This is Module 7 of EPP-AFA (Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Agriculture and Fishery Arts) for Grade 4, titled “Pagsasagawa ng Wastong Plano ukol sa Pag-aani, Pagbebenta at Pagsasapamilihan ng mga Halamang Ornamental” (making a proper plan for harvesting, selling, and marketing ornamental plants). It is a self-learning module (Alternative Delivery Mode, First Edition, 2020) prepared by DepEd Region V for learners studying at home. After working through it, learners can harvest and sell ornamental plants properly and keep simple records of capital, costs, and profit.
What learners will learn
The module lists these objectives:
- Properly harvest and market ornamental plants (naisasagawa ang wastong pag-aani at pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental)
- Make a plan for selling plants that covers:
- arranging the goods for sale (pagsasaayos ng paninda)
- convincing buyers (pag-kumbinsi sa mamimili)
- recording capital, expenses, income, and savings (pagtatala ng puhunan, gastos, kita at maiimpok)
Key ideas: harvesting and selling ornamental plants
Two ways of selling
The module names two ways to sell ornamental plants:
- Pakyawan (wholesale): selling plants in bulk.
- Tingian (retail): selling directly to buyers, one plant at a time.
When plants are ready to sell and how to keep them fresh
- Plants ready for sale are usually tall, full, and attractive.
- The right time to pick flowers is when they are about to open and bloom.
- Putting cut plants and flowers in buckets of clean water keeps them fresh longer.
- Orchids from Davao are packed in boxes so they stay fresh and the flowers do not fall off.
- Plants that need sunlight are placed in the sun; plants that do not are kept in a shady spot.
Tips for a good store
The module calls selling an art that needs skill, patience, understanding, and a pleasant attitude. Its simple tips are:
- Keep the inside and outside of the store clean, and put out a trash bin.
- Make sure the store has enough light and air.
- Label goods with their prices.
- Be careful when counting money and giving change.
- Treat every buyer well, honestly, and fairly.
- Build good relationships with buyers so sales and income grow.
The selling plan in the module also includes choosing who will sell, preparing materials, arranging the goods, sorting plants of the same kind together, cleaning the goods, and keeping records.
Key ideas: pricing, profit, and records
Setting the price
The module adds a 15% markup to the capital (puhunan):
- Selling price = Capital + 15% of capital
- Example: a santan plant costs Php 4.00. 4.00 x 0.15 = 0.60, so the selling price is Php 4.60.
Gross and net profit
| Formula | Example |
|---|---|
| Sales (pinagbilhan) − Capital = Gross profit (kabuuang tubo) | 1,350.90 − 1,204.40 = 146.50 |
| Gross profit − Extra expenses = Net profit (netong tubo) | 146.50 − 5.00 (fare, wrapping) = 141.50 |
Inventory and expense records
Pag-iimbentaryo (inventory) means recording what was bought, what was sold, and what is left. It shows whether the store earned or lost money and helps the owner decide whether to add more goods. The module’s sample inventory lists santan, rose, palmera, fern, and sampaguita.
It also gives a simple record of expenses and sales: expenses for plants, fertilizer and pest control, services, and other costs total Php 2,200.00; sales of rose, palmera, santan, and daisy total Php 3,900.00, so the profit is Php 1,700.00.
Parts and activities of the module
- Subukin (pretest): 10 true-or-false items.
- Balikan (review): agree or disagree statements about fertilizer, compost, and garden tools.
- Tuklasin (discover): a photo of plants for sale, then the lesson on selling, freshness, pricing, profit, and inventory.
- Pagyamanin (practice): “D” (should do) or “DD” (should not do) items, plus three questions.
- Isaisip (remember): a word search for signs that plants are ready to sell, plus two questions.
- Isagawa (apply): compute the total expenses, sales, and profit of Mang Ramon and Berto’s garden from April to August and fill in a Venn diagram.
- Tayahin (assessment): complete a table of gross and net profit.
- Karagdagang Gawain (extra activity): visit plant nurseries and record prices of plants sold potted, by the dozen, by the bundle, and by the stem.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then go through the parts in order. Do not write on the module; answer on a separate sheet or in your notebook. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and be honest when you use it. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Help your child with the computations, such as the 15% markup and the profit formulas, and if you can, go along on the nursery visit for the extra activity.
- Teachers: The pretest shows which learners need more help, and the answer key covers the pretest, practice, application, and assessment activities.
Frequently asked questions
What grade is this EPP-AFA Module 7 for?
It is for Grade 4 (Ikaapat na Baitang) learners taking EPP with a focus on Agriculture and Fishery Arts.
What are the two ways of selling ornamental plants in this module?
Pakyawan, or wholesale selling, and tingian, or direct retail selling of plants one at a time to buyers.
How does the module compute the selling price of a plant?
It adds 15% of the capital to the capital. For example, a santan with a capital of Php 4.00 sells for Php 4.60.
What is the difference between gross profit and net profit in the module?
Gross profit is sales minus capital. Net profit is gross profit minus extra expenses such as fare and wrapping.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, practice, word search, application, and assessment activities.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
EPP-AFA Modyul 7: Pagsasagawa ng Wastong Plano ukol sa Pag-aani, Pagbebenta at Pagsasapamilihan ng mga Halamang Ornamental
[illustration: group of students reading, studying and using a globe, with a teacher and a child reading by lamp light]
CO_EPP-AFA4_ Modyul7
EPP-AFA Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Modyul 7: Pagsasagawa nang Wastong Plano ukol sa Pag-aani, Pagbebenta at Pagsasapamilihan ng mga Halamang Ornamental Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Loralyn D. Casulla Editor: Jelly M. Flores Tagasuri: Filip P. Canas Tagaguhit: Jason C. Borabo Tagalapat: Jeffrey B. Sape Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr., Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Christie L. Alvarez, Lita T. Mijares, Salvador T. Pelingon
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region V
Office Address: Regional Site, Rawis Legaspi City,4500 Telefax: (052) 482-0046 / (052) 482-0373 E-mail Address: deped.rov@deped.gov.ph
4
EPP-AFA
Modyul 7: Pagsasagawa ng Wastong Plano ukol sa Pag-aani, Pagbebenta at Pagsasapamilihan ng mga Halamang Ornamental
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagpadaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutunan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod na layunin;
- Naisasagawa ang wastong pag-aani at pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental
- Nakagagawa ng plano sa pagbebenta ng mga halaman ayon sa sumusunod:
a. Pagsasaayos ng paninda
b. Pag-kumbinsi sa mamimili
c. Pagtatala ng puhunan, gastos, kita at maiimpok
Subukin
Lagyan ng (/) kung tama ang pangungusap at (x) naman kung mali. Isulat sa patlang ang inyong sagot.
_____1. Ang pag-aani ng halamang ornamental ay ayon sa panahon ng mga selebrasyon.
_____2. Kailangang malusog ang halaman bago anihin.
_____3. Maganda ang pag-aani kung mura sa palengke ang mga ito.
_____4. Ang dalawang paraan ng pagbebenta ay ang tingian at pakyawan.
_____5. Ang nagtitinda ay kailangang may kaakit-akit na hitsura.
_____6. Sa pagpaplano ng pagtatanim ng halamang ornamental dapat paghandaan ang darating na okasyon tulad ng Christmas, Valentines Day, Mother’s Day, birthday at iba pa.
_____7. Siguraduhing maayos ang taniman para sa tuloy-tuloy na pagtatanim.
_____8. Tiyakin na ang taniman mo ay maayos para sa tuloy-
tuloy na pagtatanim.
_____9. Sa talaan makikita ang lahat ng ginastos.
_____10. Maaaring maging maunlad ang tindahan ng walang ginagawang talaan.
Lesson 7: Agriculture and Fishery Arts: PAGSASAGAWA NG WASTONG PLANO UKOL SA PAG-AANI, PAGBEBENTA AT PAGSASAPAMILIHAN NG MGA HALAMANG ORNAMENTAL
Balikan
Mahalaga na pag-aralang mabuti ang mga paraan ng pag-aani, pagbebenta at pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental. Ito ay isang gawain na dapat malaman ng mga mag-aaral. Dapat ding malaman kung kailan maaaring ipagbili ang mga halamang ornamental.
May dalawang paraan ng pagbebenta ng mga halamang ornamental. Ito ay ang pakyawan at ang isa ay ang tuwirang pagbebenta sa tingiang paraan o paisa-isang pagbebenta ng halamang ornamental sa mga mamimili.
Kailangan ang masusing pagtatala ng mga layunin, gawain, kagamitan, at gastos upang maging gabay sa paggawa. Kung ito’y masusunod nang wasto, nakatitiyak na magiging matagumpay ang isasakatuparang proyekto o gawain.
Lagyan ng / ang masayang mukha [illustration: smiling face] kung sang-ayon ka at ang malungkot na mukha [illustration: sad face] kung hindi sa bawat pangungusap.
| Pangungusap | [illustration: smiling face] | [illustration: sad face] |
|---|---|---|
| 1. Ang abono o pataba ay mahalaga sa pananim. | ||
| 2. Kailangan ang angkop na kagamitan sa paghahanda ng lupang taniman. | ||
| 3. Ang compost ay isang uri ng organikong abono. | ||
| 4. Kailangan ang sapat na tubig at pagbubungkal ng lupa upang maging malusog ang halaman. | ||
| 5. Ang di-organikong pataba ay mainam na gamitin dahil nakatutulong ito sa kaligtasan ng tao. |
Bakit kinakailangang gumamit ng kasangkapang angkop sa paghahalaman?
Tuklasin
[photo: potted ornamental plants and flowering plants on display]
- Ano ang nasa larawan?
- Anu-ano ang uri ng pagtitinda ng mga halaman?
- Paano mapapanatiling sariwa ang mga halamang ornamental?
Ang pagtitinda ay maituturing na isang sining na nangangailangan ng sapat na umite, kasanayan, tiyaga, pang-unawa, at pagtitimpi sa mga mamimili. Higit sa lahat ay kinakailangan ang sapat na kaalaman ukol sa iba’t-ibang uri ng bilihin o produktong nais ipagbili. Isa itong pakikipagsapalaran sa mga pagsubok at suliraning maaaring harapin na kaakibat ng ganitong umite.
Ang gawaing pagtitinda ay nangangailangan din ng kaayaayang pag-uugali at kawilihan. Ang anumang takot at pangamba ay dapat na isasantabi at sa halip ay ipanatag ang kalooban at magkaroon ng magandang pananaw sa umite.
Narito ang mga payak na umite upang maging maayos at matagumpay ang pagtitinda.
- Kailangang malinis ang loob at labas ng tindahan. Walisan ang paligid nito upang makahikayat ng mas maraming mamimili at maglagay ng basurahan kung saan itatapon ang kalat.
- Panatilihing may sapat na liwanag at bentilasyon ang tindahan upang maraming mahikayat na mamimili.
- Markahan ang mga paninda upang matiyak kaagad ang presyo ng mga ito.
- Mag-ingat sa pagkukuwenta at paglalagay ng sukli upang hindi ito lumabis o magkulang.
- Makitungo nang mahusay, matapat, at pantay sa lahat ng mamimili.
- Sikaping magkaroon ng maayos na relasyon sa mga mamimili upang dumami ang kita at upang maging matagumpay ang umite .
Mga dapat gawin upang mapanatiling Presko at Sariwa ang mga halamang ornamental na ibebenta
Sa mga nag-aalaga ng halamang ornamental na namumulaklak at di namumulaklak, may mga palatandaan na tinitingnan kung ito ay maaari ng ipagbili, kadalasan ang mga ito ay matataas, malalago at magaganda ang mga umite. Ang tamang pagkuha ng mga bulaklak ay kung ito ay malapit ng bumuka at bumukadkad. Tinatanggal ang mga umite at itinatali sa isang malalim na lugar. Ang paglalagay sa mga timba na may tubig na malinis ay nagpapatagal ng kanilang kasariwaan. Ang mga orchids sa Davao ay inilalagay sa kahon upang mapanatiling sariwa at hindi malagas ang mga bulaklak. Ang mga halamang ornamental na nangangailangan ng sikat ng araw kaya ito ay inilalagay sa lugar na nasisikatan ng araw. Samantalang ang mga halamang hindi nangangailangan ay inilalagay sa medyo malilim na lugar.
Wastong paraan ng pagtitinda
Mga Layunin
- Ang payak na plano sa pagbebenta
- Nasusunod ang wastong paraan ng pagbebenta
- Nakapagbebenta ng halamang ornamental
- Titulo ng gawain: Pagbebenta ng Halamang Ornamental
Mga kagamitan :
Mga halaman:
Presyo ng mga halaman;
Lalagyan ng mga halaman:
Mga iba pang kagamitan;
II. Pamamaraan
A. Paghahanda
- Pagpili ng magbebenta
- Paghahanda ng mga kagamitan
- Pagsasaayos ng paninda
- Pagbubukod-bukod ng mga magkakauri
B. Paghahanda ng mga magkakauri
- Paglilinis ng paninda
- Pagtatala
- Iba pang gawain ayon sa pangangailangan
Pagkuwenta ng paninda
Upang malaman ang ilalagay na presyo sa bawat paninda, kailangang kwentahin nang umite ang paninda upang hindi malugi. Narito ang tamang pagkukuwenta ng halaga ng isang paninda na maaaring sundin.
Pesos o Halaga ng Puhunan x15% = Presyo ng Paninda
Halimbawa
Santan = 4.00 pesos ang puhunan
A. Pesos o Halaga ng Puhunan X 15% dagdag sa puhunan PRESYO NG PANINDA
4.00
X 0.15
2000
400
000---
0.6000 or .60
4.00
+.60
Php 4.60 (Presyo ng Paninda)
A. Kuwentahin ang halaga ng paninda na ginagamit ang mga sumusunod na pormula
Pesos o Puhunan X 15% idagdag sa puhunan = Presyo ng Paninda
Presyong Pantinda = Puhunan + 15% na tubo
- 5.00 pesos _______________
- 10.50 pesos _______________
- 15.00 pesos _______________
- 18.50 pesos _______________
- 25.00 pesos _______________
C. Pormula sa pagkuha ng kabuuang tubo
Pinagbilhan – Puhunan=kabuuang tubo
Halimbawa:
1,350.90 ———————- halaga ng pinagbilihan
1,204.40 ——————– puhunan
146.50 —————— kabuuang tubo
Pormula sa netong tubo
Kabuuang tubo – karagdagang gastos = netong tubo
Halimbawa:
146.50 ———————- kabuuang tubo
5.00 ———————- (pamasahe pambalot)
141.50 ———————- netong tubo
C. Gamitin ang mga sumusunod na pormula sa pagkukuwenta ng kabuuang tubo at netong tubo.
Pinagbilhan – puhunan =Kabuuang tubo
Kabuuang tubo-karagdagang gastos = Netong tubo
| Pinagbilhan (Php) | Puhunan (Php) | Kabuuang Tubo | Mga gastos (Php) | Netong tubo (Php) |
|---|---|---|---|---|
| 860.00 | 720.00 | _______ | 4.00 | _______ |
| 550.00 | 415 | _______ | 8.00 | _______ |
| 995.00 | 785.00 | _______ | 5.00 | _______ |
| 775.00 | 490 | _______ | 4.50 | _______ |
| 678.00 | 512.00 | _______ | 4.50 | _______ |
Pag-iimbentaryo ng mga Paninda
Ang isang mahalagang umite ng isang may ari ng tindahan ay ang pag-iimbentaryo. Ito ay ang pagtatala ng mga pinamili, naipagbili, at natirang paninda. Dito malalaman kung umite o nalugi ang itinayong tingiang tindahan. Mahalaga ang pag-iimbentaryo sapagkat dito mababatid kung maayos ang pamamahala ng isang tindahan. Ito rin ay nakatutulong upang
maging batayan kung nais palakasin o dagdagan pa ang mga paninda. Narito ang isang halimbawa ng pag-iimbentaryo.
[chart: table; untitled inventory table printed as an image]
| paninda | dami | Puhunan (Php) | Kabuuang puhunan (Php) | Halaga ng paninda (Php) | Dami ng naipagbili | Puhunan na naipagbili (Php) | Kabuuang halaga ng naipagbili(Php) | Dami ng natira |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Santan | 10 paso | 10.25 | 102.50 | 11.80 | 8 | 82.00 | 94.40 | 2 |
| rose | 20 paso | 5.75 | 115.00 | 6.60 | 15 | 86.25 | 99.00 | 5 |
| palmera | 10 paso | 16.00 | 160.00 | 18.90 | 10 | 160.00 | 189.00 | 0 |
| fern | 10 paso | 16.50 | 165.00 | 19.00 | 8 | 132.00 | 152.00 | 2 |
| sampaguita | 15 paso | 38.75 | 581.25 | 44.60 | 15 | 581.25 | 669.00 | 0 |
| kabuuan | 1,123.75 | 1,0041.50 | 1,203.40 |
Suriin
Sa talaan ng puhunan at ginastos, dito malalaman ng isang nagnenegosyo kung saan siya kumita o nalugi. Sa paghahalaman dapat marunong kang magkuwenta at magtuos. Sa paggawa ng talaan, kailangang itala ang halaga ng pinagbilhan, ibawas ito sa pinaggastusan at ang natirang halaga ay ang tinatawag na kita o tubo. Narito ang payak na talaan ng puhunan, ginastos, at kita/tubo.
- A. Talaan ng gastusin
- Halaga ng pananim 1000.00
- Halaga ng pataba,pamatay Kulisap at peste 500.00
- Bayad sa serbisyo o paglilingkod 500.00
- Iba pang gastusin 200.00
Php 2,200.00
B. halaga ng pinagbilhan
5 pasong Rosas 1,500
5 pasong Palmera 1,400
5 pasong Santan 500
5 pasong Daisy 500
Php 3,900
Halaga ng pinagbilhan 3,900.00
Halaga ng gastusin 2,200.00
Kita o tubo 1,700.00
Pagyamanin
Isulat ang D kung dapat o DD kung di-dapat gawin ang mga pangungusap tungkol sa pangangalaga at pamamahala ng mga halamang ornamental at mga halamang namumulaklak.
_____1. Ang tamang pagpitas ng mga bulaklak ay kung ang mga ito ay namumukadkad na.
_____2. Tinatanggal ang mga tuyong dahon sa mga halamang ornamental na maaaring ipagbili.
_____3. Ang mga halamang ornamental ay hinahanay ayon sa uri at gulang nito sa malawak at malilim na lugar.
_____4. Upang mapanatiling sariwa ang mga halamang ornamental at mga bulaklak nito, maaari itong ibabad sa timbang na mayroong malinis at malamig na tubig.
_____5. Ang mga halamang ornamental ay inaayos at itinatali sa isang lugar na madilim.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
- Ano ang dalawang paraan ng pagbebenta ng mga halaman?
- Ano ang palatandaan na maaaring ipagbili ang mga halamang ornamental?
- Paano mapapanatili ang mataas na uri ng mga halamang ornamental na ipagbibili sa palengke o tindahan?
[transcriber’s note: the printed folios on these pages run from 13 to 20; the page markers below follow the numbering set for this section.]
Isaisip
Hanapin ang mga salitang nasa loob ng kahon na tumutukoy sa mga palatandaan na maaari nang ipagbili ang mga halamang ornamental.
| U | P | A | N | A | H | O | N | N | G |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| M | D | A | A | B | C | D | E | F | S |
| A | A | E | M | G | H | M | I | J | E |
| G | A | M | U | K | L | A | M | N | L |
| U | T | A | M | O | P | L | Q | R | E |
| G | K | T | U | V | T | U | Y | S | B |
| U | S | A | L | W | X | S | Z | A | R |
| L | S | S | A | B | N | O | G | C | A |
| A | A | J | K | D | E | G | F | H | S |
| N | T | I | L | M | N | O | P | Q | Y |
| G | A | R | A | S | T | U | V | W | O |
| I | T | X | K | Y | Z | A | B | C | N |
Sagutin:
Bakit mahalagang malaman ang tamang paraan ng pag-aani at pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental?
Ipaliwanag kung bakit kailangang isaayos ang mga paninda bago ito ipagbili.
Isagawa
[illustration: two children behind a stall with a sign reading “Plants for Sale,” displaying potted flowering plants]
Plants for Sale
Ang mga sumusunod ay gastos at kinita nina Mang Ramon at Berto sa kanilang paghahalaman. Alamin ang kanilang kinita o tinubo sa pamamagitan ng paggawa ng talaan ng gastos at kita o tubo.
Gastos :
Abril – 480.00
Mayo – 378.00
Hunyo – 650.00
Hulyo – 796.00
Agosto – 587.00
Pinagbilhan:
Abril – 1896,00
Mayo – 2279.00
Hunyo – 3645.00
Hulyo – 4124.00
Agosto – 4,010.00
Punan ang Venn Diagram ng kaukulang datos ayon sa gastos at kita nina Mang Ramon at Berto sa halamanan.
[chart: Venn diagram; three overlapping circles, unnumbered and untitled]
Kita
Gastos
Pinagbilhan
Mga Datos ng Kabuuang gastos, pinagbilhan at kita ng halamanan nina Mang Ramon at Berto.
Tayahin
Punan ang patlang ng tamang datos sa bawat kahon. Gumamit ng kaukulang pormula. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel o kuwaderno.
| Pinagbilhan | Puhunan | Kabuuang tubo (php) | Mga gastos (php) | Netong tubo (php) |
|---|---|---|---|---|
| 700.00 | 520.00 | _____ | 15.00 | _____ |
| 650.00 | 415 | _____ | 20.00 | _____ |
| 900.00 | 785.00 | _____ | 25.00 | _____ |
| 775.00 | 490 | _____ | 10.00 | _____ |
| 625.00 | 512.00 | _____ | 15.00 | _____ |
Bakit kailangang isaalang-alang ang lugar at panahon sa pagtitinda ng halamang ornamental?
Kita
Pinagbilhan
Gastos
[transcriber’s note: the three blanks above appear at the foot of the page and match the labels of the Venn diagram]
Karagdagang Gawain
Bumisita sa iba’t ibang halamanan (Ornamental Plant Nursery). Magmasid at magtala ng mga pagkakaiba ng halaga o presyo ng ornamental na halaman. Punan ang talahanayan.
| Mga halamang ornamental | Halaga/Presyo: Naka-paso | Halaga/Presyo: 1-dosena | Halaga/Presyo: 1 bugkos/tali | Halaga/Presyo: 1 tangkay |
|---|---|---|---|---|
| 1. | ||||
| 2. | ||||
| 3. | ||||
| 4. | ||||
| 5. |
Binabati kita at matagumpay mong nasagutan ang lahat ng gawain sa araling ito.
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- /
- /
- /
- /
- /
- /
- /
- /
- /
- X
Baitkan
| [illustration: face] | [illustration: face] | Pangungusap |
|---|---|---|
| / | 1. Ang abono o patabang mahalaga sa paraanim. | |
| / | 2. Kailangan ang angkop na kagamitan sa pagbabanda ng lupang taniman. | |
| / | 3. Ang compost ay isang uri ng organikong abono. | |
| / | 4. Kailangan ang sapat na tubig at pagbubungkal ng lupa upang maging malusog ang halaman. | |
| x | 5. Ang di-organikong pataba ay mainam na gamitin dahil nakakatulong ito sa kalidad ng tao. |
[transcriber’s note: the two face columns are headed by smiley-face illustrations; the check marks sit under the left face and the x under the right]
Tasistip
- Magsuligang
- Namumulaklak
- Malusog
- Selebrasyon
- Pamahon
Sagutin :
Mahalagang malaman ang tamang paraan ng pag-aani at pagsasapamilihan ng halamang ornamental para ito ay magiging maayos ang panahon maibenta ito ng madalian. [?]
Depende sa sagot ng mga bata.
[transcriber’s note: the answer boxes on this page are printed upside down; the boxes are transcribed in the order of the module’s sections]
Sagutin
ang dalawang paraan ng pagbebenta ng halaman ay ang palaywan at tuwirang pagbibili sa tingiang paraan.
Ang palatandaan na maaari nang ipagbili ang mga halaman ay may taglay na bulaklak sapagkat ang bulaklak ay nakaakit sa mga mata ng mamimili.
Mapapanatili ang mataas na uri ng mga halaman ipagbili kung ay ilalagay sa baldeng may tubig na may tamang sukat.
Pagyamanin
- D
- D
- D
- D
- DD
Isagawa
[chart: Venn diagram; three overlapping circles with values printed in them]
Kita 13,063
Pinagbilhan 15,954
Gastos 2,891
Tayahin
| Pinagbilhan | Puhunan | Kabuuang tubo (php) | Mga gastos (php) | Netong tubo (php) |
|---|---|---|---|---|
| 700.00 | 520.00 | 180.00 | 15.00 | 165.00 |
| 650.00 | 415 | 235.00 | 20.00 | 215.00 |
| 900.00 | 785.00 | 115.00 | 25.00 | 90.00 |
| 775.00 | 490 | 285.00 | 10.00 | 275.00 |
| 625.00 | 512.00 | 113.00 | 15.00 | 98.00 |
Sanggunian
Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera. 2015. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4. Pasig City: Vibal Group, Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply