This is the Araling Panlipunan (AP) self-learning module for Grade 9 (Ikasiyam na Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2: “Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay” (the importance of economics in everyday life). It is a first edition (2020) Alternative Delivery Mode module from DepEd Region IX, written by Ariadne M. Sabellano, and is meant for learners studying at home with the help of a parent or guide. After working through it, learners should be able to explain why economics matters to them as students, as family members, and as citizens. They should also be able to use four decision-making ideas: trade-off, opportunity cost, incentives, and marginal thinking.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module states these learning standards:
- Content standard (Pamantayang Pangnilalaman): The learner shows understanding of the basic concepts of economics as a basis for wise and progressive daily living.
- Performance standard (Pamantayang Pagganap): The learner applies this understanding of the basic concepts of economics in daily living.
- Learning competency: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan (assesses the importance of economics in the daily life of every family and of society). AP9MKE-Ia-2
The module has one lesson, Aralin 2, with the same title as the module.
Why economics matters in daily life
The module starts from a simple idea. People make decisions every day, from simple matters to complicated ones. They have to choose because their needs are many and their wants never end, but resources (pinagkukunang-yaman) are limited. This problem of scarcity (kakapusan) is the basis of economics. Choosing which product to buy or which service to use is already an economic decision.
According to the module, studying economics helps a person manage well and make wise decisions. It helps in three roles:
- As a learner: it shapes your decisions about studying, earning, leisure, spending, and meeting your needs and wants. It also helps you plan for your future and future work.
- As a family member: it helps you understand the choices your family has to make.
- As a citizen: it helps you understand the country’s important economic issues.
Four ideas for wise decision-making
The module explains four concepts that help a person make rational decisions:
| Concept | Meaning in the module | Example from the module |
|---|---|---|
| Trade-off | Choosing or giving up one thing in exchange for another | Will you study or play? |
| Opportunity cost | The value of the best alternative you give up each time you decide | Choosing to study an economics lesson instead of watching a K-drama means giving up the show |
| Incentives | The benefit you get or receive if you choose something | Mergie studies harder to get a 90+ average because her parents promised her a cellphone |
| Marginal thinking | Weighing the additional cost or benefit you get from a decision | Ardie always thinks carefully about whether something will benefit him before deciding |
The module also notes that incentives offered by producers of goods and services can make people change their minds even after they have decided.
Parts of the module
- Alamin (learn): learning standards and an introduction to the lesson.
- Subukin (try): a 10-item multiple-choice pretest (Paunang Pagtataya).
- Balikan Natin (look back): Gawain 1, “Isip-Isip!” Learners study a picture of a smartphone, clothing, and school supplies and explain the importance of each.
- Tuklasin (discover): Gawain 2, “Which is which.” Learners choose between pairs of options and give reasons. The pairs include walking or riding a jeep to school, and watching K-drama or doing homework.
- Suriin (examine): the reading on the importance of economics and the four decision-making concepts.
- Pagyamanin (enrich): Gawain 3, a flow chart. Learners list the importance of studying economics as a learner, as a family member, and as a citizen.
- Isaisip (keep in mind): seven key points to remember.
- Panghuling Pagtataya: a multiple-choice post-test.
- Karagdagang Gawain (additional activity): Gawain 5, “Interview Portion.”
- Susi sa Pagwawasto: the answer key.
How to use this module
- Learners: Write all answers on a separate answer sheet, not on the module, so others can use it later. Take the pretest first to see what you already know. Then go through the parts in order and finish with the post-test. Use the answer key honestly to check your work. Contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: You may be part of the interview activity. The learner asks the father (as a citizen), the mother (as a family member), and a sibling (as a student) how economics helps them in daily life. The learner also asks whether they use trade-off, opportunity cost, incentives, and marginal thinking when they decide.
- Teachers: The interview is scored with a printed rubric with two criteria, Kaalaman sa Paksa (knowledge of the topic) and Organisasyon (organization), each rated from 1 to 4 points. The answer key gives answers for both tests. It marks the open-ended activities as “Iba-iba ang sagot” (answers may vary). Check the test keys against the items before using them for grading.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?
It is for Grade 9 (Ikasiyam na Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan). It is Module 2 and covers Aralin 2, Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay.
What is the learning competency of this module?
The learner assesses the importance of economics in the daily life of every family and of society. The competency code printed in the module is AP9MKE-Ia-2.
What is the difference between trade-off and opportunity cost?
A trade-off is choosing or giving up one thing in exchange for another. Opportunity cost is the value of the best alternative you give up when you make that decision.
What does marginal thinking mean in this module?
Marginal thinking is weighing the additional cost or benefit you will get from a decision before you make it.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest and the post-test. For the open-ended activities it says answers may vary.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
[illustration: students studying outdoors and at a table, a teacher, and a student holding a globe, with a lamp and a notebook]
CO_Q1_AP9_ Module2
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ariadne M. Sabellano Editor: Mohamar D. Rindo, Ryan G. Tulod, Nelson S. Lasagas Tagasuri: Alma L. Carbonilla, Ramel P. Cael Tagaguhit: Al R. Pastor, Juvey R. Mustapha, Katherine S. Suarin Tagalapat: Diosdado E. Epanto, Jr., Kimberly Cler G. Suarez Tagapamahala: Isabelita M. Borres, Eugenio B. Penales, Sonia D. Gonzales, Majarani M. Jacinto, Juliet A. Magallanes, Florencio R. Caballero, Alma D. Belarmino
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Ariadne M. Sabellano
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sap ag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa ihihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang Makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sap ag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kani na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan
ii
1
Alamin
[illustration: hand pointing with a finger, icon beside the heading]
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
| Pamantayang Pangnilalaman | Pamantayang Pagganap |
|---|---|
| Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. | Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. |
Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)
- Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Mga Pamantayan sa Pagkatuto
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
- Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan. AP9MKE-Ia-2
Bahagi na ng buhay ng tao ang pagdedesisyon mula sa mga simpleng bagay hanggang sa komplikadong sitwasyon. Araw-araw, gumagawa ang tao ng pagpapasya at pagpili kung alin sa kanyang mga pinagpipilian ang mahalaga at kapaki-pakinabang. Gumagawa ng mga pagpapasya ang mga tao dahil marami ang kanilang pangangailangan at walang katapusan ang kanilang kagustuhan ngunit limitado lamang ang pinagkukunang-yaman.
Ang gawaing ito ng tao ay may kaugnayan sa Ekonomiks mula sa pagpili niya sa kung anong produkto ang kanyang bibilhin patungo sa serbisyong kanyang kukunin. Higit pa sa pagtugon ng pangangailangan at kagustuhan, ang pag-aaral sa Ekonomiks ay may malaking maitulong sa bawat tao. Kaugnay nito, ano nga ba ang Ekonomiks? Ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na buhay ng tao?
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapaglalapat ng ng pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Gayun din ay iyong matataya ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay.
2
Subukin
[illustration: hand holding a pencil, icon beside the heading]
Panimulang Gawain: Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
Maraming tao ang naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa krisis dulot ng pandemya sa COVID-19. Bilang mag-aaral, paano mo matutulungan ang iyong pamilya sa pagharap ng krisis sa ekonomiya?
a. Ikaw ay magtatrabaho upang madagdagan ang kita ng iyong pamilya.
b. Maging masinop sa paggasta ng iyong pera at bilhin lamang ang pangunahing pangangailangan.
c. Hindi makikialam sa magiging desisyon ng iyong mga magulang sa usapin sa pera.
d. Pag-aaral lamang ang iyong aasikasuhin dahil hindi mo naman responsibilidad ang paghahanapbuhay sa kasalukuyan.Sa pag-aaral ng Ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan natin ang kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman.
b. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman.
c. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan.
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang pinagkukunang-yaman.Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksiyon sa Ekonomiks kaysa sa manood ng K-drama ng mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
| a. Incentives | b. marginal thinking | |
| c. opportunity cost | d. trade-off |
- Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti upang makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
| a. Incentives | b. marginal thinking | |
| c. opportunity cost | d. trade-off |
- Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang bagay kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
| a. Incentives | b. marginal thinking | |
| c. opportunity cost | d. trade-off |
3
- Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa paaralan dahil nanghihinayang siya sa maari niyang matutunan na leksiyon. Ang sitwasyon ay isang halimbawa ng aling konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
| a. Incentives | b. marginal thinking | |
| c. opportunity cost | d. trade-off |
Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala ng suliraning ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na pangunahing katanungan pang-ekonomiko. Ang “tradisyonal na paraan o paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pang-ekonomiko?
a. Ano-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
b. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?
a. magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap
b. makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa ekonomiya
c. makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi na magagamit mo para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap
d. magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa pagdedesisyon ng mga bagay-bagay sa araw-arawBilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng Ekonomiks?
a. nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika
b. nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pang-ekonomiya
c. nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo
d. naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag-iimpokMasaya si Lydia sa kanyang napiling baonan dahil maliban sa ito ay maganda at mura, eco-friendly pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives
b. Marginal Thinking
c. Opportunity Cost
d. Trade-off
4
Aralin 2: Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Balikan Natin
Gawain 1: Isip – Isip!
Panuto: Suriin ang larawan. Ibigay ang kahalagahan ng mga bagay na ipinakita sa larawan.
[illustration: a puzzled young woman with a question mark, linked by arrows to a smartphone, a clothing store display, and a box of school supplies]
Source: https://tinyurl.com/yyzd4dpc Source: https://tinyurl.com/ty8zjccv Source: https://tinyurl.com/2may5ucb Source: https://tinyurl.com/w33ubws
Pamprosesong Tanong
- Ano ang kahalagahan ng mga bagay na ipinakita sa larawan?
- Nakaranas ka na ba ng kahalintulad na sitwasyon? Ipaliwanag.
- Paano ka gumagawa ng desisyon sa isang sitwasyon na kailangan mong pumili?
Tuklasin
Gawain 2: Which is which
Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ikaapat na kolum ang dahilan ng iyong naging pasya. Ilagay sa buong sagutang papel ang iyong sagot.
| Option A | Option B | Desisyon | Dahilan |
|---|---|---|---|
| 1. Paglalakad papunta sa paaralan | Pagsakay ng jeep o tricycle papunta sa paaralan | ||
| 2. Paggawa ng gawaing bahay | Pagpasok sa klase | ||
| 3. Pananaliksik sa aklatan | Pamamasyal sa parke | ||
| 4. Panonood ng K-drama | Paggawa ng takdang-aralin |
Pamprosesong Tanong
- Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?
- Ano ang naging batayan mo sa iyong ginawang desisyon? Naging makatuwiran ka ba sa iyong pasya?
Suriin
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Sa parteng ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng karagdagang mahahalagang ideya sa Ekonomiks. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang babasahin at gawain upang masagot mo kung ano ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.
Mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang mag-aaral at maging sa mga kasapi ng pamilya at lipunan.
Maaari mo ring magamit ang kaalaman sa Ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan. Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal
thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desisyon. Sa paggawa ng matalinong pagdedesisyon, nagaganap ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Ito ay tinatawag na trade off. Ang trade-off ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?
Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may opportunity cost. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Subalit minsan, kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay dahilan sa mga insentibo na iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at serbisyo. Ang incentives ay tumutukoy sa pakinabang na makukuha o matatanggap mo kung pipiliin mo ang isang bagay.
Ang marginal thinking naman ay ang pagsuri ng isang indibidwal sa karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ay maaari mong magamit ang kaalaman sa alokasyon at pamamahala.
Pamprosesong Tanong:
- Ano-ano ang naidudulot ng Ekonomiks?
- Bakit dapat matutuhan ng isang mag-aaral ang Ekonomiks at ano ang kaugnayan nito sa paggawa ng desisyon?
Pagyamanin
Gawain 3: Flow Chart
Panuto: Isa-isahin ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks batay sa gampanin ng isang tao. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[chart: flowchart; Gawain 3: Flow Chart]
- Kahalagahan ng Pag-aaral ng Ekonomiks
- Bilang Mag-aaral
- Bilang Miyembro ng Pamilya
- Bilang Mamamayan ng Lipunan
- Bilang Mag-aaral
Isaisip
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
- Magagamit ang kaalaman sa Ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
- Mapapayabong mo ang iyong pag-aaral sa pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan na maari mong magamit sa kaalaman mo sa alokasyon at pamamahala.
- Ang kaalaman mo sa Ekonomiks ay makatutulong sa pagbuo ng matalinong desisyon.
- Magagamit mo ang kaalaman sa Ekonomiks upang maunawaan ang mga mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.
- Sa paggawa ng matalinong desisyon, mahalagang isaalang-alang at suriin ang trade-off, opportunity cost, incentive at marginal thinking ng mga pamimilian o choices.
- Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Ang incentives ay tumutukoy sa pakinabang na makukuha o matatanggap mo kung pipiliin mo ang isang bagay. Ang marginal thinking naman ay ang pagsuri ng isang indibidwal sa karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
- Mahalagang pag-aralan ang Ekonomiks dahil ang mga kaalamang matutunan mo rito ay makakatulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.
Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti upang makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
- A. Incentives
- B. marginal thinking
- C. opportunity cost
- D. trade-off
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang Ekonomiks?
- A. magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap
- B. makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa ekonomiya
- C. makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi na magagamit mo para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap
- D. magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa pagdedesisyon ng mga bagay-bagay sa araw-araw
Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng Ekonomiks?
- A. nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika
- B. nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pang- ekonomiya
- C. nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo
- D. naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag-iimpok
Masaya si Lydia sa kanyang napiling baonan dahil maliban sa ito ay maganda at mura, eco-friendly pa. Ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
- A. Incentives
- B. marginal thinking
- C. opportunity cost
- D. trade-off
Maraming tao ang naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa krisis dulot ng pandemya sa COVID-19. Bilang mag-aaral, paano mo matutulungan ang iyong pamilya sa pagharap ng krisis sa ekonomiya?
- A. Ikaw ay magtatrabaho upang madagdagan ang kita ng iyong pamilya.
- B. Maging masinop sa paggasta ng iyong pera at bilhin lamang ang pangunahing pangangailangan.
- C. Hindi makikialam sa magiging desisyon ng iyong mga magulang sa usapin sa pera.
- D. Pag-aaral lamang ang iyong aasikasuhin dahil hindi mo naman responsibilidad ang paghahanapbuhay sa kasalukuyan.
Sa pag-aaral ng Ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan natin ang kakapusan?
- A. hindi tamang paggamit ng likas na yaman
- B. masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman
- C. mapaminsalang kalamidad na nararanasan
- D. walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang pinagkukunang-yaman
[transcriber’s note: the item numbered 7 does not appear on this page; the numbering goes from 6 to 8 as printed]
Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala ng suliraning ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko. Ang “tradisyonal na paraan o paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pang-ekonomiko?
- A. Ano-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
- B. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
- C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
- D. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang bagay kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
- A. Incentives
- B. marginal thinking
- C. opportunity cost
- D. trade-off
Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa paaralan dahil nanghihinayang siya sa maari niyang matutunan na leksiyon. Ang sitwasyon ay isang halimbawa ng aling konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
- A. Incentives
- B. marginal thinking
- C. opportunity cost
- D. trade-off
Karagdagang Gawain
Gawain 5: Interview Portion
Panuto: Gumawa ng interview sa mga angkop na tao sa iyong pamamahay batay sa kanilang gampanin. Itanong mo sa kanila kung paano nakatulong ang kaalaman nila sa Ekonomiks sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Alamin kung madalas ba nilang ginagamit ang konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentive at marginal thinking sa paggawa ng desisyon.
| Taong Tatanungin | Mga Sagot |
|---|---|
| Ama (bilang isang mamamayan sa lipunan) | |
| Ina (bilang isang miyembro ng pamilya) | |
| Kapatid (bilang isang mag-aaral |
RUBRIK sa Pagmamarka
| KRITERYA | 4 pts | 3 pts | 2 pts | 1 pts |
|---|---|---|---|---|
| Kaalaman sa Paksa | Ang pangunahing kaalaman ay nailahad at naibigay ang kahalagahan. | Ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad subalit hindi wasto ang ilan. | Hindi lahat ng pangunahing kaalaman ay nailahad | Ang pangunahing kaalaman ay hindi nailahad at natalakay. |
| Organisasyon | Organisado ang mga paksa at maayos ang presentasyon. | Organisado ang paksa subalit hindi maayos ang presentasyon. | Hindi masyadong organisado ang paksa at presentasyon | Hindi organisado ang paksa at presentasyon |
Susi Sa Pagwawasto
Paunang Pagtataya [?]
- B
- D
- D
- A
- B
- C
- B
- C
- B
- B
Panghuling Pagtataya [?]
- A
- C
- B
- B
- B
- D
- D
- B
- B
- C
Tuklasin: Gawain 2
- Iba-iba ang sagot
- Iba-iba ang sagot
- Iba-iba ang sagot
- Iba-iba ang sagot
Baliikan Natin: Gawain 1
- Iba-iba ang sagot
- Iba-iba ang sagot
- Iba-iba ang sagot
Pagyamanin: Gawain 3
- Bilang Mag-aaral – Iba-iba ang sagot
- Bilang Miyembro ng Pamilya – Iba-iba ang sagot
- Bilang Mamamayan ng Lipunan – Iba-iba ang sagot
Isagawa: Gawain 4
Iba-iba ang sagot
Karagdagang Gawain: Gawain 5
Iba-iba ang sagot
Mga Sanggunian
“[Boutique].” Image. https://c1.wallpaperflare.com/preview/381/822/336/boutique-shopping-clothing-exhibition-dresses.jpg.
Buising, Martiniano, Balitao, Bernard, De Guzman, Apollo., Lumibao, Juanito, Mateo, Alex, and Mondejar, Irene. Ekonomiks: Araling panlipunan modyul para sa mag-aaral, 1st ed. Philippines: Vibal Group, Inc., 2015.
Case, Karl, Fair, Ray, and Oster, Sharon. Principles of economics, 10th ed. Boston, MA: Prentice Hall, 2012.
Jeanvdmeulen. “[Cellular phone].” Image. 2020. https://pixabay.com/fi/photos/black-liiketoiminta-solu-4766998/.
Jimmie. “[School supplies].” Image. 2011. https://www.flickr.com/photos/jimmiehomeschoolmom/5988282787.
Mankiw, Nicholas. Principles of economics, 3rd ed. New York, USA: The Dryden Press, 1997.
Tumisu. “[Woman with a question mark].” Image. 2018. https://pixabay.com/fi/photos/kysymys-ep%C3%A4selviss%C3%A4-ongelma-mark-3385451/.
Viloria, Evelina, Rillo, Julia, and Lim, Alice. Ekonomiks: Batayang aklat para sa ikaapat na taon. Quezon City: SD Publication, 2000.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply