Naranasan mo na bang magtrabaho mag-isa sa bahay man o sa paaralan? Ano ba ang iyong pakiramdaman kung mag-isa ka lang? Maliit man o malaki ang gawain basta’t sama-sama ay magaan ito.
Pamilyar ka ba sa kantang “No man is an Island”? Oo, walang sinomang nabubuhay na nag-iisa. Kailangan natin ang isa’t isa upang mabuhay bilang panlipunan na nilalang. Sa pakikiisa, naipababatid mo ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa. Dito mo rin maipakikita ang iyong halaga bilang bahagi ng pangkat.
Ang pagkakaisa ay magandang ugali na dapat mong matututuhan. Nagbibigay-daan ito sa pagtatamo at ikatatagumpay ng layunin sa anomang gawain.
Ang sumusunod na mga layunin ang tatalakayin sa modyul na ito:
- Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain.
- Nakalalahok ng masigla sa anumang proyekto ng pangkat na kinabibilangan;
- Nakapagpapakita ng kusang-loob na pakikiisa sa mga gawain;
- Naisasagawa ang pagtulong upang madaling matapos ang gawain.