Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang antas ng pag-unlad sa kultura ng sinaunang tao sa panahon ng prehistoriko.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.
May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Yugto ng Pagunlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko na nahahati sa sumusunod na paksa:
- Paksa 1: Panahon ng Bato
- Paksa 2: Panahon ng Metal
Pamantayang Pangnilalaman
- Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
Pamantayan sa Pagganap
- Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
- Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko. (AP8HSK-If-6)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
- nasusuri ang timeline ng yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko;
- naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga gawaing prehistoriko sa kasalukuyang panahon;
- nakapagtala ng mga gamit o kasangkapan sa panahong prehistoriko na patuloy pa ring ginagamit sa kasalukuyan; at
- nakabubuo ng konklusyon sa epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan, epekto ng agrikultura sa pamumuhay ng tao, at higit na pagunlad ng tao dahil sa paggamit ng metal.