EsP 9 Quarter 2 Module 4: Pakikilahok at Bolunterismo

Grade 9 EsP Quarter 2 Module 4 on participation and volunteerism: the three Ts, key differences, activities, rubrics, and answer key.

This is the Self-Learning Module for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, Values Education) 9, Quarter 2, Module 4: “Pakikilahok at Bolunterismo” (participation and volunteerism). It was prepared by DepEd Region IX under the Alternative Delivery Mode for Grade 9 learners studying at home. After working through it, learners should be able to explain how taking part in community life and volunteering help build the common good, which the module calls kabutihang panlahat.

The module opens with a familiar saying, “No Man is an Island, No Man Can Stand Alone.” Because every person lives among others (kapuwa), each one should act with responsibility and care for them.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module lists these learning competencies:

  • 8.1 Relate the importance of participation and volunteerism to the growth of citizens and society (EsP9TT-IIg-8.1).
  • 8.2 Analyze the life stories of people who gave a large part of their lives to volunteering (EsP9TT-IIg-8.2).
  • 8.3 Show that (EsP9TTIIh-8.3):
    • each citizen’s participation and volunteerism in community and national activities, based on their talent, ability, and role in society, helps achieve the common good; and
    • participation, as a duty that comes from human dignity, is fulfilled by helping or working in areas where a person has personal responsibility.
  • 8.4 Take part in a project or activity in the barangay or in sectors with particular needs.

Key ideas: pakikilahok and bolunterismo

The Suriin (analyze) part explains that people are born as social beings. They reach their full personhood by relating to others and taking part in society. A society that supports volunteering also promotes the well-being of its citizens.

How participation differs from volunteerism

Pakikilahok (participation)Bolunterismo (volunteerism)
Why you do itPersonal interest or duty is involvedYou respond freely to the needs of others
If you do not do itYou lose something yourselfYou are not affected; the people you did not help are, and your conscience may trouble you
Examples in the moduleVoting in elections, joining a group task assigned by the teacher, attending a barangay youth meetingHelping in barangay programs, teaching children to read, donating during fires and calamities

The module sums it up this way: not all participation involves volunteerism, but all volunteerism involves participation. Participation is a duty of everyone who is aware and responsible, and the common good is reached only when people recognize that responsibility.

The three Ts

The module says three things should be seen in participation and volunteerism:

  • Panahon (Time): Time matters because once it passes, it cannot be brought back.
  • Talento (Talent): Everyone has a talent that can be shared with others.
  • Kayamanan (Treasure): In giving, the size of the gift does not matter. What matters is that it is given freely and wholeheartedly.

Volunteerism during the pandemic

The module links the lesson to COVID-19. Many people suffered from depression during the crisis, but the spirit of bayanihan (community cooperation) also grew stronger. Many volunteered, started fund-raising projects, and formed groups to help Filipino families meet their daily needs.

Activities in the module

  • Subukin (pretest): five multiple-choice questions.
  • Balikan (review): a table on the importance and goals of work (paggawa), from the previous module.
  • Tuklasin (explore): two speech bubbles about joining a barangay clean-up drive. One person joins to help clean the surroundings; the other joins to raise a grade. Learners compare the two views and give their own reaction.
  • Pagyamanin (enrichment):
    • Gawain 1, a photo collage on short bond paper about the learner’s own experience of participation or volunteering. It is scored for content (35%), creativity (20%), originality (25%), and overall presentation (20%).
    • Gawain 2, a short essay (maikling sanaysay) giving the learner’s view on the idea that people are happy when they serve and contribute to others. It is scored for content (35%), organization (35%), style (20%), and mechanics (10%).
  • Isaisip (remember): a concept map on the importance of pakikilahok and bolunterismo, with three follow-up questions.
  • Isagawa (apply): a photo essay about a person who gave their time and life to volunteering and charity.
  • Tayahin (assessment): a 15-item multiple-choice posttest.
  • Karagdagang Gawain (additional activity): a reflection on a well-known person who lives out volunteerism, guided by five questions.

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest to see how much you already know. Then go through the parts in order, and finish with the Tayahin posttest. Write your answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it after you. Be honest when you check your answers with the answer key (Susi sa Pagwawasto), and contact your teacher if any part is hard to understand.
  • Parents and guardians: The module expects a facilitator at home to guide the learner. Help your child find photos or stories for the collage and the photo essay, and encourage them to join a real barangay or community activity, as competency 8.4 asks.
  • Teachers: The answer key covers the Subukin and Tayahin. Use the two rubrics in the module to score the photo collage and the short essay. The module’s reference is the DepEd Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral (2017 reprint), pages 111 to 128.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 2, Module 4. It was prepared by DepEd Region IX as a first edition in 2020.

What is the difference between pakikilahok and bolunterismo?

In participation (pakikilahok), personal interest or duty is involved, so you lose something if you do not take part, as with voting. In volunteerism (bolunterismo), you are not the one affected if you do not help; the people you did not help are, and your conscience may trouble you.

What are the three Ts of participation and volunteerism?

They are Panahon (Time), Talento (Talent), and Kayamanan (Treasure). The module teaches that a gift’s size does not matter as long as it is given freely and wholeheartedly.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives the answers to the 5-item Subukin pretest and the 15-item Tayahin posttest.

What outputs do learners make in this module?

Learners make a photo collage, a short essay, a concept map, a photo essay about a person known for volunteering, and a written reflection. Rubrics are provided for the collage and the essay.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pakikilahok at Bolunterismo

9

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pakikilahok at Bolunterismo

[illustration: learners studying at home with a teacher, a globe, a lamp, and a child writing; ADM logo below]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q2_EsP 9_ Modyul 4

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pakikilahok at Bolunterismo Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jaylyn A. Indanan Editor: Reyna Joyce B. Barutu, Filma B. Catalan Tagasuri: Violeta M. Sta. Elena, Aimee A. Torrevillas Tagalapat: Marvin DJ. Villafuerte Tagapamahala: Ruth L. Fuentes, Eugenio B. Penales, Sonia D. Gonzales, Julieto H. Fernandez, Henry R. Tura, Elsa A. Usman

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph

9

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pakikilahok at Bolunterismo

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating magaaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng magaaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: hand pressing a button inside a circle]

Naranasan mo na bang mag-boluntaryo sa isang mapagkawanggawang samahan na ang natatanging pakay ay magserbisyo sa mga nangangailangan?

Ika nga’y, “No Man is an Island, “No Man Can Stand Alone”. Ito ay tanyag na katagang alam ng marami sa atin. Ito ang dahilan kung bakit ang tao ay may kapuwa at hindi siya mabubuhay ng mag-isa. Dahil siya ay may kapuwa, nararapat lamang na siya ay kumikilos ng may pananagutan at pagmamalasakit sa kanyang kapuwa.

Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo tungo sa pag-abot ng kabutihang panlahat sa lipunan.

8.1 Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pagunlad ng mamamayan at lipunan (EsP9TT-IIg-8.1)

8.2 Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo. (EsP9TT-IIg-8.2)

8.3 Napatutunayan na:

a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan/pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makakatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat

b. Bilang obligasyon ng likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspeto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan. (EsP9TTIIh-8.3)

8.4 Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa barangay o mga sektor na may partikular na pangangailangan.

Subukin

[illustration: hand holding a pencil inside a circle]

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga tanong at isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

  1. Ano ang isa sa mga palatandaan ng pakikilahok at bolunterismo?
    a. Pagmamahal, Malasakit at Talento
    b. Panahon, Talento at Kayamanan
    c. Talento, Panahon at Pagkakaisa
    d. Kayamanan, Talento at Bayanihan


  2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng bolunterismo?
    A. Sumali si Jen sa isang organisasyon sa kanilang barangay na may layuning mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kanilang barangay.
    B. Si Amy ay likas na maawain at matulungin. Tuwing walang pasok lagi siyang nasa center ng kanilang lugar upang makatulong sa mga programa ng barangay lalo na sa pagtuturo sa mga batang hindi marunong bumasa at sumulat.
    C. Tuwing may programa sa eskwelahan, sinisiguro ni Axel na maayos niyang nagagampanan ang kanyang tungkulin bilang pangulo ng Student Council.
    D. Sa mga panahon na may sunog at kalamidad sa bayan ni Cel, hindi niya nakakaligtaang magbahagi ng kanyang donasyon maliit man ito o malaki basta’t ang mahalaga ay makatulong siya sa kanyang kapuwa na nangangailangan.


  3. Tiyak na makakamit ng lipunan ang _____________ kung ang bawat isa ay magsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
    A. Pag-unlad
    B. Pagkakaisa
    C. Pagmamahalan
    D. Kabutihang panlahat


  4. Kailan nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng isang tao?
    A. Kung naibabahagi niya ang kaniyang sarili sa kanyang kapuwa
    B. Kung siya ay nagiging mayaman
    C. Kung nagagampanan niya ang kaniyang mga tungkulin bilang tao
    D. Kung mahal niya ang kanyang kapuwa


  5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng bolunterismo?
    A. Bayanihan (lipat-bahay)
    B. Wellness program ng barangay tulad ng libreng gupit
    C. Pag-uugnayan ng iba’t ibang ahensiya
    D. Dental mission ng mga militar


Modyul 4

Pakikilahok at Bolunterismo

Balikan

[illustration: two hands joining a puzzle piece inside a circle]

Noong nakaraang modyul ay iyong naunawaan na uunlad ang lipunan sa pamamagitan ng paggawa dahil sa paglilingkod ng mga mamamayan nito? Muli nating sukatin ang iyong pag-unawa sa nagdaang aralin.

Panuto: Punan ng tamang datos ang bawat kolum.

Kahalagahan ng PaggawaMga Layunin ng Paggawa
Halimbawa: Upang makapaglingkod sa kapuwaUpang kitain ng tao ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang kanyang pangunahing pangangailangan.
Ikaw naman:

Tuklasin

[illustration: hand holding a seedling inside a circle]

Gawain:

Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag sa bubble speech balloon pagkatapos ay sagutin ang mga inihandang katanungan.

Natutuwa akong maging bahagi ng Clean up Drive sa ating barangay. Makatutulong ako sa paglilinis ng kapaligiran

Tataas na naman ang marko ko dahil sasali ako sa Clean up Drive na yanat panigurado ako na ang mangunguna sa klase.

Sagutin:
  1. Magkapareho ba ang pananaw ng dalawang pahayag?
  2. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang magiging reaksiyon mo? Bakit?

Suriin

[illustration: magnifying glass inside a circle]

Ipinanganak ang tao na isang panlipunang nilalang, ang kaganapan ng kanyang pagkatao ay makakamit niya sa pamamagitan ng pakikipagkapuwa-tao at pakikilahok sa lipunan. Ang lipunan ang natatanging lugar para sa mga indibidwal upang makamit ng tao ang kanyang tunguhin.

Ang isang lipunan na sumusuporta at naghihikayat sa iba’t ibang anyo ng pagbo-boluntaryo ay magiging isang lipunan na nagtataguyod din ng kagalingan ng mga mamamayan nito. Ang pagbo-bolunterismo ay isang pangunahing pagpapahayag ng ugnayan ng tao, ito ay tungkol sa pangangailangan ng mga tao na lumahok sa lipunan at pakiramdam na mahalaga sila sa iba.1

Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat ng mayroong kamalayan at pananagutan. Nagbibigay ito sa tao ng makabuluhang pakikitungo sa lipunan na kung saan ang bawat nakikilahok ay dapat tumupad sa kaniyang tungkulin para sa kabutihang panlahat. Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang pananagutan, mula dito makakamit ang kabutihang panlahat.

May pagkakaiba ba ang pakikilahok sa bolunterismo? Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin. Kailangan mong gawin dahil kung hindi, mayroong mawawala sa iyo. Halimbawa: ang paglahok sa halalan, paglahok sa pangkatang gawain na pinapagawa ng guro o paglahok sa pulong ng kabataan sa barangay.

Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Kung ikaw naman ay di tutugon; maaaring kang mabagabag ng iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa. Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may aspekto ng pakikilahok.

Sa pakikilahok at bolunterismo dapat makita ang tatlong Ts:

  • Panahon (Time)-Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito ay lumipas hindi na ito maibabalik.
  • Talento (Talent) -Lahat tayo ay may taglay na talento at ito ay iyong magagamit upang ibahagi sa iba.
  • Kayamanan (Treasure)– Sa pagbibigay, hindi tinitingnan ang laki sapagkat gaano man ito kaliit ang mahalaga ay kusa mong ibinigay ito ng buong puso para sa nangangailangan.

Sa kasalukuyang panahon kung saan tayo ay nakikipaglaban sa isang sakit na hindi nakikita, dito mas higit na kinakailangan ang pakikilahok at pagbobolunterismo. Dahil sa Covid-¹9 maraming mga tao ang nagkakaroon ng depresyon kung saan ang iilan ay sumakabilang buhay na. Kaya naman humahanap ang tao ng paraan upang makipag-ugnayan sa iba para maipagpatuloy ang buhay. Maraming apektado sa krisis na ito ngunit sa kabilang banda may mga magagandang aral din itong dala. Tumingkad ang pagbabayanihan ng mga tao, marami ang nagpakita ng kanilang pagkukusa na makilahok at nagboluntaryo na tumulong sa higit na nangangailangan. Ang daming nabubuong fund raising projects at iba’t-ibang samahan o grupo. Ang mga grupong ito ang naghahanap ng mas mabilisang paraan upang tulungan ang mga pamilyang Pilipino na makaraos sa araw-araw na pangangailangan.

Ang pakikilahok at bolunterismo ay isang dakilang hangarin ng mga mamamayan at pagpapasiya bilang pagtugon sa kanilang papel sa lipunan. Sa pamamgitan nito napananatili ang kaayusan at napagtitibay ang pakikipagkapuwatao at itaguyod ang kabutihang panlahat.

Ang tunay na diwa ng pakikilahok at bolunterismo ang kailangang makita sa ating lipunan lalo na sa kasalukuyan. ____________________

Pagyamanin

Gawain 1: Photo Collage

Panuto: Gumawa ng photo collage upang ibahagi ang iyong sariling karanasan tungkol sa pakikilahok at bolunterismong nagawa o gagawin pa sa inyong kapuwa o sa inyong komunidad. Ilagay ito sa short bond paper.

[transcriber’s note: the printed box below the instruction is an empty frame for the collage and holds no text]

¹ UN Volunteers, The Power of Volunteerism, December 09, 2019 https://www.unv.org/volunteerism/power-volunteerism

Rubriks sa Paggawa ng Photo Collage

KraytiryaPinakamahusayMahusayKatamtamanKailangan ng pagsasanayKabuuan
Nilalaman (Content) – 35% Naipapakita at naipaliliwanag ng maayos ang ugnayan ng lahat ng konsepto
Pagkamalikhain (Creativity) – 20% Lubos na nagpapamalas ng pagkamalikhain
Pagkamapanlikha (Originality) – 25% Orihinal ang ideya sa paggawa ng photo collage
Kabuuang Presentasyon – 20% Malinis, maayos at malinaw ang kabuuang mensahe ng photo collage
Kabuuan 100%
Gawain 2: Maikling Sanaysay

Panuto: Magbigay ng sariling pananaw tungkol sa pahayag na ito.

“Masaya ang isang tao kapag siya ay nakapaglilingkod at nakapagbabahagi ng kontribusyon sa kaniyang kapuwa at sa lipunan. Dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa kapuwa o lipunan.”



















Runriks para sa Maikling Sanaysay

Nilalaman 35%Organisasyon 35%Style (Pagkamapanlikha at Pagkamalikhain) 20%Mechaniks 10%Kabuuan 100%
KraytiryaNaipakikita at naipaliliwanag ng maayos ang ugnayan ng konseptong isinulat sa pahayagMahusay ang pagkakasunudsunod ng mga ideya, malinaw at makabuluhan.Lubos na nagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagsulat ng maikling sanaysay at orihinal ang mga ideyang ginamitWasto ang mga ginamit na salita at pagbabantas

Isaisip

Gawain: Concept Mapping

Panuto: Gamit ang concept map sa ibaba, magbigay ng mga kahalagahan ng bolunterismo at pakikilahok.

[chart: concept map; Gawain: Concept Mapping]

  • Left box, header: PAKIKILAHOK
  • Right box, header: BOLUNTERISMO
  • Center oval: Kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan
  • Four empty boxes on the left and four empty boxes on the right, for answers
  • Values are not labeled on the chart.

[illustration: light bulb in a hand inside a circle, decorative icon beside “Isaisip”]

Sagutin:

  1. Ano ang nabuo mong konsepto batay sa concept map?
  2. Batay sa iyong naitala, ano ang ugnayan ng kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamayan at lipunan?
  3. Bilang isang kabataan, paano mo maisasagawa ang mga ito nang bukal sa iyong kalooban at may pananagutan?

Isagawa

Gawain: Photo Essay Ng Bolunterismo

PANUTO: Magsaliksik ng iba pang personalidad na naglaan ng kanilang panahon at buhay sa pakikilahok at pagboboluntaryo sa kawang-gawa. Ilahad ito sa pamamagitan ng Photo Essay (isang koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkakasunud-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na paraan) at maging malikhain sa paggawa nito.

Tayahin

Panuto: Sagutin ang bawat tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

  1. Ano ang isa sa mga palatandaan ng pakikilahok at bolunterismo?
    a. pagmamahal, malasakit at talento
    b. panahon, talento at kayamanan
    c. talento, panahon at pagkakaisa
    d. kayamanan, talento at bayanihan


  2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng bolunterismo?
    a. Sumali si Jen sa isang organisasyon sa kanilang barangay na may layuning mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kanilang barangay.
    b. Si Amy ay likas na maawain at matulungin. Tuwing walang pasok lagi siyang nasa center ng kanilang lugar upang makatulong sa mga programa ng barangay lalo na sa pagtuturo sa mga batang hindi marunong bumasa at sumulat.
    c. Tuwing may programa sa eskwelahan, sinisiguro ni Axel na maayos niyang nagagampanan ang kaniyang tungkulin bilang pangulo ng student council.
    d. Sa mga panahon na may sunog at kalamidad sa bayan ni Cel, hindi niya nakakaligtaang magbahagi ng kaniyang donasyon maliit man ito o malaki bastat ang mahalaga ay makatulong siya sa kanyang kapuwa nangangailangan.


  3. Tiyak na makakamit ng lipunan ang ______________ kung ang bawat isa ay magsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
    a. pag-unlad c. pagkakaisa
    b. pagkakaisa d. kabutihang asal


  4. Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?
    a. Upang maipakita ang pagmamahal sa kapuwa
    b. Upang maibahagi ang sarili sa kapuwa at makamit ang kabutihang panlahat
    c. Upang matugunan ang pangangailangan ng iba
    d. Upang magampanan ang mga tungkulin


  5. Kailan nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng isang tao?
    a. Kung naibabahagi niya ang kanyang sarili sa kaniyang kapuwa
    b. Kung siya ay nagiging mayaman
    c. Kung nagagampanan niya ang kaniyang mga tungkulin bilang tao
    d. Kung mahal niya ang kaniyang kapuwa


  6. Ito ay paraan ng pagpapakita ng paglilingkod sa kapuwa nang may pagmamahal sa kapuwa at sa kaniyang lipunan.
    a. pakikilahok c. paglilingkod
    b. bolunterismo d. pananagutan


  7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng bolunterismo?
    a. Bayanihan (lipat-bahay)
    b. Wellness program ng barangay tulad ng libreng gupit
    c. Pag-uugnayan ng iba’t ibang ahensiya
    d. Dental mission ng mga militar


  8. Ano ang tawag sa pagtulong ng isang tao sa isang partikular na gawain nang naayon sa kaniyang tungkulin upang makamit ang kabutihang panlahat?
    a. pananagutan c. paglilingkod
    b. bolunterismo d. pakikilahok


  9. Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin. Kailangan mong gawin dahil kung hindi, mayroong mawawala sa iyo. Ang pahayag na ito ay _______________.
    a. tama sapagkat, maaari kang maapektuhan kung hindi ka tutulong
    b. mali, sapagkat hindi mo naman buhay ang nakasalalay dito
    c. tama, sapagkat makokonsensya ka sa hindi mo pagtulong sa iba
    d. mali, dahil ang pagtulong sa kapuwa ay taos puso.


  10. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pakikilahok?
    a. Medical at dental outreach ng mga kilalang tao
    b. Pagpopost ng adhikain
    c. Pagboto tuwing eleksyon
    d. Pagpapakain sa mga batang lansangan


  11. Tunay ngang naiaangat ang antas ng pagpapahalaga sa paglilingkod kung _____________.
    a. May hinihintay na kapalit
    b. Ito ay pagpapalipas lamang ng oras
    c. Naglilingkod upang makilala ang sarili
    d. Nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural at moral ng lipunan.


  12. Paano mo maisasagawa ang bolunterismo at pakikilahok nang bukal sa iyong kalooban?
    a. Tumulong nang may kapalit
    b. Gawin ito upang ipakita sa iba na ikaw ay nakikilahok
    c. Tumulong sa iba upang maging sikat
    d. Tumulong nang taos-puso


  13. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis-tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
    a. impormasyon c. sama-samang pagkilos
    b. konsultasyon d. pagsuporta


  14. Alin ang taglay ng tao kaya siya ay karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa?
    a. bolunterismo c. pakikilahok
    b. dignidad d. pananagutan


  15. Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag ay ____________.
    a. tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
    b. mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
    c. tama, sapagkat maaari kang mabagabag ng iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandaling yaon.
    d. mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.


Karagdagang Gawain

Gawain

Panuto: Pumili ng isang kilalang personalidad mula sa kahit anong babasahin nagsasabuhay ng bolunterismo. Gumawa ng repleksiyon batay sa mga katanungan sa ibaba.

Mga Gabay Na Tanong:

  1. Ano ang naramdaman mo matapos basahin ang kuwento? Ano ang sinasabi nito sa inyo bilang isang panlipunang nilalang?
  2. Ano ang pagkaunawa mo sa ginawang pagtulong ng tauhan sa ating kuwento?
  3. Anong talento ang kaniyang taglay? Ginamit ba niya ito ng kakabuluhan?
  4. Anong karanasan ang nakaimpluwensiya sa kaniya na nag-udyok upang tumulong sa kaniyang kapuwa?
  5. Ikaw, mayroon ka na bang nasimulang gawaing tulad ng mga ito? Ano ang kaya mong simulan gamit ang sarili mong talento?

[illustration: gears and a hand, decorative icon beside “Karagdagang Gawain”]

Sanggunian

Aklat
  • Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral, DepEd-BLR, Muling Limbag 2017, pp 111 – 128

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key is printed upside down in two boxes; the answers below are read from the rotated print]

Subukin
  1. A
  2. C
  3. D
  4. A
  5. A
Tayahin
  1. A
  2. C
  3. D
  4. B
  5. A
  6. B
  7. A
  8. D
  9. A
  10. C
  11. D
  12. D
  13. D
  14. B
  15. C

[illustration: key in a hand inside a circle, decorative icon beside “Susi sa Pagwawasto”]

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district