Edukasyon sa Pagpapakatao 5 Unang Markahan – Modyul 3: Kawilihan at Positibong Saloobin

Ano nga ba ang kahalagahan ng edukasyon para sa katuparan ng pangarap sa buhay? Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata sa
pagkamit ng mga mithiin sa buhay. Ito rin ay daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng bansa. Bilang mag-aaral nararapat na pagibayuhin ang pag-aaral at ipakita ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral sa pamamagitan ng pakikinig sa talakayan, pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan, kusang pagpasok sa paaralan at pagbabahagi ng nalalaman sa iba. Sa pamamagitan ng magandang saloobing ito sa pag-aaral nahuhubog nito ang kaisipan tungo sa isang matagumpay na bansa na kailangan ng bawat isa.

Sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral

• pakikinig

• pakikilahok sa pangkatang gawain

• pakikipagtalakayan

• pagtatanong

• paggawa ng proyekto (gamit ang anomang technology tools)

• paggawa ng takdang-aralin

• pagtuturo sa iba

2. Nakapagpapahayag ng mabisang kaisipan at magandang saloobin sa pag-aaral.

3. Nakagagawa ng tamang pasya sa paggawa ng mga gawain sa paaralan.

EsP5_Q1_mod3_KawilihanAtPositibongSaloobin_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment