Grade 9 Araling Panlipunan Modyul: Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalamanng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

A.) Layunin Pangkalahatan

  • Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan.

Tiyak

  • Napangangatwiranan ang kinakailangang pakikialam at regulasyon ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang istraktura ng pamilihan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Grade 9 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul: Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

ap9_q2_m5_Ugnayan-ng-Pamilihan-at-Pamahalaan_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment