EPP-IA 4 Modyul 4: Wastong Pamamaraan ng Basic Sketching, Shading at Outlining

This is a self-learning module (SLM) for Grade 4 EPP-IA, or Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Industrial Arts. Its title is “Wastong Pamamaraan ng Basic Sketching, Shading at Outlining (Pagdidisenyo ng Proyekto),” which means the proper way of doing basic sketching, shading, and outlining when designing a project. It was prepared by DepEd Region V under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020) for learners studying at home. After this module, learners can name the ways to draw a project design and the tools used to draw it.

What learners will learn

The module states that learning to design is important because a design shows the picture or layout of a project and its other specifications. By the end, learners should be able to:

  • Identify the methods of basic sketching, shading, and outlining (Natutukoy ang pamamaraan ng basic sketching, shading, at outlining)
  • List the tools for basic sketching, shading, and outlining and use them properly (Naiisa-isa ang mga kagamitan sa basic sketching, shading, outlining at ang wastong paggamit ng mga ito)

Three ways to draw a project design

The module explains that a design, or krokis (sketch), shows a project’s details, form, and measurements, and serves as a guide in building it. The lesson, Aralin 4, describes three ways to draw one.

Orthographic

An orthographic drawing shows the project in three separate views:

  • Top view (tanawing pang-itaas): shows the top of the project.
  • Front view (tanawing pangharap): shows the front of the project.
  • Side view (tanawing pantagiliran): shows the side of the project.

Orthographic drawings follow standard measurements in the metric system. The pretest uses a sketch of a garlic pounder (pampukpok ng bawang) drawn in top, front, side, and isometric views, with measurements in centimeters.

Isometric

An isometric drawing shows the three views of the project in a single drawing, with each side tilted at 30 degrees. It can also be done by freehand sketching to show the whole shape of the project.

Perspective

A perspective sketch looks like an isometric drawing, but it is large in front and gets smaller toward the back, like looking down a railway track. Two or more dots guide the drawing of each part. Architects often use it to show how a planned house or building will look when finished.

Tools for sketching and mechanical drawing

ToolWhat the module says about it
Drawing board (tabla o mesang pinaguguhitan)Made of wood, usually 16 x 22 inches or 18 x 24 inches; needs a smooth surface and a straight working edge
L-square (iskwala)Wood or plastic, with a head and blade joined at 90 degrees; used for horizontal lines and as a guide for the triangle
Triangle (trianggulo)Used for vertical and slanted lines; the common types are the 45° triangle and the 30°x60° triangle
ProtractorUsed to measure angles; the outer scale reads 0° to 180° from right to left, the inner scale from left to right
CompassUsed to draw circles and arcs; its pencil tip must always be sharp
DividerUsed to divide lines and transfer measurements; both ends are needle-pointed
Pencil (lapis)HB is the usual pencil for drawing and lettering; grades run from 6B to 9H
French curveUsed to draw complex curves
Other materialsEraser, paper, masking tape, and pencil sharpener

How to use this module

The module follows the usual SLM parts, in this order:

  1. Subukin (pretest): study the garlic pounder sketch, name the design, and draw its top, front, and side views.
  2. Balikan (review): say which jobs use shading, sketching, and outlining, such as an architect or a painter.
  3. Tuklasin (discover): read about the three design methods and the drawing tools.
  4. Suriin (analyze): answer questions on the three designs and name five pictured tools.
  5. Pagyamanin (practice): a five-item multiple-choice quiz and a word search of tool names.
  6. Isaisip (remember): a short summary of the lesson.
  7. Isagawa (apply): draw an example of each design and unscramble letters to name tools.
  8. Tayahin (assessment): mark statements with a happy or sad face and match tools to their uses.
  9. Karagdagang Gawain (extra activity): draw a project design on clean paper and look for other drawing tools at home or in the community, or interview people who work in design.

For learners: Do not write on the module. Answer on separate paper or in your notebook, and be honest when checking with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end.

For parents: Help your child gather paper, a pencil, and a ruler or triangle for the drawing tasks. Remind them to contact their teacher if a part is hard to understand.

For teachers: The pretest shows which learners need more help. Check the answer key before using it, because a few answers do not match the items. For example, Tayahin item 5 is a true statement but is keyed as false.

Frequently asked questions

What grade is this EPP-IA module for?

It is for Grade 4 (Ikaapat na Baitang) learners taking EPP Industrial Arts. It was published by DepEd Region V as a first edition in 2020.

What are the three ways to draw a project design in this module?

The module teaches orthographic, isometric, and perspective drawings. Orthographic shows the top, front, and side views separately. Isometric shows all three views in one drawing tilted at 30 degrees, and perspective shows a shape that gets smaller toward the back.

What tools does the module say are used in drawing a design?

It lists a drawing board, an L-square, triangles, a protractor, a compass, a divider, pencils, and a French curve. It also lists other materials such as an eraser, paper, masking tape, and a pencil sharpener.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the review, practice, unscrambling, and assessment activities. A few answers seem not to match their items, so teachers should check it.

Which pencil is commonly used for drawing and lettering?

The module says the HB pencil is the one usually used for drawing and lettering. Pencil grades range from 6B to 9H.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

EPP-IA Modyul 4: Wastong Pamamaraan Ng Basic Sketching, Shading at Outlining (Pagdidisenyo Ng Proyekto)

[illustration: students and a teacher studying and drawing outdoors and indoors, with a globe and a lamp; the ADM (Alternative Delivery Mode) logo is shown below]

CO_EPP-IA4_Modyul4

Copyright and Development Team

EPP-IA Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Modyul 4: Wastong Pamamaraan Ng Basic Sketching, Shading at Outlining (Pagdidisenyo Ng Proyekto) Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region V Office Address: Regional Site, Rawis, Legazpi City, 4500 Telefax: (052) 482-0046 / (052) 482-0373 E-mail Address: deped.rov@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Babilene R. Bascuña Editor: Jelly M. Flores Tagasuri: Filip P. Cañas Tagaguhit: Fatima Preciousa T. Cabug Tagalapat: Fatima Preciousa T. Cabug Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr., Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Christie L. Alvarez, Lita T. Mijares, Salvador T. Pelingon

EPP-IA Modyul 4: Wastong Pamamaraan Ng Basic Sketching, Shading at Outlining (Pagdidisenyo Ng Proyekto)

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagpadaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutunan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Sa modyul na ito matututuhan ang wastong pamamaraan sa paggawa ng basic sketching, shading at outlining (Pagdidisenyo ng proyekto) at mga kagamitan nito. Mahalaga ang pagdidisenyo sa paggawa ng isang proyekto upang maipakita ang larawan o ayos at iba pang ispesipikasyon :

  • Natutukoy ang pamamaraan ng basic sketching, shading, at outlining
  • Naiisa-isa ang mga kagamitan sa basic sketching, shading, outlining at ang wastong paggamit ng mga ito.

CO_EPP-IA4_Modyul4

Subukin

Suriin ang halimbawa ng isang disenyo o krokis. Ano ang nauunawaan mo rito?

a. Ibigay ang pangalan ng disenyo. b. Iguhit ang bahaging top view ng disenyo. c. Iguhit ang bahaging front view ng disenyo. d. Iguhit ang bahaging side view ng disenyo.

[chart: diagram; Halimbawa ng Krokis ng Disenyong “Pampukpok Ng Bawang”]

Halimbawa ng Krokis ng Disenyong “Pampukpok Ng Bawang”

  • Top View: rectangle with a narrower rectangle extending to the right; a dimension of 1cm marked on the right side.
  • Isometric: 3D drawing of a block with a narrower rectangular bar extending from its right side.
  • Front View: rectangle labeled 4 cm, with a narrower rectangle labeled 3.5cm extending to the right; 1cm dimension marked on the right side.
  • Side View: rectangle with a smaller square inside at the bottom; dimensions 2cm (height) and 3cm (width) marked.

Values beyond those printed on the chart are not labeled on the chart.

Image Source: www.coursehero.com

Aralin 4

Industrial Arts: WASTONG PAMAMARAAN NG BASIC SKETCHING, SHADING AND OUTLINING (PAGDIDISENYO NG PROYEKTO)
Balikan

Sabihin kung ang mga sumusunod na hanapbuhay ay gumagamit ng shading, basic sketching at outlining.

a. Artista b. arkitekto c. pintor d. computer encoder/programmer mag – aaral

Tuklasin

Maraming paraan kung paano ilalarawan ang disenyo. Ang ilan ay ang sumusunod:

Ortographic – ito ay nagpapakita ng iba’t ibang tanawin o views ng proyekto. ipinakikita nito ang tatlong tanawin o views sa disenyo.

  • Tanawing pang – itaas ( top view) – ipinakikita rito ang tanawing pang – itaas ng proyekto.


  • Tanawing pangharap (front view) – ipinakikita rito ang harap na bahagi ng proyekto.


  • Tanawing pantagiliran (side view) – ipinakikita rito ang gilid na bahagi ng proyekto.


May itinakdang batayang sukat sa sistemang metiko na sinusunod ngayon sa buong larawan kapag inilarawan ang ortographic na disenyo.

Pag aralan ang disenyong ortographic.

[illustration: isometric cutaway box showing projection planes (sides of the box), projectors, true shape of surface A, and foreshortened shape of surface B, with labels Front View, Right Side View, Top View]

Image Source: draftingteacher.blogspot.com

[illustration: orthographic projection layout of a machined part showing front view at center with top, bottom, left, and right side views arranged around it]

Image Source: draftingteacher.blogspot.com

a. Isometric – ito ay nagpapakita ng tatlong tanawin ng proyekto sa iisang drowing na nakahilig ng 30 ( 30 degrees) ang bawat tagiliran. Maari din itong gawin sa pamamagitan ng malayang pagkokrokis upang maipakita ang kabuuang hugis ng proyektong gagawin.

Disenyong Isometric

[illustration: isometric drawing of a three-dimensional cross-shaped object made of interlocking blocks]

Image Source: clipartmag.com, 3d-isometric-drawing-15.png

b. Perspective – Isa itong krokis na nahahawig sa isometric. Ang hugis nito ay malaki sa unahan at papaliit hanggang dulo tulad ng pagtingin sa riles ng tren. May dalawa o higit pang tuldok na gabay sa pagguhit ng bawat bahagi ng bagay na nais ilarawan. Madali itong gamitin sa mga pangkaraniwang pagkokrokis ngunit sa mga arkitekto ay lagi itong ginagawa sa paglalarawan ng mga bahay at gusaling nais ipakita ang magiging kabuuan ng ginagawang plano.

Halimbawa ng disenyong perspective

[photo: pencil perspective sketch of a two-storey house with a garden and steps]

Image Source: getdrawings.com, house-perspective-drawing-64.jpg

Ang mga sumusunod ay ang mga kasangkapan at kagamitan na karaniwang gingamit sa paggawa ng mga krokis at drowing na mekanikal.

[illustration: wooden drawing table]

1. Tabla o mesang pinaguguhitan – Ito ay yari sa kahoy na karaniwang may sukat na 16 x 22 pulgada o 18 x 24 pulgada. Kailangang makinis ang ibabaw nito at diretso ang mga gilid na gumagawa o working edge.

[illustration: L-square]

2. Iskwala o L – square – ito ay yari sa kahoy o plastik at binubuong dalawang bahaging nakadugtong sa 90°anggulo ang ulo at talim o blade. Ginagamit ito sa paggawa ng mga linyang pahiga at gabay sa ibang kagamitan tulad ng trianggulo.

[illustration: 45° and 30°x60° triangle]

3. Trianggulo – ginagamit ito sa pagggawa ng mga patayo at palihis na linya. Dalawang uri ng trianggulo ang karaniwang gingamit: Una, ang 45°na trianggulong may isang 90° anggulo at dalawang 45°; at ang pangalawa ay ang 30°x60°trianggulong may tig – iisang 30, 60, at 90 digring anggulo.

[illustration: protractor]

4. Protractor – ginagamit ito sa pagkuha ng anggulong hindi masusukat mula kanan pakaliwa. Ang panlabas na gilid ay nagsisimula sa 0°sa kanan at nagtatapos ito sa 180°sa kaliwa. Sa dakong loob ng gilid ng iskala, mula kaliwa pakanan naman ang pagbabasa ng 0 hanggang 180 digri.

[illustration: compass]

5. Compass – ginagamit ang compass sa paggawa ng mga bilog at arko. Kailangang laging matulis ang dulong may lapis ng compass.

[illustration: divider]

6. Divider – ginagamit sa paghahati – hati ng linya at sa paglilipat ng mga sukat. Hindi katulad ng compass na may lapis ang isang dulo, tila karayom ang tulis ng magkabilang dulo ng divider.

[illustration: pencil]

7. Lapis – iba’t iba ang uri ng lapis ang ginagamit sa pagguhit. Ang HB ang karaniwang gingamit sa pagguhit at pagleletra. Nauuri pa rin ang mga lapis sa 6B,5B, 3B, 2B, HB,H,1H, 2H, 3H,4H,5H,6H,7H,8H at 9H.

[illustration: French curve]

8. French Curve – gingamit sa pagbuo ng mga komplikadong kurba.

[illustration: sheets of paper, a pencil sharpener, and masking tape]

9. Iba pang gamit – kabilang dito ang pambura, papel, masking tape, at pantasa ng lapis.

Suriin

. Ibigay ang iyong ideya sa mga sumusunod.

  1. Anong disenyo ang nagpapakita ng tatlong magkakahiwalay na tanawin o views? Gumuhit ng halimbawa ng Orthograpic na disenyo.

[transcriber’s note: answer space is a blank box]

  1. Ano ang ipinakikita ng disenyong isometric?

[transcriber’s note: answer space is a blank box]

  1. Ilarawan ang disenyong perspective.

[transcriber’s note: answer space is a blank box]

II. Kilalanin ang mga kasangkapang nakalarawan sa loob ng kahon at ibigay ang pangalan ng bawat isa.

[transcriber’s note: five tool pictures inside a box: an L-square, a triangle, a protractor, a French curve, and a pair of dividers]

1._________________ 2. ____________________ 3. ___________________

  1. __________________ 5. _______________________
Pagyamanin

A. Sagutin ang sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kwaderno.

  1. Bakit dapat magkaroon ng disenyo ang alinmang proyekto?


    a. Upang maging gabay sa gumagawa.
    b. dahil ito ay utos ng guro.
    c. para matibay tingnan
    d. Para mukhang mamahalin ang proyekto


  2. Aling krokis ang may hugis na malaki sa unahan at paliit sa dulo tulad ng pagtingin sa riles ng tren.


    a. Isometric
    b. Ortographic
    c. Perspective
    d. Oblique


  3. Ano ang nagpapakita ng tatlong tanawin o views sa iisang drowing?


    a. Ortographic
    b. Isometric
    c. Iskwala
    d. Lahat ng mga ito


  4. Napakahalaga sa disenyo ang ipakita ang tatlong tanawin o views ng proyekto na may kaniya- kaniyang sukat. Sa anong paraan ito magagawa?


    a. Oblique
    b. Isometric
    c. Ortographic
    d. Metrik


  5. Alin ang hindi kasama sa pangkat?


    a. Top View
    b. Front View
    c. Side View
    d. Bottom View


B. Kulayan ng dilaw ang mga pangalan ng kagamitan o kasangkapan sa pagbuo ng disenyo na mabubuo sa puzzle na ito.

qcompasa
ftwvrxyz
rrdfoghb
eiklttsi
naddrags
cnifabjk
hgvjklkw
cgittaoa
uudyodwl
rleurgva
vorofsbq
ewnlapis

[transcriber’s note: the puzzle grid has no header row; its first printed row is shown as the header]

Ang disenyo ng proyekto ay nagpapakita ng mga detalye, kaanyuan, sukat, at nagsisilbing gabay sa pagbuo ng isang gawain. Maaaring gawin ito sa tatlong pamamaraan.

a. Orthographic b. Isometric c. Perspective

Sa pagguhit ng krokis nangangailangan ng iba’t ibang kagamitan at kasangkapan upang ito ay maging maayos at wasto at hindi maantala ang mga gawain.

Isaisip

Ang disenyo ng proyekto ay nagpapakita ng mga detalye, kaanyuan, sukat, at nagsisilbing gabay sa pagbuo ng isang gawain. Maaaring gawin ito sa tatlong pamamaraan.

a. Orthographic b. Isometric c. Perspective

Sa pagguhit ng krokis nangangailangan ng iba’t ibang kagamitan at kasangkapan upang ito ay maging maayos at wasto at hindi maantala ang mga gawain.

Isagawa

I. Iguhit ang halimbawa ng disenyo ng sumusunod sa inyong kwaderno:

a. Orthographic b. Isometric c. Perspective

II. Tukuyin kung ano ang isinasaad sa mga sumusunod na pangungusap. Buuin ang mga pinaghalong titik sa loob ng panaklong para makuha ang tamang sagot.

_____1. Ginagamit ito sa paggawa ng mga patayo at palihis na linya.( ggtriunloa)

_____2. Ito ay yari sa kahoy o plastic at binubuo ng dalawang bahagi nakadugtong sa 90° anggulo ang ulo at talim o blade.(sarequ – T)

_____3. Kailangang makinis ang ibabaw nito at diretso ang_______mga gilid na gumagawa o working edge. ( ablat)

_____4. Ginagamit ito sa pagkuha ng anggulong hindi masusukat mula kana pakaliwa. ( tracortorp)

_____5. Ginagamit sa pagdodrowing ng gagawing proyekto. (elpap)

_____6. Ginagamit sa paghahati – hati ng linya at sa paglilipat ng mga sukat. ( dervidi)

_____7. Ginagamit ito sa pagleletra. (ipsal)

_____8.Ginagamit sa pagbuo ng komplikadong kurba. ( chefrn evruc)

Tayahin

I. Iguhit ang masayang mukha ☺ sa patlang kung sang – ayon ka sa isinasalaysay at malungkot na mukha kapag hindi.

_____1. Ang tanawing pantagiliran (side view) ay ipinapakita ang gilid na bahagi ng proyekto.

_____2. Ang perspective ay isang krokis na nahahawig sa isometric.

_____3. Ang isometric ay nagpapakita ng tatlong tanawin ng proyekto sa iisang drowing na nakahilig ng 50° (50°degrees ang bawat tagiliran.

_____4. Tanawing pang itaas (top view) ay ipinapakita rito ang itaas na bahagi ng proyekto.

_____5. Mahalaga ang pagdidisenyo sa paggawa ng isang proyekto upang maipakita ang larawan o ayos at iba pang ispesipikasyon ng gagawing proyekto.

II. Pagtambalin ang mga kagamitan na nasa Hanay B ayon sa gamit nito na nasa Hanay A.

Hanay AHanay B
1. Ginagamit sa pagkuha ng mga anggulong hindi masusukat ng alinmang triangguloa. t – square
2. ginagamit sa paghahati – hati ng linya at sa paglilipat ng mga sukat.b. lapis
3. ginagamit sa paggawa ng mga linyang pahigac. trianggulo
4. ginagamit sa paggawa ng mga bilog at arkod. divider
5. ginagamit sa paggawa ng mga patayo at pahilis na linyae. protractor
f. compass
Karagdagang Gawain

A. Gumuhit ng isang halimbwa ng pagdidisenyo ng proyekto sa isang malinis na papel.

B. Magsaliksik ng iba pang kagamitan na maaring makita sa inyong bahay o pamayanan na makakatulong din sa pagbuo ng krokis o disenyo ng proyekto. Maaring mag – interbyu ng mga propesyonal o mag- aaral na may kaugnayan sa pagdidisenyo.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text and grid are transcribed in the order they appear on the page]

BALIKAN

A. ARKITEKTO

B. PINTOR

C. COMPUTER ENCODER/PROGRAMMER

PAGYAMANIN

A.

1.A 2.C 3.B 4.C 5.D

B.

[transcriber’s note: the letter grid is printed rotated; cells are best readings of the letters as they appear, and some may be misread]

sideiuWe
bqsforOv
evgrueTr
iwpovdnn
eoettiGc
wkikjvGh
kjqefiNc
sgerppAn
isttikIe
qhbofdRr
zyxrvwTf
esedmoCb

Susi sa Pagwawasto

PAGTATAYA

I.

  1. ☺
  2. ☹
  3. ☹ [?]
  4. ☺
  5. ☹

II.

  1. e
  2. d
  3. a
  4. f
  5. c
ISAISIP

II.

  1. TRIANGGULO
  2. T – SQUARE
  3. TABLA
  4. PROTRACTOR
  5. PAPEL
  6. DIVIDER
  7. FRENCH CURVE

Sanggunian

Sheila Mae R. Roson, Roberto B. Torres,Randy R. Emen,2015.Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Kagamitan ng Mag – aaral, Pasig City Philippines1600:Vibal Group Incorporated.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *