Arts 5 Quarter 3 Module 3: Printmaking with Linoleum, Rubber, or Woodcut

This is the Grade 5 Arts self-learning module for the third quarter, Module 3: “Likhang Paglilimbag Gamit ang Linoleum, Rubber, o Woodcut Print” (printmaking with linoleum, rubber, or woodcut print). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode module for learners studying at home. After working through it, learners should be able to name the tools of relief printing and make their own carved print while using carving tools safely.

What learners will learn

The module targets the competency of showing skill in printmaking with linoleum, rubber, or woodcut print, using carving tools properly (A5PL-IIId). By the end, learners should be able to:

  • Identify the different tools and materials used in relief printing.
  • Show their printmaking skill using linoleum, rubber, or woodcut print, with proper use of carving tools.
  • Value the skill of printmaking.

A short history of printing in the Philippines

The module opens with the story of Tomas Pinpin, known as the “Prinsipe ng mga Pilipinong Manlilimbag” (Prince of Filipino Printers) for his work in printing books in the Philippines.

  • The first printing machine in the country was built from the idea of Padre Francisco Blancas de San Jose, O.P., with the help of Juan de Vera.
  • In 1610, the machine was brought to Bataan, where Pinpin printed “Arte y Reglas de Lengua Tagala”, his first printed book, about the Tagalog language.
  • In 1612, he printed “Vocabulario de Lengua Tagala” by Padre San Buenaventura.

What printmaking and relief printing are

The module defines paglilimbag (printmaking) as an art activity done by leaving a mark or impression of an object on paper or cloth. Printmaking lets you express your thoughts and feelings and show your creativity. It also makes it possible to share many copies of one artwork. Even simple stamps are a kind of printmaking. Today, printmaking is seen in screen-printed clothing, magazines and newspapers, comics and manga, advertisements, and IEC (Information, Education, Communication) materials.

Relief printing is one traditional process. A design is carved into linoleum, rubber, soft wood, or another carvable material such as styrofoam. Ink is applied to the carved design, which is then transferred to paper by laying it down and pressing.

Tools and materials in relief printing

Tool or materialWhat the module says about it
WoodcutThe oldest form of printmaking, with the design carved into wood. It developed in China in the 5th century and later reached Japan. Choose soft wood; sand rough wood with sandpaper before carving.
LinoleumEasier to carve than wood because it is flat, soft, and needs no smoothing. It has no grain. It was invented as a floor covering in the 19th century.
Carving toolsThe two main tools are the curved gouge (for wide, curved cuts) and the v-tool (for thin cuts, with a sharp tip). A chisel and a knife can also be used.
InkOil-based or water-soluble relief printing inks are common. For simple prints, acrylic paint or poster paint will do.
BrayerLooks like a paint roller and spreads ink evenly on the block. There are four kinds: hard rubber, soft rubber, acrylic rubber, and sponge.
Styrofoam plateAn alternative when linoleum or soft wood is not available.

The activities in this module

The module follows the usual SLM parts, with hands-on printing tasks:

  • Subukin (pretest): name nine pictured tools, such as linoleum, curved gouge, v-tool, chisel, and brayer.
  • Balikan (review): five true-or-false items about printmaking.
  • Tuklasin (explore): cut a half-moon and a small star from used styrofoam, paint them white and yellow, and print them on a bond paper painted black. A checklist rubric follows.
  • Pagyamanin, Gawain 1: a five-item multiple-choice quiz on relief printing tools.
  • Pagyamanin, Gawain 2: carve a leaf-and-bud design on soft wood and print it in green.
  • Isaisip: complete the sentence about what you learned.
  • Isagawa: carve and print your own design on linoleum or soft wood. Pick one theme: your favorite fruit, a simple symbol of your personality, or an object with sentimental value. It is scored with a 10-8-5 point rubric.
  • Tayahin (assessment): two short questions on the tools and the value of printmaking.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): carve the Philippine flag on both linoleum and wood, print both, and compare which material is easier to carve and gives a cleaner result.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write your answers on separate paper, not on the module. Be very careful with cutters and knives. The module advises asking an older person for help with cutting to avoid wounds.
  • Parents and guardians: Help gather simple materials such as used styrofoam, poster paint or watercolor, bond paper, a pencil, and a cutter. Supervise or do the cutting with your child.
  • Teachers: The answer key at the end of the module covers the pretest, review, and quizzes. The printing tasks are checked with the included rubrics, and open-ended questions depend on each learner’s answer.

If anything in the lessons is unclear, learners are encouraged to contact their teacher right away.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Arts module for?

It is for Grade 5 Arts, Quarter 3, Module 3, on printmaking with linoleum, rubber, or woodcut print.

What is relief printing?

Relief printing is a method where a design is carved into linoleum, rubber, soft wood, or styrofoam. Ink is applied to the design, which is then pressed onto paper to transfer it.

What can I use if I do not have linoleum or soft wood?

The module says a styrofoam plate can be used as an alternative. For ink, acrylic paint or poster paint works for simple prints.

Does the module have an answer key?

Yes. The answer key covers the pretest, review, quizzes, and assessment. Hands-on tasks are checked using the rubrics in the module.

Who is Tomas Pinpin?

Tomas Pinpin is known as the Prince of Filipino Printers. In 1610 he printed Arte y Reglas de Lengua Tagala, his first printed book, in Bataan.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q3_Arts 5_ Module 3

Arts

Ikatlong Markahan – Modyul 3: Likhang Paglilimbag Gamit ang Linoleum, Rubber, o Woodcut Print

[illustration: students reading and studying outdoors and at a desk, a teacher helping a child, and a child writing by a lamp beside a globe]

CO_Q3_Arts 5_ Module 3

Arts – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikatlong Markahan – Modyul 3: Likhang Paglilimbag Gamit Ang Linoleum, Rubber, o Woodcut Print

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng _________________________________________

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: (053) 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Deberlyn H. Omalay Editors: Ana Lou R. Montilla, Eden Lynne V. Lopez Tagasuri: Shirley L. Godoy, Jo-Ann Cerna-Rapada, Frolomea Narra T. Taniza Tagaguhit: Roel Cala Tagalapat: Eden Lynne V. Lopez, Edsel D. Doctama Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma, Raul D. Agban, Arnulfo M. Balane, Lorelei B. Masias, Rosemarie M. Guino, David E. Hermano, Jr, Joy B. Bihag, Shirley L. Godoy, Ryan R. Tiu, Eva D. Divino, Nova P. Jorge, Jo-ann C. Rapada

Arts

Ikatlong Markahan – Modyul 3: Likhang Paglilimbag Gamit ang Linoleum, Rubber, o Woodcut Print

5

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow]

Ang pagpapakita ng kakayahang gumawa ng isang likhang sining ay nagpapakita kung gaano kahusay ang mga Pilipino kalakip nito ay ang tamang paggamit ng mga kagamitan upang maiwasan ang mga sakuna.

Kilala si Tomas Pinpin bilang “Prinsipe ng mga Pilipinong Manlilimbag” dahil sa naiambag nito sa pag-iimprenta ng aklat sa Pilipinas.

Mula sa ideya ni Padre Fransisco Blancas de San Jose, O.P. at sa tulong ni Juan de Vera, nabuo ang kauna-unahang typography machine o makinaryang pang-imprenta dito sa Pilipinas. At noong 1610, dinala sa Bataan ang makinarya at doon inilimbag ang aklat na “Arte y Reglas de Lengua Tagala”, ang kauna-unahang aklat na nailimbag ni Tomas Pinpin tungkol sa wikang tagalog. Noong 1612 naman ay inilimbag niya ang “Vocabulario de Lengua Tagala” ni Padre San Buenaventura.

Sa modyul na ito, maipapakita natin ang kakayahan sa paglilimbag gamit ang linoleum, rubber or woodcut print na may tamang paggamit ng mga kagamitang pang-ukit (A5PL-IIId) at inaasahang makamit ang mga sumusunod:

  1. Nakikilala ang ibat-ibang kagamitan sa relief printing.
  2. Naipapakita ang kakayahan sa paglilimbag gamit ang linoleum, rubber or woodcut print na may tamang paggamit ng mga kagamitang pang-ukit.
  3. Napapahalagahan ang kakayahan sa paglilimbag.

Subukin

[illustration: pencil icon]

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang pangalan ng bawat larawan na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

linoleum | acrylic paint | curved gouge | chisel Styrofoam | v-tool | knife | woodcut brayer

1

CO_Q3_Arts 5_ Module 3

  1. ___________________ 2. ___________________ 3. ___________________


  2. ___________________ 5. ___________________ 6. ___________________


  3. __________________ 8. ___________________ 9. ___________________


[illustration: nine pencil-drawn images of art tools numbered 1 to 9 in order: 1 a box-like container, 2 a rolled sheet, 3 a flat block, 4 a chisel, 5 a curved gouge, 6 a v-shaped tool, 7 a knife, 8 a tube labeled paint, 9 a brayer roller]

2

CO_Q3_Arts 5_ Module 3

Aralin 1

Arts: Likhang Paglilimbag Gamit Ang Linoleum, Rubber, o Woodcut Print

Ang paglilimbag ay isang uri ng gawaing sining na ginagawa sa pamamagitan ng pag-iiwan ng bakas o marka sa mga bagay sa papel o tela.

Balikan

[illustration: puzzle icon]

Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at MALI kung hindi.

____________1. Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng isang kinulayang bagay.

____________2. Ang mga patapong bagay ay maaaring gamitin sa paglilimbag.

____________3. Lahat ng uri ng paglilimbag ay ginagawang paulit-ulit.

____________4. Maaari kang maglimbag gamit ang dahon o mga natural na bagay sa paligid na pwedeng mag-iwan ng bakas.

____________5. Ang mga ito ay kagamitang sa paglilimbag ay kinakailangan bibilhin lahat o paglalaanan pa ng maraming pera.

Tuklasin

[illustration: leaf icon]

Kaya mo ba ito?

Panuto: Pagmasdang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Sundin ang mga hakbang sa paggawa at sagutin ang mga tanong na nasa rubriks.

[illustration: two hands pressing a brayer over a paper printed with a crescent moon, and a second image of a paper with a moon print]

3

CO_Q3_Arts 5_ Module 3

[illustration: two drawings of hands cutting a half-moon and a small star into styrofoam with a cutter]

Mga Hakbang sa Paggawa:

  1. Maghanda ng isang patapon o gamit na styrofoam, poster paint o watercolor, isang bondpaper, lapis, at cutter o kutsilyo.
  2. Gumuhit ng isang half-moon at isang maliit na hugis bituin sa styrofoam.
  3. Gamit ang cutter o kutsilyo, tabasin ang mga ito. Tandaan, kailangan mag-ingat sa paggamit ng cutter o kutsilyo. Mas mabuti kung magpatulong sa mga nakatatanda para maiwasan ang masugatan.
  4. Kulayan ng itim ang buong bondpaper gamit ang watercolor o poster paint at patuyuin.
  5. Lagyan ng watercolor o poster paint na kulay puti ang natabas na half-moon at pagkapos ay idiin ito sa isang bondpaper sa kanang itaas na bahagi.
  6. Kulayan naman ng dilaw ang bituin at idiin ito sa bondpaper. Ulitin ng pitong beses ang paglagay ng kulay sa hugis bituin at idiin sa mga espasyo sa bondpaper upang mailipat ang disenyo.

Rubriks para sa Tuklasin: Kakayahan sa Paglilimbag

Lagyan ng tsek ang kaukulang sagot mo sa bawat katanungan ayon sa iyong ipinakitang kakayahan sa paggawa ng sining.

KasanayanOoDi-gaanoHindi
1. Natularan mo ba ang imahe ng buwan at bituin sa pamamagitan ng paglilimbag?
2. Nasunod mo ba ang lahat ng mga hakbang sa paggawa ng likhang sining?
3. Nakagawa ka ba ng malinis at maayos na likhang sining?
4. Naipakita mo ba ang kagandahan ng iniwang bakas sa malinis na bondpaper?

4

CO_Q3_Arts 5_ Module 3

Suriin

Ang paglilimbag ay isang uri ng gawaing sining na ginagawa sa pamamagitan ng pag-iiwan ng bakas o marka sa mga bagay sa papel o tela. Sa pamamagitan ng paglilimbag ay maipahahayag mo ang iyong kaisipan at damdamin at maipakikita mo rin ang iyong pagkamalikhain.

Maliban sa mga nabanggit ano pa ang maitutulong ng paglilimbag sa likhangsining? Mas mabuti kung maging partikular sa benepisyo nito tulad ng pagpapalawak ng pagkakataon na maibahagi sa mga tao ang maramihang salin ng isang likhang sining. Kahit ang simpleng “stamps” na ginagamit ng karamihan pang disenyo ay isang uri ng paglilimbag.

Sa kontemporaryong panahon, madalas makikita ang paglilimbag sa paggawa ng disenyo ng mga damit (screen printing), printed media (magazines, newspapers, etc), graphic novels (manga/comics), advertisements, at iba pang uri ng IEC (Information, Education, Communication) materials.

Mayroong iba’t-ibang proseso ang ginagamit sa tradisyunal na paglilimbag. Isa sa mga ito ay tinatawag na “relief printing”. Ang relief printing ay isang paraan ng paglilimbag na kung saan inuukitan ng disenyo ang linoleum, rubber o malambot na kahoy, o iba pang materyal na pwedeng maukitan gaya ng styrofoam. Nilalagayan ng tinta ang nagawang disenyo upang mailipat ito sa papel sa pamamagitan ng pagpatong at pagdiin.

Mga Kagamitan sa Relief Printing
Woodcut

Ito ang pinakalumang anyo ng paglilimbag na ang isang disenyo ay inuukit sa kahoy. Ito ay nilalagyan ng tinta upang maisalin sa ibang materyal ang disenyo kagaya ng papel o tela. Ang woodcut ay nalinang noong ika-5 siglo sa China at kalaunan ay umabot ang likhang sining na ito sa Japan.

Mas mainam na piliin ang malambot na kahoy upang madaling maukitan ng disenyo. Kung ang kahoy na nagamit ay magaspang, kailangan itong gamitan ng papel de liha bago maukitan upang maging makinis at maayos kapag lalagyan na ng tinta.

Linoleum

Ang linoleum ay mas madaling maukitan kaysa sa kahoy dahil ito ay patag, malambot at hindi na kailangan pakinisin. Wala itong himaymay di gaya ng kahoy. Ito ay naimbento bilang takip ng sahig (floor covering) noong ika-19 na siglo.

Carving Tools

May dalawang pangunahing kagamitan para iukit sa woodcut, ito ay ang curved gouge at v-tool. Ang gouge ay nakakaukit ng malawak at may palikong hugis. Ang v-tool naman ay para sa maninipis na pagukit at may matalim na unahan. Ang iba pang pwedeng gamiting pang-ukit ay ang chisel at kutsilyo.

Ink

Karaniwang ginagamit na ink ay ang mga oil-based at yung mga water soluble ink na para talaga sa relief printing depende ang gamit nito sa material na paglilipatan ng disenyo. Para sa simpleng likhang paglilimbag, maaaring gamitin ang acrylic paint o poster paint.

Brayer

Ito ay kahawig lang ng isang paint roller. Mayroon itong apat na uri, hard rubber, soft rubber, acrylic rubber, at sponge brayer. Ginagamit ang brayer upang mas mapadali ang pagpahid ng ink sa linoleum, rubber o woodcut.

Iba pang kagamitan

Maaring gumamit ng Styrofoam plate bilang alternatibo kung walang makitang linoleum o malambot na kahoy.

Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Kilalanin ang iba’t-ibang kagamitan sa relief printing sa pamamagitan ng pabilog sa titik ng tamang sagot.

  1. Ito ay isang paraan ng paglilimbag na kung saan inuukitan ng disenyo ang linoleum, rubber o malambot na kahoy, o iba pang materyal na pwedeng maukitan gaya ng sponge, at syrofoam.
    a. intaglio b. relief c. stencil


  2. Ito ay isa sa pangunahing kagamitan sa pag-ukit na nakakaukit ng malawak at may palikong hugis.
    a. v-tool b. chisel c. curved gouge


  3. Ang kagamitang ito ay para naman sa maninipis na pag-ukit at may matalim na unahan.
    a. v-tool b. curved gouge c. chisel


  4. Ang likhang sining na ito ay ang pinakalumang anyo ng paglilimbag galing sa China.
    a. linocut b. woodcut c. rubber


  5. Ang kagamitang ito ay walang himaymay di gaya ng kahoy. Ito ay naimbento bilang takip ng sahig (floor covering) noong ika-19 na siglo.
    a. linoleum b. woodcut c. rubber


Gawain 2

Panuto: Ipakita ang kakayahan sa paglilimbag sa pamamagitan ng pagsunod ng mga sumusunod na hakbang.

  1. Ihanda ang mga sumusunod na kagamitan.
    • Malambot at patag na kahoy na pwedeng maukitan
    • Mga pang-ukit (pwedeng cutter o kutsilyo)
    • Poster paint/ Acrylic paint (berde)
    • Dalawang short bondpaper
  2. Sa isang short bondpaper, gamit ang lapis, iguhit ang larawan na nasa ibaba. Pagkatapos ay gupitin ito at itabi muna ang nagawang disenyo.

[illustration: pencil drawing of a flower bud with a leaf on a stem]

  1. Gamit ang disenyo na nagawa, gawin itong stencil at iguhit sa kahoy.
  2. Kunin ang cutter/kutsilyo at ukitin ang nasa labas na bahagi ng guhit. Ukitin hanggang sa lumitaw ang disenyong dahon. Palaging tandaan na kailangan mag-ingat sa paggamit ng cutter o kutsilyo. Mas mabuti kung magpatulong sa mga nakatatanda para maiwasan ang masugatan.
  3. Pagkatapos maukit ang disenyo, kulayan ito ng berde gamit ang poster paint/acrylic paint.
  4. Ilatag ang natitirang bondpaper at doon ilipat ang disenyong inukit at kinulayan sa pamamagitan ng pagdidiin nito ng maayo at dahan-dahan.

Naibigan mo ba ang disenyong nagawa mo?


Paano mo nagawa ang likhang sining na ito?


Nasunod mo ba ang pamantayan sa maayos na paggawa?


Isaisip

Ang natutunan ko sa araling ito ay- _____


Isagawa

Panuto: Ipakita ang kakayahan sa paglilimbag sa pamamagitan ng paggamit ng linoleum o malambot na kahoy. Sumangguni sa rubriks na makikita sa pahina 9 para sa kaukulang puntos.

Mga Kagamitan sa Paggawa:

  • Linoleum o malambot at patag na kahoy na pwedeng maukitan
  • Lapis
  • Mga pang-ukit (pwedeng cutter o kutsilyo)
  • Poster paint/ Acrylic paint
  • Dalawang long bondpaper

Mga Hakbang sa Paggawa:

  1. Ihanda ang mga kagamitan na kakailanganin sa paggawa.
  2. Gumuhit ng simpleng disenyo sa bond paper at gupitin ito. Pumili lamang ng isang tema na nasa ibaba:
    • paboritong prutas
    • simpleng simbolo ng iyong personalidad
    • bagay na may sentimental na halaga para sa iyo
  3. Gamit ang disenyo na nagawa, gawin itong pattern at iguhit sa linoleum, o malambot na kahoy.
  4. Gamitin ang cutter/kutsilyo ukitin ito hanggang sa lumitaw ang disenyong nais. Mag-ingat sa paggamit ng kutsilyo/cutter upang hindi masugatan.
  5. Pagkatapos maukit ang disenyo, kulayan ito sa gusto mong kulay gamit ang poster paint/acrylic paint.
  6. Ilatag ang bondpaper at doon ilipat ang disenyong inukit at kinulayan sa pamamagitan ng pagdidiin nito ng maayo at dahan-dahan. Pagkatapos ay patuyuin.
Rubriks para sa Isagawa: Kakayahan sa Paglilimbag

Lagyan ng tsek ang kaukulang puntos mo sa bawat kasanayan ayon sa iyong ipinakitang kakayahan sa paggawa ng sining.

Mga SukatanHigit na nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining (10)Nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining (8)Hindi nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining (5)
1. Nakagawa ng sariling disenyo ayon sa tema sa pamamagitan ng paglilimbag.
2. Nasunod ang lahat ng mga hakbang sa paggawa ng likhang sining.
3. Nakagawa ng malinis at maayos na likhang sining.
4. Naipakita ang pagiging malikhain sa paggawa ng iyong sariling disenyo.
Tayahin
  1. Ano-ano ang mga iba’t-ibang kagamitan sa relief printing?

  1. Mahalaga ba ang magkaroon ng kakayahan sa likhang paglilimbag gamit ang linoleum, rubber o woodcut na may tamang paggamit mga kagamitang pang-ukit? Bakit?

Karagdagang Gawain

A. Panuto: Ihasa ang kakayahan sa paglilimbag sa pamamagitan ng paggawa sa mga sumusunod:

Mga Kagamitan sa Paggawa:

  • Isang piraso ng linoleum
  • Isang woodcut
  • Lapis
  • Mga pang-ukit
  • Poster paint/ Acrylic paint (asul, pula, dilaw, at puti)
  • Tatlong short bondpaper

Mga Hakbang sa Paggawa:

  1. Ihanda ang mga kagamitan na kakailanganin sa paggawa.
  2. Isulat sa isang bondpaper sa itaas na bahagi ang “Paglilimbag gamit ang linoleum” at sa isang bondpaper naman ang “Paglilimbag gamit ang woodcut” at itabi muna ito.
  3. Sa isang bondpaper naman ay iguhit ang watawat ng Pilipinas na may katamtamang laki upang magkasya sa linoleum at woodcut.
  4. Gamit ang ginuhit, gawin itong stencil. Iguhit ito pareho sa linoleum at sa woodcut.
  5. Ukitin sa linoleum at sa woodcut hanggang sa lumitaw ang disenyo ng watawat. Mag-ingat sa paggamit ng kutsilyo/cutter upang hindi masugatan.
  6. Pagkatapos ukitin ang watawat sa dalawang materyal, lagyan ito ng angkop na kulay gamit ang poster paint/acrylic paint.
  7. Ilatag ang dalawang bondpaper na nasulatan kanina. Isa-isahing isalin nang maingat ang disenyong kinulayan ayon sa ginamit na materyal sa paglilimbag. Pagkatapos ay patuyuin.
Rubriks para sa Karagdagang Gawain: Paglimbag Gamit ng Linoleum at Woodcut

Lagyan ng tsek ang kaukulang puntos mo sa bawat kasanayan ayon sa iyong ipinakitang kakayahan sa paggawa ng sining.

Mga SukatanHigit na nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining (10)Nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining (8)Hindi nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng likhang-sining (5)
1. Nakagawa ng sariling disenyo ayon sa tema sa pamamagitan ng paglilimbag.
2. Nasunod ang lahat ng mga hakbang sa paggawa ng likhang-sining.
3. Nakagawa ng malinis at maayos na likhang-sining.
4. Naipakita ang pagiging malikhain sa paggawa ng iyong sariling disenyo.

B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

  1. Sa iyong nagawang sining, alin ang mas madaling ukitan ng disenyo, linoleum o woodcut? Bakit?


  1. Alin sa dalawang likhang paglilimbag ang may malinis at mas detalyadong disenyo ang naipakita?

  1. Bilang isang mag-aaral sa ikalimang baitang, paano mo gagamitin ang natutunang teknik sa paglilimbag na maaaring makatulong sa iyong personal na buhay?

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the answer boxes are transcribed below in the order of the module’s sections]

Subukin
  1. styrofoam
  2. linoleum
  3. woodcut
  4. curved gouge
  5. chisel
  6. v-tool
  7. knife
  8. acrylic paint
  9. brayer
Balikan
  1. TAMA
  2. TAMA
  3. TAMA
  4. TAMA
  5. MALI
Tuklasin

Depende sa tugon ng mag-aaral

Gawain 1

b c a b a

Gawain 2

Sumangguni sa Rubriks

Gawain 3

Depende sa tugon ng mag-aaral

Isagawa

Sumangguni sa Rubriks

Tayahin
  1. Woodcut, linoleum, v-tool, curved gouge, chisel, brayer
  2. Oo mahalaga ito. Sa pamamagitan ng paglilimbag ay maipahahayag mo ang iyong kaisipan at damdamin at maipakikita mo rin ang iyong pagkamalikhain.
Karagdagang Gawain

A. *Sumangguni sa Rubriks B. *Depende sa tugon ng mag-aaral

Sanggunian

Hazel P. Copiaco and Emilio S. Jacinto Jr., Halinang Umawit at Gumuhit 5: (Vibal Group, Inc. 2016) pahina 136-139

Emelita C. Valdecantos, Umawit at Gumuhit 5: (Saint Mary’s Publishing Corporation 1999) pahina 129

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *