Arts 5 Quarter 3 Module 2: Gamit/Layon ng Nilimbag na Likhang-Sining

This is the Grade 5 Arts self-learning module for the third quarter, Module 2: “Gamit/Layon ng Nilimbag na Likhang-Sining” (uses and purposes of printed artworks). It was prepared by DepEd Region VIII for learners studying at home, with a parent or other facilitator guiding them. After working through it, learners can explain why people make printed art, create a print of their own using different lines and textures, and take pride in what printed art does for the country’s economy and culture.

What learners will learn

The module covers the competency on the uses and purposes of printed artworks (A5EL-IIIc). Learners are expected to:

  • Discuss the uses and purposes of printed artworks (natatalakay ang mga gamit/layon ng nilimbag na likhang-sining).
  • Make a printed artwork using different lines and textures.
  • Take pride in the uses of art in the economy and culture of the Philippines.

Key ideas: what printmaking is for

The module opens by reminding learners that Filipino painters and sculptors are known in the Philippines and around the world, and that their works are kept in museums. Artworks beautify homes and other places. Some people buy expensive artworks because looking at them relaxes the mind.

A short history of printing

According to the module, printing (paglilimbag) began with making and publishing books, which became a tool of colonization during the Spanish period. Printing is still done today, but with modern technology that makes mass production faster.

Today printing is seen in:

  • clothing designs (screen printing)
  • printed media such as magazines and newspapers
  • graphic novels such as manga and comics
  • advertisements
  • IEC (Information, Education, Communication) materials

Uses and purposes of printed artworks

Lesson 2 explains that printed art can be used to share images, design items (for example, a business brand), and make the same illustrations for many copies of a book. Its main purpose is to speed up production for business or for sharing important information, as in newspapers and magazines.

The module also gives these uses:

  • Recording history and telling stories. In China, printing was used to record the country’s history and to tell stories through pictures.
  • Art in its own right. In Japan, printing grew into an art form, with prints showing daily activities and scenes of life.
  • Hobby. Printmaking is a pastime for people who enjoy it.
  • Income. Printed items can be sold to help the family and the country earn.
  • Decoration. Prints add beauty to a home or any place.
  • Gifts. Prints can be given as gifts or tokens to friends or guests of honor at a program.
  • School displays. Learners’ artworks can be posted on school walls during National Arts Month or culminating activities.
  • Economy and culture. Printed art helps the economy through the products it creates, attracts buyers including tourists, and expresses feelings and the rich culture of the Philippines.

Printed designs use different lines and textures to make them more attractive. In the review activity, learners name four textures: ribbed, woven, carved, and fluted.

Activities in this module

PartWhat learners do
Subukin (pretest)Mark ten statements with a check if they describe a use of printed art, or an x if not, then explain one checked item (5 points)
Balikan (review)Identify ribbed, woven, carved, and fluted textures and name modern printing methods
Tuklasin (explore)Study photos of a nature print and silk screen printing and discuss their uses
Gawain 1Choose one of three photos and discuss the use of the printed art shown
Gawain 2Make a placemat with ethnic designs using the crayon resist technique
IsaisipDescribe the ethnic design made and how to take pride in Philippine culture
IsagawaWrite an essay on the possible uses of printed artworks, scored with a rubric
Tayahin (assessment)Discuss the possible uses of printed art shown in three photos (3 points each)
Karagdagang GawainCarve a design into an old slipper or rubber and print it with watercolor

Crayon resist placemat (Gawain 2)

Materials: pencil, crayons, cartolina or recycled cardboard, watercolor, paintbrush, ruler, and marker. Learners choose a design found on the tools, clothing, or ornaments of ethnic groups, draw it on recycled paper, and transfer it to cartolina or cardboard. They color it pressing hard with crayons, then brush a dark watercolor over it so the crayon design stands out, and let it dry.

Rubber or slipper print (Karagdagang Gawain)

Materials: pencil, cutter, paper, old newspaper, an old slipper or rubber for carving, water container, watercolor, and brush. Learners draw a design on the rubber, carve the lines with a cutter, paint the carved rubber with watercolor, and press it onto paper. The module asks learners to be careful with the cutter or ask an adult for help, and to clean the table afterward.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest to see what you already know, then follow the parts in order. Write your answers on separate paper and do not write on the module. Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
  • Parents and facilitators: Prepare the art materials ahead of time and supervise the carving step, since it uses a cutter. Encourage honest use of the answer key.
  • Teachers: The answer key gives the correct pretest and texture answers. Most other activities depend on the learner’s response, and the essay and placemat are scored with the rubrics at the back of the module.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Arts module for?

It is for Grade 5 Arts, Third Quarter (Ikatlong Markahan), Module 2.

What competency does the module cover?

It covers the uses and purposes of printed artworks, with the competency code A5EL-IIIc.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest and the texture review. Most other activities depend on the learner’s own response, and the essay and placemat are checked with rubrics.

What are the uses of printed artworks according to the module?

Printed art can record history and tell stories, decorate homes, serve as a hobby, be sold for income, be given as gifts, and be displayed in school. It also helps the economy and expresses Philippine culture.

What is the crayon resist technique in Gawain 2?

Learners draw and color an ethnic design with crayons pressed firmly, then brush dark watercolor over it. The crayon resists the paint, so the design stands out.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Arts

Ikatlong Markahan – Modyul 2: Gamit/Layon ng Nilimbag na Likhang-Sining

5

[illustration: students and a teacher reading and studying at a table and under a tree, with a globe, a lamp, and books]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q3_Arts 5_ Module 2

Arts – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 2: Gamit/Layon ng nilimbag na Likhang-Sining Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jocelyn V. Serot Editors: Vergita M. Ibañez, Eden Lynne V. Lopez Tagasuri: Shirley L. Godoy, Jo-Ann Cerna-Rapada, Charo C. Sombilon Tagaguhit: Jo-ann Cerna-Rapada Tagalapat: Eden Lynne V. Lopez, Jogene Alilly C. San Juan Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Raul D. Agban Lorelei B. Masias David E. Hermano, Jr. Shirley L. Godoy Eva D. Divino Jo-ann C. Rapada

Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________________________

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: (053) 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov

1 5 Arts Ikatlong Markahan – Modyul 2: Gamit/Layon ng Nilimbag na Likhang-Sining

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Marami tayong mga sikat na pintor at iskultor na tanyag hindi lamang sa ating bansa gayundin sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang mga ito ay ilan lamang sa nagbigay karangalan sa ating bansa na tunay na di dapat kalimutan dahil sila ang nagpakita kung gaano kaganda ang ating bansang sinilangan.

Ang kanilang mga likhang-sining ay inilagak sa isang museum upang maingatan. Ang mga likhang-sining ay nagpapaganda sa tahanan o sa isang lugar. May mga taong bumibili ng mga mamahaling likhang-sining dahil naniniwala sila na narerelaks ang kanilang isipan kung sila ay nakatingin o nakatitig sa mga likhang-sining.

Ang paglilimbag ay nagsimula sa paggawa at paglathala ng mga libro na naging instrumento sa pananakop noong panahon ng mga Espanyol. Ang paglilimbag ay ginagawa pa rin hanggang ngayon ngunit gamit ang mga makabagong teknolohiya na mas makakapagpabilis ng maramihang paggawa.

Sa kontemporaryong panahon, madalas makikita ang paglilimbag sa paggawa ng disenyo ng mga damit (screen printing), printed media (magazines, newspapers, etc), graphic novels (manga/comics), advertisements, at iba pang uri ng IEC (Information, Education, Communication) materials.

Sa pamamagitan ng paglilimbag ng likhang sining, napapalago nito ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga produktong nagagawa nito. Maraming mga tao lalo na sa mga turista ang tatangkilik sa mga gawaing sining. Naipapahayag din ng inilimbag na likhang-sining ang damdamin at ang iba’t-ibang yaman ng kultura ng Pilipinas.

Sa modyul na ito, tatalakayin natin ang mga gamit/layon ng nilimbag na mga likhang-sining (A5EL-IIIc) at inaasahang makamit ang mga sumusunod:

a. Natatalakay ang mga gamit/layon ng nilimbag na likhang-sining. b. Nakalilimbag ng isang likhang-sining gamit ang iba’t ibang linya at tekstura. c. Naipagmamalaki ang mga gamit ng likhang-sining sa ekonomiya at kultura ng bansa.

Subukin

A. Panuto: Basahin ang pangungusap. Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay nagpapahayag ng gamit ng paglilimbag sa likhang-sining at (x) kung hindi.

______1. Pagpreserba ng kulturang Pilipino. ______ 2. Pagbibigay karangalan sa bansa. ______ 3. Ang likhang-sining ay nagdudulot ng karagdagang gastos. ______ 4. Ang likhang-sining ay maaaring pangdekorasyon sa bahay o sa ibang gusali. ______ 5. Nagsisilbing libangan ang paggawa ng sining. ______ 6. Nakatulong sa pagkakaroon ng kita ng pamilya at ng bansa. ______ 7. Nagdudulot ng pagpapasikat ng mga pintor. ______ 8. Ang likhang-sining ay nagpapadagdag ng ganda sa bahay o ng isang lugar. ______ 9. Sa bansang Tsina, ginagamit ang paglilimbag bilang pamamaraan sa pagtala ng kasaysayan ng kanilang bansa. ______10. Ginagamit ang likhang-sining sa pagpapahayag ng emosyon o damdamin ng isang artista o taong mahilig nito.

B. Sa mga nalagyan ng (✓), pumili ng isa at talakayin kung bakit ito ay posibleng gamit ng nilimbag na likhang-sining. (5 puntos)

__________________________________________________________________

Aralin 2: Gamit/Layon ng Nilimbag na Likhang-Sining

Ang paglilimbag ng likhang-sining ay maaring gamitin sa pagbabahagi ng imahe, disenyo ng mga kagamitan (halimbawa sa brand ng negosyo), paggawa ng ilustrasyon sa parehas na mga libro at iba pa. Ang pangunahing layunin nito ay para mapabilis ang paglikha na maaring magamit sa negosyo o pagbabahagi ng importanteng impormasyon tulad ng mga nasa dyaryo at magasin at iba pa.

Balikan

Tukuyin kung anong linya at tekstura ang ipinapakita sa sumusunod. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa patlang sa ibaba ng larawan.

Word box: ribbed | woven | carved | fluted

[photo: ribbed paper texture, vertical lines] https://www.dreamstime.com/photos-images/ribbed-paper-texture.html ______________

[photo: fluted texture, diagonal ridged pattern] https://www.dreamstime.com/stock-images-fluted-texture-image19067694 ______________

[photo: metal woven texture, interlaced pattern] https://www.123rf.com/photo_14127570_metal-woven-texture.html ______________

[photo: carved wooden pattern ornament texture, swirling designs] https://www.dreamstime.com/stock-images-carved-wooden-pattern-ornament-texture-image35266834 ______________

Ano-ano ang ginagamit na makabagong pamamaraan ng paglilimbag?

____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________

Tuklasin

Panuto: Pagmasdang mabuti ang mga larawan at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

[photo: nature print artwork of purple and green flowers and leaves] Nature print artwork by Cathy Taylor (Photos by Larry Stein) https://www.clothpaperscissors.com/blog/nature-prints-and-beginners-guide/

[photo: person pressing a squeegee on a silk screen printing frame] https://www.husder.com/silk-screen-printing-easy-monoprinting-tutorial/

Mga tanong:

  1. Ano-ano ang nakikita mo sa larawan?

_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________

  1. Sa ipinakitang larawan sa itaas, ano ang maaaring gamit ng mga inilimbag na sining? Talakayin ang mga ito.

_____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________

Suriin

Ang mga inilimbag na likhang-sining o printed artwork ay ilan sa mga produktong kayang gawin ng mga Pilipino. Ang mga disenyong inilimbag ay ginagamitan ng iba’t ibang linya at tekstura upang mas mapaganda pa ito.

Sa bansang Tsina, ginagamit nila ang paglilimbag bilang pamamaraan ng pagtala ng kasaysayan ng kanilang bansa. Ginagamit din nila itong paraan ng pagkukuwento gamit ang mga larawan.

Sa bansang Hapon, ang paglilimbag ay pinalawak bilang isang sining. Ang kanilang inilimbag na larawan ay nagpapakita ng pang-araw-araw na gawain at larawan ng buhay.

Ito ay nagsisilbing libangan ng mga taong mahilig nito. Ang mga inilimbag na bagay ay maaaring ibenta upang makatulong sa kita ng pamilya at bansa. Nagpapadagdag din ito ng ganda sa bahay o sa isang lugar.

Ito ay puwede rin ipamigay bilang regalo o token sa mga kaibigan o di kaya’y mga panauhing pandangal sa isang programa. Ang mga likhang-sining ng mga mag-aaral ay puwede ring ikabit sa dingding sa paaralan tuwing National Arts Month o sa anomang culminating activities.

Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Pumili ng isang larawan sa ibaba. Talakayin ang gamit/layon ng nilimbag na likhang-sining ng napili mo. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

[photo: A – paintings of vases and pots displayed on a wall]

A

[photo: B – a person working on a screen printing frame]

B

[photo: C – hands carving a design on a blue printed sheet]

C

Napiling Larawan ______________

[transcriber’s note: the answer box below is empty in the original]

Gawain 2

Panuto: Gumawa ng placemat gamit ang disenyong etniko sa paraang crayon resist/ transfer technique. Sundin ang mga sumusunod na hakbang sa paggawa nito.

Mga Kagamitan:

lapis, gagamiting pangkulay o krayola, cartolina o recycled cardboard, watercolor, paint brush, ruler, marker

Mga Hakbang sa Paggawa

  1. Ihanda ang mga kagamitan.
  2. Pumili ng disenyo na makikita sa mga kagamitan, kasuotan at palamuti ng mga pangkat-etniko.
  3. Iguhit ang mga napiling disenyong etniko patterns sa recycled paper.
  4. Ilipat ito sa kartolina o cardboard.
  5. Kulayan ang iyong iginuhit. Siguraduhing madiin ang paggamit ng krayola sa papel upang hindi matakpan ng watercolor.
  6. Ihanda naman ang watercolor para sa gagawing pamamaraang crayon resist.
  7. Pahiran ng watercolor ang kinulayan ng krayola. Gamitin ang madilim na kulay para lumitaw ang kagandahan ng disenyong iginuhit at kinulayan ng krayola.
  8. Patuyuin ito.

Isaisip

Panuto: Suriin ang inyong ginawang awtput at sagutin ang mga katanungan.

  1. Paano mo mailalarawan ang disenyong etniko mula sa inyong ginawa?


  1. Paano mo maipagmamalaki ang kultura ng Pilipinas?


Isagawa

Panuto: Talakayin sa pamamagitan ng paggawa ng sanaysay tungkol sa mga posibleng gamit ng mga inilimbag na likhang-sining. Isulat ang sanaysay sa loob ng kahon. Sumangguni sa rubrik sa pahina 9 para sa kaukulang puntos.







Tayahin

Panuto: Talakayin ang mga posibleng gamit ng nilimbag na likhang-sining batay sa mga larawan na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang. May tatlong puntos bawat larawan.

[photo: people posing beside framed artworks at an exhibit]




[photo: exhibit display of colorful printed artworks and flower decorations]





[photo: wall display of many colorful artworks]




Rubrik sa Isagawa: Pagsusuri ng Sanaysay

Pamantayan531Marka
Kalinisan at KahalagahanAng kalinisan ay nakikita sa kabuuan ng sanaysay gayundin ang nilalaman ay makabuluhanAng nilalaman ng sanaysay ay makabuluhan at malinisWalang kabuluhan at kalinisang nakikita sa sanaysay
IstiloAng ginamit na istilo ay malinaw, masining at nababasaAng istilo sa pagsulat ay malinaw at nababasaWalang kalinawan at pagkamalikhain
TemaAng kabuuan ng sanaysay ay may kaisahan at kaugnayan sa tema (posibleng gamit ng inilimbag na likhang-sining)Karamihan sa nilalaman ay kaugnay sa temaWalang kaisahan at kaugnayan sa tema ang nilalaman

Rubrik sa Pagyamanin: Gawain 2

Bigyan ng kaukulang puntos ang iyong naging pagganap gamit ang rubrik sa ibaba.

PamantayanNapakahusay (5)Mahusay (3)Di-gaanong mahusay (1)
1. Naiguguhit at nakukulayan ko ng maayos ang naiwang bakas sa new print making techniqueNaiguhit at nakulayan koNaiguhit ko ngunit di nakulayanHindi ko naiguhit
2. Naipakita ko ang kagandahan ng aking iniwang bakas sa malinis na papelNaipakita ko nang tamang pamamaraan ng pagpipinta sa pamamagitan ng malinis na bakas sa papelHindi ko maayos na naipakita ang tamang paraan ng pagpipinta at pag-iwan ng bakas sa papelHindi ko naipakita ang pagbabakas sa papel
3. Nalalaman ko ang iba pang pamamaraan ng new print making techniqueNalaman ko ang maayos na pamamaraan sa pagbabakasHindi ko gaanong nalalaman ang pamamaraan sa pagbabakasHindi ko nalaman ang bagong pamamaraan ng pagbabakas
4. Naipagmamalaki ko ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng paglilimbag ng likhang-siningNaipakita at naipagmamalaki ko ang kulturang Pilipino ayon sa aking likhang-siningHindi ko gaanong naipakita at naipagmalaki ang kulturang Pilipino sa aking likhang siningHindi ko naipakita at naipagmalaki ang kulturang Pilipino sa aking likhang sining

Karagdagang Gawain

Paglilimbag ng mga likhang-sining na maaaring ibenta o idispley.

Panuto: Gumuhit ng disenyong kahawig ng ginawang guhit sa Pagyamanin Gawain 2. Sundin ang pamamaraan sa paggawa ng proyekto.

Kagamitan:

lapis, cutter, papel, lumang diyaryo, tsinelas o goma na ukitan ng disenyo, water container, watercolor at brush

Pamamaraan:

  1. Iguhit ang disenyo sa tsinelas o goma na ukitan ng disenyo sa pamamagitan ng lapis.
  2. Maglagay ng lumang diyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa mesang paggagawaan.
  3. Ukitin ang ginawang linya o disenyo sa tsinelas gamit ang cutter. (Mag-ingat sa paggamit ng cutter o kaya’y magpatulong sa mga nakakatanda)
  4. Pintahan ng kulay ang inukit na rubber gamit ang isinawsaw na brush sa watercolor at idiin ito sa disenyong ginawa.
  5. Patuyuin ito.
  6. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down in the original; it is reproduced upright, with its three columns in reading order]

Subukin

A.

  1. ✓
  2. ✓
  3. x
  4. ✓
  5. ✓
  6. ✓
  7. x
  8. ✓
  9. ✓
  10. ✓

B. Depende sa tugon ng mag-aral

Balikan

fluted ribbed

carved woven

Tuklasin

Depende sa tugon ng mag-aral

Pagyamanin
Gawain 1

Depende sa tugon ng mag-aral

Gawain 2

Sumangguni sa Rubrik

Gawain 3

Depende sa tugon ng mag-aral

Isagawa

Sumangguni sa Rubrik

Tayahin

Depende sa tugon ng mag-aral

Sanggunian

P. Copiaco, H. P., & Jacinto, E. S. (2016). Halinang Umawit at Gumuhit 5. Vibal Group, Inc.

Zephyris. (2013, August 11). Preparing a Woodcut Design. Wikimedia Commons. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Preparing_a_Woodcut_Design.jpg

Fischer, M. (n.d.). Screen Printing. Flickr. https://www.flickr.com/photos/fischerfotos/16125521732

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *