“With great power comes great responsibility.”
Isang tanyag na linya mula sa pelikulang Spiderman na pinagbibidahan ni Tobey Maguire bilang “Peter Parker”. Ano nga ba ang mensaheng nais ipabatid ng linyang ito? Simple lang! Ang ibig sabihin nito ay kapag ika’y may kapangyarihan, mayroon din itong mabigat na resposibilidad. Bagay lamang na dapat mong isipin nang mabuti bago tanggapin o gampanan ang kapangyarihan na ito. Gayundin, kapag ikaw ay napagkalooban ng mga karapatan, ito ay may kaakibat na resposibilidad o tungkulin.
Sa modyul na ito, pag-aaralan at pag-iisipan mo ang kalikasan ng karapatan at kaakibat nitong mga tungkulin. Mahalagang maunawaan ang mga ito upang magamit mo ng may kahusayan ang iyong mga karapatan at mga obligasyong iyongkailangan namang gampanan.
Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, inaasahan na maisasagawa mo ang sumusunod:
Kasanayang Pampagkatuto
5.1 Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao.
5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, barangay/pamayanan o lipunan/bansa.
5.3 Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao.
5.4 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan o lipunan/bansa.