Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating magaaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng magaaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Ang kalayaan ang nagbibigay sa tao ng kakayahang pumili ng mga gagawin nila sa buhay, mga pasiya, atat mga reaksiyon sa mga pangyayari sa paligid na may kaakibat na pananagutan. Marahil narinig mo na ng ilang beses na
sinasabi ng ibang tao ang mga dahilan na ito: “tao lang ako normal lang na ako ay nagkakamali”, “alam kung mali ang ginagawa ko ngunit hindi ko sinasadya ang bawat kilos ko”, at “hindi ko nais na masakatan ang damdamin ng ibang tao”. Sa mga dahilan na ito, naisip mo ba na may
kakayahan ba talaga ang tao na makita ang kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasiya? Makakatulong ang modyul na ito upang masagot ang mga tanong na ito. Nakahanda ka na ba?
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. Naipapaliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa panunugatan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasiya.
2. Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, gawi at mga reaksiyon sa mga pangyayari sa paligid na may kaakibat na pananagutan.