This is a self-learning module (SLM) for Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 5, Agrikultura (agriculture) strand, Quarter 1, Module 1.2: “Ligtas sa Paggawa ng Abonong Organiko!” (Be safe in making organic fertilizer!). It was prepared by DepEd Region VIII for Grade 5 learners studying at home. After the module, learners should be able to follow the correct steps and safety practices when making organic fertilizer.
The module continues Module 1, where learners first studied how to make organic fertilizer. It is one of two modules meant to help learners make their own compost.
What learners will learn
The module states one main learning goal. After studying it, learners are expected to:
- Follow the procedures and safety precautions in making organic fertilizer (masusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko).
The module’s references cite the EPP 5 Most Essential Learning Competency 1.4.2 and the curriculum guide code EPP5AG-0b-4.
Why organic fertilizer and safety matter
The module explains that organic fertilizer helps farmers save money and keeps soil from being ruined. Even though inorganic fertilizers are sold in stores, organic fertilizer is recommended because it is safer and does not harm nature. It only needs skill and materials that are usually found around the home.
The module also stresses that the gardener must stay healthy and safe, not just the plants. It uses the saying “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo!” (What good is the grass if the horse is already dead?) to show that a good harvest is wasted if the earnings go to medical bills after an accident or illness.
To start the lesson, learners compare two photos: one gardener wears Personal Protective Equipment (PPE) and the other does not. The one wearing PPE is following safe gardening rules.
Steps in making organic fertilizer
The module reviews these steps from Module 1:
- Dig a hole about one meter deep in a dry, flat place a good distance from the house.
- Gather dried leaves, rotting vegetables, fruit, food scraps, and other things that decay.
- Spread the decaying materials in the hole until the layer is 30 centimeters high.
- Add a layer of animal manure.
- Cover it again with soil, fertilizer, or lime (apog).
- Repeat the layers until the hole is full.
- Water the top every day. In the rainy season, cover it with a galvanized iron sheet (yero).
- Wait two months or more before using it.
Safety rules when making organic fertilizer
These are the ten safety guidelines the module teaches:
- Use tools that are in good condition.
- Make sure the tools are right for the job.
- Wear PPE such as gloves, a mask, boots, a plastic cover over your clothes, and long-sleeved clothing.
- Wear a hat or other head cover when working outdoors, especially under strong sun.
- Avoid scratching your skin or rubbing your eyes while working.
- Step carefully on wet ground so you do not slip.
- Keep your balance when lifting heavy things.
- Prepare a proper container for the finished fertilizer.
- Wash the tools well and store them in a permanent place so they do not get damaged or cause accidents.
- Wash your hands and take a bath after working.
Parts of the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Write Tama (true) or Mali (false) for 10 statements about safety |
| Balikan (review) | Answer 5 multiple-choice questions on Module 1 |
| Tuklasin (discover) | Read the poem “Ang Paghahalaman” (gardening) and answer 3 questions |
| Suriin (analyze) | Compare two photos and read the lesson |
| Pagyamanin (enrichment) | Research and write five safety practices |
| Isaisip (remember) | Fill in the blanks using a word box |
| Isagawa (apply) | Make organic fertilizer with an adult and check off each safety practice followed |
| Tayahin (assessment) | Answer 5 multiple-choice questions |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Have photos taken while making compost and paste them in a notebook |
How to use this module
- Learners: Answer the pretest first to see what you already know. Then go through each part in order. Write all answers in your notebook or on separate paper; do not write on the module, so others can use it later. Contact your teacher if any part is hard to understand.
- Parents and guardians: The Isagawa and extra activities ask an adult at home to help the child make organic fertilizer and take photos. Supervise the digging, lifting, and handling of manure, and make sure your child wears protective gear.
- Teachers: The Isagawa checklist is scored with a 5-point rubric based on how many of the 10 safety practices the learner followed (9 to 10 practices earn 5 points). An answer key for the pretest, review, Isaisip, and assessment is included at the end; please check it before using it (see the FAQ).
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 5 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Agrikultura strand, Quarter 1, Module 1.2.
What does the module teach?
It reviews the eight steps in making organic fertilizer (compost) and teaches ten safety rules, such as wearing PPE, using tools in good condition, and washing hands and bathing after work.
Does the module have an answer key?
Yes, the Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, Isaisip, and assessment. In the printed key, assessment item 5 is marked C (weekly), but the lesson says to water the compost every day, which is choice B.
How long before organic fertilizer can be used?
According to the module, wait two months or more before using it.
What is PPE?
PPE means Personal Protective Equipment. In this module it includes gloves, a mask, boots, a plastic cover over clothes, and long-sleeved clothing.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
CO_EPP5_Agrikultura_Modyul1_Aralin2
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Agrikultura – Modyul 1.2: “Ligtas Sa Paggawa ng Abonong Organiko!”
[illustration: students and a teacher in a classroom and outdoor setting, with a globe, a lantern, and a tree]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_EPP5_Agrikultura_Modyul1_Aralin2
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1.2: “Ligtas Sa Paggawa ng Abonong Organiko!” Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Alfie S. de la Peña Editor: Wilma S. Carreon, Henry T. Jarina, Gary B. Mosquito, Christian Vincent M. Sala Tagasuri: Medarlou Genoguin, Francia A. Tan Tagalapat: Eugene S. Ignacio Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Judella R. Lumpas Margarito A. Cadayona, Jr. Jose B. Mondido Francisco L. Bayon-on, Jr. Amer L. Santolorin Medarlou A. Genoguin Darnelene O. Solon
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Regional No. VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: (053) – 832 – 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Agrikultura – Modyul 4: “Ligtas Sa Paggawa ng Abonong Organiko!”
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Mayroon ka bang sariling hardin sa iyong bakuran? Ikaw ba ay may tanim na mga halamang gulay? Kung gayon, tulad ng ibang mga trabahong iyong ginagampanan, dapat mong alamin kung ano-ano ang tamang paraan upang mapanatili ang iyong kaligtasan habang ginagawa mo ito. Sa modyul na ito, tutulungan ka upang lalo mong maunawaan ang kahalagahan sa pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng Abonong Organiko.
Ang modyul na ito ay isa sa dalawang modyul na naglalayong matulungan kang makagawa ng abonong organiko. Ito ay karugtong lamang sa Modyul 1 na una mong napag-aralan at natapos ng buong husay.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang masusunod mo ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko.
Subukin
Bago pag-aralan ang modyul na ito, sagutin mo muna ang mga sumusunod na mga tanong upang malaman kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.
Gawain 1
Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang Tama kung wasto ang sinasabi sa pahayag at Mali naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
_____ 1. Gumamit ng tamang kagamitan o kasangkapan sa paggawa ng abonong organiko.
_____ 2. Ang masistemang pangangalaga ng tanim at gulay ay nakatutulong upang mapadali ang ating mga gawain sa halamanan.
_____ 3. Hayaang nakakalat ang mga gamit sa paggawa ng abono.
_____ 4. Palaging tiyakin na nasa maayos na kondisyon ang mga ginagamit na kasangkapan upang maiwasan ang aksidente o pagkasakit.
_____ 5. Gumamit ng sombrero at iba pang pananggalang sa init kung kailan lang gusto.
_____ 6. Gumamit ng guwantes, mask, bota, plastic na pampatong sa damit at kasuotang may mahabang manggas habang naglilinis sa lugar.
_____ 7. Iwasang maligo at maghugas ng kamay pagkatapos gumawa ng abonong organiko.
_____ 8. Maglaan ng maayos na lalagyan sa matatalim at matutulis na uri na mga gamit panghahalaman.
_____ 9. Itago ang mga gamit sa permanenteng lugar upang hindi ito madadaanan at mailigtas ang sarili sa aksidente.
_____ 10. Ang paggamit ng abonong organiko ay hindi nakatutulong sa pagpalago ng mga halaman at ito ay nakasisira sa kalikasan.
Aralin 1
Ligtas Sa Paggawa ng Abonong Organiko!
Ang paghahalaman ay nangangailangan ng sapat na atensiyon at oras upang makamit ang masaganang ani. Hindi biro ang pag-aalaga ng mga pananim dahil ito ay nangangailangan ng wasto at sapat na sustansiya upang magkaroon ng maraming bunga. Mahalagang isaalang-alang ang kaalaman sa tamang paggawa ng mga abonong organiko na maaaring gamitin upang makatulong sa pagpapalago ng mga halamang gulay.
Balikan
Balikan natin ang iyong mga natutunan sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na mga katanungan.
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Ilang buwan ang kailangan bago gamitin ang compost o abonong organiko? a. isang buwan b. dalawang buwan c. tatlong buwan d. apat na buwan
_____ 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi puwedeng gamiting sangkap sa paggawa ng compost? a. dumi ng hayop b. apog c. mga di-nabubulok na bagay d. tuyong dahon.
_____ 3. Ang mga sumusunod ay nabubulok, maliban sa isa. Alin dito? a. balat ng prutas b. maliliit na bato c. tira-tirang pagkain d. dayami
_____ 4. Ang __________ ay proseso ng pagbubulok ng basura upang gawing pataba. a. basket composting b. organikong pataba c. di-organikong pataba d. recycling
_____ 5. Ang pang-apat na hakbang sa paggawa ng abonong organiko ay ang: a. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo sa bahay. b. Patungan ito muli ng lupa, abono, o apog. c. Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero. d. Patungan ito ng mga dumi ng hayop.
Tuklasin
Basahin ang tula at sagutin ang mga sumunod na katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong mga kasagutan sa iyong kuwaderno.
Ang Paghahalaman
Ang paghahalaman ay mainam na gawain Sa mga taong mahilig sa pananim Ulan at init ng araw ay tinitiis man din Pagsisiskap at tiyaga iyong masasalamin.
Isaisip lagi, para sa’yong kapakanan Mga gabay na dapat isaalang-alang Mga paraan tungo sa’yong kaligtasan Nang sa gayo’y sakuna ay maiwasan.
Sundin ang mga paraang napag-aralan Tutubong malusog ang mga halaman Dulot nito’y sagana at kasiyahan Katas ng paghihirap iyong makakamtan.
- Tungkol saan ang tulang iyong nabasa?
- Batay sa tula, ano- ano ang dapat isaisip sa paghahalaman? Bakit?
- Ano ang dapat gawin ng mga naghahalaman upang masagana ang ani?
Suriin
Tingnan ang mga larawan sa ibaba at paghambigin ang mga ito.
[photo: a person in a yellow shirt, cap, and rubber boots shoveling dark soil beside a pile; a person in a blue sleeveless shirt holding a long pole in a garden plot]
Sa tingin mo, alin sa dalawang larawan ang nakasusunod sa alituntunin sa paghahalaman habang ginagawa nila ang mga ito? Tama, mas nakasusunod ang nasa unang larawan dahil gumamit siya ng mga bagay na proteksiyon sa kanya habang naghahalaman. Sa iyong palagay, sino ang mas ligtas sa kanilang dalawa habang naghahalaman? Tama ka, ligtas ang nasa unang larawan dahil nakasuot siya ng Personal Protective Equipment o PPE na hindi makikita sa pangalawang larawan. Bakit natin kailangang masunod ang mga pamamaraan sa paghahalaman partikular na sa paggawa ng abonong organiko? Iyan ang iyong matutunan sa mga susunod na mga talata.
Upang higit na mapalalim pa ang iyong pag-aaral tungkol sa aralin na ito, basahin ang mga susunod na pagtatalakay sa ating paksa.
Ang paggamit ng abonong organiko ay nakatutulong sa mga magsasaka upang makatipid sa gastos at maiwasan ang tuluyang pagkasira ng lupa. Bagamat maraming mga abonong di-organiko ang mabibili sa mga pamilihan, iminumungkahi pa rin ang paggamit ng organiko dahil ito ay mas ligtas gamitin at walang masamang epekto sa kalikasan. Sa abonong organiko, tiyak ang iyong kita dahil kasanayan lang at mga materyales na kadalasang makikita sa sa iyong paligid ang kailangan.
Isa sa mga dapat na isaisip sa mga naghahalaman ay hindi lamang ang mga pananim na gulay ang dapat alagaan. Kailangang malusog at ligtas din ang mga nagangasiwa rito. Dapat matiyak ang kaligtasan ng lahat sa panahon ng paggawa.
Gaya ng isang kasabihang, “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo!” ay ganoon din dapat ang tinitiyak habang nagtatrabaho, dahil ang lahat ng makukuha sa paghahalaman ay mapawalang silbi kung ang mga ito ay mapupunta lamang sa pagpapagamot. Kaya naman, mahalagang alamin ang mga bagay na dapat isaalang-alang at sundin ang mga ito upang maiwasan ang aksidente o pagkakasakit
at upang lubos kang masiyahan habang ginagawa ang abonong organiko para sa pagpapataba ng mga pananim.
Muli, narito ang mga pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko:
- Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo-layo sa bahay. Humukay ng may isang metro ang lalim.
- Pagsama-samahin ang mga natuyong dahon, nabubulok na gulay, prutas, pagkain, at iba pang nabubulok na bagay.
- Ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.
- Patungan ito ng mga dumi ng hayop.
- Patungan ito muli ng lupa, abono, o apog.
- Paulit– ulit na gawin ang pagtatambak hanggang sa mapuno ang hukay.
- Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero.
- Palipasin ang dalawang buwan o higit pa bago gamitin.
Narito naman ang mga sumusunod na mga gabay na dapat sundin upang mapanatili tayong ligtas habang gumagawa ng abonong organiko.
- Gumamit ng mga kasangkapang nasa maayos ang kondisyon.
- Tiyaking angkop ang mga kasangkapang gagamitin sa paggawa ng abonong organiko.
- Gumamit ng Personal Protective Equipment o PPE gaya ng guwantes, mask, bota, plastic na pampatong sa damit at kasuotang may mahabang manggas sa paggawa ng organikong abono.
- Gumamit ng sombrero o anumang pantakip sa ulo kung sa labas gagawin ang gawain lalo na kung matindi ang sikat ng araw.
- Iwasan ang pagkakamot o kaya’y pagkukusot ng mga mata habang ginagawa ang abonong organiko.
- Maging maingat sa pagtapak sa basang lugar upang di-madulas.
- Sa pagbubuhat ng mabibigat, tiyaking balanse ang hinahawakan.
- Maglaan ng maayos na lalagyan para sa ginawang abonong organiko.
- Hugasang mabuti at itago ang mga kasangkapang ginamit sa permanenteng lugar upang hindi ito masira at maka-aksidente.
- Pagkatapos ng paggawa, maghugas ng kamay at maligo.
Pagyamanin
Sa pagpapatuloy ng aralin, maghanap ng mga impormasyong makatutulong upang maging ligtas sa paggawa ng abonong organiko. Sumulat ng limang pamamaraan at pag-iingat upang mapanatili ang kaligtasan sa paggawa.
Isaisip
Para lubusang maunawaan ang kabuuan ng aralin, maaaring sagutin ang sumusunod na pagsasanay.
Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang salita upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Word box: sombrero · Personal Protective Equipment · kagamitan · abonong organiko · kamay
- Mahalagang gumamit ng _____ sa pagpapataba ng mga halamang gulay.
- Ang paggamit ng _____ o PPE ay malaking tulong upang maiwasan ang anumang aksidente sa paggawa.
- Huwag kalimutang maghugas ng _____ at maligo pagkatapos gumawa ng abonong organiko.
- Tiyaking nasa maayos na kondisyon ang lahat ng mga _____ na gagamitin sa paggawa ng abono.
- Gumamit ng _____ o anumang pantakip sa ulo kung sa labas gagawin ang gawain lalo na kung matindi ang sikat ng araw.
Isagawa
Panuto:
Gumawa ng abonong organiko sa tulong na mga nakatatanda sa bahay at suriin kung iyong nasusunod ang mga pamamaraan sa pag-iingat habang ginagawa ang mga hakbang sa paggawa nito.
Gawing gabay ang tsart sa ibaba sa pamamagitan ng paglagay ng tsek ( ✓ ) sa kolum kung nagawa mo, at ekis ( X ) naman kung hindi.
| Mga Pamamaraan sa Pag-iingat sa Paggawa ng Abonong Organiko | Nagawa mo ba? |
|---|---|
| 1. Gumamit ng mga kasangkapang nasa maayos na kondisyon. | |
| 2. Tiyaking angkop ang kasangkapang gagamitin sa gawain. | |
| 3. Gumamit ng guwantes, mask, bota, plastic na pampatong sa damit at kasuotang may mahabang manggas habang nagtatanim o naglilinis sa lugar. | |
| 4. Gumamit ng sombrero o anumang pantakip sa ulo lalo na kung matindi ang sikat ng araw. | |
| 5. Iwasan ang pagkakamot o kaya’y pagkusot ng mga mata habang gumagawa ng abonong organiko. | |
| 6. Maging maingat sa pagtapak sa lupang basa upang di-madulas. | |
| 7. Sa pagbubuhat ng mabigat, tiyaking balanse ang hinahawakan. | |
| 8. Maglaan ng maayos na lalagyan sa matatalim na kasangkapan. | |
| 9. Itago ang mga kasangkapan sa permanenteng lugar upang hindi ito madadaanan. | |
| 10. Pagkatapos ng paggawa, maghugas ng kamay at maligo. |
Batayan sa Pagmamarka
| 5 | 4 | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|---|
| Naisasagawa ang 9-10 ng pag-iingat na nakalista sa itaas. | Naisasagawa ang 7-8 ng pag-iingat na nakalista sa itaas. | Naisasagawa ang 5-6 ng pag-iingat na nakalista sa itaas. | Naisasagawa ang 3-4 ng pag-iingat na nakalista sa itaas. | Naisasagawa ang 3-4 ng pag-iingat na nakalista sa itaas. |
Tayahin
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.
Upang mapanatili ang iyong kaligtasan dapat na gumamit ng _____ habang gumagawa ng abonong organiko.
a. sabon
b. payong
c. Personal Protective Equipment o PPE
d. manipis na kasuotanMas mainam na gumamit ng _____ habang gumagawa ng abonong organiko sa ilalim ng init ng araw.
a. payong
b. sombrero
c. kapote
d. sarongSa paggawa ng hukay para gagamitin sa paggawa ng abonong organiko, kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod, maliban sa _____.
a. lugar na tuyo
b. lugar na patag
c. lugar na malayo-layo sa bahay
d. lugar na palaging dinadaanan ng mga taoAng mga sumusunod ang pagsasama-samahin upang makabuo ng abonong organiko maliban sa _____.
a. natuyong dahon
b. nabubulok na prutas at gulay
c. nabubulok na pagkain, at iba pang nabubulok na bagay
d. maliliit na batoKailan dapat diligan ang ginawang abonong organiko?
a. oras-oras
b. araw-araw
c. linggo-linggo
d. buwan-buwan
Karagdagang Gawain
Sa tulong ng iyong mga magulang o kahit na sinong nakatatanda sa iyo, magpakuha ng larawan habang gumagawa ng iyong sariling paraan ng abonong organiko. Siguraduhing nasusunod mo ang mga pamantayan o pamamaraan sa pag-iingat sa iyong sarili sa paggawa. I-print at ipadikit ang mga kuhang litrato sa iyong kuwaderno.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down, and its sections are arranged in columns; the sections are transcribed below in the order a reader would follow them]
Subukin
Gawain 1
- Tama
- Tama
- Mali
- Tama
- Mali
- Tama
- Mali
- Tama
- Tama
- Mali
Balikan
- B
- C
- B
- A
- D
Tuklasin
Answers may vary.
Pagyamanin
Answers may vary.
Isagawa
Answers may vary.
Isaisip
- Abonong organiko
- Personal Protective Equipment
- Kamay
- Kagamitan
- Sombrero
Tayahin
- C
- B
- D
- D
- C
Sanggunian
Most Essential Learning Competency in Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5, 1.4.2 p. 345
Curriculum Guide, (EPP5AG-0b-4)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply