This is Modyul 6 (Module 6) of EPP-AFA for Grade 4 (Ikaapat na Baitang), a self-learning module from DepEd Region V under the Alternative Delivery Mode, first edition 2020. Its title, “Pagsasagawa ng Masistemang Pangangalaga ng Tanim Tulad ng Pagdidilig at Pagbubungkal ng Lupa, Paglalagay ng Abonong Organiko atbp.,” means “doing systematic plant care such as watering and tilling the soil, applying organic fertilizer, and more.” EPP-AFA stands for Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Agriculture and Fishery Arts. After this module, learners should be able to care for plants step by step, from choosing the right garden tools to making compost and applying fertilizer.
What learners will learn
The module states one objective. Learners should be able to do systematic plant care (masistemang pangangalaga ng halaman), such as:
- Pagdidilig at pagbubungkal ng lupa (watering and tilling the soil)
- Paggawa ng organikong pataba (making organic fertilizer)
- Paglalagay ng abono sa lupa (applying fertilizer to the soil)
Key ideas in this module
Garden tools for watering and tilling
The module says you should use tools that suit the job and know how to use each one properly. It describes these tools:
| Tool | What it is for |
|---|---|
| Dulos (trowel) | Loosens soil around plants; also good for moving seedlings |
| Asarol (hoe) | Tills the soil |
| Regadera (watering can) | Waters plants |
| Kalaykay (rake) | Cleans the yard of dry leaves and other trash |
| Pala (shovel) | Moves soil |
The pretest also mentions the itak (bolo), used to cut large wood, branches, and big plants. Watering and tilling help keep the plants you care for healthy.
Making organic fertilizer with a compost pit
Organic fertilizer comes from natural materials. Through composting, fresh or rotting waste like fruit and vegetable peels, plant leaves, and animal manure can become fertilizer. The module explains that organic fertilizer improves soil quality, helps the soil hold water, and makes plants grow well. Its steps for a compost pit are:
- Find a slightly elevated spot.
- Dig a pit 2 meters long, wide, and deep.
- Put in cut grass, biodegradable waste, and vegetable and fruit peels.
- Add a layer of animal manure, such as from pigs, chickens, and cows.
- Sprinkle ash over it, then cover with soil.
- Repeat the layers of grass, waste, manure, ash, and soil until the pit is full.
- Leave it for 3 months or more to decompose, then sift out the compost with a fine metal screen.
Applying fertilizer
Fertilizer gives the soil the nutrients that plant roots need. The module recommends organic fertilizer because it is safe and cheap. Fertilizer can go in before, during, or after planting, but the best time is while the plant is still small and before it bears fruit. The module describes five methods:
- Broadcasting method: fertilizer is spread over the soil surface, often in rice and corn fields.
- Side-dressing method: fertilizer is placed in the soil not too close to the roots, using a tool made for this; often used for plants grown in rows.
- Foliar application method (printed as “Follar”): a fertilizer solution is watered or sprayed onto the leaves.
- Ring method (paraang pabilog): dig a circle around the plant half an inch to one inch from the trunk or stem, put the fertilizer in, and cover it with soil.
- Basal application method: fertilizer is mixed into the soil before planting, including soil for potted plants.
The module also mentions inorganic fertilizers such as urea (46-0-0) and complete fertilizer (14-14-14). These are made through chemical and mechanical processes, and the module advises not to use them too much because they can cause harm and are not safe for people.
How to use this module
The module follows the usual self-learning module parts:
- Subukin (pretest): unscramble letters to name garden tools, then answer five multiple-choice questions on safe gardening work.
- Balikan (review): mark thumbs-up or thumbs-down for statements about planting ornamental plants.
- Tuklasin (discover): read the lesson on tools, compost, and fertilizer methods.
- Suriin and Pagyamanin: match tools to their uses, answer Oo or Hindi (yes or no) statements, and identify the fertilizer methods.
- Isaisip: explain the difference between organic and inorganic fertilizer and why the compost pit steps matter.
- Isagawa: show proper watering and tilling of an ornamental plant bed, and send a photo or video to the teacher.
- Tayahin (final test) and Karagdagang Gawain: build a compost pit at home, checked with a three-part rubric.
For learners: write all answers in your notebook or on separate paper, not on the module, so others can use it later. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
For parents: the module includes an answer key (Susi sa Pagwawasto). Supervise the home gardening and compost tasks, and help take the photo or video for the teacher.
For teachers: answers to Isaisip and Isagawa depend on each learner’s work, so check these individually.
Frequently asked questions
What grade is EPP-AFA Modyul 6 for?
It is for Grade 4 (Ikaapat na Baitang) under Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Agriculture and Fishery Arts.
What are the steps in making a compost pit in this module?
Dig a pit 2 meters long, wide, and deep on slightly high ground, then layer grass and biodegradable waste, animal manure, ash, and soil until full. Leave it 3 months or more, then sift the compost with a fine metal screen.
What fertilizer application methods does the module teach?
It teaches five: broadcasting, side-dressing, foliar application, the ring method (paraang pabilog), and basal application.
What are the two kinds of fertilizer?
Organic fertilizer, made from natural materials like peels, leaves, and manure, and inorganic fertilizer, such as urea (46-0-0) and complete fertilizer (14-14-14), made through chemical and mechanical processes.
Does the module have an answer key?
Yes, it includes a Susi sa Pagwawasto (answer key) for its activities and tests.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
EPP-AFA Modyul 6: Pagsasagawa ng Masistemang Pangangalaga ng Tanim Tulad ng Pagdidilig at Pagbubungkal ng Lupa, Paglalagay ng Abonong Organiko atbp.
[illustration: group of students and a teacher studying outdoors and indoors, with a globe, a lamp, and books]
CO_EPP-AFA4_ Modyul6
EPP-AFA Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Modyul 6: Pagsasagawa nang Masistemang Pangangalaga ng Tanim Tulad ng Pagdidilig at Pagbubungkal ng Lupa, Paglalagay ng Abonong Organiko atbp.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region V
Office Address: Regional Site, Rawis Legaspi City,4500 Telefax: (052) 482-0046 / (052) 482-0373 E-mail Address: deped.rov@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Loralyn D. Casulla Editor: Jelly M. Flores Tagasuri: Filip P. Canas Tagaguhit: Jason C. Borabo Tagalapat: Jeffrey B. Sape Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr., Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Christie L. Alvarez, Lita T. Mijares, Salvador T. Pelingon
EPP-AFA Modyul 6: Pagsasagawa ng Masistemang Pangangalaga ng Tanim Tulad ng Pagdidilig at Pagbubungkal ng Lupa, Paglalagay ng Abonong Organiko atbp.
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagpadaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutunan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod na layunin;
- Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng halaman tulad ng:
- Pagdidilig at pagbubungkal ng lupa.
- Paggawa ng organikong pataba at
- Paglalagay ng abono sa lupa.
Subukin
A. Ayusin ang mga titik upang matukoy ang inilalarawang kagamitan sa paghahalaman. Gawin sa iyong kuwaderno.
- SOLUD–ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman.
[illustration: garden trowel]
- LROSAA– ginagamit sa pagbubungkal ng lupa.
[illustration: hoe]
1 CO_EPP-AFA4_Modyul6
- RAGEDERA – ginagamit sa pagdidilig ng halaman.
[illustration: watering can]
- YALKAKAY– ginagamit ito upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng tuyong dahon at iba pang uri ng basura.
[illustration: rake]
- PAAL– ginagamit sa paglilipat ng lupa.
[illustration: shovel]
- KATI –ginagamit pamputol ng malalaking kahoy, sanga, at malalaking halaman
[illustration: bolo knife]
B. Sagutin ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
- Kailangang sundin ang mga panuntunan sa paggawa upang ito ay maging
a. Maganda c. kawili-kawili
b. Maayos d. wasto
2 CO_EPP-AFA4_Modyul6
Sa paggawa, laging isaisip ang ____
a. Pagtatanim c. makatapos
b. Pagpapahinga d. pag-iingatUpang maging maayos at maginhawa sa paghahalaman, gumamit ng ____na damit.
a. Manipis c. mahaba
b. Matibay d. maluwagDapat gumamit ng mga kasangkapang____sa paghahalaman.
a. Matibay c. matigas
b. Angkop d. lumaMag-ingat sa paggamit ng mga ____ dahil ito ay pwedeng makalason.
a. Pampataba c. pantubig
b. Kemikal d. pambuhos
3 CO_EPP-AFA4_Modyul6
Lesson 6
Agriculture and Fishery Arts: PAGSASAGAWA NG MASISTEMANG PANGANGALAGA NG TANIM TULAD NG PAGDIDILIG AT PAGBUBUNGKAL NG LUPA, PAGLALAGAY NG ABONONG ORGANIKO ATBP.
Balikan
Sa paghahalaman, kailangan ang wastong paghahanda ng lupang taniman tulad ng pag-bubungkal ng lupa, pagdidilig at paglalagay ng organikong abono upang maging mataba at malago ang mga pananim. Nagdudulot ito ng magandang sistema ng pangangalaga ng halaman dahil nagkakaroon ng sustansya ang lupa na kailangan ng pananim.
Lagyan ng / tsek ang thumbs-up [illustration: thumbs-up icon] kung tama ang iyong sagot at ang [illustration: thumbs-down icon] thumbs-down kung hindi.
| Mga dapat na isaalang-alang sa pagtatanim ng mga halamang ornamental | [illustration: thumbs-up icon] | [illustration: thumbs-down icon] |
|---|---|---|
| 1. Ang mga halamang ornamental na lumalaki at yumayabong ay di dapat itanim sa harapan o unahan ng mga halamang maliit kung tumubo. | ||
| 2. Ang mga may kulay na halaman ay pinaplano kung paano at saan sila magandang patubuin. |
4 CO_EPP-AFA4_Modyul6
| transcriber’s note: table continued from the previous page; the header row is not printed on this page | ||
| 3. Ang laki at lapad ng mga dahon ay hindi inuuri kung saan ito ilalagay sa landscaping. | ||
| 4. Ang namumulaklak ng mga halaman ay kailangang ilagay sa naaarawan at kasiya-siyang tanawin. | ||
| 5. Ang mga halaman tulad ng malalaking puno ay dapat na ilagay sa unahan ng landscaping. |
Tuklasin
Anu-ano ang mga dapat mong tandaan kapag gusto mong lumago ang inyong halamanan?
Narito ang ilang tips sa pagpapalago ng halaman.
I. Pagdidilig at Pagbubungkal ng Lupa.
Sa pagbubungkal ng lupang pagtataniman kinakailangang gumamit ng mga kagamitang angkop sa pagbubungkal ng lupa. Ito ay nakatutulong upang maging maayos at mainam ang gawain sa paghahanda ng paghahalaman. Dapat ding alam mo ang wastong paraan ng paggamit ng iba’t ibang kagamitan. Pag-aralan ang mga sumusunod:
- Dulos – ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman. Ito rin ay mahusay na panglipat ng punla.
[illustration: trowel (dulos)]
- Asarol – ginagamit sa pagbubungkal ng lupa
[illustration: hoe (asarol)]
- Regadera – ginagamit pangdilig ng halaman
[illustration: watering can (regadera)]
- Kalaykay – ginagamit upang linisin ang kalat sa bakuran tulad ng tuyong dahon at iba pang uri ng basura
[illustration: rake (kalaykay)]
- Pala – ginagamit sa palilipat ng lupa. Ang pagdidilig at pagbubungkal ng lupa ay nakatutulong upang maging malusog ang halamang ating inaalagaan.
[illustration: shovel (pala)]
II. Paggawa ng organikong pataba
Sa paghahalaman kailangan din ang abono upang maging mataba at malago ang mga pananim. Ito ay maaring magmula sa likas na yaman. Sa pamamagitan ng composting ang mga sariwa o nabubulok na mga basura tulad ng balat ng prutas/gulay, dahon ng halaman at dumi ng mga hayop ay pwedeng gawing abono. Ang organikong pataba ay maganda sa lupa at halaman dahil ito ay nakapagdaragdag ng water holding capacity ng lupa at nakapagpapataba ng halaman. Ang organikong abono ay nakapagpapaganda sa kalidad ng lupa. Ito ay makukuha sa paggawa ng compost. Narito ang mga paraan ng paggawa ng compost pit.
- Humanap ng medyo mataas na lugar.
[illustration: cross-section of a pit on higher ground]
- Hukayin ito ng 2 metro ang haba, luwang at lalim.
[illustration: cross-section of a dug pit]
Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at pinagbalatan ng gulay at prutas.
Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka.
[illustration: cross-section of pit with animal manure layer]
- Sabugan ito ng abo at patungan ito ng lupa.
[illustration: cross-section of pit with ash and soil layers]
Ulitin ang pagkakasunod-sunod ng damo, nabubulok na basura, dumi ng hayop, abo at lupa hanggang sa mapuno ang hukay.
Patagalin ng 3 buwan o higit pa upang mabulok. Kunin ang mga compost sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang metal screen na maliliit ang butas.
[illustration: pit with sun and moon showing time passing]
III. Paglalagay ng abono o pataba
[illustration: man walking and spreading fertilizer on a field]
Ang abono o pataba ay mahalaga sa mga pananim, nagsisilbi itong sustansya sa lupa na kailangan ng ugat ng pananim. Bagama’t may mga organikong abono na madaling mabili sa mga tindahan, ang paggamit ng organikong pataba ay higit na iminumungkahi dahil ligtas at mura. Ang paglalagay ng pataba ay maaaring ilagay bago magtanim, habang nagtatanim, o pagkatapos magtanim higit sa lahat ang pinakamagandang panahon ng paglalagay ng abono ay habang maliit pa ang tanim bago ito mamunga. Sa panahong ito kailangan ng tanim ang sustansya mula sa lupa. Ang patabang galing sa may buhay ay inihahalo sa lupa, samantalang ang patabang galing sa walang buhay ay nakasulat sa balot ng mga ito. Narito ang ilang paraan ng paglalagay ng abono o pataba:
Broadcasting method
Ang pataba ay kinakalat sa ibabaw ng lupa, kadalasang ginagawa ito sa palayan at maisan.
[illustration: man spreading fertilizer over a field]
Side-dressing methods
Ang pataba ay ilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng kagamitang nakalaan para dito. Ito ay kadalasang ginagawa sa mga halaman na nakatanim na pahilera at hindi paisa-isa.
[illustration: fertilizer being applied to plants in rows, with a hand pouring fertilizer near a flower]
Follar Application Methods
Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag –iispray ng solusyong abono sa mga dahon ng halaman.
[illustration: person spraying fertilizer solution on plant leaves]
Ring Method (Paraang pabilog)
a. Humukay ng pabilog sa paligid ng tanim na may layong kalahati hanggang isang pulgada mula sa puno o tangkay. b. Ilagay ang pataba sa lugar na hinukay. c. Takpan ng lupa ang pataba.
[illustration: plant with a ring-shaped hole, then fertilizer added from a bag labeled PATABA]
Basal Application Method
Paglalagay ng abono sa pamamagitan ng pataba sa lupa bago itanim. Kapag ang halaman naman ay itatanim sa paso, ang pataba ay inihahalo muna sa lupa bago itanim ang halaman.
[illustration: potted flowering plant with roots visible]
Samantala ang mga di-organikong pataba naman tulad ng urea (46-0-0) at complete fertilizer (14-14-14) ay inihahanda sa prosesong kemikal at mekanikal, subalit iminumungkahing huwag masyadong gamitin sapagkat ito ay nakakasira at hindi ligtas sa tao.
Suriin
Halika at ating suriin!
Sa iyong kuwaderno, pagtambalin ang mga sumusunod na kagamitan ayon sa gamit nito.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. Dulos | a. ginagamit panglipat ng lupa |
| 2. Asarol | b ginagamit pang linis ng kalat |
| 3. Pala | c.pandilig ng halaman |
| 4. Kalaykay | d. pangbungkal ng lupa |
| 5. Regadera | e.panlipat ng punla |
Isulat ang Oo kung tama ang ipinahihiwatig ng pangungusap at Hindi kung mali.
_____1. May dalawang uri ng abono, ang organiko at di-organikong abono.
_____2. Ang di-organikong pataba ay galing sa nabulok na prutas, dumi ng hayop, mga nabubulok at iba pa.
_____3. Ang halaman ay kailangang bungkalin isa o dalawang beses isang linggo.
_____4. Ang compost pit ay inilalagay sa maayos na lugar para madaling makita ng mga tao.
_____5. Pinagpapatung-patong na damo, nabubulok na basura, dumi, ng mga hayop, apog, o abo, at lupa ang tamang paglalagay sa compost heap/pit.
Pagyamanin
Pagyamanin natin ating kaisipan!!!
Hanapin sa loob ng kahon ang salita na tinukoy ng bawat pangungusap. Titik lamang ang isagot. Gawin saiyong kuwaderno.
a) Broadcasting method b) Side-dressing methods c) Follar Application Methods d) Ring Method (Paraang pabilog) e) Basal Application Method
_____1. Ang pataba ay kinakalat sa ibabaw ng lupa, kadalasang ginagawa ito sa palayan at maisan.
_____2. Ang pataba ay ilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng kagamitang nakalaan para dito.
_____3. Ito ay ginagawa sa pagdidilig o pag–iispray ng solusyong abono sa mga dahon ng halaman.
____4. Paghukay ng pabilog sa paligid ng tanim na may layong kalahati hanggang isang pulgada mula sa puno o tangkay.
____5. Paglalagay ng abono sa pamamagitan ng pataba sa lupa bago itanim.
Isaisip
Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa malinis na papel.
- Ano ang pagkakaiba ng organikong abono at di-organikong abono?
- Bakit kinakailangang tama ang paglalagay ng abono sa halaman?
- Mahalaga bang sundin ang hakbang sa paggawa ng compost pit? Bakit?
Isagawa
Ipakita ang tamang pagdidilig at pagbubungkal ng lupang taniman ng halamang ornamental. Magpakuha ng larawan o video habang ginagawa ito at ipadala ito sa guro.
Tayahin
Sagutin ang mga sumusunod sa pamamaraan ng paglalagay ng T kung tama ang sinasabi at M kung mali ito.
______1. Ang tubig ay mahalaga sa buhay at halaman.
______2. Ang organikong abono ay maaring makuha kung saan-saan lamang.
______3. Ang halaman ay kinakailangang bunkalin ng isa o dalawang beses isang lingo.
______4. May dalawang uri ng abono, ito ay ang organiko at di-organiko.
______5. Ang halaman ay lumalago kahit walang abono ang lupa.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
- Anu-ano ang masistemang paraan ng pangangalaga ng halaman?
- Ano ang dalawang uri ng abono?
- Anu-ano ang mga paraan ng paglalagay ng abono sa halaman? Magbigay ng isang halimbawa.
Karagdagang Gawain
Magsagawa ng compost pit sa likod ng inyong tahanan gamit ang natutunang proseso. Narito ang pamantayan.
| Pamantayan | Oo | Hindi | Di – gaano |
|---|---|---|---|
| 1. Nasunod nang tama ang proseso sa paggawa ng compost pit | |||
| 2. Naisagawa nang maayos ang paggawa ng compost pit. | |||
| 3. Napanatili ang kalinisan ng kapaligiran at ng sarili |
Binabati kita at Matagumpay mong nasagutan ang ating aralin!
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down, and several rotated lines are hard to read; uncertain words are marked with [?]]
Subukin
- dulos
- asarol
- regadera
- kalaykay
- palayo [?]
- itak
b. [illegible]
Balikan
[photo: thumbs-up and thumbs-down icons above a checklist grid]
| Bilang | Oo | Hindi |
|---|---|---|
| 1 | [?] | [?] |
| 2 | [?] | [?] |
| 3 | [?] | [?] |
| 4 | [?] | [?] |
| 5 | [?] | [?] |
[transcriber’s note: the check marks in this table are printed as slashes; the column for each mark could not be confirmed]
Pagyamanin
A. [?] B. [?] C. [?] D. [?] E. [?]
[transcriber’s note: the printed key is “1.A 2.B 3.C 4.D 5.E”; the letters are read as printed]
Pagsasanay
- c [?]
- d [?]
- a [?]
- b [?]
- e [?]
Pagtataya
- Oo
- Oo
- Oo
- Hindi
- Oo
[transcriber’s note: this set of Oo and Hindi answers is printed without a clear section label]
Pagtataya (T o M)
- T
- M
- T
- T
- M
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
- Ang masistemang pangangalaga ng tanim ay ang sumusunod: una, tatlong paraan ito ay pagdidilig at pagbubungkal ng lupa, pagtatanim [?] ay ang pagpapabuti ng organikong pataba at ang [?] ikalawa ay ang paglalagay ng abono sa pataba sa lupa upang [?] ay magiging malusog. [?]
- Ang dalawang uri ng abono ay organikong abono at di-organikong abono.
- Ang mga paraan ng paglalagay ng abono sa mga halaman ay: broadcasting methods, side-dressing methods, foliar application methods, ring methods, at basal application methods.
Ring Method (Paraang pabilog)
a. Humukay ng pabilog sa paligid ng tanim na may layong kalahati hanggang isang pulgada mula sa puno o tangkay. b. Ilagay ang pataba sa lugar na hinukay. Takpan ng lupa ang pataba.
Isaisip
Depende sa sagot ng bata.
Isagawa
Depende sa gawa ng mga bata.
Sanggunian
Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera. 2015. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4. Pasig City: Vibal Group, Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply