Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Quarter 2 Module 5: Mga Yugto ng Makataong Kilos

Grade 10 EsP Quarter 2 Module 5 explains the 12 stages of a human act based on St. Thomas Aquinas, with activities, a pretest, and an answer key.

This is the Grade 10 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) self-learning module for the second quarter, Module 5: “Mga Yugto ng Makataong Kilos” (the stages of human acts). It was prepared by DepEd Cordillera Administrative Region for learners studying at home, with guidance from parents or teachers. After working through it, learners should be able to explain the 12 stages of a human act, based on the teaching of St. Thomas Aquinas, and recognize those stages in their own decisions and actions.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module lists two learning competencies:

  • Explain each stage of a human act (Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos). MELC-7.1
  • Identify actions and decisions one has made that follow each stage of a human act (Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos). MELC-7.2

The module has one lesson, Aralin 1: Mga Yugto ng Makataong Kilos. It builds on Module 4, which covered the factors that affect a person’s responsibility for a decision: ignorance, strong emotion, fear, violence, and habit.

What is a human act (makataong kilos)?

The module defines makataong kilos (human act) as an act done with knowledge, freely, and willingly. It comes from knowledge and uses both the intellect (isip) and the will (kilos-loob), so a person is responsible for it.

According to St. Thomas Aquinas (Sto. Tomas de Aquino), a human act follows a sequence. A person who decides in a hurry is not acting responsibly and becomes careless about the results. A person who goes through the stages carefully can expect a good outcome.

The 12 stages of a human act

The module gives each stage in Filipino with its English name:

StageWhat happens
1. Pagkaunawa sa layunin (simple apprehension of the good)The person becomes aware of something he or she wants, whether good or bad.
2. Nais ng layunin (a simple volition to acquire it)The will agrees if the desire is good. The person should think about whether it is fitting or possible.
3. Paghuhusga sa nais makamtan (a judgement that the good is possible)The intellect judges whether the goal can be reached.
4. Intensiyon ng layunin (an intention to achieve the object)The will’s agreement becomes an intention to get the goal and figure out how.
5. Masusing pagsusuri ng paraan (an examination of these means)The person thinks through the possible ways to reach the goal.
6. Paghuhusga ng paraan (consent of the will to these means)The will agrees, or does not agree, to the possible means.
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili (deliberation of the fittest means)The intellect weighs which means is the most fitting and best.
8. Pagpili (a choice of these means)The will chooses the means. This is where free choice comes in.
9. Utos (command: the ordering of the act)The intellect gives the command to carry out the intention.
10. Paggamit (active execution or performance)The will uses its power over the body and the person’s faculties to do the act.
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin (the exercise of these faculties or powers)The body and faculties carry out the will’s command.
12. Bunga (delectation of the will; satisfaction with achieving the end)The will’s satisfaction when the act is done; the result of the decision.

Simple and complex decisions

Aquinas also taught that a simple goal reached in one way needs only stages 3, 4, 9, 10, 11, and 12. The module’s example: you are thirsty (3), you want to drink water (4), you decide to drink (9), your will moves your hand (10) to fill a glass and drink (11), and your thirst is gone (12).

The process becomes longer when the goal is harder to reach, when there are more choices, or when the situation is complicated. The module shows this with Pepito, who sees a laptop at the mall. He thinks about using his savings, borrowing from a friend, asking his parents, or even stealing it. He weighs each option, chooses to buy it with his own savings, and is happy with it, though he must now save again for the next school year.

Parts and activities of the module

  • Alamin – the purpose of the module and the competencies.
  • Subukin – a pretest: 3 multiple-choice items and a 12-item matching test.
  • Balikan – a review of Module 4 with 3 multiple-choice items.
  • Tuklasin, Gawain 1 – number the 12 stages in order, using Pepito’s choice between a jamming session with friends and going to school on a day with two tests.
  • Suriin – the discussion of human acts and the 12 stages.
  • Pagyamanin – Gawain 2 (match the stages to the steps in the laptop story), Gawain 3 (explain stages in your own words, scored with a rubric), and Gawain 4 (trace a past decision of your own through the 12 stages).
  • Isaisip, Gawain 5 – complete the definition of a human act and put the 12 stages in order.
  • Isagawa, Gawain 6 – apply stages 1 to 8 to something you want or plan to do but have not yet decided.
  • Tayahin – the final test: 3 multiple-choice items and a 12-item matching test.
  • Karagdagang Gawain – an essay on which stage takes you the longest when you decide carefully, and why.
  • Susi sa Pagwawasto – the answer key.

How to use this module

For learners: Answer the activities in the order given, as the teacher’s note asks, because your answers count toward your grade and show your progress. Do not write on the module; use separate sheets of paper. Check your answers against the answer key honestly, and contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.

For parents: The pretest shows whether your child needs extra help. Encourage your child to work through each part in order and to use the answer key only after answering.

For teachers: The module comes with a Teacher’s/Facilitator’s Guide for those guiding learners at home. Rubrics for Gawain 3, Gawain 5, and the Karagdagang Gawain are printed in the module.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 10 Edukasyon sa Pagpapakatao, second quarter, Module 5.

What are the 12 stages of a human act?

They are pagkaunawa sa layunin, nais ng layunin, paghuhusga sa nais makamtan, intensiyon ng layunin, masusing pagsusuri ng paraan, paghuhusga sa paraan, praktikal na paghuhusga sa pinili, pagpili, utos, paggamit, pangkaisipang kakayahan ng layunin, and bunga. The module bases them on St. Thomas Aquinas.

At which stage does free choice happen?

Free choice comes in at the eighth stage, pagpili (a choice of these means), when the will chooses how to reach the goal.

What is makataong kilos?

It is a human act done with knowledge, freely, and willingly. Because it uses the intellect and the will, the person is responsible for it.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, Gawain 1, Gawain 2, Gawain 5, and the final test.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Markahan – Modyul 5: Mga Yugto ng Makataong Kilos

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan – Modyul 5: Mga Yugto ng Makataong Kilos

10

[illustration: students studying outdoors under a tree, a teacher helping students at a desk, a child working by lantern light, and two students with a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5: Mga Yugto ng Makataong Kilos Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Denalin D. Amante Editor: Annie Rose B. Cayasen Tagasuri: Erlinda C. Quinuan Tagaguhit: Denalin D. Amante Tagalapat: Sharon Rose S. Boguen Tagapamahala: May B. Eclar, Benilda M. Daytaca, Carmel F. Meris, Rosita C. Agnasi, Edgar H. Madlaing, Rizalyn A. Guznian, Sonia D. Dupagan, Vicenta C. Danigos

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Kagawaran ng Edukasyon – Cordillera Administrative Region

Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet Telefax: (074) – 422- 4074 E-mail Address: car@deped.gov.ph

10

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan- Module 5: Mga Yugto ng Makataong Kilos

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin!

Hangad ng modyul na ito na makatulong upang maging mas malawak ang iyong pag-unawa sa konsepto ng makataong kilos. Bilang isang tao, dapat nating isaalang-alang na ang bawat pasiya at kilos natin ay hindi lang nakakaapekto sa ating sarili kundi pati rin sa ating kapwa at kapaligiran. Mahalagang maunawaan mo na ang tao ay dapat nagpapasiya at kumikilos ng tama at mabuti sa ikauunlad ng sarili maging ang kabutihang panlahat.

Tatalakayin ng aralin na ito ang tungkol sa mga yugto ng makataong kilos. Layunin ng modyul na maipaliwanag ang mga yugto na ito upang makatulong sa pagpapalawak ng iyong kaisipan sa masusing paggamit ng isip, mabuting pagpili at upang maging resposable at mapanagutan sa bawat isasagawang pasiya at kilos. Basahin at intindihing mabuti ang mga nilalaman ng modyul at mga panuto sa mga gawain.

Pagkatapos mong isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, inaasahang magawa mo ang mga sumusunod:

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

  1. Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos. (MELC-7.1)
  2. Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos. (MELC-7.2)
Tala mula sa Guro

Maging matiyaga sa pagbabasa at pagsagot sa mga gawain ayon sa pagkasunod-sunod ng mga ito. Ang iyong mga sagot ay hindi lang magiging bahagi ng markahan, kundi isang mahalagang pagbabatayan ng iyong pag-unlad.

Aralin 1: Mga Yugto ng Makataong Kilos

Subukin!

A. Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang numero. (3 puntos; 1 puntos bawat aytem)

_____1. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito. a. kilos ng tao b. tungkulin c. pananagutan d. makataong kilos

_____2. Ayon kay ____________, may pagkasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos. a. Sto. Tomas de Aquino b. Aristoteles c. Louis de Poissy d. Socrates

_____3. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasiya, hindi siya nagiging mapanagutan. Ang pangungusap ay; a. tama, sapagkat nagiging pabaya siya sa anumang kalalabasan nito. b. mali, dahil nabiyayaan ang tao ng sapat na kagalingan upang magpasiya c. mali, dahil normal lang ang pagkakamali d. lahat ng nabanggit

Subukin!

B. Panuto: Suriin at ihanay ang mga yugto ng makataong kilos (Hanay A) sa mga deskripsyon sa Hanay B. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang numero. (12 puntos; 1 puntos bawat aytem)

HANAY AHANAY B
_____1. Pagkaunawa sa layuninA. Ang pagsang-ayon ng kilos-loob ay magiging isang intensiyon kaya nagkakaroon ang tao ng intensiyon na makuha ang bagay na kanyang ninanais at kung paano ito makakamit.
_____2. Nais ng layuninB. Sa yugto na ito hinuhusgahan ng isip ang posibilidad na maaaring makuha ang ninanais.
_____3. Paghuhusga sa nais makamtanC. Ito ang yugto ng pagsang-ayon ng kilos-loob kung ang nais ng isang tao ay mabuti. Nag-iisip dapat ang tao kung ang ninanais ba ay naaakma o may posibilidad.
_____4. Intensiyon ng layuninD. Ang yugto na ito ay ang pagkaunawa ng tao sa isang bagay na gusto o kanyang ninanais, masama man ito o mabuti.
_____5. Masusing pagsusuri ng paraanA. Sa yugto na ito tinitimbang ng isip ang pinakaangkop at pinakamabuting paraan.
_____6. Paghuhusga sa paraanB. Pinag-iisipan ng tao ang mga paraan upang makamit ang kanyang layunin.
_____7. Praktikal na paghuhusga sa pinili.C. Ang pagpili ng kilos-loob sa pamamaraan ng pagkamit ng layunin. Dito pumapasok ang malayang pagpapasiya.
_____8. PagpiliD. Tinutukoy ng hakbang na ito ang pagsang-ayon ng kilos loob sa mga posibleng paraan upang makamit ang layunin.
_____9. UtosA. Ito ang pagbibigay ng utos mula sa isip na isagawa kung ano man ang intensiyon.
_____10. PaggamitB. Ang resulta ng ginawang pagpapasya.
_____11. Pangkaisipang kakayahan ng layuninC. Dito ginagamit na ng kilos-loob ang kanyang kapangyarihan sa katawan at sa mga pakultad na taglay ng tao upang isagawa ang kilos.
_____12. BungaD. Pagsasagawa ng utos ng kilos-loob gamit ang kakayahan ng pisikal na katawan at pakultad na kakanyahan ng tao.
Balikan!

Natatangi ang tao sapagkat pinagkalooban siya ng lahat ng kakayahan at pakultad upang hubugin niya ang kanyang pagkatao. Anu-ano nga ba ang mga salik na nakakaapekto sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang pasiya at kilos?

Napag-alaman sa Modyul 4 na may mga bagay na maaring makakaapekto sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kanyang pasiya at kilos: ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at pag-uugali. Gayun pa man, paano nga ba nagiging mapanagutan ang tao sa kanyang pagpapasiya? Anu-ano ang mga proseso sa paggawa ng mabuting pagpapasiya at kilos? Sa pagsasagawa natin ng tama at mabuting desisyon, bigyan natin ng pansin ang konsepto ng makataong kilos.

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang numero. (3 puntos; 1 puntos bawat aytem)

_____1. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito. a. kilos ng tao b. tungkulin c. pananagutan d. makataong kilos

_____2. Ayon kay ____________, may pagkasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos. a. Sto. Tomas de Aquino b. Aristoteles c. Louis de Poissy d. Socrates

_____3. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasiya, hindi siya nagiging mapanagutan. Ang pangungusap ay; a. tama, sapagkat nagiging pabaya siya sa anumang kalalabasan nito. b. mali, dahil nabiyayaan ang tao ng sapat na kagalingan upang magpasiya c. mali, dahil normal lang ang pagkakamali d. lahat ng nabanggit

Tuklasin!

Gawain 1: Pagsasanay

Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at lagyan ng bilang ng mga kahon ayon sa tamang pagkasunod-sunod nito (1-12). Gumuhit rin ng linya na patungo sa susunod na yugto. (9 puntos; 1 puntos bawat aytem)

Sitwasyon: Niyaya ng barkada si Pepito sa kanilang jamming. Gustong-gusto niya na pumunta kaya lang, ang araw na ito ay may pasok sa paaralan. Batid rin ni Pepito na magkakaroon ng dalawang pagsusulit sa magkaibang asignatura sa araw na ito. Sa pagsasagawa ni Pepito ng pasiya at kilos, ano dapat ang una niyang gagawin?

[chart: flow diagram of labeled boxes with blanks; Gawain 1: Pagsasanay]

  • Pagkaunawa sa layunin: 1
  • Masusing pagsusuri ng paraan: _____
  • Bunga: _____
  • Intension ng layunin: _____
  • Nais ng layunin: 2
  • Paggamit: _____
  • Praktikal na paghuhusga sa pinili: _____
  • Paghuhusga sa nais makamtan: _____
  • Utos: 9
  • Paghuhusga sa paraan: _____
  • Pagpili: _____
  • Pangkaisipang kakayahan ng layunin: _____

[transcriber’s note: an arrow in the diagram runs from the box “Pagkaunawa sa layunin” to the box “Nais ng layunin”.]

Isang malaking hamon para sa tao na gamitin ang kanyang natatanging kakayahan upang siya ay magpakatao. Bahagi nito ang pagsasagawa niya ng pasiya at kilos sa pang-araw-araw na pamumuhay. Paano nga ba tayo makakagawa ng isang mabuting pagpapasiya? Anu-ano ang mga yugto ng makataong kilos?

Suriin!

Isinasaad sa modyul ng ESP 10 (2015) na ang makataong kilos (human act) ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Sinadya at kinusa ang kilos na ito sapagkat isinagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang kanyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.

Maraming bagay sa buhay ang kinakailangan ng maingat na pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at kung anong kilos ang dapat gawin. Mahalaga na makita mo kung ang pipiliin mo ba ay nakabatay sa makataong kilos.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may pagkasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasiya, hindi siya nagiging mapanagutan; bagkus nagiging pabaya siya sa anumang kalalabasan nito. Ngunit kung daraan siya sa mga yugtong ito, tiyak na magiging mabuti ang kalalabasan ng isasagawang kilos.

12 na Yugto ng Makataong Kilos

(Sto. Tomas de Aquino)

YugtoPaglalarawan
1. Pagkaunawa sa layunin (simple apprehension of the good) [illustration: thought bubble “Gusto ko ito!” above a smiling face]– ang pagkaunawa ng tao sa isang bagay na gusto o kanyang ninanais, masama man ito o mabuti.
2. Nais ng layunin (a simple volition to acquire it) [illustration: thought bubble “oo, mabuti iyan…” above a face with a thumbs-up]– pagsang-ayon ng kilos-loob kung ang nais ng isang tao ay mabuti. Nag-iisip dapat ang tao kung ang ninanais ba ay naaakma o may posibilidad.
3. Paghuhusga sa nais makamtan (a judgement that the good is possible) [illustration: thought bubble “Puede?… o hindi maari?…” above a face]– sa yugto na ito hinuhusgahan ng isip ang posibilidad na maaaring makuha o makamit ang ninanais.
4. Intensiyon ng layunin (an intention to achieve the object) [illustration: thought bubble “mabuti ito… gusto ko talaga ito…” above a face with thumbs-up]– ang pagsang-ayon ng kilos-loob ay magiging isang intensiyon kaya nagkakaroon ang tao ng intensiyon na makuha ang bagay na kanyang ninanais at kung paano ito makakamit.

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

YugtoPaglalarawan
5. Masusing pagsusuri ng paraan (an examination of these means) [illustration: thought bubble “Paano ko kaya ito magagawa? Paano ko kaya ito makukuha?” above a face scratching its head]-pinag-iisipan at sinusuri ng tao ang mga paraan upang makamit ang kanyang layunin.
6. Paghuhusga ng paraan (consent of the will to these means) [illustration: thought bubble “oo…puede ang paraan na ito… Hmm…ito naman hindi maaari…” above a face]– ang pagsang-ayon ng kilos-loob sa mga posibleng paraan upang makamit ang layunin.
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili (Deliberation of the fittest means) [illustration: thought bubble “sige…timbangin natin ng mabuti…” above a face with a balance scale]– sa yugto na ito tinitimbang ng isip ang pinaka-angkop at pinakamabuting paraan.
8. Pagpili (a choice of these means) [illustration: thought bubble “sa tingin ko… ito ang pinaka-mainam na paraan…” above a face, with a row of letter tiles]– ang pagpili ng kilos-loob sa pamamaraan upang makamit ang layunin. Dito pumapasok ang malayang pagpapasiya.
9. Utos (Command: the ordering of the act) [illustration: thought bubble “…ito ang gagawin, una… ikalawa… ikatlo…” above a pointing face]– ang pagbibigay ng utos mula sa isip na isagawa kung ano man ang intensiyon.
10. Paggamit (Active execution or performance) [illustration: thought bubble “sige… ihanda ang sarili… kailangang maging maingat…” above a face waving]– dito ginagamit na ng kilos-loob ang kanyang kapangyarihan sa katawan at sa mga pakultad na taglay ng tao upang isagawa ang kilos.
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin (the exercise of these faculties or powers) [illustration: thought bubble “go! go! go! oops… tapos na…!” above a face giving a thumbs-up]– pagsasagawa sa utos ng kilos-loob gamit ang kakayahan ng pisikal na katawan at pakultad na kakanyahan ng tao.
12. Bunga (delectation of the will; satisfaction with achieving the end) [illustration: thought bubble “yeheeyyy!!!” above a smiling face with raised hands]– kaluguran ng kilos-loob sa pagtatapos ng kilos. Ito ang resulta ng ginawang pagpapasya.

Ayon parin kay Santo Tomas de Aquino, kung ang ninanais o intensiyon natin ay simple lang at nakukuha ito sa isang paraan lang, nagiging simple rin lang ang proseso at limitado ito sa 3,4,9,10,11 at 12 na yugto. Halimbawa, ikaw ay nauuhaw (3), gusto mo na uminom ng tubig (4), at nagpasiya ka na uminom (9), sa pamamagitan ng pag-uutos ng kilos loob na pagalawin ang iyong kamay (10) na lagyan ng tubig ang baso at uminom ka dito (11). Ang kilos ay nagtatapos sa pagkapawi ng uhaw sapagkat nakainom ka na ng tubig (12).

Mas nagiging komplikado ang proseso kung mas mahirap makamit ang ninanais, kung mas maraming pagpipipilian at sa mas komplikadong sitwasyon. Suriin ang susunod na gawain.

Pagyamanin!

Gawain 2: Pagsusuri at Paghahanay

Panuto: Sikaping suriin at ihanay ang mga yugto ng makataong kilos sa mga hakbang na isinagawa sa sitwasyon. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang bilang. Sa aytem 1-6, piliin ang sagot mula sa A-F at sa G-L naman pipiliin ang sagot sa 7-12. (8 puntos; 1 puntos bawat aytem).

Sitwasyon: Nakita ni Pepito ang laptop habang namamasyal siya sa mall. Binusisi niya ang laptop at nagustuhan niya ito.

HANAY AHANAY B
D 1. Pagkaunawa sa layuninA. Naisip din ni Pepito na kung gugustuhin niya ang laptop ay posible namang makamit niya ito.
_____2. Nais ng layunin.B. Mula sa paghahangad lang ay naging intensiyon ni Pepito ang pagkakaroon niya ng laptop.
_____3. Paghuhusga sa nais makamtanC. Ang pagsusuri ng paraan na kaniyang gagawin ay nagpapatuloy at sinasang-ayunan ng kanyang kalooban ang mga nasabing pagpipilian.
_____4. Intensiyon ng layuninD. Matagal na niyang nais magkaroon ng laptop sapagkat malaki ang maitutulong nito sa kanyang pag-aaral.
_____5. Masusing pagsusuri ng paraanE. Mayroon siyang pera ngunit iniipon niya iyon para sa kaniyang pag-aaral sa sa susunod na pasukan. Pumasok rin sa kanyang isip na pwede naman niya itong nakawin o mangugutang sa kaibigan ng pambili rito o kaya naman ay hihingi sa magulang.

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

HANAY AHANAY B
C 6. Paghu-husga sa paraanF. Nagmumuni-muni si Pepito kung nakakabuti ba ang pagkakaroon niya ng laptop.
_____7. Praktikal na paghuhusga sa pinili.G. Ngayon ay huhusgahan na niya kung alin ang pinakamabuting paraan. Dito pumapasok ang malayang pagpapasiya. Nawari ni Pepito na bibilhin ang nasabing laptop gamit ang kanyang ipon.
G 8. PagpiliH. Walang pag-aalinlangan ang kanyang kalooban na ilabas ang kanyang naipon na pera at binilang ito.
_____9. UtosI. Masaya si Pepito sa pagkakaroon ng laptop sa pamamagitan ng kanyang sariling ipon. Ngunit, kinakailangang magsumikap ulit ito na mag-impok para may gagamitin sa susunod na pasukan.
H 10. PaggamitJ. Binili ni Pepito ang laptop gamit ang kanyang naipon na pera.
_____11. Pangkaisipang kakayahan ng layuninK. Pinapalagay na ni Pepito sa kanyang isip ang kanyang gagawin sa katulad ng pagbibilang sa kanyang ipon, pagpipirma at pagtatago sa resibo etc.
_____12. BungaL. Ang isip ay kasalukuyang pumipili ng pinakamabuting paraan. Kung gagamitin niya ang kanyang ipon, kailangang magdoble- kayod at magsimula ulit siya na mag-ipon para sa susunod na pasukan. Kung nanakawin din niya ay baka mahuhuli rin siya, at mapapagalitan ito kung hihingi siya sa kanyang magulang ng pambili ng laptop.

Tala mula sa Guro

Iwasto ang iyong mga sagot. Tignan ang tamang kasagutan sa Susi ng Pagwawasto.

Gawain 3: Pag-iintindi at Pagpapaliwanag

Maaaring hindi tayo palaging may kamalayan sa mga yugtong ng makataong kilos o sa pagkasunod-sunod nito, ngunit mahalaga na malaman ang bawat yugto upang maging gabay sa bawat kilos sa araw-araw na buhay. Kinakailangang pag-aralang mabuti at timbangin ang bawat panig ng mga bagay- bagay upang makita kung alin ang mas makabubuti dahil dito nakasalalay ang anumang maaaring kahihinatnan nito.

Panuto: Ayon sa iyong pagkakaintindi, ipaliwanag ang mga yugto ng makataong kilos bilang 2-5 at 7-11. (18 puntos)

Batayan ng pagbibigay ng puntos: 2 puntosBatayan ng pagbibigay ng puntos: 1 puntos
Naaakma ang paliwanag ayon sa konsepto ng bawat yugto at sinagot ang aytem gamit ang pangungusap.Hindi masyadong naipaliwanag ang konsepto ng yugto at hindi kumpleto ang diwa ng pangungusap.
  1. Pagkaunawa sa layunin (simple apprehension of the good)
    Ang yugtong ito ay ang pagkakaroon ng tao ng pagkaunawa sa isang bagay na kanyang ninanais.


  2. Nais ng layunin. (a simple volition to acquire it)




  3. Paghuhusga sa nais makamtan (a judgement that the good is possible)




  4. Intensiyon ng layunin (an intention to achieve the object)




  5. Masusing pagsusuri ng paraan (an examination of these means)




  6. Paghuhusga sa paraan (consent of the will to these means)
    Sa yugto na ito nagbibigay ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng kilos-loob sa mga posibleng paraan upang makamit ang ninanais.


  7. Praktikal na paghuhusga sa pinili. (Deliberation of the fittest means)




  8. Pagpili (a choice of these means)




  9. Utos (Command: the ordering of the act)




  10. Paggamit (Active execution or performance)




  11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin (the exercise of these faculties or powers)




  12. Bunga (delectation of the will; satisfaction with achieving the end)
    Nagkakaroon ng kasiyahan sa sarili sa pagtatapos ng kilos o gawain. Ito ang resulta ng ginawang pagpapasya.


Gawain 4: Pag-iisip at Pag-uugnay

Panuto: Mag-isip ka ng isang karanasan sa iyong buhay na gumawa ka ng pagpapasiya na dumaan sa mga yugto ng makataong kilos. (12 puntos; 1 puntos bawat aytem)

[transcriber’s note: this table has no printed column headings; its header row is left empty]

1. Pagkaunawa sa layuninHal: Nais kong layuan ang mga dati kong kabarkada na mahilig lumiban sa klase
2. Nais ng layunin.Hal: Alam ko na ayon sa aking kalooban ay tama ito.
3. Paghuhusga sa nais makamtan
4. Intensiyon ng layunin
5. Masusing pagsusuri ng paraan
6. Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili.
8. Pagpili
9. Utos
10. Paggamit
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin
12. Bunga
Isaisip!
Gawain 5: Paglalahat

Panuto: Bilang paglalahat, kompletuhin ang pangungusap at mga bilang ng bawat aytem (1-12) ayon sa tamang pagkasunod-sunod nito.

A. Ang Makataong kilos (human act) ay kilos na _____


B. 12 na Yugto ng Makataong Kilos (Sto Tomas de Aquino)

[transcriber’s note: this table has no printed header row]

1Pagkaunawa sa layunin (simple apprehension of the good)
Paghuhusga sa paraan (consent of the will to these means)
Paggamit (Active execution or performance)
Praktikal na paghuhusga sa pinili (Deliberation of the fittest means)
3Paghuhusga sa nais makamtan (a judgement that the good is possible)
Nais ng layunin (a simple volition to acquire it)
Pagpili (a choice of these means)
Intension ng layunin (an intention to achieve the object)
5Masusing pagsusuri ng paraan (an examination of these means)
Utos (Command: the ordering of the act)
Bunga (delectation of the will; satisfaction with achieving the end)
11Pangkaisipang kakayahan ng layunin (the exercise of these faculties or powers)

C. Kinakailangang pag-aralang mabuti at timbangin ang bawat panig ng mga bagay-bagay upang_____-



Tala mula sa Guro

Sa A at C, 2 puntos bawat aytem; 2 puntos kung naaakma ang sagot ayon sa konsepto ng aralin, at kakikitaan ng diwa at kahulugan; 1 puntos kung hindi masyadong naipaliwanag ang konsepto at kung hindi kumpleto ang diwa ng pangungusap. Sa aytem B, 1 puntos bawat aytem.

Isagawa!
Gawain 6: Ang Pagpapasiya

Panuto: Kung sa nakaraang gawain ay naglahad ka ng isang karanasan na dumaansa mga yugto ng makataong kilos, ngayon naman ay mag-isip ka ng isang bagay na gusto mong makuha/nais mong gawin na pinag-iisipan o pinagpapasyahan mo pa lamang.

[transcriber’s note: this table has no printed header row]

1. Pagkaunawa sa layuninMagbigay ng isang bagay na gusto mo o nais mong gawin. (Halimbawa: Nais kong kausapin si Mama tungkol sa madalas ng pag-inom ng alak ng aking kapatid.) Sagot:
2. Nais ng layunin.Naayon ba ito sa iyong kalooban dahil ito ay mabuti? (Halimbawa: Oo.) Sagot:
3. Paghuhusga sa nais makamtanMay posibilidad ba na mangyari ang gusto mo? (Halimbawa: Oo.) Sagot:
4. Intensiyon ng layuninGusto mo ba talaga ito? Nais mo ba talaga itong mangyari? Sagot:
5.Masusing pagsusuri ng araanPaano mo ito magagawa/ paano mo ito makukuha? Sagot:
6. Paghuhusga sa paraanSinasang-ayunan ba ng iyong kalooban ang mga paraan na iyong iniisip? Ano ang paraan na hindi tinatanggap ng iyong kalooban sapagkat alam nito na mali ang paraan na ito? Sagot:

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

[transcriber’s note: this table has no printed header row]

7. Praktikal na paghuhusga sa pinili.Batay sa iyong masusing pag-iisip, ano ang mga pros at cons (advantage & disadvantage) ng mga iniisip mong paraan? Sagot:
8. PagpiliAno ang napili mong gawin na hindi tinututulan ng iyong isip at kalooban? Sagot:
Tayahin!

A. Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang numero. (3 puntos; 1 puntos bawat aytem)

_____1. Ang ideya ng mga 12 na yugto ng makataong kilos ay mula sa aral ni:

a. Rene Descartes b. Aristoteles c. Plato d. Sto. Tomas de Aquino

_____2. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito.

a. makataong-kilos b. tungkulin c. pananagutan d. kilos ng tao

_____3. Ang malayang pagpili ay nasa _____ na yugto ng makataong kilos.

a. ikaanim b. ikawalo c. ikaapat d. ikalima

B. Panuto: Suriin at ihanay ang mga yugto ng makataong kilos (Hanay A) sa mga description sa Hanay B. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang bilang. Sa aytem 1-6, piliin ang sagot mula sa A-F at sa G-L naman pipiliin ang sagot sa 7-12. (12 puntos; 1 puntos bawat aytem)

HANAY AHANAY B
_____1. Pagkaunawa sa layuninA. Ang pagsang-ayon ng kilos-loob ay magiging isang intension kaya nagkakaroon ang tao ng intension na makuha ang bagay na kanyang ninanais at kung paano ito makakamit.
_____2. Nais ng layunin.B. Sa yugto na ito hinuhusgahan ng isip ang posibilidad na maaaring makuha ang ninanais.
_____3. Paghuhusga sa nais makamtanC. Pinag-iisipan ng tao ang mga paraan upang makamit ang kanyang layunin
_____4. Intensiyon ng layuninD. Ito ang yugto ng pagsang-ayon ng kilos-loob kung ang nais ng isang tao ay mabuti. Nag-iisip dapat ang tao kung ang ninanais ba ay naaakma o may posibilidad.
_____5. Masusing pagsusuri ng paraanE. Tinutukoy ng hakbang na ito ang pagsang-ayon ng kilos loob sa mga posibleng paraan na upang makamit ang kayunin.
_____6. Paghuhusga sa paraanF. Ang yugto na ito ay ang pagkaunawa ng tao sa isang bagay na gusto o kanyang ninanais, masama man ito o mabuti.
_____7. Praktikal na paghuhusga sa pinili.G. Ang pagpili ng kilos-loob sa pamamaraan ng pagkamit ng layunin. Dito pumapasok ang malayang pagpapasiya.
_____8. PagpiliH. Sa yugto na ito tinitimbang ng isip ang pinakaangkop at pinakamabuting paraan.
_____9. UtosI. Sa yugto na ito ang pagbibigay ng utos mula sa isip na isagawa kung ano man ang intensiyon
_____10. PaggamitJ. Pagsasagawa ng utos ng kilos-loob gamit ang kakayahan ng pisikal na katawan at pakultad na kakanyahan ng tao.
_____11. Pangkaisipang kakayahan ng layuninK. Dito ginagamit na ng kilos-loob ang kanyang kapangyarihan sa katawan at sa mga pakultad meron ang tao upang isagawa ang kilos
_____12. BungaL. Ang resulta ng ginawang pagpapasya
Karagdagang Gawain

Sa puntong ito, inaasahan na naiintindihan mo ang bawat yugto ng makataong kilos. Sa mga panahon na masinsinan ang ginagawa mong pagpapasiya, alin sa mga yugto ang pinakamatagal na proseso para sa iyo? Bakit?

Batayan ng pagbibigay ng puntos: 3 puntosBatayan ng pagbibigay ng puntos: 2 puntosBatayan ng pagbibigay ng puntos: 1 puntos
Naibigay kung anong yugto ang pinakamatagal na proseso at nabigyan ng sapat na kadahilanan.Naibigay kung anong yugto ang pinakamatagal na proseso ngunit hindi sapat ang pagpapaliwanag kung bakit ito napili.Naibigay kung anong yugto ang pinakamatagal na proseso ngunit hindi ipinaliwanag kung bakit ito napili.





Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; its content is transcribed in upright reading order]

Tuklasin (Gawain 1)

[chart: flowchart; Tuklasin (Gawain 1)]

Arrows connecting the boxes are not transcribed.

YugtoBilang
Pagkaunawa sa layunin1
Paghuhusga sa paraan6
Paghuhusga sa nais makamtan3
Nais ng layunin2
Intension ng layunin4
Masusing pagsusuri ng paraan5
Praktikal na paghuhusga sa pinili7
Pagpili8
Utos9
Paggamit10
Pangkaisipang kakayahan ng layunin11
Bunga12
Subukin

A.

  1. D
  2. B
  3. A

B.

  1. D
  2. C
  3. B
  4. A
  5. B
  6. D
  7. A
  8. C
  9. A
  10. C
  11. D
  12. B
Pagyamanin (Gawain 2)

[transcriber’s note: several answer positions in this key are blank in the image]

  1. F
  2. A
  3. B
  4. E
  5. [illegible]
  6. L
  7. [illegible]
  8. K
  9. [illegible]
  10. J
  11. I
  12. [illegible]
Isaisip (Gawain 5)

[transcriber’s note: several answer positions in this key are blank in the image]

B.

  1. [illegible]
  2. 6
  3. 10
  4. 7
  5. [illegible]
  6. 2
  7. 8
  8. 4
  9. [illegible]
  10. 9
  11. 12
  12. [illegible]
Tayahin

A.

  1. D
  2. A
  3. B

B.

  1. F
  2. D
  3. B
  4. A
  5. C
  6. E
  7. H
  8. G
  9. I
  10. K
  11. J
  12. L

Sanggunian:

Brizuela, Mary Jean B, et al. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang. Modyul para sa mag-aaral. Unang Edisyon 2015.

Doyle, Robert O. The Information Philosopher. Thomas Aquinas. 2008. Accessed June 27, 2020. https://www.informationphilosopher.com/solutions/philosophers/aquinas/

Obstat, Nihil & D.J. Mcmahon, D.D. Elementary Course of Christian Philosophy, Chapter II Subjective Principles of Human Action. The Brothers of the Christian School. 1989.Accessed March 9, 2020. https://maritain.nd.edu/jmc/etext/cp40.htm

Polskie Towarzystwo Tomasza z Akwinu. N.D. A.*Act, Human.*Accessed March 9, 2020.https://www.google.com.ph/url?sa=t&source=web&rct=j&url=http://www.ptta.pl/pef/haslaen/a/acthuman.pdf&ved=2ahUKEwityc3mzaHqAhW8zYsBHfqAAxEQFjAPegQIBRAB&usg=AOvVaw22FQcGdu34g1DKpc4UHcPf

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For aspiring school heads

Aiming to lead a school?

Practice for the NASH with timed, situational questions written against the PPSSH and scored by depth of thinking. Free to start.

NASH Reviewer · practice for the National Assessment for School Heads