EsP 10 Quarter 2 Module 2: Mapanagutan sa Sariling Kilos

Grade 10 EsP Quarter 2 Module 2 explains intention, moral obligation, and the process of acting, and helps learners take responsibility for their actions.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 10 self-learning module for Quarter 2, Module 2: “Mapanagutan sa Sariling Kilos” (being responsible for one’s own actions). It was prepared by DepEd Cordillera Administrative Region for home learning. It helps learners judge when an action is good or bad, when they are obliged to act, and how much responsibility they carry for what they do.

On this page 7 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • Show that a human act (makataong kilos) is done deliberately and willed by a person using reason, so the person is responsible for whether it is right or wrong (MELC-5.3).
  • Examine their own actions that they must answer for, and find ways to act responsibly (MELC-5.4).

Lesson in this module

The module has one lesson, “Aralin 1 – Kilos Ko, Susuriin at Panagutan Ko!” (I will examine my actions and take responsibility for them). It opens with a reminder that the teenage years come only once. Every action and decision in this period should be thought through, because each one brings good or bad results later.

Key ideas of the module

Intention decides whether an act is good or bad

The module calls the intention layunin: the motive and personal reason of the person acting. Following Aristotle, it teaches that an act cannot be judged good or bad right away. Its goodness depends on why it was done.

The module’s example is helping others. Some people help with a sincere wish to give and expect nothing back. Others help to ask for a favor. To be good, an act must be good from its intention all the way to how it is carried out. Only the person acting truly knows his or her own intention.

When a person is obliged to act

Following Saint Thomas Aquinas (Santo Tomas), the module says not every good act is required. An act is obligatory only when not doing it would bring a bad result. Two examples from the module:

  • Your mother asks you to watch your sleeping younger sibling while she buys medicine, but a friend is waiting for your project. If you leave, the child could fall down the stairs. You are obliged to stay.
  • Not studying has bad results, because you will not gain the knowledge you need for future work.

A person is obliged to choose the higher good: the good of oneself and of others. This leads to the highest goal, the person’s return to the Creator.

The process of acting (Proseso ng Pagkilos)

The module ties a person’s degree of responsibility to four steps in acting. Something missing in this process can reduce responsibility.

  1. Paglalayon (setting the goal). Was the result part of what you intended? If you expected the bad effect, you are responsible. For example, if you refuse to lend your umbrella and your classmate gets sick, you may be blamed.
  2. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin (thinking of a way to reach the goal). Does the method fit the goal, or is it just a tool to get what you want? Example: treating a classmate who draws well to snacks so he will make your poster project.
  3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan (choosing the nearest way). Ask yourself: Were you free to choose? Did you think about the effects? Did you consider the common good, or only your own? Did you avoid the option that needed careful thought?
  4. Pagsasakilos ng paraan (carrying out the way). The plan is done willingly and with consent, which gives true responsibility. Example: a school cleanliness club succeeds because every member does his or her part.

How heavy the responsibility is

A balance diagram shows that the weight of responsibility matches the weight of willingness (voluntariness). The more knowledge and freedom a person had when acting, the greater the responsibility. The less knowledge and freedom, the lighter it is.

Activities in the module

  • Subukin (pretest): 15 items, multiple choice plus situations where learners name the wrong action. Several items use the case of Ginoong Tang, who gives cash aid to typhoon victims with election reminders on the envelopes.
  • Gawain 1: Balik Tanaw: list school actions that are kusang-loob (voluntary), walang kusang-loob (without will), and di kusang-loob (involuntary), with your responsibility for each.
  • Gawain 2: Mali mo, Tukoy Ko: a comic of Lea, Mia, and Bea cutting in line at the canteen.
  • Gawain 3: Pagsusuri: analyze three cases (Lucia peeking at the answer key, Joshua talking to a judge, Henry taking an umbrella), scored with a rubric.
  • Gawain 4: Pagsusuri sa Balita: a news story about more than 100 minors picked up for breaking Manila’s curfew under Ordinance No. 8547.
  • Gawain 5: write a two- to three-line saying that urges young people to be responsible, scored with a rubric.
  • Gawain 6 (Isaisip): fill in the blanks to complete the lesson’s main ideas.
  • Gawain 7: Kilos Ko, Pag-iisipan Ko: decide what to do when a best friend spreads lies about you, or when the top student in class uses a cheat sheet.
  • Tayahin (post-test) and Karagdagang Gawain: list wrong actions from the past week and what you should have done instead.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Write your answers on a separate sheet. Do not write on the module, so others can use it. Use the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher if anything is unclear.
  • Parents and guardians: Help your child keep to the order of the parts. Talk about the everyday situations in the module, such as cutting in line or curfew, so your child can connect them to real choices.
  • Teachers: Many items in the activities have no single correct answer. The key notes that answers to items 8 to 15 may differ, and it gives suggested answers. Use the printed rubrics to score Gawain 3 and Gawain 5.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 10 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 2, Module 2. Its topic is Mapanagutan sa Sariling Kilos (being responsible for one’s own actions).

What competencies does the module cover?

It covers MELC-5.3 and MELC-5.4. Learners show that a human act is deliberate and willed, so the person is responsible for it. They also examine their own actions and find ways to act responsibly.

According to the module, when is a person obliged to act?

Following Santo Tomas, an act is obligatory only when not doing it would bring a bad result. A person should always choose the higher good, which is the good of oneself and of others.

What are the four steps of the Proseso ng Pagkilos?

Paglalayon (setting the goal), pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin (thinking of a way to reach it), pagpili ng pinakamalapit na paraan (choosing the nearest way), and pagsasakilos ng paraan (carrying it out).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the multiple-choice tests and the fill-in activity. It also offers suggested answers for the situation items, noting that learners’ answers may vary.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mapanagutan sa Sariling Kilos

[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher helping students at a desk, and a boy with a lamp and a globe]

CO_Q2_Edukasyon sa Pagpapakatao 10_ Modyul 2

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mapanagutan sa Sariling Kilos Unang Edisyon, 2020

[transcriber’s note: the header on this page prints “Modyul 3”; the cover and other pages print “Modyul 2”]

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Mariciel A. Bagayao
Editor:Annie Rose B. Cayasen
Tagasuri:Erlinda C. Quinuan
Tagaguhit:Julius G. Takimpay
Tagalapat:Pepe M. Tabanao Jr.
Tagapamahala:May B. Eclar, Benilda M. Daytaca, Carmel F. Meris, Rosita C. Agnasi, Edgar H. Madlaing, Rizalyn A. Guznian, Sonia D. Dupagan, Erlinda C. Quinuan, Vicenta C. Danigos

Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________

Department of Education – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet Telefax: (074)-422-4074 E-mail Address: car@deped.gov.

10

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mapanagutan sa Sariling Kilos

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Aralin 1 – Kilos Ko, Susuriin at Panagutan Ko!

Ang panahon ng pagiging tinedyer ay minsan lang dumating sa buhay ng isang tao. Kapag lumipas, ay hindi na maaaring ibalik pa kaya hindi dapat na sayangin. Napakahalaga kung gayon na ang bawat kilos at pasiya sa panahong ito ay masusing pinag-iisipan dahil may maidudulot na masama o mabuting bunga sa hinaharap. Dito nangangailangan ng tiyak na batayan na siyang tutukoy sa iyong kilos kung tama o mali. Ngunit kailan ba masasabing mabuti at masama ang isang kilos? Dapat bang gawin ang lahat ng bagay na nagbibigay ng kabutihan? Kailan ba obligado ang isang tao na kumilos patungo sa kabutihan?

Sa tulong ng modyul na ito, malilinawan ka sa mga kasagutan sa mga tanong na ito.

Alamin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga:

  1. Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan o kamalian nito (MELC-5.3)
  2. Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos (MELC-5.4)

Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok. Handa ka na ba?

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel

_____ 1. Ayon kay Aristoteles, saan nakasalalay ang pagiging mabuti at masama ng isang kilos?

a. intensiyon kung bakit ginawa ang kilos b. paraan upang maisagawa ang kilos c. obligasyong gawin ang kilos d. pagkakataon kung kailan ginawa ang kilos

_____ 2. Sa mata ng tao, ang pagtulong sa kapwa ay laging mabuting kilos, kailan ito nagiging masama?

a. kung hindi ito kaaya-aya sa tumanggap ng tulong b. kung ang nilalayon sa pagtulong ay para sa pansariling kabutihan lamang c. kung walang layunin ang taong nagbibigay ng tulong d. kung walang kaalaman at malayang pagtanggap sa tumatanggap ng tulong

_____ 3. Ayon kay Sto. Tomas, kailan obligado ang taong gawin ang isang kilos?

a. kung mas nakakatulong ang kilos sa kapwa kaysa sa sarili b. kung maganda ang magiging bunga o kahihinatnan ng isang kilos c. kung magdadala ito ng kapanatagan ng loob d. kung ang hindi pagtuloy na gawin ito ay magdudulot ng masamang bunga

Para sa bilang 4-5: Suriin ang sitwasyon.

_____ 4. Ayon kay Aristotle, masasabi bang mabuti ang kilos na pagtulong ni Ginoong Tang? Bakit?

a. Mabuti ang kilos dahil kusa niyang ibinigay ang tulong at hindi hiningi sa kaniya b. Mabuti ang kilos dahil kahit natalo siya sa halalan ay hindi niya nagawang bawiin ang mga ibinigay c. Masama ang kilos dahil kung titingnan ang kaniyang intensiyon sa pagtulong ay para makakuha ng boto mula sa mga tinulungan d. Masama ang kilos dahil masama ang loob noong natalo sa halalan

_____ 5. Pinili ba ni Ginoong Tang ang mas mataas na kabutihan sa kaniyang ginawang pagbibigay ng tulong? Patunayan.

a. Hindi. Malinaw na pansariling interes ang intensiyon sa pagtulong b. Hindi. Hindi isinaalang-alang ang magandang paraan sa pagpapaabot ng tulong c. Oo. Nakatulong pa rin naman kahit na may mali sa intensiyon d. Oo. Natugunan niya ang pangangailangan ng kaniyang kapwa.

Para sa bilang 6-7: Piliin ang sagot sa mga pagpipilian sa kahon.

_____ 6. Ang pagbibigay ng pera ang naiisip ni Ginoong Tang upang makamit ang layuning manalo sa darating na eleksiyon. Anong hakbang sa Proseso ng Pagkilos ang hindi niya tinugunan?

Isa isang pinuntahan ni Ginoong Tang ang mga kabahayang nasalanta ng bagyo sa kanilang lugar upang ipaabot ang kaniyang tulong pinansyal. Malinaw sa sitwasyon na mabuti ang kaniyang ginagawa. Pero kapansin-pansin sa mga ibinigay na envelope, may nakasulat na paalala ng kaniyang pangalan para sa darating na halalan. Pagkatapos ng kaniyang pagkatalo ay hindi na siya nakikitang tumutulong sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.

a. Paglalayon b. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin c. Pagpili ng pinakamalapit na paraan d. Pagsasakilos ng paraan

_____ 7. Ang pagbibigay ng pera sa mga tao sa kanilang lugar ang pinakamadaling paraang napili upang manalo sa darating na eleksiyon. Anong hakbang sa Proseso ng Pagkilos ang hindi niya tinugunan?

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon at tukuyin ang kamalian sa kilos ng tauhan na dapat niyang panagutan. Ikaw ay mabibigyan ng dalawang puntos sa bawat aytem.

8-9. Lumayas ang iyong matalik na kaibigan sa kanilang bahay at sinabi nito na titira na sabahay ng kaniyang kasintahan. Lagi na lang daw siyang pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Mabuti pa daw ang mga magulang ng kaniyang kasintahan dahil sila ay mababait.

Maling Kilos: _____

10-11. Sinabi ng iyong mga magulang na ang kursong kukunin mo ay ang gusto nila dahil ayaw nila sa napili mong kurso. Wala kang nagawa kundi sumunod, lingid sa kaalaman ng iyong mga magulang na sa tambayan ng iyong mga barkada ang pinupuntahan mo at hindi sa paaralan. Katwiran mo, hindi ka masaya sa kurso mo kaya kahit na mabagsak ka sa lahat ng subjects mo.

Maling Kilos: _____

12-13. Nakalimutan mong dalhin ang iyong ballpen sa araw pa naman ng inyong pagsusulit. Kinuha mo ang ballpen na nasa isang upuan kahit alam mong gagamitin ito ng may-ari. Katwiran mo hindi maaaring ikaw ang hindi makakuha ng pagsusulit sa araw na iyon.

Maling Kilos: _____

14-15. Sumama ka sa iyong mga barkada para maglaro ng basketball at iyon ang paalam mo sa iyong mga magulang pero iba pala ang pinuntahan ninyo. Sa isang party dumiritso ang iyong mga kaibigan. Hindi mo rin inaasahan na sila ay mag-inuman at manigarilyo. Wala ka ng magagawa kundi sumama at makisama sa ginagawa nila kahit na alam mong nakasasama ito sa katawan.

Maling Kilos: _____

Balikan

Sa Aralin 1 ng ating modyul, natutunan mo na ang imahe ng isang tao ay laging nakasalalay sa kanyang mga kilos. Naintindihan mo din ang kahalagahan ng pag-unawa sa bawat makataong kilos mo bilang isang tao at ang pananagutang kaakibat nito.

GAWAIN 1: Balik Tanaw

Panuto: Makikita sa ibaba ang tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan na ating pinag-aralan sa nakaraang modyul. Mag-isip ng mga nagawang kilos sa loob ng paralan at isulat sa mga kahon ayon sa hinihiling nito.

[chart: flowchart; GAWAIN 1: Balik Tanaw]

  • KUSANG-LOOB → Nagawang kilos:
  • WALANG KUSANG-LOOB → Nagawang kilos:
  • DI KUSANG-LOOB → Nagawang kilos:

[chart: three linked boxes with downward arrows, each reading “Pananagutan ko sa aking nagawang kilos:”]

Tanong:

  1. Ano ang naramdaman mo habang sinasagot ang Gawain?
  2. Nasiyahan ka ba sa mga kilos na isinulat mo? Bakit?

Tuklasin

GAWAIN 2: Mali mo, Tukoy Ko

Panuto: Basahin ang usapan ng mga mag-aaral sa canteen. Tukuyin ang tama at maling kilos ng mga tauhan.

[illustration: four-panel comic of students at a school canteen]

Oras na ng recess. Ang magkaibigang Lea at Mia ay nagmamadali para sa susunod nilang klase.

Malalate na tayo!

Mia, tignan mo!

Ang haba ng pila!

Teka, ayon si Bea malapit na sa counter!

Nilapitan ng dalawa si Bea, isa nilang kamag-aral.

Psst Bea, pasingit naman sa pila.

O sige, huwag ka lang pahalata

Nakakahiya sa mga nakasunod sa pila. Doon na lang ako sa likod.

Oh sige, ikaw bahala. Basta ako di nako makatiis.

Sagutin Mo:
  1. Ano ang napansin mo sa kilos nina Lea, Bea, at Mia ?
  2. Sino sa mga tauhan ang nagpakita ng tamang kilos? Bakit?
  3. Sino sa mga tauhan ang nagpakita ng maling kilos? Bakit?

Kailan mo masasabing tama o mali ang kilos ng tao? Ipaliwanag

Suriin

Sa paggawa ng isang kilos o aksiyon, nararapat na lagi itong tumutungo sa kabutihan. Walang ibang dapat sisihin kung ang iyong ikinilos ay mali dahil ito ay nararapat na pinag-isipan. Nararapat kung gayon ang masusing pag iisip at sa pagbuo ng ating pasya, mahalaga ang magkaroon ng batayan sa kabutihan upang higit na mapili ang tama at mabuti.

I. Layunin: Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos

Ang layunin ay kumakatawan sa mismong motibo at personal na intensyon ng taong gumagawa ng kilos. Ayon kay Aristotle, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ipinapahayag nito na ang pagiging mabuti at masama ng isang kilos ay nakasalalay sa intensiyon o dahilan kung bakit ginawa ito. Dito magkaroon ng pagkakaiba ang tao sa pagsasagawa ng isang kilos.

Halimbawa, may mga tao na tumutulong sa kanilang kapwa sa iba’t ibang dahilan. Ang iba ay may tunay at malinis na intensiyong talagang tumulong nang walang kapalit, samantalang ang iba naman ay upang humingi ng pabor.

Samakatwid, upang maituring na mabuti ang isang kilos, kailangang mabuti ito mula sa intensiyon hanggang sa pagsasagawa nito. Ang tanging tao na nakakaalam sa intensiyon ng kaniyang kilos ay ang kaniyang sarili mismo.

II. Makataong Kilos at Obligasyon

Sa lahat ba ng pagkakataon ay obligado ang tao na kumilos tungo sa kabutihan? Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang kilos o gawa ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay magdudulot ng masamang bunga.

Halimbawa, ipinagbilin ng iyong nanay na bantayan mo saglit ang iyong nakababatang kapatid na natutulog dahil bibili lang siya ng gamot sa bayan pero naghihintay na ang iyong kaibigan para sa gagawin ninyong

proyekto. Kung iwanan mo siya maaaring mahulog sa hagdan pag nagising siya. At kung iyong babantayan habang wala muna ang iyong nanay, makasisiguro kang maayos ang kaniyang kalagayan.

May masama kayang bunga kung hindi ka mag-aaral? Mayroon, dahil maaaring maging sanhi ng iyong kapahamakan sa maraming bagay. Ang kaalaman sa isang gawain na kailangan sa hanapbuhay na iyong papasukan ay hindi makakamtam.

Obligadong piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan-ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na layunin- ang pagbabalik niya sa Lumikha.

III. Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos

Ayon kay Aristotle, ang kapanagutan ng isang tao sa kalalabasan ng ginawang kilos ay may kabawasan maliban lamang kung may kulang sa proseso ng pagkilos.

[chart: cycle diagram; untitled, with center label “Proseso ng pagkilos”; labels as printed: “Paglalayon” (top), “Pag-isip ng paraan na makatarungan” (right), “pagpili ng pinakamalapit na parran” (bottom), “Pagsasakilos ng paraan” (left)]

Makikita sa ibaba ang apat na elemento sa prosesong ito.

  1. Paglalayon. Kasama ba sa iyong layunin ang kinalabasan ng iyong kilos?

Kung inaasahan ng taong gumawa sa kilos ang masamang epekto ng kaniyang gagawing kilos, siya ay may kapanagutan sa kilos.

Halimbawa: Kung ang hindi mo pagpapahiram ng payong sa iyong kaklase ay naging sanhi ng kaniyang pagkakasakit, maaaring isisi sa iyo ang kaniyang pagkakasakit.

  1. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin. Tugma ba ang paraan sa pagkamit ng layunin? Kasangkapan lang ba ito sa pag-abot ng naisin?

Sa prosesong ito, kinakailangan gamitin ang tamang kaisipan at katuwiran sa pagsasagawa ng isang kilos.

Halimbawa: Inilibre mo ng meryenda ang kaklase mong magaling mag- drawing upang siya na ang gagawa sa poster na proyekto mo sa isang asignatura.

  1. Pagpili ng pinakamalapit na paraan. Sa yugtong ito, tanungin mo ang iyong sarili:
  • Malaya ka ba sa pagpili mula sa mga opsiyon?
  • Isinaalang-alang mo ba ang maaaring epekto nito?
  • Isinaalang-alang mo ba ang kabutihang panlahat o pansariling kabutihan lamang?
  • Iniwasan mo ba ang opsiyon na nangangailangan ng masusing pag-iisip?
  1. Pagsasakilos ng paraan. Sa yugtong ito, isasagawa ang pamamaraan upang makamit ang layunin nang may pagkukusa at pagsang-ayon na siyang magbibigay ng tunay na kapanagutan sa kumikilos.

Halimbawa: Isang organisasyon ang inyong binuo sa paaralan na may kinalaman sa pagpapanatili ng kalinisan. Mula sa paglikom ng mga kagamitan gaya ng walis at basurahan hanggang sa pagkumbinsi sa mga mag-aaral na maging bahagi sa programa. Ang layuning mapanatili ang kalinisan sa paaralan ay matagumpay dahil lahat ng mga miyembro ng organisasyon ay nagbahagi ng kanilang makakaya na makibahagi sa lahat ng mga gawain.

Saan nakabatay ang bigat ng pananagutan sa isang sitwasyon?

[chart: balance diagram with two arrows on a horizontal beam; untitled; labels as printed: “Bigat (degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos” (upper arrow); “Bigat (degree) ng kagustuhan o pagkukusa (willfullness o voluntariness)” (lower arrow)]

Mula sa diyagram, makikita natin na ang pananagutan ng isang tao sa ginawang kilos ay nakasalalay sa kalayaan o pagkukusa niyang gawin ito. Sa madaling salita, kung mas malawak ang kaalaman at kalayaan noong ginawa ang kilos, mas mataas ang digri ng pananagutan. Kung mas mababa ang digri ng kaalaman at kalayaan noong ginawa ang kilos mas mababaw naman ang digri ng pananagutan.

Pagyamanin

GAWAIN 3: Pagsusuri

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon at sagutin ang hinihingi ng bawat tanong sa hanay. Ang pamantayan sa pagbibigay ng iskor ay nakasulat sa baba ng gawain.

SitwasyonAlin sa ginawa ng tauhan ang nagpapakita ng makataong kilos?May kaakibat bang pananagutan ang taong nagsagawa sa kilos? Bakit Oo at bakit Hindi?Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang iyong gagawin upang maging mapanagutan sa iyong pagkilos?

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

SitwasyonAlin sa ginawa ng tauhan ang nagpapakita ng makataong kilos?May kaakibat bang pananagutan ang taong nagsagawa sa kilos? Bakit Oo at bakit Hindi?Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang iyong gagawin upang maging mapanagutan sa iyong pagkilos?
1. Nais ni Lucia na makuha ang pinakamataas na score sa kanilang pagsusulit kaya noong lumabas ang guro ay tiningnan niya ang key answer na nasa ibabaw ng mesa ng kanilang guro. Alam niyang sa gagawin niya mahihigitan niya ang pinakamagaling nilang kaklase.
2. Nais ni Joshua na manalo sa paligsahan sa paggawa ng poster kaya kinausap niya ang kakilalang magiging hurado sa patimpalak upang masiguradong mananalo siya. Nakita niyang higit na malikhain ang pagkagawa ng kapwa niya kalahok pero hindi rin niya sasayangin ang pagkakataong manalo ng malaking premyo.
3. Nagmamadaling makauwi si Henry pero malakas ang ulan kaya kinuha niya ang payong ng kaniyang kaklase ng walang paalam. Alam niyang mapipilitang uuwi ang kaniyang kaklase kahit na mababasa sa ulan.
Napakahusay 10Mahusay 8Nalilinang 5Nagsisimula 2
Lahat ng mga kasagutan na naibigay ay makatotohanan at makatuwiranMay isang kasagutan na naibigay ang hindi makatotohanan at makatuwiranMay dalawang kasagutan na naibigay ang hindi makatotohanan at makatuwiranMay higit sa dalawa na kasagutan na naibigay ang hindi makatotohanan at makatuwiran

Pamantayan sa pagbibigay ng iskor sa Gawain 3

GAWAIN 4: Pagsusuri sa Balita

Panuto: Basahin ang sumusunod na artikulo o balita at suriin ito kung ang mga kilos na ipinakita ng tauhan ay mapanagutan o hindi. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan

HIGIT 100 KABATAAN DINAMPOT DAHIL SA PAGLABAG SA CURFEW SA MAYNILA

Sinulat ni Lyn Montaño

MAYNILA- Dinampot ng mga awtoridad sa magdamag ang higit 100 kabataan dahil sa paglabag sa mas pinaigting na pagpapatupad ng curfew sa Maynila.

Sa ilalim ng Ordinace No. 8547, ipinagbabawal ang paggala ng mga may edad 17 pababa sa mga pampublikong lugar simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Sa Sta. Cruz, isinakay sa mobile ng barangay ang mga nahuling kabataan. Nasasangkot umano sa gulo ang ilang kabataan kapag nasa labas, ayon sa ilang opisyal.

Dagsa naman sa Raxabago Police Station sa Tondo ang mga magulang ng mahigit 100 lalaki at babae na dinampot dahil sa curfew.

Katuwiran ng ilang magulang, inutusan lang nila ang mga anak na bumili ng gamot o pagkain. Ilan naman sa mga kabataan ay nahuli sa mga computer shop at tambayan.

Aminado rin ang ilang magulang na kagabi lang nila nalaman ang kautusan ng Manila City Hall, pero noong isang taon pa inilabas ang ordinansa ukol sa curfew.

Katanungan:

a. Ano-ano ang mga maling kilos ang ipinakita sa sitwasyon?


b. Dapat ba talagang managot ang may gawa ng kilos? Bakit?


c. Ano ang maaaring gawin ng mga tauhan upang maitama ang maling kilos?


GAWAIN 5:

Panuto: Bumuo ng isang kasabihan o sawikain na binubuo ng dalawa hanggang tatlong linya na humihikayat sa iyong kapwa kabataan na maging mapanagutan sa kanilang kilos. Ilagay ito sa loob ng hugis puso.

[illustration: blank heart outline for writing a saying]



Pamantayan sa Gawain 5:

10864
Ang sagot ay orihinal at ang mensahe ay lubos na nagpapatunay ng kapanagutan sa kamalian o kawastuhan ng kilos na ginawa. Ang pagkasulat ay malinis at ang pagpantig sa mga salita ay tamaAng sagot ay orihinal at ang mensahe ay hindi lubos na nagpapatunay ng kapanagutan sa kamalian o kawastuhan ng kilos na ginawa Ang pagkasulat ay may kaunting bura at may mali sa pagpantigAng sagot ay hindi orihinal at ang mensahe ay hindi lubos na nagpapatunay ng kapanagutan sa kamalian o kawastuhan ng kilos na ginawa Ang pagkasulat ay may 2 bura at maling pantig na salitaAng sagot ay pawing hindi orihinal o ito ay kinopya lamang at ang mensahe ay hindi nagpapatunay ng kapanagutan sa kamalian o kawastuhan ng kilos na ginawa Ang pagkasulat ay marumi at may 3 o higit pang salita na mali ang pantig
Isaisip
GAWAIN 6:

Panuto: Punan ng wastong salita ang mga patlang upang mabuo ang mga konsepto ng aralin. Piliin ang sagot sa mga pagpipilian sa kahon.

piliin obligado kapwa nahuhusgahan layunin kabutihan bunga sarili

  1. Hindi agad _____ ang pagiging masama o mabuti ng isang makataong kilos hangga’t malalaman ang _____ kung bakit isinagawa ito.
  2. _____ ang tao na isagawa ang isang kilos kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang _____. Dapat laging _____ ng tao ang mas mataas na _____ – ang kabutihan ng _____ at ng _____.
Isagawa
GAWAIN 7: Kilos Ko, Pag-iisipan Ko

Panuto: Sa bawat kilos anuman ang kalalabasan nito, walang ibang dapat sisihin kundi ikaw mismo. Bilang tao, hindi natin hangad ang masamang bunga ng ating piniling kilos kaya’t nararapat ang masusing pag-iisip at sa pagbuo ng bawat pasya. Kung mahaharap ka sa mga sitwasyon sa ibaba, ano ang dapat mong gawin? Ipaliwanag.

  1. Nalaman mong sinisiraan ka ng iyong matalik na kaibigan dahil naiinggit siya sa iyong pagkapanalo sa isang patimpalak na sinalihan ninyong dalawa.



  1. Nakita mong may kodigo ang pinakamagaling ninyong kaklase habang kayo ay kumukuha ng pagsusulit.



Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Ayon kay Aristoteles, saan nakasalalay ang pagiging mabuti at masama ng isang kilos? a. intensiyon kung bakit ginawa ang kilos b. paraan upang maisagawa ang kilos c. obligasyong gawin ang kilos d. pagkakataon kung kailan ginawa ang kilos

_____ 2. Sa mata ng tao, ang pagtulong sa kapwa ay laging mabuting kilos, kailan ito nagiging masama? a. kung hindi ito kaaya-aya sa tumanggap ng tulong b. kung ang nilalayon sa pagtulong ay para sa pansariling kabutihan lamang c. kung walang layunin ang taong nagbibigay ng tulong d. kung walang kaalaman at malayang pagtanggap sa tumatanggap ng tulong

_____ 3. Ayon kay Sto. Tomas, kailan obligado ang taong gawin ang isang kilos? a. kung mas nakakatulong ang kilos sa kapwa kaysa sa sarili b. kung maganda ang magiging bunga o kahihinatnan ng isang kilos c. kung magdadala ito ng kapanatagan ng loob d. kung ang hindi pagtuloy na gawin ito ay magdudulot ng masamang bunga

Para sa bilang 4-7: Suriin ang sitwasyon.

_____ 4. Ayon kay Aristotle, masasabi bang mabuti ang kilos na pagtulong ni Ginoong Tang? Bakit? a. Mabuti ang kilos dahil kusa niyang ibinigay ang tulong at hindi hiningi sa kaniya b. Mabuti ang kilos dahil kahit natalo siya sa halalan ay hindi niya nagawang bawiin ang mga ibinigay c. Masama ang kilos dahil kung titingnan ang kaniyang intensiyon sa pagtulong ay para makakuha ng boto mula sa mga tinulungan d. Masama ang kilos dahil masama ang loob noong natalo sa halalan

_____ 5. Pinili ba ni Ginoong Tang ang mas mataas na kabutihan sa kaniyang ginawang pagbibigay ng tulong? Patunayan. a. Hindi. Malinaw na pansariling interes ang intensiyon sa pagtulong b. Hindi. Hindi isinaalang-alang ang magandang paraan sa pagpapaabot ng tulong c. Oo. Nakatulong pa rin naman kahit na may mali sa intensiyon d. Oo. Natugunan niya ang pangangailangan ng kaniyang kapwa.

Para sa bilang 6-7: Piliin ang sagot sa mga pagpipilian sa kahon

_____ 6. Ang pagbibigay ng pera ang naiisip ni Ginoong Tang upang makamit ang layuning manalo sa darating na eleksiyon. Anong hakbang sa Proseso ng Pagkilos ang hindi niya tinugunan?

Isa isang pinuntahan ni Ginoong Tang ang mga kabahayang nasalanta ng bagyo sa kanilang lugar upang ipaabot ang kaniyang tulong pinansyal. Malinaw sa sitwasyon na mabuti ang kaniyang ginagawa. Pero kapansin-pansin sa mga ibinigay na envelope, may nakasulat na paalala ng kaniyang pangalan para sa darating na halalan. Pagkatapos ng kaniyang pagkatalo ay hindi na siya nakikitang tumutulong sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.

a. Paglalayon b. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin c. Pagpili ng pinakamalapit na paraan d. Pagsasakilos ng paraan

_____ 7. Ang pagbibigay ng pera sa mga tao sa kanilang lugar ang pinakamadaling paraang napili upang manalo sa darating na eleksiyon. Anong hakbang sa Proseso ng Pagkilos ang hindi niya tinugunan?

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon at tukuyin ang kamalian sa kilos ng tauhan na dapat niyang panagutan. Ikaw ay mabibigyan ng dalawang puntos sa bawat aytem.

8-9. Lumayas ang iyong matalik na kaibigan sa kanilang bahay at sinabi nito na titira na sa bahay ng kaniyang kasintahan. Lagi na lang daw siyang pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Mabuti pa daw ang mga magulang ng kaniyang kasintahan dahil sila ay mababait.

Maling Kilos:


10-11. Sinabi ng iyong mga magulang na ang kursong kukunin mo ay ang gusto nila dahil ayaw nila sa napili mong kurso. Wala kang nagawa kundi sumunod, lingid sa kaalaman ng iyong mga magulang na sa tambayan ng iyong mga barkada ang pinupuntahan mo at hindi sa paaralan. Katwiran mo, hindi ka masaya sa kurso mo kaya kahit na mabagsak ka sa lahat ng subjects mo.

Maling Kilos:


12-13. Nakalimutan mong dalhin ang iyong ballpen sa araw pa naman ng inyong pagsusulit. Kinuha mo ang ballpen na nasa isang upuan kahit alam mong gagamitin ito ng may- ari. Katwiran mo hindi maaaring ikaw ang hindi makakuha ng pagsusulit sa araw na iyon.

Maling Kilos:


14-15. Sumama ka sa iyong mga barkada para maglaro ng basketball at iyon ang paalam mo sa iyong mga magulang pero iba pala ang pinuntahan ninyo. Sa isang party dumiritso ang iyong mga kaibigan. Hindi mo rin inaasahan na sila ay mag-inuman at manigarilyo. Wala ka ng magagawa kundi sumama at makisama sa ginagawa nila kahit na alam mong nakasasama ito sa katawan.

Maling Kilos:


  1. Sa mata ng tao, ang pagtulong sa kapwa ay laging mabuting kilos, kailan ito nagiging masama?
    a. kung hindi ito kaaya-aya sa tumanggap ng tulong
    b. kung ang nilalayon sa pagtulong ay para makahingi ng pabor
    c. kung walang kaalaman at pagkukusa sa taong nagbibigay ng tulong
    d. kung walang kaalaman at malayang pagtanggap sa tumatanggap ng tulong

_____ 2. Ayon kay Sto. Tomas, kailan obligado ang taong gawin ang isang kilos? a. Kung mas nakakatulong ang kilos sa kapwa kaysa sa sarili b. Kung maganda ang magiging bunga o kahihinatnan ng isang kilos c. Kung magdadala ito ng kapanatagan ng loob d. Kung ang hindi pagtuloy na gawin ito ay magdudulot ng masamang bunga

_____ 3. Ayon kay Aristoteles, saan nakasalalay ang pagiging mabuti at masama ng isang kilos? a. intensiyon kung bakit ginawa ang kilos b. paraan upang maisagawa ang kilos c. obligasyong gawin ang kilos d. pagkakataon kung kailan ginawa ang kilos

Para sa bilang 4-5: Suriin ang sitwasyon.

Isa isang pinuntahan ni Ginoong Tang ang mga kabahayang nasalanta ng bagyo sa kanilang lugar upang ipaabot ang kaniyang tulong pinansyal. Malinaw sa sitwasyon na mabuti ang kaniyang ginagawa. Pero kapansin-pansin sa mga ibinigay na envelope, may nakasulat na paalala ng kaniyang pangalan para sa darating na halalan. Pagkatapos ng kaniyang pagkatalo ay hindi na siya nakikitang tumutulong sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.

_____ 4. Pinili ba ni Ginoong Tang ang mas mataas na kabutihan sa kaniyang ginawang pagbibigay ng tulong? Patunayan. a. Hindi. Malinaw na pansariling interes ang intensiyon sa pagtulong b. Hindi. Hindi isinaalang-alang ang magandang paraan sa pagpapaabot ng tulong c. Oo. Nakatulong pa rin naman kahit na may mali sa intensiyon d. Oo. Natugunan niya ang pangangailangan ng kaniyang kapwa

_____ 5. Ayon kay Aristotle, masasabi bang mabuti ang kilos na pagtulong ni Ginoong Tang? Bakit? a. Mabuti ang kilos dahil kusa niyang ibinigay ang tulong at hindi hiningi sa kaniya b. Mabuti ang kilos dahil kahit natalo siya sa halalan ay hindi niya nagawang bawiin ang mga ibinigay c. Masama ang kilos dahil kung titingnan ang kaniyang intensiyon sa pagtulong ay para makakuha ng boto mula sa mga tinulungan d. Masama ang kilos dahil masama ang loob noong natalo sa halalan

Para sa bilang 6-7: Piliin ang sagot sa mga pagpipilian sa kahon

a. Paglalayon b. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin c. Pagpili ng pinakamalapit na paraan d. Pagsasakilos ng paraan

_____6. Ang pagbibigay ng pera sa mga tao sa kanilang lugar ang pinakamadaling paraang napili upang manalo sa darating na eleksiyon. Anong hakbang sa Proseso ng Pagkilos ang hindi niya tinugunan?

_____ 7. Ang pagbibigay ng tulong pinansyal ang naiisip ni Ginoong Tang upang makamit ang layuning manalo sa darating na eleksiyon. Anong hakbang sa Proseso ng Pagkilos ang hindi niya tinugunan?

Karagdagang Gawain

Panuto: Alalahanin ang mga kilos sa loob ng nakaraang isang linggo. Magtala ng tatlong mga kilos o gawaing sa iyong palagay ay mali mong isinagawa. Isulat sa tapat nito ang nararapat mong ginawa upang naging tama ang iyong kilos.

Maling KilosNararapat na kilos upang hindi mali ang ikinilos/nagawa
1.
2.
3.
4.
5.
Suriin
  1. B 5. C
  2. D 6. D
  3. A 7. B
  4. A

Para sa sagot sa bilang 8-15, maaaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.

Tayahin
  1. A 2. B 3. D 4. C 5. A
Gawain 4
  1. nahuhusgahan/layunin
  2. obligado/bunga
  3. piliin/ kabutihan/sarili/kapwa
Suriin
  1. A 5. A
  2. B 6. B
  3. D 7. C
  4. C

Suhestiyon na sagot sa bilang 8-15:

8-9. Ang ginawang paglayas sa kanilang bahay 10-11. Ang pagsama sa mga barkadang tumambay imbes na pumasok sa paaralan 12-13. Ang pagkuha sa ballpen ng iba kahit na walang ibang magagamitin ang may-ari nito 14-15. Ang pakikisama sa barkada sa masamang gawain

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the heading “Susi sa Pagwawasto” is printed upside down at the bottom of the page; the page number and running footer are also printed upside down and are omitted]

Mga Sanggunian

Aklat

Brizuela, MJ B. et al. Edukasyon sa Pagpapakatao (Meralco Avenue, Pasig City: FEP Printing Corporation, 2015), 92-96

Hsieh, DM. “Aristotle on Moral Responsibility” Accessed August 14, 2020. https://enlightenment.supersaturated.com/essays/text/dianamertzhsieh/aristotle_responsibility.html

Punsalan, TG. Et al. Kaganapan sa Maylalang (Sta. Mesa Heights, Quezon City: Rex Printing Company, Inc., 2007)

Montano, L. (2019). Higit 100 bata dinampot sa Maynila | DZIQ Radyo Inquirer 990AM

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district