Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Quarter 1 Module 8: Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 7 self-learning module for Quarter 1, Module 8: “Pag-unlad ng Hilig, Paglawak ng Tungkulin” (developing your interests, widening your duties). It is an Alternative Delivery Mode module from DepEd MIMAROPA Region (First Edition, 2020), written for Grade 7 learners studying at home. It explains where our interests come from and how developing them helps us do our duties, choose a course and career, earn a living, and serve others.

What learners will learn

By the end of the lesson, learners are expected to:

  • Explain that developing one’s interests helps in fulfilling duties, preparing to choose a profession, an academic or technical-vocational course, a business or livelihood, helping others, and serving the community (EsP7PS-If-3.3).
  • Carry out activities that help develop their own interests (EsP7PS-If-3.4).

Two aspects of interests

The module, citing Abiva (1993), says interests have two aspects: the areas of interest and the focus of attention.

The ten areas of interest

AreaWhat the person enjoys
OutdoorActivities done outdoors
MechanicalUsing tools
ComputationalWorking with numbers
ScientificDiscovering new knowledge, designing, and inventing things or products
PersuasiveConvincing people, dealing with others, and making friends
ArtisticBeing creative and designing things
LiteraryReading and writing
MusicalListening to and composing songs, and playing instruments
Social serviceHelping other people
ClericalDoing office work

The four focuses of attention

These show the kind of involvement a person prefers in an activity:

  1. Tao (people): work that has to do with people.
  2. Datos (data): facts, records, files, numbers, and details.
  3. Bagay (things): using tools or machines.
  4. Ideya (ideas): thinking about and organizing ideas.

Knowing your areas of interest and focus of attention matters because they point to the kinds of activities, courses, or jobs that will give you satisfaction and fulfillment.

Where interests come from

The module says interests can be:

  • Natututuhan mula sa mga karanasan (learned from experience). Example: always helping in the family business of selling cooked food leads you to love cooking, take a related college course, and work as a chef in a well-known hotel.
  • Minamana (inherited or passed down). Example: growing up watching your mother care for plants, you also become interested and start helping her in the garden.
  • Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan (coming from our values and abilities). Example: being compassionate makes you happy whenever you do good for others, so you come to enjoy serving people.

It adds that what you often do, hear, or see usually becomes your interest too.

Why develop your interests

Developing interests helps in four ways:

  1. Fulfilling duties. A task is easier when you enjoy it. If you like cooking, you will cook gladly when your mother asks you to.
  2. Preparing to choose a profession. If you are good at math, an academic course such as engineering or accountancy may suit you. If you like fixing things such as motorcycles or cellphones, a technical-vocational course may make you happy.
  3. Business or livelihood. Interest is one reason whole families, from grandparents to grandchildren, become doctors, teachers, police officers, or business people.
  4. Helping others and serving the community. People who serve freely find a happiness that money cannot buy. They may have been helped before, seen it in their parents, or simply be that way by nature.

How to use this module

The module follows the usual SLM parts. Answer all activities on separate paper or in a notebook or journal; do not write on the module.

  1. Subukin (pretest): 15 situations; choose where each interest comes from.
  2. Balikan, Gawain 1 “Punan Mo!”: a chart of your interests, the college course you want, your dream job, and how your interest fits them (30 points).
  3. Tuklasin, Gawain 2 “My Top List!”: name famous Filipinos in fields such as basketball, boxing, singing, writing, drawing, and inventing.
  4. Suriin: the reading on areas of interest, focus of attention, and the benefits of developing interests.
  5. Pagyamanin, Gawain 3 “Differentiated Activities”: pick one task that matches your interest: cooking (write a recipe), gardening (list your plants and their uses), singing (list songs and why), drawing (draw yourself ten years from now), or writing (a composition about your dream). Scored out of 35.
  6. Isaisip, Gawain 4 “Kumpletuhin Mo!”: complete four sentences about developing interests (40 points).
  7. Isagawa, Gawain 5: a chart for each interest showing how you will develop it, who can support you, possible obstacles, and how to overcome them (100 points).
  8. Tayahin (post-test): 15 situations, similar to the pretest.
  9. Karagdagang Gawain, Gawain 6: a reflection on how your interests can help in the college course you want (35 points).

For learners: take the pretest honestly first, then work through the parts in order. Contact your teacher if anything is unclear.

For parents: help your child choose an activity in Gawain 3 that truly matches their interest, and talk with them about the people who can support them in Gawain 5.

For teachers: the answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the Subukin and Tayahin. Note that the two tests list the same choices in a different letter order, so check the Subukin key against the choices printed in the Subukin before marking.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 7 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 8.

What competencies does Module 8 cover?

It covers EsP7PS-If-3.3, explaining how developing interests helps with duties, career and course choice, livelihood, and service, and EsP7PS-If-3.4, doing activities that develop one’s interests.

What are the ten areas of interest in the module?

Outdoor, mechanical, computational, scientific, persuasive, artistic, literary, musical, social service, and clerical.

Where do interests come from, according to the module?

Interests can be learned from experience, inherited or passed down from family, or come from our values and abilities.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Subukin pretest and the Tayahin post-test. The other activities are scored with rubrics.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 8: Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin

7

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 8: Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin

[illustration: students and a teacher at study tables, a child reading by lantern light, a globe, and students outdoors]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q1_ESP 7_ Module 8

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 8: Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Niño M. Llave Editor: Loida S. Pigon Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla, Cristy R. Temple, Elma C. Palen, Ronalyn B. Conales, Ma. Luz N. Darjuan Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana Tagalapat: Khristine S. Lacsamana, Jefferson R. Repizo Tagapamahala: Benjamin D. Paragas Suzzette T. Gannaban-Medina Susana M. Bautista Cynthia Eleanor G. Manalo Mariflor B. Musa Freddie Rey R. Ramirez Melbert S. Broqueza Danilo C. Padilla Annabelle M. Marmol Domingo L. Mendoza, JR. Elmer P. Concepcion Loida S. Pigon

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telephone Number: (02) 6314070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

7

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 8: Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Aralin 1 Pag-unlad ng Hilig Paglawak ng Tungkulin

Alamin

Alam mo bang ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng iyong tungkulin? Paghahanda sa tamang pagpili ng kurso tungo sa tamang propesyon? Pagkakaroon ng negosyo o hanapbuhay? O kaya naman ay pagtulong sa kapwa, at paglilingkod sa pamayanan? Sa modyul na ito, Modyul 8 -Pagpapaunlad ng mga Hilig Bilang Isang Paghahanda, matutuklasan mo ang mga kasagutan ng mga naunang pahayag.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

a. Naipaliliwanag na ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon, kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulong sa kapwa, at paglilingkod sa pamayanan. (EsP7PS-If-3.3)

b. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig. (EsP7PS-If-3.4)

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Pagkatapos, piliin sa loob ng kahon ang letra ng pinakaangkop na sagot. Isulat ito sa iyong sagutang-papel.

A. Natutuhan mula sa mga karanasan B. Namamana C. Galing sa mga pagpapahalaga at kakayahan D. Napakikinggan

  1. Mula pagkabata, nakita mo ang pagkahilig ng iyong mga magulang sa paghahayupan. Sa iyong paglaki naging hilig mo na rin ito.


  2. Sa tuwing may nakikita ka na mga pulubi at iba pang nangangailangan ng iyong tulong ay laging laan ka na tumulong sa abot ng iyong makakaya kagaya ng pagbibigay ng pagkain, limos, at iba pa.


  3. Kapag nakakakita si Isko ng street children, lagi niya silang pinaaalalahanan kung gaano kahalaga ang edukasyon dahil dati rin siyang palaboy sa lansangan.


  4. Noong nabubuhay pa ang ama ni Yjo, lagi niyang napapansin ang pagiging mahinahon nito sa pakikipag-usap sa kaninoman kaya ngayon iyon din ang napapansin sa kanya ng kanyang mga katrabaho.


  5. Hindi nakakalimutang magpasalamat ni VJ sa Diyos kahit na anoman ang nararanasan niya sa buhay.


  6. Tuwing may kalamidad, nagbibigay ng donasyon si Aling May sa abot ng kanyang makakaya.


  7. Tuwing magdiriwang ng kaarawan sina Mang Oni at Aling Vielle, pangunahing bisita nila ang mga balo at naghahanda sila ng espesyal na pagkain at mga regalo para sa mga ito.


  8. Mula nang magkaisip ang anak ni Manny na si Jimuel ay nakikita niya ang hilig ng kanyang ama sa larangan ng boksing kaya naging hilig na rin niya ito.


  9. Sinundan na rin ng mga anak ang yapak ng kanilang ama kaya ngayo’y sila ang nasa pulitika sa kanilang lugar.


  10. Laging isinasali ng kanyang ina sa singing contest si Charice kaya naging isang sikat na singer siya.


  11. Likas kay Angel Locsin ang tumulong sa mga kababayang Pilipino lalo na sa panahon ng krisis.


  12. Si Efren “Bata” Reyes Jr. ay kilala sa buong mundo sa larangan ng billiard. Naging dalubhasa siya rito sapagkat lagi siyang nakakapanood at nakakapaglaro ng bilyar.


  13. Lagi siyang ipinagtutulong ng kanyang ama sa pangingisda sa dagat kaya naman nagustuhan niyang kunin ang kursong marine.


  14. Hilig ni Mang Oning ang magnegosyo ng buy and sell sapagkat kinalakihan na niya ito.


  15. Tuwing may nakikita kang nakakalat na basura sa inyong paligid ay tinitipon mo ito at inilalagay sa tamang lalagyan.


Balikan
Gawain 1. Punan Mo!

Panuto: Punan ang tsart ayon sa mga hinihingi nitong kasagutan sa bawat hanay na nakalaan. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno o “journal notebook”.

MGA HILIG MOKURSONG KUKUHANIN SA KOLEHIYOGUSTONG MAGING TRABAHO O HANAPBUHAYPAANO MO MAGAGAMIT ANG IYONG HILIG SA KURSO O SA MAGIGING HANAPBUHAY MO?
1.
2.
3.

Pamantayan sa Paggawa

PamantayanPuntosNakuhang Puntos
Nilalaman (Content)10
Kaayusan/Kalinisan (Organization/Neatness)5
Ideya/Paliwanag15
Kabuoan30
Tuklasin
Gawain 2. My Top List!

Panuto: Ibigay mo ang mga pangalan ng bantog na mga Pilipino sa sumusunod na larangan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

  1. Basketball
  2. Volleyball
  3. Boxing
  4. Pag – awit
  5. Pagsasadula o Pag-acting
  6. Pagsulat
  7. Pagguhit
  8. Pagtuklas/Pag-iimbento
  9. Pagtatanghal (Teatro)

Ikaw, nais mo rin ba na ang iyong pangalan ay mapasama sa mga bantog o hinahangaan ng kapwa Pilipino?

Suriin

Unawain at pagnilayan ang sumusunod na babasahin. Magkaroon ng masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan na at kayang-kaya mo yan!

May dalawang aspekto ng mga hilig: ang mga larangan ng mga hilig (areas of interest) at ang tuon ng atensyon (Abiva, 1993)

Narito ang sampung larangan ng mga hilig:

  1. Outdoor– Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor).
  2. Mechanical – Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools).
  3. Computational – Nasisiyahan na gumawa na gamit ang bilang o numero.
  4. Scientific – Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdidisenyo at pag-imbento na mga bagay o produkto.
  5. Persuasive – Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan.
  6. Artistic– Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay.
  7. Literary– Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat.

[transcriber’s note: the text says “sampung” (ten) larangan, but only seven items are listed on this page; the remaining items may continue on the next page]

  1. Musical– Nasisiyahan sa pakikinig at paglikha ng awit at pagtugtog ng instrumenong musical.
  2. Social service– Nasisiyahang tumulong sa ibang tao.
  3. Clerical– Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina.

Ang apat (4) na tuon ng atensyon: ito ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain:

  1. Tao – May kinalaman sa tao.
  2. Datos – May kinalaman sa mga katotohanan, records, files, numero, detalye.
  3. Bagay – Gamit ang mga kagamitan (tools) o makina (machine).
  4. Ideya – Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya o kaisipan.

Tunay na mahalaga ang pagtuklas ng mga larangan ng hilig, pati ang mga tuon ng atensiyon sa bawat indibidawal dahil palatandaan ito ng uri ng mga gawain, kurso, o trabaho na magbibigay sa iyo ng kasiyahan o kaganapan.

Ang mga hilig ay maaaring:

A. Natututuhan mula sa mga karanasan. Halimbawa, dahil sa palagiang pagtulong sa negosyo ng pamilya na pagtitinda ng mga lutong pagkain, nakahiligan mo na rin ang pagluluto. Ibinatay mo rito ang iyong kinukuhang kurso sa kolehiyo at minahal mo na ang iyong trabaho bilang chef sa isang kilalang hotel.

B. Minamana. Halimbawa, nasubaybayan mo sa iyong paglaki ang hilig ng iyong ina sa pag-aalaga ng mga halaman. Habang ikaw ay lumalaki, napapansin mong nagkakaroon ka rin ng interes sa pag-aalaga ng mga halaman kung kaya katuwang ka na ng iyong ina sa kaniyang mga ginagawa sa inyong hardin.

C. Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan. Halimbawa, labis ang iyong pagiging maawain sa iyong kapwa, laging bukas ang iyong puso sa pagtulong sa iyong kapwa na nangangailangan. Labis ang kasiyahan na iyong nararamdaman kapag may nagagawa kang kabutihan sa iyong kapwa. Nakahiligan mo na ang magbigay ng serbisyo para sa ibang tao o kapwa.

Bakit ba kailangang paunlarin mo ang iyong mga hilig? Ang pagpapaunlad ng mga hilig o interes ay makatutulong sa:

Una, pagtupad ng mga tungkulin. Madaling gawin ang isang bagay o tungkuling iniatang sa iyong mga balikat kung ito ay kinahihiligan mo. Halimbawa, Inutusan ka ng iyong ina na magluto ng pagkain, sapagka’t hilig mo ang pagluluto madali at may kasiglahan mong magagawa ito.

Ikalawa, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon. Sa reyalidad ng buhay, kadalasan kung ano ang hilig mo, yun ang sinusundan mo. Halimbawa, Kung magaling ka sa math, natural ang kukunin mong kurso ay nasa Academick Track (engineering o accountancy o katulad ng mga ito) upang hindi ka masyadong mahirapan sa iyong pag-aaral at maging matagumpay kang engineer o accountant sa hinaharap at makamit mo ang minimithi mong pangarap. Kung ang hilig mo naman ay pag-aayos ng mga sirang bagay kagaya ng motor, cp, at iba pa mas mainam na kunin mo ang kursong nasa Technical-Vocational at magiging masaya ka sa larangang ito.

Ikatlo, Negosyo o Hanapbuhay. May kasabihan na wala raw yumayaman sa hanapbuhay kundi sa negosyo. Pero ang tanong, alin ba sa dalawa ang pipiliin mo at magiging masaya ka? Hilig mo ba ang magnegosyo o maghanapbuhay? Ikaw ang makasasagot niyan. Marahil, may narinig ka ng kwento tungkol sa pamilya ng mga doctor, pamilya ng mga guro, pamilya ng mga pulis at pamilya ng mga negosyante. Mula sa lolo hanggang sa apo ay pulis, doctor, guro o kaya naman ay negosyante. Isa sa mga salik nito ay ang hilig o interes.

At ikaapat, pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan. Marami ka bang hinahangaang mga kilalang personalidad o karaniwang tao sa inyong komunidad na walang sawa at bukal sa loob ang pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan? Kinahiligan na nila ito dahil hindi kayang bayaran ng salapi o anomang materyal na bagay ang kaligayahang naihatid nito sa kanila. Maaring nakaranas din silang tulungan, o kaya naman ay nakita nila sa kanilang mga magulang o sadyang ganon ang kanilang likas.

Kapag palagian mong ginagawa, naririnig, o nakikita ang isang bagay, kadalasan ay nagiging hilig o interes mo na rin ito.

Pagyamanin

Gawain 3. Differentiated Activities

Panuto: Tukuyin ang larangan ng iyong hilig. Pumili lamang ng isa (1) na iyong nais o hilig gawin at saka tugunan ang mga nakaatang na gawain ayon sa bawat panuto. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno o sa iyong “journal notebook“.

A. Pagluluto Bumuo ng isang resipe ng iyong paboritong putahe na nais lutuin. Sa ibaba ng recipe, ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

B. Paghahalaman Itala ang mga tanim mong halaman sa iyong bakuran. Isulat sa ibaba nito ang mga kapakinabangang dulot nito.

C. Pag-awit Isulat mo ang mga awitin na nais mong pakinggan o kantahin. Ilahad rin kung bakit ito ang napili mo?

D. Pagguhit Iguhit kung paano mo nakikita ang iyong sarili sampung taon mula ngayon. Ipaliwanag.

E. Pagsulat Bumuo ng isang komposisyon tungkol sa iyong pangarap sa buhay. Ilahad ang mga hakbangin na iyong gagawin upang makamit ito.

Pangkalahatang Rubric

PamantayanDeskripsyonKaukulang PuntosNakuhang Puntos
Nilalaman (Content)Angkop sa hinihinging gawain15
Mekaniks (Mechanics)Tamang ispeling, bantas at iba pa.10
Pagkamalikhain (Creativity)Nagpapakita ng pagkamalikhain sa pamamagitan ng paggamit ng kulay, desenyo at iba pang art materials5
Kaayusan/Kalinisan (Neatness/Organization)Maayos at malinis ang awtput5
Kabuoan35

Isaisip

Gawain 4. Kumpletuhin Mo!

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno o “journal notebook“

  1. Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay mahalaga dahil_____________.
  2. Ang ibang hilig ay maaring minamana sapaka’t ________________.
  3. Ang ibang hilig ay natututuhan mula sa karanasan, halimbawa____________.
  4. Ang ibang hilig ay galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan kung kaya’t_____________________.

Pamantayan sa Paggawa ng Awtput

PamantayanPuntosNakuhang Puntos
Mekaniks (Correct Spelling, Proper punctuation marks etc.)10
Kaayusan/Kalinisan (Organization/Neatness)10
Ideya/Paliwanag (Reasoning)20
Kabuoan40

Isagawa

Gawain 5. Ang Aking Tsart ng Pagpapaunlad ng Hilig

Panuto: Punan ang tsart ayon sa hinihingi nitong kasagutan sa bawat hanay na nakalaan. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno o “journal notebook“

Tsart ng Pagpapaunlad ng Hilig

Mga HiligPaano papaunlarin ito?Mga taong hinihingan ng tulong/suporta o kokunsultahinMaaring balakidPaano malalampasan
1.
2.
3.
4.

(Halaw sa LM EsP7 p.84)

Rubric sa Isahang Awtput

PamantayanDeskripsyonKaukulang PuntosNakuhang Puntos
NilalamanAngkop ang nilalaman sa hinihingi.40
IdeyaTama ang paliwanag.40
PresentasyonMaayos at malinis ang pagkakagawa.20
Kabuoan100

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon, pagkatapos piliin sa loob ng kahon ang letra ng pinaka-angkop na sagot. Isulat ito sa iyong sagutang-papel.

A. Galing sa mga pagpapahalaga at kakayahan B. Natutuhan mula sa mga karanasan C. Napakikinggan D. Namamana

  1. Hindi nakakalimutang magpasalamat ni VJ sa Diyos kahit na anoman ang nararanasan niya sa buhay.


  2. Mula pagkabata, nakita mo ang pagkahilig ng iyong mga magulang sa paghahayupan. Sa iyong paglaki naging hilig mo na rin ito.


  3. Sa tuwing may nakikita ka na mga pulubi at iba pang nangangailangan ng iyong tulong ay laging laan ka na tumulong sa abot ng iyong makakaya kagaya ng pagbibigay ng pagkain, limos, at iba pa.


  4. Kapag nakakakita si Isko ng street children, lagi niya silang pinaaalahanan kung gaano kahalaga ang edukasyon dahil dati rin siyang palaboy sa lansangan.


  5. Tuwing magdiriwang ng kaarawan sina Mang Oni at Aling Viellle, pangunahing bisita nila ang mga balo at naghahanda sila ng espesyal na pagkain at mga regalo para sa mga ito.


  6. Noong nabubuhay pa ang ama ni Yjo, lagi nitong napapansin ang pagiging mahinahon nito sa pakikipag-usap sa kaninoman kaya ngayon iyon din ang napapansin sa kanya ng kanyang mga katrabaho.


  7. Sinundan na rin ng mga anak ang yapak ng kanilang ama kaya ngayo’y sila ang nasa pulitika sa kanilang lugar.


  8. Tuwing may kalamidad, nagbibigay ng donasyon si Aling May sa abot ng kanyang makakaya.


  9. Si Efren “Bata” Reyes Jr. ay kilala sa buong mundo sa larangan ng billiard. Naging dalubhasa siya rito sapagka’t lagi siyang nakakapanood at nakakapaglaro ng bilyar.


  10. Mula nang magkaisip ang anak ni Manny na si Jimuel ay nakikita niya ang hilig ng kanyang ama sa larangan ng boksing kaya naging hilig na rin niya ito.


  11. Lagi siyang ipinagtutulong ng kanyang ama sa pangingisda sa dagat kaya naman nagustuhan niyang kunin ang kursong marine.


  12. Laging isinasali ng kanyang ina sa singing contest si Charice kaya naging isang sikat na singer siya.


  13. Tuwing may nakikita kang nakakalat na basura sa inyong paligid ay tinitipon mo ito at inilalagay sa tamang lalagyan


  14. Likas kay Angel Locsin ang tumulong sa mga kababayang Pilipino lalo na sa panahon ng krisis.


  15. Hilig ni Mang Oning ang magnegosyo ng buy and sell sapakat kinalakihan na niya ito.


Karagdagang Gawain

Gawain 6. Isang Pagninilay

Panuto: Gumawa ng sariling pagninilay sa tulong ng tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

Ano ang aking mga hilig at paano ko magagamit sa kurso na nais kong kuhanin sa kolehiyo?

Ang aking hilig sa/na _____ ay malaki ang maitutulong kapag ako ay kumuha ng kursong _____.

Naniniwala ako na sa pamamagitan ng mga hilig ko ay:






Pamantayan sa Isahang Awtput

PamantayanDeskripsyonKaukulang PuntosNakuhang Puntos
NilalamanAngkop ang nilalaman sa hinihingi.20
IdeyaTama ang paliwanag.10
PresentasyonMaayos at malinis ang pagkagawa.15
Kabuoan35

Susi sa Pagwawasto

transcriber’s note: the answer key is printed rotated 180 degrees on this page; the answers below are transcribed upright.

Tayahin
  1. A
  2. D
  3. A
  4. B
  5. A
  6. D
  7. D
  8. A
  9. B
  10. D
  11. B
  12. B
  13. A
  14. A
  15. D
Subukin
  1. B
  2. A
  3. B
  4. D
  5. A
  6. A
  7. A
  8. D
  9. D
  10. B
  11. A
  12. B
  13. B
  14. D
  15. A

Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 7 Learner’s Material (Units 1 &2) pp. 79, 82-85

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *