Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod nakaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong:
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad (pakikipagkaibigan);
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan;
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito;
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa sa lipunan;
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya; at
f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata. (EsP7PS-Ia-1.1)
2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. (EsP7PS-Ia-1.2)
ESP7_Q1_Mod1_AkoNgayon_v2