This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 10 self-learning module for Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 9: “Dignidad: Batayan ng Pagkabukod-tangi ng Tao” (dignity: the basis of the uniqueness of the human person). It was prepared by DepEd Cordillera Administrative Region (SDO Benguet) for Grade 10 learners studying at home through Alternative Delivery Mode. After working through it, learners should be able to explain why every person has dignity and show respect for that dignity in real actions, especially toward people who think little of themselves.
What learners will learn
The module lists two learning competencies:
- Prove that human dignity rests on a person’s uniqueness (no one is ever repeated in history) and on being made in the image of God (having intellect and will). (EsP10MP-Ig-4.3)
- Do fitting actions that show a person who sees himself or herself as lowly that he or she is unique because of the dignity every human being has. (EsP10MP-1g-4.4)
The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module.
Key ideas: what dignity means
The Suriin (discussion) part teaches that, as a creation of God, every person has natural dignity. This dignity shows that each person is different and uniquely made. The module describes dignity as inviolable (it cannot be violated) and inalienable (it cannot be taken away or denied).
Three obligations based on dignity
Citing Professor Patrick Lee, the module explains that dignity is why every person has these duties:
- Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa (respect your own life and the life of others). Even in poverty, a person does not sell his or her body or steal, since these lower one’s own dignity. Other people must never be used for your own benefit.
- Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos (think of others’ welfare before acting). Like the elders’ advice to think ten times before speaking or acting, ask how your action will affect others.
- Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo (treat others the way you want to be treated). Whatever you do to others, you also do to yourself.
Recognizing and valuing a person’s dignity
- Value the person as a person. A person is not a thing or a tool for getting what you want, and is not valued only for useful traits. Dignity is not lost with old age, lack of schooling, youth, or a special condition.
- Respect is given as long as the person lives. Keep seeking what is good for others. The module stresses that the human person is the most unique of all God’s creations.
The process of renewal that uplifts dignity
The module says that caring for human dignity should be a permanent part of how we relate to others. It is a lifelong process of strengthening moral firmness toward the ultimate good, in three steps:
- Pagtanggap sa Sariling Limitasyon (accepting your own limitations): the foundation of any change, because once you accept your faults you can plan how to grow.
- Pagtawag sa Isang Moral na Tagapayo (calling on a moral guide): God is our shepherd and the healer of our faults and sins.
- Pagsasabuhay at Pagkakaroon ng Panghabambuhay na Paninindigan sa Kabutihan (living out a lifelong commitment to goodness): the most important step, which needs courage and a firm will for good.
It adds practical guides for living with honor: practice goodness, do not repay evil with evil, avoid causing others to sin, manage your limitations (especially love of money, vices, and luxuries), and respect others’ dignity in simple but meaningful ways.
Activities in the module
| Part | Activity |
|---|---|
| Subukin | 15-item pretest (true or false with K/O, then multiple choice) |
| Balikan | Write a Bible verse that guides the keeping of dignity and explain it |
| Tuklasin | Gawain 1: “I Am Lovable and Capable” (IALAC) chart about your name, liked traits, skills, and disliked habits |
| Pagyamanin | Gawain 2: analyze a poem by Lorna B. Castillo on why money is not the measure of a person; Gawain 3: write ways to respect dignity around a human outline |
| Isaisip | Gawain 4: fill-in-the-blank paragraph using a word bank |
| Isagawa | Gawain 5: a one-week family campaign with three slogans posted at home, with photos as proof (30 points: content, creativity, documentation) |
| Tayahin | 15-item post-test |
| Karagdagang Gawain | Write a five-line poem following a set pattern (30 points) |
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest, then go through the parts in order. Write all answers on separate paper and do not write on the module, so others can use it. Check your work honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and contact your teacher if a lesson is unclear.
- Parents and guardians: The Isagawa task is a family campaign, so help your child post the slogans at home and take photos safely. Encourage honest use of the answer key.
- Teachers: The Isagawa and Karagdagang Gawain tasks come with printed scoring criteria worth 30 points each, which you can use for grading performance outputs.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 10 Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 9.
What does the module say human dignity is based on?
It teaches that dignity rests on each person’s uniqueness, since no one is repeated in history, and on being made in God’s image, with intellect and will.
What are the three obligations based on dignity?
Respect your own life and the life of others, consider others’ welfare before acting, and treat others the way you want to be treated.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin pretest and the Tayahin post-test.
What is the Isagawa performance task?
Learners run a one-week family campaign on respecting human dignity by making three slogans, posting them at home, and attaching photos as proof. It is scored on content, creativity, and documentation for 30 points.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
CO_Q1_ESP10_Module9
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 9: Dignidad: Batayan ng Pagkabukod-tangi ng Tao
[illustration: students studying outdoors under a tree and a teacher helping a student at a desk, with a globe and a lamp; ADM (Alternative Delivery Mode) logo below]
10
CO_Q1_ESP10_Module9
Copyright and Development Team
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 9: Dignidad: Batayan ng Pagkabukod-tangi ng Tao Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet Telefax: (074) – 422 – 4074 E-mail Address: car@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mariliese C.Yangken Editor: Annie Rose B. Cayasen, Ed.D – Regional EPS – EsP Tagasuri: Erlinda C. Quinuan – Division EPS – EsP Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: May B. Eclar, Ph.D. CESO V – Regional Director Benilda M. Daytaca,EdD, CESO VI – OIC-SDS-SDO Benguet Carmel F. Meris – Chief Education Supervisor CLMD Ethielyn Taqued – Regional EPS – LRMDS Edgar Madlaing – Regional EPS – AP/ADM Focal Person Rizalyn A. Guznian, Ed.D. – Chief Education Supervisor CID Sonia D. Dupagan, Ed.D. – Division EPS LRMDS Vicenta C. Danigos – Principal I of LRMS Name of Division ADM Coordinator
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 9: Dignidad: Batayan ng Pagkabukod-tangi ng Tao
10
[illustration: cover page with large number 10 and the DepEd logo]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
ii
Alamin
[illustration: hand with index finger pointing, icon beside the part title]
Marahil ay naging malinaw sa iyo ang mga natatanging katangian ng tao. Ipinahihiwatig nito sa atin na ang lahat ng tao ay nilikha ng Diyos ayong sa Kanyang wangis at nakatatanggap nang pagtingin at pagmamahal mula sa Kaniya. Walang sinoman ang maaaring mag-alinlangan ditto. Ngunit ganito rin ba ang turing sa ating kapwa? Ikaw ba ay masasabing may paggalang sadignidad ng iyong kapwa?
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
- Napatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang pagkabukod-tangi (hindi siya nauulit sa kasaysayan) at sa pagkawangis niya sa Diyos (may isip at kalooban). (EsP10MP-Ig-4.3)
- Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao. (EsP10MP-1g-4.4)
Subukin
Panuto: Bago mo simulan ang mga gawain sa modyul, basahin at suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang “K” kapag totoo ang diwa ng pangungusap, isulat naman ang “O” kapag ang diwa nito ay hindi totoo. Isulat ang sagot sa inyong papel.
- Dahil sa dignidad, naiiba at natatanging nilikha ng Diyos.
- Ang kapwa ay dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan.
- Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
- Lahat ng tao anuman ang katayuan ay nararapat na igalang.
- Ang tao ang pinakabubukod tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos.
Aralin 1: Dignidad: Batayan ng Pagkabukod-tangi ng Tao
- Ang pinakamahalagang layunin ng lipunan ay ang pagpapanatili, pagpapaunlad at paglinang ng tao.
- Punahin ang dumi ng ating kapwa bago punasan ang ating sariling dungis.
- Ang pagiging tagapag-alaga ng dignidad ng tao ay dapat maging permanenting bahagi ng ating pakikipagkapwa-tao.
- Kailangan ang tibay ng loob at tatag ng kalooban sa kabutihan.
- Ang pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay hindi panghabambuhay na proseso.
Sa bilang na 11-15, basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang titik ng inyong sagot sa inyong papel.
Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
a. Respetohin ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Isa-isip ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalagaSino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking pera bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa.Ang mga pahayag ay mga obligasyon ng bawat tao upang mapangalagaan ang dignidad maliban sa isa?
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Gamitin ang kapwa para sa kapakinabangan ng sarili.
c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo.Ang mga sumusunod ay mga hakbangin tungo sa panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan maliban sa isa?
a. Pagtanggap sa anumang puna ng ibang tao.
b. Pagtanggap sa sariling limitasyon.
c. Pagtawag sa isang moral na tagapayo.
d. Pagsasabuhay ng panghabambuhay na paninindigan sa kabutihan.
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece, icon beside the part title]
Sa nakaraang aralin, napag-aralan natin na ang lahat ng tao ay may taglay na dignidad. Sa musmos mong gulang, linangin mo ang iyong talino at galing para sa isang magandang kinabukasan. Mag-isip ka ng mga hakbang na makabubuti sa iyo at italaga sa tadhana ang iyong mga pagsisikap. Ipanalangin mong mabuhay ka bilang nilalang na iginagalang at minamahal, dahil pinapangalagaan mo ang iyong dignidad at pagkatao higit sa lahat.
Panuto: Sa loob ng kahon, magsulat ng isang ginintuang butil mula sa Bibliya na gabay sa pagpapabuti at pagpapanatili ng dignidad at karangalan ng tao na siyang nagpapatatag ng moral ng isang tao.
[blank box for the answer]
Ano ang kahulugan ng inyong isinulat na ginintuang butil?
Tuklasin
[illustration: hand holding a sprouting plant, icon beside the part title]
Gawain I. I Am Lovable and Capable
Panuto: Sa gawain na ito, punan ng mga kasagutan ang hinihingi ng bawat kahon. Sagutin nang buong katapatan.
IALAC (I Am Lovable and Capable)
[chart: diagram; IALAC (I Am Lovable and Capable)]
| Section | Prompt |
|---|---|
| Top left | Iprinta ang inyong pangalan |
| Top right | Itala ang mga katangiang mayroon ka na gustong gusto ng mga tao sa iyo |
| Center | I Am Lovable & Capable |
| Bottom left | Ilista dito ang mga bagay na kaya mong gawin |
| Bottom right | Ilista naman ang mga ugali mo na ayaw ng ibang tao |
Sa puntong ito, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong papel.
Ano ang naramdaman mo habang isinasagawa sa gawain? Bakit?
Ano ang inyong natutunan sa gawain?
Sa kabuuan, ano ang naiwang aral mula sa gawain?
4
CO_Q1_ESP10_Module9
Suriin
I. Dignidad: Batayan ng Pagkabukod-tangi ng Tao
- ✓ Bilang nilikha ng Diyos, ang tao ay may likas na dignidad.
- ✓ Nagpapatotoo na ang tao ay naiiba at natatanging nilikha ng Diyos.
- ✓ Ang dignidad ay hindi nalalabag (inviolable), nakukuha, maaagaw o maipagkakait (inalienable).
- ✓ Ang dignidad ay hindi ang pagkakaroon ng maayos na hanapbuhay ng hindi makakasakit ng iba, na kahit na maliit ay nakapagpapabuhay mula sa mga perang nakukuha mula sa mabuting paraan.
Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang sumusunod:
Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. Halimbawa, sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi gagawin ng isang tao ang magbenta ng sariling laman o magnakaw na nagpapababa ng sariling pagkatao. Sa kabilang dako, kailangan mong tandaan na ang iyong kapwa ay hindi dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan.
Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. Karaniwang naririnig mula sa matatanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay makasampu mo muna itong isipin. Ano ang magiging epekto sa iba ang iyong gagawin? Nararapat ko ba itong gawin o hindi na?
Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo. Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay na anumang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Ang paggalang sa karapatan ng iyong kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan, katotohanan ay ilan lamang sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan.
Ang Pagkilala at Pagpapahalaga sa Dignidad ng Isang Tao
Pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari. Lalong hindi dahil siya ay nagtataglay ng mga katangiang mapakikinabangan. Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kanyang dangal dahil sa pagtanda. At lalo’t higit hindi sila katulad ng isang bagay na basta na lamang itatapon at isasantabi kung luma na at wala nang pakinabang. Wala man siyang tinapos na kurso, siya man ay bata o matanda o may espesyal na kondisyon, ay nararapat na igalang.
Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay. Dapat ay patuloy mong isinasaalang-alang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong kapwa. Ang tao ang pinakabubukod tangi sa lahat nilikha ng Diyos.
II. Ang Proseso ng Pagpapanibagong Anyo Para sa Pagtataas ng Dignidad ng Tao
Ang pagiging tagapag-alaga ng dignidad ng tao ay dapat maging permanenteng bahagi ng ating pakikipagkapwa-tao. Ito rin ay isang panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan. Ito ay may tatlong hakbangin:
[chart: flowchart; untitled three-step process with arrows linking the steps downward]
- Pagtanggap sa Sariling Limitasyon. Ito ang pinakabatayan ng anumang proseso ng pagbabagong anyo at pagpapatibay ng katatagang moral. Kapag natanggap mo ang mga pansariling katiwalian at limitasyon, ikaw ay nakapagsisimulang makapagbalangkas ng mga plano para sa pagpapatibay ng iyong katatagang moral.
- Pagtawag sa Isang Moral na Tagapayo. Tandaan natin na ang Diyos ang ating pastol at siya ang Tagapagpagaling sa mga pansarili nating katiwalian at kasalanan.
- Pagsasabuhay at Pagkakaroon ng Panghabambuhay na Paninindigan sa Kabutihan. Ito ay pinakamahalagang hakbangin na dapat isagawa. Ang kailangan lamang natin ay tibay ng loob at tatag ng kalooban sa kabutihan. Kapag matatatag ang ating paninindigan sa kabutihan at pananampalataya sa Diyos, magkakaroon tayo ng matibay na sandata laban sa anumang masasamang epekto ng mga pambansang pangyayari.
Sikaping mabuhay nang may dangal at iwaksi sa kalooban ang kasamaan sa pamamagitan ng ilang mga gabay sa pamumuhay tulad ng mga sumusunod:
- Sikaping isabuhay ang kabutihan.
- Huwag gantihan ang masama sa masama.
- Iwasang maging sanhi o instrumento ng pagkakasala ng iyong kapwa.
- Pangasiwaang mabuti ang iyong mga limitasyon lalung-lalo na ang pagkakaroon ng pagmamahal sa mga material na bagay tulad ng salapi. bisyo, layaw at luho ng katawan.
- Igalang ang karangalan at dignidad ng tao sa pamamagitan ng mga simple ngunit makabuluhang pamamaraan.
Pagyamanin
Gawain 2. Tula ng May-akda, Suriin Mo nang Matama
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tula. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
[illustration: hand stacking blocks, decorative section icon]
Sa aking musmos na isipan
Isang bagay ang aking natutuhan.
Ang tunay at dapat na sukatan
Ay di pera ang dapat batayan.
Ako ay may natuklasan
Pagkatao natin ay di dapat tingnan,
Sa dami ng salapi o karangyaan
Sukatan nito’y ating karangalan.
Sa paglalakbay natin sa mundong ito,
Tiyaking sa bawat araw na narito
Walang nalalamangan o naapi tayo,
Dulot nati’y pag-ibig kahit kanino.
Lorna B.Castillo
“Ang tunay at dapat na sukatan, ay di pera ang dapat batayan” Ano ang kahulugan nito?
Batay sa ikalawang saknong, ano ang tunay at dapat na sukatan ng pagkatao ng isang tao? Ano ang ibig sabihin nito?
Ano ang paalaala ng may-akda sa bawat araw na paglalakbay natin sa mundong ito?
Gawain 3. Paggalang sa Dignidad, Ipakita Mo!
Panuto: Sa palibot ng guhit tao, magsulat ng mga pamamaraan kung paano maipapakita ang paggalang sa dignidad sa kapwa tao.
[illustration: outline figure of a standing person (guhit tao) with blank lines around it]
Nahirapan ka bang isulat ang mga pamamaraan kung paano maipapakita ang paggalang sa dignidad ng kapwa? Bakit?
Sa kabuuan, bakit mahalaga ang paggalang sa dignidad ng kapwa tao?
Isaisip
Nakalilibang magbasa hindi ba? Higit sa lahat, lumalawak ang iyong kaalaman lalong-lalo na tungkol sa dignidad.
Gawain 4. Buuin Mo, Aral na Natutunan Mo
Panuto: Ngayon naman, basahin ang talata at buuin ang kaisipan nito. Pumili ng angkop na salita sa kahon at punan ang patlang upang mabuo ang talata.
[transcriber’s note: the following words are printed in a box as the word bank] sanhi o instrumento · dignidad · karangalan at dignidad · masama · limitasyon · kabutihan
Wika ng Banal na Kasulatan, “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa inyong sarili.” Nangangahulugan ito ng pagkilala _____ na taglay ng lahat ng tao. Nauunawaan ko kaya? Paano ko nga kaya magagawa ito?
Alam ko na. Dapat sikaping isabuhay ang _____. Huwag gantihan ng masama ang _____. Iwasang maging _____ ng pagkakasala ng inyong kapwa. Pangasiwaang mabuti ang inyong mga _____ lalung lalo na ang pagkakaroon ng pagmamahal sa mga material na bagay. Igalang ang _____ ng tao sa pamamagitan ng mga simple ngunit makabuluhang pamamaraan.
Sa lahat ng aking gagawin, hihingi ko ang patnubay at pagpapala ng Lumikha tulad ng nakagisnan nating ginagawa ng ating mga ninuno.
Isagawa
Gawain 5. Isang Kampanyang Pampamilya, Iyong Isagawa
Panuto: Sa inyong bahay, magsagawa ng isang kampanyang pampamilya hinggil sa pagrespeto sa dignidad ng tao. Bumuo ng tatlong slogan o mga kasabihan na nagpapaalala sa lahat kung gaano kahalaga ang pagrespeto. Ipaskil ito sa mga parte na bahay na makikita ng mga kapamilya. Lakipan ng mga larawan bilang patunay sa isinagawang kampanyang pampamilya. Gawin ito na may kasamang pag-iingat.
Gawin gabay ang nasa ibaba:
| Obligasyon | Mga Gawain |
|---|---|
| Goal (Layunin) | Magsagawa ng kampanyang pampamilya hinggil sa pagrespeto sa dignidad ng tao. Bumuo ng mga slogan o kasabihan na nagpapaalala sa lahat kung gaano kahalaga ang pagrespeto. Ipaskil ito sa mga parte ng bahay na makikita ng mga kapamilya. |
| Role (Mga Gampanin) | Ikaw ay naatasan na magsagawa ng kampanyang pampamilya hinggil sa pagrespeto sa dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagpaskil ng mga naiprintang slogan o kasabihan. |
| Audience (Mga Taong kalahok) | Mga miyembro ng pamilya |
| Situation (Sitwasyon) | Isang Linggong kampanyang pampamilya bilang pangwakas na gawain sa paksang “Dignidad” |
| Performance Challege (Hamon) | Hinihikayat kayo na bubuo ng mga kasabihan o slogan na kaaya-aya, malikhain, malinis at punong-puno ng mga aral hinggil sa pagrespeto sa dignidad. |
| Standards (kriterya) | Kriterya para sa nabuong slogan o kasabihan: Nilalaman- 10 puntos Pagkamalikhain – 10 puntos Dokumentasyon- 10 puntos 30 puntos |
Tayahin
Panuto: Sa bilang na 1-5, basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang titik ng inyong sagot sa inyong papel.
Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalagaSino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na
b. Isang pilantropong lagging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa.Ang mga pahayag ay mga obligasyon ng bawat tao upang mapangalagaan ang dignidad maliban sa isa?
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Gamitin ang kapwa para sa kapakinabangan ng sarili.
c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo.Ang mga sumusunod ay may hakbangin tungo sa panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan maliban sa isa?
a. Pagtanggap sa anumang puna ng ibang tao.
b. Pagtanggap sa sariling limitasyon.
c. Pagtawag sa isang moral na tagapayo.
d. Pagsasabuhay ng panghabambuhay na paninindigan sa kabutihan.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang “K” kapag totoo ang diwa ng pangungusap, isulat naman ang “O” kapag ang diwa nito ay hindi totoo. Isulat ang sagot sa inyong papel.
- Ang pinakamahalagang layunin ng lipunan ay ang pagpapanatili, pagpapaunlad at paglinang ng tao.
- Punahin ang dumi ng ating kapwa bago punasan ang ating sariling dungis.
- Ang pagiging tagapag-alaga ng dignidad ng tao ay dapat maging permanenteng bahagi ng ating pakikipagkapwa-tao.
- Kailangan ang tibay ng loob at tatag ng kalooban sa kabutihan.
- Ang pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay hindi panghabambuhay na proseso.
- Dahil sa dignidad, naiiba at natatanging nilikha ng Diyos.
- Ang kapwa ay dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan.
- Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
- Lahat ng tao anuman ang katayuan ay nararapat na igalang.
- Ang tao ang pinakabubukod tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos.
Karagdagang Gawain
Kumusta ka na?
Panuto: Para mas lumalim pa ang inyong pag-unawa sa kahalagahan ng dignidad bilang batayan ng pagkabukod-tangi ng tao, bubuo ka ng isang tula. Gawing gabay ang mga panuto na nasa kahon.
Kriterya:
Kaugnayan sa paksa 10
Kalinawan ng damdaming nais ipahiwatig 10
Panghikayat sa mambabasa sa kabuuan 10
30 pts
Linya 1 Pamagat– isang salita
Linya 2– Dalawang salita na naglalarawan sa pamagat o dalawang halimbawa ng pamagat
Linya 3- Tatlong pandiwa na nagsasaad kung ano ano ang ginagawa ng pamagat
Linya 4– Apat na salita na naglalarawan sa damdamin mo tungkol sa pamagat
Linya 5– Isang salita na kasingkahulugan ng pamagat
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key is printed upside down in two boxes; the entries below are read from the rotated print]
| Subukin | Tayahin |
|---|---|
| 1. K | 1. d |
| 2. O | 2. c |
| 3. K | 3. a |
| 4. K | 4. b |
| 5. K | 5. a |
| 6. K | 6. K |
| 7. O | 7. O |
| 8. K | 8. K |
| 9. K | 9. K |
| 10. O | 10. O |
| 11. d | 11.K |
| 12. c | 12.O |
| 13. a | 13. K |
| 14. b | 14. K |
| 15. a | 15. K |
Sanggunian
Books:
Diaz, Jade M, Dolores S.Quiambao, and Veronica E. Ramirez, Ph. D. Good Character Matters. Quezon City: Vibal Group Inc. 2016.
Esteban, Salud R, Talna M. Bongolan, Milagros T.Fernandez, Proserfina A.Jacela, et al. Binagong Talaarawang Patnubay 1V. CSC Publishing House. 2000.
Gomez, Marie Grace A. Ph.D. Lilok 7 Edukasyon sa Pagpapahalaga. Quezon City: Trinitas Publishing Inc. 2014.
Punsalan, Twila G, Camila C. Gonzales, Sylvia T. Caberio, Myra Villa D. Nicolas, et al. Maylalang: Handugan ng Kabutihan. Quezon City: Rex Printing Company Inc. 1994.
Departamento ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat. First Edition.2012.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply