EsP 5 Quarter 4 Module 2: Pakikiisa sa Pagdarasal para sa Kabutihan ng Lahat

This is a self-learning module for Grade 5 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, values education), Quarter 4, Module 2: “Pakikiisa sa Pagdarasal para sa Kabutihan ng Lahat” (joining in prayer for the good of all). It was prepared by DepEd Region VIII for learning at home and was written by Juliet Lugas Lim. Learners show real love for others by praying with and for their family, friends, and community, and by caring for and helping the people around them.

What learners will learn

The module’s main objective is that learners show true love for others, such as caring about the welfare of others and of their community (“Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa kinabibilangang pamayanan”), through:

  • Pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat (joining in prayer for the good of all)
  • Pagkalinga at pagtulong sa kapwa (caring for and helping others)

Key ideas in this module

Why prayer matters

The module opens with the hardships of the COVID-19 pandemic. It explains that many people turn to prayer to ease what they are going through. Praying together is described as one of the good Filipino customs.

The reading in the Suriin part makes these points:

  • Being prayerful (“pagiging madasalin”) is part of Filipino culture. People are close to God even though they follow different religions.
  • Prayer shows deep faith in God. It gives hope and lightens the feelings of those who pray.
  • People often pray for the good of all. They also pray for safety from accidents, for peace in their community, and for protection from illness such as COVID-19.
  • Since we are all created by God, we should love one another as one family. No one lives only for himself or herself.
  • The simplest thing a young learner can do for others is to pray for them with all their heart.

Praying for others, not only for yourself

The activities help learners tell real “pakikiisa sa pagdarasal” (joining in prayer) apart from habits that do not show it. The module’s own examples include:

  • Shows it: joining the family prayer, praying for other people’s health, and including community leaders in prayers. Praying every day and respecting a friend of another religion also count.
  • Does not show it: sleeping in church during worship, or praying only for your own family. Telling others about the prayers you said for someone, or not caring about praying for others, also does not count.

The story examples follow the same idea. Angelo prays with a sick friend for his recovery. Inay Caridad prays for a neighbor who lost work during the pandemic. Raquel prays for families who suffered from typhoons. These show the value. Mario prays only for his own safety, and Gretel prays only for things she wants to buy. These do not.

The assessment applies this to real situations. Learners choose what to pray for a nurse doing contact tracing, a parent who is a frontliner, a friend who is sick, or a friend who lost a parent. The right answers focus on health, safety, comfort, and friendship, not money or material things. One item shows a Muslim boy and a Christian boy who stay close friends and pray that their friendship grows stronger.

Parts of the module

PartWhat the learner does
AlaminReads the introduction and objectives
Subukin (pretest)Writes WASTO (correct) or DI-WASTO (not correct) for 10 statements about joining in prayer
Balikan (review)Marks five pictures with a check or an X for whether they show love for others, and explains each answer
TuklasinReads the poem “Ang Aking Panalangin” (my prayer) and answers five questions
SuriinReads a short essay on why prayer is important
PagyamaninColors a circle red or yellow for five short situations
IsaisipLists five things to pray for on behalf of others
IsagawaWrites short prayers for a friend, for a mother and older sister, and for the barangay
Tayahin (assessment)Answers a 10-item multiple-choice test
Karagdagang GawainWrites an original prayer for oneself, others, and the community

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest to see what you already know, then work through each part in order. Write all answers on a separate answer sheet. Do not write on the module, so that other learners can use it. Contact your teacher if any part is hard to understand.
  • Parents and guardians: Guide your child through the activities and check answers with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end. The module asks everyone to use the key honestly.
  • Teachers: The Karagdagang Gawain prayer is scored with a rubric on three criteria. These are content (whether the prayer includes self, others, and community), word choice, and language use (spelling and punctuation). Each criterion is scored at 5, 3, or 1 point. Many items, such as the poem questions, Isaisip, and Isagawa, have open answers.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 5 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 4, Module 2. It was published as a first edition in 2020 by DepEd Region VIII.

What does Pakikiisa sa Pagdarasal para sa Kabutihan ng Lahat mean?

It means joining in prayer for the good of all. The module teaches learners to pray not only for themselves but also for their family, friends, and community, and to care for and help others.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, Pagyamanin, and the 10-item Tayahin assessment. Many other items have open answers.

How is the final prayer-writing activity graded?

The Karagdagang Gawain is scored with a rubric on content, word choice, and language use. Each criterion earns 5, 3, or 1 point.

Can learners write their answers in the module?

No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use a separate answer sheet, so others can use it later.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pakikiisa sa Pagdarasal para sa Kabutihan ng Lahat

5

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pakikiisa sa Pagdarasal para sa Kabutihan ng Lahat

[illustration: teachers and students at a desk, outdoors under a tree, reading, and with a globe]

CO_Q4_EsP 5_ Modyul 2

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pakikiisa sa Pagdarasal para sa Kabutihan ng Lahat Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Juliet Lugas Lim Editor: David C. Alcober Tagasuri: Josefina E. Tanciongco; Renante Delima Tagaguhit: Crisanto L. Lopera; Lemuel Valle Jr.; Jingerlou D. Inot Tagalapat: Gualberto Gualberto Jr. Tagapamahala: Ramir B. Uytico; Rosemarie M. Guino; Joy B. Bihag; Ryan R. Tiu; Amenia C. Aspa; Mariza S. Magan; Mark Chester Anthony G. Tamayo; Gretel Laura M. Cadiong; Ranulfo L. Baay; Juliet L. Lim

Inilimbag sa Pilipinas ng ______________________

Department of Education – Region No. VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832 – 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pakikiisa sa Pagdarasal para sa Kabutihan ng Lahat

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

CO_Q4_EsP 5_ Modyul 2

Alamin

Ngayong panahon ng pandemya, nararanasan ng mga tao ang mga kakaibang pagsubok na kinakailangan niyang malampasan. Sa pagharap sa mga pagsubok na ito, ang pagdarasal na itinuturing na isa sa mga tao para mabawasan ang nadaramang kahirapan. Ang pagkakaisa at sama–samang pagdarasal ay isa sa mga magagandang kaugaliang Pilipino na ginagawa upang makaiwas sa kahit na anong sakuna o pandemyang kinakaharap tulad ng COVID-19.

Ang sumusunod na mga layunin ay tatalakayin sa modyul na ito:

Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa kinabibilangang pamayanan

  • pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
  • pagkalinga at pagtulong sa kapwa

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang WASTO kung ang isinasaad ng pangungusap ay nagpapakita ng pakikiisa sa pagdarasal at DI-WASTO kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

___________1. Sumasali sa pagdarasal ng pamilya. ___________2. Natutulog sa loob ng simbahan sa tuwing dumadalo sa gawaing pagsamba. ___________3. Ipinapanalangin ang kalusugan ng ibang tao. ___________4. Palaging sinasama sa pagdarasal ang mga pinuno ng komunidad. ___________5. Hindi pakikialam sa anomang nangyayari sa loob ng tahanan. ___________6. Ipinapaalam sa iba ang ginawang pagdarasal para sa ibang tao. ___________7. Ipinagdarasal ang mga miyembro ng pamilya lamang. ___________8. Sinasanay ang sarili na magdasal araw-araw. ___________9. Iginagalang ang pamamaraan ng kaibigan na may kaiba ng relihiyon.

__________10. Hindi binibigyang halaga ang pagdarasal para sa ibang tao.

Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang larawang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at ekis (x) naman kung hindi. Ipaliwanag ang bawat sagot.

_____1. [illustration: girl covering her ears while a boy holds a bowl] _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________

_____2. [illustration: man at a desk attending to a seated woman] _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________

_____3. [illustration: two girls hugging] _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________

_____4. [illustration: child covering mouth while coughing] _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________

_____5. [illustration: boy washing his hands at a basin] _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________

Tuklasin

Panuto: Basahin at intindihin nang mabuti ang tula at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ang Aking Panalangin

Orihinal na sulat ni: Juliet Lugas Lim, 2021

Panalangin ko sa Diyos buhay mo ay pagpalain, Sa araw-araw ikaw ay Kanyang gabayan, At maging matibay sa bawat laban ng buhay, Walang humpay na tagumpay ang aking alay.

Ang pandemyang Covid-19 ay sadyang takot ang dala sa atin, Lahat ng hindi maganda ay naiisip na sadya, Ngunit aking inaalala ang Diyos na mapagpala, Kahit tayo’y nawawalan ng pag-asa lagi Siyang handa.

Sa oras na sa akala natin na tayo ay kinalimutan na, Biglang kong naiisip ang Diyos ay mapagpala at mapagmahal pala, Ang tangi Niyang hiling ay ang aking panalangin, Kasama ka sa aking munting hiling.

Sa aking murang isip wala akong kayang gawin, Na makakatulong kundi ang aking panalangin, Na sa bawat hambalos ng buhay sa atin, Kalakasan Niya ang ating sandigan.

Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

  1. Ano ang mensahe ng tula?
  2. Batay sa tula, ano ang naging epekto sa atin ng pandemya?
  3. Mahalaga ba ang pananalangin? Bakit?
  4. Ano ang maganda dulot ng pagdarasal para sa sarili, pamilya at kapwa?
  5. Sa tuwing ikaw ay nagdarasal, ano ang mga ipinagdarasal mo?

Suriin

Basahin ang sanaysay.

Isa sa kulturang Pilipino ang pagiging madasalin. Kahit na may pagkakaiba-iba tayo sa relihiyon, bukod tangi ang pagiging malapit sa Diyos. Ang kaugaliang ito ay nagpapatibay sa atin sa bawat laban ng buhay. Mas nagiging matatag ang pananalig na may Diyos na nagbabantay sa lahat ng mga nangyayari.

Mahalaga ang pagdarasal sapagkat ipinakikita nito ang taimtim na pananampalataya sa Diyos. Ito rin ay nagbibigay ng pag-asa at nakapagpapagaan ng damdamin ng sinomang nananalig at nagdarasal.

Ang Diyos ay maawain at mapagmahal kaya hindi nito pababayaan ang kanyang mga anak na masaktan o maghirap. Kaya, sinumang lumalapit sa Kanya sa pamamagitan ng pagdarasal ay Kanyang pinakikinggan. Ilan sa kadalasan nating ipinagdarasal ay ang kabutihan ng lahat. Kabilang din sa ating mga panalangin ay ang kaligtasan laban sa anomang insidente o pangyayari, katiwasayan ng ating kumunidad at proteksiyon laban sa sakit tulad ng COVID-19.

Dahil sa paniniwalang lahat tayo ay nilalang ng Diyos, marapat lamang na tayo ay magmahalan bilang iisang pamilya. Isang pamilya na nagmamalasakit sa kapamilya, nagmamahal sa kapwa, at nagbibigay ng pag-asa sa pagharap sa mga suliranin sa buhay ng isa’t isa. Walang taong nabubuhay para sa sarili lamang. Ang bawat isa ay nabubuhay para sa kanyang kapwa. Kaya’t maituturing na isa sa mga nagungunang dahilan kung bakit tayo nabubuhay ay para maglingkod sa Diyos at kapwa tao. At ang pinaka simpling bagay na ating magagawa para sa ating kapwa ay ang ipanalangin sila nang buong puso at paniniwala na ang Diyos ay ang may gabay sa lahat.

Pagyamanin

Panuto: Kulayan ang bilog ng pula kung ang ipinapakita ay pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat at dilaw kung hindi. Ilagay ang mga sagot sa iyong sagutang papel.

[transcriber’s note: each numbered item has an empty circle beside it for the learner to color]

  1. Nagpunta si Angelo sa bahay ng kaibigan na may sakit. Pagkatapos nilang magkwentuhan ay nanalangin sila para sa kagalingan ng kaniyang kaibigan.
  2. Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, nagpunta sa simbahan si Mario at ipinagdasal ang kaniyang sariling kaligtasan lamang.
  3. Sa bawat paghahanda ng pagkain ni Inay Caridad ay nagpapasalamat siya sa lahat ng biyayang natatamasa. Pinapanalangin din niya ang kanilang kabitbahay na walang trabaho dahil sa pandemyang COVID-19.
  4. Tuwing gabi, tinatawag ni Nanay Jessica ang kanyang anak na si Gretel para sumali sa kanilang oras ng panalangin. Habang nananalangin, ang tanging sinasambit ni Gretel ay mga bagay na kaniyang gustong bilhin.
  5. Mahilig magsulat si Raquel ng kaniyang gustong ipagdasal sa Diyos. Isa sa kaniyang panalangin ang kasaganahan ng bawat taong nakaranas ng kahirapan dahil sa mga bagyong dumating sa bansa.

Isaisip

Maliban sa mga nabanggit na sitwasyon, sa iyong murang edad ano ang iyong dalangin para sa iyong kapwa tao? Magtala ng limang bagay na nais mong ipagdasal para sa iyong kapwa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

a. _____ b. _____ c. _____ d. _____ e. _____

Isagawa

Panuto: Tingnang mabuti ang bawat larawan at sumulat ng munting dasal. Isulat ang iyong dasal sa iyong sagutang papel.

  1. [illustration: girl singing into a microphone]


    Ang aking panalangin para sa aking kaibigan na si Lolit:





    _____ Amen.


  2. [illustration: woman and a girl standing beside trees]


    Ang aking panalangin para ky Nanay at Ate:





    _____ Amen.


  3. [illustration: village with houses and mountains]


    Ang aking Panalangin para sa aming Barangay:






    _____ Amen.


Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Sa iyong edad alin sa sumusunod ang maaari mong magandang magawa sa kapwa?
    a. Isali sa mga dalangin para sa kanilang kabutihan.
    b. Laging pag uusapan ang kanilang kahinaan.
    c. Pagpapatayo ng charity sa iyong murang edad.
    d. Bigyan sila ng pagkain araw-araw.


  2. Si Rizza ay isang nurse sa Tacloban City Division. Siya ang naatasan para sa Contact Tracing. Ano ang ating ipapanalangin pasa sa kanya?
    a. Magkaroon siya ng maraming kaibigan na nagka covid.
    b. Bigyan siya ng malusog na pangangatawan at ilayo siya sa kapahamakan.
    c. Makabili siya ng mga bagay na kanyang minimithi.
    d. Wala sa nabanggit


  3. Ang iyong ama ay isang frontliner. Ano ang iyong sasambiting panalangin para sa kanya?
    a. Ilayo siya sa sakit.
    b. Bigyan siya ng maraming salapi.
    c. Bigyan siya ng bagong damit at mga materyal na bagay.
    d. Magkaroon siya ng bagong bahay at magandang sasakyan.


  4. Si Ronnel ay isang Muslim at ang kaniyang kaibigan na si Noel ay isang Kristiyano. Kahit magkaiba man sila ng paniniwala ay matalik pa rin silang magkaibigan. Ano kaya ang kanilang panalangin para sa sa isa’t isa?
    a. Maging matibay pa ang kanilang pagkakaibigan.
    b. Magkaroon sila ng mga laruang gustong gusto nila
    c. Mag-away sila dahil magkaiba ang kanilang relihiyon.
    d. Maging mayaman sila pareho.


  5. Ano ang iyong mararamdaman sa tuwing pinapanalangin mo ang iyong kapwa?
    a. malulungkot
    b. masaya
    c. manghihinayang
    d. Maiinis


  6. Ang iyong kaibigan ay may sakit. Ano ang iyong gagawin para makatulong sa kanya?
    a. Bigyan siya ng mamahaling gamit.
    b. Aayain siyang makipaglaro sa palaruan.
    c. Pababayaan na lamang siyang gumaling mag-isa.
    d. Palagi siyang isasali sa aking mga panalangin para sa kanyang kagalingan.


  7. Malaki ang naitulong sa iyo ng iyong mga kaibigan ng magkasakit ang iyong ama. Hindi mo inaasahan na nagkaisa silang tulungan ang iyong ina sa lahat ng gastusin sa ospital? Bilang ganti ano ang iyong gagawin?
    a. Kalimutan ang mga kaibigan.
    b. Magtsismis tungkol sa kanilang nagawa sa iyo.
    c. Magpasalamat ng buong puso at ipanalangin ang kanilang kabutihang ginawa.
    d. Wala ka lang gagawin dahil hindi ka naman humingi ng tulong at sila ang kusang tumulong.


  8. May lumapit sa iyo na isang matandang pulubi at humihingi siya ng pera pero wala kang maibigay. Ano ang iyong gagawin?
    a. Sisigawaan ang matanda.
    b. Hindi kikibuin ang matanda.
    c. Tatakbo at lalayo sa matanda.
    d. Sasabihin na wala kang pera at magsambit ng panalangin.


  9. Naulila ang iyong kaibigan. Ano ang nararapat mong gawin?
    a. Walang nararapat gawin sa ganitong pagkakataon.
    b. Ipamukha sakanya na nawalan siya ng magulang.
    c. Hindi dadalaw at hayaan na lang siyang magluksa mag-isa.
    d. Mag-aalay ng dasal para sa buong pamilya at makikidalamhati.


  10. Sa paglipas ng ilang buwan mula ng magkaroon ng pandemyang COVID- 19, naramdaman mong mas naging mahirap para sa iyong pamilya ang sitwasyon. Bilang isang mag-aaral sa ikalimang baitang, alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin para makatulong ka sa iyong pamilya?
    a. Maglalaro ng iba’t ibang applications sa cellphone.
    b. Matutulog lang at walang gagawin sa bahay dahil bata ka pa.
    c. Manonood buong araw ng iba’t ibang videos sa TikTok at YouTube.
    d. Palaging magdarasal para malampasan ng iyong pamilya ang inyong nararanasang kahirapan.


Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng sariling panalangin para sa sarili, kapwa at pamayanan. Isulat ito sa iyong sagutang papel.














PAMANTAYANNAPAKAHUSAY 5 ptsMAHUSAY 3 ptsKAILANGANG PAGHUSAYAN 1 pt
NILALAMANNaisama sa panalangin ang sarili, kapwa, at pamayanan.Naisama sa panalangin ang dalawa sa tatlong nabanggit: sarili, kapwa, at pamayananIsa lamang mula sa sarili, kapwa, at pamayanan ang nabanggit sa panalangin.
PAGKAKABUOAngkop at wasto ang mga salitang ginamit sa panalangin.May iilang salitang ginamit na hindi angkop at wasto sa panalangin.Walang kaugnayan at hindi wasto ang mga ginamit na salita sa panalangin.
PAGGAMIT NG WIKAMahusay ang paggamit sa wika, walang mali sa baybay at gamit ng bantas.May maayos na paggamit sa wika ngunit may 1-2 lamang na mali sa mga pangugungusap, baybay at gamit ng bantas.Nangangailangan ng pagsasaayos sa mga ng pangungusap, baybay at gamit ng bantas.

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. wasto
  2. di-wasto
  3. wasto
  4. wasto
  5. di-wasto
  6. di-wasto
  7. di-wasto
  8. wasto
  9. wasto
  10. di-wasto
Balikan
  1. X
  2. √
  3. √
  4. √
  5. √
Tuklasin

A. (maaaring magkakaiba ang sagot)

  1. Ang panalangin sa diyos (maaaring magkakaiba ang sagot)
  2. Juliet Lugas Lim
  3. Covid 19
  4. (maaaring magkakaiba ang sagot)

B. (maaaring magkakaiba ang sagot)

Suriin
  1. Pagiging madasalin
  2. Pag-alay ng panalangin
  3. (maaring magkaiba ang sagot)
  4. (maaring magkaiba ang sagot)
  5. (maaring magkaiba ang sagot)
Pagyamanin
  1. Pula
  2. Dilaw
  3. Pula
  4. Dilaw
  5. Pula
Isaisip

Maaring magkakaiba ang sagot

Isagawa
  1. a
  2. d
  3. d
Tayahin
  1. A
  2. B
  3. A
  4. A
  5. B
  6. D
  7. C
  8. D
  9. D
  10. D

Sanggunian

K to 12 Curriculum Guide 2016 in Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 5. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/ESP-CG.pdf. (n.d.). p.79

Region Item Bank for Grade 5

Tacloban City Division Contextualized Lesson Plan

Ylarde, Zenaida R. (2016). Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon, Quezon City, Vibal Group, Inc. 2016

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resource Ground Floor, Bonifacio Building, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax. Nos.: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *