This is Module 4 of Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 5, Industrial Arts. It is titled “Plano sa Gagawing Proyektong Pagkakakitaan” (planning a project that can earn income). This self-learning module is for Grade 5 learners studying at home. It teaches them how to write a project plan for an income-generating project that uses electricity and materials found in their community.
It is an Alternative Delivery Mode (ADM) module, first edition 2020, prepared by DepEd Region VIII. It has one lesson, short exercises, three rubric-scored planning tasks, and an answer key.
What learners will learn
After the lesson, learners are expected to:
- Make a plan for a project designed from different materials found in the community, that uses electricity, and that can earn income (EPP5IA-0d-4)
Why planning a project matters
The module says planning is the first step in any task. A good plan makes a project easier and more likely to succeed. It also helps you save time, energy, and money. The materials and tools you choose should be easy to find in your community.
The lesson opens with a short poem, “Ang Plano ng Proyekto” (the project plan). It thanks engineers and architects, whose careful plans make bridges and buildings strong enough to survive earthquakes and typhoons. Its last lines carry the main message: a project with a plan stays far from mistakes.
What to consider when choosing a project
The module lists six things to keep in mind:
- Make sure the project is useful.
- Look for information on how to build it.
- Choose a simple design and learn the steps for making it.
- Find out which materials and tools you need.
- Favor materials that are easy to find in your community and tools that are not hard to get.
- Keep the project simple but attractive.
The five parts of a project plan
The heart of the module is the “Balangkas ng Plano ng Proyekto” (project plan outline). It has five parts, in this order:
| Part | What it contains |
|---|---|
| Pangalan ng Proyekto (project name) | The exact name of the project you want to make |
| Layunin (objective) | Why you are making the project and how it will be useful |
| Kagamitan at Materyales (tools and materials) | Every tool and material needed, with quantity, unit, name, price of each item, and the total cost |
| Mga Hakbang (steps) | All the steps in order, from preparing the tools and materials to finishing the project |
| Krokis (sketch) | A drawing that guides the work and shows how the finished project will look |
Below the five parts, the form has lines for the start date and end date of the work. It also has a line for the Grade 5 learner who prepared the plan and one for the teacher who reviewed it.
Example plans in the module
The module gives two worked examples:
- Paggawa ng extension cord (making an extension cord). The objective is to show the correct way to make an extension cord. The tools and materials are an electrical tester, long nose pliers, a wire cutter, one convenience outlet, a male plug, and 3 m of #14 stranded wire. The steps include threading the cable into the male plug, splitting the cable by hand up to 8 centimeters, stripping both ends, twisting the wire strands neatly, and tightening them under the plug’s screws with a screwdriver.
- Paggawa ng patungan ng aklat (making a book stand). The materials include plywood, angle bars, wood glue, nails, sandpaper, moulding, and varnish. The ten steps run from measuring and cutting the parts to sanding, varnishing, and showing the finished project to the teacher.
The lesson also reviews tools used in electrical work, such as pliers, electrical tape, long nose pliers, and a tester.
How to use this module
The module follows the usual DepEd self-learning module parts:
- Subukin (pretest): Fill in the parts of the project plan outline and identify each part from its description.
- Balikan (review): Mark which tools can be used for electrical work.
- Tuklasin and Suriin (explore and explain): Read the poem, answer two questions about why planning matters, and study the parts of a plan.
- Pagyamanin (practice): Answer a true-or-false quiz and a matching quiz on the extension cord plan. Then write your own plan for an electrical project that can earn income.
- Isaisip (remember): Complete a fill-in-the-blanks summary of the lesson.
- Isagawa (apply): Find materials in your community and write your own plan and design for a project that uses electricity.
- Tayahin (assessment): Complete a plan for making a lampshade. The name and objective are given. You fill in the materials, steps, and sketch.
- Karagdagang Gawain (extra activity): Interview a neighbor, carpenter, friend, or relative who knows how to make a bamboo lampshade, or research the steps online.
The three planning tasks are scored with a rubric. It has three criteria: creativity, materials that can be found in the community, and complete steps. Each criterion gets 1 to 5 points, for a total of 15.
For learners: Do not write on the module. Use a separate notebook or paper for all answers, and check your work honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end.
For parents: Help your child find materials around the home and community, and help arrange the interview for the extra activity.
For teachers: Use the pretest to see who needs extra help. Use the rubric to score the planning tasks, which the module asks learners to have reviewed by the teacher.
Frequently asked questions
What grade level is this EPP Industrial Arts Module 4 for?
It is for Grade 5 learners taking Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP), Industrial Arts strand. The module does not state a quarter.
What competency does this module cover?
It covers EPP5IA-0d-4. Learners make a plan for an income-generating project that uses electricity and materials found in the community.
What are the parts of a project plan?
The module lists five parts: Pangalan ng Proyekto (project name), Layunin (objective), Kagamitan at Materyales (tools and materials), Mga Hakbang (steps), and Krokis (sketch).
What does krokis mean?
Krokis is the sketch or drawing of the planned project. It guides how the project will be made and shows how it will look when finished.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the pretest, review, practice exercises, and fill-in-the-blanks summary. It also has the rubric for scoring the planning tasks.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Industrial Arts – Modyul 4: Plano sa Gagawing Proyektong Pagkakakitaan
5
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Industrial Arts – Modyul 4
Plano sa Gagawing Proyektong Pagkakitaan
[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher with a student at a desk, and a student with a globe and a lantern]
CO_EPP5_IA_Modyul 4
[transcriber’s note: the cover reads “Pagkakitaan” while the title on page 2 and the rest of the module read “Pagkakakitaan”; the cover spelling is transcribed as printed]
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Industrial Arts – Modyul 4: Plano sa Gagawing Proyektong Pagkakakitaan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Christopher Magallanes Editor: Idah M. Sayre, Jemmar J. De Asis, Henry T. Jarina Tagasuri: Gloria Ano-os Gasal Tagaguhit: Julio A. Cañega Tagalapat: Julio A. Cañega Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Lani H. Cervantes Alejandro S. Almendras Maria Pia B. Chu Allan O. Celedonio Imelda A. Amodia
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – SDO – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 832 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Industrial Arts – Modyul 4: Plano sa Gagawing Proyektong Pagkakakitaan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sa Modyul na ito, malalaman mo ang iba’t ibang hakbang sa pagbuo ng plano ng proyekto na nakadesinyo mula sa iba’t ibang materyales na makikita sa pamayanan na ginagamitan ng elektrisidad at maaaring mapagkakakitaan.
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang nakabubuo ng plano sa gawaing proyekto na nakadesinyo sa iba’t ibang materyales na makikita sa pamayanan na ginagamitan ng elektrisidad na maaaring mapagkakakitaan. (EPP5IA-0d-4)
Subukin
Gawain 1
Panuto: Kopyahin ang Balangkas ng Plano ng Proyekto sa iyong kuwaderno. Pagkatapos, punan ang mga patlang ng tamang bahagi ng balangkas ng plano sa isang proyekto. Piliin ang tamang sagot sa kahon.
a. Layunin b. Mga Hakbang c. Kagamitan at Materyales d. Pangalan ng Proyekto e. Krokis
Balangkas ng Plano ng Proyekto
I. _____ : II. _____ : III. _____ : IV. _____ : V. _____ :
Petsa ng Pagsisimula ng Paggawa: _____ Petsa ng Pagkatapos sa Paggawa: _____
Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:
Baitang 5 Guro
Gawain 2
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat patlang. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
_____ 1. Ito ay tumutukoy kung ano ang proyektong gagawin. _____ 2. Ito ay ang guhit o ilustrasyon ng iyong planong proyekto. _____ 3. Ito ang mga tamang pagkakasunod-sunod ng mga gawain para mabuo ang proyekto. _____ 4. Ito ang mga kinakailangan na mga bagay para mabuo ang planong proyekto. _____ 5. Ito ay ang nais mong maisakatuparan kung bakit mo ginawa ang planong proyekto.
Aralin 1: Plano sa Gagawing Proyektong Pagkakakitaan
Mahalaga ang pagpaplano ng proyekto upang mas madali at matagumpay itong maisasagawa. Ang pagpaplano ang unang hakbang sa anumang gawaing sisimulan. Ito ay nakatutulong para makatipid sa panahon, lakas at pera na gugulin sa paggawa ng napiling proyekto. Kailangan din na ang mga kagamitan at materyales na gagamitin ay madaling makikita sa ating pamayanan.
Balikan
Panuto: Basahin ang mga kagamitang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang tsek kung ang bilang ay nagpapakita ng kagamitan na maaaring gamitin sa gawaing pang-elektrisidad at ekis naman kung hindi. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
_____ 1. pláis
_____ 2. pait
_____ 3. electrical tape
_____ 4. lagarì
_____ 5. Philips Screwdriver
_____ 6. liyábe
_____ 7. katám
_____ 8. disturnilyador
_____ 9. long nose pliers
_____ 10. tester
Tuklasin
Basahin.
Ang Plano ng Proyekto
Salamat sa mga Enhinyero at Arkitekto
Na siyang bumubuo ng plano
Para ang mga tulay at gusali maging polido
Hindi matitinag sa anumang lindol at bagyo
Dahil maraming buhay ang nakasalalay dito
Kaya ang plano ng proyekto ang sinisigurado
Para ang gawang estraktura at desinyo
Sa tibay aabutan pa ng inyong apo
At ang proyektong may plano
Sa pagkakamali ay malayo.
Sagutan:
- Mahalaga ba ang pagpaplano sa pagbuo ng proyekto? Bakit?
- Ano ang maitutulong ng pagpaplano sa pagbuo ng proyekto?
Suriin
Ang pagbuo ng plano ng proyekto ay isang mahalagang paghahanda sa anumang gagawing proyekto. Nagsisilbi itong gabay upang matapos nang maayos ang proyekto. Nakatutulong din ito para makatipid sa oras, lakas at pera sa paggawa ng proyekto.
Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng proyekto;
- Tiyaking may pakinabang ang proyektong gagawin.
- Maghanap ng mga impormasyon kung paano buuin ang proyekto.
- Pumili ng simpleng disenyo at alamin ang mga hakbang sa paggawa nito.
- Alamin ang mga kailangang materyales at mga kagamitang gagamitin.
- Bigyang halaga ang mga materyales na madaling makita sa pamayanan at mga kagamitang hindi mahirap hanapin.
- Gawing simple ang proyekto ngunit maganda.
Mga Bahagi ng Plano ng Proyekto;
- Pangalan ng Proyekto – dito makikita ang tiyak na pangalan ng isang proyektong nais gawin.
- Layunin – sa bahaging ito makikita ang totoong layunin ng pagbuo ng isang proyekto at kung paano mo ito mapapakinabangan.
- Kagamitan/Materyales – dito sa bahaging to makikita ang lahat ng materyales at kagamitang maaaring gamitin upang mabuo ang isang proyekto. Nakalista dito ang bilang, unit, pangalan ng materyales, halaga ng bawat materyales at ang kabuuang halaga ng lahat na gagamitin.
- Mga Hakbang – sa bahaging ito malalaman ang lahat ng mga hakbang sa pagbuo ng proyekto mula sa paghahanda ng mga kagamitan at materyales hanggang sa matapos at mabuo ang proyekto.
- Krokis/Guhit – ito ang nagsisilbing gabay kung paano gagawin ang isang proyekto at nagpapakita ng tunay na larawan at kabuuang hitsura nito.
Narito ang halimbawa ng isang format ng “Balangkas ng Plano ng Proyekto”
| Balangkas ng Plano ng Proyekto | |
|---|---|
| Pangalan ng Proyekto: | |
| Layunin: | |
| Kagamitan at Materyales: | |
| Mga Hakbang: | |
| Krokis | |
| Petsa ng Pagsisimula ng Paggawa: | Petsa ng Pagkatapos sa Paggawa: |
| Inihanda ni: _____________________ Baitang 5 | Binigyan Pansin ni: _______________ Guro |
Pagyamanin
Gawain 1: Basahin ang talata at sagutin ang pagsasanay sa ibaba.
Balangkas ng Planong Proyekto.
Ang pangalan ng proyekto ang dapat unang isusulat sa plano. Kasunod ang layunin na nagsasaad kung bakit gagawin ang naturang proyekto. Ang sunod na aalamin ay ang mga kagamitan at materyales tulad ng kawayan, plastic bottle, wire, switch at screwdriver na kakailanganin sa pagbuo ng proyekto. Pagkatapos ay alamin ang mga tamang hakbang na dapat gawin upang magagawa ito ng maayos. Higit sa lahat importanteng ilagay sa plano krokis o drawing ng iyong proyekto na nagsisilbing gabay kung paano ito gagawin.
Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at MALI kung ito ay hindi tama. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
_____ 1. Ang krokis ay ang guhit o drawing na nagsisilbing gabay kung paano gagawin ang isang proyekto.
_____ 2. Kawayan, plastic bottle, wire, switch at screwdriver ay ilan lamang sa maraming uri ng mga materyales at kagamitang maaaring gamitin sa pagbuo ng isang proyekto.
_____ 3. Iwasang alamin ang mga tamang hakbang sa pagbuo ng proyekto upang hindi masunod ang kabuuan ng plano ng proyekto.
_____ 4. Dapat isaalang-alang ang kalidad sa pagpili ng mga mateyales at kagamitan na gagamitin sa pagbuo ng proyekto.
_____ 5. Sa Bahagi ng Kagamitan makikita ang bilang at sukat ng mga materyales na gagamitin, unit, pangalan ng materyales, halaga ng bawat materyales at ang kabuuang halaga nito.
Gawain 2
Panuto: Pag-aralan ang Semantic Web.
[chart: semantic web; Gawain 2]
Center: PLANO SA PAGGAWA NG PROYEKTO
- PANGALAN NG PROYEKTO: *Paggawa ng extension cord
- LAYUNIN: *Naipapakita ang tamang paraan sa paggawa ng extension cord
- KAGAMITAN AT MATERYALES: *electrical tester; *Long nose pliers; *wire cutter; *1 pc. convenience outlet; *male plug; *3m #14 stranded wire
- KROKIS: [illustration: extension cord with plug and power strip]
- MGA HAKBANG:
- Ihanda ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng proyekto.
- Simulan ang gawain sa pamamagitan ng pagpasok ng kabilang dulo ng kable sa male plug.
- Hatiin sa dalawa ang kable gamit ang kamay hanggang 8 sentimetro.
- Balatan ang magkabilang dulo ng kable gamit ang wire cutter at long nose pliers.
- Ikutin ang nakabalot na wire hanggang sa malinis na ito tingnan.
- Luwagan ang turnilyo ng male plug at iikot ang nakabalot na kable sa turnilyo tsaka ito higpitan gamit ang screw driver.
Pagsasanay 2
Panuto: Pagtambalin ang mga bahagi ng plano ng proyekto sa hanay A sa angkop na sagot sa hanay B. Isulat ang tamang sagot iyong kwaderno.
| HANAY A | HANAY B |
|---|---|
| 1. Pangalan ng Proyekto 2. Layunin 3. Kagamitan at Materyales 4. Mga Hakbang 5. Krokis | a. Naipapakita ang tamang paraan sa paggawa ng extension cord. b. Paggawa ng extension cord c. 1. Ihanda ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng proyekto 2. Simulan ang gawain sa pamamagitan ng pagpasok ng kabilang dulo ng kable sa male plug. 3. Hatiin sa dalawa ang kable gamit ang kamay hanggang 8 sentimetro. 4. Balatan ang magkabilang dulo ng kable gamit ang wire cutter at long nose pliers. 5. Ikutin ang nakabalot na wire hanggang sa malinis na ito tingnan. 6. Luwagan ang turnilyo ng male plug at iikot ang nakabalot na kable sa turnilyo tsaka ito higpitan gamit ang screw driver. d. Long nose pliers, wire cutter, 1 pc. convenience outlet, male plug at 3m #14 stranded wire e. [illustration: power strip with attached cord and plug] |
Gawain 3
Pag-aralan ang halimbawa ng plano ng paggawa ng proyekto.
PLANO SA GAGAWING PROYEKTO
I. Pangalan ng Proyekto: Paggawa ng patungan ng aklat
II. Layunin: Nasusunod ang tamang proseso at paraan sa paggawa ng proyekto.
III. Mga Kagamitan at Materyales: 1 ¾ plywood, angle bar, wood glue, pako, 2 pirasong papel de liha, 2 pirasong inch moulding at 1 boteng barnis
IV. Mga Hakbang:
- Ihanda ang mga kasangkapan at materyales na gagamitin.
- Sukatin ang materyales na gagamitin ayon sa iyong plano.
- Putulin ang mga bahagi. Sundin ang tamang sukat.
- Gumamit ng katam sa paglilinis sa magagaspang na mga bahagi nito.
- Lagyan ito ng stickwel glue.
- Isa-isahing ipako ang mga bahagi ng patungan.
- Isaalang-alang ang tamang paraan sa pagbuo ng proyekto.
- Lagyan ng tig-apat na angle bar ang mga ilalim ng bawat isang patungan.
- Pakinisin gamit ang liha bago pahiran ng barnis ang buong patungan.
- Ipakita sa guro ang natapos na proyekto.
V. Krokis:
[illustration: drawing of a book stand with curved sides and two shelves]
Petsa ng Pagsisimula ng Paggawa: ____ Petsa ng Pagkatapos sa Paggawa: ___
Inihanda ni: Binigyan Pansin ni:
Baitang 5 Guro
Pagsasanay 3.
Panuto: Subukang magbuo ng isang plano ng paggawa ng proyekto na maaaring mapagkakakitaan gamit ang materyales na makikita sa iyong pamayanan na ginagamitan ng elektrisidad.
Plano sa Gagawing Proyekto
I. Pangalan ng Proyekto: ____________________________________________
II. Layunin: _________________________________________________________
III. Mga Kagamitan at Materyales: ____________________________________
IV. Mga Hakbang: ____________________________________________________
V. Krokis: ___________________________________________________________
Petsa ng Pagsisimula ng Paggawa: ____ Petsa ng Pagkatapos sa Paggawa: ___
Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:
Baitang 5 Guro
Rubric para sa Plano ng Gagawing Proyekto
| PAMANTAYAN | Puntos: 5 Napakahusay | Puntos: 4 Mahusay | Puntos: 3 Mahusay-husay | Puntos: 2 Hindi Gaanong Mahusay | Puntos: 1 Kailangan pang Paghusayin |
|---|---|---|---|---|---|
| 1. Pagkamalikhain | |||||
| 2. Ang mga kagamitan at materyales ay makikita sa pamayanan. | |||||
| 3. Kompleto ang detalye ng mga hakbang. |
Pagpapakahulugan:
1-3 – Kailangan pang Paghusayan 4-6 – Hindi Gaanong Mahusay 7-9 – Mahusay husay 10-12 – Mahusay 12-15 – Napakahusay
Isaisip
Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang kaisipan sa aralin na ito. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
pagpaplano importanteng matapos oras materyales
Ang _____________________sa paggawa ng proyekto ay isang _______________ paghahanda sa anumang gawaing sisimulan. Ito ay magsisilbing gabay upang _________________ nang madali at maayos ang proyekto. Malaking tulong din ito upang makatipid ng ____________, lakas, at pera sa iba’t ibang _________________ sa paggawa ng napiling proyekto.
Isagawa
Panuto: Maghanap ng materyales na makikita sa inyong pamayanan. Gumawa ng sarili mong plano at disenyo sa proyektong nais mong gawin gamit ang elektrisidad. Sundin ang format na ito.
Plano sa Paggawa ng Proyekto
I. Pangalan ng Proyekto: ____________________________________________
II. Layunin: _________________________________________________________
III. Mga Kagamitan at Materyales: ____________________________________
IV. Mga Hakbang: ____________________________________________________
V. Krokis: ___________________________________________________________
Petsa ng Pagsisimula ng Paggawa: ____ Petsa ng Pagkatapos sa Paggawa: ____
Inihanda ni: Binigyan Pansin ni:
Baitang 5 Guro
RUBRIC SA GINAWANG PLANO NG PROYEKTO
| PAMANTAYAN | Puntos: 5 Napakahusay | Puntos: 4 Mahusay | Puntos: 3 Mahusay-husay | Puntos: 2 Hindi Gaanong Mahusay | Puntos: 1 Kailangan pang Paghusayin |
|---|---|---|---|---|---|
| 1. Pagkamalikhain | |||||
| 2. Ang mga kagamitan at materyales ay makikita sa pamayanan. | |||||
| 3. Kompleto ang detalye ng mga hakbang. |
Tayahin
Panuto: Buuin ang plano sa paggawa ng proyekto na nakadesinyo mula sa iba’t ibang materyales na makikita sa pamayanan na ginagamitan ng elektrisidad. Maaaring magsaliksik at magtanong para sa karagdagang impormasyon.
Plano sa Paggawa ng Proyekto
I. Pangalan ng Proyekto: Paggawa ng Lampshade
II. Layunin: Maipakita ang tamang paraan sa paggawa ng lampshade
III. Mga Kagamitan at Materyales: ________________________________________
IV. Mga Hakbang: ________________________________________________________
V. Krokis: _______________________________________________________________
Petsa ng Pagsisimula ng Paggawa: _____ Petsa ng Pagkatapos sa Paggawa: _____
Inihanda ni: Binigyan Pansin ni:
Baitang 5 Guro
Rubric para sa Plano ng Gagawing Proyekto
| PAMANTAYAN | Puntos: 5 Napakahusay | Puntos: 4 Mahusay | Puntos: 3 Mahusay-husay | Puntos: 2 Hindi Gaanong Mahusay | Puntos: 1 Kailangan pang Paghusayin |
|---|---|---|---|---|---|
| 1. Pagkamalikhain | |||||
| 2. Ang mga kagamitan at materyales ay makikita sa pamayanan. | |||||
| 3. Kompleto ang detalye ng mga hakbang. |
Pagpapakahulugan:
1-3 – Kailangan pang Paghusayan
4-6 – Hindi Gaanong Mahusay
7-9 – Mahusay husay
10-12 – Mahusay
12-15 – Napakahusay
Karagdagang Gawain
Magsagawa ng isang panayám sa iyong kapitbahay, kakilalang karpintero o anlowage, kaibigan o kamag-anak na may kasanayan sa paggawa ng lampshade na yari sa kawayan. Maaari din magsaliksik sa tulong ng internet tungkol sa tamang hakbang sa pagbuo nito.
Susi sa Pagwawasto
Isagawa/Tayahin
Rubric para sa Plano ng Gagawing Proyekto
| PAMANTAYAN | Puntos: 5 Napakahusay | Puntos: 4 Mahusay | Puntos: 3 Mahusay-husay | Puntos: 2 Hindi Gaanong Mahusay | Puntos: 1 Kailangan pang Paghusayin |
|---|---|---|---|---|---|
| 1. Pagkamalikhain | |||||
| 2. Ang mga kagamitan at materyales ay makikita sa pamayanan. | |||||
| 3. Kompleto ang detalye ng mga hakbang. |
Pagpapakahulugan:
3……Kailangan pang Paghusayan – 1
6……Hindi Gaanong Mahusay – 4
9……Mahusay husay – 7
12…Mahusay – 10
15…Napakahusay – 12
Subukin
transcriber’s note: the two columns are printed side by side without column headers; the headers below are added for layout only.
| Hanay 1 | Hanay 2 |
|---|---|
| 6. Pangalan ng Proyekto | I. d |
| 7. Krokis | II. a |
| 8. Mga Hakbang | III. c |
| 9. Kagamitan at Materyales | IV. b |
| 10. Layunin | V. e |
Balikan
transcriber’s note: the answers are printed as check marks (√) and crosses (x) in two columns; the column headers below are added for layout only.
| Bilang | Sagot | Bilang | Sagot |
|---|---|---|---|
| 1. | √ | 6. | x |
| 2. | x | 7. | x |
| 3. | √ | 8. | x |
| 4. | x | 9. | √ |
| 5. | √ | 10. | √ |
Pagyamanin
Pagsasanay 1
Tama
Tama
Mali
Tama
Tama
Pagsasanay 2
b
a
d
c
e
Pagsasanay 3
Rubric para sa Plano ng Gagawing Proyekto
| PAMANTAYAN | Puntos: 5 Napakahusay | Puntos: 4 Mahusay | Puntos: 3 Mahusay-husay | Puntos: 2 Hindi Gaanong Mahusay | Puntos: 1 Kailangan pang Paghusayin |
|---|---|---|---|---|---|
| 1. Pagkamalikhain | |||||
| 2. Ang mga kagamitan at materyales ay makikita sa pamayanan. | |||||
| 3. Kompleto ang detalye ng mga hakbang. |
Isaisip
pagplano
importanteng
matapos
oras
materyales
Sanggunian
Curriculum Guide, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5, EPP5IA-0d-4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


Leave a Reply