This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 9 self-learning module for the second quarter (Ikalawang Markahan), Module 1: “Karapatan at Tungkulin ng Tao” (human rights and duties). It was prepared by DepEd Region IX as an Alternative Delivery Mode (ADM) module, first edition, 2020, for learners studying at home. After working through it, learners should be able to name human rights and their matching duties, spot rights violations around them, and act to correct those violations.
The module opens with a line from the movie Spiderman: “With great power comes great responsibility.” It uses this line to explain its main message. Every right we are given comes with a responsibility, or tungkulin (duty).
On this page 6 sections
What learners will learn
The module lists four learning competencies (Kasanayang Pampagkatuto):
- 5.1 (EsP9TT-IIa-5.1): Identify human rights and duties.
- 5.2 (EsP9TT-IIa-5.2): Analyze human rights violations that happen in the family, the barangay or community, and society or the nation.
- 5.3 (EsP9TT-IIb-5.3): Show that rights have true meaning only when people do their duty. That duty is to use reason to recognize and understand that all people have equal dignity.
- 5.4 (EsP9TT-IIb-5.4): Take fitting action to correct human rights violations they have done or seen in the family, school, barangay or community, and society or the nation.
Parts of the module
The module is one lesson, organized into the usual self-learning module parts:
| Part | What it contains |
|---|---|
| Alamin (learn) | Introduction and learning competencies |
| Subukin (pretest) | 5 multiple-choice questions |
| Balikan (review) | Recalls the previous lesson on lipunang sibil (civil society); learners list protests or similar actions they have heard about, with the issue, organization, and date |
| Tuklasin (discover) | A seed-and-leaves activity where learners write what they consider their rights |
| Suriin (analyze) | The main discussion of dignity, rights, and duties |
| Pagyamanin (enrich) | A Venn diagram linking rights, duties, and dignity |
| Isaisip (remember) | A chart of rights and the ways each one is violated |
| Isagawa (apply) | Deciding on the right action in three situations |
| Tayahin (assess) | 15-item multiple-choice post-test |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | A weekly plan of duties to perform |
| Susi sa Pagwawasto | Answer key |
Key ideas: dignity, rights, and duties
Dignity is the source of rights. The module teaches that people have greater worth than the rest of creation because they are made in the image and likeness of God. This worth is called dignidad (dignity). It is the strongest reason why every person has rights. The word comes from the Latin “dignitatis,” meaning worthiness.
A right is a moral power. Karapatan (right) refers to principles that guide how a person treats others and how they see their own dignity. It is called a kapangyarihang moral (moral power) because using rights can bring happiness, peace, and unity.
A duty is a moral obligation. Tungkulin (duty) means the things a person is expected to do or carry out. Doing your duty to do good for others brings happiness and fulfillment as a person.
The module gives an example. Women once had no place in politics but were later given the right to lead. With that right comes the expectation to govern and serve well.
Rights and their matching duties
The module pairs six rights with the duties that come with them:
| Right | Duty that comes with it | Module’s example |
|---|---|---|
| To live | Take care of oneself; parents take care of their children | A pregnant mother cares for herself to keep her baby safe |
| To own private property | Acquire property legally, make it grow, and use it to help others and develop the community | Giving food, clothes, or money to flood victims |
| To marry or have a family | Take care of the family | Being a good example to the children, avoiding scandal, and living out virtues as a family |
| To religion | Respect other religions and ways of worship | |
| To work | Earn a living honestly, work hard, and show excellence in any task | |
| To travel to other places | Respect private boundaries and the limits of one’s own freedom, and obey the laws of other places or countries |
Rights that can be violated
In Isaisip, learners fill in a chart with violations of eight rights. The module gives abortion as the example for the first right. The rights are:
- The right to life and freedom from bodily harm
- The right to basic needs for a decent life: food, clothing, shelter, education, health care, help when unemployed, and help in old age
- The right to freely express opinions and information
- The right to choose one’s religion and follow one’s conscience
- The right to choose a profession
- The right to move freely to live in another place
- The right to take an active part in public activities or projects
- The right to equal protection of the law against violations of these rights
How to use this module
- Learners: Start with Subukin to see what you already know, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper, not on the module, so others can use it after you. Check your answers against the answer key honestly. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
- Parents and guardians: The module is meant for learning at home with your guidance. Help your child think through the situations in Isagawa, such as a classmate with a disability being teased, and the weekly duty plan in Karagdagang Gawain.
- Teachers: The pretest shows whether a learner needs extra help, and Tayahin measures what was learned. The Balikan part includes a teacher’s note asking you to share an example linking the previous lesson to this one.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 9 Edukasyon sa Pagpapakatao, second quarter (Ikalawang Markahan), Module 1.
What does Karapatan at Tungkulin ng Tao mean?
It means human rights and duties. The module teaches that every right comes with a matching duty.
What is the difference between a right and a duty in this module?
A right (karapatan) is called a moral power that guides how a person treats others and their own dignity. A duty (tungkulin) is what a person is expected to do or carry out, and the module calls it a moral obligation.
Where do human rights come from, according to the module?
The module says rights come from human dignity. People have dignity because they are made in the image and likeness of God.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the 5-item pretest, the 15-item post-test, and a sample rights-and-duties table.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Markahan – Modyul 1: Karapatan at Tungkulin ng Tao
9
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Karapatan at Tungkulin ng Tao
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q2_EsP9_Modyul1
EsP – Grade 9 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Karapatan at Tungkulin ng Tao Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: April Joy I. Delos Reyes, Jonathan Gilbert E. Cruz Editor: Reyna Joyce B. Barutu, Filma B. Catalan Tagasuri: Violeta M. Sta. Elena, Aimee A. Torrevillas Tagaguhit: Aljohn Kent S. Galos, Edgardo P. Jamilar Jr. Tagalapat: Philip Marcel R. Mapa, Aljohn Kent S. Galos, Marvin DJ. Villafuerte Tagapamahala: Ruth L. Fuentes, Eugenio B. Penales, Sonia D. Gonzales, Julieto H. Fernandez, Henry R. Tura, Elsa A. Usman
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph
[transcriber’s note: inside title page repeats the cover text]
9
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Karapatan at Tungkulin ng Tao
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a button in a circle]
“With great power comes great responsibility.”
Isang tanyag na linya mula sa pelikulang Spiderman na pinagbibidahan ni Tobey Maguire bilang “Peter Parker”. Ano nga ba ang mensaheng nais ipabatid ng linyang ito? Simple lang! Ang ibig sabihin nito ay kapag ika’y may kapangyarihan, mayroon din itong mabigat na resposibilidad. Bagay lamang na dapat mong isipin nang mabuti bago tanggapin o gampanan ang kapangyarihan na ito. Gayundin, kapag ikaw ay napagkalooban ng mga karapatan, ito ay may kaakibat na resposibilidad o tungkulin
Sa modyul na ito, pag-aaralan at pag-iisipan mo ang kalikasan ng karapatan at kaakibat nitong mga tungkulin. Mahalagang maunawaan ang mga ito upang magamit mo ng may kahusayan ang iyong mga karapatan at mga obligasyong iyong kailangan namang gampanan.
Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, inaasahan na maisasagawa mo ang sumusunod:
Kasanayang Pampagkatuto
- 5.1 Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao (EsP9TT-IIa-5.1)
- 5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)
- 5.3 Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao (EsP9TT-IIb-5.3)
- 5.4 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIb-5.4)
Subukin
[illustration: hand holding a pencil in a circle]
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin naman ay _____.
- A. Obligasyong Moral
- B. Likas na Batas Moral
- C. Karapatang Moral
- D. Moralidad
Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?
- A. pagsuot ng uniporme
- B. pagsuot ng Identification Card (ID)
- C. pagpasok sa paaralan sa takdang oras
- D. lahat ng mga nabanggit
Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?
Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatang pumunta sa ibang lugar
D. Karapatang maghanapbuhay
Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umaangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
- A. Karapatan sa buhay
- B. Karapatan sa pribadong ari-arian
- C. Karapatang maghanap buhay
- D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
Ang sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa _____.
- A. Terorismo
- B. Iligal na pagmimina
- C. Pagpatay sa sanggol
- D. Diskriminasyong pangkasarian
Balikan
[illustration: hand holding a pen in a circle]
Sa nakaraang aralin, naunawaan mo ang proseso ng pagtugon sa pangangailangan ng iba sa pamamagitan ng kusang-loob na pag-oorganisa ng sarili na tinatawag na lipunang sibil dahil hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tugunan ang pangaingailangan ng bawat kasapi ng lipunan.
Gawain 1:
Panuto: Gumawa ng talaan sa kuwaderno ng mga natatandaan mong kahalintulad na pagkilos na iyong nabalitaan.
| Usaping ipinoprotesta | Pangalan o uri ng organisasyon | Petsa o taon |
|---|---|---|
Tanong:
- Ano kaya ang nagtutulak sa mga taong ito na iprotesta ang mga ganitong usapin?
Modyul 1 Karapatan at Tungkulin ng Tao
Mga Tala para sa Guro
Magbigay ng isang halimbawa na maaari mong ibahagi upang maipakita ang pagkakaugnayan ng dalawang batas na ito
Tuklasin
[illustration: hand holding a sprouting seedling in a circle]
Gawain: ANO ANG MGA ITINUTURING NINYONG KARAPATAN?
Ang tao ay tulad ng isang binhi. Mula sa pagiging isang butil, ito ay magkakaroon ng ugat at may sisibol na mga munting dahon. Sa bawat pagsibol ng mga dahong ito, ipinahihiwatig na may buhay at karapatan ito sa mundong ginagalawan.
Panuto: Isulat ang iyong itinuturing na karapatan sa mga dahon.
[illustration: three blank leaves sprouting from a seed, for writing rights]
Sagutin:
- Alin sa iyong mga naisulat ang pinakamalapit na kahulugan ng karapatang pantao? Bakit?
- Ano pa ang hindi moa lam at gusto mo pang matutuhan tungkol sa karapatang pantao? Ipaliwanag.
- Para sa iyo, ano ang kahulugan ng karapatan pantao?
Suriin
[illustration: magnifying glass in a circle]
Kumpara sa iba pang nilikha, ang tao lamang ang mayroong higit na halaga kaysa sa ibang bunga ng pagkakalikha sapagkat siya ay nilikha ayon sa larawan at wangis ng Diyos, at siyang paraan na rin ng paghahayag nang Kaniyang sarili sa tao.¹ Ang halagang ito o value ay tinatawag na dignidad na siyang pinakamatibay na dahilan kung bakit ang bawat tao ay mayroong karapatan. Umuusbong ang karapatan mula sa dignidad sapagkat ang bawat karapatan ay pagpapakita nang pagkamahalaga ng tao.
Ang karapatan ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga pananaw ng tao na may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang kapuwa at sa kanyang dignidad bilang tao. Ito ay itinuturing na kapangyarihang moral sapagkat ang paggamit ng mga karapatan ay may kakayahang magdulot ng kaligayahan, kapayapaan, at pagkakaisa.
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng lalake at babae ay mamumuhay ng mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan kung bakit binuo rin ng United Nations ang Pangkalahatang Pagpapahayag ng Tungkulin ng Tao o Universal Declaration of Human Rights noong 1997.3
Halimbawa, ang mga kababaihan noong unang panahon ay walang lugar sa politika ngunit hindi naglaon ay nabigyan na ang mga kababaihan ng karapatan upang mamuno sa lipunan. Ngunit inaasahan din sa kanya ang maayos na pamamalakad at paglilingkod.
Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Kung maisasagawa mo nang maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao ditto sa mundo.
Tandaan ang bawat karapatan at ang kaakibat na tungkulin ng tao.
[illustration: a pregnant woman]
- ✓ Karapatang mabuhay
- ✓ Tungkulin ang pangalagaan ang sarili o pangalagaan ng mga magulang ang mga anak.
Halimbawa: Sa babaeng nagdadalang-tao, tungkulin ng ina na pangalagaan ang kaniyang sarili upang masiguro ang kaligtasan ng sanggol.
[illustration: a suitcase filled with money, jewelry, and a house model]
- ✓ Karapatan magkaroon ng pribadong ari-arian
- ✓ Tungkulin na gawing na gawing legal ang pagaari, mapayabong ang mga ito at gamitin upang tulungan ang kapuwa at paunlarin ang pamayanan.
Halimbawa: Pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain, damit o pera, mga bagay na tunay nilang kailangan.
[illustration: a bride and groom]
- ✓ Karapatang magpakasal o magkaroon ng pamilya
- ✓ Tungkulin na pangalagaan ang pamilya
Halimbawa: Pagiging isang mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa eskandalo na magiging sanhi sa pagsira ng pangalan ng pamilya at pagsasabuhay ng mga birtud bilang isang pamilya.
[illustration: a mosque, a cross, and a church steeple with praying silhouettes]
- ✓ Karapatan sa pananampalataya
- ✓ Tungkulin na igalang ang ibang relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba
[illustration: people working at various jobs]
- ✓ Karapatang maghanapbuhay
- ✓ Tungkulin maghanapbuhay ng marangal
- ✓ Tungkulin ng bawat isa na magpunyagi sa trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain.
[illustration: a Philippine passport]
- ✓ Karapatang pumunta sa ibang lugar
- ✓ Tungkulin na igalang ang mga pribadong boundary, kaakibat ng karapatang ito na kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng kapuwa.
- ✓ Tungkulin na sumunod sa mga batas na pinapairal ng ibang lugar o bansa
[illustration: hand stacking blocks]
Pagyamanin
Gawain: Bawat karapatan ating Igalang; Mga Tungkulin, Ating Tupdin
Natalakay sa EsP 7 na kalakip ng pagiging tao ang tinatawag na dignidad. Ang dignidad ay hango sa salitang latin na “dignitatis” na ang ibig sabihin ay pagiging karapat-dapat.
Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ang iyong sagot gamit ang Venn Diagram. Gawin ito sa sagutang papel. Paano maiuugnay ang dignidad ng tao sa kanyang mga karapatan at tungkulin?
[chart: Venn diagram; untitled. Labels: Karapatan (left circle), Tungkulin (right circle), Dignidad (Pagkapantay-pantay ng tao) in the overlap. Values are not labeled on the chart.]
Isaisip
Gawain: Tsart ng mga karapatan at mga paglabag sa mga ito
Nalaman mo na ang kahulugan ng karapatang pantao. Ngunit may mga panahon na nilalabag ang mga ito.
Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan upang lubusang mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin.
| Mga Karapatan | Mga Paglabag sa bawat Karapatan |
|---|---|
| 1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib | Hal. Aborsiyon |
| 2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay (pagkain, damit, tahanan, edukasyon, pagkalingang pangkalusugan, tulong sa walang trabaho, at tulong sa pagtanda) | |
| 3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon | |
| 4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensya | |
| 5. Karapatan sa pagpili ng propesyon | |
| 6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lgar upang manirahan | |
| 7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto | |
| 8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag sa mga karapatang ito |
Isagawa
Angkop na Pagpapasya!
Panuto: Punan ang tsart ng angkop na kilos sa pagharap sa mga sumusunod na sitwasyon.
| Siwasyon | Angkop na kilos |
|---|---|
| 1. Isang batang may kapansanan sa paglalakad ang nakita mong kinuktya ng iyong mga kaklase. | |
| 2. Nakita mong tinatakot ng iyong kaklase ang iyong kaibigan at pinipilit kunin ang cellphone nito. | |
| 3. Naabutan moa ng isang grupo ng mga kalalakihan na pinipilit ang mga magulang mon a umanib sa kanilang relihiyon. |
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Ang __________ ay mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparna ng isang tao.
- A. karapatan
- B. konsensiya
- C. sinseridad
- D. tungkulin
Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?
- A. pagsuot ng uniporme
- B. pagsuot ng Identification Card (ID)
- C. pagpasok sa paaralan sa takdang oras
- D. lahat ng mga nabanggit
Si Senador Manny Pacquiao ay nagmungkahi na ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga criminal o nagkasala sa batas. Sinasang-ayunan mob a na ibalik ang ganitong klaseng parusa?
- A. Opo, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
- B. Opo, para mabawasan na ang kriminalidad sa ating lipunan.
- C. Hindi, dahil may mga taong napagbintangan lamang sa krimeng hindi naman ginawa.
- D. Hindi, dahil ang buhay ay sagrado. Ang Diyos ang tagapagbigay buhay at tanging Siya lang ang may karapatang bawiin ito ayon sa Kanyang kalooban.
Isang pulubi na maraming dumi sa katawan at may masangsang na amoy ang nais pumasok sa isang supermarket upang bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya pinatuloy ng gwardya. Tama baa ng nagging pagtrato sa kanya?
- A. Opo, dahil pangingilagan siya ng ibang namimili kapag pumasok siya sa loob.
- B. Hindi, dahil may pambayad naman siya.
- C. Opo, dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na tindahan sa labas.
- D. Hindi, dahil hangad lamang niya na makabili ng pagkain at may karapatan at kalayaan din siya kagaya ng iba pang mamamayan.
Ang mga sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa __________.
- A. terorismo
- B. pagbabayad ng utang
- C. pagpatay sa sanggol
- D. diskriminasyong pangkasarian
Sa papaanong paraan napapakinabangan ng tao ang karapatan?
- A. sa paggawa ng moral na kilos
- B. dahil tao lang ang may isip
- C. dahil tao lamang ang nakagagawa ng moral na kilos
- D. dahil tao lang ang marunong kumilos
Alin ang angkop na paglalarawan ng paglabag sa karapatang pantao?
- A. Hindi pahihintulutang mag-absent bukas ang isang tinedyer.
- B. mga karpinterong nagtatrabaho ng walang sumbrero
- C. isang Linggo ng hindi makapagtinda sa palengke dahil sa pandemya
- D. Pinagtatrabaho ang mga menor de edad sa isang minahan upang makatulong sa mga magulang.
Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho ng produktibo. Ito ay karapatan ng __________.
- A. pribadong ari-arian
- B. mag-impok sa bangko
- C. bumili ng mga ari-arian
- D. umangkin ng ari-arian
Kapag nilabag ang karapatang pantao magkakaroon ng __________.
- A. pag-iisip ng pagsisisi
- B. pananagutan
- C. damdamin ng pagsisisi
- D. pagmumuni
Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na. ano ang gagawin mo?
- A. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela.
- B. Tatawagin ko siya para umupo nang sandal sa aming grupo habang naghihintay siya ng may mabakante.
- C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan.
- D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan.
Ang __________ ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga pananaw ng tao na may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang kapuwa at sa kanyang dignidad bilang tao.
- A. karapatan
- B. konsensiya
- C. sinseridad
- D. tungkulin
Ang kagustuhan na lumipat o tumira sa ibang lugar at magkaroon ng oportunidad tulad ng trabaho o komportableng pamumuhay o ligtas sa anumang panganib ay sinusuportahan ng karapatang __________.
- A. magtrabaho o maghanap buhay
- B. pumunta sa ibang lugar
- C. pumunta sa ibang lugar at maghanap buhay
- D. mag-abrod
Maagang nag-asawa sina Gina at Peter. Maraming pagsubok silang naranasan sa kanilang pagsasama. Gayunpaman, nanatiling metatag ang kanilang pagmamahalan. Maraming nanghusga sa kanila. Pinagsikapang magtrabaho nang maayos ng mag-asawa upang umunlad ang kanilang buhay. Ito ay ang kanilang karapatang __________.
- A. mag-asawa
- B. magkaroon ng pribadong ari-arian
- C. magkapagtrabaho
- D. makapunta sa ibang lugar o bansa
May nakita kang isang lalaking naka-kotse na pinapagalitan ang isang matandang drayber dahil sa hindi pagpaparada nang tama sa kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan siya nang hindi maganda, naroon sa tabi niya ang kanyang paslit na apo. Ano ang gagawin mo?
- A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
- B. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kani sa kaganapan.
- C. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila.
- D. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber at pagsasabihan ko sila na tumigil na.
Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawang-gawa? Ito ay __________.
- A. bagay na pansarili lamang
- B. mahalagang bagay para sa lahat ng nilalang
- C. magdudulot ito ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng tao
- D. mahalagang katangian na nararapat na mayroon ang bawat tao
Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng isang lingguhang plano ng mga tungkuling gagawin upang maging gawi mo ang pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkulin.
| ARAW | TUNGKULING GAGAMPANAN |
|---|---|
| Lunes | |
| Martes | |
| Miyerkules | |
| Huwebes | |
| Biyernes | |
| Sabado | |
| Linggo |
Sagutin:
- Ano ang iyong nagging reyalisasyon matapos gawin ang gawain?
- Paano makatutulong ang pagtutupad sa tungkulin sa pagbuo ng iyong pagkatao/pamilya/paaralan/lipunan/pamahalaan?
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; it is transcribed upright below, with the table columns in reading order]
Subukin
- A
- D
- A
- C
- B
Tayahin
- D
- D
- D
- D
- B
- C
- D
- A
- C
- C
- A
- C
- A
- C
- D
Isagawa
| Mga Karapatan | Mga Tungkulin |
|---|---|
| 1. Karapatan ko ang mabuhay | Tungkulin ko ang pangalagaan ang aking sarili |
| 2. Karapatan ko ang magkaroon ng pribadong ari-arian | Tungkulin ko na sa legal na pamamaraan nalikom ko ang aking mga ari-arian |
| 3. Karapatan ko ang magkaroon ng sariling pamilya | Tungkulin ng aking mga magulang na ako ay pangalagaan |
| 4. Karapatan kong maglakbay sa ibang lugar o bansa | Tungkulin ko ang sumunod sa mga batas ng pinaiiral ng ibang lugar o bansa na aking napupuntahan |
| 5. Karapatan ko ang magkaroon ng sariling pananampalataya | Tungkulin ko na galangin o respeto ang ibang relihiyon |
| 6. Karapatan kong magkahanapbuhay | Tungkulin ko ang maghanapbuhay ng marangal |
Sanggunian
Aklat
- Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral, DepEd-BLR, Muling Limbag 2017, pp 79 – 95
- Gayola, Sheryll T. et. al., Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag- aaral, Unang Edisyon 2015, Muling Limbag 2017, pp. 90
Electronic sources
- Human Rights Career, “What is Human Dignity? Common Definitions”
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply