This is a self-learning module (SLM) for Grade 4 EPP-IA, the Industrial Arts part of Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan. Module 6 is “Paggawa ng Disenyo o Produktong Gawa sa Kahoy, Lata, at Iba Pang Materyales na Nakukuha sa Pamayanan” (making designs or products from wood, tin cans, and other materials found in the community). Learners plan and make a useful project from recycled or local materials, follow safety and health rules while working, and rate their finished work with a rubric.
The module was prepared by DepEd Region V as an Alternative Delivery Mode (ADM) material, first edition 2020, for learning at home. It is written in Filipino.
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- Make their own design for building or changing a product made of wood, ceramics, cardboard, or tin cans, or other materials found in the community
- Identify materials that can be recycled to build the project they designed
- Follow safety and health rules while working
- Assess the finished project using their own feedback and others’ feedback, with a rubric
Planning a project
The module says that careful planning comes first. A plan guides each step and saves materials, because nothing is wasted. A project plan has these parts:
- Name, grade, and section, and the name of the project
- Proyekto Bilang (project number)
- Mga Layunin (objectives)
- Sketch (a drawing of the project)
- Mga Kagamitan o Talaan ng Materyales (list of materials)
- Pamamaraan o Hakbang sa Paggawa (procedure or steps)
- Talaan ng Kasangkapan (list of tools)
Sample plan: pencil or pen holder
The module’s sample plan is a pencil or pen holder made from a tin can and paper. The materials are a tin can, colored paper, glue, and scissors. The steps are:
- Get a used can, such as a milk or sardine can.
- Clean the can.
- Prepare paper to decorate the can, using any design you like.
- Glue the paper design on the can and let it dry.
- Use it to hold pens and pencils at home or in school.
Materials you can use
Things you can recycle
| Material | What it can become |
|---|---|
| Milk or sardine cans | Pen holder, flower vase, or a plant pot |
| Boxes | Clothes container, school project, or toys |
| Softdrink bottle caps (tansan) | Doormat, a tambourine, or toys |
| Candy wrappers | Flowers, throw pillows, and decorations |
| Old vehicle tires | Plant pots, trash bins, and doormats |
Materials found in the community
- Tabla at kahoy (lumber and wood): tables, chairs, cabinets, walls, and ceilings
- Abaka (abaca): a plant like the banana tree; its fiber makes baskets, doormats, slippers, belts, and decorations
- Niyog (coconut): called the “Puno ng Buhay” (tree of life) because every part has a use; coir fiber makes rope, bags, and doormats, and the trunk is used as house posts
- Pandan: leaves like pineapple leaves; used for mats, placemats, hats, bags, slippers, and tampipi
- Buri: one of the largest palms in the country; young leaves give fiber for hats, fans, bags, and rope
- Nito: a fern with no flowers or seeds that grows like a vine; used to stitch the edges of bilao, baskets, and bags
- Nipa: a palm that grows in watery areas; young leaves make raincoats and fans, and mature leaves are used for roofing
- Rattan (yantok): used for furniture, bags, baskets, hammocks, and decorations
- Damo (grasses): vetiver roots make fragrant fans, and tambo is used for brooms
Caring for tools and staying safe
The module asks learners to keep tools in the right container so they are easy to find and do not get lost or damaged, to take care of materials from the environment, and to be thrifty and creative.
Safety and health rules while working:
- Keep the work area clean.
- Follow the correct measurements.
- Do not skimp on the materials you need.
- Make sure your hands are clean before you work.
- Be well fed, clean, and properly dressed before you start.
- If you use electricity, check the connection and work with an adult or family member watching.
- Use the right tools for the project and handle them carefully.
How to use this module
The module follows the usual SLM parts: Alamin (objectives), Subukin (a short opening question about what you can make from bottles, boxes, and tins), Balikan (review), Tuklasin (the lesson), Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain. An answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end.
- Learners: Write your answers on a separate sheet and do not write on the module. In Suriin, write a project plan in your notebook, make a useful project of your own design from local materials, list the materials used, and draw the finished project. Then answer the Pagyamanin exercises, draw examples of products in Isagawa, and take the Tayahin quiz.
- Parents: Help your child find clean, safe materials at home, and stay close if electricity or sharp tools are used. The module asks learners to be honest when checking answers with the key.
- Teachers: The finished project is rated with five criteria, each worth 20%: materials from the community, cleanliness and neatness, creativity, usefulness, and overall look. The extra activity asks for a safety poster (content 50%, neatness 30%, on time 20%) and one more useful product from recycled materials.
Frequently asked questions
What grade is EPP-IA Module 6 for?
It is for Grade 4 (Ikaapat na Baitang) learners taking the Industrial Arts part of EPP.
What project does the module use as an example?
It shows a full project plan for a pencil or pen holder made from a used tin can, colored paper, glue, and scissors.
How is the finished project graded?
The rubric has five criteria worth 20% each: materials from the community, cleanliness and neatness, creativity, usefulness, and overall look.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Pagyamanin exercises and the Tayahin quiz.
What is nito used for?
Nito is a vine-like fern with no flowers or seeds. It is used to stitch the edges of bilao, baskets, bags, and decorations.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
EPP-IA
Modyul 6: Paggawa ng Disenyo o Produktong Gawa sa Kahoy, Lata, at Iba Pang Materyales na Nakukuha sa Pamayanan
CO_EPP-IA4_Modyul6
EPP-IA Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Modyul 6: Paggawa ng Disenyo o Produktong Gawa sa Kahoy, Lata, At Iba Pang Materyales na Nakukuha sa Pamayanan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Babilene R. Bascuña
Editor: Bavie F. Dela Rama
Tagasuri: Filip P. Cañas
Tagaguhit: Allan Victor Misalucha
Tagalapat: Filip P. Cañas
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr., Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Christie L. Alvarez, Lita T. Mijares, Salvador T. Pelingon
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – Region V
Office Address: Regional Site, Rawis, Legazpi City, 4500 Telefax: (052) 482-0046 / (052) 482-0373 E-mail Address: deped.rov@deped.gov.ph
4
EPP-IA
Modyul 6: Paggawa ng Disenyo o Produktong Gawa sa Kahoy, Lata, At Iba Pang Materyales na Nakukuha sa Pamayanan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagpadaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutunan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sa modyul na ito ay malalaman mo ang paggawa ng mg mga disenyo o produktonng gawa sa kahoy, lata at iba pang materyales na makukuha sa pamayanan. Matututunan mo din ang paggawa ng mga plano sa paggawa ng proyekto o disenyo. Malalaman mo rin ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa paggawa. Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman sa mga paraan ng pag –iwas sa anumang sakunang maaaring maganap sa oras ng paggawa.
Inaasahang naisasagawa ng mga mag – aaral ang mga sumusunod:
- nakagagawa ng sariling disenyo sa pagbuo o pagbabago ng produktong gawa sa kahoy, ceramics, karton, o lata (o mga materyales na nakukuha sa pamayanan) Nakikilala ang mga materyales na maaaring iresaykel sa pagbuo ng naidesenyong proyekto.
- nasusunod ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa paggawa.
- Nasusuri ang nabuong proyekto batay sa sariling puna at ng iba gamit ang rubrics.
Subukin
Basahin at unawain natin…!
Ang ating kapaligiran ay sagana sa mga bagay na maaari nating gamitin para makabuo tayo ng panibagong proyekto na kapaki-pakinabang.
Gamit ang mga ito, ano ang maaari mong mabuo/magawa?
[illustration: plastic bottle, cardboard box, biscuit tin labeled “BISCUIT”, and glass bottle]
Ano naman ang mga materyales o kagamitan na dapat gamitin sa paggawa ng proyekto? Paano mo ito maiingatan?
Aralin 6: INDUSTRIAL ARTS: Paggawa ng Disenyo o Produktong Gawa sa Kahoy, Lata, At Iba Pang Materyales na Nakukuha sa Pamayanan
Balikan
Isa sa makukulay na pagdiriwang sa Pilipinas ay ang “Panagbengga” Festival sa Baguio City. Isa ka sa nahalina sa magagandang kulay ng mga bulaklak na ginamit sa kanilang float parade, gusto mong gayahin ito sa iyong gagawing proyekto, anong Productivity Tool ang gagamitin mo para maganda ang mga kulay nito? Bakit?
PANAGBENGGA FESTIVAL | Baguio City
[photo: Panagbengga festival float decorated with sunflowers, flowers, and a butterfly]
Tuklasin
Sa panahon ngayon mahirap ang pamumuhay, mas maigi kung marunong tayong magtipid at gumawa ng mga bagay na kapaki-pakinabang na makakakutulong sa ating pang-araw–araw na buhay. Ang paggawa ng produkto galing sa pagreresaykel ng mga bagay – bagay ay isang paraan ng pagtitipid at pagpahusay ng mga kakayahan.
Sa paggawa ng proyekto kailangan ang masusing pagpaplano. Ito ay magsisilbing gabay sa bawat hakbang na ating gagawin gayundin ito rin ay isang paraan upang makatipid sa mga gagamiting materyales sapagkat maiiwasan ang pagsasayang ng mga ito. Bago gumawa ng proyekto, kailangan may nakahandang maganda at maayos na plano upang maging lubos na kapakipakinabang ang proyektong matatapos.
Narito ang dapat sundin sa paggawa ng plano sa gagawing proyekto o disenyo;
Pangalan: _____
Baitang/Pangkat: _____
Pangalan ng Proyekto: _____
I.Proyekto ng Bilang:
II.Mga layunin:
III.Sketch:
IV. Mga Kagamitan/talaan ng Materyales:
IV.Pamamaraan/Hakbang sa Paggawa:
VI.Talaan ng Kasangkapan:
Halimbawa ng Plano ng Proyekto
PENCIL/PEN HOLDER
Pangalan: Jaica B. Dela Cruz
Baitang/Pangkat: Grade IV – Rose
Pangalan ng Proyekto: Pencil/Pen holder
I.Proyekto ng Bilang: I
II.Mga layunin:
a. Makabuo ng proyekto o disenyo gawa sa lata at papel b. Makabuo ng proyekto na makukuha sa aming pamayanan c. Makagawa ng proyekto na magagamit sa ating paaralan.
III.Sketch/Larawan:
[transcriber’s note: no sketch is printed in the space after this heading]
IV. Mga Kagamitan/Talaan ng Materyales:
a. lata b. papel/colored paper c. pandikit d. gunting
IV.Pamamaraan/Hakbang sa Paggawa:
a. Kumuha ng lata na hindi na nagagamit gaya ng lata ng gatas, sardinas at iba pa.
b. Linisan ang nakuhang latang gagamitin sa proyekto.
c. Kumuha ng papel na gagamiting pang dekorasyon sa lata. Maaaring gumawa ng kahit na anong disenyo ang inyong gugustuhin upang maging maayos at maganda ang inyong gagawin.
d. Idikit ang ginawang disenyong papel sa lata at patuyuin ito.
e. Maaari na itong gamitin, lalagyan ng inyong ballpen at lapis sa bahay man o paaralan.
Narito ang mga bagay – bagay na maaaring gamitin sa pag resaykel;
[illustration: tin can]
a. Lata ng gatas o sardinas – maaari itong gawing pen holder, flower vase o kaya naman gawing taniman ng mga halaman lalo kung walang lugar na mapagtaniman.
[illustration: open cardboard box]
b. Kahon – Maaari itong gawing mga lalagyan ng damit, proyekto sa paaralan o kaya naman mga laruan ng mga bata.
[illustration: bottle caps]
c. Tansan ng mga softdrinks – maaaring gawing punasan ng paa, o kaya naman musical instrument tulad ng tambourine o kaya laruang pambata.
[illustration: candy wrappers]
d. Candy wrappers – maaaring gawin itong mga bulaklak o kaya naman gupit–gupitin ang mga ito para makagawa ng mga throw pillows at iba pang mga palamuti.
[illustration: old vehicle tire]
e. Lumang gulong ng sasakyan – ito ay maaaring gawing paso ng mga halaman, basurahan, at punasan ng paa.
Marami din mga materyales na makikita sa ating kapaligiran na maaaring gamitin upang higit na makagawa ng matibay at magandang proyekto na maaari ding ipagbili sa mataas na halaga.
[illustration: wooden boards]
- Tabla at kahoy – ang mesang kinakainan, silyang inuupuan at aparador na ginagamit bilang lalagyan ng iba’t – ibang kagamitan, dingding at kesame ay ilan lamang sa gamit nito.
[illustration: abaka fiber bundle]
- Abaka – isang uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging maliban sa mga dahon dahil mas malapad kaysa saging. Ang hibla nito ay siyang ginagamit sa paggawa ng basket, punasan ng paa, tsinelas, sinturon, mga palamuti at iba pa.
[illustration: coconut palm tree with coconuts]
- Niyog – ito ay tinatawag ding “ Puno ng Buhay” dahil ang bawat bahagi nito ay may sadyang gamit. Mainam gawing gamot ang ugat nito at maaari ring gawing pangkulay. Ang mga hibla ng bunot ay ginagawang lubid, bag at pahiran ng paa. Ang puno nman nito ay karaniwang ginagawang haligi ng bahay.
[illustration: pandan plant]
- Pandan – Ito ay karaniwang tumutubo sa gilid ng pampang kung saan ay mabuhangin o sa mga gilid ng bundok o malapit sa lawa o latian. Ang dahon nito ay nahahawig sa dahon ng pinya. Mainam itong gamitin sa paggawa ng banig, sapin sa plato, sombrero, bag, tsinelas, tampipi at iba pa.
[illustration: buri palm leaf]
Buri – isa sa pinakamalaki sa palmera na tumutubo sa bansang Pilipinas. Ang mga nagagawang hibla ng buri ay kinukuha sa mga murang dahon at ginagawang sombrero, pamaypay, bag, lubid at iba pa.
Nito – isang uri ng pako o fern na may dahon, ugat at tangkay, ngunit walang bulaklak at buto. Makikita itong tumutubo nang pagapang at pumupulupot na animo’y baging. Ginagamit itong pantahi sa mga gilid ng bilao, basket, bag at iba pang gamit sa pampalamuti.
[illustration: nito vine]
- Nipa – isang uri ng palmera na tumutubo sa ilang lalawigan tulad ng Pampanga, Cebu, Cagayan, at Mindoro. Ito ay tumutubo sa mga tubigan, ang mga mura at hindi pa bukang dahon ay tinitipon nang hiwalay at pinapatuyo sa araw. Ginagamit ang mga ito sa paggawa ng mga kapote at pamaypay. Ang mga magugulang na dahon naman ay ginagamit na pang – atip sa bahay.
[illustration: nipa palm plants]
- Rattan – Ang halamang ito ay tumutubo sa halos lahat ng lalawigan. Kilala sa tawag na yantok, at ginagamit sa paggawa ng mga muwebles, bag, basket, duyan at mga palamuti.
[illustration: rattan vine]
- Damo – Kilala sa mga damo na may halaga ang vetiver at tambo. Ang damong Veviter at karaniwang tumutubo sa mga latian at pampang. nag mga ugat ay inilulubog sa tubig sa loob ng 20 minuto at saka babayuhin upang maalis o matanggal ang balat. Ito’y gingamit sa paggawa ng mga pamaypay dahil sa kaaya – aya ang amoy nito. Ang tambo naman ay mainam gamitin sa paggawa ng mga walis.
Sa paggawa ng mga produkto o proyekto ay mayroon din dapat isa alang – alang sa pag – aalaga nito at mga kagamitan na ginamit.
- Ilagay sa tamang lalagyan ang mga kagamitang ginamit sa pagbuo ng proyekto upang madaling mahanap kapag gagamitin at hindi mawala at masira agad.
- Pangalagaan ang mga materyales sa ating kapaligiran upang ito ay maging kapakipakinabang at makatulong sa ating mga pangangailangan.
- Maging matipid at malikhain sa paggawa upang ito ay maibenta ng maayos at magamit ng matagal.
Narito din ang mga panuntunang pangkaligtasan at pagkalusugan sa paggawa. Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman sa mga paraan ng pag –iwas sa anumang sakunang maaring maganap sa oras ng paggawa.
Panunutunan sa paggawa ng disenyo o proyekto.
- Panatilihing malinis ang pagawaang lugar.
- Sundin ang tamang sukat sa paggawa ng proyekto.
- Huwag tipirin ang mga sangkap/kagamitan na gagamitin.
- Siguraduhing malinis ang mga kamay bago magtrabaho.
- Kailangan busog, malinis sa katawan at angkop ang suot o gamit bago magsimula sa paggawa.
- Kung gagamit ng elektrisidad siguraduhing maayos ang koneksyon nito at may patnubay sa nakatatanda sa iyo o sinumang miyembro ng inyong pamilya.
- Gumamit ng naaangkop na kagamitan sa gagawing proyekto at isaalang – alang ang maingat na paggamit.
Suriin
- ✓ Gumawa ng plano ng inyong proyektong gagawin sa inyong kwaderno.
- ✓ Sa inyong pamayanan anong materyales ang maaaring gawing produkto o proyekto na makakatulong sa inyong buhay?
- ✓ Gumawa ng isang kapaki-pakinabang na proyekto na ayon sa iyong sariling disenyo gamit ang mga materyales na matatagpuan sa inyong pamayanan.
- ✓ Suriin and natapos at nabuong proyekto batay sa sariling puna at ng iba gamit ang rubrics sa ibaba.
- ✓ Isulat din sa loob ng kahon ang mga pangalan ng materyales na ginamit at iguhit ang nabuong proyekto dito.
| MGA MATERYALES NA GINAMIT | GUHIT NG NABUONG PROYEKTO |
|---|---|
RUBRICS SA PAGSUSURI NG NATAPOS NA PROYEKTO
- Materyales na ginamit (matatagpuan sa pamayanan) – 20%
- Kalinisan / kaayusan ng gawa – 20 %
- Pagkamalikhain – 20%
- Kapakinabangan ng natapos na proyekto – 20%
- Kabuuang anyo – 20%
Pagyamanin
I. Lagyan ng tsek (✔ ) ang patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagsunod sa tamang panuntunan sa paggawa at ekis (X) kung hindi.
____ 1. Panatilihing malinis ang lugar ng pagawaan.
____ 2. Makipagkuwentuhan habang gumagawa.
____ 3. Gumamit ng tamang kasangkapan na gagamitin sa paggawa.
____ 4. Ilagay sa mesa ang mga matutulis na kasangkapang ginamit.
____ 5. Magsuot ng damit pantrabaho tulad ng hairnet at apron.
II. Kilalanin ang tinutukoy na materyales ng bawat pangungusap.
____________ 1. Ito ay isang uri ng pako o fern na may dahon, ugat at tangkay ngunit walang bulaklak at buto. Ginagamit din itong pantahi sa mga gilid ng bilao, basket, at iba pang palamuti.
_____________ 2. Mahahaba at malalapad ang mga dahon nito na nahahawig sa mga dahon ng pinya. Mainam itong gamitin sa paggawa ng banig, sapin sa plato, sombrero, bag at iba pa.
_____________ 3. Ito ay isang bahagi ng sasakyan na maaaring gawing paso, basurahan at punasan ng paa.
_____________ 4. Ito ay ginagamit sa paggawa ng mesa, silya, aparador at iba pang kagamitang pambahay.
_____________ 5. Ito ay maaaring gawing laruan o kaya naman musical instrument tulad ng tambourine.
Isaisip
Sa paggawa ng proyekto o disenyo ating alalahanin na gumawa muna ng plano ng proyektong gagawin upang maging gabay ito sa inyong paggawa.
Maraming mga materyales na matatagpuan sa ating pamayanan na maaaring magamit sa pagbuo ng kapaki–pakinabang na proyekto kung magiging malikhain, masipag, at matiyaga lamang tayo ay tiyak na aasenso ang buhay.
Alalahanin ang mga panuntunan sa pangkaligtasan at pangkalusugan na dapat sundin habang gumagawa upang maiwasan ang anumang kapahamakan o disgrasya.
Isagawa
Gumuhit ng mga halimbawa ng mga bagay na gawa sa mga materyales na ito sa loob ng kahon.
[transcriber’s note: eight empty boxes for drawings; the four in the first row are labeled below them, and so are the four in the second row]
Candy wrappers gulong tabla o kahoy rattan
Kahon nito Pandan abaka
Tayahin
Lagyan ng tsek ( ✔ ) ang patlang kung ito ay dapat gawin at ekis ( X ) kung hindi dapat.
_____ 1. Gumamit ng kasangkapang angkop sa bawat gawain.
_____ 2. Ilagay sa bulsa ang mga kagamitan at kasangkpang matutulis.
_____ 3. Ingatan ang paggamit ng matalas na kagamitan at kasangkapan.
_____ 4. Makipaglaro habang gumagawa.
_____ 5. Maghintay ng pagkakataon sa paggamit ng kasangkapan kapag ito’y kulang.
Karagdagang Gawain
I. Gumawa ng poster tungkol sa mga dapat tandaan upang maging ligtas sa anumang gawaing isinasakatuparan. Gawin ito sa ibaba ng modyul.
Krayterya/Rubrics
a. Nasa Tema at angkop ang nilalaman ng poster = 50%
b. Malinis ang pagkakagawa = 30%
c. Nagawa sa angkop na oras = 20%
II. Gamit ang mga bagay na maaaring iresaykel o ibang materyales na matatagpuan sa inyong bahay o bakuran, gumawa ng isa pang kapaki-pakinabang na produkto o proyekto.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer key is transcribed below in reading order]
PAGYAMANIN
I.
- ✔
- X
- ✔
- X
- ✔
II.
- Nito
- Pandan
- Lumang gulong
- Tabla
- Tansan
TAYAHIN
I.
- ✔
- X
- ✔
- X
Sanggunian
Sheila Mae R. Roson, Roberto B. Torres,Randy R. Emen,2015.Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Kagamitan ng Mag – aaral, Pasig City Philippines1600:Vibal Group Incorporated.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply