EPP-ICT 4 Modyul 10: Gusto Mo Bang Gumuhit? Drawing with Graphic Software

This is Module 10 of EPP-ICT for Grade 4 (Ikaapat na Baitang), titled “Gusto mo bang Gumuhit? (Pagguhit gamit ang drawing tool o graphic software)” (Do you want to draw? Drawing with a drawing tool or graphic software). It is a DepEd Region V Alternative Delivery Mode self-learning module, first edition 2020, written in Filipino. Learners discover that they can draw on a computer, without pencils or crayons, using a program such as MS Paint.

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • identify the command buttons in drawing tools or graphic software (nakatutukoy ng command buttons); and
  • draw using drawing tools or graphic software (nakaguguhit gamit ang drawing tools o graphic software).

Drawing on paper and drawing on a computer

The module starts with drawing by hand. Learners draw the place where they would most like to live, either a place with many trees and fresh air or one full of buildings and factories. They color it and write 3 to 5 sentences explaining their choice. They then look at five drawings (a smiling boy in tall grass, a clown, a tree silhouette, a family inside a heart, and a street with scattered trash) and write the message each one sends. The point is that a drawing can show a message or a feeling.

Next, the module explains that you can also draw with drawing tools or graphic software. These programs have tools like those that professional painters use, and they help build creativity. Like a painter’s paper or canvas, graphic software has a drawing area where you make your picture.

Parts of MS Paint

The module uses MS Paint and asks learners to compare its interface with a word processor and a spreadsheet. It names four parts:

PartWhat it does, as the module describes it
Paint toolHolds the command tools for making a new file, opening a file, and saving a file
Quick access toolbarHolds tool shortcuts for quick access
RibbonHolds the tools for drawing, coloring, editing pictures, and more
Drawing areaThe canvas where you draw or edit a picture

Basic drawing steps in MS Paint

  1. Click the pencil tool and Color 1, then click a color in the color palette.
  2. Click and drag the mouse on the canvas where you want to draw.
  3. Set a second color by clicking Color 2 and choosing from the palette.
  4. Right-click and drag the mouse to draw with Color 2.
  5. Try different brushes and colors. Each brush gives a different effect, like the artistic brushes painters use.
  6. Click the eraser tool, then click and drag over part of your drawing to erase it.

Saving your picture

A Paint picture can be saved in several formats. The three most common are:

  • JPEG (Joint Photographic Experts Group): works on almost all devices and programs; best when the picture will be shown online.
  • PNG (Portable Network Graphics): suited to graphic images such as logos, infographics, and small images, but not compatible with all software.
  • GIF (Graphics Interchange Format): suited to small graphics such as banners, charts, and buttons.

Activities in the module

  • Subukin (pretest): learners mark whether they can already do five drawing-software skills (identify command tools, use color, erase part of a picture, add text, and save in the right format), then list five drawing materials.
  • Balikan (review): fill in the missing words in the steps for sending an email with an attachment, from the previous lesson.
  • Pagyamanin (practice): draw a circle, square, oval, triangle, and rectangle with the pencil tool, color them red, blue, yellow, pink, and green, change the background with the bucket tool, and save.
  • Isaisip: match each description to the correct part (ribbon, paint tool, quick access toolbar, drawing area, graphic software) by drawing its shape.
  • Isagawa: redraw the earlier hand drawing using graphic software, then list how the two are alike and different.
  • Tayahin (assessment): copy a flower as a digital painting, worth 10 points, scored with a rubric on appropriateness (Kaangkupan) and neatness and order (Kalinisan at Kaayusan).
  • Karagdagang Gawain (extra task): make a digital painting about nature for an Environmental Awareness Month artwork display in November and submit it at your next meeting with the teacher.

How to use this module

Learners: Answer the pretest first, then work through each part in order. Do not write on the module; use separate paper. You will need a computer with a graphic program such as MS Paint for most activities. Check your Balikan, Isaisip, and pretest list answers with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, after you answer.

Parents and guardians: Help your child open the drawing program and save files. Contact the teacher if your child has trouble understanding the lesson.

Teachers: Use the pretest to see who needs extra help. The Tayahin rubric and the digital painting for the extra task give you work products to grade.

Frequently asked questions

What grade is EPP-ICT Module 10 for?

It is for Grade 4 (Ikaapat na Baitang) learners taking EPP-ICT. It was prepared by DepEd Region V as an Alternative Delivery Mode module, first edition 2020.

What software does the module use?

The module uses MS Paint to show the parts of a graphic program and the basic steps of drawing, coloring, erasing, and saving.

