This is a self-learning module (SLM) for Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 (Home Economics and Livelihood Education, Grade 5), Industrial Arts, Module 5: “Paggawa ng Extension Cord” (making an extension cord). It was prepared by DepEd Region VIII for learners studying at home. After the lesson, learners should be able to make a working extension cord from tools and materials found at home or in the community. They can use it at home, and it can even become a source of income.
What learners will learn
The module has one learning objective (“Layunin”):
- Make an electrical extension wire project from materials found at home or in the community that can be used in the home (EPP5IA-0c-3).
What is inside the module
The module has one lesson, “Aralin 1: Paggawa ng Extension Cord.” Its parts follow the usual SLM order:
- Subukin (pretest): five multiple-choice questions on switches, junction boxes, woodworking, the C-clamp, and the Phillips screwdriver.
- Balikan (review): five questions on earlier lessons about native and industrial materials such as wood, coconut, rattan, and buri.
- Tuklasin (discover): a short story, “Ang Papel ni Extension Wire sa Pamilya Cruz” (the role of the extension wire in the Cruz family). A family of six has too many gadgets and too few outlets. The father solves the problem by making his own extension cord.
- Suriin (analyze): safety reminders, the tools and materials, and the steps for making the cord.
- Pagyamanin (enrichment): photos of the steps, a short reading, a true-or-false test, and a matching test on tools.
- Isaisip (remember): a fill-in-the-blanks summary of the lesson.
- Isagawa (apply): putting step photos in order, then making the extension cord with an adult’s help.
- Tayahin (assess): testing the finished cord with an adult and matching tools to pictures.
- Karagdagang Gawain (extra activity): research on how to make a bulb socket extension cord.
Safety first: before working with electricity
The module stresses that knowing the steps of a project keeps the work safe, easy, and successful. Before starting any electrical project, learners should:
- Wear proper work clothes.
- Keep tools in a sturdy, clean, and safe container.
- Make sure the tools are in good condition and that they know how to use them.
- Work in a bright, safe, and clean place.
- Follow the project instructions.
- Ask an adult or the teacher for advice when unsure.
- Avoid chatting and focus on the work.
- Never put sharp or pointed tools in their pockets.
- Cover the sharp and pointed parts of tools.
- Handle sharp tools carefully.
- Eat and rest well before working.
- Keep the work area clean and put away scraps and tools afterward.
The module also warns, in capital letters, never to make or test the extension cord alone, and never to play with it.
Tools and materials
- Side cutting pliers
- Phillips screwdriver
- Male plug
- Combination pliers
- Flat cord
- Convenience outlet (female outlet)
The matching test also mentions electrical tape, used to wrap stripped wires and wire joints.
Steps in making an extension cord
- Strip a little of the rubber cover at both ends of the flat cord using side cutting pliers, so the copper wire shows.
- Twist the four ends of the copper wires.
- Open the male plug with the Phillips screwdriver and attach two side-by-side copper wires to its terminals.
- Screw the male plug cover back on with the Phillips screwdriver.
- Open the convenience (female) outlet with the Phillips screwdriver and attach the remaining two copper wires to its terminals.
- Screw the outlet cover back on.
The module also explains why extension cords matter: they let us use a radio, TV, flat iron, or electric fan even when it is far from the main outlet on the wall.
Key terms
- Male plug: the part that is plugged into the convenience outlet.
- Female (convenience) outlet: the easiest source of electricity for electrical appliances.
- Flat cord: the wire that carries the electricity to the appliances.
- Phillips screwdriver: loosens or tightens screws with a cross-shaped head.
- Combination pliers: used to grip or cut wires, cables, or small nails.
How to use this module
- Learners: Take the pretest first, then go through the parts in order. Write all answers in your notebook or on separate paper. Do not write on the module, so others can use it. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher if anything is unclear.
- Parents and guardians: The hands-on activities in Isagawa and Tayahin must be done with you, an electrician, or another adult. Help your child build the cord, test it together, and make sure it is never treated as a toy.
- Teachers: The project is scored with rubrics. The building rubric rates creativity, effort and patience, skill and knowledge in assembly, and attitude and responsibility. The testing rubric rates neatness, accuracy, and whether the cord works. Each criterion is scored from 5 (Napakahusay, excellent) to 1 (Kailangan pang Paghusayan, needs improvement). The project form has spaces for start and finish dates and the teacher’s signature.
Frequently asked questions
What grade level is this module for?
It is for Grade 5 learners taking Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP), Industrial Arts strand. It is Module 5 of that series.
What competency does the module cover?
It covers EPP5IA-0c-3: making an electrical extension wire project from materials found at home or in the community.
What tools are needed to make the extension cord?
The module lists side cutting pliers, a Phillips screwdriver, a male plug, combination pliers, a flat cord, and a convenience (female) outlet.
Can a child make the extension cord alone?
No. The module clearly warns learners never to make or test the extension cord alone. A parent, electrician, or other adult must help, and the cord should never be played with.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, assessments, the fill-in-the-blanks summary, and the matching activities.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
5
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Industrial Arts – Modyul 5
Paggawa ng Extension Cord
[illustration: learners reading and studying under a tree, at a desk, and with a globe, with a teacher]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
C0_EPP5_IA_Modyul 5
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Industrial Arts – Modyul 5: Paggawa ng Extension Cord Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Warren L. Lugapo Editor: Gary B. Mosquito, Gina J. Galvez Tagasuri: Elizabeth V. Ballais, Gary B. Mosquito Tagalapat: Joy B. Bihag Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Arnulfo M. Balane, Rosemarie M. Guino, Joy B. Bihag, Ryan R. Tiu, Judella R. Lumpas, Margarito A. Cadayona, Jr., Jose B. Mondido, Francisco L. Bayon-on, Jr., Amer L. Santolorin, Medarlou A. Genoguin
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – SDO – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 832 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Industrial Arts – Modyul 5: Paggawa ng Extension Cord
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sa Modyul na ito, malalaman ng mga mag-aaral ang mga hakbang sa paggawa ng extension cord na nakadesinyo mula sa mga materyales na makikita sa bahay o pamayanan na maaaring magamit sa ating mga tahanan at pagkakataon na mapagkakakitaan.
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
Layunin:
- Nakagagawa ng proyektong extension wire na ginagamitan ng elektrisidad na nakadesinyo mula sa mga materyales na makikita sa bahay o pamayanan na maaaring magamit sa ating mga tahanan. EPP5IA-0c-3
Subukin
Gawain 1
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
Ito ay nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente.
a. lamp holder
b. male plug
c. switch
d. fuseDito ipinagkakabit- kabit ang mga wire.
a. Connectors
b. circuit breaker
c. utility box
d. junction boxSi Mang Aldos ay kilala sa pagiging mahusay na karpintero sa Brgy. Magallanes. Sa anong gawaing pang – industriya nabibilang ang kanyang propesyon?
a. gawaing – kahoy
b. gawaing – metal
c. gawaing – elektrisidad
d. lahat ng nabanggitIto ay isang uri ng pang – ipit na mainam gamitin kung walang gato.
a. martilyo
b. rip saw
c. c- clamp
d. kikilIsang kagamitang pang- elektrisidad na ginagamit para luwagan o higpitan ang tornilyo na ang dulo ay hugis krus.
a. flat screwdriver
b. Philips screwdriver
c. stubby screwdriver
d. claw hammer
Aralin 1: Paggawa ng Extension Cord
Mahalagang malaman ng bawat isa ang mga hakbang ng proyekto lalong-lalo na sa paggawa ng extension wire upang maging ligtas, madali at matagumpay itong maisasagawa. Ang kaalaman sa mga hakbang ang unang dapat isaalang-alang sa anumang gawaing sisimulan. Ito ay nakatutulong para masunod nang wasto at higit sa lahat walang sakunang mangyari habang ginagawa ang napiling proyekto. Kailangan din na ang mga kagamitan at materyales na gagamitin ay madaling makikita sa ating bahay at komunidad.
Balikan
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
Ang yakal, molave at narra ay nakapaloob sa anong materyal na industriya?
a. katad b. niyog c. kabibe d. kahoyAnong bahagi ng niyog ang kapaki-pakinabang sa mga mamamayan?
a. dahon b. bunga c. kahoy d. lahat ng nabanggitIto ay mga materyal na ginagamitan sa pagsusuplay ng kuryente, sa pag- init a pag – iilaw.
a. metal b. seramika c. elektrisidad d. katadtranscriber’s note: “a” after “pag- init” is printed as shown.
Ito ay isang uri ng halaman na tumutubo mula 250 m. hanggang 650 m. Ito ay gingamit sa paggawa ng duyan, higaan at iba pa.
a. himaymay b. rattan c. kawayan d. niyogIto ay isa sa pinakamalaking halamang palmera. Ang midrib ng dahon nito ay ginagamit sa paggawa ng walis, basket, at iba pang kasangkapan.
a. Buri b. rami c. abaka d. pinya
Tuklasin
Panuto: Basahin nang mabuti ang kwento at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Ang Papel ni Extension Wire sa Pamilya Cruz
Ang pamilya Cruz ay nakatira sa isang maliit na bahay na binubuo ng anim na miyembro. Bawat isa sa kanila ay nagmamay – ari ng cellphone at mayroon din silang dalawang laptop at isang tablet. Dahil sa dami ng gadget nila, minsan may mga pagkakataon na nag-uunahan ang mga ito sa pagkabit ng charger sa female outlet kung ang kanilang cellphones at ibang gadgets ay na-low bat. Isang araw, na-low bat ang cellphone ng kanilang haligi ng tahanan kung kaya ay nagmadali siyang kumuha ng charger dahil may ipinadalang napaka importanteng mensahe ang kanyang kliyente na dapat niyang matugunan kaagad. Ngunit sa kasamaang palad ay wala nang bakanteng outlet para sa kanya. Ang kanyang mga anak ay nag cha-charge din ng kani-kanilang mga cellphone. Ang isa pang outlet ay puno rin dahil nakasaksak ang plug ng T.V. at nakacharge din ang laptop ng kanyang anak. Sa pagkakataong ito ay naisipan niyang gumawa ng isang extension cord gamit ang mga kagamitan na binili niya noon. Dahil may kaalaman naman sa paggawa ng extension cord, nasolusyunan ang kanyang suliranin.
- Ano ang suliranin ni Mang Alex?
- Ano ang naging papel ng extension wire sa paglutas ng suliranin ni Mang Alex?
- May kaalaman rin ba kayo sa paggawa ng extension cord tulad ni Mang Alex?
Suriin
Ang kaalaman sa mga hakbang sa paggawa ng isang proyekto ay isang mahalagang paghahanda o katangian na dapat malaman ng bawat isa sa anumang gagawing proyekto lalo na kung ito ay ginagamitan ng elektrisidad. Nagsisilbi itong gabay upang matapos ng maayos ang proyekto. Nakatutulong din ito upang masunod ng tama at higit sa lahat walang kapahamakang magaganap habang ginagawa ang napiling proyekto.
Mga dapat isaalang-alang bago gawin ang proyekto na ginagamitan ng elektrisidad;
- Tiyaking nakasuot ng angkop na kasuotan sa paggawa.
- Ilagay ang mga kagamitan sa matibay, malinis at ligtas na lalagyan.
- Tiyaking na nasa maayos na kondisyon ang mga kagamitan at alam ang tamang paggamit nito.
- Pumili ng isang maaliwalas, ligtas at malinis na lugar kung saan isasagawa ang proyekto.
- Sundin ang panuto sa paggawa ng proyekyo.
- Humingi ng payo sa nakatatanda at guro kung nag – aalangan sa proseso ng paggawa.
- Iwasan ang pakikipag- usap at ituon ang atensiyon sa gingawang proyekto.
- Iwasan ang paglalagay ng matutulis at matatalas na kagamitan sa bulsa upang maiwasan ang aksidente.
- Balutin ang matulis at matalas na bahagi ng mga kasangkapan.
- Maging maingat sa paggamit ng matutulis at matatalas na mga kagamitan.
- Tiyaking kumain at nakapagpahinga ng maayos bago gawin ang proyekto.
- Panatilihing malinis ang lugar na pinaggagawaan ng proyekto. Iligpit ang mga kalat at ang mga kasangkapang ginamit.
Mga Kagamitan sa Paggawa ng Extension Cord
- side cutting pliers
- Philip screwdriver
- male plug
- Combination plier
- Flat chord
- Convenience outlet/female outlet
Mga Hakbang sa Paggawa ng Extension Cord
- Balatan ng kaunti ang magkabilang dulo na goma ng flat cord conductor gamit ang side cutting plier nang sa gayon ay makita ang cooper wire.
- I-twist ang apat na dulo ng mga copper wires.
- Gamit ang Philip screwdriver, buksan ang male plug at ikabit ang magkatabing dalawang copper wires sa kabitan ng male plug.
- I-screw/takpan pabalik ang male plug gamit ang Philip screwdriver.
- Buksan ang convenience outlet/female outlet gamit ang philip screwdriver at ikabit ang natitirang magkatabing dalawang copper wires sa kabitan nito.
- I-screw/takpan pabalik ang convenience outlet/female outlet gamit ang philip screwdriver.
Pagyamanin
Narito ang mga pagkakasunod – sunod ng mga larawan sa paggawa ng “Extension Cord”.
[photo: pliers cutting the cable jacket] Unang Hakbang [photo: copper wires being stripped and separated] Ikalawang Hakbang [photo: screwdriver tightening a terminal on a plug] Ikatlong Hakbang [photo: plug terminals with exposed wires] Ikaapat na Hakbang [photo: wires being fastened to the plug with a screwdriver] Ikalimang Hakbang [photo: plug with the wires connected] Ikaanim na Hakbang [photo: plug being pressed onto the cord] Ikapitong Hakbang [photo: outlet box with wires being connected] Ikawalong Hakbang [photo: wires inside the outlet box] Ikasiyam na Hakbang [photo: screwdriver tightening the outlet cover] Ikasampung Hakbang [photo: plug being inserted into the outlet strip] Ikalabing isang Hakbang
Gawain 1
Basahin ang talata at sagutin ang mga pagtatasa sa ibaba.
Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Pang – Elektrisidad – Extension Cord.
Ang elektrisidad ay isa sa mga mahahalagang yaman na kailangang matutunan ng bawat isa sa atin. Sa pamamagitan nito, ang mga pangunahing kagamitan sa ating tahanan gaya ng radyo, telebisyon, plantsa, at bentilador ay ating nagagamit. Ang extension cord ay may isang mahalagang papel upang mapagana ang radyo, telebisyon, plantsa, at bentilador kahit malayo ito sa main convenience outlet na nakakabit sa dingding. Upang maging ligtas at maayos ang bawat gawaing may kinalaman sa elektrisidad, nararapat na alamin ang mga hakbang at isaalang-alang ang paggamit ng personal na kagamitang pangkaligtasan.
Pagtatasa 1
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at MALI kung ito ay mali.
_____ 1. Balatan ng kaunti ang magkabilang dulo na goma ng flat cord conductor gamit ang philip screwdriver nang sa gayon ay makita ang cooper wire.
_____ 2. Itwist ang apat na dulo ng mga copper wires.
_____ 3. Gamit ang combination plier, buksan ang male plug at ikabit ang magkatabing dalawang copper wires sa kabitan ng male plug.
_____ 4. Iscrew/takpan pabalik ang male plug gamit ang Philip screwdriver.
_____ 5. Buksan ang convenience outlet/female outlet gamit ang Philip screwdriver at ikabit ang natitirang magkatabing dalawang copper wires sa kabitan nito.
Pagtatasa 2
Panuto: Pagtambalin ang mga kagamitan sa hanay A sa angkop na sagot sa hanay B. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
| HANAY A | HANAY B |
|---|---|
| 1. Philip screwdriver | a. dito ipinadadaan ang kuryente papunta sa mga kagamitan. |
| 2. Combination plier | b. ginagamit para luwagan o hugpitan ang turnilyo na ang dulo ay hugis krus. |
| 3. Flat cord | c. ginagamit na pangkawak o pamputol ng wires, kable o maliit na pako. |
| 4. Male Plug | d. isinasaksak sa convenience outlet. |
| 5. Electric tape | e. nagsisilbing pinakamadaling pinagkukunan ng kuryente para sa mga dekuryenteng kasangkapan. |
| f. gingamit upang balutan ang mga wires na nabalatan pati ang mga dugtungan ng wires. |
Isaisip
Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang kaisipan sa aralin na ito. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
kapakinabangan, elektrisidad, kaalaman, ligtas, pangkaligtasan
Ang tamang _____ sa paggamit at pangangalaga ng iba’t ibang kagamitan at kasangkapang pang- elektrisidad ay isang mahahalagang salik upang mapanatili ang gamit at _____ ang mga ito. Bawat isa sa atin ay dapat may kaalaman sa mga ito upang maging _____ at maayos ang bawat gawaing may kinalaman sa _____, nararapat na alamin ang mga hakbang at isaalang-alang ang paggamit ng personal na kagamitang _____.
Isagawa
Gawain 1
Panuto: Pagsunod – sunurin ang mga sumusunod na mga larawan batay sa hakbang sa pagbuo ng extension cord. Lagyan ng bilang ang bawat patlang ng larawan batay sa kung ano ang una hanggang huli.
(1-11) Gawin ito sa iyong kuwaderno.
` _____ _____
[photo: hand twisting copper wire ends] [photo: pliers cutting the cable jacket]
[photo: plug terminal with exposed wires] [photo: outlet box with wires being connected]
[photo: plug being screwed with a screwdriver] [photo: wires being fastened to the plate with a screwdriver]
[photo: plug with two blades held in the hand] [photo: plug being inserted into the outlet strip]
[photo: plate with wires connected to the terminals] [photo: screwdriver tightening the screws on the plate]
[photo: screwdriver tightening terminals inside the outlet box]
Gawain 2
Panuto: Sa gawaing ito, humingi ng tulong sa mga magulang/electrician o kahit na sinong nakatatanda sa paggawa ng extension cord gamit ang mga kagamitan na kailangan at isaalang – alang ang tamang pagkakasunod-sunod gamit ang mga wastong hakbang sa paggawa nito.
Babala: HUWAG GAWING MAG-ISA ANG PAGGAWA NG EXTENSION CORD AT IWASANG PAGLARUAN ANG BAGAY NA ITO.
Rubric para sa Gagawing Proyekto – Extension Cord
| PAMANTAYAN | Puntos: 5 Napakahusay | Puntos: 4 Mahusay | Puntos: 3 Mahusay-husay | Puntos: 2 Hindi Gaanong Mahusay | Puntos: 1 Kailangan pang Paghusayin |
|---|---|---|---|---|---|
| 1.Pagkamalikhain | |||||
| 2. Pagsisikap at Pagtitiyaga | |||||
| 3. Kasanayan at kaalaman sa pagbuo | |||||
| 4. Saloobin at responsibilidad. |
Petsa ng Pagsisimula ng Paggawa: ______ Petsa ng Pagkatapos sa Paggawa: ______
Inihanda ni:
Baitang 5
Binigyan Pansin ni:
Guro
Pagpapakahulugan:
- 1-5 – Kailangan pang Paghusayan
- 6-9 – Hindi Gaanong Mahusay
- 1-12 – Mahusay husay
- 12-14 – Mahusay
- 15-20 – Napakahusay
Tayahin
Gawain 1
Panuto: Sa pamamagitan ng TULONG ng iyong mga magulang o kahit na sinong nakatatanda sa bahay, subukang gamitin ang inyong ginawang extension cord. Gamitin ang Rubric sa ibaba bilang pamantayan sa pag- iskor ng iyong output. Gawin ito sa iyong kwaderno.
Babala: HUWAG GAWING MAG-ISA ANG PAGSUBOK SA GINAWANG EXTENSION CORD AT IWASANG PAGLARUAN ANG BAGAY NA ITO.
| PAMANTAYAN | Puntos: 5 Napakahusay | Puntos: 4 Mahusay | Puntos: 3 Mahusay-husay | Puntos: 2 Hindi Gaanong Mahusay | Puntos: 1 Kailangan pang Paghusayin |
|---|---|---|---|---|---|
| 1.Kalinisan | |||||
| 2. Kawastuhan | |||||
| 3. Paggana ng Extension Cord |
Pagpapakahulugan:
- 1-3 – Kailangan pang Paghusayan
- 4-6 – Hindi Gaanong Mahusay
- 7-9 – Mahusay husay
- 10-12 – Mahusay
- 12-15 – Napakahusay
Gawain 2
Panuto: Pagtambalin ang mga kagamitan sa hanay A sa angkop na larawan nito sa hanay B. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
Hanay A
- Philip screwdriver
- Combination plier
- Flat cord
- Male Plug
- Female outlet
Hanay B
a. [illustration: electrical wall outlet with two slots] b. [illustration: combination pliers with black handles] c. [illustration: flat cord with exposed copper wire ends] d. [illustration: red-handled pliers] e. [illustration: male plug with two copper prongs] f. [illustration: screwdriver with yellow and black handle]
Karagdagang Gawain
Magsaliksik sa pamamagitan ng pagtatanong o sa tulong ng internet tungkol sa tamang hakbang sa paggawa ng bulb socket extension cord. Isulat sa kuwaderno ang iyong mga kasagutan.
[transcriber’s note: this page is printed upside down; it has been read in the upright orientation]
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- c
- d
- a
- c
- b
Balikan
- d
- d
- c
- b
- a
Pagyamanin
Pagtatasa 1
- Mali
- Tama
- Mali
- Tama
- Tama
Pagtatasa 2
- b
- c
- a
- d
- f
Isaisip
- kaalaman
- kapakinabangan
- ligtas
- elektrisidad
- pangkaligtasan
Tayahin: B
- f
- d
- c
- e
- a
Isagawa: A
[transcriber’s note: the photos are printed with numbers 1 to 11 beneath them; they are listed here in numerical order]
- [photo: hands fastening wires to a plug]
- [photo: hands working with a cord and a plug]
- [photo: hands attaching a cord to a plug]
- [photo: hands inserting wire into a plug]
- [photo: hands screwing a plug housing]
- [photo: a plug with wires attached]
- [photo: hands handling a power strip]
- [photo: hands working on a power strip]
- [photo: a power strip with a cord]
- [photo: a plug with exposed wires]
- [photo: hands working on a power strip cord]
Isagawa: B
Rubric para sa Gagawing Proyekto – Extension Cord
| PAMANTAYAN | 5 Napakahusay | 4 Mahusay | 3 Mahusay-husay | 2 Hindi Gaanong Mahusay | 1 Kailangan pang Paghusayin |
|---|---|---|---|---|---|
| 1. Pagkamalikhain | |||||
| 2. Pagsisikap at Pagtitiyaga | |||||
| 3. Kasanayan at kaalaman sa pagbuo | |||||
| 4. Saloobin at responsabilidad. |
Puntos
Pagpapakahulugan:
- Kailangan pang Paghusayan – 3- 1
- Hindi Gaanong Mahusay – 6- 4
- Mahusay husay – 9- 7
- Mahusay – 12 – 10
- Napakahusay – 15 – 12
Sanggunian
Curriculum Guide, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5, EPP5IA-0c34
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


Leave a Reply