This is the self-learning module “Halina’t Magsaliksik” (come, let’s do research) for Grade 4 EPP-ICT. It is Module 4, and its subtitle is “Nagagamit ang mga website sa pangangalap ng impormasyon” (using websites to gather information). It was prepared by DepEd Region V for learners studying at home. It shows how to research on the internet when library books do not have everything you need, such as pictures, videos, and data.
What learners will learn
By the end of the module, the learner is expected to:
- use websites to gather information;
- recognize the features of a web browser and a search engine;
- do research using a web browser and a search engine; and
- use the right keywords for the topic they want to research.
Why use the internet for research
The module opens with a story, “Ang Takdang Aralin ni Paolo” (Paolo’s homework). Paolo must research Region V for Araling Panlipunan: its language, clothing, tourist spots, and well-known food. The school library gave him only limited information and no pictures of tourist spots. So he plans to research online with his Ate Sonia’s help. He will bring a notebook and ballpen to write down what he finds. He also promises his mother to search only for his homework and not play computer games.
The module then describes the internet as a wide source of extra information and data. It makes research fast and possible from many parts of the world.
Web browsers and their parts
A web browser is software used to find and visit websites. It shows text and pictures and can play music, video, and animation. The module names three well-known browsers:
| Browser | What the module says |
|---|---|
| Internet Explorer | Free browser from Microsoft Corporation, released in 1995 |
| Mozilla Firefox | Free browser from Mozilla |
| Google Chrome | Free browser released in 2008 |
The module also teaches nine parts of a browser:
- Browser window buttons: minimize, restore or maximize, and close the window.
- Tab name: shows the name of the open website. Click the x to close the tab.
- Navigation buttons: back, forward, and reload.
- New tab: opens a new tab for another website.
- Customize and control Google Chrome: options and commands for changing browser settings.
- Bookmark this page: the star button that saves a website’s address so you can return to it easily.
- Address bar: where you type a website address, such as www.google.com, then press Enter.
- Display window: the largest part, which shows the website.
- Scroll bar: drag it up or down to see more of the page.
Search engines and smart searching
A search engine is a software system for finding information on the internet. The module uses Google (www.google.com) as its example.
On the search engine home page:
- Search box: type your keyword here.
- Google Search button: click it, or press Enter, to start searching.
- I’m Feeling Lucky: goes straight to the page Google thinks fits best, often the first result.
On the search engine results page:
- Search field: type a new keyword to search again.
- Search button: starts the new search.
- Top links: other services such as images, news, and videos.
- Page title: the title of each web page in the results.
- Text below the title: a short excerpt from the page, with your keywords in bold.
The module gives three tips for smarter searching:
- Put exact phrases and proper names in quotation marks, for example “Mga Matagumpay na Pilipinong Negosyante”.
- Type a plus sign (+) before a word that must appear in the results, for example: mga uri ng negosyo + pagkain.
- Type a minus sign (-) before a word you do not want, for example: polusyon -tubig, to leave out results about water pollution.
How to use this module
The module follows the usual parts of a DepEd self-learning module:
- Subukin (pretest): true-or-false items and scrambled browser names.
- Balikan (review): types of files and storage devices from the previous lesson.
- Tuklasin (discover): Paolo’s story and questions about it.
- Suriin (analyze): questions about the library, then the lesson on the internet, browsers, and search engines.
- Pagyamanin (practice): step-by-step research on the qualities of an entrepreneur using Google.
- Isaisip (remember): identify browser logos and browser parts.
- Isagawa (apply): research the causes of air pollution in the country, write your search steps, and print what you found.
- Tayahin (assessment): a 10-item quiz on browser and search engine parts.
- Karagdagang Gawain (extra activity): research the main parts of a coconut tree and their uses, and fill in a table (15 points).
For learners: Answer on separate paper and do not write on the module. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
For parents: Guide your child during online research, as Paolo’s mother and sister do. Keep the search on schoolwork.
For teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the Balikan and Tayahin items. The Isagawa task asks for printed research output, so plan how learners without a printer or internet access can submit.
Frequently asked questions
What grade is this EPP-ICT module for?
It is for Grade 4 (Ikaapat na Baitang) EPP-ICT. It is Module 4, Halina’t Magsaliksik.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Balikan review and the 10-item Tayahin assessment.
Which web browsers does the module discuss?
It discusses Internet Explorer, Mozilla Firefox, and Google Chrome. It notes that Internet Explorer came out in 1995 and Google Chrome in 2008.
What is the difference between a web browser and a search engine?
A web browser is software for visiting and viewing websites. A search engine, such as Google, is a system used inside a browser to find information on the internet.
What search tips does the module teach?
Use quotation marks for exact phrases, a plus sign before a word that must appear, and a minus sign before a word you want to leave out of the results.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
EPP-ICT Modyul 4: Halina’t Magsaliksik (Nagagamit ang mga website sa pangangalap ng impormasyon)
CO_Q_ICT4_Modyul3
[illustration: students reading and studying outdoors and indoors, a teacher with a student, and a student with a globe]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
EPP- ICT Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Modyul 4: Halina’t Magsaliksik (Nagagamit ang mga website sa pangangalap ng impormasyon) Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Marivic B. Abawag Editor: Jelly M. Flores Tagasuri: Filip P. Cañas Tagaguhit: Fatima Preciousa T. Cabug Tagalapat: Fatima Preciousa T. Cabug Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr., Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Christie L. Alvarez, Lita T. Mijares, Salvador T. Pelingon
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – Region V
Office Address: Regional Site, Rawis, Legazpi City, 4500 Telefax: (052) 482-0046 / (052) 482-0373 E-mail Address: deped.rov@deped.gov.ph
4
EPP-ICT
Modyul 4: Halina’t Magsaliksik (Nagagamit ang mga website sa pangangalap ng imposrmasyon)
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagpadaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutunan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sapat ba ang aklat upang mapagkunan ng mahahalaga at makabagong impormasyon? Makikita ba dito lahat ng gusto nating makuhang impormasyon sa pagsasaliksik? Larawan, video at datos ang nais nating malaman sa pagsasaliksik na kung minsan ay wala sa aklat. Yan ang ating tutuklasin sa modyul na ito. Tayo ay nasa makabagong teknolohiya at marami ng paraan upang makapunta sa malalayong lugar sa iba’t ibang panig ng daigdig gamit ang computer at internet.
Sa module na ito ay inaasahan na ang mag-aaral ay matatamo ang mga sumusunod:
- nagagamit ang website sa pangangalap ng impormasyon;
- nakikilala ang iba’t ibang katangian ng web browser at search engine;
- nakapagsasaliksik gamit ang web browser at search engine; at
- nakagagamit ng tamang keywords para sa paksang nais saliksikin.
Subukin
A. Isulat sa patlang ang T kung tama at M kung mali ang sinasabi sa bawat pangungusap.
| Pangungusap | Sagot |
|---|---|
| 1. Hindi lahat ng impormasyon ay matatagpuan sa mga aklat sa silid-aklatan. | |
| 2. Ang pangangalap ng impormasyon sa internet ay isang paraan upang malaman ang mahahalagang impormasyong nais matutunan. | |
| 3. Ang internet ay hindi malawak na mapagkukunan ng dagdag na impormasyon at datos. | |
| 4. Bukod sa nakasulat na impormasyon ay makakakita rin ng larawan sa internet. | |
| 5. Kailangan malaman ang wasto at tamang paggamit ng Internet upang hindi mapahamak. |
B. Ayusin ang mga titik sa bawat bilang upang mabuo ang mga tamang salita na bumubuo ng web browser at mga ilang bahagi ng web browser.
transcriber’s note: the printed table in part B has no header row; the answer column is blank.
| 1. terterin ploexrer | |
| 2. glegoo mechro | |
| 3. foxfire zillamo | |
| 4. bat mena | |
| 5. bat wen |
Lesson 4: ICT: Halina’t Magsaliksik
(Nagagamit ang mga website sa pangangalap ng imposrmasyon)
Balikan
Natatandaan mo pa ba ang dati nating aralin? Isulat sa patlang ang hinihingi sa bawat bilang. Pumili ng kasagutan mula sa mga salita sa loob ng kahon
transcriber’s note: the word box printed beside the instructions contains these words: Soft Copy; CD-ROM; Hard Copy; DVD-ROM; Flash drive.
A. Dalawang uri ng Files
B. Storage Devices
Tuklasin
Basahin ang usapan o diyalogo ng mag-inang Laura at Paolo. Pagkatapos ay sagutan ang mga katanungan.
Ang Takdang Aralin ni Paolo
Isang araw ng Sabado, habang nasa sala ay nag-uusap ang mag-ina na si Nanay Laura at ang kanyang anak na si Paolo.
Ating basahin ang naging usapan nila.
transcriber’s note: the dialogue table below has no header row; its two columns hold the speaker and the line.
| Paolo: | Nay, may takdang aralin po kami sa Araling Panlipunan. |
| Nanay Laura: | Ano naman ang takdang aralin mo anak? |
| Paolo: | Ang takdang aralin po namin ay magsasaliksik po kami tungkol sa Rehiyon V, wika, kasuotan, magagandang lugar na kadalasang dinarayo ng mga turista at mga pagkain na kadalasang maipagmamalaki dito. |
| Nanay Laura: | Nagpunta ka na ba sa silid-aklatan nyo upang humiram ng aklat? |
| Paolo: | Opo, Nay. Kahapon po ng tanghali ay bumisita na ako sa silid aklatan at humanap po ako ng aklat tungkol sa Rehyon V ngunit limitadong impormasyon lang po ang aking nakuha at wala po Nay mga larawan ng magagandang lugar na dinarayo ng mga turista. |
| Nanay Laura: | Bukod sa mga aklat sa silid-aklatan saan ka pa maaaring makakuha ng mga impormasyon tungkol dito? |
| Paolo: | Ang sabi po samin ng guro naming sa ICT maaari kaming magsaliksik gamit ang Internet. Asan nga po pala Nay si Ate Sonia? |
| Nanay Laura: | Pumunta siya sa malapit na computer shop diyan sa ating bayan. Ang sabi nya ay magsasaliksik din siya tungkol sa proyekto nila sa ICT. |
| Paolo: | Nay alam ko na po. Kailangan kong magpasama kay ate Sonia upang magsaliksik gamit ang Internet. |
| Nanay Laura: | Sabihin mo lang kung kailan upang masamahan ka ng ate mo. |
| Paolo: | Salamat po Nay, yun po talaga ang kailangan namin at magpapaturo na lang po ako kay ate Sonia kung paano magsaliksik gamit ang Computer. |
| Nanay Laura: | O sige anak at magpapatulong nalang tayo sa ate mo at kailangan mong ihanda ang iyong notebook at ballpen sa pagsasaliksik upang maitala mo ang mahahalagang impormasyon na iyong makukuha. |
| Paolo: | Magpapaturo na rin po ako kay Ate kung paano ako makakakuha ng kopya ng aking research Nay. |
| Nanay Laura: | Magaling anak! basta ba tungkol lang sa takdang aralin ang iyong hahanapin sa internet at bawal ang computer games. Maaasahan ko ba yan anak? |
| Paolo: | Opo, Nay. |
Sagutin ang mga katanungan:
- Sinu-sino ang mga tauhan sa usapan o diyalogo?
- Ano ang Takdang Aralin ni Paolo?
- Saan at paano nya masasagutan ang takdang aralin niya?
- Sino ang makakatulong sa kanya upang magpunta sa computer shop?
- Bukod sa silid aklatan ano pa ang makakatulong sa atin upang magsaliksik?
Suriin
Pagmasdan at suriin ang larawan sa ibaba.
[illustration: interior of a library with tall wooden bookshelves, a checkered floor, a desk with a computer, and leather chairs]
Source:https://lh3.googleusercontent.com 1
- Ano ang tawag sa lugar na nasa larawan?
- Nakapunta kana ba sa lugar na ito?
- Ano ang makikita dito?
- Bakit tayo pumupunta sa Silid-Aklatan?
- Sapat ba ang mga impormasyon na makukuha sa mga aklat sa isang Silid-Aklatan? Bakit?
- Saan tayo maaaring bumisita upang makakalap ng sapat na impormasyong gusto natin?
- Tama may mga pagkakataong hindi sapat ang mga aklat sa isang Silid-Aklatan kung kaya’t kakailanganin natin ang Internet.
Ano ang Internet?
Internet ay nagsisilbing malawak na mapagkukunan ng dagdag impormasyon at datos. Dahil sa teknolohiya ay nagiging possible at mabilis ang pagsasaliksik ng makabuluhang impormasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Atin ding pag-aralan ang tungkol sa web browser.
Ang Web browser ay isang computer software na ginagamit upang maghanap at makapunta sa iba’t ibang websites. May kakayahan din ang isang web browser na ipakita ang nilalaman ng isang website tulad ng teksto at larawan. Maaari nitong i-play ang iba pang uri ng media tulad ng music, video at animation.
Ang sumusunod ay ilan sa mga kilalang web browser na maaaring gamitin.
| [logo] Source:https://lh3 .googleuserconte nt.com 2 | Internet Explorer | Libre itong web browser mula sa Microsoft Corporation. Inilabas ito noong 1995 at isa sa mga pinakapopular na browser ngayon. |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| [logo] Source:https://lh3. googleusercontent. com 3 | Mozilla Firefox | Libre rin ang web browser na Firefox mula sa Mozilla. Isa ito sa mga pamantayan ng mga browser na magagamit. |
| [logo] Source:https://lh3. googleusercontent. com 4 | Google Chrome | Ito ay isa pang libreng web browser.Inilabas ito noong taong 2008 at patuloy na tinatangkilik bilang isa sa pinakapopular na web browser ngayon. |
BAHAGI NG ISANG WEB BROWSER
| Bahagi ng Isang Web Browser | Simbolo | Paano Gamitin |
|---|---|---|
| 1. Browser Window Buttons | [illustration: browser window buttons showing minimize, restore or maximize, and close] | I-click ang minimize button kung nais itago ang browser window nang pansamantala. I-click ang restore o maximize button kung nais baguhin ang sukat ng window;I-click ang close button kung nais isara ang browser window. |
| 2. Tab Name | [illustration: browser tab labeled “Scholastic Learning Zone” with an x button] | Dito mababasa ang pangalan ng kasalukuyang bukas na website. Kung nais isara ang tab, i-click lamang ang x button sa gilid ng tab. |
| 3. Navigation Buttons | [illustration: back, forward, and reload buttons] | I-click ang back button para bumalik sa webpages na naunang binisita; I-click ang forward button kung nais balikan ang webpages |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Bahagi ng Isang Web Browser | Simbolo | Paano Gamitin |
|---|---|---|
| na pinakahuling binisita; o i-click ang reload button kung nais na muling i-update ang website sa browser. | ||
| 4. New Tab | [illustration: New Tab button with an x and a + button] | I-click ang New Tab kung nais magkaroon ng panibagong tab kung saan maaaring magbukas ng bagong website |
| 5. Customize and Control Google Chrome | [illustration: browser toolbar with the Customize and control Google Chrome button] | Dito makikita ang iba’t ibang options at commands upang baguhinang kasalukuyang settings ng browser. |
| 6. Bookmark this Page | [illustration: star button in the address bar] | I-click itong hugis-bituin na button para i-save ang address ng website. Sa ganitong paraan, madali itong mababalikan sa susunod na kailangan itong buksang muli. |
| 7. Address bar | [illustration: address bar showing www.google.com] | Maaaring i-type ditto ang address ng isang website na gusting tingnan. Ang Website address ang tumutukoy kung saan mahahanap ang isang website. Isang halimbawa ng website address na inilalagay sa address bar ay www.google.com. Kung ito ay i-type mo sa address bar at pindutin ang Enter key,makakarating ka sa |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Bahagi ng Isang Web Browser | Simbolo | Paano Gamitin |
|---|---|---|
| home page ng website nay un. | ||
| 8. Display Window | [photo: browser window showing the Google home page] | Ito ang pinakamalaking bahagi ng browser na nagpapakita ng piniling website. |
| 9. Scroll bar | [illustration: vertical scroll bar] | I-drag ito pataas o pababa upang Makita |
Ano ang Search Engine?
Ang search engine ay isang software system na ginagamit sa paghahanap ng impormasyon sa internet. Ang ilan sa kilalang search engines ay Google, Yahoo, Alta, Vista, at Lycos.
Mga Bahagi ng Search Engine Home Page
Kung magsasaliksik gamit ang Internet, isang mahalagang kasanayan ang paggamit ng search engines. Ang sumusunod ay bahagi ng search engine home page (www.google.com) at ang gamit ng mga ito.
[chart: diagram; Google home page with labeled parts: Search Box, Google Search Button, I’m Feeling Lucky]
| Search field o search box | Dito tina-type ang keyword na gagamitin sa pagsasaliksik |
| Google Search button | Pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button na ito o maaari ding pindutin ang Enter key sa keyboard upang masimulan ang |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| pagsasaliksik | |
| I’m feeling lucky | I-click ito matapos i-type ang keyword upang direktang pumunta sa webpage na sa palagay ng Google ay pinakaangkop sa kailangan mo. Madalas na ito ang unang search result. |
Mga Bahagi ng Search Engine Results Page
Matapos i-click ang search button, ipakikita ng search engine ang resulta ng iyong paghahanap. Ito ay sa isang pahinang tinatawag na search engine results page na naglalaman ng iba’t ibang websited na may kinalaman sa ipinapasok na keyword.
Makikita sa susunod na pahina ang isang halimbawa ng search engine results page at ang mga bahagi nito.
[chart: annotated screenshot; search engine results page for “matagumpay na entrepreneur” with parts labeled Search Field (A), Search Button (B), Top Links (C), Page Title (D), Text Below the Title (E)]
Source: image.slidesharecdn.com/ictandentreprenuership-3170620042720/95/pananaliksik-gamit-ang-internet-22-638.jpg?cb=1497932914
| Search Field | Kung nais maghanap muli, i-type lamang ang bagong keyword sa search field box. |
| Search Button | Pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| button o maaari ding pindutin ang Enter key sa iyong keyboard. | |
| Top Links | Narito ang mga serbsiyong maaaring magamit sa search engine katulad ng web, imahe, balita, videos, at iba pa. |
| Page Title | Ang pamagat ng web page na kasama sa search results |
| Text Below the Title | Maliit na piraso ng teksto na sipi buhat sa webpage. Naka-bold text ditto ang mga salitang ginamit mo bilang keywords. |
Mga Mungkahi Para sa Matalinong Pagsasaliksik
- Kung ang paksa ay tiyak at naglalaman ng mga pangalang pantangi at eksaktong parirala, ipaloob ang keywords sa panipi (“). Halimbawa: “Mga Matagumpay na Pilipinong Negosyante” o “Ang Huling El Bimbo.”
2.Kung mahalagang maisama ang salita sa pananaliksik, i-type ang plus (+) sign bago ang keyword na nais maisama sa search results. Halimbawa: mga uri ng negosyo + pagkain
- Kung nais magsaliksik ng mga web pages na hindi naglalaman ng isang particular na salita, i-type ang gitling (-) bago ang keyword na ayaw mong maging bahagi ng iyong search results. Halimbawa: polusyon-tubig, kung gusto mong hindi tungkol sa polusyon sa tubig ang mga resultang makuha mo.
Pagyamanin
Magsaliksik Gamit ang Web Browser at Internet
Sundin ang sumusunod na pamamaraan:
- Buksan ang inyong web browser (maaaring gamitin ang Internet Explorer, Mozilla Firefox, o Google Chrome)
- I-type ang www.google.com sa address bar ng browser at pinduti ang Enter key. Ito ang website address ng Google search engine.
- Pag-isipang mabuti ang keywords na gagamitin sa pagsasaliksik ng mga katangiang dapat taglayin ng isang entrepreneur. I-type ang keywords sa search field.
- I-click ang serach button. Magbubukas ang pahinang Search Results.
- I-click ang search result upang Makita ang kabuuan ng webpage.
- Suriin ang Search Results at tukuyin ang mga resultang pinakamakakatulong sa pananaliksik. Maaari mong tingnan ang iba pang pahina ng search results sa pamamagitan ng pag-click ng susunod na mga pahina.
Isaisip
Magaling dahil natutunan mo na ang tamang pagsasaliksik gamit ang Internet. Ngayon, subukan mong tukuyin ang sumusunod na mga larawan. Bilugan ang sagot sa loob ng panaklong.
| Larawan | Pangalan ng Larawan |
|---|---|
| 1. [illustration: Internet Explorer logo] Source:https://lh3.google usercontent.com 5 | (Mozilla Firefox,Google Chrome,Internet Explorer) |
| 2. [illustration: Google Chrome logo] Source:https://lh3.googleu sercontent.com 6 | (Google Chrome, Mozilla Firefox, Internet Explorer) |
| 3. [illustration: browser window buttons (minimize, restore, close)] | (Tab Name, Browser Window Buttons, New Tab) |
| 4. [illustration: browser tab bar with a tab and a New Tab button] | (Browser Window Buttons, Tab Name, New Tab) |
| 5. [illustration: Mozilla Firefox logo] Source:https://lh3.googleus ercontent.com 7 | (Internet Explorer, Mozilla Firefox, Google Chrome) |
Isagawa
Gumawa ng isang pagsasaliksik tungkol sa mga dahilan ng Polusyon sa Hangin sa ating bansa. Isulat ang mga tamang pasunod sunod upang ma search mo ito sa internet. Pagkatapos ay i-print ang iyong nakalap na impormasyon.
Tayahin
A. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Google Chrome Internet Explorer Search Box Tab Name Address Bar
_____1. Dito tina-type ang keyword na gagamitin sa pagsaliksik. _____2. Inilabas ito noong 1995 at isa sa mga pinakapopular na browser ngayon. _____3. Inilabas ito noong taong 2008 at patuloy na tinatangkilik bilang isa sa pinakapopular na web browser ngayon. _____4. Dito mababasa ang pangalan ng kasalukuyang bukas na website. _____5. Ito ay tumutukoy kung saan mahahanap ang isang website.
B. Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang mga salita na tumutukoy sa mga bahagi ng web browser.
- t _____ b n _____ m e
- n a v _____ g t i _____ n b _____ t t _____ n s
- n _____ w t _____ b
- a d _____ r e s _____ b _____ r
- s _____ r _____ l l b _____ r
Karagdagang Gawain
Magsaliksik Gamit ang Web Browser at Internet
Mag search sa Internet ng mga pangunahing bahagi ng isang puno ng niyog at alamin din ang gamit o kahalagahan ng bawat bahagi nito.
Sagutan ang Table sa ibaba ng iyong nakalap na impormasyon.
(15 puntos)
| Mga Pangunahing Bahagi ng Niyog | Larawan | Gamit o Kahalagahan |
|---|---|---|
| 1. | ||
| 2. | ||
| 3. | ||
| 4. | ||
| 5. |
Magaling at iyong nasagutan ang bawat gawain.
Binabati kita sa ipinakita mong tyaga at kasipagan…
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
- Address Bar
- Internet Explorer
- Google Chrome
- Tab Name
- Search Box
- tab name
- navigation buttons
- new tab
- address bar
- scroll bar
Balikan
- Soft copy
- Hard copy
- CD-ROM
- DVD-ROM
- Flash Drive
Sanggunian
Eden F. Samadan, Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Laggui, Marilou E. Marta R. Benisano. 2015.Edukasyong pantahanan at pangkabuhayan kagamitan ng mag-aaral. Pasig City Philippines 1600: Vib
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply