This is a self-learning module for Grade 5 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP), Industrial Arts strand. Modyul 1, “Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawain Gamit ang Lokal na Materyales” (basic knowledge and skills in work using local materials), introduces the materials used in industrial arts work. These include wood, metal, bamboo, and other materials found in the community. The module was prepared by DepEd Region VIII as part of the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020) so learners can study at home.
What learners will learn
After this module, learners are expected to:
- Discuss the important knowledge and skills in work using wood, metal, bamboo, and other local materials in the community (EPP5IA-Oa-1.1)
Lessons in this module
The module has one lesson: Aralin 1: Batayan at Kaalaman sa Gawain Gamit ang Lokal na Materyales (basics and knowledge in work using local materials).
The lesson explains that learners will build different skills: gawaing-kahoy (woodwork), gawaing-metal (metalwork), and gawaing-pang-elektrisidad (electrical work). These skills can help the family. For example, simple woodwork such as repairing a broken chair, table, or fence can later become a livelihood. In metalwork, discarded items such as cans and broken washbasins can be given a new form. The module reminds learners to be patient and careful to avoid accidents.
Materials used in industrial arts work
The core of the lesson (the Suriin part) says the Philippines is rich in natural resources from trees and the sea. Even materials that seem useless can be turned into products that help the community. The module describes these materials:
| Material | What the module says about it |
|---|---|
| Kawayan (bamboo) | Found almost everywhere. Used for fans, chairs, ladles, houses, and more. |
| Rattan/uway | A very strong climbing vine. Good for beds, chairs, cabinets, and hammocks. |
| Baging (vines) | Used to make niyug-niyogan, kampanilya, kadena de amor, and haomin. |
| Elektrisidad (electricity) | Supplies power, lighting, and runs electrical appliances. |
| Seramika (ceramics) | Made from a sticky clay called luwad, which is red, yellow, or gray. It is fired so it dries quickly and holds its design. |
| Niyog (coconut) | A palm that grows up to 25 m tall. It is called the “Tree of Life” because it has so many uses. |
| Plastik (plastic) | Made of many kinds of synthetic or natural organic materials and compounds. Used for cups, plates, spoons, forks, and appliances. |
| Kahoy (wood) | The hard parts of trees are commonly used to build houses. Examples are narra, kamagong, and yakal. |
| Metal | Elements such as gold, silver, and aluminum. Products include cooking tools, hammers, keys, and screws. |
| Kabibe/kapis (shells) | The hard outer covering of animals such as turtles and crustaceans. Used for bags, wallets, and home decorations. |
| Katad (leather) | Dried and tanned hide of large animals. Used for bags, shoes, belts, luggage, furniture, and clothing. |
Himaymay (fibers)
The module also lists four plant fibers:
- Abaka: related to the banana plant. Its strong fiber becomes thread, manila paper, clothing, rope, bags, slippers, hats, cloth, and baskets.
- Pinya (pineapple): a soft, white, silky, fine fiber used for paper and cloth.
- Buri: one of the largest palms. Its wood is made into boards, and the leaf midrib is used for baskets and brooms.
- Rami (Amiray or ramie): used for cloth. Its fiber is stronger than silk and cotton.
The activities also stress good work habits. A product should use strong materials and be well finished. Beginners should ask experts. Quality matters more than how many pieces you make. Learners should keep learning new ways to improve industrial arts work.
How to use this module
The module follows this order:
- Alamin: read what the lesson is about and its objective.
- Subukin: a 10-item multiple-choice pretest on materials and kinds of industrial arts work.
- Balikan: look at five pictures and mark each with a check if it is made of local materials or an X if it is not.
- Tuklasin: study a picture of a door and name the materials used to make it.
- Suriin: read the discussion of materials.
- Pagyamanin: three activities with assessments. Learners answer true-or-false items, list home furniture and its materials, fill in blanks, and list products made from wood, rattan, coconut, and metal.
- Isaisip and Isagawa: complete the key idea of the lesson, then explain what may happen to a child who has industrial arts knowledge and skills.
- Tayahin: a 10-item multiple-choice post-test.
- Karagdagang Gawain: ask an expert you know how they value quality and choose their materials.
The module includes an answer key (Susi sa Pagwawasto) for the pretest, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, and Tayahin.
For learners: Write all answers in your notebook or on separate paper. Do not write on the module, so others can use it. Check your work honestly with the answer key, and contact your teacher if a part is hard to understand.
For parents: Guide your child through the activities. The Gawain 2 house survey and the expert interview in Karagdagang Gawain may need your help.
For teachers: Use the pretest results to see which learners need more help. Use the Tayahin results to check what they learned.
Frequently asked questions
What grade level is this EPP Industrial Arts module for?
It is for Grade 5 (Ikalimang Baitang) Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Industrial Arts strand.
What competency does Modyul 1 cover?
It covers discussing the important knowledge and skills in work using wood, metal, bamboo, and other local materials in the community, with code EPP5IA-Oa-1.1.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest (Subukin), Balikan, Tuklasin, Pagyamanin assessments, and the post-test (Tayahin).
Why is the coconut called the Tree of Life in the module?
The module says the coconut is called the Tree of Life because it has so many uses.
What are the himaymay or fibers mentioned in the lesson?
The module lists abaka, pinya (pineapple), buri, and rami (ramie). They are used for thread, rope, paper, cloth, baskets, and similar products.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Industrial Arts – Modyul 1: Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawain Gamit ang Lokal na Materyales
5
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Industrial Arts – Modyul 1: Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawain Gamit ang Lokal na Materyales
[illustration: students reading and studying outdoors, indoors at a desk, and at home by lamplight, with a globe and a teacher]
CO_EPP5_IA_Modyul 1
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Industrial Arts – Modyul 1: Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawain Gamit ang Lokal na Materyales Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Malvin L. Moriles Editor: Jemar J. De Asis, Gary B. Mosquito Tagasuri: Gloria A. Gasal, Jenita D. Guinoo Tagaguhit: Julio A. Cañega Tagalapat: Julio A. Cañega Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Lani H. Cervantes Alejandro S. Almendras Maria Pia B. Chu Allan O. Celedonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – SDO – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 832 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Industrial Arts – Modyul 1: Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawain Gamit ang Lokal na Materyales
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sa modyul na ito ay matatalakay ang mga kaalaman at kasanayan sa gawaing gamit ang kahoy, metal, kawayan at iba pang lokal na materyales sa pamayanan.
Pagkatapos ng araling ito ang mga mag- aaral ay inaasahan na:
- Natatalakay ang mga mahalagang kaalaman at kasanayan sa gawaing gamit ang kahoy, metal, kawayan at iba pang lokal na materyales sa pamayanan.
(EPP5IA-Oa-1.1)
Subukin
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa inyong natutunan sa mga gawaing pang-industriya. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
Ano-ano ang materyales ang maaari nating gamitin sa gawaing pang-industriya?
a. kahoy, kawayan at metal
b. plastik, elektrisidad at rattan
c. buri, abaka at pinya
d. lahat ng nabanggitBakit kailangan pa nating e-resiklo ang mga patapon nang plastik at metal?
a. para muling mapakinabangan
b. upang maari pang mapagkakakitaan
c. mabawasan ang basura sa kapaligiran
d. lahat ng nabanggitAno-ano ang mga halimbawa ng mga gawaing pang-industriya?
a. gawaing metal c. gawaing kahoy
b. gawaing elektrisidad d. lahat ng nabanggitPaano natin mapapangalagaan ang ating likas na yaman?
a. pagsasawalang bahala c. pagtatapon sa pwede pang mapakinabangan
b. tamang pag-aalaga d. pagpapabayaAlin sa materyales ang kadalasang nakikita nating ginagamit sa paggawa ng mga produkto?
a. kahoy c. seramika
b. plastik d. lahat ng nabanggitAnong uri ng materyales na may kakayahang gumapang sa mga puno dahil sa tendrils sa dulo ng mga dahon?
a. kahoy c. rattan/uway
b. buri d. katadSa anong uri ng lupa nanggaling ang mga produktong seramika?
a. mabuhangin c. mabato
b. luwad d. maputikAno-ano ang dapat nating isaaang-alang sa pagbuo ng isang produkto?
a. sipag at tiyaga c. Interes sa gagawing proyekto
b. pagkamalikhain d. lahat ng nabanggitBakit ang niyog ay tinatawag itong “puno ng buhay / Tree of Life”?
a. dahil ito ay binubuo ng malawak na uri ng synthetic organics at compound.
b. dahil sa dami ng gamit nito.
c. dahil ito ay isang halamang baging.
d. dahil ang himaymay (fiber) nito ay ginagawang papel at tela.Ano-anong mga produkto ang maari nating malikha gamit ang abaka?
a. sinulid c. damit at lubid
b. manila paper d. lahat ng nabanggit
Aralin 1 Batayan at Kaalaman sa Gawain Gamit ang Lokal na Materyales
Iba-ibang kasanayan ang lilinangin at pauusbungin sa bawat mag-aaral – ito ang gawaing-kahoy, gawaing-metal, at gawaing-pang-elektrisidad, upang makatulong sa pamilya kapag lubos na ang kaalaman at kasanayan sa mga gawaing ito. Mga simpleng gawaing-kahoy gaya ng pagkukumpuni ng sirang upuan, mesa o bakod na kalaunan ay magiging hanapbuhay.
Marami raming kagamitan ang mapagkukunan ng materyales kapag gawaing-metal ang iyong haharapin. Maging matiyaga lamang at maging maingat upang maiwasan ang aksidente. Ang mga patapong bagay gaya ng mga lata, sirang batya ay magagawan ng panibagong anyo sa pamamagitan ng gawaing ito.
Balikan
Panuto: Pansinin ang mga larawan sa ibaba. Lagyan ng tsek (√) kung gawa ito sa lokal na materyales at ekes (X) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
- [illustration: hanging ornament with beaded strands and bells]
- [illustration: wooden chair and side table made of logs]
- [photo: woven basket]
- [illustration: toy car with a grille and wheels]
- [illustration: bed with a woven headboard]
Tuklasin
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
[illustration: line drawing of a wooden door with panels, a handle, and a lock or knob]
Ano ang nasa larawan? Sa iyong palagay, ano anong materyales ang ginamit para mabuo ito?
Suriin
Sagana ang ating bansa sa mga likas na yaman mula sa mga punongkahoy at sa mga yamang-dagat.
Ang mga materyal na walang pakinabang ay nagagawan natin ng paraan upang makagawa tayo ng mga produkto na makatutulong sa ating pamayanan.
Mga Materyales na Gamit sa mga Gawaing Pang-industriya
Kawayan – halos makikita ito sa buong paligid. Maraming puwedeng magagawa nito katulad na lang ng pamaypay, upuan, sandok, bahay at marami pang iba.
Rattan/uway – ang rattan ay isang ng halamang baging. Napakatibay nito kaya mainam ito sa paggawa ng iba’t ibang kasangkapan sa bahay tulad ng higaan, upuan, kabinet at duyan.
Mga Himaymay
a. Abaka– ginagawang sinulid, manila paper, damit at lubid ang fiber nito. Dahil sa tibay ng himaymay ng halamang ito puwede itong gawing bag, tsinelas, damit, sombrero, lubid, tela at basket at marami pang iba. Kauri ng halaman na saging.
b. Pinya – sa taglay nitong lambot, puti, pagkasutla at pino, ang fiber o himaymay naman nito ay ginagamit sa paggawa ng papel at tela.
c. Buri -ito ay isa sa pinakamalaking uri ng palmera. Ang kahoy nito ay ginagawang “tabla” at ang midrib ng dahon ay ginagamit sa paggawa ng basket, walis at iba pang kasangkapan.
d. Rami -ito ay tinatawag ring Amiray at Ramie naman sa ingles. Ito ay ginagamit sa paggawa ng tela. Ang fiber o himaymay nito ay mas matibay sa seda at bulak.Baging – ito ay ginagamit sa paggawa ng niyug-niyogan, kampanilya, kadena de amor, at haomin.
Elektrisidad – ang materyal na ito ay ginagamit sa pagsusuplay ng kuryente, sa pagpapailaw at pagpapagana sa mga kagamitang de-kuryente.
Seramika – ay isang uri ng lupa na tinatawag na luwad. Ito ay malagkit, kulay pula, dilaw, o abo. Ito ay ginagawa sa paraan ng paghuhurno upang matuyo agad at maihulma ang nais na desinyo sa gagawing proyekto.
Niyog – ito ay isang uri ng palmera. Ito ay lumaki hanggang 25m pataas sa dami ng gamit nito, ito tinatawag na “Tree of Life“.
Plastik – ito ay materyales na binubuo ng malawak na uri ng Sintetiko o likas na organikong materyales (synthetic organics) at compound. Maraming mga produkto ang yari sa plastik tulad ng baso, plato, kutsara at tinidor, mga appliances at iba pa
Kahoy – ang materyales na ito ay karaniwang ginagamit ang matitigas na bahagi ng kanyang puno sa paggawa ng bahay. Ilan sa mga kahoy na ginagamit natin ay narra, kamagong at yakal.
Metal – ito ay tumutukoy sa anumang uri ng elemento tulad ng ginto, pilak, aluminyo (aluminum) at iba pa. Ilan sa mga produkto o kagamitan mula sa metal ay mga kagamitan sa pagluluto, martilyo, susi, tornilyo at iba pa.
Kabibe – ang kabibe, kapis ay isang uri ng matigas at pamprotektang panlabas na balat, balot, o baluti na nabuo sa pamamagitan ng napaka raming iba’t ibang hayop, kabilang na ang mga pagong, pawikan, krustasyano at iba pa. Ilan sa mga produkto mula sa kabibe ay bag, pitaka, mga palamuti sa bahay
Katad – ito ay tumutukoy sa pinatuyo at kinulting balat ng malalaking hayop. Ginagamit ito sa paggawa ng bag, sapatos, sinturon, maleta, at mga kasangkapang pambahay at opisina. Ginagamit din ito sa paggawa ng damit.
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahin muli at unawaing mabuti ang nakasulat sa Suriin. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa Pagtatasa 1.
Pagtatasa 1
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang nilalaman ng pangungusap ay wasto; MALI naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
_____ 1. Ang kahoy ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng bahay.
_____ 2. Ang metal ay uri ng lupa kung tatawagin ay luwad.
_____ 3. Ang niyog ay tinatawag na “Tree of Life” dahil sa napakaraming gamit nito.
_____ 4. Ang plastik ay tumutukoy sa material na binubuo ng malawak na uri ng synthetic organics at compound.
_____ 5. Ang abaka ay isa sa pinakamalaking palmera.
Gawain 2
Mga hakbang sa gawain:
- Magmasid sa inyong bahay ng mga gamit o muwebles.
- Isulat ang pangalan ng mga muwebles na ito.
- Alamin kung ano anong materyales ang ginamit sa pagbuo nito.
- Ibigay ang iyong obserbasyon sa kalidad ng pagkagawa nito.
- Isulat ito sa iyong kuwaderno para ito ang iyong batayan sa susunod na pagtatasa.
Pagtatasa 2
Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Punan ang patlang upang mabuo ang diwa nito. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa iyong kuwaderno.
kalidad matibay pagkatuto eksperto pulido magmadali
- Sa pagbuo ng isang muwebles, dapat ito ay gawa sa _____ na kahoy.
- Bilang isang karpentiro, dapat isaalang-alang ang iyong kasanayan at kaalaman upang maging _____ ang kinalalabasan ng iyong produkto.
- Kung ikaw ay baguhan pa lamang sa larangan ng gawaing industriya, huwag mag-atubiling magtanong sa mga _____.
- Kailangang bigyang pansin ang _____ ng iyong pagkagawa at hindi ang bilang ng iyong nagawa.
- Huwag hihinto sa _____ sa makabagong paraan sa pagpapalago ng mga gawaing pang-industriya.
Gawain 3
Alamin ang mga produktong puwedeng mabuo sa bawat hanay ng mga materyales.
| Kahoy | Rattan/yantok | Niyog | Metal |
|---|---|---|---|
| 1. | 1. | 1. | 1. |
| 2. | 2. | 2. | 2. |
| 3. | 3. | 3. | 3. |
| 4. | 4. | 4. | 4. |
| 5. | 5. | 5. | 5 |
Pagtatasa 3
(Ang mga bata ay malayang magbigay ng kaniyang opinyon.)
Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang inyong sagot o opinyon sa iyong kuwaderno.
Batay sa gawain, bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga gagamiting materyales bago sisimulan ang isang gawaing pang-industriya?
Isaisip
Panuto: Punan ang bawat patlang upang mabuo ang kaisipan sa araling ito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Marami ang mga kagamitang pang-industriya ang makikita sa ating pamayanan katulad ng _____, _____, _____ at _____. Mahalagang alamin natin kung anong materyales ang kakailanganin at paano ito mabubuo upang _____ bago gagawin ang isang pinaplanong produkto.
Isagawa
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba at ipaliwanag ang iyong kasagutan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Ano kaya ang maaaring kahihinatnan sa isang bata na may kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-industriya? Bakit?
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
Si Mang Alvin ay kilala sa pagiging magaling na karpintero sa Barangay Cogon. Sa anong gawaing pang-industriya nahahanay ang kaniyang propesyon?
a. Gawaing-Metal c. Gawaing-elektrisidad
b. Gawaing-kahoy d. Lahat ng nabanggitAnong bahagi ng niyog ang kapaki-pakinabang sa mga mamamayan?
a. Dahon c. Bunga
b. Kahoy d. Lahat ng nabanggitAng yakal, narra at kamagong ay nakapaloob sa anong materyal na industriya?
a. Himaymay c. Kabibe
b. Kahoy d. MetalAnong uri ng himaymay na materyal na karaniwan ay gumagapang at ginagamit sa paggawa ng upuan, higaan, at kabinet?
a. Abaka c. Niyog
b. Rattan/yantok d. KawayanAnong uri ng materyales ang maaaring gamitin sa paggawa ng iba’t ibang produkto tulad ng lubid at basket?
a. Katad c. Baging
b. Elektrisidad d. metalAlin sa mga sumusunod ang nahahanay sa gawaing pangkahoy?
a) Paggawa ng lubid
b) Pagpapalit ng mga sirang bombelya
c) Paggawa ng bag at damit
d) Pagkukumpuni ng mga silya, upuan at lamesaAlin sa mga sumusunod ang halimbawa ng himaymay na materyales sa paggawa ng pang-industriyal na produkto?
a. Kahoy, katad, Rattan
b. Buri, Metal, Niyog
c. Abaka, Rami, Buri
d. Niyog, kawayan, PlastikBakit kailangang mahaba ang pagdaraanang proseso ng katad bago ito magawa sa mga panibagong produkto?
a. Upang mas mahal itong maipagbili
b. Upang madali itong mabulok at maitapon
c. Upang mapanatili ang tibay at natural na ganda nito
d. Upang mas mura at mas magugustuhan ng mga mamimili ang produktong yari nitoSaan karaniwang ginagamit ang kabibe o kapis?
a. Sa paggawa ng mga bahay
b. Sa paggawa ng mga wallet at baskit
c. Sa paggawa ng mga upuan
d. Sa paggawa ng bag, alahas at palamuti sa bahaySi Tata ay nagwewelding ng gate sa paaralan. Sa anong gawaing pang-industriya siya nabibilang?
a. Gawaing pang-elektrisidad
b. Gawaing-kahoy
c. Gawaing-metal
d. Lahat ng nabanggit
Karagdagang Gawain
Sumangguni sa mga kakilalang eksperto sa larangan ng gawaing industriya at alamin kung paano nila pinapahalagahan ang kalidad at ang mga materyales na kanilang gagamitin sa paggawa ng produkto.
Susi sa Pagwawasto
Tuklasin
Pinto
Kahoy, pako
Balikan
- X
- /
- /
- X
- /
Subukin
- d
- d
- d
- b
- d
- c
- b
- d
- b
- d
Tayahin
- B
- D
- B
- B
- C
- D
- C
- C
- D
- C
Isaisip
(Malaya ang mag-aaral na maglahad sa kanyang mga sagot)
Pagyamanin
Pagtatasa 1:
- TAMA
- MALI
- TAMA
- TAMA
- MALI
Pagtatasa 2:
- Matibay
- Pulido
- Eksperto
- Kalidad
- pagkatuto
Sanggunian
Curriculum Guide, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5, (EPP5IA-0a-1)
- CC0 Public Domain. [online] Available at: <https://pxhere.com/en/photo/1203257> [Accessed 28 July 2020].
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 86341072; 86341054; 86314985


Leave a Reply