This is the first self-learning module (SLM) in Economics (Ekonomiks) for Grade 9 Araling Panlipunan, Quarter 1. Its title, “Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay,” means the meaning of economics in everyday life. It was prepared by DepEd Region IX under the Alternative Delivery Mode for learners studying at home. It helps them see how economics shapes the choices they make as students, family members, and members of society.
On this page 7 sections
What learners will learn
Content standard (Pamantayang Pangnilalaman): Learners understand the basic concepts of economics as a foundation for wise and progressive daily living.
Performance standard (Pamantayan sa Pagganap): Learners apply their understanding of these basic concepts in wise and progressive daily living.
Learning competency (Pamantayan sa Pagkatuto):
- Apply the meaning of economics to daily life as a student and as a member of the family and society (Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan). AP9MKA-Ia-1
The module sets out to answer three questions: What is economics, and what are its branches? Why is economics important to a country? How can the concepts and principles of economics help families, industries, and the whole nation progress?
What economics means
The module defines economics as a branch of social science that studies how to meet people’s seemingly endless needs and wants using limited resources. The word comes from the Greek oikonomia, made up of oikos (house) and nomos (management). So economics is, at its root, “managing the household.”
The module compares a household to a national economy. Both make decisions and plan how to divide limited resources among many needs. A household decides how much to spend on food, water, shelter, and other things that bring the family happiness.
Scarcity and the four basic economic questions
Scarcity (kakapusan) exists because resources are limited while human needs and wants never end. Natural resources can run out and may not be replaced. Capital, such as machines, buildings, and equipment, can only produce so much. Because of scarcity, every community must answer four basic economic questions:
- Ano ang gagawin? (What will be produced?)
- Paano gagawin? (How will it be produced?)
- Para kanino? (For whom?)
- Gaano karami? (How much?)
The module stresses that scarcity is a daily problem not only for communities and households but for every person, including students.
Key concepts for wise decisions
The module introduces four ideas that help a person make rational decisions. It uses one example throughout: will you study or play?
| Concept | Meaning in the module |
|---|---|
| Trade-off | Choosing or giving up one thing in exchange for another. Studying means giving up play, and the reverse. |
| Opportunity cost | The value of the best alternative you give up when you decide. The opportunity cost of playing is the value of the studying you put off. |
| Incentives | Offers from producers of goods and services that can make people change their minds even after deciding. |
| Marginal thinking | “Rational people think at the margin”: weighing the extra cost or benefit of a decision, such as extra allowance or a higher grade. |
The module’s summary (Isaisip) adds that economics focuses on solving people’s economic problems, especially raising the standard of living of families and the whole country. It also helps people choose and decide correctly.
Activities in the module
- Gawain 1: Handa Ka Na Ba? Rank four things happening at once, such as burning rice, rain on the laundry, a ringing phone, and a crying baby sibling.
- Gawain 2: Sandaling Isipin Explain whether you can do them all at once and how you chose what to do first.
- Gawain 3: Over Slept Interpret a cartoon of a boy who woke up late on a Monday.
- Gawain 4: Baitang ng Pag-unlad Write what you already know about economics in your daily life.
- Gawain 5: Mind Mapping Arrange the concepts “Ekonomiks,” endless needs and wants, and scarcity of resources into a mind map.
- Gawain 6: Pagsulat ng Repleksiyon Write a short reflection, scored with a rubric.
- Gawain 7: Iguhit Mo! Draw something at home that seems to be an endless need of your family.
- Gawain 8: Pagbuo ng Katha Write a short story, song, poem, or essay about the meaning of economics, scored with a rubric.
How to use this module
- Learners: Start with the 10-item pretest (Subukin), then work through the parts in order: Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, the 10-item post-test (Tayahin), and Karagdagang Gawain. Write all answers on separate paper and do not mark the module, so others can use it. Check your work honestly with the answer key (Susi ng Pagwawasto) at the end.
- Parents and guardians: Help your child keep to the order of the parts. Talk through the everyday examples, such as choosing between study and play, using your own household decisions.
- Teachers: Use the pretest to find learners who need extra help. Many activities accept varied answers, and the reflection and creative tasks come with rubrics for grading.
Learners who have trouble understanding the lesson should contact their teacher right away, as the module advises.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 9 Araling Panlipunan, Quarter 1. It is Module 1, the first Economics module of the year.
What is the competency code of this module?
The module covers competency AP9MKA-Ia-1: applying the meaning of economics to daily life as a student and as a member of the family and society.
Where does the word economics come from?
The module explains that it comes from the Greek word oikonomia, from oikos (house) and nomos (management), meaning management of the household.
What is opportunity cost?
Opportunity cost is the value of the best alternative you give up when you make a decision. In the module’s example, the opportunity cost of playing is the value of the studying you put off.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi ng Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the post-test, and the mind map activity, and notes which activities accept varied answers.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
[illustration: learners studying in different settings, including under a tree, at a desk, and beside a lamp, with a globe in the foreground]
CO_Q1_AP9_ Module1
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Kahalagahan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | Zarah S. Hilot, Doriejane C. Enricuso, Claire N. Lagrosa |
| Editor: | Mohamar D. Rindo, Kimberly Cler G. Suarez, Nelson S. Lasagas |
| Tagasuri: | Alma L. Carbonilla, Ramel P. Cael |
| Tagaguhit: | Junard E. Sagape |
| Tagalapat: | Evelyn H. Fernandez, Ryan G. Tulod |
| Tagapamahala: | Isabelita M. Borres Eugenio B. Penales Sonia D. Gonzales Majarani M. Jacinto Juliet A. Magallanes Florencio R. Caballero Alma D. Belarmino |
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: region9@deped.gov.ph
9
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Zarah S. Hilot, et. al.
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa ihihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
| Pamantayang Pangnilalaman | Pamantayan sa Pagganap |
|---|---|
| Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. | Ang mga-aaral ay naisasabuhay ang mga pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. |
Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin)
Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Mga Pamantayan sa Pagkatuto
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan. AP9MKA-Ia-1
Narito ka ngayon sa unang modyul ng Ekonomiks sa ikasiyam na antas ng mataas na paaralan. Ano-ano ang sumasagi sa iyong isipan kung susuriin mo ang katagang ekonomiks? Marahil ang una mong maiiugnay sa salitang iyan ay pagnenegosyo. Pangalawa, pagbabadyet at pagpapalago ng kita ng pamilya. Pangatlo, ay ang pagkakaroon ng trabaho at sapat na kita ng mga mamamayan na sumasagisag sa katatagan at kaunlaran ng bansa. Araw-araw ay gumagawa ng desisyon ang tao mula sa simple hanggang sa pinakakumplikado. Nagpapasya siya kung ano at alin ang higit na mahalaga sa marami niyang pamimilian. Bata man o may edad, basta’t may pangangailangan at kagustuhan na kailangan mapunan ay masasabing maiuugnay ang kaniyang sarili sa Ekonomiks. Kumakain at umiinom ang tao araw-araw, ang kanin na kanyang kinakain ay nagmula sa palay na itinanim ng mga magsasaka, ibinenta sa pamilihan, at binibili ng mga tao. Ang ulam tulad ng isda ay hinuhuli ng mga mangingisda, dinadala sa mga pamilihan, at binibili ng mga tao.
Sa kabila ng lahat mapapansin na mayroong kaayusang nag-uugnay sa bawat isa. Halos lahat ng produkto at serbisyo na dumarating sa mga tindahan ay tila isang palaisipan kung saan nagmula at kung paano naihahatid sa mga tao mula sa lumikha nito. Mas madalas nga, hindi mo pa nararating ang lugar kung saan nagmula ang produkto at serbisyong kinukonsumo mo. Kaugnay nito, naisip mo ba kung ano ang ekonomiks, at ano ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay?
Sa modyul na ito liliwanagin ang katuturan at kahalagahan ng ekonomiks bilang agham panlipunan. Sasagutin dito ang mga sumusunod na tanong: Ano nga ba ang ekonomiks at ang mga sangay nito? Bakit mahalaga ang ekonomiks sa isang bansa? Paano makatutulong sa pamamahala ng kaunlaran ng pamilya, mga industriya, at ng buong bansa ang mga konsepto at prinsipyo sa ekonomiks?
Subukin
Panimulang Gawain: Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikos at nomos, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay ___________________.
- A. pamamahala ng negosyo
- B. pakikipagkalakalan
- C. pamamahala ng tahanan
- D. pagtitipid
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
- A. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan
- B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
- C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao
- D. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao
May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat?
- A. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
- B. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
- C. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
- D. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil _______________________.
- A. limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
- B. sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
- C. sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
- D. likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
- A. dinadaluhang okasyon
- B. kagustuhang desisyon
- C. opportunity cost ng desisyon
- D. tradisyon ng pamilya
Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:
- A. tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon
- B. naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon
- C. sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon
- D. ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan
Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
- A. maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap
- B. maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa
- C. mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita
- D. makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa
Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
- A. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
- B. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
- C. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
- D. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
- A. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
- B. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
- C. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kaya’t dapat ipagpatuloy ang produksiyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
- D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks? Ito ay ____
- A. matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap
- B. ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon
- C. ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan
- D. ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan
Aralin 1
Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Balikan Natin
Gawain 1: Handa Ka Na Ba?
Panuto: Katatapos mo lang maligo nang biglang mangyari ng sabay-sabay ang sumusunod na mga pangyayari. Ano ang iyong uunahin? Lagyan ng bilang 1 ang una hanggang 4 ang pinakahuli. Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.
_____ Biglang umulan at nakasampay sa likod-bahay ang iyong mga nilabhan
_____ Naamoy mo ang nasusunog na sinaing
_____ Narinig mo na nag-ring ang iyong cellphone
_____ Umiyak ang iyong inaalagaang sanggol na kapatid
Tuklasin
Gawain 2: Sandaling Isipin
Panuto: Batay sa naunang mga sitwasyon, sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
- Maaari mo bang gawin ang mga sumusunod ng sabay-sabay? Pangatwiran ang sagot.
Sagot:_____
_____.
- Ano ang batayan sa iyong pagpili kung anong gagawin ang uunahin?
Sagot:_______________________________________________________________________
_____________________________________________.
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya tungkol sa ekonomiks. Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang gagabay ito sa iyo upang masagot kung ano ang kahulugan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng gawain na nasa ibaba.
Gawain 3: Over Slept
Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba at bigyan ito ng sariling interpretasyon.
[illustration: cartoon of a startled boy in bed beside an alarm clock, with a wall sign reading “MON”]
Iginuhit ni: Marc Neil Vincent Marasigan Oriental Mindoro NHS
Pamprosesong Tanong:
- Ano ang ipinapakita sa larawan?
- Nalagay ka na ba sa sitwasyong katulad ng nasa larawan? Sa anong uri ng sitwasyon? Ipaliwanag
- Paano ka gumagawa ng desisyon kapag nasa gitna ka ng maraming sitwasyon at kailangan mong pumili? Ipaliwanag
Gawain 4: Baitang ng Pag-unlad
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang pauna mong kaalaman kung ano ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan.
Ano ang kahulugan ng Ekonomiks sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan?
INITIAL NA KAALAMAN
Suriin
Matapos mong ma-organisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan nang mas malalim ang konsepto ng ekonomiks.
Sa parteng ito ng modyul ay iyong lilinangin ang mga kaisipan o kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng mahahalagang ideya tungkol sa Ekonomiks. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang babasahin at gawain upang masagot mo kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay bilang isang mag-aaral kasapi ng pamilya at lipunan. Halika at umpisahan na ang masayang pagbabasa at pang-unawa sa paksa.
KAHULUGAN NG EKONOMIKS
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na nagmula naman sa dalawang salita: ang oikos ay nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala (Viloria, 2000).
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw, 1997). Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasiya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pamilya.
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano
karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan sa suliranin sa kakapusan. May kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat. Tingnan ang pigura sa ibaba.
[chart: flowchart; KAKAPUSAN (untitled)]
KAKAPUSAN
- Ano ang gagawin?
- Paano gagawin?
- Para kanino?
- Gaano karami?
Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng Ekonomiks ay pang-araw-araw na suliraning kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng bawat indibidwal pati ang mga mag-aaral na katulad mo.
MAHALAGANG KONSEPTO SA EKONOMIKS
Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choices. Sa pagproseso ng pagpili mula sa mga choices, hindi maiiwasan ang trade-off. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang trade-off, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?
Sa ginagawang pagsasakripisyo ay may opportunity cost. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon (Case, Fair at Oster, 2012). Ang opportunity cost ng paglalaro sa naunang halimbawa ay ang halaga ng pag-aaral na ipinagpalibang gawin.
Mahalagang makabuo ng matalinong desisyon sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian, subalit minsan kahit nakabuo na ng desisyon ay hindi pa rin maiiwasang magbago ng isip sa bandang huli. Ito ay dahilan sa mga insentibo na iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at serbisyo.
May kasabihan sa Ekonomiks na “Rational people think at the margin.” Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa gagawing desisyon sa pagitan ng pag-aaral at paglalaro, karagdagang allowance at mataas na marka ay masasabing maaaring maging matalino sa paggawa ng desisyon ang isang tao.
Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desisyon. Tingnan ang pigura sa ibaba.
[chart: flowchart; untitled; four concepts (Opportunity Cost, Trade-Off, Marginal Thinking, Incentives) with arrows pointing to “Matalinong Pagdedesisyon”]
Pamprosesong Tanong
- Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang mga konsepto ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking?
- Sa iyong palagay, kailan masasabing matalino ang pagdedesisyong ginawa ng tao?
Pagyamanin
[illustration: hand stacking blocks]
Gawain 5. Mind Mapping
Panuto: Isaayos ang ginulong pigura ng mind map. Isulat sa text box ang mga konseptong nakalahad sa talahanayan sa ibaba. Gamiting batayan sa pagbuo ang arrows at lines.
| Mga Konsepto | ||
|---|---|---|
| Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao | Ekonomiks | Kakapusan sa pinagkukunang-yaman |
Mind Map na Batayang Katotohanan sa Pag-aaral ng Ekonomiks
[chart: mind map; titled “Mind Map na Batayang Katotohanan sa Pag-aaral ng Ekonomiks”; four empty text boxes connected by arrows and lines]
Isaisip
Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:
➢ Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan na tungkol sa paggamit at alokasyon o pamamahagi ng mga kapos na pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makalikha ng pinakamahusay at de-kalidad na mga produkto at serbisyong makatutugon sa paparaming pangangailangan at hilig ng tao sa paraang pinakamatipid at pinakamabisa.
➢ Ang pokus o diwa sa pag-aaral ng Ekonomiks ay kung paano tutugunan ang mga suliranin at pangangailangan ng mga tao sa lipunan kaya’t ito’y nabibilang sa agham panlipunan. Sinusuri at tinatalakay sa agham na ito ang mga suliraning pangkabuhayan lalung-lalo na iyong may kinalaman sa pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng bawat pamilya at ng buong bansa.
➢ Sa pag-aaral ng Ekonomiks, inuunawa ang mga konsepto at suliranin ng kakapusan at paparaming pangangailangan at hilig-pantao, alokasyon, alternatibong desisyon, at pamamahala ng mga gawaing pamproduksiyon at pangkalahatang kaunlaran.
➢ Ang pag-aaral ng Ekonomiks ay nakatutulong upang magkaroon ng tamang pagpapasiya at pagpili ang tao.
Isagawa
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa kahulugan ng ekonomiks. Kinakailangan ang mas malalim na pagtatalakay sa kahalagahan ng ekonomiks upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong natutuhan.
Gawain 6: Pagsulat ng Repleksiyon
Panuto: Sumulat ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan at reyalisasyon sa kahulugan ng Ekonomiks sa iyong buhay bilang mag-aaral, bilang kasapi ng pamilya at lipunan.
RUBRIK SA PAGTATAYA NG REPLIKSIYON
| Dimensiyon | Napakahusay (20 puntos) | Mahusay (15 puntos) | Katamtaman (10 puntos) | Nangangailangan ng Pagpapabuti (5 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Buod ng aralin, paksa, o gawain | Maliwanag at kumpleto ang pagbuod ng araling tinalakay | Maliwanag subalit may kulang sa detalye sa paksa | Hindi gaanong maliwanag at kulang sa detalye | Hindi maliwanag at marami ang kulang sa mga detalye |
| Presentasyon ng pagkakasulat | Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya | Hindi paligoy-ligoy ang pagkakasulat | Angkop ang mga salitang ginagamit | Malinis ang pagkakasulat |
Tayahin
Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
- A. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan
- B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
- C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao
- D. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao
May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat?
- A. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
- B. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
- C. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
- D. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil _____.
- A. limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
- B. sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
- C. sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
- D. likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
Ang salitang Ekonomiks ay galing sa salitang oikos at nomos, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay _____.
- A. pamamahala ng negosyo
- B. pakikipagkalakalan
- C. pamamahala ng tahanan
- D. pagtitipid
Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks?
- A. Maisasaulo ang mga konsepto sa Ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
- B. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
- C. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
- D. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks.
Malaki ang bahaging ginagampanan ng Ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
- A. Sa tulong ng pagsusuri sa Ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
- B. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
- C. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
- D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
Ano ang pinakamahalagang layunin ng Ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
- A. maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap
- B. maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa
- C. mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita
- D. makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa
Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
- A. dinadaluhang okasyon
- B. desisyon
- C. opportunity cost ng desisyon
- D. tradisyon ng pamilya
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks? Ito ay ____.
- A. matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap
- B. ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon
- C. ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan
- D. ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan
Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay:
- A. tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon
- B. naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon
- C. sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon
- D. ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan
Karagdagang Gawain
Gawain 7: Iguhit Mo!
Panuto: Tingnan mo ang iyong paligid sa inyong bahay, iguhit ang bagay na sa tingin mo ay tila walang katapusan na pangangailangan mo at ng iyong pamilya.
Sagot:
Gawain 8: Pagbuo ng Katha
Panuto: Bumuo ng maikling katha, kanta, tula o sanaysay na naglalarawan sa kahulugan at konsepto ng ekonomiks.
Sagot:
Rubriks sa Pamantayan ng Pagmamarka
| Kriterya | Napakalinaw ang Pagkakabuo (15 puntos) | Lubhang malinaw ang pagkakabuo (10 puntos) | Hindi malinaw ang pagkakabuo (5puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | |||
| Mensahe | |||
| Pagkakabuo |
Susi ng Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; it is transcribed below in upright reading order]
SUBUKIN:
Paunang Pagtataya
- C
- A
- D
- A
- C
- B
- B
- C
- D
- D
BALIKAN
Gawain 1
Answers (may vary)
TUKLASIN
Gawain 2
(Tanggapin ang iba’t-ibang tugon ng mga mag-aaral)
Gawain 3
- Ipinapakita sa larawan ang isang batang nagmamadali dahil araw ng Lunes at tanghali na siyang nagising.
- (Tanggapin ang iba’t-ibang tugon ng mga mag-aaral)
- (Tanggapin ang iba’t-ibang tugon ng mga mag-aaral)
Gawain 4
(Tanggapin ang iba’t-ibang tugon ng mga mag-aaral)
PAGYAMANIN
Gawain 5
[chart: concept map; Gawain 5]
- Ekonomiks
- Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
- Kakapusan sa pinagkukunang-yaman
Tayahin
- A
- D
- A
- C
- C
- D
- B
- C
- D
- B
Mga Sanggunian
Balitao, Bernard. Ekonomiks: Araling panlipunan modyul para sa mag-aaral. Philippines: Vibal Group, Inc., 2015.
Case, Karl, Fair, Ray, and Oster, Sharon. Principles of economics, 10th ed. Boston, MA: Prentice Hall, 2012.
Department of Education. “Ekonomiks: Araling panlipunan modyul para sa mag-aaral.” Accessed 2020. https://sportdocbox.com/Cheerleading/91196940-Ekonomiks-araling panlipunan-modyul-para-sa-mag-aaral-yunit-i.html.
Mankiw, Nicholas. Principles of economics, 3rd ed. New York, USA: The Dryden Press, 1997.
Viloria, Evelina, Rillo, Julia, and Lim, Alice. Ekonomiks: Batayang aklat para sa ikaapat na taon. Quezon City: SD Publication, 2000.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply