Araling Panlipunan 7 Quarter 4 Module 3: Epekto ng Pandaigdigang Digmaan sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya

Grade 7 AP Quarter 4 Module 3 explains the effects of World War I and II on East and Southeast Asia and how the wars fueled Asian nationalism.

This is the Grade 7 Araling Panlipunan Quarter 4 Module 3 self-learning module, “Epekto ng Pandaigdigang Digmaan sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya” (effects of the world wars on East and Southeast Asia). It was made for learners studying at home through DepEd’s Alternative Delivery Mode. It explains how World War I and World War II affected Asian countries and how the wars helped strengthen nationalist movements in the region.

The module is the first edition (2020), prepared by the Department of Education MIMAROPA Region. Its writer is Mary Joy G. Cansino.

On this page 6 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • Identify the different experiences and effects of the world wars.
  • Appreciate how the world wars helped raise broad nationalist movements.

The module is built around this Most Essential Learning Competency, printed with its code:

  • Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano (discusses the experiences and implications of the world wars in the history of Asian countries). AP7KIS-IVe-1.12 (Week 4)

It also lists a content standard and a performance standard. Both cover change, development, and continuity in Asia during the transitional and modern periods, from the 16th to the 20th century.

Key ideas: World War I

The module first explains why nations conquered others: to expand territory and power, to use natural resources, and to gain fame for their country and ideologies. Nations formed alliances, and this led to war.

  • When and why it started: World War I broke out in August 1914. It was called the “Great War” because the whole world witnessed how complex and terrible it was. Its causes were alliances among European countries and competition for territory and other interests.
  • The two sides: The Allies (Great Britain and France) fought the Central Powers (Austria and Germany).
  • How it ended: The Central Powers lost. A meeting at Versailles formally ended the war. Under the peace treaty, Germany was forced to pay huge reparations, meaning payment for the damage it caused. This ruined Germany’s economy.

The module names two main effects of World War I:

  1. Pagkasira/Casualties (destruction and casualties): property, nature, and livelihoods were destroyed. Almost ten million soldiers died.
  2. Pagbagsak ng Ekonomiya (economic collapse): the warring countries spent about 337 billion US dollars. Heavy borrowing left them deep in debt.

Key ideas: World War II and Asia

After World War I, losing countries struggled to pay reparations. Italy and Japan had many people in need but few natural resources, so they tried to expand their territory. The module covers these events:

  • Germany took Poland (1939), France (1940), and Russia (1941). After Pearl Harbor was bombed in 1941, America declared war on Japan and joined the Allied Forces with Great Britain and Russia. They fought the Axis Forces of Germany, Italy, and Japan.
  • Japan gained Shantung (now Shandong), which Germany had held, because Japan took part in the war. The one request of Japan that was refused was racial equality.
  • In China, the May Fourth Movement protest against foreigners broke out on May 4, 1919. China got no territory and lost Shantung, so it did not sign the Treaty of Versailles.
  • The League of Nations was set up after the Paris Peace Conference to prevent another world war. Japan left it in 1933. Three years later, Japan allied with Germany and Italy to form the Axis Powers, “Rome-Berlin-Tokyo”.
  • Japan conquered Southeast Asia easily. It slowed down only in the Philippines. When Bataan and Corregidor fell, Japan’s conquest of Southeast Asia was complete.

The module lists six effects of World War II:

EffectWhat the module says
Pagkamatay at Pagkasira (death and destruction)About 70 million soldiers fought for the Allied and Axis Forces; around 17 million died.
Displaced Persons/RefugeesMany people fled their countries. The UNRRA (United Nations Relief and Rehabilitation Administration) gave them food, clothing, and medical services.
Competition between new powersThe United States and the Soviet Union grew powerful. Their war-time alliance broke when the Soviet Union spread communism, which led to the Cold War.
Spread of communismCommunist governments rose in Eastern Europe and in North Korea. In China, Mao Zedong’s communists clashed with Chiang Kai-Shek’s nationalists.
Nuclear AgeAtomic bombs became possible for many countries, and new powerful weapons were developed.
Founding of the United NationsThe US, Great Britain, the Soviet Union, and China agreed to form an organization for unity and peace.

The module ends the discussion by linking the wars to nationalism. Southeast Asian countries fought hard for true freedom. Despite great hardship, many Asian countries won their long-sought independence. Asians also united against foreign oppression.

How to use this module

The module follows the usual DepEd self-learning module order:

  1. Subukin (pretest): 15 multiple-choice questions to check what you already know.
  2. Balikan (review): sing “Bayan Ko” by Freddie Aguilar and answer three questions about love of country.
  3. Tuklasin (explore): “Suri-Larawan”, a picture analysis of war effects such as death, the League of Nations, destruction, and war tanks.
  4. Suriin (discussion): the lesson on World War I and World War II.
  5. Pagyamanin (practice): three activities. You list five effects and their results for nationalism, suggest solutions to war effects, and respond to a wartime situation.
  6. Isaisip (reflect): choose an emoji that shows how you feel about the war’s effects and explain why.
  7. Isagawa (apply): make a pic-collage on cartolina. It is scored for content, visual presentation, and relevance, 15 points in all.
  8. Tayahin (assessment): a 15-item posttest.
  9. Karagdagang Gawain (extra activity): draw a symbol of how the war helped raise the nationalist movement, and explain it.

Learners: write all answers on a separate answer sheet. Do not write on the module, so others can use it. Check your work with the answer key honestly. Ask your teacher if any part is unclear.

Parents and guardians: help your child follow the parts in order. Make sure the pretest is taken before reading the lesson.

Teachers: the notes for teachers say each lesson’s activities are based on a three-day session. You are encouraged to adjust the activities to your learners’ interests and abilities.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Quarter 4, Module 3. Its competency is coded AP7KIS-IVe-1.12 for Week 4.

What does the module cover?

It covers the causes, events, and effects of World War I and World War II, especially in East and Southeast Asia. It also shows how the wars helped raise nationalist movements in Asia.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives the answers to the pretest (Subukin) and the posttest (Tayahin).

What are reparations?

In the module, reparations are the huge payments Germany was forced to make for the damage it caused in World War I. These payments ruined Germany’s economy.

What was the May Fourth Movement?

It was a protest in China against foreigners on May 4, 1919. It started because China got no territory after World War I and lost control of Shantung.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan – Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Epekto ng Pandaigdigang Digmaan sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya

7

Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Epekto ng Pandaigdigang Digmaan sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya

[illustration: students reading and studying outdoors and at home, a teacher, and a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q4_AP7_Module3

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Epekto ng Pandaigdigang Digmaan sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mary Joy G. Cansino Editor: Enrile O. Abrigo Jr., Jim Paul M. Belgado Tagasuri: Villaflor C. Ocampo Tagaguhit: Glendale John V. Felizarte Tagalapat: Liezl O. Arosio Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Danilo C. Padilla, Freddie Rey R. Ramirez, Cyril C. Serador, Ronald S. Brillantes, Marites L. Arenio, Eva Joyce C. Presto, Rhea Ann A. Navilla

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________

Department of Education – MIMAROPA Region

Office Address : Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telefax : (02) 8631-4070; 8637-3093; 8637-3139 Email Address : region4b@deped.gov.ph

7

Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Epekto ng Pandaigdigang Digmaan sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Halina’t simulan natin!

Napakaraming nangyari sa kasaysayan ng daigdig. Isa na rito ang masalimuot na pandaigdigang digmaan na nagbalot ng takot sa bawat tao sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa bawat sabog ng bomba, putok ng baril ay animo’y susunod ang kamatayan. Ano nga ba ang iba’t ibang epekto ng pandaigdigang digmaan?

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:

  1. Natutukoy ang iba’t ibang karanasan at epekto ng pandaigdigang digmaan; at
  2. Nabibigyang halaga ang epekto ng pandaigdigang digmaan sa pag-aangat ng malawakang kilusang nasyonalista.

Ang pagkamit mo sa mga layuning nabanggit sa itaas ay magiging tulay upang tiyak na matutuhan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 siglo hanggang ika-20 siglo).

PAMANTAYAN SA PAGGAWA (Performance Standard)

Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 siglo hanggang ika-20 siglo).

PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)
  • Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano. AP7KIS-IVe-1.12 (Week 4)

Subukin

Panuto: Unawain ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Bakit tinawag na “Great War” ang Unang Digmaang Pandaigdig?
    A. Dahil maraming tanyag na bansa ang sangkot sa digmaan.
    B. Dahil ang mga natalong bansa ay kinikilala sa buong mundo.
    C. Dahil sa masalimuot na digmaang nakita ng buong mundo.
    D. Dahil lahat ng nasangkot na bansa sa digmaan ay nagtagumpay.


  2. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit napasailalim ng Japan ang Shantung (Shandong ngayon) na dating nasa pamumuno ng China?
    A. Mas malaking bansa ang Japan kaysa China.
    B. Hindi na naniniwala ang mamamayan ng Shantung sa China.
    C. Hindi na kayang pasunurin ng China ang mamamayan ng Shantung.
    D. Dahil sa partisipasyon ng Japan sa pandaigdigang digmaan kung kaya’t binigyan ng pahintulot ng Kanluranin na pumasailalim ito sa kapangyarihan ng Japan.


  3. Naging komplikado ang dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig noong Agosto 1914. Alin sa sumusunod ang naging dahilan?

    1. Pag-aalyansa ng mga bansa sa Europa
    2. Pag-uunahan sa teritoryo
    3. Pagkakaroon ng kilos-protesta
    4. Pagkakaroon ng interes sa mga bansa sa Asya
      A. 1 at 2    C. 1, 2, at 3
      B. 1 at 3    D. 1, 2, at 4
  4. Anong kilos protesta ang isinakatuparan ng China laban sa mga dayuhang Kanluranin?
    A. Chinese Movement    C. May Fourth Movement
    B. Mao Zedong Revolution    D. May Revolutionist


  5. Anong organisasyon ang naitatag na resulta ng Paris Peace Conference na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig?
    A. ASEAN    C. SEATO
    B. League of Nations    D. United Nations


  6. Anong mga lugar sa Pilipinas ang bumagsak kaya tuluyang nakapasok ang Japan sa Timog-Silangang Asya?
    A. Bataan at Corregidor    C. Manila at Corregidor
    B. Corregidor at Manila Bay    D. Manila Bay at Bataan


  7. Alin sa sumusunod ang HINDI epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    A. Displaced Refugees    C. Pagkamatay at Pagkasira
    B. Paglaganap ng Komunismo    D. Pagtatagumpay ng Japan


  8. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng epekto ng digmaan?
    A. Pagkasira ng kapaligiran
    B. Pagkamatay ng maraming mamamayan
    C. Pagiging masaya ng mamamayan sa Kanluranin
    D. Pagkaggutom ng mamamayan sa iba’t ibang panig ng Asya


  9. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng layunin ng pagtatatag ng United Nations?
    A. Pagtangkilik ng sariling produkto.
    B. Pagbabayad sa mga bansa ng reparations.
    C. Pagsusulong sa usaping pagkakaisa at pangkapayapaan.
    D. Pagbibigay ng ayuda sa mga bansang lubhang naperwisyo ng digmaan.


  10. Lahat ng kahilingan ng Japan ay naisakatuparan ng Germany MALIBAN sa isa.
    A. Equal justice    C. Racial equality
    B. Moral inequality    D. Racial identity


  11. Ano ang naging mabuting epekto ng pagkakaroon ng pandaigdigang digmaan?
    A. Umigting ang damdaming nasyonalismo sa bawat bansang nasakop.
    B. Naging mailap ang mamamayan sa mga Kanluranin.
    C. Nagkaroon ng sigalot ang bawat bansang kaalyado ng malalaking bansa.
    D. Bumaba ang tingin ng mga nasakop na bansa sa kanilang sarili.


  12. Bakit nabuwag ang kinikilala noo’y “war-time alliance” sa pagitan ng Soviet Union at United States na dahilan upang magkaroon ng “Cold War”?
    A. Dahil sa pagpapalaganap ng Soviet Union ng Komunismo sa Europa.
    B. Dahil ayaw ng United States na maungusan sa kapangyarihan ng Soviet Union.
    C. Dahil hindi patas ang pagtingin ng Soviet Union sa mga naging kolonya nito.
    D. Dahil hindi tinulungan ng Soviet Union ang dating kakampi sa pagsakop sa mga bansa sa Asya.


  13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa layunin ng United Nations Relief and Rehabilitation Administration (UNRRA)?
    A. Binuo ito upang maiwasan ang krimen.
    B. Binuo ito upang paigtingin ang kapangyarihan ng kolonyalista.
    C. Binuo ito upang bigyan ng insentibo ang mga kolonyang bansa.
    D. Binuo ito upang makapagbigay serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, at serbisyong medikal sa mga displaced persons.


  14. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig sa ilalim ng Kasunduang Pangkapayapaan ay pinuwersang pagbayarin ang Germany ng “reparations”. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
    [transcriber’s note: “reparations” is underlined in the original]
    A. Pagbabayad ng utang mula sa kolonyalista.
    B. Pagbibigay ng tulong sa mga kolonyang bansa.
    C. Paglaya ng kolonyang bansa sa mga kolonyalista.
    D. Pagbabayad ng napakalaking halaga sa mga pinsalang idinulot nito pagkatapos ng digmaan.


  15. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng manipestasyon ng nasyonalismo?
    A. Pagbubuwis ng buhay ng mamamayan sa pakikipaglaban
    B. Pagtatago ng mamamayan sa mga kalaban
    C. Pagiging sunod-sunuran ng mamamayan sa Kanluranin
    D. Pagtangis para sa kalayaang hinahangad


Aralin 1: Epekto ng Pandaigdigang Digmaan sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya

Magaling! Isa na namang aralin ang natapos mo! Ngayon, bago tumungo sa susunod na aralin ay sukatin muna ang iyong natutuhan sa nakalipas na aralin sa pamamagitan ng inihandang gawain.

Balikan
Natatandaan Mo Pa Ba Ako?

Bago tayo dumako sa ating paksang tatalakayin, magbalik-tanaw tayo sa nakalipas na aralin sa pamamagitan ng isang gawain.

Gawain: Awit muna tayo!

Panuto: Awitin ang “Bayan Ko” ni Freddie Aguilar. Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong sa ibaba.

“Bayan Ko” ni Freddie Aguilar

Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang palad Nag-alay ng ganda’t dilag

At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal-dilag Ang ‘di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha at dalita Aking adhika

Makita kang sakdal laya
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang ‘di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya…

Anong naramdaman mo habang inaawit ang “Bayan Ko?”

“Ibon man may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak”. Ipinahihiwatig ng awiting ito ang pagmamahal sa kalayaan. Halina’t sagutin mo na ang sumusunod na tanong. Gawin ito sa sagutang papel.

Pamprosesong Tanong
  1. Ano ang nais iparating ng awit?

_____________________________________________________________________.

  1. Paano ipinakita ng mga kapwa natin Asyano ang pagmamahal sa kani-kanilang bansa?

_____________________________________________________________________.

  1. Sa kasalukuyan, paano mo maipakikita na ikaw ay may pagmamahal sa iyong bansa?

_____________________________________________________________________.

Mga Tala para sa Guro

Naglalaman ang modyul na ito ng mga mungkahing gawain upang malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang estratehiya tulad ng paggamit ng concept organizer, paggawa ng reflection, pagsusuring halaga, picture analysis, paglalagay ng datos, paggawa ng solusyon sa suliranin, pagguhit atbp. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa tatlong araw na sesyon. Iminumungkahi na pagyayamanin pa ng mga guro ang mga mungkahing gawain at estratehiya batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.

Tuklasin

Gusto mo bang malaman at matutuhan ang implikasyon ng pandaigdigang digmaan sa mga bansang Asyano?

Halina’t subukan mo ang inihandang gawain!

Gawain: Suri-Larawan

Panuto: Suriin ang bawat larawan. Hanapin sa mga larawan ang mga posibleng naging epekto ng pandaigdigang labanan at magbigay ng paliwanag kung ano ang magiging resulta nito. Ilagay ang titik at paliwanag sa nakalaang guhit. Gawin ito sa sagutang papel.

  • A. [illustration: soldiers lying on the ground] PAGKAMATAY
  • B. [logo: League of Nations emblem with the words “LEAGUE OF NATIONS” and “SOCIÉTÉ DES NATIONS”] PAGTATATAG NG LEAGUE OF NATIONS
  • C. [illustration: a person sitting among collapsed ruins] PAGKASIRA NG KAPALIGIRAN DAHIL SA DIGMAAN
  • D. [illustration: tanks and soldiers advancing across a field] PAGDATING NG MGA TANGKE DE GIYERA







_____________________________________________________________________________.

Suriin

Binabati kita! Isang gawain na naman ang iyong natapos. Ang gawaing iyon ay may kinalaman sa paksang ating tatalakayin. Handa ka na ba? Halina’t talakayin natin ang paksang ito.

Unang Digmaang Pandaigdig

Maraming dahilan kung bakit marami ang nanakop sa kasaysayan ng daigdig. Ilan lamang sa mga dahilan ay upang magpalawak ng teritoryo o magpalawig ng kanilang kapangyarihan gayondin upang mapakinabangan ang likas na yaman, at maging tanyag o kilalanin ang kanilang bansa at iba’t ibang ideolohiya. Nagkaroon ng alyansa ang iba’t ibang bansa sa pananakop na gagawin at dahil dito nagkaroon ng digmaan.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig o World War I ay sumiklab noong Agosto 1914. Ito ay tinawag na “Great War” dahil sa masalimuot na digmaang nakita nang buong mundo. Komplikado ang naging dahilan nito: nagkaroon ng pag-aalyansa ng mga bansa sa Europa at pag-uunahan sa teritoryo at iba pang interes. Ang digmaang ito ay kinapapalooban ng iba’t ibang anyo ng tunggalian. Ang alitan ay sa pagitan ng “Allies” na binubuo ng Great Britain at France laban sa “Central Powers” na binubuo naman ng Austria at Germany.

Sa isang digmaan, may matatawag na talo at panalo. Ang natalo ay papatawan ng karampatang kaparusahan, samantalang ang nanalong bansa ay mamamayagpag. Sa kaso ng Unang Digmaang Pandaigdig, natalo ang Central Powers kung kaya’t agad isinagawa ang pagpupulong sa Versailles upang pormal na tapusin ang digmaan at pag-usapan ang kaparusahan na ipapataw sa talunang bansa. Sa ilalim ng “Kasunduang Pangkapayapaan” sa Unang Digmaang Pandaigdig ang Germany ay pinuwersang pagbayarin ng napakalaking halaga para sa idinulot nitong pinsala. Ito ang sumira at nagdulot ng pagbagsak ng ekonomiya ng Germany.

Iba’t ibang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig
  1. Pagkasira/Casualties- Ang Unang Digmaan ay nagsanhi nang hindi matatawarang pagkasira hindi lamang ng ari-arian, kalikasan, kabuhayan kundi pati maraming buhay ng mga biktima ng digmaan. Halos sampung milyong sundalo ang namatay sa digmaan- mas marami kaysa sa mga namatay sa nakalipas na isang daang taon.


  2. Pagbagsak ng Ekonomiya- Humigit kumulang 337 billion US dollar ang gastos ng magkakalabang bansa. Kung susumahin, ay umabot ng sampung milyon ang kada-oras na gastos sa labanan. Nanggaling ang mga ito sa buwis at iba pang buwis. Ngunit mas malaki ang hiram na salapi na naging dahilan ng pagkalubog sa utang. Ang Allies ay sinubukang paliitin ang kanilang utang sa pamamagitan ng paghingi ng reparations (bayad sa mga napinsala) sa Central Powers lalong lalo na sa Germany.


Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Pagkatapos ng Unang digmaan ay ang pagkasangkot sa maraming problemang pang-ekonomiya. Ang mga natalong bansa ay hirap sa pagbabayad ng reparations. Ang mga bansang Italy at Japan ay nagdusa dahil sa maraming mamamayan na nangangailangan ngunit mayroong kakulangan sa likas na yaman. Sinubukan ng mga nasabing bansa na solusyonan ang kanilang problema sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang teritoryo.

Noong taong 1940 tuluyan nang nasangkot sa digmaan ang Europa. Ang bansang Germany ay nasakop ang Poland taong 1939, bansang France naman taong 1940 at 1941 naman ang Russia. Nang pasabugin ang Pearl Harbor taong 1941 ay nagdeklara ang Amerika ng digmaan laban sa Japan at tuluyan nang sumali at kumampi bilang kaisa ng Allied Forces na kinabibilangan ng Great Britain at Russia laban sa Axis Forces na binubuo ng Germany, Italy, at Japan.

Sa panahong ito, tuluyang namayagpag ang bansang Japan dahil sa mga pamamaraan sa pakikidigma at dahil sa dami ng bansang nasakop nito. Nakuha ng Japan ang Shantung o Shandong ngayon na dati ay nasa kamay ng Germany dahil na rin sa kaniyang partisipasyon sa digmaan. Naibigay rin sa Japan ang kapangyarihang mamuno sa Isla sa Pacific Ocean na nasa Hilaga ng Ecuador na dating nasa kamay rin ng Germany. Isa lamang ang hindi pinansin o pinagbigyan ng Germany sa mga kahilingan ng Japan, ito ay ang racial equality o pantay na pagtingin sa kanilang lahi.

[photo: crowd of protesters marching and carrying a banner with Chinese characters]

Sa China ay sumiklab ang isang kilos-protesta laban sa mga dayuhan. Ang kilusang ito ay naganap noong May 4, 1919 kung kaya’t ito ay tinawag na May Fourth Movement alinsunod sa petsa kung kailan naganap ang protesta. Nagbunsod ang nasabing protesta dahil sa walang nakuhang teritoryo ang China at nawala pa sa kaniya ang pamumuno sa Shantung. Dahil dito ay hindi nilagdaan ng bansang China ang Kasunduan ng Versailles (Treaty of Versailles) na nagdulot ng nasabing kilos-protesta.

Naitatag rin ang League of Nations upang maiwasan ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig. Ito ay organisasyong naitatag na resulta ng Paris Peace Conference na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.

Noong 1933, ang bansang Japan ay tumiwalag sa League of Nations. Pagkalipas ng tatlong taon ay nakipag-alyansa ito sa Germany at Italy kung kaya’t nabuo ang tinatawag na “Axis Powers” na binubuo ng kanilang mga lungsod: “Rome-Berlin-Tokyo”.

Naging madali sa Japan ang pananakop sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya at sa Pilipinas lang ito bumagal dahil nahirapan ito nang husto. Sa pagbagsak ng Bataan at Corregidor ay naging ganap na ang pagsakop ng Japan sa Timog-Silangang Asya.

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Epekto nito
  1. Pagkamatay at Pagkasira- Ang Ikalawang digmaan ay kumuha ng halos napakaraming buhay at pagkasira at pagkawasak ng napakaraming ari-arian, kabuhayan at iba pa. Sa kabuoang bilang, umabot sa 70 milyong sundalo ang isinuong ang kanilang buhay para sa Allied at Axis Forces. Humigit kumulang 17 milyon ang namatay.


  2. Displaced Persons/Refugees- Maraming mamamayan ng mga nasangkot na bansa ang pinuwersang lisanin ang kanilang bansa upang hindi na madamay sa digmaan. Upang matulungan ang mga nasabing refugees sa pamamagitan ng Allied Forces ay naitatag ang United Nations Relief and Rehabilitation Administration (UNRRA). Ang organisasyong ito ay binuo upang makapagbigay serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, at serbisyong medikal sa mga displaced persons.


  3. Kompetisyon sa mga bagong kapangyarihan- Pagkatapos ng Ikalawang digmaang pandaigdig, ay maraming nanghinang bansa na sangkot sa digmaan. Umigting ang kapangyarihan ng dalawang bansa: ang United States at Soviet Union. Ngunit ang kanilang itinuturing na “war-time alliance” ay nabuwag nang ipinalaganap ng Soviet Union ang Komunismo sa Europa at Asya. Ang kompetisyon sa pagitan ng mga ideolohiya ng Soviet Union at United States ay tinawag na “Cold War”.


  4. Paglaganap ng Komunismo- Umigting ang kapangyarihan ng Soviet Union dahil sa paglaganap ng komunismo. Pagkatapos ng digmaan ay naukupa ang karamihan sa Eastern Europe. Tinulungang maibalik ang kapangyarihan sa mga komunistang gobyerno sa Bulgaria, Czechoslovakia, Hungary, Poland at Romania. Hindi naglaon namayagpag din ang komunismo sa mga bansa sa Silangang Asya. Ang Soviet Union ay nagtatag ng Communist Government sa North Korea pagkatapos ng digmaan. Sa China, ang Komunismong Gobyerno na pinamumunuan ni Mao Zedong ay nagkaroon ng sigalot laban sa Nasyonalismong organisasyon na pinamumunuan ni Chiang Kai-Shek, dito nagsimula na maging Komunistang bansa ang China.


  5. Nuclear Age- Ang pagkakaroon ng mga atomic bomb sa bawat bansa ay naging bukas pagkatapos ng Ikalawang digmaang pandaigdig. Maraming tao ang naniniwala na kaya nitong sumira at magwasak ng napakaraming buhay. Umaasa ang mamamayan na matututuhan ding mabuhay ng mapayapa. Ngunit, sa kabila nito ang pagbuo ng makabago at makapangyarihang armas hindi kalaunan nagsimula na.


  6. Pagtatag ng United Nations- Matapos matunghayan ang katakot-takot na dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagkita-kitang muli ang noo’y magkakaalyansa: ang representante ng United States, Great Britain, Soviet Union at China. Dito’y nagkasundo na magtatag ng isang organisasyong tutulong sa pagkakaisa at kapayapaan. Ito ay tinagurian bilang United Nations.


Masigasig na ipinaglaban ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang kilusang nasyonalismo upang matamo ang tunay na kalayaan. Hindi lang sa

rehiyong ito umigting ang nasyonalismo bagkus ito ay lumaganap sa mga bansang nagnanais na magkaroon ng tunay na kalayaan mula sa Kanluranin.

Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay marami ang nabago sa kalagayan ng pamumuhay. Kung iisipin napakasalimuot ng pangyayaring kinaharap ng mga bansa sa Asya, ngunit tila sila’y hindi nagpatinag kung kaya’t maraming bansa sa Asya ang nakapagkamit ng matagal nang inaasam na kalayaan mula sa mga mapagsamantalang mananakop. Nabuo ang pagkakaisa ng mga mamamayang Asyano upang masupil ang pang-aaping ginawa ng mga dayuhan sa iba’t ibang panig ng Asya.

Pagyamanin
Gawain 1: Epekto at Resulta

Panuto: Marami ang naging epekto ng Digmaang Pandaigdig. Magbigay ng limang epekto nito ayon sa paksang tinalakay at ipaliwanag kung ano ang naging resulta nito sa pag-aangat ng malawakang kilusang nasyonalista. Gawin ito sa sagutang papel.

EpektoResulta
1.PANDAIGDIGANG DIGMAAN1.
2.2.
3.3.
4.4.
5.5.
Gawain 2: Epekto at Solusyon

Panuto: Magbigay ng iyong saloobin na nagpapakita ng maaaring solusyon sa epekto ng pandaigdigang digmaan. Maaaring magbigay ng konkretong halimbawa ng iyong naisip na solusyon. Gawin ito sa sagutang papel.

EPEKTO NG PANDAIGDIGANG DIGMAANSOLUSYON
1.

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

EPEKTO NG PANDAIGDIGANG DIGMAANSOLUSYON
2.
3.
Gawain 3: Saloobin Mo, Ibigay Mo

Panuto: Magbigay ng iyong saloobin ukol sa sitwasyon sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Sitwasyon:

Isipin mong ikaw ay nabuhay sa panahon ng pandaigdigang digmaan, nasaksihan mo ang kaguluhan sa iyong komunidad at nakita mong ito ay hindi nagdulot ng mabuting epekto sa kapwa mo mamamayan. Ano ang iyong gagawin? Hahayaan mo na lamang bang magpatuloy ito o may gagawin kang paraan? Kung mayroon kang gagawin, anong paraan ito at bakit ito ang iyong naisipang gawin? Ipaliwanag.















_____________________________________________________________________________.

Isaisip
Gawain: Palalimin ang Iyong Kaalaman

Panuto: Sa nangyaring pandaigdigang labanan marami ang naging implikasyon nito sa buhay ng mga Asyano. Magbigay ng iyong reaksyon sa pamamagitan ng paglalagay ng emoji na kumakatawan sa iyong nararamdaman sa naging epekto ng pandaigdigang digmaan. Pagkatapos ay ipaliwanag kung bakit ito ang iyong inilagay na emoji. Gawin ito sa sagutang papel.

[illustration: grinning face emoji]
[illustration: frightened face emoji with hands on cheeks]
[illustration: smiling face emoji with hearts]
[illustration: grimacing angry face emoji]

[transcriber’s note: the empty square below the four emojis is an empty box for the student’s choice]

Isagawa
Gawain: Pic-Collage

Panuto: Kumalap ng mga larawan na maaaring buuhin na nagpapakita ng iba’t ibang epekto ng Pandaigdigang Digmaan at dulot nito sa pag-aangat ng samahang nasyonalista. Ilagay ito sa malinis na cartolina.

Mungkahing Pamantayan sa Pagmamarka

Napakahusay 5Mahusay 4Paunlarin pa 3
NilalamanAng mensahe ay mabisang naipakitaDi gaanong naipakita ang mensaheMagulo ang mensahe
Presentasyong biswalNapakalinis at napakalinaw ang pagkakasulat ng mga titikMaganda ngunit di gaanong malinaw ang pagkakasulat ng mga titikDi maganda at magulo ang pagkakasulat ng mga titik
Kaugnayan sa paksaMay malaking kaugnayan sa paksaKaunti lang ang kaugnayan sa paksaWalang kaugnayan sa paksa
Kabuoan15

Tayahin

Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Anong mga lugar sa Pilipinas ang bumagsak kaya tuluyang nakapasok ang Japan sa Timog-Silangang Asya?

    • A. Bataan at Corregidor
    • B. Corregidor at Manila Bay
    • C. Manila at Corregidor
    • D. Manila Bay at Bataan
  2. Bakit tinawag na “Great War” ang Unang Digmaang Pandaigdig?

    • A. Dahil maraming tanyag na bansa ang sangkot sa digmaan.
    • B. Dahil ang mga natalong bansa ay kinikilala sa buong mundo.
    • C. Dahil sa masalimuot na digmaang nakita ng buong mundo.
    • D. Dahil lahat ng nasangkot na bansa sa digmaan ay nagtagumpay.
  3. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit napasailalim ng Japan ang Shantung (Shandong ngayon) na dating nasa pamumuno ng China?

    • A. Mas malaking bansa ang Japan kaysa China.
    • B. Hindi na naniniwala ang mamamayan ng Shantung sa China.
    • C. Hindi na kayang pasunurin ng China ang mamamayan ng Shantung.
    • D. Dahil sa partisipasyon ng Japan sa pandaigdigang digmaan kung kaya’t binigyan ng pahintulot ng Kanluranin na pumasailalim ito sa kapangyarihan ng Japan.
  4. Anong kilos protesta ang isinakatuparan ng China laban sa mga dayuhang kanluranin?

    • A. Chinese Movement
    • B. Mao Zedong Revolution
    • C. May Fourth Movement
    • D. May Revolutionist
  5. Anong organisasyon ang naitatag na resulta ng Paris Peace Conference na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig?

    • A. ASEAN
    • B. League of Nations
    • C. SEATO
    • D. United Nations
  6. Anong mga lugar sa Pilipinas ang bumagsak dahilan kaya tuluyang nasakop ng Japan sa Timog-Silangang Asya?

    • A. Bataan at Corregidor
    • B. Corregidor at Manila Bay
    • C. Manila at Corregidor
    • D. Manila Bay at Bataan
  7. Alin sa sumusunod ang HINDI epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

    • A. Displaced Refugees
    • B. Paglaganap ng Komunismo
    • C. Pagkamatay at Pagkasira
    • D. Pagtatagumpay ng Japan
  8. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng epekto ng digmaan?

    • A. Pagkasira ng kapaligiran.
    • B. Pagkamatay ng maraming mamamayan
    • C. Pagiging masaya ng mamamayan sa Kanluranin
    • D. Pagkaggutom ng mamamayan sa iba’t ibang panig ng Asya.
  9. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng layunin ng pagtatatag ng United Nations?

    • A. Pagtangkilik ng sariling produkto.
    • B. Pagbabayad sa mga bansa ng reparations.
    • C. Pagpo-promote sa usaping pagkakaisa at pangkapayapaan.
    • D. Pagbibigay ng ayuda sa mga bansang lubhang naperwisyo ng digmaan.
  10. Ano ang naging mabuting epekto ng pagkakaroon ng pandaigdigang digmaan?

    • A. Umigting ang damdaming nasyonalismo sa bawat bansang nasakop.
    • B. Naging mailap ang mamamayan sa mga Kanluranin.
    • C. Nagkaroon ng sigalot ang bawat bansang kaalyado ng malalaking bansa.
    • D. Bumaba ang tingin ng mga nasakop na bansa sa kanilang sarili.
  11. Bakit nabuwag ang kinikilala na noo’y “war-time alliance” sa pagitan ng Soviet Union at United States na dahilan upang magkaroon ng “Cold War”?

    • A. Dahil sa pagpapalaganap ng Soviet Union ng Komunismo sa Europa.
    • B. Dahil ayaw ng United States na maungusan sa kapangyarihan ng Soviet Union.
    • C. Dahil hindi patas ang pagtingin ng Soviet Union sa mga naging kolonya nito.
    • D. Dahil hindi tinulungan ng Soviet Union ang dating kakampi sa pagsakop sa mga bansa sa Asya.
  12. Naging komplikado ang dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig noong Agosto 1914. Alin sa sumusunod ang naging dahilan?

    • I. Pag-aalyansa ng mga bansa sa Europa
    • II. Pag-uunahan sa teritoryo
    • III. Pagkakaroon ng kilos-protesta
    • IV. Pagkakaroon ng interes sa mga bansa sa Asya
    • A. 1 at 2
    • B. 1 at 3
    • C. 1, 2, at 3
    • D. 1, 2, at 4
  13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa layunin ng United Nations Relief and Rehabilitation Administration (UNRRA)?

    • A. Binuo ito upang maiwasan ang krimen.
    • B. Binuo ito upang pag-igtingin ang kapangyarihan ng kolonyalista.
    • C. Binuo ito upang bigyan ng insentibo ang mga kolonyang bansa.
    • D. Binuo ito upang makapagbigay serbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit, at serbisyong medikal sa mga displaced persons.
  14. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig sa ilalim ng Kasunduang Pangkapayapaan ay pinuwersang pagbayarin ang Germany ng “reparations”. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?



    • A. Pagbabayad ng utang mula sa kolonyalista.

    • B. Pagbibigay ng tulong sa mga kolonyang bansa.

    • C. Paglaya ng kolonyang bansa sa mga kolonyalista.

    • D. Pagbabayad ng napakalaking halaga sa mga pinsalang idinulot nito pagkatapos ng digmaan.


    [transcriber’s note: the word “reparations” is underlined in the original]


  15. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng manipestasyon ng nasyonalismo?

    • A. Pagbubuwis ng buhay ng mamamayan sa pakikipaglaban.
    • B. Pagtatago ng mamamayan sa mga kalaban.
    • C. Pagiging sunod-sunuran ng mamamayan sa Kanluranin
    • D. Pagtangis para sa kalayaang hinahangad.

Karagdagang Gawain

Gawain: Nasa Puso Ko, Iguguhit ko!

Panuto: Gumuhit ng isang simbolo ukol sa ginampanang bahagi ng matinding epekto ng pandaigdigang digmaan sa pag-aangat ng nasyonalistang kilusan. Iguhit ito sa kahong nasa ibaba at magbigay ng iyong paliwanag. Gawin ito sa sagutang papel.

Halimbawa: Pagbuo ng samahan upang makipaglaban.

Napakahusay 5Mahusay 4Paunlarin pa 3
NilalamanAng mensahe ay mabisang naipakitaDi gaanong naipakita ang mensaheMagulo ang mensahe
Presentasyong biswalNapakalinis at napakalinaw ang pagkakasulat ng mga titikMaganda ngunit di gaanong malinaw ang pagkakasulat ng mga titikDi maganda at magulo ang pagkakasulat ng mga titik
Kaugnayan sa paksaMay malaking kaugnayan sa paksaKaunti lang ang kaugnayan sa paksaWalang kaugnayan sa paksa
Kabuoan15

[transcriber’s note: the original has a blank bordered box below the table for the learner’s drawing and explanation]

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down (rotated 180 degrees). The answers are listed below in item order as they appear in the key.]

SUBUKIN
AytemSagot
1C
2D
3D
4C
5B
6A
7D
8C
9C
10C
11A
12A
13A
14D
15A
TAYAHIN
AytemSagot
1A
2C
3D
4C
5B
6A
7D
8C
9C
10A
11A
12C
13D
14D
15A

Sanggunian

Enclyclopedia

”World War I” The World Book Encyclopedia, compiled by Reg. U.S. Pat. & T.M Off. Marca Registrada, Library of Congress Catalog Card Number 96-60730, United States of America, 1996, Vol. 21, p. 362-376.

”World War II” The World Book Encyclopedia, compiled by Reg. U.S. Pat. & T.M Off. Marca Registrada, Library of Congress Catalog Card Number 96-60730, United States of America, 1996, Vol. 21, p. 378-402.

”World War I” The New Standard Encyclopedia, compiled by Standard Educational Corporation, Chicago, 1995, Vol. 19, p. 301-323, 336-342.

”World War II” The New Standard Encyclopedia, compiled by Standard Educational Corporation, Chicago, 1995, Vol. 19, p. 388-409.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district