EsP 10 Quarter 1 Module 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob

EsP Grade 10 Quarter 1 Module 1 on the function and purpose of the intellect and will, with the senses, activities, pretest, and answer key explained.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 10 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1: “Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob” (the higher function and purpose of the intellect and the will). It is a first-edition (2020) Alternative Delivery Mode module from DepEd Cordillera Administrative Region, written by Jesabell Fe C. Lag-asan. It is made for Grade 10 learners studying at home. After it, learners can explain what the intellect and will are for, name their own weaknesses in decision-making, and plan concrete steps to overcome them.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module states two learning competencies (Kasanayang Pampagkatuto):

  • Identify the higher function and purpose of the intellect and will (natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob). EsP10MP-Ia-1.1
  • Recognize their own weaknesses in decision-making and make concrete steps to overcome them (nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasiya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito). EsP10MP-Ia-1.2

Lesson in this module

The module has one lesson, Aralin 1: Isip at Kilos-loob (intellect and will). It builds on the Grade 7 idea that humans are unique among living things, and shows that thinking, choosing, and acting are what set people apart from plants and animals.

Key ideas: what makes a person unique

The module teaches that a person is created in the image of God (“obra maestro” or masterpiece). This does not mean people look like God. It means people share some of His qualities: the ability to think, to choose, and to desire. People also have a natural knowledge of good and evil, and the conscience is a sign of this.

The knowing faculty and the senses

The module calls the ability to know the pangkaalamang pakultad (knowing faculty). A person understands, judges, and reasons through the senses and the intellect. It describes two kinds of senses:

  • Panlabas na pandama (external senses): sight, hearing, smell, and taste. These give a person direct contact with reality, for example the eyes seeing things around us or the tongue tasting food.
  • Panloob na pandama (internal senses):
    • Kamalayan (awareness): being aware of what the senses take in, summarizing, and understanding. Example: you study hard because you know the final exam is near.
    • Memorya (memory): recognizing and recalling past events. Example: remembering that your EsP homework is due tomorrow.
    • Imahinasyon (imagination): creating and expanding pictures in the mind. Example: picturing yourself abroad running your own business.
    • Instinct: sensing an experience and reacting without reasoning. Example: running fast because you feel someone is following you.

Using a chart by Esteban, the module shows the whole nature of a person. The material side (the body) has the external and internal senses and emotion. The spiritual side (the soul) has the intellect (isip) and the will (kilos-loob).

Isip and kilos-loob compared

Isip (intellect)Kilos-loob (will)
AbilitiesReflects, understands, abstracts, and gives meaning to thingsChooses, decides, and carries out the choice; is drawn to good and turns away from evil
Use and purposeSeeks information, reflects on its meaning, finds the reasons behind events, and knows good from evil, right from wrong, and the truthFreely chooses what to think or do, desires what the intellect understands, and takes responsibility for choosing actions good for all
FunctionTo thinkTo act
PurposeTo knowTo choose
Fulfillment of the personTruthGoodness
Highest human fulfillmentWisdom to understandGoodness as virtue, and love

The module adds that humans and animals are alike in being living creatures, in needing love for one another, and in being able to reproduce. What makes humans different is the intellect, emotion, and the will. A person’s wisdom (karunungan) comes from an intellect and will shaped by the truth.

Activities in the module

  • Subukin: a 15-item pretest (true or false, matching, and multiple choice).
  • Balikan: a table comparing plants, animals, and humans, reviewing Grade 7.
  • Tuklasin: Gawain 1 asks learners to analyze a picture of a girl and a cat at a pedestrian crossing. Gawain 2 gives three situations to respond to: gossip about a neighbor, being pushed to taste alcohol at a party, and a friend offering free food to copy homework.
  • Suriin: the discussion of the key ideas above.
  • Pagyamanin: Gawain 3 completes the intellect and will table. Gawain 4 asks the learner to explain to a father their choices after a friend’s bad influence hurt their grades, and to propose a solution.
  • Isaisip: Gawain 5, a crossword puzzle of key terms.
  • Isagawa: Gawain 6, listing four personal weaknesses in decision-making and a way to improve each.
  • Tayahin: Gawain 7, a 15-item post-test.
  • Karagdagang Gawain: Gawain 8, writing how to use the intellect and will in the family, school, and community.

Written tasks are scored with a rubric of 10, 8, 6, and 4 points for the quality of the explanation.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet, and do not write on the module so others can use it. Check your answers against the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Guide your child through the parts in order and help them reflect honestly on the situations and the weaknesses activity.
  • Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The answer key covers the pretest, Gawain 3, the crossword, and the post-test; the rubrics are for the written activities.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 10 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1.

What is the difference between isip and kilos-loob?

Isip (intellect) is for thinking and knowing, and its goal is truth and wisdom. Kilos-loob (will) is for choosing and acting, and its goal is goodness, virtue, and love.

What are the internal senses in the module?

The internal senses (panloob na pandama) are kamalayan (awareness), memorya (memory), imahinasyon (imagination), and instinct.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, Gawain 3, the crossword puzzle, and the post-test. Open-ended activities are scored with rubrics.

What competency codes does this module cover?

It covers EsP10MP-Ia-1.1 and EsP10MP-Ia-1.2.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob

10

[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher with a student at a desk, a boy writing by a lamp, and a globe]

Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet Telefax: (074)-422-4074 E-mail Address: car@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jesabell Fe C. Lag-asan Editor: Annie Rose B. Cayasen, Ed.D – Regional EPS – EsP Tagasuri: Erlinda C. Quinuan – Division EPS – EsP Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: May B. Eclar, Ph.D. CESO V – Regional Director Benilda M. Daytaca, EdD, CESO VI – OIC-SDS-SDO Benguet Carmel F. Meris – Chief Education Supervisor CLMD Ethielyn Taqued – Regional EPS – LRMDS Edgar Madlaing – Regional EPS – AP/ADM Focal Person Rizalyn A. Guznian, Ed.D. – Chief Education Supervisor CID Sonia D. Dupagan, Ed.D. – Division EPS LRMDS Vicenta C. Danigos – Principal I

10

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat para matugunan ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Ang saklaw ng araling napapaloob sa modyul na ito ay gagabay sa iyo upang makilala ang iyong mga kahinaan sa pagpapasiya at makagawa ng kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga kahinaang ito.

Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pampagkatuto:

  1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. (EsP10MP-Ia-1.1)
  2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapapasiya at nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito. (EsP10MP-Ia-1.2)

Aralin 1: ISIP AT KILOS-LOOB

Subukin

PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel.

  1. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karaasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.


  2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba sapagkat parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.


  3. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.


  4. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.


  5. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.


PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin ang titik ng iyong sagot sa HANAY B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

HANAY AHANAY B
6. pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakauunawaa. memorya
7. kakayahang makaramdam sa isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiranb. panloob na pandama
8. kakayahang lumikha ng larawan sa sa isip at palawakin itoc. kamalayan
9. kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasand. imahinasyon
10. ito ang paningin, pandinig, pang-amoy, at panlasae. instinct
f. panlabas na pandamdam

PANUTO: Para sa ikatlong bahagi, piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito sa sagutang papel.

  1. “Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro.” Ano ang nais iparating ng kasabihan?
    a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
    b. Kamukha ng tao ang Diyos.
    c. Kapareho ng tao ang Diyos.
    d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.


  2. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
    a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
    b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.
    c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.
    d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.


  3. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
    a. isip
    b. kilos-loob
    c. pagkatao
    d. damdamin


  4. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili
    a. isip
    b. kilos-loob
    c. pagkatao
    d. damdamin


  5. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.
    a. isip
    b. kilos-loob
    c. emosyon
    d. karunungan


Balikan

Natutunan mo noong ikaw ay nasa Baitang 7 at naging malinaw sa iyo na ang tao ay natatanging nilikhang nabubuhay sa mundo. Ano ba ang nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang nilikhang may buhay upang makamit niya ang layunin ng pagkakalikha sa kaniya bilang tao? Sa kaniyang pag-iisip, pagpapasiya, at pagkilos, nagiging bukod-tangi ang tao.

PANUTO: Upang ihanda ka sa ating aralin, ating balikan ang mga natutunan mo noong ikaw ay nasa Baitang 7. Sagutin ang gawain na may kinalaman sa nilikhang may buhay sa mundo. Magbahagi ng dalawang pagkakatulad at pagkakaiba ng tatlong nilalang na may buhay.

HALAMANHAYOPTAO
Pagkakatulad
Pagkakaiba
Tuklasin
Gawain 1: PAGSUSURI SA LARAWAN

PANUTO: Tunghayan at suriin ang larawan. Unawain at sagutan ang mga katanungan tungkol sa larawan. Isulat ang iyong mga kasagutan sa sagutang papel.

[illustration: a girl standing at a pedestrian crossing beside a traffic light, with a cat on the crosswalk]

TANONGTAOHAYOP
1. Ano ang mayroon ang bawat isa upang makita ang babala?
2. Ano ang kakayahang taglay ng bawat isa upang makita ang babala?
3. Ano ang inaasahang magiging tugon ng bawat isa sa babala?

Mula sa iyong kasagutan sa itaas, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

  1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tao at hayop?
  2. Paano kumilos ang hayop? Ang tao?
  3. Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at aso?

[transcriber’s note: the printed page numbers on these eight pages run 5 to 12; the page markers follow the requested numbering 9 to 16. The heading for Gawain 2 belongs to a section that appears on an earlier page.]

Gawain 2: PAGSUSURI SA SITWASYON

PANUTO: Pag-aralan ang mga sitwasyon. Ipagpalagay mo na ikaw ay isa sa tauhan sa sitwasyon at sagutin ang katanungang: Ano ang gagawin mo sa pangyayari? Isulat ito sa sagutang papel.

Sitwasyon 1

Masaya kang nakikipagkwentuhan sa iyong mga kibigan nang biglang napunta ang usapan tungkol kay Jenny. Ayon sa isa mong kaibigan, nakikipagrelasyon daw ito sa lalaking may asawa. Kapitbahay mo si Jenny.

Sitwasyon 2

Inanyayahan ka ng iyong kaklase sa kaarawan ng kaniyang pinsan. Sumama ka at nakipagkwentuhan sa iba pang bisita. Sa kalagitnaan ng kwentuhan naglabas sila ng alak at pinipilit ka ng iyong kaklase na tikman ito.

Sitwasyon 3

Hindi nagawa ng malatik mong kaibigan na si Peter ang inyong takdang aralin sa Math. Nais niyang kopyahin ang iyong gawain at inalok ka niya na ililibre ka niya ng pagkain kapag pinakopya mo siya.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN 1 at 2

PamantayanNapakahusay (10)Mahusay (8)Nalilinang (6)Nagsisi-mula (4)
Kalidad ng Pagpapaliwanag (60%)Napakahusay ang pagpapaliwanag (buo at maliwanag)Mabuting pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag)Matatanggap ang pagpapaliwanag (may kaunting kamalian ang pagpapaliwanag)Kailangang isaayos (malaki ang kakulagan, nagpapakita ng kaunting kaalaman)

Suriin

Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili at gumusto.

Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama. Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito.

KAKAYAHANG TAGLAY NG TAO
I. PANGKAALAMANG PAKULTAD (Knowing Faculty)

dahil sa panlabas na pandama at dahil sa isip kaya’t ang tao ay nakauunawa, naghuhusga at nangangatuwiran.

DALAWANG KAKAYAHAN NG TAO

a. Panlabas na pandama– ito ay ang paningin, pandinig, pang-amoy, at panlasa. Ang mga ito ay nagiging dahilan upang ang tao ay magkaroon ng direktang ugnayan sa reyalidad.

Mga halimbawa:

a. paningin– mata na ginagamit upang makita ang mga bagay sa ating paligid

b. pang-amoy– ilong na ginagamit upang maka-amoy katulad ng amoy ng pabango o iba pang amoy sa ating paligid

c. panlasa– dila na ginagamit upang makalasa ng mga pagkain

d. pandinig– tainga na ginagamit upang makadinig ng iba’t-ibang klaseng tunog sa paligid

b. Panloob na pandama– ito ay ang kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct.

  • Kamalayan– pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.
    Halimbawa: Mag-aaral ka ng mabuti dahil alam mo na malapit na ang final exam, may kamalayan ka sa iyong sarili na kailangan mong magaral dahil gusto mong makapasa sa pagsusulit.


  • Memorya– kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan
    Halimbawa: Naaalala mo na may takdang aralin kayo sa Edukasyon sa Pagpapakatao na ipapasa bukas.


  • Imahinasyon– kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito.
    Halimbawa: Nakabubuo ka ng pangyayari sa iyong isip na ikaw ay nakarating ibang bansa at nagpatayo ng sarili mong negosyo.


  • Instinct– kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran.
    Halimbawa: Naramdaman mong parang may sumusunod sa iyo habang naglalakad pauwi, dahil sa iyong instinct mabilis kang tumakbo.


Ipinakita ni Esteban ang ispiritwal at materyal na kalikasan ng tao gamit ang tsart na:

ANG KABUUANG KALIKASAN NG TAO

Kalikasan ng TaoPangkaalamang PakultadPagkagustong Pakultad
Materyal (Katawan)Panlabas na Pandama
Panloob na Pandama
Emosyon
Ispiritwal (Kaluluwa, Rasyonal)IsipKilos-loob

Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa kaniyang pandama. Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam.

ISIPKILOS-LOOB
Kakayahana. may kakayahang magnilay o magmuni-muni
b. nakauunawa
c. may kakayahang Magabstraksiyon
d. makabubuo ng kahulugan at kabuluhan ang bagay
a. Pumili, magpasiya at isakatuparan ang pinili
b. Naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama
Gamit at Tunguhina. humanap ng impormasiyon
b. umisip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng impormasiyon
a. Malayang pumili ng gustong isipin o gawin

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

ISIPKILOS-LOOB
c. sumuri at alamin ang dahilan ng pangyayari
alamin ang mabuti at masama, tama at mali, at ang katotohanan
b. Umasam maghanap. Mawili, humilig sa anumanb nauunawaan ng isip
c. Maging mapanagutan sa pagpili ng aksiyong makabubuti sa lahat

May pagkakatulad ang hayop at tao. Una, sila ay parehong mga nilalang na may buhay. Ikalawa, may natatanging pangangailangan ang tao at hayop – ito ay ang pagmamahalan sa isa’t-isa. Ang pangatlo ay may kakayahan silang magparami.

Ang tao ay may isip upang alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Tayo rin ay may puso upang makaramdam ng emosyon at kilos-loob na magpasiya at isakatuparan an gating pinili. Ito ang dahilan kung bakit tayo natatangi at naiiba sa iba pang nilikhang may buhay.

Ayon sa aklat, “Education ng Values” ni Esteban, ang isip ng tao ay may ispiritwal na kakayahan, ang “intellect at will”.

Makikita ang pagkakaiba ng intellect at will ayon sa tunguhin nito.

TUNGUHININTELLECT (ISIP)WILL (KILOS-LOOB)
Tungkulin (function)Mag-isip (to think)Isakilos (to act)
Hangarin/Layunin*(Purpose)*Malaman (to know)Pumili (to choose)
Kaganapan ng taoAng katotohanan (truth)Kabutihan (goodness)
Highest Human FulfillmentKarunungan*(wisdom)* upang umunawaKabutihanbilang birtud (virtue) Pag-ibig (love)

Ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala ang ibang nilalang sa mundo. Ang kaniyang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.

Pagyamanin

GAWAIN 3: KOMPLETUHIN!

PANUTO: Mula sa naging talakayan, kumpletuhin ang mahalagang konsepto tungkol sa isip at kilos-loob. Piliin ang mga sagot sa kahon at isulat ito sa sagutang papel.

karunungan upang umunawa tungkulin

kabutihan isakilos malaman

kaganapan ng tao

TUNGUHININTELLECT (ISIP)WILL (KILOS-LOOB)
1.Mag-isip (to think)2.
Hangarin/Layunin (Purpose)3.Pumili (to choose)
4.Ang katotohanan (truth)5.
Highest Human Fulfillment6.Kabutihan bilang birtud (virtue) Pag-ibig (love)
GAWAIN 4: IPANGATUWIRANAN MO!

PANUTO: Suriin ang sitwasyon. Isulat ang iyong mga katuwiran sa naging pasiya mo kaugnay ng iyong pag-aaral at ang gagawing solusyon kaugnay nito sa speech balloon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Maganda ang performance mo sa paaralan. Lagi kang kasama sa mga may honors. Subali’t mula nang nakilala mo at naging barkada mo si John na may hindi magandang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak, naimpluwensyahan ka niya. Napabayaan mo ang iyong pag-aaral at nanganganib din ang iyong mga grado. Kinausap ka ng iyong ama, hiningi niya sa iyo na sabihin ang iyong katuwiran sa iyong naging pasiya at ang plano mong solusyon kaugnay nito.

Ano ang iyong katuwitan?









Ano ang iyong magiging solusyon?









PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN

PAMANTAYANNAPAKAHUSAY (10)MAHUSAY (8)NALILINANG (6)NAGSISIMULA (4)
Kalidad ng PagpapaliwanagNapakahusay ang pagpapaliwanag (buo at maliwanag)Mabuting pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag)Matatanggap ang pagpapaliwanag (may kaunting kamalian ang pagpapaliwanag)Kailangang isaayos (malaki ang kakulagan, nagpapakita ng kaunting kaalaman)

Isaisip!

GAWAIN 5: CROSSWORD PUZZLE

PANUTO: Sagutin ang CROSSWORD PUZZLE. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[illustration: crossword puzzle grid with numbered cells 1 to 8]

PAHALANG

  1. ito ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at mag-abstraksyon


  2. kakayahang pumili, magpasiya at isakatuparan ang pinili


  3. pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa


  4. kakayahang lumikha ng larawan sa isip


PABABA

  1. tumutukoy ito sa paningin, pandinig, pang-amoy, at panlasa


  2. sakop nito ang kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct


  3. kakayahang alaalahanin ang nakaraan


  4. kakayahang makaramdam at tumugon nang hindi dumadaan sa katuwiran


Isagawa

GAWAIN 6: ANG AKING KAHINAAN!

PANUTO: Magsulat ng apat mong kahinaan tungkol sa pagpapasiya. Sa tapat nito, magbahagi ng paraan upang malampasan mo ang kahinaang ito at upang mas mapabuti mo ang iyong pagpapasiya.

ANG AKING KAHINAANMGA PARAAN UPANG MAS MAPABUTI ANG AKING PAGPAPASIYA
a.
b.
c.
d.
a.
b.
c.
d.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN

PAMANTAYANNAPAKAHUSAY (10)MAHUSAY (8)NALILINANG (6)NAGSISIMULA (4)
Kalidad ng PagpapaliwanagNapakahusay ang pagpapaliwanag at nakapagtala ng apat na kahinaan (buo at maliwanag)Mabuting pagpapaliwanag at nakapagtala ng tatlong kahinaan (katamtamang pagpapaliwanag)Matatanggap ang pagpapaliwanag at nakapagtala ng dalawang kahinaan (may kaunting kamalian ang pagpapaliwanag)Kailangang isaayos at nakapagtala lamang ng isang kahinaan (malaki ang kakulagan)

Tayahin

GAWAIN 7: TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA

PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang papel.

  1. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.
  2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.
  3. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.
  4. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karaasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
  5. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.

PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin ang TITIK ng iyong sagot sa HANAY B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

HANAY AHANAY B
6. pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakauunawaa. kamalayan
7. kakayahang makaramdam sa isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiranb. instinct
8. kakayahang lumikha ng larawan sa sa isip at palawakin itoc. panloob na pandama
9. kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasand. memorya
10.ito ang paningin, pandinig, pang-amoy, at panlasae. imahinasyon
f. panlabas na pandamdam

PANUTO: Para sa ikatlong bahagi, piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito sa sagutang papel.

  1. Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro. Ano ang nais iparating ng kasabihan?

a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.

b. Kamukha ng tao ang Diyos.

c. Kapareho ng tao ang Diyos.

d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.

  1. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?

a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.

b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.

c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.

d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.

  1. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.

a. isip

b. kilos-loob

c. pagkatao

d. damdamin

  1. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili

a. isip

b. kilos-loob

c. pagkatao

d. damdamin

  1. Ang _____ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.

a. isip

b. kilos-loob

c. emosyon

d. karunungan

Karagdagang Gawain

GAWAIN 8: ANG AKING GAMPANIN

PANUTO: Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo sa iyong pamilya, paaralan, at pamayanan upang maisabuhay mo ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob? Isulat ito sa sagutang papel.

  1. pamilya?

a. Isip-_____


b. Kilos-loob-_____


  1. paaralan?

c. Isip-_____


d. Kilos-loob-_____


  1. pamayanan?

e. Isip-_____


f. Kilos-loob-_____


Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawain
PAMANTAYANNAPAKAHUSAY (10)MAHUSAY (8)NALILINANG (6)NAGSISIMULA (4)
Kalidad ng Pagpapaliwanag (60%)Napakahusay ang pagpapaliwanag (buo at maliwanag)Mabuting pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag)Matatanggap ang pagpapaliwanag (may kaunting kamalian ang pagpapaliwanag)Kailangang isaayos (malaki ang kakulagan, nagpapakita ng kaunting kaalaman)

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. TAMA
  2. MALI
  3. TAMA
  4. MALI
  5. TAMA
  6. c
  7. e
  8. d
  9. a
  10. f
  11. a
  12. b
  13. a
  14. b
  15. d
Pagyamanin

Gawain 3

  1. tungkulin
  2. isakilos
  3. malaman
  4. Kaganapan ng tao
  5. kabutihan
  6. Karunungan upang umunawa

Isaisap

Gawain 5

  1. isip
  2. panlabas na pandamdam
  3. kilos-loob
  4. panloob na pandama
  5. kamalayan
  6. memorya
  7. imahinasyon
  8. instinct
Tayahin
  1. TAMA
  2. MALI
  3. MALI
  4. TAMA
  5. MALI
  6. a
  7. b
  8. e
  9. d
  10. f
  11. a
  12. b
  13. a
  14. b
  15. d

Sanggunian

Mga Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing Corporation Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Paglalakbay ng May Mabuting Asal Edukasyon sa Pagpapakatao ni Giselle Mendoza, KLEAFS Publishing Inc., Block 609 Lot 3 Phase Heritage Homes Loma de Gato Marilao, Bulacan

Mula sa Internet
https://www/scribd.com/document/Esp10-modyul2

https://www/coursehero.com.esp10mataasnagamitattunguhinngisipatkilosloob

https://www/slideshareapp.c

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district