This is the Alternative Delivery Mode (ADM) self-learning module for Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal, a Senior High School subject, for Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo (Quarter 2, Week 3). Its single lesson, Aralin 3: “Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto” (documentation for making an object or product), teaches learners how to read and write clear, step-by-step instructions for making something. By the end, learners write their own product documentation and explain it in a vlog or a short written report.
The module was printed by SDO-Caloocan, DepEd National Capital Region (first edition, 2020), and written by Heidilynn M. Alauig.
What learners will learn
The module’s competency is to explain a chosen form of technical writing systematically and clearly, using the right terms (CS_FTV11/12PS-0j-i-93). After the lesson, learners should be able to:
- Identify the content, features, and reminders in writing documentation for making an object or product.
- Put the steps for making an object in the right order and match each step with its picture.
- Research examples of product documentation used in a specific job.
- Write product documentation used in a specific job.
What product documentation is
The module explains that people like to learn new things, and that reading materials or videos that show how to make something make learning much easier. Product documentation usually lists the steps for making or assembling a product. Arranging these steps in kronolohikal (chronological) order makes the result easier, neater, and more correct.
Content and features of good documentation
According to the Suriin part of the module, good product documentation has:
- Mga kailangan (what you need): the materials and tools.
- Mga hakbang (the steps) for making the product.
- Detailed steps, so readers understand each one.
- Simple, direct sentences, so readers are not confused.
- Illustrations or pictures that make the steps clearer.
Reminders when writing your own
The module adds these points to guide learners in writing their output:
- State the specific materials and tools needed. The pretest shows why: an “ube cheese pandesal” recipe that only says “a lot of ube” and “a little flour” is weak documentation because it gives no exact amounts.
- Keep the steps in chronological order so readers get correct information.
- Add pictures so readers can see what the product looks like.
- Follow the steps exactly to avoid mistakes.
- Use formal language, and write steps that are payak, malinaw, at tiyak (simple, clear, and specific).
Examples used in the module
- Community face mask: The main model is a sewing guide credited to the UP CTID Facebook page. It lists materials (a water-absorbent lining such as t-shirt fabric, a water-repellent outer layer with a high thread count such as a pillowcase, and bias tape or ribbon for ear bands), sewing tools, preparation and safety reminders, cutting sizes (outer layer 9 x 7 inches, two lining pieces 9 x 4 inches, two 10-inch ear bands), and 24 numbered sewing steps.
- Herbal soap: In Tuklasin, learners arrange 11 jumbled steps for making herbal soap, including safety reminders for handling lye.
- Parol and no-sew cloth mask: The pretest and the final test ask learners to put the steps for a Christmas lantern and a no-sew handkerchief mask in order.
- Face shield: In Pagyamanin, learners complete documentation for making a face shield.
Activities and assessment
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | 15 multiple-choice items |
| Balikan (review) | 5 true-or-false pairs on feasibility studies, the previous topic |
| Tuklasin | Order the steps for making herbal soap |
| Pagyamanin, Gawain 1 | Answer five questions about product documentation |
| Pagyamanin, Gawain 2 | Word search for face shield materials, then order the steps and match pictures |
| Pagyamanin, Gawain 3 | Research documentation from two tech-voc jobs (such as catering, barbering, or tailoring) and compare them in graphic organizers |
| Isaisip | Crossword on the key terms |
| Isagawa | Make a product from a hobby, write its documentation, and explain it in a vlog |
| Tayahin (post-test) | 15 multiple-choice items |
| Karagdagang Gawain | Complete three speech balloons reflecting on the lesson |
The Isagawa output is scored out of 100 points: content (40), use of language (20), creativity through illustrations (10), and clear explanation in the vlog (30).
How to use this module
For learners: Answer the Subukin first. If you get all items right, you may skip the module. Write your answers on a separate sheet, not on the module. Read each set of directions carefully and finish one activity before moving to the next. Check your work honestly using the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end. Submit your documentation and your vlog to your teacher. If you have no gadget or a weak internet connection, write your explanation on short bond paper instead.
For parents: The module encourages learners to ask parents, older siblings, or other adults at home for help when an activity is hard. You can help your child pick a hobby-based product for the Isagawa task.
For teachers: The module asks the facilitator to explain how to use it, monitor and record each learner’s progress, and return-collect the module once all activities are done. Use the rubrics in Gawain 3 and Isagawa to score outputs.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal, for Quarter 2, Week 3. The competency code (CS_FTV11/12PS-0j-i-93) covers Grades 11 and 12.
What does dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto mean?
It is documentation for making an object or product: written instructions that list the materials needed and the steps to make something, arranged in chronological order and often with pictures.
What language level should product documentation use?
The module says it should use formal language, with steps written in a simple, clear, and specific way so readers can follow them easily.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, Balikan, Tuklasin, Gawain 2, Isaisip, and the post-test.
What is the final performance task?
Learners make a product related to a hobby, write documentation on how they made it, and explain it in a vlog. Those without a gadget or good internet can write the explanation on short bond paper.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal
Senior High School
[illustration: collage of a book with gear and wrench, a handshake, a peso-sign document, a magnifying glass over a newspaper, and two hands typing on a keyboard]
Filipino sa Piling Larang- Teknikal-Bokasyunal Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo: Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Filipino sa Piling Larang: Teknikal Bokasyunal
Manunulat: Heidilynn M. Alauig Editor: Tommy R. Rico Tagasuri: Sheila C. Molina, Jovanny L. Cornelia, Amaflor C. Alde Tagaguhit: Ferdinand B. Jara Tagalapat: Allan G. Salom Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, PhD; Jennifer F. Vivas, PhD; Dennis M. Mendoza; Jocelyn M. Alinab, PhD; Tommy R. Rico
Inilimbag sa Pilipinas ng SDO-Caloocan Department of Education – National Capital Region (DepEd NCR)
Office Address: Misamis St., Bgao Bantay, Quezon City, Philippines Telefax: (632) 8929-0153 E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang-Teknikal Bokasyunal
Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto
Senior High School
Ang kagamitang pampagtuturo na ito ay kolaboratibong binuo at sinuri ng mga lupon ng mga edukador sa pampublikong paaralan. Hinihikayat na ang mga guro mag-aaral, at mga magulang na magbigay ng puna at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Lubos po naming pahahalagahan ang inyong puna at rekomendasyon.
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang: Teknikal-Bokasyunal- SHS ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
[illustration: note icon]
Mga Tala para sa Guro
Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang: Teknikal- Bokasyunal- SHS ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
[illustration: icon for Alamin] Alamin – Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.
[illustration: icon for Subukin] Subukin – Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
[illustration: icon for Balikan] Balikan – Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
[illustration: icon for Tuklasin] Tuklasin – Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
[illustration: icon for Suriin] Suriin – Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
[illustration: icon for Pagyamanin] Pagyamanin – Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
[illustration: icon for Isaisip] Isaisip – Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
[illustration: icon for Isagawa] Isagawa – Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
[illustration: icon for Tayahin] Tayahin – Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
[illustration: icon for Karagdagang Gawain] Karagdagang Gawain – Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
[illustration: icon for Susi sa Pagwawasto] Susi sa Pagwawasto – Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
[illustration: icon for Sanggunian] Sanggunian – Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
- Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
- Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
- Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
- Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
- Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
- Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin
[illustration: hand pressing a button icon]
Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat na makakatulong sa lubos na pagkatuto. Makakatulong ito upang mabatid ang kaligirang kaalaman sa teknikal na mga sulatin. Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop sa iba’t ibang pamamaraang pampagkatuto. Ang mga aralin ay nilapatan ng angkop na talasalitaan na magagamit sa pag-unawa sa nilalaman ng bawat teksto. Ang mga aralin ay nakadisenyo batay sa sistematikong balangkas ng kurso.
Ang modyul ay may isang aralin:
- Aralin 3- Dokumentasyon sa Paggawa ng Bagay o Produkto
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:
Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na termino (CS_FTV11/12PS-0j-i-93)
- Natutukoy ang nilalaman, katangian, at mga dapat tandaan sa pagbuo ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto;
- Naisasaayos ang mga paraan sa paggawa ng isang bagay at natutukoy ang larawang kaugnay ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay;
- Nakapagsasaliksik hinggil sa halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto na ginagamit sa isang espesipikong trabaho; at
- Nakabubuo ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto na ginagamit sa isang espesipikong trabaho
Subukin
[illustration: hand holding a pencil icon]
Basahin ang mga tanong at ilagay ang letra ng tamang sagot sa nakalaang patlang.
_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang naglalaman ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
- A. Leaflets at Flyers
- C. Menu ng Pagkain
- B. Feasibility Studies
- D. Manwal ng Do-it-Yourself
_____ 2. Ano ang dapat ilagay sa dokumentasyon upang makapagdagdag ng kalinawan sa ipinapakitang paraan ng paggawa?
- A. larawan
- C. katangian ng bagay
- B. tagline ng produkto
- D. espesipikong kagamitan
_____ 3. Anong antas ng wika ang ginagamit sa pagsusulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
- A. Balbal
- C. Kolokyal
- B. Pormal
- D. Impormal
_____ 4. Alin sa mga salita ang HINDI tumutukoy sa paraan ng pagkakasulat ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto?
- A. tiyak
- C. malinaw
- B. payak
- D. komprehensibo
_____ 5. Ano ang angkop na salita na bubuo sa pangungusap, “Mahalaga ang _____ na ayos ng mga hakbang na nakasaad sa dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto”?
- A. kronolohikal
- C. konseptuwal
- B. teknikal
- D. lohikal
_____ 6. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang hindi kabilang sa katangiang dapat taglayin ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
- A. may larawang pantulong
- B. may ipinapakitang proseso o hakbang
- C. nakalagay ang eksaktong kagamitan o kailangan
- D. nagpapakita ng totoong senaryo bunga ng maingat na pananaliksik
_____ 7. Bakit kinakailangang detalyado ang pagkakalahad ng bawat hakbang sa paggawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
- A. upang maging malinaw sa mga mambabasa
- B. mas mailalarawan nang maayos ang ginagawa
- C. mapapadali ang pagkuha ng mahahalagang impormasyon
- D. matutukoy agad ang pinakamadaling hakbang hanggang sa pinakamahirap
- Alin sa mga pangungusap ang tumutukoy sa kahalagahan ng mga materyales na nagtuturo kung paano magawa ang isang bagay?
a. upang higit na masuri ang isang produkto
b. nakatutulong ito sa pagkilatis sa isang bagay
c. mapapadali ang pagkatuto sa paggawa ng isang bagay
d. masisiguro ang pagtangkilik ng mga mamimili sa produkto
_____ 9. Alin sa mga pangungusap ang HINDI tumutukoy na malaking tulong ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay? A. Nagkakaroon ng bagong kaalaman ang tao. B. Nakikinita ang kahihinatnan ng isang negosyo o gawain. C. Higit na magiging madali ang pagsunod sa hakbang na nakasaad. D. Nagsisilbing gabay sa sinumang nais gumawa ng isang bagay o produkto.
_____ 10. Alin sa mga pahayag ang HINDI sinunod ng dokumentasyon sa paggawa ng “ube cheese pandesal”: Sa paggawa nito, kailangan mo ng maraming ube, kaunting harina, medyo maraming gatas, at katamtamang sukat ng keso? A. masasarap at masustansya ang mga rekado B. madaling hanapin at bilhin ang mga sangkap C. detalyado ang pagkakalarawan ng mga kailangan D. nakalagay dapat ang eksaktong kagamitan o kailangan
Para sa bilang 11-15, sagutin ang tanong tungkol sa Paggawa ng Parol.
Ang Paggawa ng Parol
Mga Kailangan:
- 10 strips ng balsa wood (bamboo o matte board), 1/4 pulgada ang lapad at 10 pulgada ang haba
- 5 strips ng balsa wood, 1/4pulgada ang lapad at 3 ½ pulgada ang haba
- tissue paper, glue, string
Hakbang sa Paggawa ng Parol: (Hindi ito nakaayos nang kronolohikal.)
- Talian lahat ng joints at points. Gawin ang pagtatali sa pangalawang star. Balutan ang dalawang dulo ng maliit na kahoy hanggang maging matibay ito. Talian ang dulo pero mag-iwan ng mga 3 pulgada ng string.
- Gumawa ng star gamit ang 5 pirasong balsa wood o bamboo strips na 10 pulgada ang haba.
- Ilagay ang mga maliliit na kahoy sa pagitan ng dalawang star. Talian ang dulo ng maliit na strip hanggang joints sa pamamagitan ng paggamit sa 3 pulgada na string (mula sa pangatlong hakbang).
- Dikitan ng mga papel ang hugis ng star. Gamitin ang inyong imahinasyon at creativity para matapos mabalot ang hugis nito. Lagyan ng pabitin sa ibabang hugis. Ibitin ito sa bintana o sa anumang lugar na puwedeng mapaglagyan nito.
- Markahan ang mga gilid para makita ang mga gilid ng bawat sulok.
- Tapusin ang pagkakagawa ng hugis ng star. Kailangang dikit ang dalawang star na may namamagitan na maliliit na kahoy sa gitna ng mga ito. Gumamit ng string kung kinakailangan.
- Pagdikitin ang dalawang star at talian ang bawat dulo ng mga ito para hindi
kumalas.
_____ 11. Anong katangian ng isang dokumentasyon ang nasunod sa paglalahad ng mga kailangan sa paggawa ng parol? A. Mura lang ang mga materyales. B. Nakalagay ang espesipikong kagamitan. C. Madaling hanapin ang mga kakailanganin. D. Maaring makuha lang sa bahay ang mga bagay na kailangan.
_____ 12. Alin sa mga larawan ang angkop gamitin sa hakbang na nasa bilang 3? A. [photo: star-shaped frame with a pencil or stick pressed against its points] C. [photo: hand tying string around the star frame] B. [photo: star frame wrapped in dark paper with a string attached] D. [photo: star frame made of thin strips, with a stick at one corner]
_____ 13. Alin ang unang hakbang sa paggawa ng parol? A. Hakbang sa blg. 2 C. Hakbang sa blg. 5 B. Hakbang sa blg. 4 D. Hakbang sa blg. 6
_____ 14. Alin ang panghuling hakbang sa paggawa ng parol? A. Hakbang sa blg. 4 C. Hakbang sa blg. 2 B. Hakbang sa blg. 3 D. Hakbang sa blg. 1
_____ 15. Ano ang tamang kronolohikal pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng parol? A. 2-5-1-7-3-6-4 C. 6-4-7-3-5-2-1 B. 5-1-3-2-7-6-4 D. 3-5-7-6-4-1-2
[transcriber’s note: the answer choices for item 12 are printed as photographs labeled A, B, C, and D; the photo descriptions above are approximate and the labels are printed beside each picture]
Aralin 3 Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto
Ang pag-aaral ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ay may malaking kapakinabangan sa iyong karanasan maging sa labas ng akademya. Hindi nga ba mahilig ka ring sumubok na gumawa ng iba’t ibang bagay o produkto? At malaking tulong ang mga dokumentasyon upang madaling magagawa ng mga ito. Mas madaling matutuhan ang iba’t ibang bagay kung may mga materyales na nagtuturo kung paano ito magagawa. Dito pumapasok ang kahalagahan ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto. Ngunit paano nga ba ang pagsusulat ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto? Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang upang maging epektibo ang gagawing dokumentasyon. Ilan lamang ito sa mga matutuhan mo sa araling ating tatalakayin.
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece]
Suriing mabuti ang mga pahayag. Sa nakalaang patlang bago ang bilang, isulat ang:
A-kung ang unang pahayag ay tama at mali ang ikalawa; B -kung ang ikalawang pahayag ay tama at mali ang una; C– kung parehong tama ang pahayag; at D– kung parehong mali ang pahayag.
_____ 1. A. Ang Feasibility Study ay ginagamit upang masuri kung ang negosyo ay maaari bang isagawa bago paglaanan ng kapital. B. Ang isang mahusay na Feasibility Study ay nagpapakita ng totoong senaryo bunga ng maingat na pag-aaral at pananaliksik.
_____ 2. A. Sa pagtatayo ng negosyo, mahalagang malaman kung angkop ang negosyong napili sa lokasyong napili. B. Maaaring simulan na ng negosyante ang negosyo kahit hindi pa naisasagawa ang Feasibility Study.
_____ 3. A. Sa bahaging Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo, aalamin ang lugar na nais maging lokasyon ng negosyong itatayo. B. Sa Rekomendasyon, maaaring gumamit ng flow chart bilang representasyon.
_____ 4. A. Sa Deskripsiyon ng Negosyo, itinatala ang mga layunin at proseso upang makamit ang layunin. B. Sa Deskripsiyon ng Produkto, inilalarawan ang produkto o serbisyong nakapaloob sa negosyong itatayo.
_____ 5. A. Sa bahaging “Mga Mapagkukunan”, kikilalanin ang mga mapagkukuhanan ng produkto, kagamitan, tulong teknikal at ahensya na maaaring pagkuhanan ng empleyado na kakailanganin sa negosyo. B. Inilalagay sa bahaging “Estratehiya sa Pagbebenta” ang mungkahing pamamaraan upang makapanghikayat ng mga tatangkilik sa produkto o serbisyo.
Tuklasin
[illustration: hand holding a seedling in a circle]
Basahin at unawaing mabuti ang mga hakbang sa paggawa ng herbal na sabon. Isaayos ang mga ito ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Ilagay ang letra sa katumbas na bilang ng hakbang.
Hakbang 1: _____ Hakbang 2: _____ Hakbang 3: _____ Hakbang 4: _____ Hakbang 5: _____ Hakbang 6: _____ Hakbang 7: _____ Hakbang 8: _____ Hakbang 9: _____ Hakbang 10: _____ Hakbang 11: _____
[transcriber’s note: the stray sequence “F E B J G H C D A K I” printed at the top of this page is not a label of the instruction cards; the cards are labeled A to K as shown below]
[chart: instruction cards for making herbal soap; labeled A to K]
A: Pagkatapos ihalo ang lye-water solution, maglagay na ng napiling essential oil para mas mabango ang sabon.
B: Hayaang tumigas ang sabon sa loob ng isang araw. Takpan ng malinis na pantakip o karton.
C: Kapag malamig na ang lye, isalang na ang coconut oil, palm oil, at olive oil sa kalan na may mahinang apoy at painitin.
D: Palamigin ang pinaghalong lye at tubig sa 80 degress Farenheit na temperatura.
E: Pagkatapos magsukat ng mga materyales, ihalo ang lye sa tubig. Mas mainam kung gagawin sa labas at mag-iingat dahil ang singaw ng lye ay nakasusunog ng balat.
F: Sunod na ihalo ang lye-solution water. Haluin nang mabuti.
G: Panghuli, maaari mo nang gamitin ang sabon na iyong ginawa.
H: Kung handa ang mga gamit pamproteksyon, magtimbang ng 473 g ng lye, 3 lb ng distilled water, 4 lb ng olive oil, 2 1/2 lb coconut oil, at 1 1/2 lb palm oil.
I: Pangalawa, siguraduhin na magsuot ng long sleeves, gloves at safety googles kapag gagamit ng lye o caustic soda.
J: Una, ihanda ang mga materyales na kailangan sa paggawa ng sabon. (olive oil, palm oil, distilled water, lye, essential oil, coconut oil).
K: Kapag naihalo na ang napiling essential oil, maari mo nang ilagay ito sa hulmahan.
Suriin
[illustration: magnifying glass held in a hand in a circle]
Likas sa atin ang kagustuhang matuto ng iba’t ibang bagay. Hindi tayo nauubusan ng oras kung nais nating tuklasin o pag-aralan ang isang bagay kaya naman malaking tulong ang mga materyales, babasahin man o bidyo, na nagtuturo kung paano ito magagawa. Sa araling ito, matutuhan mo ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto na makatutulong sa pagbuo o pagsasagawa ng isang bagay o produkto. Ito ay kalimitang naglalaman ng mga hakbang kung paano binubuo o ginagawa ang isang bagay o produkto. Malaking tulong na nakaayos nang kronolohikal o pagkakasunod-sunod ng bawat hakbang upang mas maging madali, maayos at wasto ang kalalabasan ng produktong gagawin.
Narito ang karaniwang nilalaman at katangiang dapat taglayin ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto:
- Mga kailanganin sa paggawa ng isang bagay o produkto.
- Mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto.
- Detalyado ang pagkakalahad ng bawat hakbang upang maging malinaw ito sa mga mambabasa.
- Kalimitang payak at direkta ang pagkakabuo ng mga pangungusap na nagsasaad ng mga hakbang upang hindi magdulot ng kalituhan sa mga babasa.
- Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon o larawan ang dokumentasyon na nagdadagdag kalinawan sa ipinapakitang paraan ng paggawa.
Pag-aralan mo ang isang halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng face mask.
[illustration: infographic panel “MGA MATERYALES – Maaaring gumamit ng mga materyales na nahahanap sa bahay” for LINING, with pictures of a water drop on cloth, a breathable fabric, and a t-shirt]
LINING
Gumamit ng water-absorbent na tela.
Ang tela ay dapat presko.
MGA HALIMBAWA:
- Tela ng t-shirt
- Microfiber
- Jersey knit
- Kitchen towel
[illustration: infographic panel for OUTER LAYER, with pictures of water droplets on fabric, a fabric weave held against light, and a pillow]
OUTER LAYER
Gumamit ng water-repellant na tela.
Dapat ang tela ay may high thread count. Upang matingnan: itapat ang tela sa ilaw. Ang mga sinulid o hibla ay dapat na halos magkakadikit sa isa’t isa.
MGA HALIMBAWA:
- Pundang unan
- Kobre kama
- Dress shirt
- Woven Polycotton
[illustration: infographic panel “MGA MATERYALES – Maaaring gumamit ng mga materyales na nahahanap sa bahay” for EAR BANDS, with pictures of cotton bias tape and a pillow]
EAR BANDS
Gumamit ng bias-tape, o cotton ribbon na may lapad na kalahati hanggang isang pulgada.
O gamitin ang tela ng outer layer.
MGA KAGAMITANG PANAHI
[illustration: sewing machine] MAKINANG PANAHI
[illustration: basic sewing kit with pins, tape measure, and scissors] BASIC SEWING KIT
[illustration: fabric scissors] GUNTING PANG-TELA
[illustration: ruler and pencil] RULER AT LAPIS
PAUNANG GAWAIN PAGHAHANDA NG MGA MATERYALES
[illustration: fabric soaking in a basin] Labhan ang mga tela gamit ang maali-gamgam [?] na tubig, at ligtas na sabon-panlaba.
[illustration: fabric being ironed on a board] Patuyuin at plantsahin ang mga tela. Dapat na malinis din ang iyong mga kamay.
[illustration: sewing machine on a table] Gamit ang basahan na may alkohol, linisin ang iyong mesa at makinang panahi.
[illustration: scissors and a measuring tape] Linisin din ang iyong gunting at medida.
PAG-IINGAT PARA SA IYONG SARILI
[illustration: person with hair tied up] Kung mahaba ang iyong buhok, itali ito nang pa-ponytail.
[illustration: hands being washed with soap] Gawing kaugalian ang tamang hand hygiene, at huwag hawakan ang iyong mukha.
[illustration: person wearing a face mask] Magsuot ng face mask habang nagtatahi. Kung wala, magsuot ng no-sew mask.
[illustration: person biting thread with teeth, crossed out] Huwag gupitin ang sinulid gamit ang inyong ngipin.
PAGGUPIT NG TELA BASE SA SUKAT NG KARANIWANG MEDICAL MASK
[illustration: outer layer rectangle, 9 x 7 inches] OUTER LAYER: Gumupit ng parihabang 9 x 7 na pulgada.
[illustration: lining rectangle, 9 x 4 inches] LINING: Gumupit ng parihabang 9 x 4 na pulgada. Gumawa ng dalawang piraso.
[illustration: ear band strips, 10 inches] EAR BANDS: Gumupit ng bias tape o ribbon na may habang 10 na pulgada. Gumawa ng dalawang piraso.
[illustration: ear band strips of fabric, 10 x 1.5 inches] EAR BANDS: Kapag tela ang gamit, gumupit ng parihabang 10 x 1.5 na pulgada. Gumawa ng dalawang piraso.
PASADYA
[illustration: person measuring from cheek to cheek]
- OUTER LAYER: Gamit ang medida, sukatin galing sa gilid ng iyong pisngi hanggang sa kabilang gilid. (a)
[illustration: person measuring from mouth corner to chin] 2. OUTER LAYER: Pagkatapos, sukatin galing sa iyong balingusan hanggang sa iyong baba. (b)
[illustration: rectangle marked with dimensions] 3. OUTER LAYER: Gumuhit ng parihabang (a) x (b) na pulgada.
[illustration: rectangle with seam allowance marked] 4. OUTER LAYER: Magdagdag ng kalahating pulgada sa bawat gilid. Gumupit ng isang piraso.
[transcriber’s note: the lower part of this page is a gray area with no legible text; a partly visible word at the bottom left, possibly “DAGDAG”, is cut off and cannot be read]
PAGTAHI NG MASK
[illustration: lining folded with a 1/4″ marking] Tiklupin ng dalawang beses ang itaas ng lining.
[illustration: sewing a fold] Tahiin ang tiklop.
[illustration: lining placed on outer layer] Ilapag ang lining sa outer layer. Ang kanilang right side ang magkadikit.
[illustration: sewing the layers] Itahi ang mga ito na may kalahating pulgadang allowance.
[illustration: repeating steps 1 to 4 on the second piece] Ulitin ang Step 1-4 para sa pangalawang piraso ng lining.
[illustration: lining folded over the seam] Tiklupin ang mga lining sa pinagtahian nang sa gayon ay magkapatong ito sa outer layer. Ang kanilang wrong side na ang magkadikit.
[illustration: iron pressing seam lines] Opsyonal: Plantsahin ang mga seam lines.
[illustration: three pleats pinned on the fabric] Gaya ng medical face mask, gumawa ng tatlong pleats na pahiga. I-pin ang mga pleats sa kinalalagyan nito.
[illustration: pleated fabric with a 4″ measurement] Ang na-pleat na tela ay dapat apat na pulgada ang lapad.
[illustration: iron pressing the pleats] Opsyonal: Platsahin ang mga pleats.
[illustration: sewing the two sides] Tahiin ang dalawang gilid. 1/4 na pulgada ang allowance.
[illustration: back of the mask with a pocket] Ganito ang itsura ng likod ng mask. Mayroon itong bulsa para sa iyong disposable filter.
[illustration: ear band folded with a 1/2″ marking] Tiklupin at itahi ang kalahating seam allowance sa makabilaang gilid ng ear band.
[illustration: bias tape pinned to one side of the mask] Kapag ang gamit ay bias tape o ribbon, ipitin ito sa isang gilid ng mask. I-pin ito.
[illustration: sewing bias tape across the mask] Tahiin ang bias tape o ribbon mula sa isang gilid papunta sa kabilang gilid.
[illustration: repeating steps 13 to 15 on the second ear band] Ulitin ang Step 13-15 para sa pangalawang ear band.
[illustration: fabric strip for the ear band with a 1/2″ marking] Kapag tela ang gamit para sa earband, ulitin ang Step 13.
[illustration: ear band placed on one side of the outer layer] Ilapag ang ear band sa isang gilid ng outer layer. Ang kanilang right side ang magkadikit. I-pin ito.
[illustration: sewing the ear band with a 3/8″ allowance] Tahiin ang mga ito na may 3/8 na pulgadang allowance.
[illustration: ear band folded lengthwise] Tiklupin ng pahaba ang ear band. Ang lapad ng tiklop ay 3/8 na pulgada.
[illustration: ear band folded toward the edge of the lining] Tiklupin muli papunta sa gilid ng lining. I-pin ito.
[illustration: sewing the ear band from one edge to the other] Tahiin ang ear band mula sa isang gilid papunta sa kabilang gilid.
[illustration: repeating steps 17 to 22 for the second ear band] Ulitin ang Step 17-22 para sa pangalawang ear band.
[photo: finished community mask] Meron ka nang sariling community mask!
-mula sa https://web.facebook.com/UPCTID
Sa tulong ng ibinigay na halimbawa, umaasa akong alam mo na kung ano ang nilalaman at kung paano gawin ang isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto. Narito pa ang mga dapat tandaan sa pagsulat na makatutulong sa pagbuo mo ng iyong output sa araling ito:
- Ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ay nagtataglay ng mga kakailanganin, hakbang o proseso ng paggawa ng isang bagay. Isinusulat ito upang maging gabay sa kung paano gagawin o bubuoin ang isang bagay o produkto.
- Nakalagay ang ispesipikong gamit na kinakailangan.
- Mahalagang panatilihin ang kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay upang makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa.
- Maaari ring maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang biswal na anyo ng produktong ginagawa.
- Upang hindi magkamali sa paggawa ng isang bagay, napakahalaga ng pagsunod sa mga hakbang na nasa dokumentasyon.
- Pormal ang paggamit ng wika sa pagsulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto at inaasahang payak, malinaw, at tiyak ang
pagkakasulat ng mga hakbang upang maging madali ang pag-unawa ng mga mambabasa.
[illustration: hand placing stacked blocks]
Pagyamanin
Gawain 1 Pagsagot sa mga Tanong
Sagutan nang mahusay ang mga sumusunod na tanong.
- Saan ka madalas nakakakita o nakababasa ng mga sulating may kinalaman sa paggawa ng isang bagay o produkto?
- Ano ang kalimitang nilalaman ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
- Bakit kinakailangang kronolohikal ang ayos ng mga hakbang kapag gumagawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
- Bakit pormal ang wikang gagamitin sa pagsusulat ng dokumentasyon ng isang bagay o produkto?
- Bakit kinakailangang magkaroon ng akses ang mga tao sa mga materyales na nagtuturo kung paano magawa ang isang bagay?
Gawain 2 Kompletuhin Mo!
Maliban sa face mask, isa pa sa mga dapat isuot ngayon ng mga tao lalo na kapag nasa pampubliko o mataong lugar ang face shield. Sagutin ang mga gawain upang mabuo ang dokumentasyon sa paggawa ng face shield.
A. Suriin ang palaisipan at hanapin ang mga salitang kabilang sa mga materyales sa paggawa ng face shield.
| N | L | U | E | T | A | T | E | C | A | I | Q | O | L | I |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| A | D | B | M | Z | B | S | P | V | M | U | W | M | X | E |
| E | S | P | O | N | G | H | A | F | P | X | Y | J | K | O |
| J | C | B | V | C | Z | M | T | E | S | N | A | L | V | J |
| G | A | R | T | E | R | S | D | Y | P | Q | I | P | A | M |
| J | E | G | J | D | G | A | E | S | J | R | W | Q | O | H |
| C | H | T | H | R | V | T | D | W | I | D | G | Y | E | G |
| M | Y | R | Y | K | C | U | I | O | X | N | A | D | Q | K |
| G | A | H | M | D | F | B | S | G | J | R | U | N | W | Y |
| S | N | S | B | X | Y | M | E | M | A | C | G | L | G | V |
| E | J | I | Z | H | R | A | L | K | L | D | Y | K | I | H |
| N | M | L | T | A | V | P | B | T | X | F | H | M | A | D |
| L | S | F | U | N | M | N | U | G | E | C | W | K | J | E |
| J | V | X | O | Q | U | Q | O | M | O | V | X | H | P | L |
| Q | A | K | B | Z | N | G | D | K | A | C | P | E | V | I |
B. Kompletuhin ang talahanayan sa ibaba. Piliin sa kahon ang letra na angkop sa hakbang sa paggawa ng face shield ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Piliin din ang letra ng angkop na larawan sa bawat hakbang at paraan ng paggawa.
| Bilang ng Hakbang | Paraan ng Paggawa | Larawan |
|---|---|---|
| Hakbang blg. 1 | ||
| Hakbang blg. 2 | ||
| Hakbang blg. 3 | ||
| Hakbang blg. 4 | ||
| Hakbang blg. 5 | ||
| Hakbang blg. 6 | ||
| Hakbang blg. 7 | ||
| Hakbang blg. 8 | ||
| Hakbang blg. 9 |
Paraan ng Paggawa:
a. Sunod, gupitin ang foam o espongha nang isang pulgadang lapad, o batay sa lapad ng teyp. b. Ipasok ang garter sa bawat butas, at tahiin ito nang maayos. c. Una, maglagay ng butas sa dalawang sulok ng acetate: ¾ pulgada mula sa itaas, at 3/8 pulgada mula sa gilid. d. Panghuli, dapat isuot ang plastic shield kasama ang face mask. Maari ding magsuot ng sombrero para mas epektibong pananggalang. e. Kung bata ang gagamit, gawin ang Hakbang 1 na pahalang. f. Ilagay ang double-sided tape sa itaas ng acetate. g. Matapos mahulma, linisin ang harap at likod ng acetate gamit ang alcohol. h. Ilagay ang dalawang piraso ng foam o espongha sa idinikit na double-sided tape. i. Kung tapos na sa pagtatahi, ihulmang pakurba ang mga ibabang sulok ng acetate.
Mga larawan:
A. [illustration: acetate sheet with two holes and a hole punch] D. [illustration: sheet with a strip of tape along the top edge] G. [illustration: scissors cutting a sheet]
B. [illustration: person wearing a face shield] E. [illustration: acetate sheet with two holes and a hole punch] H. [illustration: two foam sponges and a roll of tape]
C. [illustration: shield with a foam strip attached at the top] F. [illustration: sewing a foam strip onto the shield with needle and thread] I. [illustration: hand wiping the shield with a cloth]
Gawain 3 Iba pang Halimbawa, Saliksikin na!
Magsagawa ng pananaliksik hinggil sa iba pang halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto na ginagamit sa isang espesipikong trabaho.
Pumili ng dalawa sa mga sumusunod na trabaho:
| 1. automotive servicing | 6. catering | 11. hilot (wellness massage) |
|---|---|---|
| 2. barbering | 7. commercial cooking | 12. massage therapy |
| 3. bartending | 8. driving | 13. tailoring |
| 4. beauty care services | 9. food and beverages | 14. technical drafting |
| 5. bread and pastry production | 10. food processing | 15. visual graphics design |
Makikita ang kompletong listahan ng mga trabaho sa http://www.deped.gov.ph/kto12/curriculum-guides/TechnicalVocational-Track
Batay sa nahanap na dalawang halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto sa trabahong napili, sagutin ang mga sumusunod na tanong.
- Paghambingin ang nasaliksik na dalawang halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto. Gamitin ang grapikong pantulong para sa iyong sagot.
[chart: graphic organizer; no number or title printed]
- Dokumentasyon 1 (top left box) → Pagkakatulad (center box): _____ / _____ / _____
- Dokumentasyon 2 (top right box) → Pagkakatulad (center box)
- Pagkakaiba (bottom left box): _____ / _____
- Pagkakaiba (bottom right box): _____ / _____
- Isa-isahin ang mga katangiang taglay ng mga nasaliksik na dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto. May nakita ka bang kahinaan ng mga nasaliksik mong dokumentasyon? Ano-ano ang mga ito? Ano ang dapat gawin upang maisaayos ang mga kahinaang ito? Isulat ang iyong sagot sa grapikong pantulong.
[chart: graphic organizer; no number or title printed]
- Left panel: Mga Katangian
- Right panel: Mga Kahinaan
- Box on right panel: Mga dapat gawin upang maisaayos ang mga kahinaang ito dapat gawin upang maisaayos ang mga kahinaang ito
- Bottom label: Dokumentasyong Aking Nasaliksik
Rubrik (3 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa)
| Pamantayan | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|
| Nakapipili ng trabaho ayon sa kagustuhan | |||
| Nakapagsasaliksik ng dokumentasyon na ginagamit sa napiling trabaho | |||
| Napaghahambing ang nasaliksik na dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto | |||
| Kabuoan |
Isaisip
[illustration: hand holding a light bulb]
Buoin ang puzzle sa pamamagitan ng pagtukoy sa salitang bubuo sa ideya ng mga pangungusap.
[chart: crossword puzzle grid; clue numbers 1 to 6 as printed]
- Transcriber’s note: the grid places 3 and 4 as across entries at the top, 1 as a down entry at the upper right, 6 as a down entry at the left, 5 as a down entry at the right, and 2 as the long across entry in the middle row. The grid has no printed letters.
Pahalang:
- Dapat nakaayos ang mga hakbang sa paraang _______ ng gagawing dokumentasyon upang makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa.
- Dapat ang antas ng wikang gagamitin kapag susulat ng isang dokumentasyon ay _______.
- Nakalagay dapat sa isusulat na dokumentasyon ang ___________ na materyales o kasangkapan.
Pababa:
- Upang hindi magkamali sa paggawa ng isang bagay o produkto, napakahalaga ng _________ sa mga hakbang sa dokumentasyon.
- Ang manwal ng paggawa ng “do-it-yourself” na may acronym na _______ ay isang halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto.
- Makatutulong ang paglalakip ng ______ upang higit na makita ang biswal na anyo ng produktong gagawin.
Isagawa
Pumili ng isang kinahihiligan mong gawin ngayon. Gumawa ng isang bagay o produkto na may kinalaman sa iyong kinahihiligan.
Gumawa ng dokumentasyon kung paano mo nabuo ang bagay o produktong napili. Isaalang-alang ang mga dapat tandaan sa pagsusulat ng dokumentasyon ng paggawa ng isang bagay o produkto na iyong pinag-aralan.
Matapos mabuo ang dokumentasyon, ibahagi ang nabuong output sa pamamagitan ng isang vlog. Ipaliwanag sa paraang sistematiko at malinaw kung paano mo nabuo ang dokumentasyon.
Ipapasa ang nabuong dokumentasyon at ang bidyo ng ginawang vlog sa iyong guro. Kung walang gagamiting gadget sa paggawa ng vlog at mahina ang internet connection, isulat na lang sa short bond paper ang pagpapaliwanag sa nabuong dokumentasyon. Mamarkahan ang iyong output gamit ang sumusunod na rubrik:
| Panukatan | Nilalaman | Puntos | Iskor |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | • Nakalagay ang espesipikong gamit na kinakailangan • Napanatili ang kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa • Detalyado ang pagkakalahad ng bawat hakbang | 40 | |
| Gamit ng Wika | • Angkop ang gamit ng wika sa pagsusulat ng dokumentasyon • Payak, malinaw, at tiyak ang pagkakasulat ng mga hakbang | 20 | |
| Pagkamalikhain | • Gumamit ng mga ilustrasyon o larawan | 10 | |
| Paraan ng Pagpapaliwanag | • Naipaliwanag nang sistematiko at malinaw sa pamamagitan ng vlog ang binuong dokumentasyon | 30 | |
| Kabuoan | 100 |
Tayahin
Basahin ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Alin sa mga pahayag ang HINDI halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
- A. Isang Espesyal na Durian
- B. Paggawa ng Herbal na Sabon
- C. Pagtatanim ng Organikong Talong
- D. Pag-install ng Sim Card at Baterya ng Cellphone
_____ 2. Anong antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
- A. Balbal
- B. Pormal
- C. Kolokyal
- D. Impormal
_____ 3. Alin sa mga pahayag ang nakapagdaragdag ng kalinawan sa ipinapakitang hakbang ng paggawa ng isang bagay o produkto?
- A. ilustrasyon
- B. halaga ng gagastusin
- C. paggamit ng flow chart
- D. detalyadong paglalarawan
_____ 4. Paano ang tamang pagkakasulat ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay?
- A. maikli at tuwiran
- B. payak, malinaw at tiyak
- C. wasto, komprehensibo at lohikal
- D. matalinghaga at makatotohanan
_____ 5. Alin sa mga pahayag ang HINDI tumutukoy sa katangiang dapat taglayin ng isang dokumentasyon?
- A. may larawang pantulong
- B. may ipinapakitang proseso o hakbang
- C. nakalagay ang eksaktong kagamitan o kailangan
- D. inilalagay ang detalyadong paglalarawan sa bagay o produkto
_____ 6. Bakit kalimitang payak at direkta ang pagkakabuo ng mga pangungusap sa paggawa ng dokumentasyon?
- A. mapapadali ang pagtukoy sa sanhi at epekto ng iminumungkahing produkto
- B. para mapadali ang paghahanap ng kinakailangang impormasyon
- C. mas madaling mailarawan ang isang bagay o produkto
- D. upang hindi magdulot ng kalituhan sa mga babasa
_____ 7. Paano inilalahad ang bawat hakbang sa isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto?
A. Detalyado ang pagkakalahad ng paraan ng paggawa.
B. Isaayos ang paraan mula sa pinakamadali hanggang sa pinakamahirap.
C. Kailangang gumamit ng matatalinhagang salita sa pagbibigay ng hakbang.
D. Unahin ang pinakamahalagang hakbang, ihuli ang hindi gaanong mahalaga.
_____ 8. Bakit kinakailangang magkaroon ng akses ang mga tao sa mga materyales na nagtuturo kung paano magawa ang isang bagay?
- A. upang higit na masuri ang isang produkto
- B. nakatutulong ito sa pagkilatis sa isang bagay
- C. mapapadali ang pagkatuto sa paggawa ng isang bagay
- D. masisiguro ang pagtangkilik ng mga mamimili sa produkto
_____ 9. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng kahinaan sa dokumentasyong paggawa ng herbal na: mineral water, dahon ng sabila, dahon ng kangkong, kakang gata, langis ng niyog?
- A. masyadong maraming kasangkapan ang magagamit
- B. hindi isinama ang paglalarawan sa mga gamit
- C. hindi nakalagay ang espesipikong kagamitan
- D. mahirap hanapin ang mga bagay na ito
Para sa bilang 10-15, sagutin ang tanong tungkol sa Paggawa ng No Cloth Mask
[illustration: materials and preparation for a no-sew cloth mask, showing a cloth panyo and two elastic bands under the heading “MGA MATERYALES”, and four steps under “MGA PAGHAHANDA AT PAG-IINGAT”]
Walang Kasanayan sa Pagtatahi, Walang Problema! Paggawa ng No Sew Cloth Mask
MGA MATERYALES MAAARING GUMAMIT NG MGA MATERYALES NA NAHAHANAP SA BAHAY. PANYO 2 MALALAKI AT MALALAMBOT NA ELASTIK BAND
MGA PAGHAHANDA AT PAG-IINGAT
- Labhan ang panyo o tela sa maaligam-gam na tubig at ligtas na sabon-panlaba. Patuyuin at plantsahin.
- Gamit ang basahan na may alkohol, linisin ang mesa na inyong paggagawan ng face mask.
- Kung mahaba ang iyong buhok, itali ito nang pa-ponytail.
- Gawing kaugalian ang tamang hand hygiene, at huwag hawakan ang iyong mukha.
Paggawa: (Hindi ito ang tamang pagkakasunod-sunod ng hakbang)
a. Tiklupin ulit. b. Isuot ang mask nang maayos. Ang fold-line ay dapat nasa baba, para hindi mahulog ang filter. c. Ilagay ang mga elastik band papasok sa bawat gilid ng panyo. d. Tiklupin ang isang gilid, at isingit ito sa isang layer ng panyo. e. Tiklupin ang isang gilid ng panyo. f. Lagyan ng disposable filter. g. Tiklupin ang panyo. h. Maaaring kopyahin ang laki ng karaniwang face mask, o ayusin ayon sa sukat ng mukha.
_____10. Anong katangian ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ang nasunod sa paglalahad ng mga paghahanda at pag-iingat?
- A. may larawang pantulong
- B. madali lang sundin ang mga ito
- C. inilalagay ang detalyadong paglalarawan
- D. iniisa-isa ayon sa lohikal na pagkakasunod-suno
Pagpipilian sa blg. 11-12
- A. [illustration: folded cloth mask with elastic bands lying flat]
- B. [illustration: folded cloth strip being turned over]
- C. [illustration: cloth being folded down from above over a mask]
- D. [illustration: cloth strip with arrows showing it being pressed flat along its length]
_____ 11. Alin ang angkop na larawan ang kaugnay sa hakbang letrang D?
_____ 12. Alin ang angkop na larawan ang kaugnay sa hakbang letrang F?
_____ 13. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa paggawa ng No Sew Face Mask?
- A. Hakbang sa titik a
- B. Hakbang sa titik c
- C. Hakbang sa titik g
- D. Hakbang sa titik h
_____ 14. Alin ang huling hakbang sa paggawa ng No Sew Face Mask?
- A. Hakbang sa letrang b
- B. Hakbang sa letrang d
- C. Hakbang sa letrang e
- D. Hakbang sa letrang f
_____ 15. Ano ang tamang kronolohikal pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng No Sew Face Mask?
- A. b-g-a-e-f-c-d-h
- B. e-a-b-h-g-c-d-f
- C. g-a-c-h-e-d-f-b
- D. h-g-a-c-b-f-d-e
Karagdagang Gawain
Dugtungan ang pahayag o diyalogo na nasa loob ng speech balloon batay sa natutuhan mo sa aralin.
[illustration: a person seated at a computer giving a thumbs-up, with three speech balloons]
Speech balloon 1: Matapos makabuo ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto, nakaramdam ako ng ______.
Speech balloon 2: Naalala ko sa araling natalakay ang _________.
Speech balloon 3: Lubos ko nang naiintindihan ang aralin dahil _______.
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- D
- A
- B
- D
- A
- D
- A
- C
- B
- D
- B
- C
- A
- A
- A
Balikan
- C
- A
- D
- B
- C
Tuklasin
- J
- I
- H
- E
- D
- C
- F
- A
- K
- B
- G
Pagyamanin
Gawain 2
A.
(Kahit hindi sunod-sunod ang pagkakasulat ng sagot)
- espongha
- garter
- double sided tape
- gunting
- pambutas
- sinulid
- karayom
Gawain 2
B.
| Larawan | Pamamaraan |
|---|---|
| 1. E | 1. C |
| 2. A | 2. E |
| 3. H | 3. A |
| 4. C | 4. F |
| 5. D | 5. H |
| 6. F | 6. B |
| 7. G | 7. I |
| 8. I | 8. G |
| 9. B | 9. D |
transcriber’s note: this page is printed upside down, and the pairing of the Larawan and Pamamaraan columns above is a best reading of the rotated layout.
Isaisip
- pagsunod
- kronolohikal
- pormal
- espesipiko
- DIY
- larawan
Tayahin
- A
- B
- A
- B
- D
- D
- A
- C
- C
- A
- B
- C
- C
- A
- C
Sanggunian
Santos, Corazon L, PhD, Jocson, Schedar D. MA & Perez, April J. MA. 2016. Filipino sa Piling Larang-Tech Voc. Bureau of Curriculum Development. Department of Education
Face Masks Tutorials. Accessed July 14, 2020 https://web.facebook.com/UPCTID/
Paano Gumawa ng Sabon. Accessed July 16, 2020. https://web.facebook.com/elevenstemtwo1920/posts/105728310975588
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply