Araling Panlipunan 9 Quarter 2 Module 5: Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

Grade 9 AP Quarter 2 Module 5 explains how the government regulates the market through price ceiling, price floor, SRP, price freeze, and price support.

This is the Araling Panlipunan Grade 9 self-learning module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 5: “Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan” (the relationship between the market and the government). It was prepared by DepEd Region IX for learners studying at home. It explains how and why the government steps into the market through price controls and price support. By the end, learners should be able to explain why this intervention is needed to meet people’s needs.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module gives one general and one specific objective:

  • General: “Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan.” Learners come to value the government’s role in regulating economic activities.
  • Specific: “Napangangatwiranan ang kinakailangang pakikialam at regulasyon ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang istraktura ng pamilihan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.” Learners justify why the government must intervene in and regulate economic activity across different market structures so that citizens’ needs are met.

The module has one lesson, Aralin 1: Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan. It builds on Module 4, “Ang Pamilihan at mga Estraktura nito” (the market and its structures), which learners are asked to review first.

Key ideas: how the government controls prices

The module defines the pamilihan (market) as the place and mechanism where consumers and producers meet and exchange goods at set prices. It defines the pamahalaan (government) as the institution whose main duty, under the Constitution, is to serve and protect its citizens. The government’s main tools in the market are these:

Price ceiling

A price ceiling, also called the maximum price policy, is the highest price at which a producer may sell a product.

  • It is set below the equilibrium price when that price is too high for consumers.
  • Basic goods such as rice, sugar, coffee, flour, bread, eggs, and instant noodles are closely watched.
  • These goods carry a suggested retail price (SRP).
  • The Department of Trade and Industry (DTI) leads its enforcement, with help from barangay, town, and city governments.
  • Overpricing is against the Anti-Profiteering Law.
  • The module adds that a price ceiling set above the equilibrium price has no effect on the market.

Price floor

A price floor, also called price support or the minimum price policy, is the lowest price that the law sets for goods and services. It is set above the equilibrium price.

Examples are price support for agriculture and the minimum wage law. The module uses palay (unhusked rice) as its example. If the price of palay falls too low, farmers may lose interest in planting, which leads to a shortage in supply. To prevent this, the government sets a minimum buying price for their harvest. A price floor set below the equilibrium price has no effect on prices.

Effects of price ceiling and price floor

Price ceilingPrice floor
Good effectsLower prices of goods; security for buyersHigher wages for workers; bigger profit for sellers
Bad effectsLower supply; shortage; black marketsHigher prices of goods; possible surplus; lower demand

Other government measures

  • Suggested Retail Price (SRP): a price the government sets for a good to keep basic necessities affordable.
  • Price freeze: a ban on raising prices, enforced especially during or right after a calamity, to stop businesses from taking advantage of consumers.
  • Price support: help to businesses so they avoid losses, such as subsidies, tax exemptions or tax deductions, discounts, and bonuses. Its aim is to keep production costs low so that prices do not rise.

The module’s news reading shows a real price freeze. After typhoon “Glenda,” the DTI ordered a 60-day price freeze on agricultural and non-agricultural necessities in areas under a state of calamity. Prices of LPG and kerosene were frozen for 15 days. Violators faced fines of Php5,000 to Php1,000,000 and/or one to ten years in prison.

Activities in the module

  • Subukin: a 10-item multiple-choice pretest.
  • Gawain 1: Word Hunt: find terms such as DTI, DOLE, kakulangan (shortage), kalabisan (surplus), minimum wage, price ceiling, and price floor.
  • Gawain 2: Once Upon a Time!: predict what happens in three situations:
    • a farmer, Mang Francisco, whose palay sells below his costs
    • a typhoon that destroys rice fields in Central Luzon
    • businesses that raise prices after a storm
  • Gawain 3: Path of Knowledge: write an answer at the start, middle, and end of the lesson to track your learning.
  • Gawain 4: Discussion Web Chart: answer the question “Mahalaga ba ang papel ng pamahalaan sa pamilihan?” (Is the government’s role in the market important?).
  • Gawain 5: Venn Diagram: compare price ceiling and price floor.
  • Gawain 6: Poster-Making: make a poster on the government–market relationship, scored with a rubric worth 10 points each for accuracy, content, and creativity.
  • Tayahin: a 10-item post-test.
  • Karagdagang Gawain (Ulat-Patrol): fill in a tri-radial chart and answer questions about the price freeze news article.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper, and do not write on the module. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end. Contact your teacher if anything is unclear.
  • Parents and guardians: Help your child follow the order of the parts, and make sure answers go on separate paper so the module can be reused. The answers given for the open-ended activities are only possible answers, so accept reasonable answers in your child’s own words.
  • Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The Tayahin measures what they learned. The poster rubric and the open-ended activities can be used for performance-based assessment.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 9 Araling Panlipunan, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 5.

What is the difference between a price ceiling and a price floor?

A price ceiling is the highest legal selling price and is set below the equilibrium price to protect consumers. A price floor is the lowest legal price and is set above the equilibrium price to help producers and workers, as with farm price support and the minimum wage.

What is a price freeze?

It is a ban on raising prices, usually during or after a calamity, to stop businesses from overcharging. In the module’s news example, the DTI ordered a 60-day price freeze on basic necessities after typhoon Glenda.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and post-test, plus possible answers for the open-ended activities.

Which government agency leads price control enforcement?

The module names the Department of Trade and Industry (DTI) as the main agency, working with barangay, town, and city governments.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

[illustration: students studying outdoors and indoors with a globe, books, and a lamp]

CO_Q2_ AP9_Module 5

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 5: Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Kristine M. Sato

Editor: Serapion P. Cabatingan, Jr., Nelson S. Lasagas

Tagasuri: Ramel P. Cael

Tagaguhit: Jomar Richa

Tagalapat: Pepe M. Tabanao, Jr., Elizalde Piol

Tagapamahala: Ruth I. Fuentes, Pedro Melchor M. Natividad, Eugenio B. Penales, Sonia D. Gonzales, Danny A. Cordova, Ma. Diosa Z. Peralta, Ma. Madelene P. Mituda, Alelen Zinnia A. Pancho

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – Region IX

Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City

E-mail Address: region9@deped.gov.ph

9

Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan – Modyul 5: Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

[transcriber’s note: this inner title page repeats the cover title above]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalamanng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii

Alamin

A.) Layunin Pangkalahatan
  • Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan.

Tiyak

  • Napangangatwiranan ang kinakailangang pakikialam at regulasyon ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang istraktura ng pamilihan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Subukin

Paunang Pagsusulit

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga tanong at ilagay sa sagutang papel.

_____ 1. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto? a. Price ceiling b. Floor Prices c. Market Clearing price d. Price support

_____ 2. Ito ay paraan ng pamahalaan na bigyan ng tulong ang mga negosyante upang maiwasan ang pagkalugi o mabawasan ang kita. a. Price Ceiling b. Price Support c. Price floor d. Market Price

_____ 3. Isang organisadong sistemang pang-ekonomiya kung saan nagtatagpo ang konsuyumer at nagbibili o prodyuser upang magkaroon ng palitan. a. DOLE b. Pamilihan c. Subsidy d. Surplus

_____ 4. Isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. a. Market b. Shortage c. Price Freeze d. Pamahalaan

_____ 5. Ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng kalamidad (bagyo, lindol, at iba pa.) a. Price Freeze b. Price ceiling c. Price floor d. Price stabilization

_____ 6. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ayon sa Konstitusyon? a. Paglingkuran at pangalagaan ang mga mayayaman b. Makipag ugnayan sa mga kalapit bansa c. Paglingkuran at pangalagaan ang kanyang mamamayan d. Makipagtransaksiyon sa mga kilalang tao lamang

_____ 7. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi lahat ay may kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto o serbisyo na tutugon sa ating mga pangangailangan. Ano ang tawag sa lugar at mekanismo kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto? a. department store b. pamilihan c. talipapa d. tiangge

_____ 8. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ng mga may-ari ng prodyuser, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo? a. price ceiling b. floor prices c. market clearing price d. price support

_____ 9. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito? a. panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid b. pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin c. pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer d. patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo

_____ 10. Ano ang nais ipakita ng tsart sa ibaba para sa konsyumer at prodyuser sa pagtatakda ng price control/price support ng pamahalaan?

[chart: flowchart; untitled, showing the structure of price control and price support]

  • DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) → PAMILIHAN
  • PAMILIHAN → PRICE CONTROL and PRICE SUPPORT
  • PRICE CONTROL → KONSYUMER
  • PRICE SUPPORT → MALIIT NA PRODYUSER AT MAGSASAKA

Nais ng pamahalaan na: a. kontrolin ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan b. maipakita ng pamahalaan ang kanilang pagtupad sa tungkulin c. matamo ang layunin ng ekwilibriyo d. tulungan ang konsyumer at maliit na prodyuser

Aralin 1: Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

Balikan

Balikan at pag-aralang mabuti ang nakaraang paksa sa Modyul 4: Ang Pamilihan at mga Estraktura nito, upang labis na maunawaan ang susunod na Gawain sa Modyul 5.

Tuklasin
Gawain 1: WORD HUNT

Hanapin at bilugan ang sumusunod na salita sa kahong nasa ibaba. Ang salita ay maaaring pababa, pahalang, o pabaliktad.

  1. DTI
  2. DOLE
  3. Kakulangan
  4. Kalabisan
  5. Minimum Wage
  6. Pamahalaan
  7. Pamilihan
  8. Presyo
  9. Price Ceiling
  10. Price Floor
123456789101112
MEADOLENPAWP
SIEAEIOUAXUR
UANRAWDEMLDI
BPTIAEIOAPAC
SOPAMILIHANE
ILGI[illegible]UANABGI
DLXEDAMQLEDL
YOIRENEWARTO
OTKUDORPANIO
KALABISANGBR
PRESYOMARTEB
SKAKULANGANO
PRICECEILING

[transcriber’s note: the grid has no printed column headers; the header row numbers 1 to 12 were added for table structure only. One cell in row 6, column 5, is unclear in the image.]

Pamprosesong Tanong:

  1. Ano-ano ang salita/konsepto na tila bago sa iyo?
  2. Sa iyong palagay, sa anong paraan nagkakaroon ng ugnayan ang mga salita/konseptong ito?

Ilagay ang iyong mga kasagutan sa mga katanungan sa iyong sagutang papel.

Suriin

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang teksto upang mas madaling masagutan ang mga sumusunod na mga katanungan sa GAWAIN 2 at sa iba’t ibang mga susunod na Gawain.

  • Price Ceiling – Ito ay kilala rin sa katawagan bilang maximum price policy o ang pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang produkto. Mahigpit na binabantayan ang mga produkto nakabilang sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, asukal, kape, harina, tinapay, itlog, at maging ang mga instant noodles na minamarkahan ng pamahalaan ng tinatawag na suggested retail price (SRP). Ang patakarang ito ay isang pamamaraan upang mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng nasabing produkto lalo na sa panahon ng krisis. Samantala, sa panahong nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad ng bansa, ang pamahalaan ay mahigpit na nagpapatupad ng price freeze o pagbabawal sa pagtataas ng presyo sa pamilihan. Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto. Itinatakda ito kapag ang equilibrium price ay masyadong mataas sa pananaw ng mga konsyumer. Ang price ceiling ay itinatakda na mas mababa sa equilibrium price. Labag sa Anti-Profiteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na presyo. Ito ay ipinatutupad ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI), bilang pangunahing ahensiya na may tungkulin dito, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan (barangay, bayan, o lungsod) upang masigurong ang galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan ay naaayon sa batas.

[chart: line graph; Price Ceiling]

  • Ang price ceiling na mas mataas sa presyong ekwilibriyo ay walang epekto sa pamilihan. Hindi malulugi ang mga nagtitinda.
  • Y-axis: P; X-axis: Q
  • Values printed: 1000 (price ceiling line), 800 (equilibrium price), 300 (quantity at equilibrium)
  • Labels printed: S (supply curve), D (demand curve), Price Ceiling

[chart: supply and demand graph; Price Ceiling]

Price Ceiling

Ang pagtatakda ng price ceiling na mas mababa sa presyong ekwilibriyo ang makakaiwas sa pagkalugi ng mga negosyante.

Labels printed on chart: P, Q, S, D, Shortage, Price Ceiling

Value printed on chartAxis
800P
500P
250Q
400Q

Epekto ng pagkakaroon ng Price Ceiling:

Mabuti:

  1. Mababang presyo ng mga bilihin.
  2. Kasiguruhan sa mga mamimili.

Di-mabuti:

  1. Pagbaba ng Supply
  2. Nagiging dahilan ng Kakulangan
  3. Nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga ilegal na pamilihan (black market)

• Price Floor – Ito ay kilala rin bilang price support at minimum price policy na tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo. Itinatakda ito ng mas mataas sa equiblibrium price. Katulad ng price ceiling, isinasagawa ito ng pamahalaan upang matulungan ang mga prodyuser. Kabilang sa sistemang ito ang pagkakaloob ng tinatawag na price support sa sektor ng agrikultura at ang batas naman na nauukol sa pagtatakda ng minimum wage. Halimbawa, kung masyadong magiging mababa ang equilibrium price ng mga produktong palay sa pamilihan, ang mga magsasaka ay maaaring mawalan ng interes na magtanim dahil maliit naman ang kanilang kikitain mula rito. Kung magaganap ang sitwasyong ito, magdudulot ito ng kakulangan sa supply. Hindi makabubuti sa ekonomiya ang kalagayang ito kung kaya ang pamahalaan ay magtatakda ng price support/price floor o ang pinakamababang presyo kung saan maaaring bilhin ang kanilang ani.

[chart: supply and demand graph; Price Floor]

Price Floor

Ang pagtatakda ng Price Floor na mas mataas sa presyong ekwilibriyo ay magdudulot ng mataas na presyo ng mga kalakal.

Labels printed on chart: Labor Surplus, Price Floor, S, D, P, Q

Value printed on chartAxis
500P
400P
400Q
550Q

[chart: supply and demand graph; Price Floor]

Price Floor

Ang pagtatakda ng Price Floor na mas mababa sa presyong ekwilibriyo ay walang epekto sa presyo ng mga kalakal.

Labels printed on chart: S, D, P, Q, Price Floor

Value printed on chartAxis
400P
300P
500Q

[chart: supply and demand graph; Buod]

Labels printed on chart: P, Q, S, D, Price Floor, Price Ceiling

Value printed on chartAxis
500P
400P
300P
400Q
550Q

Epekto ng pagkakaroon ng Price Floor

Mabuti:

  1. Mas mataas na sahod sa mga manggagawa
  2. Mas malaking tubo sa mga nagtitinda

Di-mabuti:

  1. Mas mataas na presyo ng bilihin
  2. Maaring maging dahilan ng kalabisan ng kalakal
  3. Mas mababang demand ng mga bilihin

• Suggested Retail Price (SRP) – Presyong itinakda ng pamahalaan para sa isang kalakal. Mahigpit na binabantayan ang mga produkto nakabilang sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, asukal, kape, harina, tinapay, itlog, at instant noodles. Ang patakarang ito ay isang pamamaraan upang mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng nasabing produkto.

• Price Freeze – Pagbabawal sa pagtataas ng presyo sa pamilihan. Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto. Labag sa Anti-Profiteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na presyo.

• Price Support – Ito ay paraan ng pamahalaan na bigyan ng tulong ang mga negosyante upang maiwasan ang pagkalugi o mabawasan ang kita. Kabilang dito ang mga subsidy, tax exemption o tax deduction, discount at bonus. Layunin nito na mapanatili ang mababang halaga ng produksyon upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Pagyamanin

[illustration: hand stacking blocks]

Gawain 2: ONCE UPON A TIME!

Basahin ang sitwasyong nasa loob ng kahon at buuin ang maaaring kahinatnan nito batay sa iyong sariling pagkaunawa. Isulat ang iyong kasagutan gamit ang dialogue box.

Matagal nang magsasaka si Mang Francisco. Isang araw ay nabalitaan niyang ang presyo ng kaniyang produktong palay ay binibili lamang sa murang halaga. Ang presyo ay hindi kayang mabawi kahit puhunan niya sa binhi at fertilizer. Ano kaya ang maaaring mangyari kay Mang Francisco?

Maaaring _____



Ang Gitnang Luzon ay sinalanta ng bagyo. Maraming palayan ang nasira. Ano kaya ang maaaring ibunga nito?

Maaaring _____



Dahil sa katatapos pa lamang na bagyo nabalitaan ng pamahalaan na maraming mga negosyante ang nanamantala sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo. Ano kaya ang maaaring gawin ng pamahalaan?

Maaaring _____



• Pamprosesong mga tanong

  1. Paano ka nakabuo ng maaaring kahinatnan ng pangyayari?
  2. Alin sa mga sitwasyon ang nahirapan kang bumuo ng maaaring kahinatnan? Bakit?

• Dito ilagay ang iyong kasagutan sa mga katanungan.



Isaisip
Gawain 3: PATH OF KNOWLEDGE

Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng iyong kaunlaran sa pagkatuto. Sa bahaging ito ay sasagutin mo ang katanungang nasa kahon. Isulat mo sa bahaging SIMULA ang iyong inisyal na kasagutan. Samantalang ang bahagi ng GITNA at WAKAS ay sasagutan mo lamang sa iba pang bahagi ng iyong paglalakbay sa araling ito. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

[chart: flowchart; Path of Knowledge]

Labels printed on chart: SIMULA, GITNA, WAKAS

Pinagkunan: http://www.westsideelementaryschool.com/Kindergarten%20Journey%20Throu%20Rea

Isagawa
Gawain 4: TEKS-TO-INFORM – DISCUSSION WEB CHART

• Sagutin ang discussion web chart at mga pamprosesong tanong na nasa ibaba batay sa tekstong iyong nabasa.

[chart: discussion web; Teks-to-Inform – Discussion Web Chart]

Labels printed on chart: MAHALAGA BA ANG PAPEL NG PAMAHALAAN SA PAMILIHAN?; DAHILAN; DAHILAN; Sapagkat; Sapagkat; KONGKLUSYON

• Pamprosesong mga tanong

  1. Bakit mahalaga ang pamahalaan sa isang bansa?
  2. Paano nagkakaroon ng bahagi ang pamahalaan sa pamilihan?
Gawain 5: VENN DIAGRAM

Mula sa tekstong iyong nabasa, punan ng mahahalagang impormasyon ang Venn Diagram gamit ang mga pamprosesong tanong upang maipakita ang pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng price ceiling at price floor.

[chart: Venn diagram; Gawain 5: Venn Diagram]

Labels printed on chart: PRICE FLOOR; PRICE CEILING

• Pamprosesong tanong:

  1. Ano ang pagkakatulad ng dalawang konsepto?
  2. Paano naman sila nagkakaiba?
  3. Paano ito nakatutulong sa mga konsyumer o prodyuser?
Gawain 6: POSTER – MAKING TAYO!

Mula sa tekstong iyong nabasa, gumawa ng isang poster na naglalayong magpakita ng kahalagahan ng ugnayan ng pamahalaan at pamilihan, ito ay maaaring gawin sa isang malaking cardboard o kartolina. Maaaring gawing basehan ang rubrik sa ibaba para saiyong final output.

PAMANTAYANDISKRIPSYONPUNTOS
KAWASTUHANAng poster ay tumutugma sa paglalarawan at konsepto sa ibinigay na paksa.10
NILALAMANWasto at makatutuhanan. May pinagbatayang artikulo, pag-aaral, at pagsasaliksik sa mga ipinapakitang kaisipan sa poster10
PAGKAMALIKHAINMay sariling istilo sa paggawa ng poster. Gumamit ng mga angkop na estratihiya o teknik upang maging kaaya-aya ang pinal na gawa.10
Tayahin

[illustration: hand writing with a pencil]

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang mga numero at ilagay sa sagutang papel.

_____1. Ang mga sumusunod ang di-mabuting epekto ng Price Ceiling, maliban sa isa, alin sa mga sumusunod?

  • A. mababang presyo
  • B. dahilan ng pagkakaroong black market
  • C. nagiging dahilan ng kakulangan
  • D. mababang supply

_____2. Ito ay paraan ng pamahalaan na bawalan ang pagtataas ng presyo sa pamilihan.

  • A. price ceiling C. price floor
  • B. price freeze D. market price

_____3. Ito ay paraan ng pamahalaan na bigyan ng tulong ang mga negosyante upang maiwasan ang tuluyang pagkalugi at mabawasan ang kanilang kita.

  • A. black market C. Income Tax Return
  • B. price Support D. Surplus

_____4. Ito ay ipinapatupad upang mapanatiling abot kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng nasabing produkto.

  • A. market price C. price freeze
  • B. price ceiling D. Suggested Retail Price

_____5. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ayon sa Konstitusyon?

  • A. Paglingkuran at pangalagaan ang kanyang mamamayan
  • B. Makipag ugnayan sa mga kalapit bansa
  • C. Paglingkuran at pangalagaan ang mga mayayaman
  • D. Makipagtransaksiyon sa mga kilalang tao lamang

_____6. Alin sa sumusunod na epekto ang di Mabuti sa pagkakaroon ng Price Floor?

  • A. mataas na sahod ng manggagawa C. mas mataas na presyo ng bilihin
  • B. malaking tubo sa nagtitinda D. mas mataas na demand ng bilihin

_____7. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ng mga may-ari ng prodyuser, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?

  • A. floor prices C. market clearing price
  • B. price ceiling D. price support

_____8. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito?

  • A. pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin
  • B. panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid
  • C. pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer
  • D. patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo

_____9. Ito ay mga uri ng Price Support na ibinibigay ng pamahalaan, maliban sa isa.

  • A. Subsidy C. Tax exemption
  • B. Interest D. Tax Deduction

_____10. Tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo at mas kilala rin bilang Price Support.

  • A. Price Ceiling C. Equilibrium
  • B. Price Floor D. SRP
Karagdagang Gawain

[illustration: hands with gears]

Basahin ang balitang nasa ibaba at sagutin ang mga katanungan pagkatapos.

Price Freeze, Ipinatupad sa Calamity Areas

Iniutos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 60-day price freeze sa mga lugar na idineklarang nasa state of calamity. Sa isang pahayag na ipinaskil sa official website nito, sinabi ng DTI na dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong “Glenda” ay hindi maaaring magtaas ang retailers ng presyo ng agricultural at non-agricultural necessities. Kabilang sa agricultural necessities ang bigas, mais, cooking oil, isda, itlog, baboy, manok, karne, sariwang gatas, gulay, prutas, root crops at asukal. Itinuturing namang non-agricultural necessities ang canned marine products, evaporated/condensed/powdered milk, kape, sabong, panlaba, noodles, tinapay, asin, kandila at bottled water. Samantala, naka-freeze din ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) at kerosene sa loob ng 15 araw. Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng Php5,000 hanggang Php1,000,000 at/o pagkakakulong ng isa hanggang sampung taon. — Mary Rose A. Hogaza

Pinagkunan:http://asia.widmi.com/index.php/philippines/balita-online/news/211065-price-freeze-ipinatupad-sacalamity-areas Retrieved on: November 24, 2014

Gawain 6: ULAT -PATROL

Batay sa balita na iyong nabasa, punan ang mahahalagang konsepto ang tri-radial cycle chart na nasa ibaba at sagutin ang pamprosesong tanong sa iyong sagutang papel.

[chart: tri-radial cycle chart; Gawain 6: Ulat -Patrol]

Center: Price Freeze

Labels printed on chart: Kahulugan/ Layunin ng Pagpapatupad; Mga Uri ng mga Produktong Kabilang; Mga Kaukulang Parusa sa Paglabag

• Pamprosesong mga tanong

  1. Patungkol saan ang balita?
  2. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit ipinatupad ang price freeze?
  3. Makatwiran ba ang isinasaad ng balita? Bakit?
  4. Maglista ng mga pahayag mula sa balita na siyang nagpapakita ng kapangyarihan ng pamahalaan.
  5. Bilang isang konsyumer, paano nakatulong sa iyo ang balita?

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer boxes and text are transcribed in reading order]

[illustration: hand holding a key]

Subukin
BilangSagot
1A
2B
3B
4D
5A
6C
7B
8A
9B
10B
Tuklasin
Gawain 1: Word Hunt

(Mga posibleng kasagutan)

  1. Price Ceiling at Price Floor
  2. Sa aking palagay, ang mga konsepto at mga salita ay magkakaugnay sapagkat ito ay tumatalakay sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan at istratura nito.
Suriin
Gawain 2: Once Upon a Time

Dialogue Box: (mga posibleng kasagutan)

  1. Maaaring malugi si Mang Francisco kapag ibebenta niya sa mas murang halaga ang kanyang ani.
  2. Maaaring magkaroon tayo ng kakulangan sa suplay ng bigas sa buong bansa.
  3. Maaaring magbigay ang pamahalaan ng babala sa mga negosyante na sila ay mapaparusahan kung sila ay lalabag sa nakatakdang SRP o suggested retail proce na ibinibigay at regulado ng pamahalaan.

Pamprosesong Tanong (mga posibleng kasagutan)

  1. Ang aking naging batayan ay ang mga totoong nakikita ko sa aking paligid at nababalitaan sa radyo at telebisyon at maging sa mga totoong nararanasan ng aking mga kapitbahay at ka baryong mga magsasaka.
  2. Sa ikatlong sitwasyon, sapagkat, nagiging normal na sa atin ang mga mapagsamantalang mga negosyante, lalo na’t hindi agad nabibigyan ng aksyon ng pamahalaan ang kanilang mga hindi magandang gawain.
Pagyamanin
Gawain 3: Path of Knowledge
  • Simula: (posibleng kasagutan) Ang pamilihan at pamahalaan ay may ugnayan sapagkat sila ay magkaakibat sa anumang gawaing pangkabuhayan
  • Gitna: (posibleng kasagutan) Ang pamilihan at pamahalaan ay may direktang ugnayan sapagkat hindi magiging ganap na magtagumpay ang pamilihan kung wala ng regulasyon ng pamahalaan.
  • Wakas: (posibleng kasagutan) Ang pamilihan at pamahalaan ay may direktang ugnayan sapagkat kinakailangang may pakialam ang pamahalaan sa regulasyon at kontrol sa mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang istraktura ng pamilihan at upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
Isagawa
Gawain 4: Teks-to-Inform – Discussion Web Chart

Posibleng sagot: Oo, sapagkat ang pamahalaan ang nagsisilbing gabay sa iba’t ibang istraktura ng pamilihan, ito rin ang may pinakamalawak na bahaging ginagampanan sa regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan o ng ekonomiya sa pangkalahatan.

Pamprosesong tanong (mga posibleng kasagutan)

  1. Mahalaga ang pamahalaan sa isang bansa sapagkat ito ay nagsisilbing sentro ng buhay ng ekonomiya ng isang bansa, kung walang pamahalaan, walang nagpapatupad sa lahat ng kalakaran ng isang bansa at ekonomiya.
  2. Nagkakaroon ng bahagi ang pamahalaan sa pamilihan sa pamamamagitan ng pagpapatupad ng mga regulasyon na naglalayong itaguyod ang mabuting kapakanan ng mga negosyante at maging ang mga mamimili.
Gawain 5: Venn Diagram
Pamprosesong Tanong (posibleng kasagutan)
  1. Pagkakatulad: Price Ceiling at Price Floor
    Sagot: ang pagkakatulad ng dalawang konsepto ay parehong nanggagaling sa pamahalaan ang regulasyon at ang pagpapatupad


  2. Pagkakaiba: Price Ceiling at Price Floor
    Sagot: ang Price floor ay nakatuon ang pamahalaan sa pagtulong sa mga prodyuser at [?] sa produksiyon at ang Price ceiling naman ay nakatuon ang pamahalaan sa manggagawa [?] angkop at tamang regulasyon ng presyo upang matulungan at maprotektahan ang mga mamimili


  3. Ito ay parehong naglalayong makapagbigay ng angkop na kasiguruhan at kapakanan ng mga mamimili at prodyuser.


Tayahin

  1. A
  2. B
  3. B
  4. D
  5. A
  6. C
  7. B
  8. A
  9. B
  10. B

Karagdagang Gawain:

Gawain 6: Ulat Patrol
PRIZE FREEZE – TRI-RADIAL CYCLE CHART

[chart: tri-radial cycle chart; PRIZE FREEZE – TRI-RADIAL CYCLE CHART]

A. Kahulugan/Layunin ng pagpapatupad ng Prize Freeze – upang mapanatili ang nakatakdang SRP ng mga bilihin lalo na sa panahon ng kalamidad.

B. Mga kaukulang parusa sa paglabag – multa ng P5,000.00 hanggang P1,000,000.00 at/o pagkakakulong ng isa hanggang sampong taon

C. Mga uri ng produktong kabilang sa Prize Freeze – agricultural (katulad ng bigas, mais, itlog, baboy, manok, karne, prutas, gulay, asukal, at root crops) at non cooking oil, isda, canned goods, gatas, kape, sabon, noodles, tinapay, agricultural necessities (katulad ng asin, kandila, bottled water at iba pa.)

Pamprosesong Tanong (mga posibleng kasagutan)
  1. Ang balita ay nakatuon sa ipinag-utos ng DTI na Price Freeze sa mga apektado ng kalamidad.


  2. Ang pangunahing dahilan ng pagpapatupad ng Price Freeze ay upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili lalo na sa panahon ng mga kalamidad.


  3. Oo, sapagkat ang ipinag-utos ng DTI ay nararapat lamang lalo na sa panahon ng sakuna na kung saan mas lalong kailangan ng mga mamimili ang tulong at hindi pananamantala ng mga mapanlinlang na negosyante.


  4. Una ay ang agarang pagpapatupad ng DTI ng 60-day price freeze, pangalawa ay ang pag-uutos [?] ng DTI na hindi maaring magtaas ng presyo ang mga retailers sa mga agricultural at non-agricultural necessities.


  5. Bilang isang konsyumer, nakatulong sa akin ang balita sa pamamagitan ng hindi pagpapanic at nakatulong sa akin na maging kampante sapagkat hindi magtataasan ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng sakuna at bagyo.


Sanggunian

1. Aklat

Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Edward DJ., De Guzman, Apollo D., Lumibao, Juanito Jr. L., Mateo, Alex P., Mondejar, Irene J., EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015, pahina196-218

2. Internet/Online
  • Slideshare.net (https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-13-pamilihan-at-pamahalaan?qid=e041c249-8b55-4f12-97b4-e1c23130b189&v=&b=&from_search=3)

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district