What are the parts of MS Paint taught in the module?

The module names the Paint tool, the quick access toolbar, the ribbon, and the drawing area, which is the canvas where you draw or edit a picture.

Which file formats does the module recommend for saving a drawing?

It describes JPEG for pictures shown online, PNG for logos, infographics, and small images, and GIF for banners, charts, and buttons.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Isaisip, Balikan, and the pretest list of drawing materials. The drawing tasks are scored with a rubric instead.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

EPP-ICT Modyul 10: Gusto mo bang Gumuhit? (Pagguhit gamit ang drawing tool o graphic software)

[illustration: group of students and a teacher reading and writing under a tree and at a desk, with a globe and a lamp]

CO_EPP-ICT4_Modyul10

EPP-ICT Modyul 10: Gusto mo bang Gumuhit? (Pagguhit gamit ang drawing tool o graphic software)

EPP – ICT Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Modyul 10: Gusto mo bang Gumuhit? (Pagguhit gamit ang drawing tool o graphic software) Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marivic B. Abawag Editor: Jelly M. Flores Tagasuri: Filip P. Cañas Tagaguhit: Fatima Preciousa T. Cabug Tagalapat: Fatima Preciousa T. Cabug Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr. Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Christie L. Alvarez Lita T. Mijares, Salvador T. Pelingon

Department of Education – Region V Office Address: Regional Site, Rawis, Legazpi City, 4500 Telefax: (052) 482-0046 / (052) 482-0373 E-mail Address: deped.rov@deped.gov.ph

EPP-ICT Modyul 10: Gusto mo bang Gumuhit? (Pagguhit gamit ang drawing tool o graphic software)

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagpadaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutunan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii

Alamin

Mahilig ka bang gumuhit? Ano ba ang kapakinabangan na naidudulot nito? Anu-ano ba ang karaniwang ginagamit mo sa pagguhit? Gumagamit ka ba ng lapis at pangkulay? Alam mo ba na maaari kang gumuhit kahit wala ang mga bagay na ito gamit lamang ang computer? Ito ang pag-aaralan natin sa module na ito. Kung paano gumuhit gamit ang computer.

Sa modyul na ito ay inaasahang naisasagawa ng mag-aaral ang mga sumusunod:

  • nakatutukoy ng command buttons sa drawing tools o graphic software; at
  • nakaguguhit gamit ang drawing tools o graphic software.

1

CO_EPP-ICT4_Modyul10

Subukin

Kaya Mo na Ba?

A. Subukan natin kung kaya mo na ang sumusunod na kaalaman at kasanayan. Lagyan mo ng bituin ( ) ang hanay ng thumbs up na icon kung taglay mo na at buwan ( ) ang thumbs down icon kung hindi pa.

Gamit ang isang drawing software, kaya ko na…thumbs upthumbs down
1. matukoy ang command tools na ginagamit sa pagguhit
2. gumamit ng kulay sa pagguhit
3. burahin ang isang bahagi ng larawan gamit ang angkop na tool
4. maglagay ng text sa larawan
5. mag-save ng file gamit ang angkop na format

[illustration: thumbs up and thumbs down icons, the first marked with a star and the second with a small square]

B. Magbigay ng limang mga kagamitan na maaaring gamitin sa pagguhit.






2

CO_EPP-ICT4_Modyul10

Lesson 10: ICT: Gusto mo bang Gumuhit? (Pagguhit gamit ang drawing tool o graphic software)

Balikan

Punan ang nawawalang salita sa pangungusap upang mabuo ang mga paraan sa pagpapadala ng email na may kalakip na dokumento. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

Compose attach Browse send dokumento

  1. I-click ang _____ Mail.
  2. I-click ang _____ a file.
  3. I-click ang _____ upang mahanap ang folder kung saan nakalagay ang ilalakip ng file.
  4. Kung ganap na nailakip ang _____, makikita ito sa link ng attachment names.
  5. I-click ang _____.

3

CO_EPP-ICT4_Modyul10

Tuklasin

Kung ikaw ay papipiliin saan mo gustong tumira sa isang lugar na maraming mga puno at sariwa ang hangin o sa isang lugar na halos gusali at malalaking pabrika ang iyong makikita?

Nais ko na iguhit mo ang lugar na gusto mo talagang tirahan sa isang malinis ng bond paper. Kulayan ito at sumulat ng 3-5 pangungusap tungkol dito kung bakit ito ang napili mong lugar.
















4

CO_EPP-ICT4_Modyul10

Suriin

Kanina sa gawain natin iyong iginuhit ang lugar na gusto mong tirahan. Anu-ano ang mga kagamitan na ginamit mo sa pagguhit?

Ano ba ang kahalagan ng pagguhit?

Naipapakita ba natin sa pagguhit ang ating mensahe o nararamdaman sa isang bagay?

Kung ipapakita sayo ang sumusunod na larawan anong mensahe kaya ang nais nitong iparating?

[illustration: boy smiling in tall green grass, numbered 1] Source:Fatima Preciousa T. Cabug,2019 2

[illustration: clown with multicolored hair and red nose, numbered 2] Source:Fatima Preciousa T. Cabug,2019 3

[illustration: black silhouette of a tree on a green background, numbered 3] Source:Fatima Preciousa T. Cabug,2019 1

[illustration: heart-shaped frame with a man, a woman, and a child holding hands, numbered 5] Source:Fatima Preciousa T. Cabug,2019 4

[illustration: street scene with buildings, a street lamp, and scattered trash, numbered 4] Source:Fatima Preciousa T. Cabug,2019 5

Alam mo ba na may iba pang paraan ng pagguhit?

Maaari kang gumuhit ng larawan gamit ang computer sa pamamagitan ng drawing tools o graphic software. Malilinang ang iyong pagiging malikhain dahil nagtataglay ito ng mga tools na gaya ng ginagamit ng mga propesyunal na pintor.

Gaya ng nakagawiang paraan ng pagguhit at pagpipinta na di gumagamit ng computer, ang graphic software ay mayroong drawing area na nagsisilbing canvas o papel sa isang pintor.

Buksan ang sumusunod upang masiyasat ang paggamit nito:

1. Buksan ang MS Paint. Tingnan ang interface nito. Ano ang pagkakaiba nito sa word processor at spreadsheet application?[illustration: MS Paint window with ribbon, toolbar, and blank drawing canvas]
LarawanMensahe na nais Iparating
1
2
3
4
5
a. Paint tool-naglalaman ng mga command tools na gagamitin sa paggawa ng bago,pagbukas at pag-save ng file.[illustration: Tools group of the Paint ribbon showing pencil, fill, text, eraser, color picker, and magnifier icons]
b. Quick access toolbar-naglalaman ng mga tool shortcuts para sa mabilisang pag-access dito.[illustration: Quick Access Toolbar showing save, undo, redo, new, and open icons]
c. Ribbon-naglalaman ng iba’t ibang tools na maaaring gamitin sa pagguhit, pagkulay, pag-edit ng larawan at iba pa.[illustration: Paint ribbon showing Clipboard, Image, Tools, Shapes, and Colors groups]
d. Drawing area- canvas kung saan maaaring gumuhit o mag edit ng larawan[illustration: blank drawing canvas]
2. I-click ang pencil tool at color 1. Pumili ng kulay sa color pallete sa pamamagitan ng pag-click nito.[illustration: Colors group with Color 1 selected, red swatch, and arrow pointing to it]
3. I-click at drag ang mouse sa bahagi ng drawing canvas kung saan mo gustong gumuhit.[illustration: red line drawn on the canvas]
4. Maaari kang magset ng dalawang kulay gamit ang Color 1 at Color 2. I-click

<!– transcriber’s note: table continued from the previous page –>

ang Color 2 at pumili ng kulay gamit ang color palette.[illustration: Colors group with Color 1 set to red and Color 2 set to blue, with color palette]
5.I-right click at i-drag ang mouse kung nais gamitin ang Color 2.[illustration: red and blue lines drawn on the canvas]
6.Subukin mong magpalit ng brush at kulay. Mapapansin na may iba’t ibang uri ng brush na maaaring gamitin. Ang bawat brush ay nakagagawa ng iba’t ibang effects gaya ng mga artistic brush na gamit ng mga pintor.[illustration: Brushes tool selected, with green brush strokes on the canvas]
7. I-click ang eraser tool at itapat ang cursor sa drawing area na may larawan na may larawan. I-click at i-drag ang mouse sa bahaging may larawan. Pagmasadan kung ano ang mangyayari rito.[illustration: Tools group with eraser selected, and canvas showing erased part of the green strokes]

Ang isang larawan na ginawa sa paint ay maaaring i-save sa iba’t ibang format. Ang JPEG, GIF, at PNG ang pinakamadalas gamitin.

JPEG o Joint Photographic Experts Group. Ang format na ito ay

compatible sa halos na devices at programs. Mas akmang gamitin ang format na ito kung kailangan mong i-display ang larawan online.

PNG o Portable Network Graphics. Ang format na ito ay akma sa graphic image file tulad ng logo, infographics at maliit na images. Hindi it compatible sa lahat ng software o applications.

GIF o Graphics Interchange Format. Ang format na ito ay akma sa maliit na graphics tulad ng banners, charts, at buttons.

Pagyamanin

Handa ka na bang gumuhit gamit ang computer?

Halika at sundan natin ang mga hakbang upang makapagsimula ng simpleng guhit gamit ang iba’t ibang hugis.

  1. Buksan ang graphic application at magsimula ng bagong larawan.
  2. I-click ang pencil tool button at pumili ng angkop na laki ng guhit gamit ang size tool.
  3. Simulan ang pagguhit ng iba’t ibang hugis tulad ng bilog, parisukat, bilohaba, tatsulok at parihaba.
  4. I-click ang angkop na brush at pumili ng kulay na gagamitin. Kulayan ang iyong drawing.
  5. Kulayan ang bilog ng pula, ang parisukat ng asul, bilohaba ng dilaw, tatsulok ng rosas at ang parihaba ng berde.
  6. Palitan ang kulay ng drawing area gamit ang bucket tool.
  7. I-save ang nabuong larawan.
Isaisip

Iguhit sa patlang ang hugis ng salitang tumutukoy sa tamang sagot.

[illustration: shapes with labels: triangle “Ribbon”; circle “Paint Tool”; star “Graphic Softwar”; heart “Drawing Area”; rectangle “Quick access toolbar”]

_____ 1. Naglalaman ng iba’t ibang tools na maaaring gamitin sa pagguhit,pagkulay, pag edit ng larawan at iba pa.

_____ 2. Naglalaman ng mga command tools na gagamitin sa paggawa ng bago,pagbukas at pag-save ng file.

_____ 3. Naglalaman ng mga tool shortcuts para sa mabilisang pag-access ditto.

_____ 4. Canvas kung saan maaaring gumuhit o mag edit ng larawan.

_____ 5. Ito ay mayroong drawing area na nagsisilbing canvas o papel sa isang pintor.

Isagawa

Gawin Natin!

Nais ko na iguhit mo gamit ang graphic software ang iginuhit mo kanina. Pagkatapos ay paghahambingin ang mga ito. Isulat ang pagkakapareho at pagkakaiba nito sa Table sa ibaba.

PagkakaparehoPagkakaiba
Tayahin

Subukan mo na gumawa ng isang produkto gamit ang graphic software. Isa sa maaaring gawin sa pamamagitan nito ay ang isang digital painting. Nais ko na gayahin mo ang larawan sa ibaba.

[illustration: orange flower with five petals, a green stem and leaf, and a dark green base on a white background] Source:Fatima Preciousa T. Cabug,2019 6

Tiyakin na ang kulay nito ay katulad ng nasa larawan. Ang bulaklak ay may kulay dilaw na talulot, ang tangkay at dahon ay kulay berde.(10 Puntos.)

RUBRICS SA PAGGAWA
543
KaangkupanLubusang napaka angkop ng ginuhitAngkop ang ilang bahagi ng ginuhitHindi angkop ang iginuhit
Kalinisan at KaayusanLubusang napakalinis at maayos ang pagkakaguhitNaging malinis at maayos ang pagkakaguhitDi malinis at maayos ang pagkakaguhit
Karagdagang Gawain

Tuwing buwan ng Nobyembre ay ipinagdiriwang natin ang “Environmental Awareness Month” magkakaroon ng isang Artwork Display na magtatampok ng iba’t ibang larawan tungkol sa kalikasa. Lahat ng mga magiging produkto ng mag-aaral sa pagguhit ay itatampok sa nasabing display. Bilang isang mag-aaral na may pakialam sap ag-aalaga sa ating kalikasan ikaw ay inaatasang gumawa ng isang digital painting.Isumite ito sa guro sa sunod ninyong pagkikita.

Salamat sa oras na iyong binigay sa pagbabasa at pagsunod sa lahat ng mga Gawain.

Binabati kita.

Susi sa Pagwawasto

Isaisip
  1. ribbon
  2. paint tool
  3. quick access tool bar
  4. drawing area
  5. graphic software
Balikan
  1. compose
  2. attach
  3. browse
  4. dokumento
  5. send
Sagutin

B.

  1. lapis
  2. papel
  3. bond paper
  4. color pencil
  5. water color

Sanggunian

Eden F. Samadan, Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Laggui, Marilou E. Marta R. Benisano. 2015.Edukasyong pantahanan at pangkabuhayan kagamitan ng mag-aaral. Pasig City Philippines 1600: Vibal Group,Inc

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *