Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Industrial Arts Modyul 3: Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Pang-Elektrisidad

This is Modyul 3 of Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 (Home Economics and Livelihood Education), Industrial Arts strand, titled “Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Pang-Elektrisidad” (knowledge and skills in electrical work). It is a self-learning module for Grade 5 learners studying at home under Alternative Delivery Mode. After working through it, learners can identify the materials and tools used in electrical work and explain what each one does.

The module is written in Filipino. It was prepared by DepEd Region VIII (first edition, 2020), with Sherwin A. Madis as writer.

What learners will learn

By the end of the module, the learner is expected to:

  • Identify the materials and tools used in electrical work (Nakatutukoy ang mga materyales at kagamitan na ginagamit sa gawaing elektrisidad). (EPP5IA-0c-3.1.2)

Lesson in this module

The module has one lesson, Aralin 1: Materyales at Kagamitan sa Gawaing Pang-Elektrisidad (materials and tools in electrical work). It stresses that you should know your materials and tools before starting any project that uses electricity, and pay attention to the right way of using and handling them.

Electrical materials and tools explained

The lesson opens with a short story: the Gaspar couple has just moved into their newly built house and wants electricity installed so they can have lights. They ask an electrician what materials are needed. The module then introduces the materials and tools below.

Material or toolWhat it does
Flat cord wire (kawad)Carries electricity to appliances and devices
Male plugPlugged into the outlet so electricity flows to the appliance
Convenience outlet (female outlet)Where the male plug is inserted; usually on a wall or an extension cord
Electrical tapeWraps spliced or stripped wires so you do not get an electric shock
Multi-tester (VOM)Reads voltage and tests whether current is flowing through a connection
SwitchTurns the electricity on and off
Long nose pliersHolds or cuts thin electrical wires
Flat screwdriverHas a thin, flat tip; loosens or tightens screws
Side cutting pliersCuts small or large wires
Philips screwdriverLoosens or tightens screws with a cross-shaped head

Why knowing these tools matters

In the Isaisip (reflection) part, learners think about why they need to be familiar with their materials. The answer key gives the main idea: knowing the tools helps you avoid accidents and do the project properly.

Parts of the module and activities

  • Subukin (pretest): naming electrical tools from descriptions and matching pictures to names.
  • Balikan (review): list 10 things at home that use electricity.
  • Tuklasin (explore): the Gaspar family story and a question about what materials they need.
  • Suriin (study): pictures and descriptions of each tool.
  • Pagyamanin (practice): three activities with three short assessments, including a check-or-cross item (for example, a bolo and a hammer are not electrical tools), drawing and labeling electrical tools on bond paper, and fill-in-the-blanks.
  • Isagawa (apply): trace the wiring of a light at home and list the materials used from the power source to the bulb or tube.
  • Tayahin (final test): multiple choice and matching.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): clean your electrical repair tools at home and record what you cleaned and what you used.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through the parts in order. Write all answers in a notebook or on separate paper, and do not write on the module so others can use it. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Guide your child through the activities at home, especially the Isagawa and extra activity that involve looking at wiring and cleaning tools. Check answers with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and encourage your child to answer honestly before checking.
  • Teachers: The answer key covers the pretest, practice assessments, and final test; the Balikan, Isagawa, and Isaisip items accept open answers. The module cites the EPP 5 Curriculum Guide, page 29.

Frequently asked questions

What grade level is this module for?

It is for Grade 5 learners taking Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Industrial Arts strand.

What competency does Modyul 3 cover?

It covers identifying the materials and tools used in electrical work, competency code EPP5IA-0c-3.1.2.

What tools are discussed in the module?

Flat cord wire, male plug, convenience outlet, electrical tape, multi-tester (VOM), switch, long nose pliers, flat screwdriver, side cutting pliers, and Philips screwdriver.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the three practice assessments, and the final test, while some activities accept the learner’s own answers.

What is a multi-tester or VOM used for?

According to the module, it reads electrical voltage and tests whether current is flowing through a connection.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Industrial Arts – Modyul 3: Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Pang- Elektrisidad

5

[illustration: people studying outdoors and indoors with a globe, a lamp, and books]

CO_EPP5_IA_Modyul 3

Edukasyong Pantahahan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Modyul 3: Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Pang-Elektrisidad Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng _____ Department of Education – SDO – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 832 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sherwin A. Madis

Editor: Jemar J. De Asis, Gary B. Mosquito, Christian Vincent M. Sala

Tagasuri: Gloria A. Gasal

Tagaguhit: Julio A. Cañega

Tagalapat: Julio A. Cañega

Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Lani H. Cervantes Alejandro S. Almendras Maria Pia B. Chu Allan O. Celedonio Imelda A. Amodia

5

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

Industrial Arts-Modyul 3: Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Pang-Elektrisidad

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Sa modyul na ito malalaman at makikilala ang mga materyales at kagamitang maaaring gamitin sa gawaing elektrisidad.

Pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

  • Nakatutukoy ang mga materyales at kagamitan na ginagamit sa gawaing elektrisidad. (EPP5IA-0c-3.1.2)

Subukin

Gawain 1

Panuto: Tukuyin kung anong kagamitang pang-elektrisidad ang inilalarawan o isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang inyong sagot sa kahon. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

screwdriver, long nose pliers, switch, electrical tape, flat cord wire, convenience outlet

_____ 1. Dito isinaksak ang male plug at kadalasan ay nakakabit sa pader o extension cord.

_____ 2. Pinapadaan dito ang kuryente papunta sa mga kagamitan.

_____ 3. Kagamitang panghawak o pamputol

_____ 4. Pambalot sa nabalatang kable ng kuryente

_____ 5. Bubuksan at papatayin dito ang kuryente

Gawain 2

Panuto: Tingnan ang larawan sa hanay A. Hanapin ang pangalan ng gamit na ito sa hanay B. Isulat ang tamang titik sa iyong kuwaderno.

Hanay AHanay B
1. [illustration: pliers]a. male plug
2. [illustration: flat cord wire]b. pliers

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

Hanay AHanay B
3. [illustration: wall convenience outlets]c. multi-tester (VOM)
4. [illustration: male plug]d. convenience outlet
5. [illustration: multi-tester]e. flat cord

CO_EPP5_IA_Modyul 3

Aralin 1: Materyales at Kagamitan sa Gawaing Pang- Elektrisidad

Mahalaga na makilala ang mga materyales o kagamitan bago pa man sisimulan ang isang proyekto lalong lalo na kung ito ay ginagamitan ng elektrisidad. Ang mga pamantayan sa paggamit at paghawak nito ay dapat na pagtuunan ng pansin. Sa pag-aaral ng modyul na ito dapat maging mausisa at iyong matutukoy ang iba’t ibang kagamitan sa mga gawaing elektrisidad.

Balikan

Panuto: Magmasid sa inyong bahay. Ilista ang lahat na mga kasangkapan na ginagamitan ng elektrisidad. Isulat ito sa kuwaderno.











Tuklasin

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong.

Ang mag-asawang Gaspar ay bagong lipat sa kanilang katatapos lang na bahay. Nais nilang magpakabit na ng kuryente upang magkaroon na sila ng ilaw. Kaya komunsulta sila sa isang elektrisyan para sa mga materyales na gagamitin.

Sa palagay mo, ano- ano kaya ang mga materyales na gagamitin sa pagpapakabit ng kanilang kuryente? Sa modyul na ito tutuklasin natin ang iba’t ibang kagamitan na maaring gagamitin para sa mga gagawing produkto na ginagamitan ng kuryente.

Suriin

Pansining mabuti ang bawat kagamitan sa gawaing elektrisidad. Alamin sa bahaging ito ang mga gamit ng bawat isa.

[illustration: flat cord wire]

  • Flat cord wire o kawad– ito ang daluyan ng kuryente papunta sa mga kasangkapan

[illustration: male plugs]

  • Male plug –isinaksak ito sa convenience outlet upang makakuha ng kuryente papunta sa kasangkapang pinapagana ng kuryente.

[illustration: convenience outlets]

  • Convenience outlet o female outlet – dito isinaksak ang male plug.

[illustration: electrical tape rolls]

  • Electrical tape – ito ay ginagamit na pambalot sa dinugtungan na kawad upang maiwasan na ikaw ay makuryente.

[illustration: multi-tester (VOM)]

  • Multi-tester (VOM) – Ito ay gawa sa hindi pangkaraniwang plastic at nakakabasa ng boltahe sa kuryente. Ginagamit din ito na pansubok kung ang isang koneksyon ay may dumadaloy na kuryente o wala.

[illustration: switch]

  • Switch – Ito ang nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente.

[illustration: long nose pliers]

  • Long nose pliers – Panghawak o pamputol ng manipis na kable ng kuryente.

[illustration: flat screwdriver]

  • Flat screw driver – Ang kagamitang ito ay may manipis na pahalang ang dulo, ginagamit ito upang luwagan o higpitan ang turnilyo.

[illustration: side cutting pliers]

  • Side cutting pliers – Ito ay ginagamit na pamutol ng maliliit o malalaking wires.

[illustration: Philips screwdriver]

  • Philips screwdriver – Ginagamit ito upang luwagan o higpitan ang tornilyo na ang dulo ay hugis krus.

Pagyamanin

Gawain 1.

Mga Panuto:

a. Isa isahin ang mga kagamitang pangkuryente batay sa iyong natutunan sa Suriin. b. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Pagtatasa 1

Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ito ay kagamitan sa pagbuo ng kasangkapan gamit ang kuryente at ekis (X) naman kung hindi.

_____1. pliers _____2. flat cord wire _____3. gulok _____4. flat screw driver _____5. Martilyo

Gawain 2

Mga Panuto:

a. Kumuha ng bond paper, lapis at pangkulay. b. Iguhit sa bond paper ang mga kagamitan o kasangkapan sa paggawa ng proyekto na ginagamitan ng kuryente. c. Kulayan at lagyan ng pangalan ang bawat isa.

Pagtatasa 2

Panuto: Itambal ang larawan ng hanay A sa pangalan nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

Hanay AHanay B
1. [illustration: switch]a. philip screwdriver
b. male plug
c. female plugs
d. switch
e. pliers
f. flat cord wire
2. [illustration: pliers]
3. [illustration: convenience outlets]
4. [illustration: male plugs]

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

Hanay AHanay B
5. [illustration: flat cord wire]
Gawain 3.

Mga Panuto:

a. Alamin ang iba’t ibang kagamitan sa gawaing pang-elektrisidad at ang gamit nito. b. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Pagtatasa 3

Panuto: Punan ang bawat patlang upang mabuo ang kaisipan sa pangungusap. Tukuyin kung anong kagamitan ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

  1. Ang _____ ay ginagamit na pansubok kung ang isang koneksyon ay may daloy ng kuryente.
  2. Ang saksakan ng male plug ay ang _____.
  3. _____ ang tawag sa dinadaluyan ng kuryente papunta sa kasangkapan.
  4. Binabalutan ng _____ ang pinagdugtong na mga kawad.
  5. Nagsisilbing bukasan at patayan ng kuryente ang _____.

Isaisip

Ngayon na alam mo na ang iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng proyektong pangkuryente. Handa ka ng matukoy ang bawat isa nito. Sa palagay mo, ano kaya ang implikasyon sa atin kung bakit kinakailangang maging pamilyar sa atin ang mga materyales na ating gagamitin?

Isagawa

Tingnan ang daluyan ng kuryente ng inyong ilaw. Tukuyin ang mga materyales na ginamit mula sa pinagmulan ng kuryente hanggang sa electric bulb o tube nito. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Tayahin

Gawain 1

Panuto: Tukuyin o kilalanin ang mga kagamitan na inilalarawan sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

  1. Ito ay ginagamit na pambalot ng mga nababalatan pati ang mga dugtungan na wire upang maiwasan ang makuryente.
    a. pliers
    b. electrical tape
    c. flat cord wire
    d. cutter


  2. Ginagamit ito para luwagan o higpitan ang turnilyong may manipis na pahalang.
    a. pipe cutter
    b. flat screwdriver
    c. long nose
    d. philips screwdriver


  3. Isang kagamitang panghawak o pamputol ng manipis na kable ng kuryente.
    a. switch
    b. long nose pliers
    c. cutters
    d. flat screw driver


  4. Ito ay metal na bagay, na ginagamit sa pagputol ng alambre at kawad.
    a. side cutting pliers
    b. hacksaw
    c. Kutsilyo
    d. Gulok


  5. Ito ay ginagamit sa pagpaluwag o paghigpit ng tornilyo na ang dulo ay hugis krus.
    a. philips screwdriver
    b. flat screwdriver
    c. cutters
    d. pliers


Gawain 2

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay AHanay B
1. multi-tester (vom)a. ibinabalot sa nabalatan at pinagdugtong na wire
2. male plugb. dito pinapadaan ang kuryente papunta sa mga kagamitan
3. electrical tapec. isinasaksak sa convenience outlet
4. flat cord wired. ginagamit na pamutol ng maliit o malalaking wires.
5. side cutting plierse. ginagamit na pamputol ng bakal.
f. ginagamit sa pagsubok ng isang koneksyon kung may dumadaloy na kuryente o wala.

Karagdagang Gawain

Sa inyong bahay maglaan ng oras sa paglilinis ng mga kagamitan sa pagkukumpuni ng gawaing pang-elektrisidad upang hindi itong madaling masira at itala ang lahat ng mga bagay na nilinisan mo at ang mga gamit na ginamit mo.





Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key is printed rotated on the page; the sections below are given in module order]

BALIKAN

Tanggapin ang sagot ng mag-aaral ukol sa naitalang mga kasangkapan sa kanilang bahay na ginamitan ng elektrisidad

SUBUKIN
  1. Convenience outlet
  2. Flat cord wire
  3. Long nose pliers
  4. Electrical tape
  5. Switch

B.

  1. b
  2. e
  3. d
  4. a
  5. c
PAGYAMANIN Pagtatasa 1
  1. /
  2. /
  3. X
  4. /
  5. X
PAGYAMANIN Pagtatasa 2
  1. d
  2. e
  3. c
  4. b
  5. f
ISAGAWA

Malayang magbigay ng sagot ang mag-aaral.

ISAISIP

Kinakailangang maging pamilyar tayo sa mga kasangkapang gagamitin upang maiwasan ang sakuna at maging maayos ang ginawang proyekto. (Malayang magbigay ng sagot ang mag-aaral tungkol sa implikasyon sa pagtukoy sa mga kagamitan)

PAGYAMANIN Pagtatasa 3
  1. Multi-tester (VOM)
  2. Convenience outlet/Female plug
  3. Flat cord wire
  4. Electric tape
  5. switch
TAYAHIN
Gawain 1
  1. b
  2. b
  3. b
  4. a
  5. a
Gawain 2
  1. f
  2. c
  3. a
  4. b
  5. d

Sanggunian

Curriculum Guide, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5, EPP51A – 0c – 3 pahina 29

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *