanag ang sumusunod na kasabihan ayon kay Helen Keller, “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.”


______________________________________________________________________________.

  1. Kailan ang tamang panahon para sa pagpaplano sa katuparan ng iyong mga pangarap?



Pagyamanin

GAWAIN 4: Mga Personal na Salik na Kailangang Paunlarin Kaugnay ng Pagpaplano ng Kursong Akademiko at Negosyo

Panuto: Unawain at suriin ang sumusunod na graphic organizer na nagpapakita ng mga personal o pansariling salik na nararapat mong paunlarin nang sa gayon ay matagumpay mong mapagplanuhan ang iyong mga naisin at mithiin sa buhay.

Mga Personal na Salik na Kailangang Paunlarin Kaugnay ng Pagpaplano ng Kursong Akademiko at Negosyo
1. Talino• Visual/Spatial- mga taong mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at mag-ayos ng mga ideya
• Verbal/Linguistic- ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan, ang mga taong may taglay ng talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsusulat, pagkukuwento, pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa.
• Matematika/Logical- taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

Mga Personal na Salik na Kailangang Paunlarin Kaugnay ng Pagpaplano ng Kursong Akademiko at Negosyo
pangangatuwiran at paglutas ng suliranin o problem solving.
• Bodily Kinesthetic- mga taong mabilis matuto sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o inter-aksiyon sa kapaligiran
• Musical/Rhythmic- ang mga taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika.
• Interpersonal- ito ang talino sa inter-aksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat
2. Kasanayan (Skills)• Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao o People Skills
• Kasanayan sa mga Datos o Data Skills
• Kasanayan sa mga Bagay-bagay o Things Skills
• Kasanayan sa mga Ideya o Idea Skills
3. Hilig (Interest)• Realistic – mahilig sa tools at outdoor activities
• Investigative- mahilig lumutas ng mga suliranin
• Artistic- mahilig sa sining, makabago
• Social- mahilig magtrabaho kasama ang ibang tao
• Enterprising- mahilig magpaliwanag at manghikayat
• Conventional- mahilig sa datos, numero at mga detalye
4. Pagpapahalaga (Values)Ito ay tumutukoy sa pamantayan sa paghusga ng tama at mali. Ito rin ay pagkilos na nagbibigay respeto sa iba o pagpapahalaga sa buhay, bagay, tao at hayop. Ito ay maaaring ispirituwal na pagpapahalaga, banal na pagpapahalaga, pandamdam na pagpapahalaga, at pambuhay na pagpapahalaga.
5. Mithiin (Goals)Tumutukoy ito sa mga bagay o nais na pinapangarap o gustong makamit sa hinaharap. Kabilang dito ang iyong pangarap. Maaaring ito ay karera, personal na katayuan sa buhay at ikaliligaya ng iyong pamilya.
6. Katayuang Pinansiyal (Economic Status)Isa rin sa mahalagang salik na isinasaalang-alang sa pagpaplano ng kursong akademiko at hanapbuhay ay ang katayuang pinansiyal ng iyong pamilya. Ito ang magtatalaga ng iyong kakayahan na makuha at maisakatuparan ang iyong mga mithiin. Ang iyong mga gustuhin o naisin ay hindi makakamit nang libre, ito ay nararapat na paghandaan at pagplanuhan.

Mahalagang maisakatuparan mo ang masusing pagpaplano ng iyong kinabukasan. Ang mga nabanggit na salik ay iyong magiging gabay sa pagkilala at pagsusuri ng iyong sarili patungkol sa pagpaplano ng kukunin mong kurso sa kolehiyo at maging ang trabaho o negosyong nababagay sa iyo.

Sagutin ang sumusunod na tanong patungkol sa binasang teksto.

Pamprosesong Tanong:

  1. Itala ang mga personal o pansariling mga salik na nararapat na paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.



  1. Alin sa mga nabanggit na multiple intelligences ang iyong tinataglay? Paano makatutulong ang talinong ito sa pagpaplano ng iyong kursong akademiko o hanapbuhay sa hinaharap?



  1. Maliban sa iyong talino at talentong tinataglay, ano-ano ang iyong mga kasanayan? Paano mo magagamit ang mga kasanayang ito sa pagpaplano ng iyong kursong akademiko at hanapbuhay sa hinaharap?



  1. Ano-ano ang iyong mga hilig o interes? Ano ang kaugnayan ng mga ito sa iyong pagpaplano ng iyong kursong akademiko o hanapbuhay sa hinaharap?



  1. Paano mo ilalarawan ang katayuang pinansiyal ng iyong pamilya? Sa iyong palagay, sapat ba ang katayuang ito upang makamit mo ang iyong mga pangarap? Pangatuwiranan.



Isaisip

Mahalagang ang bawat tao ay mayroong pangarap. Ito ang nagsisilbing gabay at pamantayan upang tayo ay magsumikap sa buhay. Anomang hirap na nararanasan sa kasalukuyan ay hindi hadlang o balakid upang makamit natin ang ating mga pangarap.

Kaugnay ng ating mga pangarap ay ang ating pagpupunyagi na maisakatuparan ang mga ito. Hindi madali ang daan patungo sa pagkamit ng ating mga minimithi, maraming mga sagabal at kahinaan na mararanasan subalit ang

lahat ng ating pagtitiyaga at kagustuhan na makamit ang ating mga pangarap ang magdadala sa atin sa maligayang pamumuhay.

Upang tuluyan nating makamit ang ating mga pangarap, nararapat na tayo ay handang kumilos, nakararamdam ng higit na pagnanasa at pangangailangang makuha ang mga pangarap, may paniniwala na magiging totoo ang mga ito at higit sa lahat, may paniniwala sa Diyos.

Isagawa

GAWAIN 5: ANG AKING PLANO

Panuto: Gumawa ng isang talaan na nagpapakita ng iyong nabuong plano para sa iyong kursong pang-akademiko, teknikal o bokasyonal maging ang iyong plano para sa negosyo o hanapbuhay sa hinaharap. Gamitin ang sumusunod na kolum.

ANG AKING PLANOPERSONAL NA SALIK NA PAUUNLARIN
Kursong Akademiko
Teknikal- Bokasyonal
Negosyo
Hanapbuhay

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa iyong kuwaderno.

  1. Tumutukoy ito sa teorya ni Dr. Howard Gardner na nagsasabing ang bawat tao ay maaaring magtaglay ng higit sa isang talino o talento.
    A. Single Intelligences Theory
    B. Multiple Interests Theory
    C. Multiple Intelligences Theory
    D. Multiple Capabilities Theory


  2. “Mas malala pa sa pagiging bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?” Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag na ito ni Helen Keller?
    A. Mahirap maging isang bulag.
    B. Hindi mabuti ang walang pangarap.
    C. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin.
    D. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng panigin sa pagtatagumpay sa buhay.


  3. Unawain ang mga sumusunod na pahayag. Alin sa mga ito ang naglalarawan sa pangarap?
    A. Ito ay nangyayari lamang sa isipan ng tao habang natutulog.
    B. Ito ay mga pangyayaring nasa isipan lamang ng tao habang gising.
    C. Ito ay mga pangyayaring likha ng malikhaing isip at ayon sa iyong kagustuhan.
    D. Ito ay tumutukoy sa mga minimithi ng isang tao sa kaniyang buhay na maaaring malayo sa kasalukuyang kalagayan.


  4. Kung ang panaginip ay matatapos din kung ikaw ay magising, ano naman ang pangarap?
    A. Ang pangarap ay natatapos din kung ikaw ay matulog.
    B. Ang pangarap ay nangyayari lamang sa isip habang natutulog.
    C. Ang pangarap ay nagpapatuloy at pinagpupunyagian hanggang sa ito ay makamit.
    D. Ang pangarap ay para lamang sa mayayaman.


  5. Isa ito sa mga personal o pansariling salik na dapat paunlarin kaugnay ng pagpaplano ng kursong akademiko at hanapbuhay. Ito ay tumutukoy sa pamantayan sa paghusga ng tama at mali. Ito rin ay pagkilos na nagbibigay-respeto sa iba o pagpapahalaga sa buhay, bagay, tao at hayop.
    A. Mithiin
    B. Kakayahan
    C. Pagpapahalaga
    D. Katayuang Pinansiyal


  6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit na katangian ng isang taong may pangarap?
    A. Handang kumilos upang maabot ang mga pangarap.
    B. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.
    C. Naniniwala na ang mga pangarap ay hindi nagkakatotoo.
    D. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito.


  7. Ano ang kaibahan ng pagpapantasiya sa pangarap?
    A. Ang pagpapantasiya ay likha ng malikhaing isip.
    B. Ang pagpapantasiya ay panaginip nang gising.
    C. Ang pagpapantasiya ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasiya.
    D. Lahat ng nabanggit


  8. Piliin mula sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto patungkol sa taglay mong talino at kakayahan at sa pagpaplano ng iyong hinaharap?
    A. Ang iyong talino ay walang kaugnayan sa iyong mga kakayahan.
    B. Ang iyong mga kakayahan ay walang kaugnayan sa iyong mga plano sa hinaharap.
    C. Anoman ang iyong plano sa hinaharap ay hindi makaiimpluwensiya rito ang iyong talino, talento at kakayahan.
    D. Nararapat na isaalang-alang at paunlarin ang iyong talino, talento at kakayahan dahil malaki ang kaugnayan ng mga ito sa iyong mga plano sa hinaharap.


  9. Sa mga sumusunod na pahayag, alin ang pinakawasto sa pagtatakda ng mga pangarap?
    A. Ipagwalang-bahala muna ito habang ikaw ay bata pa.
    B. Ito ay paglaanan ng oras kapag ikaw ay nasa hay-iskul na.
    C. Ang pangarap ay hanggang sa panaginip lamang itinatakda.
    D. Ito ay itinatakda mula pa sa iyong pagkabata at pinagpupunyagian hanggang sa ito ay makamit.


  10. Unawain ang sumusunod na bahagi ng liriko sa awiting “Mangarap Ka” pagkatapos ay sagutin ang tanong.


“Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi, at ito’y iyong damhin, at itanim mo sa iyong puso at ito at lalaki, ikaw rin ang aani” Ano ang ipinahihiwatig ng binasang liriko?

A. Ang ating mga pangarap ay dapat na isinasapuso. B. Ang pangarap na pinagpupunyagian ay nagtatagumpay. C. Ang mga pangarap ay batayan ng ating pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at maligayang buhay. D. Lahat ng nabanggit

[illustration: hand holding gears, icon beside the heading]

Karagdagang Gawain

Upang higit mong mapalalim ang pagkilala sa iyong mga pangarap bilang batayan ng mga pagpupunyagi tungo sa makabuluhan at maligayang buhay, gumawa ng isang “dream collage” na nagpapakita ng lahat ng iyong mga pangarap. Maaaring gumupit ng mga larawan mula sa magasin o Internet. Idikit ang mga napiling larawan sa 1/8 illustration board.

[illustration: key in a circle, icon beside the heading]

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down in two boxes; the answers below are read from the rotated print]

Subukin

1. A 2. A 3. C 4. D 5. C 6. D 7. C 8. D 9. C 10. C

Tayahin

1. C 2. C 3. D 4. C 5. C 6. C 7. D 8. D 9. D 10. D

Sanggunian

Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi), Unang Edisyon, 2012.

Internet

Garcia, Jo Marie Nel C,. (2018) “Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal o Negosyo”. Retrieved from https://www.slideshare.net/jomarienel/modyul-13-pansariling-salik-sa-pagpili-ng-kursong-akademiko-teknikal-bokasyunal-sining-at-isports-o-negosyo

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *