EsP 7 Quarter 1 Module 1: Ako Ngayon

EsP Grade 7 Quarter 1 Module 1 Ako Ngayon helps learners understand and accept the mental, social, emotional, and moral changes of adolescence.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 7 self-learning module for the first quarter, Module 1: “Ako Ngayon” (Me Now). It helps Grade 7 learners understand the changes they go through as they enter adolescence (pagdadalaga/pagbibinata), and learn to accept those changes and manage them well. The module was prepared by DepEd MIMAROPA Region as part of the Alternative Delivery Mode (First Edition, 2020) and was written by Lilian J. Castillo.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module opens by noting that learners are in a transition period. Sometimes they are called children, and sometimes they are told they are already young women or men. By the end of the module, learners are expected to:

  1. Identify the changes in themselves from age 8 or 9 up to the present (EsP7PS-Ia-1.1), in these areas:
    • forming new and more mature relationships with peers (friendship)
    • accepting their role in society
    • accepting the changes in their body and managing them properly
    • wanting and achieving responsible behavior toward others
    • becoming able to make careful decisions
    • knowing their duties in each role as a growing adolescent
  2. Accept the changes happening to them during adolescence (EsP7PS-Ia-1.2).

The four aspects of a person

The main reading (Suriin) explains that every person has four aspects:

  • Pangkaisipan (mental): how a person thinks, remembers, understands, and plans for life.
  • Panlipunan (social): how a person relates to others, from family at home to friends and the people met every day.
  • Pandamdamin (emotional): what a person feels, such as being happy, angry, or worried.
  • Moral: weighing what is right and wrong, good and bad, and choosing to act well toward others.

Signs of growth during adolescence

The module lists signs of development for each aspect:

AspectSigns the module lists
MentalBetter at debating and discussion; memorizes more easily; thinks logically about concepts; can follow and examine one’s own thinking; plans for the future; enjoys reading; needs to feel valued and to believe in something
SocialPulls away from parents and sees them as old-fashioned; teenage boys often avoid showing affection; feels parents are too strict and may rebel; needs less time with family; makes many friends and is less attached to a single same-sex friend; girls show interest in the opposite sex more than boys do
EmotionalOften short-tempered, usually toward elders or people in authority; worries about looks, grades, and body; worries about popularity among peers; spends more time alone at home; often deep in thought
MoralKnows right from wrong; weighs choices before deciding; treats others fairly; is often concerned for others’ welfare; does not lie

Parts and activities of the module

The module follows the usual self-learning module parts:

  • Subukin (pretest): 15 statements. Learners label each one as A (mental), B (social), C (emotional), or D (moral).
  • Balikan (review): Gawain 1 “Pusuan” asks what the pretest items focus on. Gawain 2 recalls Grade 6 lessons on keeping good friendships and expressing one’s own opinions.
  • Tuklasin (explore): Gawain 3 compares how the learner played with friends at age 8 or 9 with how they do it now. Gawain 4 asks learners to mark 15 statements as NAGAGANAP (happening to me) or DI-NAGAGANAP (not happening to me).
  • Suriin (reading): the four aspects and the signs of growth, followed by Gawain 5. In this activity, learners list three ways to improve their relationships with family and three with friends their age.
  • Isaisip (remember): Gawain 6 “Dugtungan” is a fill-in-the-blanks summary.
  • Isagawa (apply): Gawain 7 is a self-reflection with a drawing. Learners describe what they discovered about themselves and why managing their growth matters for the next stage of life.
  • Tayahin (posttest): the same 15 statements as the pretest, in a different order.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): Gawain 8 asks learners to fill a cycle of five circles with ways to care for themselves as adolescents.

Most written activities come with a scoring guide (pamantayan) for content, creativity, neatness, and originality. Totals range from 15 to 30 points.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Do not write on the module. Use separate answer sheets and a journal notebook, as the activities instruct. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly. If you did the activities well, move on to the next module. If not, go back to the activities and ask a classmate or your teacher for help.
  • Parents and guardians: The module is designed for learning at home. Help your child stay on track, and encourage them to contact their teacher when a lesson is hard to understand.
  • Teachers: The pretest shows whether a learner needs extra support. The rubrics give a ready basis for grading the journal activities.

Frequently asked questions

What grade and quarter is EsP Module 1 Ako Ngayon for?

It is for Grade 7 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1.

What are the four aspects of a person in this module?

The module names four aspects: pangkaisipan (mental), panlipunan (social), pandamdamin (emotional), and moral.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has the answers to the pretest (Subukin) and the posttest (Tayahin).

What competencies does the module cover?

It covers EsP7PS-Ia-1.1, identifying the changes in oneself since age 8 or 9, and EsP7PS-Ia-1.2, accepting the changes that happen during adolescence.

What do learners need to answer the activities?

Learners need a separate answer sheet and a journal notebook. The module asks them not to write on or mark any part of it.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 1: Ako Ngayon

CO_Q1_ESP 7_ Module 1

[illustration: students reading and studying outdoors and at a desk, a teacher helping a child, a student with a globe, and a child studying by lantern light]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ako Ngayon Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lilian J. Castillo Editor: Loida S. Pigon Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla, Cristy R. Temple, Elma C. Palen, Ronalyn B. Conales, Ma. Luz N. Darjuan Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana Tagalapat: Khristine S. Lacsamana, Jefferson R. Repizo Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Suzzette T. Gannaban-Medina, Susana M. Bautista, Cynthia Eleanor G. Manalo, Mariflor B. Musa, Freddie Rey R. Ramirez, Melbert S. Broqueza, Danilo C. Padilla, Annabelle M. Marmol, Domingo L. Mendoza, JR., Elmer P. Concepcion, Loida S. Pigon

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telephone Number: (02) 6314070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

7

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 1: Ako Ngayon

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1

CO_Q1_ESP 7_ Module 1

Aralin 1: Ako Ngayon

Alamin

Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata o minsan sinasabi na dalaga o binata ka na. Ikaw ay nasa yugto ng buhay na tinatawag na panahon ng unti-unting pagbabago (transition period) o paglipat sa isang yugto patungo sa susunod – ang panahon ng pagdadalaga/pagbibinata (adolescence).

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

  1. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong:
    a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad (pakikipagkaibigan);
    b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan;
    c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito;
    d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa sa lipunan;
    e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya; at
    f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata. (EsP7PS-Ia-1.1)


  2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata. (EsP7PS-Ia-1.2)


2

CO_Q1_ESP 7_ Module 1

Subukin

Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng pagbabago ang bawat pahayag. Isulat sa bawat bilang ang letrang A kung ito ay pangkaisipan, B kung panlipunan, C kung pandamdamin, at D kung Moral. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang-papel.

  1. Laging mong sinasabi na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan ka ng iyong tatay.
  2. Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula.
  3. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kaysa sa iyong mga kapatid.
  4. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong munting suliranin.
  5. Nagiging maramdamin ka na ngayon.
  6. Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat.
  7. Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang.
  8. Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong mga kapitbahay lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna.
  9. Marami ka ng plano sa buhay mo lalo na sa iyong pag-aaral.
  10. Gusto mo ay maraming kaibigan ngunit may itinuturing ka ring “bestfriend”.
  11. May paghanga ka na sa isang tao.
  12. Ayaw mo na may lamangan lalo na sa iyong mga kapatid, nais mo ay pantay pantay na pagtingin.
  13. Nagiging maingat at maayos ka na sa iyong pananamit at itsura.
  14. Nagiging mahusay ka na sa pakikipagtalastasan at pagbibigay mungkahi.
  15. Mas nakagagawa ka ng iyong mga gawain kapag nag-iisa lamang.

3

CO_Q1_ESP 7_ Module 1

Balikan

Gawain 1. Pusuan

Panuto: Mula sa mga sinagutan na tanong sa subukin, ano ang binigyan-pansin o tinutukoy ng bawat bilang? Piliin ang sagot sa mga kahon sa ibaba at lagyan ito ng hugis puso sa tapat nito (❤). Ilagay ang sagot sa iyong “journal notebook”.

Sa buhay ng isang kabataan na may malaking hinaharap na suliraninSa mga pagbabagong nagaganap bilang nadadalaga at nagbibinata at tamang pakikipag-ugnayan sa kasing-edadSa mga pagbabagong nagaganap bilang nagdadalaga/nagbibinata sa katawan na aangkupan ng kalinisan
Gawain 2. Alalahanin ang Nakaraan

Panuto: Natatandaan mo pa ba nang tinalakay noong nasa Baitang 6 ka ang aralin tungkol sa pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan (EsP6PIla-c-30) at ang tungkol sa pagbibigay ng sariling opinyon, ideya o pananaw bilang bahagi ng iyong kalayaan (EsP6PPPlllla-c-34)? Ano-ano ang iyong natandaang aral mula sa mga ito? Magbigay ng isa sa bawat aralin na nasabi. Isulat ang sagot sa iyong “journal notebook”.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO

Nilalaman – 10 puntos Pagkamalikhain ng Gawa – 5 puntos


Kabuoan = 15 puntos

4

CO_Q1_ESP 7_ Module 1

Tuklasin

Gawain 3. Pagbabago Noon at Ngayon

Panuto: Tingnan natin ang pagbabago na maaaring mangyari o nangyayari na sa iyo sa ngayon. Gawin ito sa iyong “journal notebook”. Ilagay sa loob ng kahon ang pagkakaiba ng iyong ginagawa kung paano ka makipaglaro sa iyong mga kaibigan o kalaro.

A. Noong nasa 8 o 9 na taong gulang ka pa lamangB. Ngayong nasa sekondarya ka na

Pamantayan sa Paggawa

Orihinalidad – 5 puntos Nilalaman – 5 puntos (nakapagbigay ng 1-2 = 3 puntos at 3 o higit = 5 puntos) Pagkamalikhain – 5 puntos Kabuoan = 15 puntos

Gawain 4. Nagaganap o Di-nagaganap

Panuto: Ngayong ikaw ay nasa baitang 7 na, suriin ang bawat pangungusap kung ang mga ito ay nararanasan o nangyayari na sa iyo sa ngayon. Isulat sa bawat bilang ang salita na NAGAGANAP kung ito ay nararanasan mo na o nangyayari na sa iyo at DI-NAGAGANAP kung hindi mo ito nararanasan o hindi nangyayari sa iyo. Gawin ito sa iyong sagutang-papel.

  1. Mas nais mo ang tahimik na paligid o walang kasamang maliit na kapatid na nag-iingay.


  2. Lagi kang tumitingin sa harap ng salamin upang tiyakin na ayos ang iyong kasuotan.


  3. Ayaw mong magpaiwan sa iyong nanay kapag nasa paaralan ka.


  4. Nararamdaman mo na parang pinaghihigpitan ka ng iyong magulang kapag sinasaway ka sa iyong gawain.


  5. Iniiwasan mo na ang maglaro sa harap ng bahay o sa kalsada.


  6. Mas nais mo pa rin ang mga larong pambata.


  7. Nagkakaroon ka na ng mga kaibigan sa paaralan o sa inyong barangay.


  8. May napapansin ka ng pagbabago sa iyong katawan.


  9. May pag-aalala ka na sa kapakanan ng iyong kapwa.
    10.Ang nais mo lagi ay kumain at maglaro lamang.
    11.Nagkakaroon ka ng paghanga sa ibang kasarian.
    12.Nagiging bahagi ka na rin ng mga pagpapasya sa mga usapin sa inyong pamilya.
    13.Nahihilig ka na sa pagbabasa.
    14.Nakikipag-agawan ka pa rin ng gamit o pagkain sa iyong mga kapatid maging sa kalaro.


  10. Madali kang mainis o magalit at madalas pinapatungkol ito sa mga nakatatanda.


Suriin

Unawain at pagnilayan ang sumusunod na babasahin. Magkaroon ng masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan na at kayang-kaya mo yan!

Tayong mga tao ay may apat (4) na aspeto:

  1. Pangkaisipan – na may kaugnayan kung paano mag-isip, makatanda, makaunawa, at makapagplano sa buhay.
  2. Panlipunan – na binibigyan-pansin nito ay kung paano ang tao makisalamuha o makitungo mula sa mga kasama sa bahay hanggang sa mga kaibigan sa labas o sa mga taong nakakasalubong araw-araw.
  3. Pandamdamin– tumatalakay sa kung ano ang nararamdaman ng tao maging mabuti man ito o maganda (masaya, nagagalit, nag-aalala, at iba pa)
  4. Moral –pagtitimbang kung ano ang tama at mali, kung ano ang mabuti o ang masama, ito ay ang kilos ng tao na gumawa ng mabuti o ng masama sa kapwa.

Narito ang mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga/ Pagbibinata sa Iba’t ibang aspeto:

[illustration: head silhouette with a glowing brain]
Pangkaisipan
• Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan.
• Mas nakapagmememorya.
• Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto.
• Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng sariling pag-iisip.
• Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap.
• Nahihilig sa pagbabasa.
• Nangangailangan na maramdamang may halaga sa mundo at may pinaniniwalaan.
[illustration: group of six people standing together]
Panlipunan
• Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang ang magulang.
• Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw magpakita ng pagtingin o pagmamahal.
• Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang magulang; nagiging rebelde.
• Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya.
• Nagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan ang pagiging labis na malapit sa iisang kaibigan sa katulad na kasarian.
• Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian ang mga babae kaysa mga lalaki.
[illustration: four comedy and tragedy theater masks]
Pandamdamin
• Madalas na mainitin ang ulo; kadalasang sa mga nakatatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang mga ikinagagalit.
• Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase, at pangangatawan.
• Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga tinedyer.
• Nagiging mapag-isa sa tahanan.
• Madalas malalim ang iniisip.
[illustration: scales of justice on a law book]
Moral
• Alam kung ano ang tama at mali.
• Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o desisyon.
• Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa.
• Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa.
• Hindi nagsisinungaling.
Gawain 5. Pagpapaunlad ng Pakikipag-kapwa

Panuto: Magbigay ng tig-tatlong (3) paraan na magagawa mo upang higit na mapaunlad ang iyong pakikipag-ugnayan. Ilagay ang iyong sagot sa “journal notebook”.

a. Sa Pamilya (magulang at mga kapatid)

b. Sa iyong mga kaibigan na kaseng-edad (sa paaralan/kamag-aral)

[transcriber’s note: two empty answer boxes, one under each label]

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman – 10 puntos
Pagkamalikhain sa Paggawa – 5 puntos
Kalinisan at Kaayusan ng Gawa – 5 puntos
Orihinalidad – 5 puntos (Sariling gawa at walang pinagtularan)
____________________________
KABUOAN = 25 Puntos

Isaisip

Gawain 6. Dugtungan

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang diwa na nais ipahayag sa mga pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.

  1. Ngayong nagdadalaga/nagbibinata ka na ay ganap mong mauunawaan ang mga pagbabagong nagaganap at langkapan ng ____________________.
  2. Bilang nagdadalaga/nagbibinata, gamitin ang _______________ para sa tamang pagpaplano ng iyong buhay.
  3. Magkaroon ng wastong ____________ mula sa mga kasama sa bahay hanggang sa mga taong nasa iyong paligid.
  4. Pamahalaaan ng tama ang iyong _______________.
  5. Magkaroon ng pagtitimbang kung ano ang tama o mali, ang mabuti at ang masama para sa wastong ___________________ at _______________.

Isagawa

Gawain 7. Pagninilay sa Sarili

Panuto: Sumulat ng isang pagninilay sa sarili sa tulong ng tanong na iyong sasagutin. Gawin ito sa iyong “journal notebook”. Maging malikhain sa paggawa nito.

  1. Paglalarawan ng mga bagay na natuklasan mo sa iyong sarili. Halimbawa, pagtanggi sa di mabuting gawain ng iyong kaibigan o barkada, paano ito makatutulong sa iyo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.

[illustration: thought bubble, blank]

Lagyan ng iyong larawan o gumuhit ng larawan

(kung ikaw ay nagdadalaga ang iguguhit ay babae, kung ikaw ay nagbibinata ang iguguhit naman ay lalaki)

  1. Kahalagahan ng pamamahala sa pag-unlad ng iyong pagkatao bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.

[transcriber’s note: blank star-shaped outline for the learner’s drawing; no text inside]

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman – 10 puntos
Pagkamalikhain sa Paggawa – 5 puntos
Kalinisan at Kaayusan ng Gawa – 5 puntos
Orihinalidad – 5 puntos (Sariling gawa at walang pinagtularan)
____________________________
KABUOAN = 25 Puntos

Tayahin

Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng pagbabago ang bawat pahayag. Isulat sa bawat bilang sa iyong sagutang-papel ang letrang A kung ito ay pangkaisipan, B kung panlipunan, C kung pandamdamin, at D kung Moral.

  1. Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula.


  2. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong munting suliranin.


  3. Laging sinasabi mo na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan ka ng iyong tatay.


  4. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kesa sa iyong mga kapatid.


  5. Nagiging maramdamin ka na ngayon.


  6. Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang.


  7. Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong mga kapitbahay lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna.


  8. Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat.


  9. Marami ka ng plano sa buhay mo lalo na sa iyong pag-aaral.
    10.May paghanga ka na sa isang tao.
    11.Ayaw mo na may lamangan lalo na sa iyong mga kapatid, nais mo ay pantay pantay na pagtingin.
    12.Gusto mo ay maraming kaibigan ngunit may itinuturing ka ring “bestfriend”.
    13.Nagiging maingat at maayos ka na sa iyong pananamit at itsura.
    14.Nagiging mahusay ka na sa pakikipagtalastasan at pagbibigay mungkahi.
    15.Mas nakagagawa ka ng iyong mga gawain kapag nag-iisa lamang.


Karagdagang Gawain

Gawain 8. Pangangalaga Sa Sarili

Panuto: Punan ang bawat bahagi ng bilog. Lagyan ng mga angkop na gagawing pangangalaga sa sarili ngayong ikaw ay nagdadalaga/nagbibinata. Gawin ito sa iyong “journal notebook”.

[transcriber’s note: five empty circles joined by arrows in a cycle, with no text inside]

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman15 puntos
Orihinalidad5 puntos
Pagkamalikhain5 puntos
Kalinisan at Kaayusan Ng Gawa5 puntos
KABUOAN = 30 Puntos

O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga gawain? Kung oo, tumungo ka na sa susunod na Modyul. Kung hindi, balikan mo ang mga Gawain sa modyul na ito.

Hingin ang tulong o paggabay ng isang kamag-aral o ng guro.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer keys below are printed upside down on the page]

Tayahin

A 1.
D 2.
B 3.
B 4.
C 5.
B 6.
A 7.
A 8.
A 9.
B 10.
D 11.
B 12.
C 13.
A 14.
C 15.

Subukin

B 1.
A 2.
B 3.
D 4.
C 5.
A 6.
B 7.
D 8.
A 9.
B 10.
B 11.
D 12.
C 13.
A 14.
C 15.

Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 7 Learner’s Material (Units 1&2) pahina 12 -13

Hurlock, E. Developmental Psychology: A Life-Span Approach. New York: McGraw-Hill Book Company. 1982

Helping Teenagers Prepare for the World of Work. http://alis.alberta.ca/ep/eps/tips/tips.html?EK=142. Hinango noong Mayo 10, 2010

Rodriguez, Marilyn. 7 Steps to creating healthy relationship. http://www.charmingarticles.com/children/article4261.htm. Hinango noong Mayo 9, 2010

Self-Confidence and Self-Worth; Needing the Approval of Others http://www.takeyour-power.com/1.htm. Sinipi noong Mayo 10, 2010

What Are the Developmental Tasks Facing Adolescents? http://www. education.com/reference/article/Ref_Adolescence/. Hinango noong Mayo 8, 2010

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district