This is the Araling Panlipunan 9 self-learning module for Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 4: “Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay ng Tao” (the factors of production and what they mean for people’s daily lives). It is an Alternative Delivery Mode module from DepEd Region IX, first edition 2020, written in Filipino for Grade 9 learners studying economics at home. By the end, learners should be able to explain the four factors of production and how they affect everyday life.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module lists these standards and one learning competency:
- Content standard (Pamantayang Pangnilalaman): learners understand the basic concepts of economics as a basis for wise and progressive daily living.
- Performance standard (Pamantayan sa Pagganap): learners apply that understanding in their daily lives.
- Learning competency (Pamantayan sa Pagkatuto): discuss the factors of production and their implications for daily life (Natatalakay ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay).
The module has one lesson, Aralin 4. It builds on the previous lesson about production, where learners saw how inputs are processed into outputs that meet people’s needs.
The four factors of production
The module explains that production happens when the factors (salik) are combined. Without production, there would be no goods and services to consume.
| Factor | What it means | Payment or reward |
|---|---|---|
| Lupa (land) | Not only farmland or a lot for a house, but all natural resources on and under it, including water, mineral, and forest resources | Renta (rent) |
| Paggawa (labor) | Lakas-paggawa is people’s ability to produce goods or services | Sahod or sweldo (wage) |
| Kapital (capital) | Goods that produce other goods, such as machines and tools; also linked to money and infrastructure like buildings, roads, bridges, and vehicles | Interes (interest) |
| Entrepreneurship | A person’s ability and willingness to start a business | Tubo or profit |
Lupa (land)
Land is special because it is fixed or limited in amount. That is why using it properly and productively matters, whatever its size.
Paggawa (labor)
Natural resources and raw materials are useless until workers turn them into finished products or services. The module describes two kinds of workers:
- White-collar workers use their minds more than physical strength, for example doctors, lawyers, and engineers. The term was first used by American writer Upton Sinclair in 1919.
- Blue-collar workers use physical strength more than their minds, for example carpenters, drivers, and farmers.
Kapital (capital)
Work goes faster when workers have machines and tools. The module cites Edward F. Denison’s 1962 article “The Contribution of Capital to Economic Growth” to show that capital is one of the factors behind a country’s progress.
Entrepreneurship
The entrepreneur brings the other three factors together to produce goods and services. He or she also organizes, controls, and takes risks in production decisions. Economist Joseph Schumpeter stressed that innovation, the entrepreneur’s continuous improvement of products and services, is key to a country’s progress. Besides being an innovator, a successful entrepreneur needs:
- skill in managing a business
- a sharp sense of changes in the market
- the courage to face the risks of the business
Profit is never certain, because the entrepreneur does not yet know how the business will turn out.
How the factors connect
The Ikot-Nawain diagram shows production as a flow. The inputs (land, labor, capital, entrepreneur) are combined in a process, and the outputs are consumer goods or services and goods used to make other products. Payments flow back to the owners of each factor as rent, wages, interest, and profit.
Activities in this module
- Subukin: a 15-item multiple-choice pretest (Paunang Pagtataya).
- Gawain 1, 5, and 8: IRF Chart: learners write an Initial answer to the question about the factors of production, then a Revised answer midway, and a Final answer at the end.
- Gawain 2: Larawan-Suri: analyzing photos of a house in a field, a factory line, peso bills, and a businessman.
- Gawain 3: Buuin Natin: a graphic organizer for the four factors and their importance.
- Gawain 4: Ikot-Nawain: reading the circular flow diagram of production.
- Gawain 6: Tri-Linear Model: writing the four factors, their importance, and their implications.
- Gawain 7: Basa-Suri: reading the news article “Hataw sa Rice Production, Pararangalan” about rice production awards in Central Luzon, then filling in reasons and a conclusion.
- Tayahin: a 15-item posttest (Panghuling Pagtataya).
How to use this module
- Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Write all answers on separate paper and do not mark the module, so others can use it. Use the answer key honestly, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Help your child follow the parts in order and check that each IRF Chart entry is completed at the right stage. Most activity answers will vary, so focus on whether your child can explain the ideas.
- Teachers: The Susi sa Pagwawasto has answers for both tests; the activities are open-ended. The pretest shows which learners may need extra help, and the posttest measures what they learned.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 9 Araling Panlipunan, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 4, which covers economics.
What are the four factors of production in this module?
Lupa (land), paggawa (labor), kapital (capital), and entrepreneurship. Their rewards are rent, wages, interest, and profit.
What is the difference between white-collar and blue-collar jobs?
White-collar workers, like doctors and engineers, use their minds more than physical strength. Blue-collar workers, like carpenters and farmers, use physical strength more.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the 15-item pretest and posttest; answers to the activities will vary by learner.
Why is land different from the other factors of production?
Land is fixed or limited in amount, so the module stresses using it properly and productively.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 4: Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay ng Tao
9
CO_Q1_AP9_ Module4
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay ng Tao
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakikitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp. na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang paraan ng walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | Edna A. Opog, Erlinda G. Pacio, Jessa T. Cabuguas |
| Editor: | Mohamar D. Rindo, Katherine S. Suarin, Ryan G. Tulod |
| Tagasuri: | Alma L. Carbonilla, Nelson S. Lasagas, Ramel P. Cael |
| Tagaguhit: | Licerio S. Pausanos Jr. |
| Tagalapat: | Leizel C. Caballero, Kimberly Cler G. Suarez |
| Tagapamahala: | Isabelita M. Borres Eugenio B. Penales Sonia D. Gonzales Majarani M. Jacinto Juliet A. Magallanes Florencio R. Caballero Alma D. Belarmino |
Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________
Department of Education – Region IX
Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
9
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 4: Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay ng Tao
Edna A. Opog, et. al.
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa ihihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
| Pamantayang Pangnilalaman | Pamantayan sa Pagganap |
|---|---|
| Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. | Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. |
Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin)
- Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay ng Tao
Mga Pamantayan sa Pagkatuto
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
- Natatalakay ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa nakaraang aralin, natutunan ang tungkol sa paunang ideya o konsepto ng produksiyon. Iyong natiyak ang kahalagahan ng mga produktong tinaguriang inputs bilang susi sa pagbuo ng mga produktong tinatawag na outputs. Natutunan mo rin na dumaan rin iilang proseso ang isang payak na bagay upang ito ay maging kapaki-pakinabang na produkto na maaaring tumugon sa mga pangangailangan ng tao.
Sa modyul na ito ay mapag-aaralan mo ang tungkol sa salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng salik (factors) nagiging posible ang produksiyon ng iba’t ibang produkto na mahalaga sa buhay ng tao. Sa tulong ng mga gawain sa araling ito, iyong mahihinuha kung gaano kahalaga ang bawat salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.
Subukin
Panimulang Gawain: Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang letra na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng produksiyon?
- A. tinataniman ng mga magsasaka
- B. pinapatayuan ng mga imprastraktura
- C. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
- D. ito ng mga input sa produksyon
Anong proseso ng produksiyon ang nagpapalit-anyo ng produkto?
- A. paggamit ng mga hilaw na sangkap
- B. pagtayo ng mga pabrika
- C. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
- D. pagkamalikhain ng mga manggagawa
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng capital sa proseso ng produksiyon?
- A. interes
- B. kita
- C. pera
- D. regalo
Paano nakatutulong ang paggamit ng makinarya sa produksiyon?
- A. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
- B. maraming output ang mabubuo
- C. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
- D. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa katangiang taglay ng isang entrepreneur?
- A. puno ng inobasyon
- B. maging malikhain
- C. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
- D. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
Paano mo masasabi na kakambal ng paggawa ang kapital?
- A. paggawa at kapital ay parehong salik ng produksiyon
- B. kaakibat ng lakas at galing sa paggawa ang kalidad at dami ng kapital
- C. ang teknolohiya na gawa ng tao ay magagamit rin bilang kapital
- D. ang dami ng manggagawa at kapital ng pagnenegosyo
Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksiyon?
- A. pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibinenta sa pamilihan
- B. dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto
- C. mas malawak ang sulat ng lupaing tinataniman
- D. patayuan ng mga imprastruktura na kailangan sa produksiyon
Saan nanggaling ang kakayahan at kahusayan ng isang taong nagtatrabaho?
- A. kapital
- B. lupa
- C. paggawa
- D. produksiyon
Alin sa mga sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay ang pakikipagsapalaran ng negosyo?
- A. interes
- B. sahod
- C. subsidy
- D. tubo o profit
Alin sa mga sumusunod ang input sa pagbuo ng mesa at silya?
- A. kagamitan, makinarya, manggagawa at lupain
- B. kahoy, kagamitan, makinarya at teknolohiya
- C. kagamitan, makinarya, manggagawa at kahoy
- D. tabla, makinarya, teknolohiya at kagamitan
Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksiyon at pagkonsumo?
- A. Ang produksiyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng produkto.
- B. Nililikha ang produkto sa produksiyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.
- C. Ang produksiyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto at ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produktong magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
- D. Sa produksiyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan ang mga tao sa pagbili ng produkto.
Ano ang materyal na gawa ng tao na ginagamit sa produksiyon?
- A. malawak na lupain
- B. libo-libong binhi ng prutas
- C. makinarya at teknolohiya
- D. maayos na daan at tulay
Sino sa mga ekonomistang nabanggit ang nagsasabing “mahalaga ang inobasyon para sa isang entrepreneur?”
- A. Abraham Harold Maslow
- B. Edward Denison
- C. Joseph Schumpeter
- D. Upton Sinclair
Alin sa apat na mga salik ng produksiyon ang tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong produkto?
- A. enterprise
- B. kapital
- C. lupa
- D. paggawa
Saan nanggagaling ang lupa, lakas-paggawa, kapital at kakayahang entrepreneur bilang mga salik ng produksiyon?
- A. bahay-kalakal
- B. industriya
- C. pamahalaan
- D. sambahayan
Aralin 4 Mga Salik ng Produksiyon at Ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Balikan Natin
[illustration: hand holding a puzzle piece inside a circle]
Gawain 1: IRF Chart
Panuto: Sagutin ang IRF Chart. Isulat mo sa hanay ng I – nitial ang kasagutan sa tanong na: “Para sa iyo ano-ano ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay?” Ang dalawang natitirang hanay ay sasagutan mo sa mga susunod na bahagi ng pag-aaral mo sa paksa.
IRF Chart
| I-nitial Answer | |
| R-evised Answer | |
| F-inal Answer |
Tuklasin
[illustration: hand holding a sprouting leaf inside a circle]
Gawain 2: Larawan-Suri
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong pagkatapos nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[photo: a small wooden house with a tree in an open field] Source: https://tinyurl.com/kauya3vs
[photo: workers at a factory production line] Source: https://tinyurl.com/wymb8rnk
[photo: a pile of Philippine peso banknotes] Source: https://tinyurl.com/2kvchmtm
[photo: a smiling man in a patterned collared shirt] Source: https://tinyurl.com/dd7pcjxc
Makikita sa mga larawang ito ang mga senaryong may kaugnayan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Kasama sa mga litratong ito ang mga kilalang taong nagbigay kontribusyon sa mga salik ng produksiyon at sa pamumuhay ng tao.
Pamprosesong Tanong:
- Ano ang pangunahing paksa ng mga larawang sa itaas?
- Paano nauugnay ang bawat pangkat ng mga larawan ng isa’t isa?
- Sa palagay mo, mahalaga ba sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao ang mga bagay o tao na nasa larawang ito? Ipaliwanag ang sagot.
Suriin
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga inihandang gawain upang iyong maging batayan sa pagkamit ng mga impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa salik ng produksiyon. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot ang katanungan kung gaano kahalaga ang bawat salik ng produksiyon sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Halina’t umpisahan mo na muli ang iyong pag-aaral.
MGA SALIK NG PRODUKSIYON
Lupa Bilang Salik ng Produksiyon
Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang tubig, yamang mineral at yamang gubat. Hindi tulad ng ibang salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.
Paggawa Bilang Salik ng Produksiyon
Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi gagamitin at gagawing produkto. Nangangahulugan ito na kailangan ang mga manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo. Ang lakas- paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo. May dalawang uri ang lakas-paggawa: ang mga manggagawang may kakayahang mental o silang mga tinatawag na may white-collar job (white-collar job). Mas ginagamit ng manggagawang may kakayahang mental ang kanilang isip kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa. Halimbawa ng mga ito ay ang mga doctor, abogado, inhinyero, at iba pa. Ang katawagang white-collar ay unang ipinakilala ni Upton Sinclair, isang Amerikanong manunulat noong 1919.
Ang isa pang uri ng lakas-paggawa ay ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o silang mga tinaguriang may blue-collar job. Mas ginagamit naman nila ang lakas ng katawan kaysa sa isip sa paggawa halimbawa nito ang mga karpintero, drayber, magsasaka at iba pa sahod o sweldo ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod. Ang mga manggagawa ay may malaking ginagampanan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa ng produkto at serbisyo ang tumutustos sa ating pangangailangan.
Kapital Bilang Salik ng Produksiyon
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas magiging mabilis ang paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa. Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao sa paglikha ng panibagong kalakal ay matatawag na halimbawa ng kapital. Ang kapitaL ay maaari ring iugnay sa salapi at imprastraktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.
Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang nakadepende sa lupa at lakas-paggawa. Ayon sa artikulo ni Edward F. Denison na may pamagat na “The Contribution of Capital to Economic Growth (1962)“, ang kapital ay isa sa mga salik sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa. Sa makabagong ekonomiya, kinakailangan ang mga bansa na mangalap ng malaking capital upang makamit ang pagsulong. Ang kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksiyon ay tinatawag na interes.
Entrepreneurship Bilang Salik ng Produksiyon
Itinuturing na pang-apat na salik ng produksiyon ang entrepreneurship. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksiyon. Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip na omit malikhain, puno ng inobasyon at handa sa pagbabago. Ayon kay Joseph Schumpeter, isang ekonomista ng ika-20 siglo, napakahalaga ng inobasyon para sa isang entrepreneur. Ipinaliwanag niya na ang inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto at serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.
Maliban sa pagiging magaling na innovator tulad ng paggamit ng makabagong pamamaraan at estilo sa paggawa ng produkto at pagkakaloob ng serbisyo, ang mga sumusunod ay ilan sa mga katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay na entrepreneur:
- kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo
- matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan
- may lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
Ang tubo o profit ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. Ito ay kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo. Sinasabing hindi nakatitiyak ang entrepreneur sa kanyang tubo dahil hindi pa niya alam ang kahihinatnan ng kaniyang pagnenegosyo.
Ang produksiyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung walang produksyon ay wala rin tayong produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ang mga salik na lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship ay may malaking bahaging ginagampanan sa prosesong ito. Kapag ang mga salik na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito ay magdudulot ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa ating pang-araw-araw na pangangailangan.
Pagyamanin
[illustration: hand stacking blocks inside a circle]
Gawain 3: Buuin Natin-Mga Salik ng Produksiyon
Panuto: Sagutin ang graphic organizer tungkol sa mga salik ng produksiyon. Isulat sa loob ng mga biluhaba ang mga salik ng produksiyon at ang kahalagahan nito.
[chart: graphic organizer; Gawain 3: Buuin Natin-Mga Salik ng Produksiyon] Center: Mga Salik ng Produksiyon Blanks in the four ellipses: _____ (top), _____ (left), _____ (right), _____ (bottom)
Pamprosesong Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ano ang mga salik ng produksiyon at ang kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?
- Bakit mahalaga ang ginagampanan ng bawat salik sa proseso ng produksiyon?
- Sa iyong palagay, alin sa mga salik ang pinakamahalaga sa proseso ng produksiyon? Pangatwiran ang sagot.
Gawain 4. Ikot-Nawain
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang dayagram sa ibaba na nagpapakita ng paikot-daloy ng produksiyon. Pagkatapos nito ay saguting ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[chart: flowchart; Produksyon, Yaman, at Kita]
| Input | Proseso | Output |
|---|---|---|
| Lupa Paggawa Kapital Entreprenyur | Pagsasama-sama ng materyales, paggawa, kapital, at entreprenyur | Kalakal o serbisyo pangkunsumo Kalakal o serbisyo na gamit sa paglikha ng ibang produkto |
Feedback loop labels (from Output back to Input): Renta; Sweldo; Interes; Kita
Pamprosesong Tanong:
- Ang ilustrasyon sa itaas ay may kinalaman sa produksiyon, ano ang ipinahihiwatig nito?
- Batay sa dayagram na iyong nakikita, paano nauugnay ang input sa output? Pangatwiranan.
- Bilang mag-aaral, bakit mahalaga sa iyo ang pag-uugnay-ugnay ng mga salik sa pang-araw-araw na buhay?
Gawain 5: IRF Chart
Panuto: Sa pagkakataong ito, sagutan mo na ang IRF Chart. Kung iyong natatandaan ay isinulat mo ang iyong I-initial na kasagutan sa tanong na “Para sa iyo, ano ano ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay? Ngayon naman ang iyong pagkakataon na baguhin o i-revise ang naunang kasagutan. Isaayos mo ang mga konsepto na taliwas sa iyong napag-aralan. Isulat ang iyong kasagutan sa bahagi ng revised.
IRF Chart
| I-nitial Answer | |
| R-evised Answer | |
| F-inal Answer |
Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa salik ng produksiyon, maaari ka ng pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyon sarili para sa mas malalim pa na pag-unawa ng konsepto ng salik ng produksiyon.
Gawain 6. Isulat Mo Sa Tri-Linear Model!
Panuto: Layunin ng gawaing ito ang mabigyang diin sa pamamagitan ng pagsulat sa boxes ng mahahalagang konseptong may kaugnayan sa produksiyon mula sa tekstong iyong binasa.
[chart: tri-linear model diagram; Gawain 6. Isulat Mo Sa Tri-Linear Model!] Vertical letters on the left: P R O D U K S I Y O N Boxes on the right, labeled:
- Apat Na Salik (empty box)
- Kahalagahan (empty box)
- Implikasyon (empty box)
Isaisip
[illustration: hand holding a light bulb inside a circle]
Mula sa binasang teksto tungkol sa produksiyon. Narito ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan:
- Hindi lahat ng bagay sa paligid ay maaaring ikonsumo agad ng tao.
- May mga bagay na kailangan pang idaan sa proseso upang maging higit na kapaki-pakinabang.
- Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik.
- Ang lupa, bilang salik ng paggawa, ay fixed o takda ang bilang kaya’t mahalaga ang wastong paggamit nito.
- Ang likas na yaman at hilaw na sangkap ay dapat gawing produkto upang maging kapaki-pakinabang.
- Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo.
- Ang white-collar job bilang uri ng lakas-paggawa ay tumutukoy sa mga manggagawang mas ginagamit ang isip kaysa lakas sa paggawa.
- Ang blue-collar job naman ay tumutukoy sa mga manggagawang may kakayahang pisikal.
- Ang paggawa ng produkto o serbisyo ng mga manggagawa ang siyang tumutustos sa pangangailangan ng mga tao.
- Kapital ang tawag sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
- Ang pagsulong) ng ekonomiya ng isang bansa ay nakadepende sa lupa, lakas-paggawa at kapital.
- Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng tao na magsimula ng negosyo.
- Entrepreneur naman ang tawag sa tagapag-ugnay ng naunang salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto o serbisyo.
- Ang innovation o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto o serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.
- Ang produksiyon ang siyang tumutugon sa pangangailangan ng tao.
Isagawa
Gawain 7. Basa-Suri
Panuto: Basahin at pag-aralan ang balita na may pamagat na “Hataw sa Rice Production, Pararangalan.”
CABANATUAN CITY – Nakatakdang gawaran ng Department of Agriculture (DA) ng “Agri-Pinoy Rice Achievers Award” ang mga lalawigan, bayan, at indibidwal na malaki ang ambag sa pagtamo ng hangarin ng pamahalaan na staple self-sufficiency. Sinabi ni DA Regional Executive Director Andrew Villacorta na kabilang ang Nueva Ecija at Bulacan sa sampung top performing provinces sa buong bansa.
Sila ay makakukuha ng tig-aapat na milyong pisong halaga ng mga proyekto. Kasama naman sa 48 na nagwagi sa municipal category at makatatanggap ng tig-isang milyong pisong halaga ng mga proyekto ang Talavera, Guimba, General Tinio, Llanera, Sta. Rosa, Sto. Dominggo, Cuyapo, at Lupao sa Nueva Ecija at maging ang San Rafael sa Bulacan. May kabuuang 87 technicians at opisyal naman sa Gitnang Luzon ang itinanghal na Outstanding Agricultural Extension Workers (AEW) na mag-uuwi ng tig-Php20,000 halagang insentibo. May 350 iba pang AEW’s, 10 irrigators’ associations at tatlong small water impounding system associations sa buong kapuluanang pagkakalooban din ng naturang pagkilala sa isang seremonya ngayong araw sa Philippine International Convention Center.
Nakapagtala ang Gitnang Luzon ng 138 porsyentong rice sufficiency level noong nakaraang taon kahit pa sinalanta ito ng matinding pag-ulan dulot ng habagat. Sinabi ni Villacorta na umabot sa 3,220,607 metriko toneladang palay mula sa 675,781 ektarya ang naani, na ang average yield ay 4.77 metriko tonelada kada ektarya. Ang produksiyon noong 2012 ay 23 porsyentong mas mataas kumpara sa 2,616,083 metriko toneladang naitala noong 2011 at ito ay nakaambag sa 18 porsyento ng pambansang produksiyon alinsunod sa “Food Staple Self-Sufficiency Program.”
Ayon sa Regional Agriculture Chief, ang pagsasanib ng mga programa at proyekto patungkol sa climate change adaptation ng mga tanggapan ng pambansa at local na pamahalaan ang dahilan ng agarang pagkabawi mula sa sakuna at paglago ng produksiyon. –Light A. Nolasco
Pinagkukunan: http://www.balita.net.ph/2013/03/15/hatawan-sa-rice-production-pararangalan/
[chart: graphic organizer; no number or title printed]
Dahilan Dahilan
Konklusyon
May maga mahahalagang bagay ang mga salik ng produksiyon sa pagtaas ng produkto ng bansa. Isulat sa loob ng kahon ang mga dahilan nito.
Ano naman ang nabou ninyong konklusyon nito?
Dahilan (box)
Dahilan (box)
Konklusyon (box)
Tayahin
Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat ito sa sagutang papel ang mga sagot.
Naiiba ang lupa bilang salik ng produksiyon dahil:
A. tinataniman ng mga magsasaka
B. patayuan ng mga imprastraktura
C. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
D. pinagmumulan ito ng mga input sa produksyonPaano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?
A. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
B. maraming output ang mabubuo
C. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
D. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumerAlin sa sumusunod ang tumutukoy ng kabayaran sa paggamit ng capital sa proseso ng produksiyon?
A. interes
B. kita
C. pera
D. regaloAnong proseso ang pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan sa produksiyon
A. paggamit ng mga hilaw na sangkap
B. pagtayo ng mga pabrika
C. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
D. pagkamalikhain ng mga manggagawaAlin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng isang entrepreneur isang entrepreneur?
A. puno ng inobasyon
B. maging malikhain
C. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
D. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyoSaan nanggagaling ang kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho?
A. kapital
B. lupa
C. paggawa
D. produksiyonBakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksiyon?
A. pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibenenta sa pamilihan
B. dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto
C. mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
D. ito ay patayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon
Paano mo patutunayan na kakambal ng paggawa ang kapital?
A. ang paggawa at kapital ay parehong salik ng produksyon
B. kaakibat ng lakas at galling sa paggawa ang kalidad at dami ng kapital
C. teknolohiya na gawa ng tao ay magagamit rin bilang kapital
D. magkapareho ang dami ng manggagawa at kapital sa pagnenegosyoAlin sa sumusunod ang kita ng entrepreneur matapos magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo?
A. interes
B. sahod
C. subsidy
D. tubo o profitAlin sa sumusunod ang input sa mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. sa nabuong output na “mesa at silya”?
A. kagamitan, makinarya, maggagawa at lupain
B. kahoy, kagamitan, makinarya at lupain
C. kagamitan, makinarya, manggagawa at kahoy
D. tabla, makinarya, teknolohiya at kagamitanAlin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksiyon at pagkonsumo sa pang araw-araw na buhay ng mga tao?
A. Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng produkto.
B. Nililikha ang produkto sa produksiyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.
C. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto at ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
D. Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan ang mga tao sa pagbili ng produkto.Alin sa mga katangiang taglay ng mga manggagawang may kakayahang pisikal o may “blue collar job”?
A. ginagamit ang lakas ng katawan lamang
B. mas ginagamit ang lakas ng katawan na sinasabayan ng angking kakayahan sa kanilang paggawa
C. kakayahan at talino ng mga manager, doctor, inhinyero
D. nagtatrabaho sa malalaking kompanyaKaninong pahayag na kung saan napakahalaga ng inobasyon para sa isang entrepreneur dahil makatulong ito sa patuloy na pagbabago ng kanyang lilikhaing mga produkto?
A. Abraham Harold Maslow
B. Edward Denison
C. Joseph Schumpeter
D. Upton SinclairAlin a apat na salik ng produksiyon ang tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng bagong produkto?
A. enterprise
B. kapital
C. lupa
D. paggawaSaan nanggagaling ang lupa, lakas paggawa, kapital at kakayahang entrepreneur bilang mga salik ng produksiyon?
A. bahay-kalakal
B. industriya
C. pamahalaan
D. sambahayan
Karagdagang Gawain
Gawain 8. IRF Chart
Muli mong balikan ang IRF Chart. Sa bahaging ito ay isusulat mo na ang iyong Final na kasagutan batay sa iyong pag-unawa sa paksang tinalakay. Inaasahan din na malinaw mo nang masasagot ang mga katanungang: Ano ano ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay? Handa ka na ba? Isulat mo na ang iyong Final na kasagutan.
IRF Chart
| I-nitial Answer | |
| R-evised Answer | |
| F-inal Answer |
Susi sa Pagwawasto
transcriber’s note: this page is printed upside down; it was read after rotating it 180 degrees. Some answers are uncertain and are marked [?].
Balikan Natin
Gawain 1. IRF Chart
(Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.)
Tuklasin
Gawain 2. Larawan-Suri
(Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.)
Pagyamanin
Gawain 3. Buuin Natin Mga Salik ng Produksiyon
(Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.)
Gawain 4. Ikot-Nawain [?]
(Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.)
Gawain 5. IRF Chart
(Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.)
Gawain 6. Isulat Mo Sa Tri-Linear Model
(Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.)
Isagawa
Gawain 7. Basa-Suri
(Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.)
Karagdagang Gawain
Gawain 8. IRF Chart
(Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.)
Panimulang Pagtataya
- C
- C
- A
- C
- C
- B
- B
- C
- D
- C
- C
- C
- C
- B
- D
Panghuling Pagtataya
- C
- C [?]
- A
- A [?]
- C
- C
- C
- B
- D
- C
- C
- B
- C
- B
- D
Mga Sanggunian
“Tony Tan Caktiong.” Last updated June 26, 2011. https://en.wikipedia.org/wiki/Tony_Tan_Caktiong.
Balitao, Bernard. Ekonomiks: Araling panlipunan modyul para sa mag-aaral. Philippines: Vibal Group, Inc., 2015.
Bolisay, Guian. “Currency vol. monopoly.” Image. 2011. https://www.flickr.com/photos/instantvantage/5556036722.
Department of Education. Curriculum guide: Araling panlipunan 9. Philippines: Author, 2016.
Holmstad, Oyvind. “Small farmhouse in the rice fields of Bohol.” Image. 2017. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Small_farm_house_in_the_rice_fields_of_Bohol.jpg.
Photography, Louie. “Manny Villar T’nalak Festival 2009.” Image. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Manny_Villar_T%27nalak_Festival_2009.jpg.
Roughneen, Simon. “SE Asia defies global foreign investment downturn.” Published June 13, 2019. https://asiatimes.com/2019/06/se-asia-bucks-global-foreign-investment-downswing/.
Senate of the Philippines. “Teresita Sy-Solon.” Image. 2012. https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Teresita_Sy-Coson1.jpg.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply