This is the self-learning module for EPP-ICT Grade 4 (Ikaapat na Baitang), Modyul 7: “Nakakapag-sort at filter ng impormasyon gamit ang electronic spreadsheet tool” (sorting and filtering information with an electronic spreadsheet tool). It is an Alternative Delivery Mode module from DepEd Region V, first edition 2020, written for learners studying at home with a parent or other guide. By the end, learners can arrange data in order and hide entries that do not meet a set rule, using Excel.
What learners will learn
The module states that learners will be able to:
- explain the process of sorting and filtering information (naipaliliwanag ang proseso ng pag-sort at pag-filter ng impormasyon); and
- use a spreadsheet to sort and filter information (nagagamit ang spreadsheet sa pag-sort at pag-filter ng impormasyon).
Key ideas: sort, filter, and the electronic spreadsheet
The module defines three terms:
- Electronic spreadsheet: the page in Excel used to review and sort through numerical and text information.
- Sort: a spreadsheet command that puts a list of numbers or words in order. There are two kinds:
- Sort ascending: words go in alphabetical order from A to Z; numbers go from lowest to highest.
- Sort descending: words go in reverse order from Z to A; numbers go from highest to lowest.
- Filter: a command used to quickly check and pick out only the information you need. Unlike sorting, filtering does not just change the order. It also hides the entries that do not meet the rule you set. The Filter button is in the Data tab, in the Sort & Filter group.
Step-by-step example: Mang Tino’s Bakery
The module teaches the skills with one file, Bakery.xlsx, a price list of ten kinds of bread with three columns: Code No., Tinapay (bread), and Halaga (price). The items range from Pan de Sal and Spanish Bread at 2.00 up to Mamon at 15.00.
A. Sorting text
- Click the Windows icon and open Excel from the program list.
- Create the Bakery.xlsx file.
- Select the data from cell A2 to C12.
- Click the Data tab, then Sort.
- In the Sort dialog box, choose Tinapay under “Sort by” and A to Z under “Order”.
- Click OK. Cheese Bread now comes first in the list. Save the file.
B. Sorting numbers
- In the same file, select the data again and open Data, then Sort.
- Choose Halaga under “Sort by”.
- Choose Smallest to Largest for prices from lowest to highest, or Largest to Smallest for highest to lowest.
- Click OK. With Largest to Smallest, Mamon (15.00) comes first, followed by Pianono (10.00) and Ensaymada (5.00). Save the file.
C. Filtering
- Select the column headings (A2 to C2).
- Click Data, then Filter (shortcut Ctrl+Shift+L). Drop-down arrows appear beside the headings.
- Click the arrow beside Halaga, choose Number Filters, then Between.
- In the Custom AutoFilter box, type 2 for “is greater than or equal to” and 5 for “is less than or equal to”.
- Click OK. Only breads priced from 2 to 5 pesos remain; Mamon and Pianono are hidden.
- You can sort the filtered list too: open the Halaga arrow again and choose Sort Smallest to Largest. Save the file.
Parts of the module and activities
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Agree or disagree with five statements; put five classmates’ names in alphabetical order and write them in a seat plan |
| Balikan (review) | Unscramble words from the previous lesson on tables and charts, such as rows, table, and column |
| Tuklasin (explore) | List five kinds of trees found near home, in alphabetical order |
| Suriin (study) | Read the definitions and the bakery example |
| Pagyamanin (practice) | Sort and filter “Ang Ipon ni Jeanny”, a table of Jeanny’s daily allowance: show only money from Lolo, show amounts from 10 to 25 pesos, and sort from lowest to highest |
| Isaisip (remember) | Match terms with their descriptions |
| Isagawa (apply) | Make an inventory of ten items from a nearby sari-sari store and sort them by price and A to Z |
| Tayahin (assessment) | True or false quiz, plus sorting and filtering a list of ten household items and their prices |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Make a table of family members with gender and age, then sort by name and by age |
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write your answers on a separate sheet of paper and do not mark the module, so others can use it. Most activities need a laptop or desktop with Excel. Ask your teacher right away if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Several activities ask for your help. You may go with your child to a sari-sari store, or help list prices of things at home.
- Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the Subukin seat-plan task, Balikan, Isaisip, and Tayahin part A. The module asks learners to check their answers honestly.
Frequently asked questions
What grade is this EPP-ICT module for?
It is for Grade 4 (Ikaapat na Baitang) learners. It is Modyul 7 of the EPP-ICT self-learning modules.
What is the difference between sorting and filtering?
Sorting only puts data in order, such as A to Z or lowest to highest. Filtering also hides the entries that do not meet the rule you set, such as prices outside 2 to 5 pesos.
What is the difference between sort ascending and sort descending?
Sort ascending arranges words from A to Z and numbers from lowest to highest. Sort descending arranges words from Z to A and numbers from highest to lowest.
Where is the Filter button in Excel?
It is in the Data tab, in the Sort & Filter group. The module also shows the shortcut Ctrl+Shift+L.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto has answers for the Subukin seat-plan task, Balikan, Isaisip, and part A of Tayahin.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
EPP-ICT Modyul 7: Nakakapag-sort at filter ng impormasyon gamit ang electronic spreadsheet tool
[illustration: group of learners reading and studying outdoors and at a table, with a teacher, a globe, and a lamp]
CO_EPP-ICT4_Modyul 7
Copyright and Development Team
EPP-ICT Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Modyul 7: Nakakapag-sort at filter ng impormasyon gamit ang electronic spreadsheet tool Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region V Office Address: Regional Site, Rawis, Legazpi City, 4500 Telefax: (052) 482-0046 / (052) 482-0373 E-mail Address: deped.rov@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Marivic B. Abawag Editor: Jelly M. Flores Tagasuri: Filip P. Cañas Tagaguhit: Fatima Preciousa T. Cabug Tagalapat: Filip P. Canas Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr. Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Christie L. Alvarez Lita T. Mijares, Salvador T. Pelingon
EPP-ICT
Modyul 7: Nakakapag-sort at filter ng impormasyon gamit ang electronic spreadsheet tool
4
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagpadaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutunan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
ii
Alamin
[illustration: target with arrow]
Kung ikaw ay may mga datos at nais mong maging maayos ang mga ito ano ang gagawin mo? Paano mo ba maisasaayos ang mga ito ng madali? Paano mo ito masasala at masusuri upang mas maging organisado?
Sa Modyul na ito malalaman natin kung paano ang pag-sort at pag-filter ng mga nakalap na impormasyon upang mapadali ang pagsuri nito.
Handa ka na bang matutunan kung papaano isasaayos ng tamang pagkasunod-sunod ang mga impormasyon at kung paano itago ang mga impormasyong hindi pasok sa pamantayang naitakda? Iyan ang ating pag-aaralan. Tara na!
Sa modyul na ito ay inaasahang matutunan ang mga sumusunod:
- naipaliliwanag ang proseso ng pag-sort at pag-filter ng impormasyon; at
- nagagamit ang spreadsheet sa pag-sort at pag-filter ng impormasyon.
1 CO_EPP-ICT4_Modyul7
Subukin
[illustration: pencil]
A. Lagyan ng tsek ang kolumn na may [illustration: thumbs up] kung sumasang ayon ka at kolumn na may [illustration: thumbs down] kung hindi ka sumasang-ayon sa sinasabi sa pangungusap.
| Sitwasyon | [illustration: thumbs up] | [illustration: thumbs down] |
|---|---|---|
| 1. Nakapagso-sort ng ascending at descending na mga numerical at tekstuwal na impormasyon. | ||
| 2. Nakapagpi-filter ng impormasyon. | ||
| 3. Nagagamit ang sorting at filtering command sa mas epektibong pag-uulat at pagsusuri ng datos. | ||
| 4. Mas napapadali ang mga listahan ng mga tekstuwal na impormasyon sa alpabetong pagkakasunod mula A hanggang Z. | ||
| 5. Ang filter ay isang command na ginagamit sa electronic spreadsheet upang mas mabilis na masuri at masala ang mga imposrmasyon na kailangan. |
2 CO_EPP-ICT4_Modyul7
B. Nalalapit na ang unang pagsusulit at ikaw ay naatasan ng iyong guro sa ika-apat na baiting upang ayusin ang upuan ng inyong pangkat. Nais ni Gng. Marivic B. Abawag na iyong guro na ayusin mo ang mga upuan gamit ang inyong mga pangalan ng paalpabeto. Paano mo ito gagawin gamit ang mga pangalan na nakasulat sa kaliwang kahon. Isulat sa bandang kanan sa loob ng kahon ang mga pangalan na nakaayos ng paalpabeto at pagkatapos ay isulat ang mga ito sa loob ng kahon sa Seat Plan sa ibaba.
| Abaño, Angel Valerie B. Fortuno, Francine B. Bamba, John Angelo B. Cabrera, Kiel V. Zantua, Nestor L. | 1. 2. 3. 4. 5. |
Sa ibaba ay ang larawan ng silid aralan at numero ng upuan kung saan mo isusulat ang pangalan ng iyong mga kamag-aral.
[chart: seat plan diagram of classroom; Seat Plan]
Seat Plan
Lamesa ng Guro
1: ___________ ___________ ___________ 2: ___________ ___________ ___________ 3: __________ __________ __________ 4: ___________ ___________ ___________ 5: __________ __________ __________
3 CO_EPP-ICT4_Modyul7
Aralin 7
ICT: Nakakapag-sort at filter ng impormasyon gamit ang electronic spreadsheet tool.
Balikan
[illustration: puzzle pieces]
Natatandaan mo pa ba kung paano gumawa ng table at tsart? Subukang ayusin ang mga titik upang mabuo ang tamang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
| 1. linyang nakahilera pahalang | wors |
| 2. software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento | drwo sorsproce |
| 3. koleksyon ng magkakaugnay na tekstuwal na nakaayos ng rows at column | bleta |
| 4. biswal na modelo ng mga numerical na impormasyon | start |
| 5. linyang pahaba | lumcon |
4 CO_EPP-ICT4_Modyul7
Tuklasin
Alam mo ba kung saan galing ang papel na iyong ginagamit sa pagsusulat? Maging ang pahina ng mga aklat na iyong madalas na binabasa? Masasabing ito ang isa sa pinakamahalagang likha ng Maykapal sapagkat ito ay nagbibigay ng oksiheno sa ating katawan upang tayo ay mabuhay. Nagbibigay din sila ng lilim, sumisipsip sa tubig ulan upang maiwasan ang pagbaha, at higit sa lahat nagsisilbing tahanan ng mga ibon at iba pang hayop. Nahulaan mo na ba kung ano ang tinutukoy ko? Tama ito ay puno. Meron ka ba nito sa iyong kapaligiran? Bilang isang responsableng mag-aaral dapat ay nakikilala mo na ang mga pangalan ng puno sa ating paligid.
Nais ko na lumabas ka ng iyong bahay at sumulat ng limang (5) klaseng puno na iyong makikita sa palibot. Isulat ang mga pangalan nito sa ibaba ng nakaayos ng paalpabeto.
Suriin
May madali bang paraan ng pagsasaayos ng mga salita ng paalpabeto? Ang tawag dito ay sorting. May isa pang mabilis na paraan na tinatawag na filtering. Paano isinasagawa ang mga ito? Halina’t ating basahin.
Ang Sorting at Filtering Command
Ang Sort ay isang command sa electronic spreadsheet na ginagamit upang maisaayos ang mga listahan ng numerical at tekstuwal na datos. May dalawang uri ng sorting command:
[illustration: A-to-Z icon with a downward arrow]
- Sort ascending– isinasaayos nito ang listahan ng mga tekstuwal na imposrmasyon sa alpabetikong pagkakasunod mula A hanggang Z; ang numerical na imposrmasyon naman ay naisasaayos mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na bilang.
[illustration: A-to-Z icon with a downward arrow]
- Sort descending- isinasaayos nito ang mga tekstuwal na impormasyon sa baliktad na paalpabetong pagkakasunod mula Z hanggang A; ang numerical na impormasyon naman ay naisasaayos mula sa pinakamataas hangang sa pinakamababang bilang.
Ano naman ang filtering command?
Ang filter ay isang command sa electronic spreadsheet na ginagamit upang mabilis na masuri at masala ang mga impormasyon na kailangan. Kaiba sa sorting, ang filtering ay hindi lamang nag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon, itinatago rin nito ang impormasyon na hindi pasok sa pamantayang naitakda.
[illustration: filter button icon]
Ang filter button na makikita sa Data tab at grupo ng Sort at Filter.
Ano naman ang ibig sabihin ng electronic spreadsheet?
Ang electronic spreadsheet ang tawag sa pahina sa excel na ginagamit sa pagsusuri at pagsasala ng mga numerical at tekstuwal na impormasyon.
Ating pag-aralan ang mga hakbang kung paano ito gawin.
A. PAG-SORT NG MGA TEKSTUWAL NA IMPORMASYON
- Gamit ang iyong laptop o kaya desktop I-click ang window icon upang buksan ang excel icon na makikita sa bandang kaliwa ng screen.
[illustration: Windows taskbar at the bottom of the screen with the Start (window) icon marked by a red arrow]
- Mula sa bumukas na listahan gamit ang mouse piliin ang programa ng Excel.
[illustration: Start menu list of most-used programs with Excel 2016 marked by a red arrow]
- Magbukas ng Excel at tingnan ang interface ng programa. Ang Open Excel at isang bagong workbook ay awtomatikong malilikha.
[illustration: Excel window titled Book1 – Excel showing the ribbon and an empty worksheet]
Sa tuktok, mayroon kang Excel na ribbon maraming mga tab at isang grupo ng mga maliit na icon sa itaas sa Quick Access Toolbar. Ang mga maliliit na icon na ito ay nagpapahintulot sa
iyo na magsagawa ng mga pangkaraniwang function ng Excel tulad ng pagdagdag o pagtanggal ng mga hilera sa worksheet o freezing pane, atbp.
- Gumawa ng Bakery.xlsx file gamit ang iyong electronic spreadsheet tool na nagawa. (nasa aklat no.1)
[illustration: Excel ribbon with the title bar reading Bakery.xlsx – Excel]
- Gamit ang mouse, piliin ang cell range ng mga datos sa hanay ng Code No. Tinapay at Halaga (Cell A2-Cell C12).
MANG TINO’S BAKERY
| Code No. | Tinapay | Halaga |
|---|---|---|
| BK-001 | Ensaymada | 5.00 |
| BK-002 | Mamon | 15.00 |
| BK-003 | Spanish Bread | 2.00 |
| BK-004 | Hopia Monggo | 3.00 |
| BK-005 | Pan De Sal | 2.00 |
| BK-006 | Paianono | 10.00 |
| BK-007 | Pan de Coco | 2.00 |
| BK-008 | Cheese Bread | 3.00 |
| BK-009 | Kababayan | 2.00 |
| BK-010 | Rainbow Bread | 2.00 |
- I-click ang Data tab, piliin ang Sort Button.
[illustration: Excel Data tab ribbon with the Sort button highlighted]
- Magbubukas ang Sort dialog box.
[illustration: Sort dialog box with Add Level, Delete Level, Copy Level, and Options buttons, a Column / Sort On / Order grid, and OK and Cancel buttons]
- Sa column, I-click ang drop-down arrow ng Sort by na box. Piliin ang Tinapay.
[illustration: Sort dialog box with the Sort by drop-down list open showing Code No., Tinapay, and Halaga]
- Sa Order, i-click ang drop-down arrow at piliin ang A to Z.
[illustration: Sort dialog box with the Order drop-down list open showing A to Z, Z to A, and Custom List]
- I-click ang OK. Pansinin na sa listahan ng mga pangalan ng Tinapay, ang Cheese Bread ang naging pinakauna sa listahan.
MANG TINO’S BAKERY
| Code No. | Tinapay | Halaga |
|---|---|---|
| BK-008 | Cheese Bread | 3.00 |
| BK-001 | Ensaymada | 5.00 |
| BK-004 | Hopia Monggo | 3.00 |
| BK-009 | Kababayan | 2.00 |
| BK-002 | Mamon | 15.00 |
| BK-006 | Paianono | 10.00 |
| BK-007 | Pan de Coco | 2.00 |
| BK-005 | Pan De Sal | 2.00 |
| BK-010 | Rainbow Bread | 2.00 |
| BK-003 | Spanish Bread | 2.00 |
- I-save ang file sa inyong folder.
B. PAG-SORT NG MGA NUMERIKAL NA IMPORMASYON.
- Gamit ang parehas na file: Bakery.xlsx, subukin naman nating mag-sort ng numerical na impormasyon sa ating listahan.
[illustration: Sort dialog box with the Sort by drop-down list open showing Code No., Tinapay, and Halaga]
Gamit ang mouse, piliin ang cell range ng mga pangalan at marka (Cell B2-Cell C12).
I-click ang Data tab, piliin ang Sort button.
Magbubukas ang Sort dialog box.
Sa Column ay i-click ang drop-down arrow ng Sort by box. Piliin ang Halaga.
Sa Order, piliin ang smallest to largest (ascending) kung nais na ang mga presyo ng tinapay ay nakaayos mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas. Piliin naman ang largest to smallest Kung nais na ang mga halaga ay nakaayos mula sa pinakamataas hanggang pinakamababa.
I-click ang OK.
MANG TINO’S BAKERY
| Code No. | Tinapay | Halaga |
|---|---|---|
| BK-002 | Mamon | 15.00 |
| BK-006 | Pianono | 10.00 |
| BK-001 | Ensaymada | 5.00 |
| BK-004 | Hopia Monggo | 3.00 |
| BK-008 | Cheese Bread | 3.00 |
| BK-003 | Spanis Bread | 2.00 |
| BK-010 | Rainbow Bread | 2.00 |
| BK-005 | Pan De Sal | 2.00 |
| BK-007 | Pan de Coco | 2.00 |
| BK-009 | Kababayan | 2.00 |
Kung ang piniling Order option ay largest to smallest, ang listahan ay magiging katulad ng nasa larawan sa kanan. Pansinin na ang mga tinapay na may pinakamataas na presyo ang pinakauna sa listahan at sinusundan ng pangalawa sa pinakamataas at pababa.
I-save ang file sa inyong folder.
C. PAG-FILTER NG IMPORMASYON
Kung hindi pa nakabukas ang file, buksan uli ang Bakery.xlsx file gamit ang inyong electronic spreadsheet application.
Gamit ang mouse, piliin ang cell headings na naglalaman ng Code, Tinapay, at Halaga (CellA2-CellC2).
MANG TINO’S BAKERY
| Code No. | Tinapay | Halaga |
|---|---|---|
| BK-002 | Mamon | 15.00 |
| BK-006 | Pianono | 10.00 |
| BK-001 | Ensaymada | 5.00 |
| BK-004 | Hopia Monggo | 3.00 |
| BK-008 | Cheese Bread | 3.00 |
| BK-003 | Spanis Bread | 2.00 |
| BK-010 | Rainbow Bread | 2.00 |
| BK-005 | Pan De Sal | 2.00 |
| BK-007 | Pan de Coco | 2.00 |
| BK-009 | Kababayan | 2.00 |
[transcriber’s note: this page continues an activity whose earlier steps appear on the previous page]
- I-click ang Data tab. Magbubukas ang options sa ilalim ng Data tab.
[illustration: Excel Data tab ribbon with the Filter button highlighted and its tooltip “Filter (Ctrl+Shift+L)”]
- I-click ang Filter button at magkakaroon ng drop-down menus sa gilid ng cell headings.
MANG TINO’S BAKERY
| Code No. | Tinapay | Halaga |
|---|---|---|
| BK-002 | Mamon | 15.00 |
| BK-006 | Pianono | 10.00 |
| BK-001 | Ensaymada | 5.00 |
- I-click ang drop-down arrow sa gilid ng Halaga. Magbubukas ang menu options para sap ag-filter.
[illustration: Filter menu for the Halaga column showing sort options, Number Filters, and a checklist of values 2.00, 3.00, 5.00, 10.00, 15.00]
Piliin ang Number Filters at magbubukas ang options para rito. I-click ang between.
Magbubukas ang Custom Auto Filter. I-type ang 2 sa text field ng “is greater than or equal to” at i-type naman ang 5 sa text field ng “is less than or equal to.” Ibig sabihin lamang nito na nais nating ipakita ang mga tinapay na may halagang nasa pagitan ng 2 at 5.
[illustration: Number Filters submenu listing Equals…, Does Not Equal…, Greater Than…, Greater Than Or Equal To…, Less Than…, Less Than Or Equal To…, Between…, Top 10…, Above Average, Below Average, Custom Filter…]
- I-click ang OK button. Tingnan ang nagging resulta sa ibaba.
MANG TINO’S BAKERY
| Code No. | Tinapay | Halaga |
|---|---|---|
| BK-001 | Ensaymada | 5.00 |
| BK-004 | Hopia Monggo | 3.00 |
| BK-008 | Cheese Bread | 3.00 |
| BK-003 | Spanis Bread | 2.00 |
| BK-010 | Rainbow Bread | 2.00 |
| BK-005 | Pan De Sal | 2.00 |
| BK-007 | Pan de Coco | 2.00 |
| BK-009 | Kababayan | 2.00 |
- Maaari din nating i-sort ang resulta ng pag-filter na ito. I-click lamang ang drop-down arrow sa gilid ng cell ng Halaga.
[illustration: Filtered Halaga column with its drop-down menu open, showing sort options and an unchecked value list]
Piliin ang Sort Smallest to Largest, upang mai-ayos ang listahan mula pinakamababa hanggang pinakamataas.
Tingnan ang halimbawa ng output sa ibaba. I-save ang file.
Nagyon ay mayroon ka nang listahan ng tinapay na may halaagang 2 piso hanggang 5 piso at nakaayos mula sa pinakamababang presyo pataas.
MANG TINO’S BAKERY
| Code No. | Tinapay | Halaga |
|---|---|---|
| BK-003 | Spanis Bread | 2.00 |
| BK-010 | Rainbow Bread | 2.00 |
| BK-005 | Pan De Sal | 2.00 |
| BK-007 | Pan de Coco | 2.00 |
| BK-009 | Kababayan | 2.00 |
| BK-004 | Hopia Monggo | 3.00 |
| BK-008 | Cheese Bread | 3.00 |
| BK-001 | Ensaymada | 5.00 |
Pagyamanin
Mag-Sort at Mag-Filter Tayo.
Sa isang munting tahanan nakatira si Jeanny kasama ang kanyang Nanay, Tatay, Lolo at Lola. Nag-iisa siyang anak kaya’t mahal na mahal siya ng mga ito. Kahit solong anak ay kakikitaan siya ng pagiging masinop. Palagi niyang iniipon ang baon na ibinibigay sa kanya. Hindi niya ito araw-araw inuubos upang makaipon. Hilig nya kasi ang pagbibigay ng regalo sa kanyang mga magulang pati na rin sa kanyang Lolo at Lola pagsapit ng kaarawan ng mga ito. Upang maging maayos ang kanyang ipon ay gumawa siya ng isang talaan. Ating pansinin ang kanyang ginawa.
Ang Ipon ni Jeanny
| Araw | Nagbigay ng kanyang baon | Halaga |
|---|---|---|
| Lunes | Tatay | 10.00 |
| Martes | Nanay | 20.00 |
| Miyerkules | Lolo | 50.00 |
| Huwebes | Lolo | 50.00 |
| Biyernes | Lola | 25.00 |
- Subukan nating I-sort at I-filter ang impormasyon. Sundin ang sumusunod na pamantayan.
a. Baon galing kay Lolo.
b. Ang mga baon na may halagang pagitan ng 10 piso hanggang 25 piso
- I-sort ang mga baong natangap ni Jeanny mula pinakamababa hanggang pinakamataas.
Isaisip
Hanapin sa Kolumn B ang salita o larawan na tinutukoy sa Kolumn A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
| A | B |
|---|---|
| _____1. Pagsasala ng impormasyon upang Mapili lamang ang kinakailangang datos. | a. sort ascending |
| _____2. Proseso ng pagsasaayos ng listahan ng mga impormasyon. | b. sorting |
| _____3. Ang filter button na makikita sa Data tab at grupo ng Sort at Filter. | c. filtering |
| _____4. Isang application na maaaring gamitin sa pagsusuri at pagsasala ng mga numerical at tekstuwal na impormasyon. | d. electronic spreadsheet |
| _____5. Isinasaayos nito ang listahan ng mga tekstuwal na impormasyon sa alpabetikong pagkasunod-sunod mula A hanggang Z. | e. sort descending f. [illustration: filter button icon] |
Isagawa
Alam ko na ikaw ay maaasaang bata. Nais ko na gumawa ka ng isang pagsasaliksik. Sa tulong ng iyong pinakamatandang kapatid o kaya ni Nanay at Tatay nais ko na pumunta ka sa pinamalapit na sari-sari store sa inyong lugar.
Ikaw ay gagawa ng isang Inventory System. Sundin lang ang mga sumusunod.
1.Pumili ng sampung paninda na madalas mong bilhin dito.
2.Gamit ang electronic spreadsheet, gumawa ng listahan o inventory system.
3.Gumawa ng pagsusuri sa 10 paninda sa pamamagitan ng paggamit ng sort at filter command. Ilista ang mga ito na:
a. nakaayos mula sa pinakamataas sa presyo hanggang pinakamababa.
b. nakaayos mula sa pinakamababang presyo hanggang pinakamataas
c. nakaayos nang paalpabeto mula A-Z.
Tayahin
A. Isulat ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.
_____1. Ang electronic spreadsheet application ay maaaring gamitin sa pagsusuri at pagsasala ng mga numerical at tekstuwal na impormasyon.
_____2. Ang sorting ay pagpili ng pamantayan sa gagawing pagsala ng impormasyon.
_____3. Ang Filter button ay makikita sa Data tab at grupo ng Sort at Filter
_____4. Ang sort ascending ay ang pagsasaayos ng mga tekstuwal na impormasyon sa alpabetikong pagkakasunod-sunod mula A hanggang Z.
_____5. Nagagamit ang sorting at filtering command sa mas epektibong pag-uulat at pagsusuri ng datos.
B. Magmasid sa loob ng tahanan at tayo ay mag-sort at mag-filter. Gawing gabay ang mga sumusunod na hakbang.
Magtala ng sampung (10) kagamitang makikita sa loob ng inyong tahanan tulad ng lamesa, upuan, aparador at iba pa.
Sa tulong ng magulang itala ng presyo o halaga ng bawat kagamitan
Gamit ang spreadsheet gumawa ng listahan ng mga ito.
Gumawa ng pagsusuri sa mga presyo ng mga kagamitan sa pamamagitan ng sort at filter command.
a. nakaayos mula sa pinakamataas na presyo hanggang pinakamababa.
b. nakaayos ng paalpabeto mula A-Z.
c. nakaayos mula sa pinakamababang presyo ng kagamitan hanggang pinakamataas.
Karagdagang Gawain
A. Gamit ang electronic spreadsheet gumawa ng Talaan na naglalaman ng mga sumusunod:
| Pangalan ng Miyembro ng Pamilya | Kasarian (Babae o Lalaki) | Edad |
|---|---|---|
B. Mag-Sort at Mag-Filter.
Nakaayos ang mga pangalan ng miyembro ng pamilya ng paalpabeto (A-Z)
Nakaayos mula sa pinakamababang edad hanggang sa pinakamataas.
Magaling na bata at iyong naintindihan ang ating aralin. Binabati kita!
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer boxes are read in order from the rotated page]
Susi sa Pagwawasto
[illustration: key icon]
Tayahin
- T
- M
- T
- T
- T
Tasiyp [?]
- c
- b
- f
- d
- a
Balikan
- rows
- word processor
- table
- start
- column
Subukin B
- Abano, Angel Valerie B
- Bamba, John Angelo B.
- Cabrera, Kiel V.
- Fortuno, Francine B.
- Zantua, Nestor L.
Sanggunian
Eden F. Samadan, Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Laggui, Marilou E. Marta R. Benisano. 2015.Edukasyong pantahanan at pangkabuhayan kagamitan ng mag-aaral. Pasig City Philippines 1600: Vibal Group,Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply