This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 6 self-learning module for Quarter 1, Module 2: “Pagsang-ayon sa Pasya ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito” (agreeing with the decision of the majority when it is for the good). It is an Alternative Delivery Mode (ADM) module, First Edition 2020, from DepEd Region VI – Western Visayas, written in Filipino for Grade 6 learners studying at home or in school. After it, learners should be able to tell right from wrong steps in making a decision, and explain why it matters to agree with the majority only when their decision is good.
What learners will learn
The module asks learners to answer one big question by the end: Bakit mahalagang sumang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito? (Why is it important to agree with the decision of the majority when it is for the good?)
Its objectives, in plain English, are that the learner:
- Identifies the right and wrong steps in making a decision that is good for oneself when agreeing with the decision of the majority.
- Analyzes those right and wrong steps.
- Explains the right steps that help in making a good decision when agreeing with the majority.
- Understands the right steps that help in making a good decision when agreeing with the majority.
Lessons in this module
The module has one lesson, Aralin 1 – Pagsang-ayon sa Pasiya ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito. It starts from the fact that we make many decisions every day. Some people, even children, want to decide everything for themselves, while others are afraid to decide and seek advice first. The lesson shows that we value other people’s advice, and teaches when and how to follow it.
Key ideas in the module
Making good decisions with help from others
- Everything that happens in our lives starts from a decision (pagpapasya).
- A child still has limits in deciding alone, so it helps to know whom to approach for an opinion, such as parents, older relatives, teachers, and trusted friends.
- Decisions bring different feelings: joy, sadness, irritation, or worry, depending on the result.
- Pagsang-ayon means accepting, agreeing with, and joining in the opinion of others.
Right steps before agreeing
The module does not ask learners to follow the majority blindly. Its pretest and activities point to these right steps:
- Think about and examine every decision before making or giving it.
- Study all possible choices and their likely results before the final decision.
- Consult older people for help.
- Make sure the decision is good for everyone, so no one is hurt or harmed.
- Let the decision follow your conscience and your faith.
And these wrong steps:
- Rushed decisions by the majority, assumed to be always good.
- Accepting someone else’s decision right away without any doubt.
- Ignoring the help others give.
- Agreeing with the majority before checking their decision.
- Blaming others when your decision turns out badly.
The Isaisip (remember) part sums it up: we can agree with the majority when the decision is truly good for most people, but we must still examine the cause, study each possible solution, and think about the result. It quotes Aristotle, “man is a rational being,” to remind learners that everyone can reason and decide, and that this skill needs to be developed.
Stories and situations used
- The Reyes family helps victims of a fire in a nearby barangay. The parents give out food while the children, Argie, Tina, and Leo, agree on who packs the noodles, canned goods, and rice.
- Honesto, a kind boy, bravely points out a thief hiding behind his house to the police, and a crying woman gets back the new cellphone meant as a birthday gift for her child.
- Everyday situations, such as telling your parents the truth after losing the electricity payment, working on an EsP project together with classmates, or refusing a friend who says to take a classmate’s wallet.
How to use this module
The module follows the usual ADM order. Answers are written in the learner’s notebook (kuwaderno).
- Alamin – read what the module is about and its objectives.
- Subukin – a 10-item TAMA or MALI (true or false) pretest.
- Balikan – draw a happy or sad face for how you would feel in seven situations.
- Tuklasin – read the Reyes family story and answer six questions.
- Suriin – read the Honesto story and answer five questions.
- Pagyamanin – answer ten reflection questions, including drawing a heart with the names of people you ask for advice.
- Isaisip – read the summary of the lesson.
- Isagawa – a 5-item multiple-choice activity.
- Tayahin – answer five open questions, such as how to disagree with others the right way.
- Karagdagang Gawain – mark ten situations with a check (true) or an X (false).
The Susi sa Pagwawasto (answer key) gives answers for Subukin, Balikan, Isagawa, and Karagdagang Gawain. The Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, and Tayahin questions ask for the learner’s own answers, so they have no fixed key.
- Learners: take the pretest first, go through the parts in order, and check your work with the answer key only after answering.
- Parents: the module’s note to teachers says learners should get support from parents, older siblings, relatives, friends, or neighbors, so be ready to talk about the situations with your child and share how you make family decisions.
- Teachers: the module asks you to explain how to use it, monitor and record each learner’s progress, and make sure every learner has enough support at home.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 6 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2.
What does Pagsang-ayon sa Pasya ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito mean?
It means agreeing with the decision of the majority when it is for the good. The module teaches learners to examine a decision first instead of following the majority blindly.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Subukin pretest, Balikan, Isagawa, and Karagdagang Gawain. The other activities ask for the learner’s own answers.
What are the right steps before making a decision, according to the module?
Think about and examine the decision, study all possible choices and their results, consult older people, and make sure the decision follows your conscience and is good for everyone.
How many lessons does the module have?
It has one lesson, Aralin 1 – Pagsang-ayon sa Pasiya ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 2: Pagsang-ayon Sa Pasya Ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito
6
[illustration: students reading and studying under a tree, at a desk, and with a globe, with a lamp and a teacher]
CO_Q1_ESP 6_Module 2
Edukasyon Sa Pagpapakatao (EsP) – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Pagsang-ayon Sa Pasya Ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Julie Naisa P. Castor, Ma. Cristina P. Paclibar Editor: Maricha D. Rojo, Carmelita R. Segara Tagasuri: Zaldy H. Reliquias, PhD, Raulito D. Dinaga, Othelo M. Beating Tagaguhit: Recel Joy D. Vasquez Tagalapat: Othelo M. Beating Tagapamahala: Ramir B. Uytico Pedro T. Escobarte, Jr. Elena P. Gonzaga Donald T. Genine Meriam T. Lima Marsette D. Sabbaluca Lynee A. Peñaflor / Salvacion J. Senayo Zaldy H. Reliquias Raulito D. Dinaga Carmelita R. Segara
Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________ Department of Education – Region VI – Western Visayas Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816, (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
6
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2: Pagsang-ayon Sa Pasya Ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsang-ayon Sa Pasya Ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
[illustration: notepad and pencil icon]
Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Alamin
[illustration: target with arrow icon]
Sa modyul na ito ay matutuhan mo ang mga hakbang na makatutulong sa iyo na makapagdesisyon sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung ito sa palagay mo ay makabubuti. Marami tayong hinaharap at pinagdadaanan sa araw-araw na pamumuhay. At sa bawat araw na ito ay kailangan mo ng tulong ng iba lalong-lalo na sa isang batang tulad mo na limitado pa ang maaaring gawin upang makapagdesisyon. Sa paggawa mo ng isang desisyon o pasya mararanasan mo ang sari-saring damdamin ayon sa resulta nito. Minsan ay masaya, meron ding malungkot, nakakainis o nakakabahala. Nararapat na alam mo kung sino ang dapat lapitan sa panahon na kailangan mo ang opinyon o ideya ng iba upang makagawa ka ng tamang desisyon o pagpapasiya.
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang masagot mo ang tanong: Bakit mahalagang sumang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito?
Sa modyul na ito inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, pag-unawa at paglalapat.
- Natutukoy ang tama at hindi tamang hakbang sa pagbuo ng isang desisyon na makabubuti sa sarili sa pagsang-ayon sa pasya ng nakararami.
- Nasusuri ang tama at hindi tamang hakbang sa pagbuo ng isang desisyon na makabubuti sa sarili sa pagsang-ayon sa pasya ng nakararami.
- Naipapaliwanag ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na makabubuti sa sarili sa pagsang-ayon sa pasya ng nakararami.
- Nauunawaan ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na makabubuti sa sarili sa pagsang-ayon sa pasya ng nakararami.
CO_Q1_ESP 6_Module 2
Subukin
[illustration: pencil icon]
Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot
_____________ 1. Padalos-dalos na pagpapasya ng nakararami ay laging nakabubuti sa akin.
_____________ 2. Ang pagbibigay ng pasya o paggawa ng desisyon ay dapat makabubuti sa lahat upang walang matapakan/masaktan o mapinsala.
_____________ 3. Ang desisyon ay dapat ayon sa ating konsensya.
_____________ 4. Sinusuri at pinag-iisipan muna ang bawat pasya na ginagawa o ibibigay.
_____________ 5. Tanggapin agad ang pasya ng iba nang walang pagaalinlangan.
_____________ 6. Kumonsulta sa mga nakakatanda upang mas matulungan ka sa pagpapasya.
_____________ 7. Dapat ang desisyong gagawin ay ayon sa pananampalataya, o sa kinabibilangang relihiyon.
_____________ 8. Pag-isipan at suriing mabuti ang maaaring kahinatnan o maging bunga o resulta ng isang gagawing desisyon o bibitawang pasya.
_____________ 9. Ipagwalang bahala ang mga ibinibigay na desisyong tulong ng iba.
_____________ 10. Pag-aralan lahat ang posibleng desisyon bago gumawa ng huling pagpapasya.
CO_Q1_ESP 6_Module 2
Aralin 1 – Pagsang-ayon Sa Pasiya Ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito
Gumagawa tayo ng maraming desisyon araw-araw. Ano ang halimbawang naiisip mo? Ano ang masasabi mo tungkol sa isang karaniwang desisyon na nagawa mo na o kinailangan mong gawin sa araw-araw? May mga tao, maging batang katulad mo na gusto nilang sila ang magpasya sa lahat ng bagay para sa kanilang sarili dahil iniisip nilang ito ay karapatan nila. Hangga’t maaari, talagang hindi nila hinahayaan na iba ang magdesisyon para sa kanila. Pero may mga tao naman na takot gumawa ng desisyon. Ang iba ay kumokonsulta pa sa mga guidebook o tagapayo at nagbabayad para humingi ng payo bago makapagdesisyon. Ito ay nangangahulugan na binibigyang-halaga natin ang mga payo o pasya ng iba. Bakit kaya ganito?
Balikan
[illustration: puzzle pieces icon]
Panuto: Iguhit sa iyong kuwaderno ang mukhang masaya [illustration: smiling face] kung tama at malungkot naman [illustration: sad face] kung mali ang iyong mararamdaman sa bawat sitwasyon.
_____________ 1. Nawala mo ang pambayad sa kuryente. Sinabihan ka ng pinsan mo na ipaalam ang totoo sa iyong mga magulang kahit na magalit at malungkot sila dahil inutang lamang ang pera na naiwala mo.
_____________ 2. May inuumpisahan kang isang bagay na makatutulong para mabawasan ang basura sa inyong paligid. Pinayuhan ka ng iyong guro na ipagpatuloy ang naimbento mo at ipakita sa inyong punong guro para mabigyan ng pansin at mapanatili ang kalinisan ng inyong kapaligiran.
_____________ 3. Nawalan ng trabaho ang tatay mo at hirap na kayo sa buhay dahil may mga maliliit ka pang kapatid. Sinabihan ka ng inyong kapitbahay na maghanap ng trabaho.
_____________ 4. Ikaw ay may talento sa pagkanta, niyaya ka ng iyong kasamahan sa simbahan na sumali sa kanilang choir ngunit
CO_Q1_ESP 6_Module 2
sinabihan ka ng iyong barkada na huwag na dahil aksaya lamang ito sa oras.
_____________ 5. May proyekto kayo sa EsP na ipapasa sa Huwebes, niyaya ka ng iyong mga kaklase na sabay kayong gumawa ng proyektong iyon para masaya at makapagbigay ng opinyon sa isa’t isa upang maging maganda ang kalalabasan nito.
_____________ 6. Gusto mong bumili ng bagong MP3 player ngunit ang ibinigay na pera sa iyo ng iyong nanay ay sapat lamang para ipambili mo ng iyong materyales para sa sasalihan mong paligsahan. Sinunod mo ang payo ng iyong kaklase na ibili na lamang ang pera ng MP3 dahil kailangan mo din naman ito sa inyong Music subject.
_____________ 7. Gutom kayo ng kaibigan mo at walang makain. Sinabihan ka na kunin ang pitaka na nasa bag ng kaklase mong katabi kapag siya ay umalis.
Mga Tala para sa Guro
[illustration: notepad and pencil icon]
Katungkulan mong tiyakin na ang bawat mag-aaral ay mabibigyan ng sapat na suporta at alalay mula sa kanilang magulang, nakatatandang kapatid sa bahay o kahit na sa mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay.
CO_Q1_ESP 6_Module 2
Tuklasin
Magandang araw! Inaasahan sa modyul na ito na ikaw ay makatutukoy, makapagsusuri, makagagawa at makapagpapaliwanag ng mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasya ng nakararami na sa mapanuri mong pag-iisip alam mong ito ay makabubuti.
Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
[illustration: people packing food and bottled goods for distribution]
Iginuhit ni Recel Joy D. Vasquez
Ang mag-anak na Reyes ay likas na matulungin. Sila ay nagpunta sa kalapit na Barangay upang tulungan ang mga taong nasunugan. Sina Aling Oneng at Mang Romy ang nagbibigay ng pagkain. Sina Argie, Tina at Leo ang tumutulong sa pag-eempake ng mga pagkain na ipamimigay. “Ako na ang maglalagay ng noodles sa supot,” ang sabi ni Argie. “Ikaw naman Tina ang maglagay ng mga de lata. Sila naman ang maglalagay ng mga bigas,” sabay turo ng dalawang bata kay Leo. Ang pamilya ay masayang-masaya kapag sila ay may natutulungan.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
- Ilarawan ang mga bata sa kuwento.
- Bakit sila nasa kalapit Barangay?
- Anong uri ng mga bata ang magkakapatid?
- Ano ang katangiang taglay ng mag-anak?
- Ano ang maaaring maging batayan ng isang pamilya upang maging masaya?
- Kung ikaw ay isa sa mga anak nila G. at Gng. Reyes, paano mo sila tutularan? Bakit?
Suriin
Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.
[illustration: a woman raising one hand, the other hand at her chest]
Iginuhit ni Recel Joy D. Vasquez
May isang batang mabait na ang pangalan ay Honesto. Isang araw may nakita siyang tumatakbong lalaki na may dalang bagong cellphone at bag. Hinahabol ito ng babaeng umiiyak. Nagtago ang lalaki sa likod ng bahay ni Honesto. Nakita din niya sa di kalayuan ay may pulis na naghahanap sa lalaking magnanakaw. Walang pasubali at buong katapangang itinuro ni Honesto ang lalaki sa mga pulis. Laking pasasalamat ng babae na naibalik ang bagong cellphone na ireregalo sa anak na may kaarawan. Masayang-masaya ang pamilya ni Honesto sa ipinakitang katapangan.
Gawing isulat sa iyong kuwaderno ang sagot sa sumusunod:
- Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento.
- Tungkol saan ang kuwentong iyong nabasa?
- Paano naisauli ang cellphone at bag sa may-ari?
- Ano ang ginawa ni Honesto? Sa iyong palagay, makabubuti ba ito sa kaniyang pamilya? Bakit?
- Kung ikaw si Honesto, ano ang gagawin mo? Bakit?
Pagyamanin
- Ang lahat ng pangyayari sa ating buhay ay nagmula sa isang pagpapasya.
- Ang paggawa ng pasya mula sa desisyon ng iba na maaaring pagsisihan dahil sa hindi magandang resulta ay may tamang hakbang o paraan upang maiwasan.
Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang sinasaad ng sumusunod.
- Sino-sino ang malalapit na tao sa iyong buhay na hinihingan mo ng opinyon o payo sa panahon na kailangan mo ng tulong upang makapagdesisyon o makagawa ka ng tamang pasya? Gumuhit ng isang hugis puso at isulat sa loob ang sagot.
- Anong pagkakataon o sitwasyon sa iyong buhay na gumawa ka ng isang mahalagang pagpapasya. Sino ang iyong nilapitan at sinang-ayunan mo kaya nakagawa ka ng mabuting pasya?
- Lahat ba ng mungkahi o tulong na ibinibigay ng nakararami ukol sa pagpapasya ay dapat mong sang-ayunan? Bakit?
- Sino ang mas pakikinggan mo sa pagpapasya, ang nakakatanda sa iyo o ang mas nakababata? Bakit?
- Ano ang gagawin mo kung hindi ka sigurado sa pasya ng nakararami dahil mayroon kang pakiramdam na magdudulot ito ng hindi maganda at maaaring pagsisisihan ang pagsang-ayon sa kanilang pasya?
- Ano ang mga pangunahing hakbang na pwede mong gawin bago gumawa ng desisyon o magbigay ng iyong pasya?
- Dapat bang sumangguni ka pa sa ibang tao pagkatapos mong humingi ng tulong at may mga mungkahing pasya na galing sa iba? Bakit?
- Nagiging magaan ba para sa iyo ang pagpapasya kapag may tulong ng ibang tao? Bakit?
- Bakit mahalaga ang tulong ng ibang tao sa paggawa mo ng pasya?
- Ano ang ibig sabihin ng kasabihang “Ang matalinong pagpasya ay tulad ng pagdadrive sa kalsada?”
Isaisip
Sa pagkakataong ito, inaasahan na iyo nang napagtanto at binigyang halaga ang pagpapahalaga sa ating sariling pamilya. Ito ang nagbibigay sa atin ng lakas upang malampasan ang ano mang pagsubok o hamon ng buhay. Panatilihing masaya, nagkakaintindihan, buo at matagumpay ang bawat pamilya. Kung kinakailangang isakripisyo ang pansariling kapakanan, gawin natin alang alang sa kapanan ng bawat isa. Marahil ngayon atin nang maisasapuso at maisasagawa ang pagsang-ayon sa pasya ng nakakarami kung talaga namang ito’y makabubuti sa nakararami. Gayunpaman, ating pagpapahalagahan ang mga tamang hakbang o proseso bago makapagpasya. Kinakailangang nating suriin ang sanhi at pag-aralan bawat isa ang posibleng solusyon at ang maaaring kahihinatnan nito. Ayon nga kay Aristotle “man is a rational being”. Ang tao raw ay may angking galing at talino na may kakayahan na makapangatwiran at makapagpaliwanag kaya naman nakagagawa ng desisyon sa buhay. Meron tayong lahat nito, kinakailangan lamang nating linangin at paghusayin.
Isagawa
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod. Isulat sa iyong kuwaderno ang titik ng napiling pinakaangkop na sagot.
Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang katangian na kaaya-aya bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?
A. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.
B. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.
C. Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan ang desisyon ng nakararami.
D. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos at matatag na pamilya?
A. Pagkakaroon ng responsableng ama at mapagmahal na ina na nagsasama nang matiwasay at payapa.
B. Pagpadami ng mga anak.C. Balewalain ang karapatan ng bawat kasapi pamilya.
D. Pagbibigay ng luho sa mga anak.Ang pamilya Vergara ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at sama-sama ring nananalangin sa araw-araw. Anong katangian ang ipinapakita ng pamilyang ito na dapat tularan?
A. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.
B. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
C. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.
D. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan suporta sa bawat kasapiAng pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa ipinyon ng iba. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang ayon sa nakararami?
A. “Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?”
B. “Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig.”
C. “Sana sa susunod hindi lang parati kayo ang masusunod.”
D. “Wala na ba kayong maisip na paraan?”Bakit natin pinahahalagahan ang makakabuti para sa nakakarami?
A. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.
B. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
C. Upang maiwasan ang pagkamakasarili.
D. Lahat ng sagot ay tama.
Tayahin
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
Speech bubbles:
- Ano ang mga kaalaman mo upang makapagpasya para sa sarili mo? Patunayan
- Bakit mahalagang igalang ang pasya ng nakararami?
- Ano ang epekto ng di-pagsang-ayon sa pasya ng nakararami? Bakit?
- Ano ang tamang paraan ng pagsalungat sa opinyon ng iba? Bakit?
- Paano ka makagagawa ng tamang desisyon?
Karagdagang Gawain
Panuto: Unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang tsek (✓) kung TAMA o kung totoo ang isinasaad at ekis (✘) kung sa iyong palagay ay di totoo o MALI. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
| TAMA | MALI | |
|---|---|---|
| 1. Hindi ka sumama sa pagpunta ng buo ninyong pamilya sa Campuestuhan dahil gusto mo ay sa Boracay kayo magbabakasyon. | ||
| 2. Makinig sa opinyon ng ibang kasapi ng pamilya at isa-isahing suriin ang mga ito bago makapagdesisyon | ||
| 3. Nagkayayaan ang barkada mo sa isang sikat na kainan. Inis na inis ka dahil ayaw mo sa restawran na iyon. | ||
| 4. Ang pagpapasya ay may kaakibat na magagandang ibubunga. | ||
| 5. Bumili ka ng segunda manong cellphone kahit na tutol ang mga magulang mo. | ||
| 6. Sumang-ayon ka sa pasya ng nakararami kahit hindi mo pa nasusuri ang mga ito. | ||
| 7. Sa pagpapasya, tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pinakamabuting solusyon at pag-aralan ang maaaring kalalabasan nito. | ||
| 8. Kailangan mong magdesisyon ng may gabay ng Diyos. | ||
| 9. Kung hindi naging mabuti ang bunga ng iyong pagdedesisyon sisihin mo ang ibang tao. | ||
| 10. Ang mabuti at mapanuring pagpapasya ay maaaring humantong sa magagandang bunga. |
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the page is printed upside down, and two of the six answer-key panels are empty; the panels are listed below in upright reading order]
Subukin
- MALI
- TAMA
- TAMA
- TAMA
- MALI
- TAMA
- TAMA
- TAMA
- MALI
- TAMA
Balikan
- MASAYA
- MASAYA
- MALUNGKOT
- MALUNGKOT
- MASAYA
- MALUNGKOT
- MALUNGKOT
Isagawa
- C
- A
- C
- B
- D
Karagdagang Gawain
- ✓
- ✓
- ×
- ✓
- ×
- ×
- ✓
- ✓
- ×
- ✓
Sanggunian
https://www.slideshare.net/ErvinKristerAntallan/ang-proseso-ng-paggawa-ngmabutingpasya https://brainly.ph/question/520831#readmore
Two-friends-vector-917250
https://brainly.ph/question/520831#readmore https://clipart-library.com
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply