This is Module 3 of Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 5, Agrikultura strand, titled “Kulisap at Peste, Puksain Na!” (Insects and Pests, Get Rid of Them!). It is a self-learning module for Grade 5 learners studying at home, prepared by DepEd Region VIII under the Alternative Delivery Mode. After the module, learners should be able to control the insects and pests in a vegetable garden in a systematic way, mainly with organic methods.
What learners will learn
The module has one learning competency:
- Carry out the systematic control of pests and insects in gardens (masistemang pagsugpo ng peste at kulisap ng mga halamanan), EPP5AG-0c-6
Along the way, learners will:
- Identify common garden pests and the damage they cause
- Learn which control method works for each pest
- Make and use simple organic pesticides from plants and household materials
- Practice pest control at home and rate their own work with a rubric
Common garden pests and how to control them
The module explains that insects attack vegetables from seedling to harvest and cause losses for farmers. Farmers fight them with organic pesticides, with chemicals that can harm nature and human health, or by mechanical means (removing pests by hand). Keeping the garden clean is the first defense.
| Pest | What it does | How the module says to control it |
|---|---|---|
| Armored scale | Very destructive to trees | Keep the whole surroundings clean |
| Ring borer, black bug, and gamugamo (moths) | Live in dry leaves and decaying material | Methyl Parathion, or keep the area clean and free of piled-up trash |
| Aphids | Live on leaves and make them rot | Crushed chili, onion, and ginger |
| Plant hoppers | Multiply fast by laying eggs in thick grass | Natural Insect Attractant (NIA) made from vinegar or tuba mixed with sugar or molasses |
| Leaf roller | Attacks and bores holes in vegetable leaves | NIA, and planting insect repellents such as tanglad (lemon grass) around the plots |
| Webworm | The easiest pest to get rid of | Burn its webs together with the worms |
| Lady bug | Attacks and damages leaves | Smoke (pagpapausok) |
Organic pesticides you can make
The module calls organic pesticides the best and safest choice because they do not harm the environment or human health. It gives these recipes:
- Tabako (tobacco): Boil dry tobacco leaves and let cool in a container. For each use, take one part and mix with water. Spray on badly damaged plants. It works on all kinds of insects.
- Pulang sili (red chili): Dry and pound the fruit, then sprinkle it on plants where insects live.
- Luya, sibuyas, siling labuyo (ginger, onion, bird’s eye chili): Chop each finely and boil together in water for 1 to 2 minutes. Cool and store in a clean container. To use, mix 3 to 4 parts water with one part of the boiled mixture.
- Gas at sabon (kerosene and soap): Mix ¼ of each in one liter of water and spray on plants with many insects.
- Atis (sugar apple): Crush the seeds and mix with water. Spray on plants often visited by ants and other insects.
- Abo ng kahoy (wood ash): Mix with soapy water, with equal parts ash and powdered lime (apog), or sprinkle around the plants. Spray on plants attacked by tiny insects.
The Isaisip part adds that organic pesticides take time, attention, and care to make, unlike store-bought chemicals, but they are safe for the body. It also mentions intercropping, or planting different vegetables in one plot, as another way to keep insects away.
How to use this module
The module follows the usual DepEd self-learning module parts:
- Subukin: A 5-item multiple-choice pretest on organic pesticides.
- Balikan: A true-or-false review of proper plant care from the previous lesson.
- Tuklasin: Match descriptions to pests and pesticides from a box.
- Suriin: The main lesson on pests and organic pesticides.
- Pagyamanin: A 5-item fill-in-the-blanks exercise.
- Isaisip: A sentence to complete about the key idea.
- Isagawa: A hands-on task, done with a parent or older sibling. Learners mix crushed chili, onion, and ginger into watering water, smoke trees with dry leaves, remove worms by hand, hang a vinegar-and-sugar attractant, and plant insect repellents. They score themselves with a 4-criterion rubric (correct method, following the steps, interest, and good work habits), each scored 20, 15, 10, or 5.
- Tayahin: A final test with 5 multiple-choice and 5 fill-in-the-blank items.
- Karagdagang Gawain: Apply pest control methods in your own garden and record each method, the date, and remarks in a table.
For learners: Write all answers in your notebook, not on the module, so others can use it. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after answering, and be honest.
For parents: The Isagawa and Karagdagang Gawain tasks need your guidance, especially when boiling ingredients and making smoke.
For teachers: The answer key covers every part except Isagawa, which is checked with the rubric.
Frequently asked questions
What grade is this EPP Agrikultura module for?
It is for Grade 5 (Ikalimang Baitang) learners taking Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Agrikultura strand. It is labeled Module 3 on its cover.
What competency does the module cover?
It covers EPP5AG-0c-6: carrying out the systematic control of pests and insects in gardens.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, review, exercises, and final test. The Isagawa task is scored with a rubric instead.
What organic pesticides does the module teach?
It teaches pesticides made from tobacco leaves, red chili, a ginger-onion-chili mixture, kerosene and soap, sugar apple seeds, and wood ash.
How do you get rid of webworms according to the module?
Burn the webs together with the worms inside so they cannot damage the plants again. The module calls webworm the easiest pest to control.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Agrikultura – Modyul 3: “Kulisap at Peste, Puksain Na!”
5
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Agrikultura – Modyul 3: “Kulisap at Peste, Puksain Na!”
[illustration: students studying outdoors and indoors under a tree, with a teacher, a globe, and a lamp]
Printed vertically on the cover: PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_EPP5_Agrikultura_ Modyul 3
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Agrikultura – Modyul 3: “Kulisap at Peste, Puksain Na!” Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Arlene D. Maderazo Editor: Wilma S. Carreon, Gina J. Galvez, Gary B. Mosquito, Henry T. Jarina Tagasuri: Medarlou A. Genoguin, Arlene G. Olamit, Darnelene O. Solon Tagalapat: Eugene S. Ignacio Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Judella R. Lumpas Margarito A. Cadayona, Jr. Jose B. Mondido Francisco L. Bayon-on, Jr. Amer L. Santolorin Medarlou A. Genoguin Darnelene O. Solon
Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________
Department of Education – Regional No. VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: (053) – 832 – 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Agrikultura – Modyul 4: “Kulisap at Peste, Puksain Na!”
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Tungkol saan ang Modyul na ito?
[illustration: target with arrow, icon beside the part title “Alamin”]
Ikaw ba ay may gulayan sa bahay? Ano ano ang mga tanim mo? Paano mo ito inaalagaan? Nagkaroon ba ito ng maraming ani?
Mahalagang matutunan mo ang tamang pagpuksa sa mga kulisap at peste sa mga halaman.
Matapos pag–aralan ang modyul na ito, inaasahang kaya mo nang maisagawa ang masistemang pagsugpo ng peste at kulisap ng mga halamanan (EPP5AG-0c-6).
Subukin
Bilang paghahanda sa aralin, subukang sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa kuwaderno.
Alin sa mga sumusunod na halaman ang mabisang pestisidyo gamit ang tuyong dahon nito?
- A. ilang-ilang
- B. siling labuyo
- C. tabako
- D. anahaw
Dapat bang puksain ang mga insektong kumakain ng mga dahon?
- A. Oo
- B. hindi tiyak
- C. hindi
- D. hindi alam
Mainam bang gamiting pamatay ng kuto ang sili, sibuyas at luya?
- A. Oo
- B. hindi tiyak
- C. hindi
- D. hindi alam
Anong uri ng halaman ang pinakamabisang insect repellants na madalas na ginagamit ng mga magsasaka?
- A. Lemon Grass
- B. Watermelon
- C. Ilang-ilang
- D. Spring Onion
Ito ay isang uri ng pananim na ginagawang pestisidyo ang pinatuyo at dinikdik na bunga at mainam ibudbod sa mga halamang pinamumugaran ng mga insekto.
- A. kamyas
- B. kamatis
- C. pulang sili
- D. atis
[illustration: pencil icon beside the part title “Subukin”]
Aralin 1
Kulisap at Peste! Puksain Na!
Ang paghahalamang gulay ay nangangailangan ng sapat na atensiyon upang maiwasan ang pagkasira ng mga ito. Ang regular na paglilinis sa paligid ay dapat isaalang-alang upang maiwasan ang pag-atake ng mga peste at kulisap na maaaring maging sanhi ng pagkasira ng mga halaman at pagkabulok ng mga bunga nito.
Kaya naman, sa modyul na ito, tuturuan ka kung paano ang masistemang paggamit sa mga pamatay kulisap at peste.
Tara na.
Balikan
Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo ang mga pamamaraan sa wastong pangangalaga ng mga halaman. Balikan mo ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na pagsasanay.
Panuto: Suriin ang iba’t ibang paraan ng pag-aalaga ng halaman. Sagutin ng Tama kung ito ay nagpapahayag ng wastong pamamaraan at Mali kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
_______ 1. Siguraduhing maayos at nasa mabuting kondisyon ang lahat ng mga kasangkapang gagamitin sa paghahalaman.
_______ 2. Gumamit ng Personal Protective Equipment o PPE kung magtatanim o maglilinis ng halamanan.
_______ 3. Iwasang maligo at maghugas ng kamay pagkatapos ng mga gawain at pagkagaling sa halamanan.
_______ 4. Iwasang hawakan ang mata o anumang parte ng mukha habang naglalagay ng abonong organiko.
_______ 5. Siguraduhing hindi nakatapak sa lupang basa upang hindi madulas.
[illustration: puzzle-piece icon beside the part title “Balikan”]
Tuklasin
[illustration: leaf-and-sprout icon beside the part title “Tuklasin”]
Maraming mga paraan ang puwedeng isaalang-alang sa wastong pangangalaga ng mga halamang gulay. Isa sa mga ito ay ang paggamit ng organikong pamamaraan upang mapangalagaan ang kapaligiran at maiwasan ang pagkasira ng lupa.
Sa pagpapatuloy ng aralin, kilalanin ang mga mapaminsalang kulisap o peste at alamin ang ilang mga karagdagang paraan ng pagsasagawa ng abonong organiko at masistemang pagpuksa sa mga peste.
Panuto: Sagutin ang bawat bilang at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa kuwaderno.
| Leaf Roller | Tabako |
| Aphids | Luya, Sibuyas, Siling Labuyo |
| Lady Bug |
[transcriber’s note: the box above has no printed column headings; the header row is left blank]
_________ 1. Ito ay isang uri ng organikong pestisidyo na kailangan tadtarin ng pino ang bawat sangkap at sabay-sabay na pakuluan ng tubig ng 1 hanggang 2 minuto.
_________ 2. Maaaring puksain ang mga pesteng ito sa pamamagitan ng organikong pestisidyo upang maiwasan ang pagkasira at pagkabulok sa mga dahon ng mga halaman.
_________ 3. Mabilis itong umatake sa mga dahon ng mga halamang gulay at binubutas ang mga ito. Mabilis itong mapuksa gamit ang NIA o Natural Insect Attractants.
_________ 4. Uri ng organikong pestisidyo na tuyong dahon ang ginagamit at kailangan pakuluan at palamigin muna sa isang lalagyan bago gamitin. Maaari itong ibomba sa mga halaman na mayroong matinding pinsala.
_________ 5. Ang pesteng ito ay madalas umatake sa mga dahon ng halaman na mabilis naman nitong ikinasisira. Maaaring puksain ang mga ito gamit ang pagpapausok.
Suriin
Maraming mga insekto ang mapanira sa mga halamang gulay at ito ay nagdudulot nang pagkalugi para sa mga magsasaka. Mula sa pagpupunla hanggang sa pag-aani, hindi maiwasan ang paglaganap at pag-atake ng iba’t ibang insekto. Kaya naman, ang mga magsasaka ay gumagamit ng iba’t-ibang pamamaraan ng pagpuksa nito kagaya ng paggamit ng mga organikong pestisidyo at ang iilan naman ay hindi maiwasang gumamit ng mga kemikal na nakasisira sa kalikasan at may masamang dulot sa kalusugan ng tao, subalit may iilan ding gumagamit ng mekanikal na pamamaraan o ang pagpuksa gamit ang kamay lamang.
Alamin at kilalanin ang iba’t ibang kulisap at insekto na madalas umatake sa mga halamang gulay at kung paano mapupuksa ang mga ito.
Armored scale (Family diaspididae) – ang pesteng ito ay sobrang mapaminsala sa mga punongkahoy. Mahalagang panatilihing malinis palagi ang buong kapaligiran na maaaring pagpugaran ng mga ito.
Ring Borer, Black bug at Gamugamo – ang mga insektong ito ay madalas na naninirahan sa mga tuyong dahon at iba pang mga sirang bagay. Puwedeng puksain ang mga ito gamit ang Methyl Parathion. Isa pang paraan ng pagpuksa at pagdami nito ay ang pagpanatiling malinis sa buong kapaligiran na walang nakatambak na mga basura.
Aphids – ang pesteng ito ay naninirahan sa mga dahon at nagiging dahilan ng pagkasira at pagkabulok nito. Maaaring puksain ang mga ito sa pamamagitan ng dinurog na sili, sibuyas at luya.
Plant Hoppers – Mabilis itong dumami sa pamamagitan ng pangingitlog sa mga malalagong damuhan. Pinupuksa ang mga ito sa pamamagitan ng (NIA) Natural Insect Attractant na gawa sa pinaghalong suka/tuba at asukal/molasses.
Leaf Roller – mabilis itong umatake sa mga dahon ng mga halamang gulay at binubutas ang mga ito. Mabilis itong mapuksa gamit ang NIA o Natural Insect Attractants. Mainam din na magtanim ng mga insect repellants sa paligid ng mga kamang taniman tulad ng tanglad o lemon grass.
Webworm – ito ang pinakamabilis puksain sa lahat ng mga insekto/kulisap. Kailangan lamang sunugin ang mga sapot nito kasama ang uod upang hindi na ito muling makapaminsala.
Lady bug – ang pesteng ito ay madalas umatake sa mga dahon ng halaman na mabilis naman nitong ikinasisira. Maaaring puksain ang mga ito gamit ang pagpapausok.
Mga Organikong Pamamaraan ng Pagsugpo sa Kulisap at Peste
Ang peste at kulisap ang mga pangunahing dahilan ng pagkasira ng mga pananim. Maraming mga paraan ang puwedeng gawin upang sugpuin ang pag-atake ng mga ito. Ang pinakamainam at ligtas na pamamaraan ay ang paggamit ng mga organikong pestisidyo na hindi nakasisira sa kapaligiran at walang masamang epekto sa kalusugan ng tao.
Narito ang ilan sa mga organikong pestisidyo at mga hakbang sa tamang paggawa at paggamit ng mga ito:
- Tabako – magpakulo ng tuyong dahon ng tabako at palamigin sa isang lalagyan. Tuwing gagamit nito, kumuha lamang ng isang bahagi at haluan ng tubig. Maaari itong ibomba sa mga halaman na mayroong matinding pinsala. Ito ay mainam sa lahat ng uri ng insekto.
- Pulang Sili – ito ay isang uri ng pananim na ginagawang pestisidyo ang pinatuyo at dinikdik na bunga nito at mainam ibudbod sa mga halamang pinamumugaran ng mga insekto.
- Luya, Sibuyas, Siling Labuyo – tadtarin ng pino ang bawat sangkap at sabay-sabay na pakuluan ng tubig 1 hanggang 2 minuto. Palamigin at ilagay sa isang malinis na lalagyan. Sa paggamit nito, kumuha ng 3-4 na bahagi ng tubig at ihalo sa isang bahagi ng pinakuluang mga sangkap.
- Gas at Sabon – paghaluin lamang ang tig ¼ na mga sangkap sa isang litrong tubig at ibomba sa sa mga halaman na may maraming mga insekto.
- Atis – durugin lamang ang mga buto nito at haluan ng tubig. Ibomba sa mga halamang madalas na pinagpupugaran ng mga langgam at iba pang mga insekto.
- Abo ng Kahoy – maaari itong ihalo sa tubig na may sabon at magkasindaming bahagi ng abo at pinulbos na apog o ibudbod sa paligid ng mga halaman. Ibomba ito sa mga halamang inaatake ng mga pinong insekto.
Pagyamanin
Sa pagpapatuloy ng aralin, masusukat mo kung gaano na kalawak ang mga bagay na natutunan mo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na pagsasanay.
Panuto: Kopyahin ang mga pangungusap sa iyong kuwaderno. Pagkatapos ay punan ang patlang ng tamang sagot.
- Ang _____________________ ay ang pinakamabilis puksain sa lahat ng mga insekto/kulisap. Kailangan lamang sunugin ang mga sapot nito kasama ang uod upang hindi na ito muling makapaminsala.
- Magpakulo ng tuyong dahon ng _____________________ at palamigin sa isang lalagyan. Tuwing gagamit nito, kumuha lamang ng isang bahagi at haluan ng tubig. Ito ay mainam sa lahat ng uri ng insketo.
- Ang _____________________ ay isang uri ng pananim na ginagawang pestisidyo ang pinatuyo at dinikdik na bunga nito at mainam ibudbod sa mga halamang pinamumugaran ng mga insekto.
- Ang _____________________ ay isang uri ng peste na naninirahan sa mga dahon at nagiging dahilan ng pagkasira at pagkabulok nito. Maaaring puksain ang mga ito sa pamamagitan ng dinurog na sili, sibuyas at luya.
- Durugin lamang ang mga buto ng _____________________ at haluan ng tubig. Ibomba sa mga halamang madalas na pinagpupugaran ng mga langgam at iba pang mga insekto.
Isaisip
Ano pa ba ang mga dapat mong alamin?
Kailangang gumamit lamang ng organikong pamuksa sa mga peste dahil wala itong masamang epekto sa katawan ng tao. Hindi madali ang paggawa nito sapagkat kailangan itong paglaanan ng oras, wastong atensyon at masusing pag-iingat. Mahirap itong gawin kaysa sa mga kemikal at artipisyal na madaling mabibili sa tindahan. Dapat mong malaman na may mga paraan na nakatutulong din sa pagpigil sa mga insekto tulad ng intercropping o ang pagtanim ng iba’t ibang klaseng halamang gulay sa isang taniman.
Panuto: Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag.
Ang paggamit ng _______________ pamamaraan ng pagpuksa ng mga _____________ at _____________ ay nakatutulong sa kalikasan at naiiwasan ang tuluyang pagkasira ng lupa.
Isagawa
Sa tulong at gabay ng mga magulang o nakatatandang kapatid, gawin ang iba’t ibang paraan ng pagpuksa ng peste at kulisap. Habang ginagawa ito ay bigyan ng iskor ang sariling paggawa gamit ang rubriks sa ibaba.
- Paghahalo ng dinurog na sili, sibuyas at luya sa tubig na pandilig.
- Pagpapausok sa mga puno at halaman gamit ang mga tuyong dahon.
- Pag-aalis sa mga uod, kulisap na nakikita sa mga dahon at sanga.
- Mag lagay ng Attractants gawa sa pinaghalong suka at asukal. Ikabit sa halaman na nakabitin.
- Magtanim ng mga insect repellants.
| Kriterya | Iskor: 20 | Iskor: 15 | Iskor: 10 | Iskor: 5 |
|---|---|---|---|---|
| Tamang pagpakita ng pamamaraan sa paggamit ng organikong pamatay kulisap | Naipakita ang lahat na paraan sa paggamit ng oraganikong kulisap ng tama | Isang paraan sa paggamit ng oragnikong kulisap ay hindi naipakita | Dalawang paraan sa paggamit ng oragnikong kulisap ay hindi naipakita | Tatlo o higit pang paraan sa paggamit ng oragnikong kulisap ay hindi naipakita |
| Nasusunod-sunod ang mga hakbang sa paggawa ng mga organikong pamatay kulisap | Nasusunod ang lahat ng hakbang sa paggawa ng mga organikong pamatay kulisap | May isang hakbang ang hindi nasunod sa paggawa ng mga organikong pamatay kulisap | May dalawang hakbang ang hindi nasunod sa paggawa ng mga organikong pamatay kulisap | May tatlo o higit pang hakbang ang hindi nasunod sa paggawa ng mga organikong pamatay kulisap |
| Nagpapakita ang kawilihan sa paggawa | Naipakita ang kawilihan sa paggawa ng buong puso at pagmamalaki sa sarili | Naipakita ang kawilihan sa paggawa na may pagmamalaki sa sarili | Naipapakita ang kawilihan sa paggawa | Hindi naipakita ang kawilihan sa paggawa |
| Naipapakita ang magandang kaugalian sa paggawa | Naipakita ang magandang kaugalian sa paggawa sa lahat ng pagkakataon (all the time) | Naipapakita ang magandang kaugalian sa paggawa sa halos lahat ng panahon (most of the time) | Naipapakita ang magandang kaugalian sa paggawa paminsan-minsan (seldom) | Hindi naipakita ang magandang kaugalian sa paggawa. (never) |
Tayahin
Gawain 1
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
- Anong uri ng pamamaraan ng pagpuksa ng peste ang ginagamitan ng mga kamay?
- A. mekanikal
- C. attractants
- B. kemikal
- D. insect repellant
- Alin sa mga sumusunod ang organikong paraan ng pagsugpo ng mga kulisap o peste?
- A. pagpapa-usok
- C. pagbubungkal
- B. pag-abono
- D. pagdidilig
- Alin sa mga sumusunod na kulisap ang bumubutas ng mga dahon?
- A. Webworm
- C. Plant hopper
- B. Ladybug
- D. Leaf Roller
- Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang organikong pamuksa ng peste?
- A. dinurog na carrots at singkamas
- B. dinurog na bawang
- C. dinurog na paminta na may suka
- D. dinurog na sili, sibuyas at luya
- Alin sa mga sumusunod ang napupuksa sa pamamagitan ng pagputol at pagsunog ng sapot na kasama ang uod?
- A. Leaf rollers
- C. Armored scale
- B. Plant hoppers
- D. Webworm
Gawain 2
Panuto: Punan ng tamang salita o pariralang pampuno sa bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Tadtarin ng pino ang mga _____________________ at sabay-sabay na pakuluan ng tubig 1 hanggang 2 minuto. Palamigin at ilagay sa isang malinis na lalagyan. Sa paggamit nito, kumuha ng 3-4 na bahagi ng tubig at ihalo sa isang bahagi ng pinakuluang mga sangkap.
Ang __________________ ay uri ng pesteng mabilis umaatake at binubutas ang mga dahon ng mga halamang gulay. Mabilis itong mapuksa gamit ang NIA o Natural Insect Attractants.
Ang _________________ ay madalas umatake sa mga dahon ng halaman na mabilis naman nitong ikinasisira. Maaaring puksain ang mga ito gamit ang pagpapausok.
Ang _____________________ ay isang uri ng pananim na ginagawang pestisidyo ang pinatuyo at dinikdik na bunga nito at mainam ibudbod sa mga halamang pinamumugaran ng mga insekto.
Maaaring ihalo ang _______________________ sa tubig na may sabon at magkasindaming bahagi ng abo at pinulbos na apog o ibudbod sa paligid ng mga halaman. Ibomba ito sa mga halamang inaatake ng mga pinong insekto.
Karagdagang Gawain
Sa gabay ng inyong magulang o ibang nakatatanda, isagawa ang mga pamamaraan ng pagpuksa sa mga kulisap at peste sa inyong sariling halamanan. Isulat ito sa sumusunod na talahanayan.
| Mga Pamamaraan ng Pagpuksa sa mga Kulisap at Peste | Petsa | Remarks |
|---|---|---|
| Halimbawa: Paglagay ng dinurog na sili, sibuyas at luya sa pandilig | _____________ | _____________ |
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this answer key page is printed upside down in the source; its panels are transcribed below in reading order]
Balikan
- Tama
- Tama
- Mali
- Tama
- Tama
Tuklasin
- Luya, Sibuyas, Siling Labuyo
- Aphids
- Leaf Roller
- Tabako
- Lady Bug
Subukin
Gawain 1
- C
- A
- A
- A
- C
Tayahin
Gawain 1
- A
- A
- D
- D
- D
Gawain 2
- Luya, Sibuyas, Siling Labuyo
- Leaf Roller
- Lady bug
- Pulang Sili
- Abo ng Kahoy
Pagyamanin
- Webworm
- Tabako
- Pulang Sili
- Aphids
- Atis
Isaisip
masistemang kulisap, peste
Isagawa
Gamitin ang rubric sa pagtatama
Sanggunian
Curriculum Guide in Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5, (EPP5AG-0c-6)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply