This is the Araling Panlipunan Grade 9 self-learning module for Quarter 2, Module 2: “Konsepto at mga Salik ng Supply” (the concept of supply and the factors that affect it). It was prepared for home study by DepEd Region IX and is part of the first edition, 2020 Alternative Delivery Mode series. After working through it, learners can define supply, explain the law of supply, and analyze the factors that change how much producers are willing and able to sell.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module sets this learning competency, marked in the module as ArPan9, Q2, Weeks 3–4 (MELCs 2020):
- Discuss the concept of supply and the factors that affect supply in everyday life (Natatalakay ang konsepto ng supply at salik na nakaaapekto sa supply sa pang araw-araw na pamumuhay).
Its specific objectives are:
- Define supply (Nabibigyang kahulugan ang supply).
- Analyze the factors that affect supply (Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa supply).
These build toward the quarter’s content and performance standards. Both standards are about understanding the interaction of demand, supply, and the market system as a basis for wise decisions by households and businesses toward national progress.
The concept of supply
The module defines supply as the quantity of goods or services that producers are willing and able to sell at different prices within a given period.
Batas ng Supply (law of supply)
The law of supply states that price and quantity supplied (Qs) have a direct, or positive, relationship, all other things being equal (ceteris paribus):
- When the price rises, the quantity producers are willing and able to sell also rises.
- When the price falls, the quantity supplied also falls.
Price is the producer’s main basis for deciding how much to produce. That is why producers want to sell more when prices are high.
Three ways to show supply
The module uses one example, a supply schedule for candy (kendi), to explain three tools:
| Price per piece | Quantity supplied |
|---|---|
| Php 5 | 50 |
| Php 4 | 40 |
| Php 3 | 30 |
| Php 2 | 20 |
| Php 1 | 10 |
| Php 0 | 0 |
- Supply schedule: a table showing how much producers are able and willing to sell at different prices, like the table above.
- Supply curve: a graph of the same schedule. Plotting the points gives an upward-sloping curve.
- When only the product’s own price changes, the result is a movement along the supply curve.
- For example, a price rise from Php 1 to Php 2 moves the point from B to C.
- Supply function: the mathematical form of the relationship, Qs = f(P). For the candy example it is Qs = 0 + 10P.
- At P = 1, Qs = 10 pieces.
- At P = 5, Qs = 50 pieces.
Other factors that affect supply
Besides price, the module explains five factors that change supply:
- Pagbabago sa teknolohiya (change in technology): New technology and modern machinery help producers make more. They can also lower production costs, which encourages producers to raise supply.
- Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksiyon (change in the cost of the factors of production): Production needs land, labor, capital, and entrepreneurship. If the cost of any factor rises, total production cost rises and supply may fall. If costs drop, supply is expected to increase.
- Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda (change in the number of sellers): This is similar to the bandwagon effect in demand. When products such as siomai, milkshake, and toasted siopao become popular, more people sell them.
- Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto (change in the price of related products): A farmer who grows both rice and corn may plant all of the land with corn when corn prices are higher. The supply of rice then falls while the supply of corn rises.
- Ekspektasyon ng presyo (price expectations): If producers expect prices to rise soon, some hide their goods to sell them later at a higher price. This is called hoarding, and it causes an artificial drop in supply.
- The module’s example: some traders hold back rice when a typhoon is expected to hit Central Luzon, then release it once the price goes up.
Activities in the module
- Subukin: a 10-item multiple-choice pretest.
- Balikan – Handa Ka Na Ba?: a review of demand. Learners decide whether to buy more or less tilapia, noodles, and canned goods when prices change.
- Tuklasin – Three Pics: One Word: a word puzzle built from pictures of goods for sale, a businessman, and a factory, leading to the concept of supply.
- Suriin: the readings on supply, with questions comparing the schedule, curve, and function.
- Pagyamanin: a graphic organizer of the factors of supply, and “Go Negosyo!”, a dialogue between two producers about rising cement prices.
- Isaisip: three activities.
- “I-Graph Mo!”: plotting a supply curve from a given schedule.
- “Anong Salik?”: naming the factor in five situations.
- An essay on the factors affecting supply during the pandemic.
- Isagawa – Magdesisyon Ka!: learners make business decisions as a sari-sari store owner or producer.
- Tayahin: a 10-item final test.
- Karagdagang Gawain: a visit to the nearest market to observe demand, supply, and prices and to interview sellers.
How to use this module
- Learners: Take the pretest first to see what you already know. Then go through the parts in order and finish with the final test. Write all answers on separate sheets of paper, and do not write on or mark the module so others can use it. Check your work against the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly. Contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: The module comes with a teacher or facilitator guide that has reminders and strategies for guiding your child at home. The pretest shows whether your child needs extra help.
- Teachers: The pretest and final test use the same ten questions in a different order, so you can compare scores to measure learning. The market visit in Karagdagang Gawain makes a good real-life follow-up activity.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 9 Araling Panlipunan, Quarter 2, Module 2. The module marks its competency as Weeks 3 to 4 of the 2020 MELCs.
What is supply according to the module?
Supply is the quantity of goods or services that producers are willing and able to sell at different prices within a given period.
What does the law of supply say?
Price and quantity supplied have a direct, or positive, relationship. When price rises, quantity supplied rises, and when price falls, quantity supplied falls, all other things being equal.
What factors besides price affect supply?
The module lists five: change in technology, change in the cost of the factors of production, change in the number of sellers, change in the price of related products, and price expectations.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the activities, and the final test, with sample answers for the open-ended tasks.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
CO_Q2_ AP9_Module 2
[illustration: cover art of students studying outdoors and at a desk, with a globe, a lamp, and a teacher]
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Konsepto at mga Salik ng Supply
CO_Q2_ AP9_Module 2
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 2: Konsepto at mga Salik ng Supply Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: May Faith B. Dayagdag, Augustus G. Soriano Editors: Serapion P. Cabatingan Jr., Nelson S. Lasagas
Tagasuri: Ramel P. Cael
Tagaguhit: Junelito Pamat
Tagalapat: Pepe M. Tabanao, Jr., Rosel P. Patangan
Tagapamahala: Ruth L. Fuentes Pedro Melchor M. Natividad Eugenio B. Penales Sonia D. Gonzales Danny A. Cordova Ma. Diosa Z. Peralta Ma. Madelene P. Mituda Alelen Zinnia A. Pancho
Inilimbag sa Pilipinas ng [transcriber’s note: blank line after “ng” in the original] Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph
9
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Konsepto at mga Salik ng Supply
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalamanng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a button in a circle]
| PAMANTAYANG PANGNILALAMAN | PAMANTAYANG PAGGANAP |
|---|---|
| Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng sambahayan at bahaykalakal tungo sa pambansang kaunlaran. | Ang mga mag-aaral ay nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sistema ng pamilihan bilang batayan ng matalinong pagde-desisyon ng sambahayan at bahaykalakal tungo sa pambansang kaunlaran. |
Sa araling ito, bilang mag-aaral inasahang matutunan mo ang sumusunod na mga layunin:
- Natatalakay ang konsepto ng supply at salik na nakaaapekto sa supply sa pang araw-araw na pamumuhay, (ArPan9, Q2, W3-4, MELCs: 2020)
Tiyak na Layunin
- Nabibigyang kahulugan ang supply.
- Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa supply.
- [transcriber’s note: empty bullet in the original]
[illustration: hand holding a pencil in a circle]
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap o pahayag. Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
- Ano ang tumutukoy sa matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
a. Law of Supply
b. Supply Curve
c. Supply Function
d. Supply Schedule
1
Ang presyo ng tinapay ay unti-unting bumababa ng tigtatlong piso kada araw mula sa ₱25. Pagkatapos ng limang araw, ang presyo ng tinapay ay ₱10. Ano ang epekto nito sa supply at sa mamimili?
a. Darami ang suplay ng tinapay at darami ang mamimili.
b. Darami ang suplay ng tinapay pero hindi mabebenta ang mga ito.
c. Bababa ang suplay ng tinapay pero darami ang gustong bumili nito.
d. Bababa ang suplay ng tinapay at bababa rin ang dami ng gustong bumili nito.Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin kung tumaas ang presyo ng produkto?
A. Maghanap ng paraan upang mabili ang kagustuhan
B. Magtipid at bilhin ang nararapat na pangangailangan
C. Bilhin ang nararapat at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi
D. Bilhin ang nararapat at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng direktang ugnayan ng presyo at supply?
A. Kapag tumaas ang presyo, nananatili ang dami ng supply ng produkto at serbisyo.
B. Ang pagtaas ng presyo ay walang epekto sa dami ng supply ng produkto at serbisyo.
C. Kapag tumaas ang presyo, kokonti ang supply ng produkto o serbisyong handa at kayang ibenta.
D. Kapag tumaas ang presyo, dadami rin ang supply ng produkto o serbisyong handa at kayang ibenta.Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng supply?
A. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo.
B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
C. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.Ano ang gawain ng mga mamumuhunan ang nagdudulot ng artipisyal na kakulangan ng supply sa pamilihan?
A. shortage
B. surplus
C. hoarding
D. bandwagon effectSa paggawa ng produktong ibebenta, isinasaalang-alang ng mamumuhunan ang mga salik ng produksiyon. Ano ang kahihinatnan ng pagtaas ng presyo ng alinmang salik?
A. Ito ay mangangahulugan ng malaking kikitain ng mamumuhunan.
B. Ito ay mangangahulugan ng mabilis na produksiyon ng mga produkto.
C. Ito ay mangangahulugan ng pagtaas ng supply dahil sa mataas na presyo.
D. Ito ay mangangahulugan ng pagtaas sa kabuuang gastos sa produksiyon.Ano ang mangyayari sa produksiyon ng supply at kalagayan nito sa pamilihan kung magpasyang gumamit ng makabagong makinarya ang prodyuser?
A. Magkakaroon ng unti-unting pagbaba sa supply.
B. Tataas ang supply sa pamilihan at tataas rin ang presyo.
C. Bibilis ang produksiyon at darami ang ibebentang supply.
D. Bababa ang supply sa pamilihan dahil sa gastusin sa produksiyon.Inaasahang darami ang bibili ng mga produktong pasta para sa pasko. Ano ang mangyayari sa supply ng pasta pagdating ng buwan ng Disyembre?
A. Bababa ang supply dahil inaasahan lamang at hindi tiyak na bibili ang mga tao.
B. Tataas ang supply sa buwan ng Disyembre dahil sa inaasahang pagdami ng bibili nito.
C. Mananatili ang dami ng supply dahil pansamantala lamang ang pagtaas ng kita ng mga tao.
D. Walang pagbabago sa supply dahil karaniwan lang naman na tumataas ang kita ng mga tao.Sa pamumuhunan, ang isang matalinong negosyante ay may malawak na kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa mga katangian ng isang matalinong negosyante?
A. May kakayahang umangkop sa mga makabagong paraan ng produksiyon.
B. Mapagmasid sa galaw ng demand, supply at presyo sa pamilihan.
C. Mapanuri sa ginagawang produkto upang mapanatili ang kalidad nito.
D. Naglalagak ng puhunan sa mga produktong walang tiyak na demand.
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece in a circle]
Handa Ka Na Ba?
Balikan natin ang konsepto ng demand. Ipagpalagay natin na ikaw ay isang mamimili. Sa iyong punto-de-vista, ano ang iyong gagawin kapag ang presyo ng produkto ay mahal o mura?
Guhitan ng arrow ang direksiyon ng iyong gagawing desisyon sa nakalahad na kaganapan sa pamilihang iyong napuntahan.
[chart: decision flow diagram; Handa Ka Na Ba? (arrow-direction chart)]
| Kaganapan | Dadamihan | Babawasan |
|---|---|---|
| Ang presyo ng tilapia ay nagmahal. Mula sa ₱90.00/kg, ito ay ₱125.00/kg na ngayon. | Dadamihan ang bibilhing tilapia | Babawasan ang dami ng bibilhing tilapia |
| Nag-sale ang bodega na binibilhan mo ng mga noodles at de-lata na siyang mabili sa iyong munting sari-sari store. | Dadamihan ang bibilhing noodles at de-lata | Babawasan ang dami ng bibilhing noodles at de-lata |
[transcriber’s note: the original is an arrow diagram with no marked arrows; the table above lists the printed choices, with the arrow direction left for the learner to draw]
Aralin 1: Araling Panlipunan: Konsepto at mga Salik ng Supply
[transcriber’s note: the pages supplied for this span carry no title page, and the printed page labels are 1 to 8 rather than 9 to 16. The content begins at the “Tuklasin” section, so headings start at the second level.]
Tuklasin
GAWAIN 1: THREE PICS: ONE WORD
Panuto: Kompletuhin ang word puzzle ng bawat larawan. Matapos nito ay pag- ugnay-ugnayin ang inilalahad ng bawat larawan upang mabuo ang hinihinging konsepto. Pumili ng mga letra upang mabuo ang salita o konsepto. Isulat sa baba ang inyong sagot.
[photo: market stall with hanging goods; label: P_NIN_A]
[photo: portrait of a smiling man in a suit; label: NEG _ SYAN_E]
[illustration: factory with smokestacks; label: P_BRIKA]
(KONSEPTO)
| S | P | P | Y | ||
|---|---|---|---|---|---|
| U | N | D | P | T | L |
| Y | P | A | O | S | A |
Pamprosesong Tanong:
Ano-ano ang salitang nabuo mula sa mga larawan? Sagot: _____
Anong konsepto ang mabubuo mo batay sa mga larawan? Sagot: _____
Paano mo maiuugnay ang mabubuong konsepto sa mga prodyuser? Sagot: _____
Suriin
Sa bahaging ito ng modyul ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang- aralin. Sa pamamamagitan ng mga inihandang babasahin, ay matutunan mo ang mga mahahahalagang impormasyon hinggil sa konsepto at mga salik ngSupply. Kung kaya’t halika at umpisahan na ang masayang pagbabasa at pang- unawa sa paksang-aralin.
ANG KONSEPTO NG SUPPLY
Bilang tugon sa maraming pangangailangan ng tao, nabibigyan ng pagkakataon ang mga prodyuser na lumikha ng mga produkto at magkaloob ng serbisyo upang kumita. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyona handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
Batas ng Supply
Isinasaad ng Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong ugnayanang presyo sa quantity supplied (qs) ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili (ceteris paribus).
[chart: flow diagram of price and quantity supplied; no number]
Mataas na presyo ng produkto (left box); Mababa ang presyo ng produkto (right box)
Left side: ₱ with two upward arrows, with an image of goods beneath. Right side: ₱ with two downward arrows, with an image of goods beside.
Dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili
Ayon sa Batas ng Supply, sa tuwing ang mga prodyuser ay magdedesisyonna magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo, ang presyo ang kanilang pangunahing pinagbabatayan. Ipinapakita ng batas na ito, na ang presyo ng produkto o serbisyo sa pamilihan ang pangunahing batayan ng prodyuser sa paglikha. Dahil dito, higit ang kanilang pagnanais na magbenta nang marami kapag mataas ang presyo.
Supply Schedule
Higit na mauunawaan ang konsepto ng supply sa pamamagitan ng Supply schedule. Ang supply schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo. Makikita sa ibaba ang supply schedule.
Supply Schedule ng Kendi
| Presyo( piso bawat piraso) | Quality Supplied |
|---|---|
| Php 5 | 50 |
| 4 | 40 |
| 3 | 30 |
| 2 | 20 |
| 1 | 10 |
| 0 | 0 |
Ang iskedyul na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity supplied para sa kendi sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso (Php1.00) bawat piraso ng kendi, sampu (10) lamang ang dami ng handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa presyong (Php2.00) bawat piraso, dalawampung (20) piraso naman ang handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Kung tataas pa ang presyo at maging limang piso (Php5.00) bawat piraso ang kendi, kapansin-pansing magiging 50 ang magiging supply para dito. Malinaw na ipinapakita ang direktang ugnayan ng presyo at quantity supplied ng kendi para sa prodyuser.
Maliban sa supply schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity supplied sa pamamagitan ng isang dayagram o graph, ito ay tinatawag na supply curve. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
[chart: line graph; Supply Curve]
Axis labels: y-axis “Presyo ng kendi sa piso” (ticks 0 to 5); x-axis “Quantity” (ticks 0, 10, 20, 30, 40, 50).
Points labeled: A, B, C, D, E, F.
Values are not labeled on the chart.
Ang graph sa itaas ay batay sa supply schedule na nasa talahanayan. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity supplied ay mabubuo ang supply curve para dito. Halimbawa, sa punto B ang presyo ay piso (Php1), sampu (10) ang dami
ng kendi na gusto at handang ipagbili ng prodyuser; sa punto C na ang presyo ay dalawang piso (Php2), dalawampu (20) ang dami ng kendi na gusto at handang ipagbili ng prodyuser. Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pataas o upward sloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at handang ipagbili ng mga mamimili. Ang paggalaw sa kurba mula punto B papunta ng punto C ay nagpapakita sa pagtaas ng supply ng sampung (10) piraso ng kendi. Kapag ang presyo naman ay bumaba ng piso makikita sa graph na bumababa ang quantity supply sa sampung (10) piraso.
Paggalaw sa Supply Curve o Movement Along the Supply Curve
[chart: line graph with two arrows; Paggalaw sa Supply Curve o Movement Along the Supply Curve]
Axis labels: y-axis “Presyo ng kendi sa piso” (ticks 0 to 5); x-axis “Quantity Supplied” (ticks 0, 10, 20, 30, 40, 50).
Points labeled: A, B, C, D, E, F. One arrow points up and right from B toward C; one arrow points down and left from E toward D.
Values are not labeled on the chart.
Ipinapakita sa graph sa itaas ang paggalaw sa supply curve. Mangyayari ang paggalaw sa supply curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo ng produkto na nagbabago. Kung ang presyo ng kendi ay tumaas mula Php1 tungong Php2, makikita sa graph na lilipat ang punto B sa punto C. Kung bababa naman ang presyo mula Php5 tungong Php4, ang punto F ay lilipat sa punto E.
Supply Function
Ang isa pang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied ay sa pamamagitan ng supply function. Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:
Qs = f (P)
Supply Function mula sa Supply Schedule para sa kendi: Qs = 0 + 10P.
Kapag ang P = 1 Qs= ? Kapag ang P = 10 Qs=?
| Kapag ang P = 1 Qs= ? | Kapag ang P = 10 Qs=? |
|---|---|
| Qs = 0 + 10P | Qs = 0 + 10P |
| Qs = 0 + 10(1) | Qs = 0 + 10(5) |
| Qs = 0 + 10 | Qs = 0 + 50 |
| Qs = 10 piraso | Qs = 50 piraso |
Gamit ang supply function ay makukuha ang dami ng quantity supplied kung may given na presyo. I-substitute ang presyo na piso sa variable na P at I- multiply ito sa slope +10, ang makukuhang sagot ay idadagdag sa 0 (intercept). Mula dito ay makukuha ang sagot na 10 na quantity supplied. Sa ikalawang halimbawa, ang presyo na 5 ay i-multiply sa 10. Ang naging quantity supplied ay 50.
Mga Tanong
Ano ang kaibahan ng supply schedule, supply function at supply curve? _____
Bakit mahalaga ang Supply batay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya? _____
IBA PANG MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA SUPPLY
Maliban sa presyo, may iba pang salik na nakaaapekto sa Supply. Ang pagsusuri ng mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon ang mga prodyuser.
(1) Pagbabago sa Teknolohiya
Karaniwan na paggamit ng makabagong teknolohiya ay nakatutulong sa mga prodyuser na makabuo ng mas maraming supply ng produkto. Dahil dito, maaaring bumaba ang halaga ng produksiyon na lalong hihikayat sa mga prodyuser na dagdagan ang kanilang supply upang kumita ng mas malaki.
[photo: old machinery; label: Lumang Makinarya]
[photo: modern machinery; label: Makabagong Makinarya]
(2) Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon
Ang paggawa ng produkto ay nangangailangan ng iba’t ibang salik gaya ng lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship. Sa bawat pagtaas ng presyo ng alinmang salik, mangangahulugan ito ng pagtaas sa kabuuang gastos ng produksiyon kaya maaaring bumaba ang dami ng mga
produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng presyo ng alinmang salik ay magdudulot din ng pagbaba ng kabuuang gasto sa produksiyon kaya’t inaasahan ang pagdami ng supply.
[chart: diagram of production factors and supply; Mga Salik Ng Produksiyon]
Left arrow: “Dami ng Supply” (down); below it, “Halaga ng salik” (up). Right arrow: “Dami ng Supply” (up); below it, “Halaga ng salik” (down).
Center box: “Mga Salik Ng Produksiyon” with labels Land, Labor, Capital, Enterprise.
Values are not labeled on the chart.
(3) Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda
Ang salik na ito ay maihahalintulad din sa bandwagon effect sa demand. Kung ano ang mga nauusong produkto ay nahihikayat ang mga prodyuser na magprodyus at magtinda nito. Halimbawa, dahil nauuso ang pagtitinda ng siomai, milkshake at toasted siopao, mas marami ang nahihikayat na magtinda ng kaparehong produkto.
[illustration: one ice cream cart with a vendor, an arrow, and three ice cream carts with vendors]
(4) Pagbabago sa Presyo ng Kaugnay na Produkto
Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakaaapekto sa quantity supplied ng mga produktong kaugnay nito. Halimbawa, ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at mais. Sa panahon na mas mataas ang presyo ng mais, magaganyak siyang gamitin ang kabuuang lupa bilang taniman ng mais. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa supply ng bigas at pagtaas ng supply ng mais.
[illustration: rice plant, corn cobs with ₱ signs, a farmer thinking, a corn stalk, and an arrow to “Supply ng bigas”]
(5) Ekspektasyon ng Presyo
Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon, may mga magtatago ng produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap. Ang kondisyong ito ay tinatawag na hoarding na nagbubunga ng artipisyal na pagbaba ng supply sa pamilihan.
Halimbawa, may paparating na bagyo na tatama sa Gitnang Luzon na isa sa mga pinagmumulan ng supply ng bigas sa bansa. May ilang mapagsamantalang negosyante na magtatago ng kanilang supply dahil sa inaasahang pagtaas sa presyo ng produkto. Kapag nangyari na ang inaasahang pagtaas ng presyo ng bigas, muli nilang ilalabas sa pamilihan ang mga itinagong bigas. (Ekonomiks – Modyul para sa Mag-aaral Ed. 2015 pahina 147)
[illustration: storm over a rice field, a man with a briefcase beside a warehouse of rice sacks, and an arrow to “Supply ng bigas”]
Pagyamanin
GRAPHIC ORGANIZER.
Subukang punan ang mga kahon sa organizer base sa nabasang teksto.
[chart: graphic organizer; no number]
Central box: “Mga Salik na Nakaaapekto sa Supply”
Seven empty boxes linked to the central box, to be filled in by the learner.
Values are not labeled on the chart.
(Ang mga inaasahang kasagutan ay makikita sa huling pahina ng modyul na ito).
GO NEGOSYO!
Suriin ang pag-uusap ng dalawang prodyuser at sagutin ang pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat sa baba ang inyong sagot.
[illustration: two men talking at a desk, with speech bubbles]
Left speech bubble: “Ang presyong semento ay tumaas sa nakalipas na tatlong buwan at mukhang magpapatuloy pa ang pagtaas nito sa susunod na taon. Sa palagay mo dapat ba tayong magdagdag ng produksiyon?”
Right speech bubble: “Sa palagay ko, iyan ang pinakamatalinong desisyon! Sapat pa naman ang ating mga salik ng produksiyon kung magtataas tayo ng output.”
Mga Tanong:
Tungkol saan ang paksang pinag-uusapan ng dalawang prodyuser? _____
Batay sa usapan, ano ang reaksiyon ng isang prodyuser kapag tumataas ang presyo? _____
Sa iyong hinuha, ano ang relasyon ng pagtaas ng presyo ng mga produkto sa pagdagdag ng produksiyon? _____
Isaisip
Gawain 1. I-GRAPH MO!
Ilipat sa graph ang mga punto na makikita sa supply schedule sa kaliwa upang mabuo ang supply curve. Isulat sa baba ang inyong sagot.
| Presyo (Php) Bawat Piraso | Quantity Supplied |
|---|---|
| 10 | 50 |
| 15 | 100 |
| 20 | 150 |
| 25 | 200 |
| 30 | 250 |
[chart: blank graph grid for plotting the supply curve; no number]
Values are not labeled on the chart.
Mga Tanong:
- Ano ang quantity supplied sa presyong Php 30?
- Ano ang nangyari sa quantity supplied nang bumaba ang presyo sa Php10?Ipaliwanag.
- Paano inilalarawan ng supply curve ang batas ng supply?
Gawain 2. ANONG SALIK?
Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at sabihin kung anong salik ang may epekto sa supply.
| Sitwasyon | Salik na Nakaaapekto sa Supply |
|---|---|
| 1. Nakita nina Kardo at Victor na mabenta ang lumpia na tinda ni Nora sa paaralan ng Sta. Monica National High School. Kung kaya’t nagpasiya silang magbenta din nito. | |
| 2. Ang isang rolyo ng tela na nagkakahalaga ng ₱6,000 ay nakakagawa ng 200 piraso ng pantalon. Nagkaroon ng sale sa tela kaya bumili si Andoy ng dalawang rolyo ng tela. | |
| 3. Ang presyo ng mais na sangkap sa paggawa ng feeds para sa manok ay bumaba. Tumaas naman ang presyo ng sorghum na sangkap rin sa feeds. Ano ang mangyayari sa supply ng sorghum? | |
| 4. Sa panahon ng Pasko, mabili ang pasta para sa spaghetti at salad. Walang inaasahang pagbabago sa presyo dahil nangako ang mga prodyuser na mananatili ang kasalukuyang presyo. | |
| 5. Ninais ni Elyong na pabilisin ang paggawa ng sapatos kung kaya bumili siya at gumamit ng electric cutter sa pagputol ng mga gomang suwelas. |
Gawain 3. SANAYSAY
Panuto: Gumawa ng sanaysay tungkol sa salik na nakakaapekto sa supply at ang epekto nito sa kanila ngayong may pandemya. Isulat ang iyong sagot sa ibaba.
Isagawa
MAGDESISYON KA!
Bilang panghuling gawain, ipagpalagay na isa kang negosyante. Ano ang iyong desisyon sa mga sumusunod na sitwasyon? Isulat at ipaliwanag ang iyong sagot sa espasyo sa ibaba.
- Mayroon kang sari-sari store at marami kang nakatabing de lata na nabili mo lamang nang mura. Makalipas ang ilang araw, tumaas ang presyo nito. Ano ang gagawin mo?
- Tumataas ang gastos sa produksiyon dulot ng pagtaas ng halaga ng mga materyales. Hindi ka makapagtaas ng presyo sapagkat baka marami ang hindi na bumili sa iyo. Ano ang dapat mong gawin?
- Maraming balakid na kakaharapin ang iyong negosyo. Ilan dito ang banta ng kalamidad at krisis sa kabuhayan at sa ekonomiya. Paano mo mapatatatag ang iyong negosyo?
Tayahin
Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng supply?
- A. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo.
- B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
- C. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mammimil sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
- D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
Ano ang mangyayari sa produksiyon ng supply at kalagayan nito sa pamilihan kung magpasyang gumamit ng makabagong makinarya ang prodyuser?
- A. Magkakaroon ng unti-unting pagbaba sa supply.
- B. Bibilis ang produksiyon at darami ang ibebentang supply.
- C. Tataas ang supply sa pamilihan at tataas rin ang presyo.
- D. Bababa ang supply sa pamilihan dahil sa gastusin sa produksiyon.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng direktang ugnayan ng presyo at supply?
- A. Kapag tumaas ang presyo, nananatili ang dami ng supply ng produkto at serbisyo.
- B. Kapag tumaas ang presyo, kokonti ang supply ng produkto o serbisyong handa at kayang ibenta.
- C. Kapag tumaas ang presyo, dadami rin ang supply ng produkto o serbisyong handa at kayang ibenta.
- D. Ang pagtaas ng presyo ay walang epekto sa dami ng supply ng produkto at serbisyo.
Ano ang tumutukoy sa matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
- A. Law of Supply
- B. Supply Function
- C. Supply Curve
- D. Supply Schedule
Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin kung tumaas ang presyo ng produkto?
- A. Magtipid at bilhin ang nararapat na pangangailangan.
- B. Maghanap ng paraan upang mabili ang kagustuhan.
- C. Bilhin ang nararapat at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
- D. Bilhin ang nararapat at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
Ang presyo ng tinapay ay unti-unting bumababa ng tigtatlong piso kada araw mula sa P 25. Pagkatapos ng limang araw, ang presyo ng tinapay ay P 10. Ano ang epekto nito sa supply at sa mamimili?
- A. Darami ang supply ng tinapay at darami ang mamimili.
- B. Darami ang supply ng tinapay pero hindi mabebenta ang mga ito.
- C. Bababa ang supply ng tinapay pero darami ang gustong bumili nito.
- D. Bababa ang supply ng tinapay at bababa rin ang dami ng gustong bumili nito.
Sa paggawa ng produktong ibebenta, isinasaalang-alang ng mamumuhunan ang mga salik ng produksiyon. Ano ang kahihinatnan ng pagtaas ng presyo ng alinmang salik?
- A. Ito ay mangangahulugan ng malaking kikitain ng mamumuhunan.
- B. Ito ay mangangahulugan ng pagtaas sa kabuuang gastos sa produksiyon.
- C. Ito ay mangangahulugan ng mabilis na produksiyon ng mga produkto.
- D. Ito ay mangangahulugan ng pagtaas ng supply dahil sa mataas na presyo.
Sa pamumuhunan, ang isang matalinong negosyante ay may malawak na kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa mga katangian ng isang matalinong negosyante?
- A. Naglalagak ng puhunan sa mga produktong walang tiyak na demand.
- B. May kakayahang umangkop sa mga makabagong paraan ng produksiyon.
- C. Mapagmasid sa galaw ng demand, supply at presyo sa pamilihan.
- D. Mapanuri sa ginagawang produkto upang mapanatili ang kalidad nito.
Inaasahang darami ang bibili ng mga produktong pasta para sa pasko. Ano ang mangyayari sa supply ng pasta pagdating ng buwan ng Disyembre?
- A. Bababa ang supply dahil inaasahan lamang at hindi tiyak na bibili ang mga tao.
- B. Mananatili ang dami ng supply dahil pansamantala lamang ang pagtaas ng kita ng mga tao.
- C. Tataas ang supply sa buwan ng Disyembre dahil sa inaasahang pagdami ng bibili nito.
- D. Walang pagbabago sa supply dahil karaniwan lang naman na tumataas ang kita ng mga tao.
Ano ang gawain ng mga mamumuhunan ang nagdudulot ng artipisyal na kakulangan ng supply sa pamilihan?
- A. bandwagon effect
- B. hoarding
- C. surplus
- D. shortage
Karagdagang Gawain
Subukang pasyalan ang pinakamalapit na pamilihan sa iyong lugar. Magmasid sa galaw ng demand, supply at presyo. Magtanong sa mga negosyante.
- Ano-anong mga produkto ang kadalasang nauubusan ng supply? Ano-anong produkto ang di gaanong binibili?
- Ano ang kanilang ginagawa sa mga produktong madalas bilhin ng konsyumer? Ano naman ang kanilang ginagawa kapag hindi gaanong mabili ang isang produkto?
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the sections below are listed in reading order, and a few lines of the Suriin answers are hard to read]
Paunang Pagtataya
- C
- C
- B
- D
- C
- C
- D
- C
- B
- D
Tuklasin
THREE PICS: ONE WORD
Ang mga salitang nabuo mula sa mga larawan ay paninda, pabrika at negosyante. Ang konseptong mabubuo batay sa mga larawan ay supply. Maiuugnay ang mabubuong konsepto sa mga prodyuser sa pamamagitan ng pagbabatay ng mga prodyuser ang magiging presyo ng kanilang produkto, dami ng supply at pati ang ibiigay nilang sahod sa kanilang manggagawa.
Balikan
Gawain 1: Handa Ka Na Ba?
- Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at handang bilhin ng mga konyumer sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon.
- Salik na Naaapekto sa Demand
- Kita
- Panlasa
- Dami ng Mamimili
- Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo
- Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap
Pagyamanin
GO NEGOSYO!
- Ang paksang pinag-usapan ng dalawang prodyuser ay ang kanilang magiging produksyon batay sa taas o baba ng demand.
- Ang reaksiyon ng isang prodyuser kapag tumataas ang presyo ay masaya sapagka’t maaari niyang maibenta sa mataas na presyo ang mga produkto niyang ginawa noong mas mura pa ang mga hilaw na materyales.
- Ang relasyon ng pagtaas ng presyo ng mga produkto sa pagdagdag ng produksiyon ay malaki at proporsyonal ang dalawang ito. Sa pagtaas ng presyo ng produkto upang makuha ng mga prodyuser ang tubong kanilang inaasam.
GRAPHIC ORGANIZER
- Presyo
- Salik na Hindi Presyo
- Pagbabago sa Teknolohiya
- Pagbabago sa Halaga ng mga Salik ng Produksiyon
- Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda/Mangangalakal
- Pagbabago sa Presyo ng Kaugnay ng Produkto
- Ekspektasyon sa Presyo
Suriin
- Ang kaibahan ng supply schedule, supply function at supply curve ay ang supply schedule ay isang talaan na naglalahad ng dami ng produktong ginustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo, samantalang ang supply function naman ay isang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Ang supply curve ay maipakikita sa pamamagitan ng grapikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied sa isang dagram o graph. [?]
- Ang batas ng supply ay [illegible] kapag tumaas ang presyo ng produkto, tumataas din ang quantity supplied, at kapag bumaba ang presyo, bumababa rin ang quantity supplied. [?]
Isagawa
MAGDESISYON KA!
- Maaaring Sagot: Ilabas at ibebenta ang natabing mga de lata. Dahil sa mataas ng presyo maaaring kumita ng malaki.
- Maaaring Sagot: Maaaring magbawas ng produksiyon. Maaari ring ayusin ng maigi ang produksiyon upang walang masayang sa mga materyales.
- Maaaring Sagot: Pag-aralan ng mabuti ang tamang pamamalakad ng negosyo. Maaaring sumangguni sa mga eksperto tungkol sa pamamahala sa negosyo. Ang banta ng kalamidad ay maaaring mapaghandaan sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo upang magamit sa anumang pag-ayos sa mga masisirang bahagi dulot ng kalamidad.
Isaisip
[transcriber’s note: no text is legible under the Isaisip heading on this page]
GRAPH MO!
- Ang quantity supplied sa presyong Php 30 ay 250.
- Ang nangyari sa quantity supplied nang bumaba ang presyo sa Php10 ay bumaba rin ang quantity supplied.
- Ang supply curve ay nagpapakita ng elastisidad ng supply sa pagbabago ng presyo. Kung saan makikita na mas malaki ang pagbabago ng supply sa bawat pagbabago ng presyo. [?]
ANONG SALIK?
- Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda/Mangangalakal
- Pagbabago sa Halaga ng mga Salik ng Produksiyon
- Pagbabago sa Presyo ng Kaugnay ng Produkto
- Ekspektasyon sa Presyo
- Pagbabago sa Teknolohiya
SANAYSAY
Maaaring Sagot:
Salik na nakakaapekto sa supply:
- Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda/Mangangalakal
- Pagbabago sa Halaga ng mga Salik ng Produksiyon
- Pagbabago sa Presyo ng Kaugnay ng Produkto
- Ekspektasyon sa Presyo
- Pagbabago sa Teknolohiya
- iba pa.
Epekto:
- Pagtaas ng presyo ng bilihin
- Kahirapan at iba pa
Panghuling Pagtataya
| Item | Sagot | Item | Sagot |
|---|---|---|---|
| 1 | D | 11 | D |
| 2 | B | 12 | B |
| 3 | C | 13 | C |
| 4 | B | 14 | B |
| 5 | A | 15 | A |
[transcriber’s note: the answers for items 6 to 15 are printed in this two-column arrangement; the answers for items 1 to 5 are shown in the table above in their printed order]
Sanggunian
Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar; Kagawaran ng Edukasyon, EKONOMIKS, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015, pp. 138-148
Mga Pinagkunan ng larawan:
https://shopee.ph/Grocery-Package-Grocery-Package-Grocery-Package-Grocery-Package-i.29367712.4838146925
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply