This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, Values Education) self-learning module for Grade 10, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2: “Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao: Isip (Intellect) at Kilos-loob (Will)” (the power given to the human person: intellect and will). It was prepared for home study under DepEd’s Alternative Delivery Mode by DepEd Cordillera Administrative Region and SDO Benguet (first edition, 2020). After the module, learners should be able to show that the intellect is meant for seeking the truth and the will for serving and loving others, and to act on this in real situations.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module states two learning competencies:
- Prove that the intellect and will are used only for seeking the truth and for service and love (EsP10MP-Ib-1.3).
- Do fitting actions that show the ability to find the truth, to serve, and to love (EsP10MP-Ib-1.4).
It builds on the previous module, which taught that the human person is created in God’s image and is called His obra maestra (masterpiece), and how humans differ from animals.
Lessons in this module
The module has one lesson: Aralin 1: Ang Pagkakaroon ng Isip (Intellect) at Kilos-loob (Will) ay Kapangyarihang Ipinagkaloob ng Diyos sa Tao (having intellect and will is a power God gave to the human person). It explains the higher purpose of the intellect and will and asks learners to apply them to everyday decisions.
Key ideas: isip and kilos-loob
The review part (Balikan) recalls what each faculty does:
| Isip (intellect) | Kilos-loob (will) |
|---|---|
| Is affected when the senses are defective | Depends on the intellect |
| Can think and grasp the essence of a thing | Is influenced by the reasons the intellect gives |
| Can judge, reason, analyze, remember, and understand meaning | Is drawn to the good and turns away from evil |
The main discussion (Suriin) makes these points:
- People sometimes act in ways that do not fit their dignity because they are carried away by feelings or circumstances, as in the excuse “natangay lang ako sa aking damdamin” (I was just carried away by my emotions).
- The intellect processes and understands using one’s knowledge and wisdom. Once it forms a decision, the will commands the body to carry it out.
- Human action should be directed toward the truth, and the final aim of choosing is the good that the action brings.
- Every person has a duty to train, develop, and perfect the intellect and will, and to protect them so their true purpose is not lost.
- Life becomes meaningful when it is spent living the truth, loving, and serving others.
The module illustrates service with a story of a couple who spend a whole Saturday helping a mother of two move into the house next door. When she invites them to dinner, they first decline because she has little money, but they accept when they realize that saying yes builds more friendship and respect. The lesson: relationships built through helping one another are what last.
Activities in the module
- Subukin (pretest): five multiple-choice items based on short cases, such as Arvin, who controls his love of chocolate after getting diabetes, and Andrie, who decides not to cheat on a test.
- Gawain 1 (Tuklasin): what to do when friends at the canteen gossip about a classmate, Hazel, and how to find out the truth.
- Gawain 2 (Pagyamanin): two situations, a best friend who badmouths you to your crush, and a recommended movie that turns out to contain pornographic scenes.
- Gawain 3 (Isaisip): write an important decision in your life and the steps to carry it out as a moral person.
- Gawain 4 (Isagawa): choose between conflicting goods, such as an educational trip on a Sunday versus attending church, a family reunion versus a tree-planting activity, and a job offer versus college.
- Tayahin (post-test): the same five items as the pretest, in a different order.
- Karagdagang Gawain: a reflection on whether you already use your intellect to find the truth and your will to love and serve, and your plans for doing so.
How to use this module
- Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper; do not write on the module, so others can use it. Check your pretest and post-test with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher if anything is unclear.
- Parents and guardians: Help your child follow the parts in order and talk through the situations in the activities, since many ask what the learner would actually do.
- Teachers: The pretest shows which learners need extra help, and the post-test measures what they learned. The module notes that a Teacher’s/Facilitator’s Guide accompanies it.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 10 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2.
What are the competency codes covered?
The module covers EsP10MP-Ib-1.3 (intellect and will are used for seeking truth and for service and love) and EsP10MP-Ib-1.4 (doing fitting actions that show the ability to find truth, serve, and love).
What is the difference between isip and kilos-loob?
Isip (intellect) thinks, judges, reasons, and understands meaning, and forms a decision. Kilos-loob (will) depends on the intellect, is drawn to the good, and commands the body to carry out the decision.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives the answers to the Subukin pretest and the Tayahin post-test.
Can learners write on the module?
No. The module asks learners to use a separate answer sheet and keep the module clean so others can use it.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao: Isip (Intellect) at Kilos-loob (Will)
CO_Q1_ESP10_Module2
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao: Isip (Intellect) at Kilos-loob (Will)
10
[illustration: students reading and studying under a tree and indoors, a teacher at a desk, and a child studying by lamplight with a globe in the foreground]
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao: Isip (Intellect) at Kilos-loob (Will) Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Alcero C. Compalas
Editor: Annie Rose B. Cayasen, Ed.D – Regional EPS – EsP
Tagasuri: Erlinda C. Quinuan – Division EPS – EsP
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: May B. Eclar, Ph.D. CESO V – Regional Director Benilda M. Daytaca, EdD, CESO VI – OIC-SDS-SDO Benguet Carmel F. Meris – Chief Education Supervisor CLMD Ethielyn Taqued – Regional EPS – LRMDS Edgar Madlaing – Regional EPS – AP/ADM Focal Person Rizalyn A. Guznian, Ed.D. – Chief Education Supervisor CID Sonia D. Dupagan, Ed.D. – Division EPS LRMDS Vicenta C. Danigos – Principal I
Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Pangpangasiwaan ng Cordillera Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet Telefax: (074) – 422-4074 E-mail Address: car@deped.gov.ph
[transcriber’s note: this page repeats the cover title block shown on page 1]
10
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Kapangyarihang Ipinagkaloob sa Tao: Isip (Intellect) at Kilos-loob (Will)
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Napag-aralan mo sa nakaraang modyul na ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestra. Ito ay nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay ng Diyos.
Naging malinaw sa iyo ang pagkakaiba mo bilang tao sa hayop at naging matatag ang iyong pagkaunawa upang mabigyang direksiyon ang iyong kilos at malinang kung sino ka bilang tao.
Sa modyul na ito, mauunawaan mo na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. Inaasahan din na ikaw ay makagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang natutuhan mo ang sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga:
- Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. (EsP10MP-Ib-1.3).
- Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal. (EsP10MP-Ib-1.4).
Aralin 1: Ang Pagkakaroon ng Isip (Intellect) at Kilos-loob (Will) ay Kapangyarihang Ipinagkaloob ng Diyo sa Tao
[transcriber’s note: “Aralin” and the number “1” are printed in a black label box at the left of the title]
Subukin!
Panuto. Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
Para sa bilang 1 at 2.
Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito.
- Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili.
b. malaya ang taong pumili o hindi pumili.
c. may kakayahan ang taong mangatwiran.
d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon. - Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
a. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin.
b. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon.
c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit.
d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi.
Para sa bilang 3 at 4.
Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya sa pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya. Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay.
- Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito?
a. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin.
b. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.
c. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon.
d. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos. - Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong ito?
a. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon.
b. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang kaniyang isip at kilos-loob.
c. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.
d. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at magmahal. - Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.
b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.
c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.
d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.
Balikan!
Naging malinaw sa iyo na ang tao ay natatanging nilikhang nabubuhay sa mundo. Ang tao ay may taglay na isip at kilos-oob.
| ISIP | KILOS-LOOB |
|---|---|
| ✓ Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. ✓ May kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. ✓ Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. ✓ Ito ay umaasa sa isip. ✓ Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob. ✓ Ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. |
Note: The table above is laid out as printed: the ISIP column holds the first three checkmarked points and the KILOS-LOOB column holds the remaining points. The row layout is kept as shown in the source.
Sa modyul na ito, mabibigyang-linaw ang iyong kaalaman tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Magiging malalim ang iyong pag-unawa na ito ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. Higit sa lahat, ikaw ay inaasahan na makagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.
Tuklasin!
Gawain 1: Pagsuri sa sitwasyon
Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon at ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan. Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel.
Magkakasama kayo ng iyong mga kaibigan na kumakain sa inyong school canteen. Masaya kayong nagkukuwentuhan sa mga hilig ninyong gawin nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Hazel, isa rin sa inyong kamag-aral. Wala siya sa grupo ninyo nang oras na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking may asawa at may dalawang anak.
Kapitbahay ninyo Hazel.
Mga Tanong:
- Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
- Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaibigan mong nagkukuwentuhan tungkol kay Hazel?
- Anong hakbang ang gagawin mo upang malaman ang totoo?
- Bakit kailangang gamitin ang isip at kilos-loob sa paggawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang katotohanan? Ipaliwanag.
CO_Q1_ESP10_Module2
[transcriber’s note: the cover page is not among these pages; the module code printed in the page header is used as the title]
Suriin!
Maraming pagkakataon na nakagagawa ang tao ng mga bagay na masasabing hindi angkop sa kaniyang pagkatao. Maaaring ang kilos niya ay bunga ng kanyang damdamin o emosyon. Malaki ang nagagawa ng iba’t ibang sirkumstansiya sa pakikitungo ng isang tao kung kaya’t may mga pagkakataong may nagsasabing, “natangay lang ako sa aking damdamin o hindi ako nag-isip nang husto.”
Ang kilos ng tao ay isinasakatuparan tungo sa katotohanan. Dito kailangang malaman at mauunwaan ang paraan at dahilan ng pagkilos batay sa intellect. Ang tao ay may kapangyarihan na pumili ng isasakilos ayon sa nabuong hangarin na ang sukdulan na layunin ay ang maidudulot na kabutihan.
Ang isip ang nagpoproseso upang umunawa batay sa taglay na talino o karunungan at kaalaman, ito ang intellect. Pagkatapos ng ganitong pamamaraan, isang pasya ang mabubuo, at kaya nitong utusan ang katawan upang isakatuparan ang nabuong pasya, ito ang will.
Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawaing ganap ang isip at kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang tunay na layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan upang makaunawa ang kilos-loob sa paggawa ng kabutihan tungo sa pagpapaunlad ng pagkatao.
Naririto ang halimbawa upang lubos na maunawaan ang talakay.
“Isang mag-asawang kapitbahay ang lumabas upang tumulong nang makitanila ang isang ina na lumilipat sa maliit na tahanan sa kabilang pintuan. Wala siyang kasama maliban sa dalawang maliit na anak. Wala siyang katulong. Humantong sila sa paggugol ng buong Sabado sa pagbubuhat ng mga kahon, paglilinis ng sahig, at pag-aliw sa dalawang batang anak na babae. Nang matapos ang trabaho, inanyayahan ng ina ang bago niyang mga kapitbahay sa hapunan nang sumunod na linggo upang ipakita ang kaniyang pasasalamat. Noong una tumanggi sila dahil kitangkita naman na sapat lang ang pera ng babae. Ngunit iginiit ito ng babae na may luha sa kaniyang mga mata. Natanto ng mag-asawa na ang pagtanggap sa kaniyang paanyaya ay magbubunga ng higit na pagkakaibigan at paggalang kaysa sa tanggihan ito dahil sa kanyang sitwasyon.” (Paglilingkod sa Kapuwa, http://www.mormon.org/tgl/paglilingkod, July, 2014)
Kapag pinaglilingkuran natin ang iba, napaaalalahanan tayo na walang anumang bagay sa buhay na ito ang nagtatagal maliban sa ugnayang nabuo natin sa ibang tao at walang mas mabuting paraan para makaugnayan natin ang iba kundi sa pagtutulungan lamang para sa kabutihang panlahat. Tinatawag tayo ng Diyos na tumulong sa kapuwa upang ipadama natin ang pagmamahal sa kanila. Naranasan mo na bang paglingkuran ang iyong kapwa? Ano ang iyong naging pakiramdam?
Samakatuwid, magagawa ng taong magpakatao at linangin ang mga katangian ng kaniyang pagkatao dahil sa kaniyang isip at kilos-loob. Nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng tao kung inilalaan ito sa pagsasabuhay ng katotohanan, sa pagmamahal, at sa paglilingkod sa kapuwa. Sa palagay mo, patungo ka kaya rito?
Pagyamanin!
Gawain 2: Pagsuri sa sitwasyon
Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon at ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan. Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel.
1. Sinisiraan ka ng iyong matalik na kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na kaya niya ginawa ito ay may pagtingin din pala siya sa crush mo.
Mga Tanong:
- Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito?
- Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo? May kaugnayan ba ito sa iyong nararamdaman o emosyon?
- Ano ang magiging epekto nito sa kaibigan mo?
- Ano ang magiging epekto nito sa iyo?
2. Mahilig kang manoond ng mga bagong labas na pelikula. May inirekomenda ang iyong matalik na kaibigan na dapat mo raw panoorin. Ayon sa kaniya, ito ay maganda. Mag-isa kang nanonood nito sa inyong bahay ngunit sa kalagitnaan ng pelikula, may isiningit pala na malaswang eksena (pornograpiya).
Mga Tanong:
- Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito?
- Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo?
- May epekto rin ba sa ibang tao ang gagawin mo? Kanino? Pangatwiranan.
- Gagawin mo pa rin ba ang iyong piniling gawin? Bakit?
Isaisip!
Gawain 3: Pag-isipan
Panuto: Mula sa mga naging gawain, isipin ang isang pasyang kailangan mong gawin sa iyong buhay. Gamit ang iyong isip at kilos-loob, isulat kung paano mo ito maisasakatuparan tungo sa pagiging moral na nilalang. Isulat ang iyong sagot sa inyong sagutang papel.
Ang pasyang mahalaga sa aking buhay ay ang:
Ang mga paraan upang maisakatuparan ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Isagawa!
Gawain 4: Pagpili at paggawa ng pasya
Panuto: Nakalilibang ang mag-isip ng mga bagay na mahalaga sa iyo. Ngunit paano kung ikaw ay masasangkot sa isang sitwasyong kailangan mong mamili at gumawa ng pasya. Sa gawaing ito, magpasya kung ano ang nakahihigit sa iyo gamit ang iyong isip at kilos-loob. Sagutan ang mga tanong sa inyong sagutang papel.
1. Sa Linggo ang educational trip ninyo at dahil malayo ang inyong lugar, kailangang madaling araw pa lang ay umalis na kayo. Gabi na rin ang inyong uwi kaya hindi ka maaaring makapagsimba. Lagi kang nagsisimba tuwing Linggo, ano ang maaari mong gawin?
2. Family Reunion ninyo. Darating ang iyong lolo, lola at mga pinsang galing pa sa ibang bansa. Sila ay malalapit sa iyo. Ngunit sa araw ding ito gaganapin ang tree planting ng inyong grupo. Layunin ninyong taniman ng mga puno ang nakakalbong kagubatang malapit sa inyo. Ano ang gagawin mo?
3. Alam mong mahihirapan ang iyong magulang na tustusan ang pag-aaral mo sa kolehiyo. Nangako ang iyong ama na gagawin niya ang lahat, makapag-aral ka lang. Ngunit inalok ka ng trabaho ng iyong kaibigan pagkatapos mo ng sekundarya. Ano ang gagawin mo?
Sagutin mo
1. Nahirapan ka bang pumili at gumawa ng pasya sa bawat sitwasyon? Bakit?
2. Ano-ano ang iyong isinasaalang-alang sa iyong ginawang pasya?
3. Bakit nararapat gamitin ang isip at kilos-loob sa pagpapasiya?
Tayahin!
Panuto: Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.
Para sa bilang 1 at 2.
Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya sa pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya. Napagtanto niyang walang kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot ng tagumpay.
Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito?
a. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin.
b. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.
c. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon.
d. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos.Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob ng tao sa sitwasyong ito?
a. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon.
b. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang kaniyang isip at kilos-loob.
c. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.
d. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at magmahal.
Para sa bilang 3 at 4.
Si Arvin ay mahilig sa chocolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito.
Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili.
b. malaya ang taong pumili o hindi pumili.
c. may kakayahan ang taong mangatwiran.
d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
a. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin.
b. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon.
c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit.
d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi.Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.
b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.
c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.
d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.
Karagdagang Gawain
Panuto: Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa inyoEng sagutang papel ang iyong reyalisasyon tungkol sa mga ito.
- Nagagawa ko na bang gamitin ang aking isip tungo sa pagtuklas ng katotohanan?
- Nagagawa ko na bang gamitin ang aking kilos-loob upang magmahal at maglingkod?
- Ano-ano ang mga plano kong gawin kaugnay nito?
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down; the answers are transcribed as they read when the page is turned]
Subukin!
A 1.
B 2.
C 3.
D 4.
B 5.
Tayahin!
C 1.
D 2.
A 3.
B 4.
B 5.
Mga Sanggunian:
Brizuela, Arnedo, Guevara, Valdez, rivera, Celeste, Balona Jr, Yumul, Rito, and Gayola. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang. Modyul para sa mag-aaral. Unang Edisyon 2015.
Dy Jr., Gayola, Leaño, Brizuela, and Querijero. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-Pitong Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral. Unang Edisyon, 2013.
Habon, Elena Abilo. Sulo ng Buhay I. Lorimar Publishing Co., Inc., 2005
Olaya, Ofelia Bernardino. Sulo ng Buhay IV. Lorimar Publishing Co., Inc., 2005
Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV. Modyul Bilang 3.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply